Chapter 7: Pink

CHAPTER 7: PINK

SORCHA'S POV

Nakalimutan ko ang isang napakaimportanteng bagay. This man who oohed and ahhed at every plant we saw is famous. He's popular enough that he's easily recognized by people no matter what age or gender, but I'm sure that even if they haven't watched any of his movies, they will soon.

"Ineng, ikaw ba iyong kasama ni Daze Henderson?" Napakamot siya sa pisngi. "Nakakaintindi ka ba ng Tagalog?"

Inalis ko ang atensyon ko kay Daze na kasalukuyang napapalibutan ng mga turista na itinigil talaga ang mga sasakyan nila sa tabi ng daan kung saan nandoon kami para lang makapagpa-picture sa kaniya.

"Opo, kasama po ako ni Daze. " Nang may maisip ako ay kaagad na dinugtungan ko ang sinabi ko. "Katrabaho niya lang po ako."

Namilog ang mga mata ng matandang babae. "Artista ka rin?"

"Ay hindi—"

"Aba hindi na nakakapagtaka eh keganda mong bata. Bagay kayo niyang si Daze. Ang gaganda siguro ng magiging mga anak ninyo."

Sunod-sunod na napakurap ako. Ano raw? I'm not even friends with Daze and yet she's talking about our future children as if that is possible. And she called me beautiful.

"Hindi po ako artista. Naghahanda po kasi siya sa bago niyang pelikula. Isa po ako sa—" I thought of how to explain it to her without divulging Daze's latest project. Sigurado kasing hindi pa nila 'yon pinapaalam sa mga tao. "—tumutulong sa kaniya para mag-prepara para sa role niya."

Tumatango-tangong nilingon niya ang lalaki. "Napakatalentadong bata, ano? Bukod sa gwapo ay magaling siya talagang artista."

"Umm... opo?" Naging patanong ang naging sagot ko pero mukha namang hindi napansin ng matanda. Wala pa naman kasi akong napapanood na pelikula ni Daze. Wala nga akong time minsan matulog. Manood pa kaya?

"Ano nga palang hanap mo, ineng?"

Itinuro ko ang halaman na nakakuha ng atensyon ko kaya pinahinto ko kay Daze ang sasakyan niya sa tabi ng daan. "Iyong Medusa's Head po—" Bumuntong-hininga ako. Who am I kidding? The way I am with plants is how some are when it comes to their favorite books, makeup, or musicians. "Bigyan niyo na pala po ako lahat ng iba't ibang klase ng Tillandsia."

I've been planning on making a terrarium out of different kinds of Tillandsia. Medusa's Head, or Caput Medusae, is one of its types, which I really like since it looks interesting.

"Dalawa po no'ng Tillandsia Ionantha. Pakihiwalay na lang po iyong isa."

Lumiwanag ang mukha ng matanda. It's probably one of her biggest sales this week. While I support popular plant farms like Green Pulp, I also do the same for small shops like this one. Mas mahirap kasi sa kanilang makabenta lalo na sa mga panahon ngayon na ang daming nagiging trending na mga business na talaga namang dinadayo dahil sa social media. Sidewalk vendors rarely have an online presence, so it's more difficult for them when it comes to sales.

Napalingon ako sa kinaroroonan ni Daze nang makarinig ako ng impit na tilian. Mayroon na naman kasing sasakyan ang tumabi at ngayon ay bumababa ang mga sakay no'n para makigulo rin sa lumalaki ng dami ng mga tao na nakapalibot sa lalaki.

As if feeling my gaze, he looked in my direction. Nanatili siyang nakangiti pero kita ko ang paghingi ng soklolo sa mga mata niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at binayaran ko ang mga pinamili ko at sinabihan ko ang tindera na itago mula. Pagkatapos ay nilapitan ko ang kinaroroonan ng lalaki. I manage to squish myself into the crowd and grab Daze's shirt. Malakas na hinila ko siya dahilan para mapaatras siya.

He looks like a giant tower about to fall down, but I pushed him as hard as I pulled him so that he could regain his balance.

He had a bewildered expression when he looked at me. Bahagyang nagulo ang damit niya na para bang nakipag-away siya. The other is almost even baring one of his shoulders. "Bakit parang may kasamang galit ang pagtulong mo sa akin?" pabulong na tanong niya.

"Guni-guni mo lang 'yan."

Inayos niya ang t-shirt niya at pinaikot ko ang mga mata ko nang parang birhen na pa-krus niyang iniyakap sa sarili niya ang mga kamay niya.

"Are we leaving? Nabili mo na ba ang kailangan mo?"

Hindi ko siya nagawang sagutin nang maramdaman ko ang mabibigat na tingin na nakatuon sa amin. I looked at the crowd and I found them openly staring at us. May iba pa na masama ang pagkakatingin sa akin na para bang gusto nila akong silaban ng buhay.

"Daze girlfriend mo ba 'yan? Anong pangalan niya? Anong trabaho?"

"Saan nakatira? Anong background? Baka naman ginagamit ka lang niyan—"

Wow. Uso ba talaga sa mga fan ang overthinker?

Itinaas ko ang isa kong kamay. "I am not his girlfriend, nor will I ever be."

"Bagong assistant ka?" tanong ng isang babae na mukhang kaka-graduate pa lang sa pagiging menor de edad. "Anong feeling na nakikita siya araw-araw?"

Para namang choice ko na makita siya lagi. "I'm not his assistant. I'm his... mentor, I guess."

Namumula ang mukha na humakbang palapit ang isang babae na pwede ko ng maging nanay at dinuro ako. "Anong itinuturo mo sa kaniya? Baka kino-corrupt mo na ang Daze namin."

If that is the case then it's not my fault. Malay ko ba kung sino-sino ang hinarot ng idol nila.

I opened my mouth to speak, but Daze chose that moment to grab me by the hand, earning us a lot more angry faces. Bahagya niya akong hinila para itago sa likod niya pero pumiksi ako at pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Like I've said, I'm his mentor. I can't say anything about it because I'm not allowed to."

"Sigurado kang hindi mo pineperahan ang Daze namin?" tanong ng maliit na lalaki na mas mapilantik pa ang mga kamay kesa sa akin. "Ganoon ang ginawa sa kaniya ng dati niyang assistant."

"And his first manager," another woman said.

"Iyong first agency niya rin," dagdag ng isa pa.

Sandaling tinapunan ko si Daze na napapakamot sa ulo niya bago ko muling binalingan ang fans niya. "Marami akong pera. Hindi ko kailangan ng pera niya."

Humalukipkip ang isang magandang babae na ayos na ayos na mukhang galing sa isang okasyon. "Why? What do you do for a living?"

"None of your business." She gasped dramatically as if she had never been spoken to the way I just did. Good. Dapat niya talagang ma-experience.

Malakas na pumalakpak ako at tumuro ako. "Sa mga gustong magpa-picture pa, dito ang pila. Pero kailangan may dala kayong produkto ni nanay doon. Ang hindi bumili ng above one hundred fifty pesos hindi pwedeng pumila." Nang nanatiling nakatulala lang sila sa akin ay tinaasan ko sila ng kilay. "May kasamang video na binabanggit ni Daze ang pangalan niyo."

Nag-uunahan na nilapitan nila ang kinaroroonan ng mga paninda ni nanay na tuwang-tuwa na inasikaso naman sila.

"Bakit pakiramdam ko binenta mo ako sa halagang one hundred fifty pesos?"

I glanced at the man. "Kung binenta kita dapat may porsyento ako." I tipped my chin towards his fans. "Napasaya mo na si nanay, nakapag-fan service ka pa."

"Ikaw? Hindi ka ba magpapapicture sa akin? Sure ako na bumili ka ng halaman. Baka mas marami pa nga ang nabili mo."

"Aanhin ko ang picture mo?" balik na tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya. "Lahat pwede mong gawin."

"Unless I can light some candles in front of your picture, and learn how to use a voodoo doll, no thanks."

Ngumuso siya pero hindi na niya nagawang makaimik pa dahil may mga fan na siya na naglalakad palapit sa amin. Lumayo ako sa tabi niya at pinanood ko lang sila habang paminsan-minsan ay sinasaway ang mga gumugulo sa sistematikong pila na gusto ko.

It took almost an hour before he was done with his impromptu fan service. Buti na lang ay habang ginagawa namin iyon ay dalawang sasakyan lang ang nadagdag sa pila kundi ay baka hindi na kami natapos.

When everyone left, we went back to the old lady who greeted us with a tight hug. "Nako sobrang salamat sa inyo! Ito ang pinakamalaki kong benta mula nang magsimula akong magtinda ng halaman." Kinuha niya ang malaking bag na naglalaman ng pinamili ko at ang isang mas maliit na para sa pinahiwalay ko na halaman. "Dinagdagan ko iyan tutal ang laki ng naitulong niyo sa akin."

"Hindi naman po kailangan, Nay. Kunin niyo na lang po para maibenta niyo pa," sabi ko sa kaniya.

She pushed my hand gently and shook her head. "Sige na at kunin niyo na para hindi naman ako ma-guilty niyan. Sige na, ineng. Sa inyo na 'yan."

Nag-aalangan man ay tumango ako. Pagkaraan ay itinuro ko si Daze. "Gusto niyo po ng picture at video kasama si Daze?"

Namula ang matandang babae at parang teenager na humagikhik. Smiling for the first time since we got here, I glanced at the man beside me and gave him a look.

Nangingiting napailing si Daze na kinuha ang cellphone ng matanda. He took a couple of selfies, and then he captured a video together with nanay. Hindi pa siya roon natapos dahil gumawa rin siya ng solo video na pinopromote ang tindahan ng matanda na may kasama pang complete address ng kinaroroonan namin.

Puro pasasalamat ang ibinigay sa amin ni nanay hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan. Daze turned to look at me and the bag containing plants that I had on my lap.

"Where to, Madam?" he asked.

"Madam?"

He grinned. "Pakiramdam ko bugaw kita at ibinenta mo ang puri ko."

Sinimangutan ko siya. "Ewan ko sa'yo." Kinuha ko ang mas maliit na plastic at inilagay ko iyon sa gitna namin. "Sa'yo 'yan. I want weekly updates until your ninety-day period, as my shadow is over."

"I don't really know how to take care of a plant."

"Madali lang alagaan iyan. Hindi kailangan ng lupa at minsan mo lang din i-so-soak sa tubig. Mist is good too." Nilingon niya ako nang tumigil kami sa stoplight. The look on his face tells me that he doesn't know what I'm talking about. "It's a Tillandsia. An air plant. You can buy hanging wall art or a simple vase to put it in, and it will live. It's easy to care for. I'll send you an instruction so you won't kill it."

Sinilip niya ang laman ng bag. "It's cute."

"Hmm."

"Its leaves look like thorns. It reminds me of you." Nakangiting binalingan niya ako. "You're pure sweet and soft underneath your thorns, aren't you, Red?"

Inismiran ko siya at hinarap ko ang mukha ko sa bintana. I don't want him to see how his words, which normally don't matter to me, start to affect me more than I want to.

HINDI KO PINANSIN ang mga nakapukol na tingin sa amin nang pumasok kami sa loob ng The Dawson's Nook o kung tawagin namin ay TDN. It's a cafe and bar owned by Mireia Dawson.

A man around Daze's age called him, and by the way he returned the greeting, they seemed to know each other.

I tugged on Daze's shirt, and he looked down at me. Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko at may kung ano ang nagdaan sa mukha niya. He looked amused for some reason, so with a knotted forehead, I pulled my hand away.

"Kausapin mo muna ang kaibigan mo. Bibili lang ako ng milkshake." Aalis na sana ako pero huminto ako at nilingon ko siya. "Ikaw ang magbabayad ng sa'yo. Nilibre na kita kanina."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya at tuloy-tuloy na lumapit na ako sa counter kung saan nandoon ang pinsan ni Mireia na si Marthena na paminsan-minsan ay tumutulong sa kanila rito sa TDN.

"Hi, Sorch! Anong cravings natin for today's video?" bati niya sa akin.

"Isang..." I grimaced when I saw the name of the milkshake. "Ang Bitter ni Trace Dark Chocolate Milkshake."

Marthena chuckled as she tapped on the screen in front of her. She's probably used to the different reactions of their customers due to the names of the foods and drinks. Karamihan kasi sa mga iyon ay ipinangalan sa mga boss ko at sa mga asawa nila.

Ilalabas ko na sana ang wallet ko pero pinigilan niya ako. "Walang bayad."

"Ha? Bakit?" Mas madalas pang na-i-i-scam ang mga taga-Dagger dito sa TDN kesa ang ma-libre. I heard stories about TDN charging people from Dagger more than twice the price. Baka nga hindi lang triple.

"Kabilin-bilinan ni Ate Luna na kapag dumating ka raw rito na kasama si Daze ay dapat libre ang pagkain mo."

"Bakit?"

She shrugged and beamed at me as if it were enough of an explanation. And in a way, it is. Malakas kasi talaga ang trip ng mga Dawson paminsan-minsan.

Kumuha si Marthena ng slice ng crispy potato galette habang ginagawa ni Arah ang milkshake ko.

"Try pa lang namin 'yan. Wala pa ring pangalan," paliwanag niya. "May lahi kang Irish di ba? Sabihan ko nga kay Ate Mireia na sa'yo ipangalan."

"Umm... I don't think—"

"How about Sorcha's Galit na Galette?" Huminto sa tabi ko si Daze na siyang nagsalita. Kinawayan niya si Marthena na mukhang nakilala niya rin dahil sa pagpunta-punta niya rito sa TDN. Suki rin kasi siya rito dahil dito rin naman siya sa Tagaytay nakatira. "Hi, Marthena! Parang gumaganda tayo ah."

Napakalandi talaga.

"Huwag mong iparinig 'yan sa bebe ko. Baka injectionan ka kahit hindi kailangan," biro ng babae.

"Wala ba kayong menu na torta? Mas bagay 'yon kay Sorcha." Nilingon ako ng lalaki at naging tabingi ang ngiti niya nang makita niya akong masama na ang pagkakatingin sa kaniya. His hands went to his stomach unconsciously, probably remembering the one time that I sucker punched him. I was having PMS that time and he keeps annoying me. Torta pa nang torta nakita ng mainit ang ulo ko. "Pero okay na 'yang galette. Bagay din kay Sorcha. Maganda kahit laging galit."

"May maganda bang pagkain?" natatawang tanong ni Marthena.

"I wanted to say yummy kahit laging galit but Sorcha might punch me again."

Kinuha ko ang tray at sinimangutan ko ang lalaki. "Buti alam mo." Itinabi ko ang tray para maka-order si Daze habang hinihintay ko ang milkshake. "Bumili ka na at may papasok na mga customer."

Daze scanned the menu, but then he shrugged. "Kung ano lang din ang kay Sorcha. Para naka-couple food kami." Nilabas niya ang wallet niya mula sa back pocket niya. "Magkano?"

"Two thousand." Napakurap ako sa pagkagulat habang si Daze naman ay napanganga. Marthena just smiled innocently. "Napag-utusan lang po ni Ate Luna."

I couldn't help but snicker when Daze pouted as if he wanted to throw a tantrum but he's just reigning it in because he knows that it will get only worse when Luna Dawson-Aquillan, the youngest of the eight Dawson siblings, hears that he complained. Baka three thousand na ang susunod na singilin sa kaniya.

Nang matapos si Arah sa mga order namin ay inabot ni Daze sa akin ang milkshake ko at pagkatapos ay inilipat niya sa tray ko ang platito ng galette. Carrying the tray, he looked for a table while I followed him.

"Ang lakas mang-scam ng lugar na 'to 'no?" sabi niya sa akin nang nakaupo na kami.

"Ginagamit naman nila para sa mga senior, PWD, buntis, at mga bata. At saka mayaman ka naman kaya magpa-scam ka na."

He shook his head with a laugh. "Eh ikaw? Okay lang sa'yo kahit na-scam ka?"

"Hindi naman ako na-scam." I sipped on my milkshake. "Libre ang pagkain ko ngayon."

I waited for him to whine about it, but instead, a playful grin spread on his lips. "Okay na palang nagbayad ako ng mahal basta sa'yo naman napunta. This is almost like a date, then."

I scoffed. "Even if this is a date, which is not, I don't need you to pay for my food. Kaya ko rin namang magbayad."

"Ako na lang ang ilibre mo."

"Ha?"

His eyes twinkled with evident mischief. "Take me on a date." Itinukod niya ang mga siko niya sa lamesa at sinandal niya ang mukha niya sa mga kamay niya. He batted his eyelashes at me. "I might even let you kiss me at the end of it."

I let out a huff of breath while I looked at him in disbelief. I thought he was being the typical macho man who thinks that the man should pay for a date, but he just proved me wrong by telling me to take him on a date as if he's the most coveted maiden of his time.

"Asa. Maghintay ka munang umulan ng kulay pink na yelo sa Pilipinas bago kita i-date—"

Napatakip ako sa ulo ko nang mula sa kung saan ay bigla na lang may nagbagsakan na kung ano sa amin. One landed on my arm, and it felt cold. May tatama pa sana sa akin na isa pero nasalo iyon ni Daze ng kamay niya.

I looked around us, and I saw one of TDN's male employees on the floor who probably slipped. Nasalo niya ang mga baso na nasa tray niya pero tumapon ang mga laman no'n.

"Ang bilis naman ng sagot ni Lord." I glanced at Daze, and he opened his fist to show me an ice cube on his palm. "Pink na yelo."

__________________________End of Chapter 7.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top