Chapter 40: Yes

CHAPTER 40: YES

SORCHA'S POV

One year later...

"Totoo po ba na nagkakilala kayo ng girlfriend mo dahil sa role na ito?"

"Well, not exactly. I met her by chance in a mall where I had an event, and then I met her again a couple more times after that."

"So you met her and immediately liked her? Tapos doon na kayo nag-start na mag-date?"

"Sana ganoon na nga," natatawang sabi ni Daze. "But no. She hated my guts the moment she met me, but you're right to say that I immediately liked her. What's not to like? She's the most beautiful and smartest woman I've ever met. She never stopped getting annoyed at me, though, so I'm lucky that I was considered for this role. Naging close tuloy kami." Kumindat siya sa direksyon ng camera. "Super close."

Pinaikot ko ang mga mata ko nang mapatingin sa direksyon ko ang mga katrabaho ko na sinisiksik ang kapatid ko na siyang may hawak ng cellphone kung saan nila pinapanood ang live na meet and greet ng Cold Case, ang bagong pelikula ni Daze.

"Gaanong ka-close?" pabirong tanong ni Khione.

Umaktong nasusuka ang kapatid ko habang napailing na lang ako. This past year, Kuya Nevan still hasn't grown accustomed to the idea of what being in a relationship with Daze entails. Since we're neighbors, it's not easy to hide the fact that Daze sometimes stays overnight or that I'm the one who's at his house. Hindi naman inosente ang kapatid ko sa mga bagay-bagay. Even if he doesn't want to, my brother has no choice but to accept the fact that when Daze and I say something about "sleepover" it doesn't really mean that any sleeping is involved.

"Kumpara sa iba ay mas naging mabilis ang pag-angat ng popularidad mo rito sa Pilipinas. You have a lot of female fans. Was it hard for you to make your relationship known to the public given the circumstances?" tanong ng lalaking host na katabi ang babaeng kanina ay siyang nagtatanong kay Daze.

"Pinagkakalat ko na nga ang relasyon namin bago pa kami nagkaroon talaga ng relasyon. Saka ko pa ba itatago kung kailan naging kami na?" pabirong tanong pabalik ni Daze.

"Pero iyong iba talagang itinatanggi nila kasi baka maapektuhan ang career nila."

"I love what I do. I love acting, and I will always be grateful for the people who have supported me. But I've been managing my finances responsibly, so I think I will always have a career, regardless if it's here in the industry or in another field. There are things in life that come and go. But my girlfriend is someone that I can never find again in this lifetime."

Napuno ng tilian ang tahimik na forensic department habang si Pike na nakikitambay din dito ay inaalog-alog pa sa balikat ang kapatid kong hindi na mapinta ang mukha.

"Does this mean that we're going to hear wedding bells soon?" the female host asked.

"Kahit nga ako na mismo ang magpatunog ng kampana ngayon na eh. But I'm still waiting for the right time. Hindi pa kasi ako handa."

Napakunot ang noo ko. I don't know what Daze is talking about. Hindi man naming seryoso pang napag-uusapan ang kasal pero hindi ibig sabihin ay hindi pa namin napag-usapan iyon. Ito ang unang beses na narinig kong nanggaling mismo sa kaniya na hindi pa siya handa. He's the one who keeps joking about eloping to get married from time to time.

"Ano raw? Ang sabi niya kahit siya na mismo ang magpatunog ng kampana pero hindi pa siya handa?" naguguluhang tanong ni Rye.

Kunot na rin ang noo ng mga katrabaho ko. I glanced at my brother, and my forehead knotted when I saw that he was the only one who seemed to be at ease.

Mukhang naguluhan din ang host sa sinabi ni Daze dahil muling nagsalita ang babae. "You sound excited to marry her but how come you're still not ready?"

Ngumisi si Daze. "Kinukumbinsi ko pa kasi ang kapitbahay ko na ibenta niya na ang bahay niya tutal ay bihira naman nilang puntahan iyon."

"You want to make your house bigger or something? Bakit kailangan na bilhin mo ang bahay ng kapitbahay mo?" tanong ng lalaking host.

"My girlfriend has a twin brother. They live all their lives close together. I'm not going to separate them now. Kaya hinihintay pa namin ng kapatid niya na pumayag na sa ino-offer namin ang kapitbahay ko." Gumawa ng puso si Daze gamit ang mga daliri niya at humarap siya sa camera. "Misis, alam mo na ngayon ang sikreto namin ng kuya mo. I love you!"

Screams from the audience could be heard in response to him saying I love you to the camera. Daze had never stopped himself from being his fool-in-love golden retriever self in front of his fans and the cameras, even before. Kung hindi man kasi ako napapanood ay buong pagmamalaking ipinapakita niya sa akin iyon kapag umuuwi siya na parang proud na proud siyang naipangalandakan niya sa mundo ang kaharutan niya.

Noong una ay maraming fans niya ang nagrereklamo. But he never gets tired of explaining to them how he's not planning to hide someone important to him from the people that are also important to him.

It took some time, but most of his fans gradually accepted me. Lalo na at marami akong pinapagawang freebies para sa kanila kapag may mga ganap si Daze. Suhol kung tawagin.

Nakataas ang kilay na nilingon ko ang kapatid ko na nagkibit-balikat lang bilang sagot. I scrunched up my nose at him, which just made him chuckle. Even so, warmth enveloped my heart at Daze's initiative to keep my brother close to us when the time comes, as well as my brother's willingness to move houses for me.

"Bakit hindi na lang bumili si Daze ng bagong bahay sa ibang lugar na may katabing bahay na pwede mong bilhin?" tanong ni Pike kay Kuya Nevan.

"Sorcha likes Daze's house. Malaki ang garden kaya marami siyang mapagtataniman," my brother answered simply.

"Marami namang properties na mas may malaking garden."

"I asked Daze that. May sentimental value daw sa kanila ni Sorcha ang bahay niya kaya ayaw niyang lumipat." Nalukot ang mukha ni Kuya Nevan. "Ang dami mong tanong. Huwag mo na nga akong pag-isipin."

Napapabuntong-hininga na binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Wala akong balak matanong ng mga mauusisa kong mga katrabaho kung bakit may sentimental value ang bahay ni Daze para sa amin. Which is obviously because a lot of things happened there that we couldn't freely do as much in my own house.

Kahit may kapitbahay din naman ang bahay ni Daze ay hindi iyon kasing lapit ng bahay ko at ng kay Kuya Nevan na isang talon lang ng bakod ang layo.

"So, Pareng Nevan. Talagang boto ka na kay Daze para kay Sorcha?" tanong ni Rye.

"Wala na akong choice."

"Bakit naman?" tanong ni Khione. "Sa ganda ni Sorcha ang daming magkakagusto riyan."

Naniningkit ang mga matang nilingon ko ang kapatid ko. May kasamang pagbabanta ang tingin ko na ayusin niya ang sasabihin niya pero kampanteng nagkibit-balikat lang siya.

"I'm not saying that no one else is going to take an interest in her. Maganda ang lahi namin kaya imposibleng wala." Napuno ng kantiyawan ang paligid na inignora niya lang at nagpatuloy siya, "Pero sa suplada niyan sa tingin niyo may kasing tatag ang fighting spirit ni Daze para patuloy na suyuin siya? Iisa lang bukod kay Daze ang hindi magagawang tanggihan ni Sorcha kapag nagustuhan siyang isama."

"Sino?" tanong ni Pike.

"Si Lord."

KASALUKUYAN akong nag-ha-harvest ng pananim sa garden ko nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ko. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang sakay niyon dahil maliban sa alam kong darating siya at pamilyar din sa akin ang kotse ay nakabukas ang bintana niyon sa likod at kasalukuyang nakalusot ang kalahati ng katawan ni Daze doon na kumakaway sa akin.

I waved back, and despite the fact that the muscles on my face are not used to smiling, I couldn't help the one that was curving on my lips at the sight of him.

Daze finished his ninety-day training at Dagger. Nasanay akong kahit saan ako pumunta ay nandoon siya. When he started filming, he became busier. Pero sa kabila niyon ay nakakagawa siya ng paraan para magkita kami araw-araw kahit pa nga ang iba sa mga iyon ay through video call na lang.

Bumaba si Daze ng kotse at kinaway niya ang dalawa niyang kamay. "Red! I miss you!"

His manager exited the car as well, and he's shaking his head at Daze. May dala siyang dalawang paper bag at inabot niya iyon sa lalaki bago siya bumaling sa akin. "I'm off duty. Ikaw naman ngayon at baka dumami ang puting buhok ko."

Binigyan ko siya ng thumbs up. It's like taking care of a hyperactive puppy. Over the past year, Jeremiah and I have managed to become closer because of Daze. Kami naman kasing dalawa ang madalas kulitin ng lalaki at kami rin ang pumipigil sa kaniya sa mga bagay na natitripan niya. He once tried to convince me to put our picture on a giant billboard as an answer to a social media post about our relationship being just a promotional tactic. Forensic scientist kasi ang gaganapan ni Daze at parang nagdududa ang ilan dahil biglaan naman daw na may girlfriend ang lalaki na forensic scientist din. Dahil siyempre sa umpisa ang daming fans ang nag-react ay feeling ng iba ay gumagawa lang ng ingay si Daze para mapag-usapan.

Nang sumakay na ulit si Jeremiah sa kotse ay binalingan ako ni Daze. "Sorchie wait lang ha? Ipapasok ko lang 'to sa loob," sabi niya at pagkatapos ay mabilis na nawala siya habang bitbit ang mga paper bag.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pamimitas ng mga carrot at spinach na pananim ko at inilagay ko iyon sa basket na nasa tabi ko hanggang sa makalabas ulit si Daze. Hindi ko siya nilingon pero hindi ko mapigilang mapangiti habang naririnig ko siyang binabati ang mga halaman ko na isa-isa niyang pinangalanan.

It took him awhile to greet everyone before he reached the spot where I was currently crouching. Bukod kasi sa pagkausap sa mga pananim ko ay parang kinalikot pa siya sa mga iyon. But I'm confident that he's not killing or attempting to kill any of them. Unlike my brother, Daze has a better thumb when it comes to gardening. Hindi man green thumb pero pwede ng pagtiyagaan ng mga halaman ko.

Ginaya ng lalaki ang posisyon ko at nakitingin sa ginagawa ko. "Hi Carlos! Hi Popeye!"

I laugh under my breath. Carlos ang ipinangalan niya sa pananim kong carrot at Popeye naman para sa spinach.

I felt Daze's hand on my head, and he pulled me a little to kiss my temple. "Hi sa pinakamamahal ko."

"Lasing ka ba?" tanong ko. "Parang ang hyper mo today."

"Nope. Lasing lang sa pagmamahal." Iginuso niya ang basket ko. "Gabi na ah. Bakit nag-ha-harvest ka pa? Akala ko bumili ka na lang ng food?"

"Kumain na ako. But I'm craving some potato curry with spinach and carrots."

"Nang ganitong oras?"

"Gusto ko eh." Dumiretso ako ng tayo at kukunin ko sana ang basket pero naunahan niya ako. "Kumain ka na ba? Gusto mo ng curry?"

"I already ate, and I don't particularly like curry..." he trailed off when he saw my face fall. "Pero ngayon sobrang favorite ko na. Baka nga kulang pa 'tong hinarvest mo kasi baka maubos ko lahat."

I rolled my eyes at him before I glanced pointedly in the direction of the bell peppers. "Puntahan mo ang alaga mo at ikinuha mo ako ng dalawa."

Si Daze ang nagtanim ng bell pepper na iyon. Excited na excited siya na minsan kahit sa bahay niya kami nagkikita ay nagpipilit pa rin siyang dumaan dito sa bahay ko para lang kamustahin si Bella, ang bell pepper na alaga niya.

He ran excitedly, but he made a stop over at the potatoes. Yumuko siya at may kinalkal doon bago siya nag-okay sign sa akin na para bang hindi ko alam na read to harvest na ang mga patatas ko. I'm Irish. I have been conditioned to like potatoes since Kuya and I were babies.

Naglakad ako sa kinaroroonan ng mga patatas at umuklo ako nang maalala kong wala akong dalang kahit na ano dahil kinuha ni Daze ang basket ko. "Hand me the small trowel."

Parang nakalaklak ng kape na mabilis umikot si Daze na kahihinto pa lang sa pwesto ni Bella at bumalik sa kinaroroonan ko. Inabot niya sa akin ang hand trowel at hindi pa siya natapos doon dahil hinalikan niya pa ako sa tungki ng ilong ko na ikinalukot niyon.

Ngingiti-ngiting kumaway siya sa mga patatas. "Hi, Mashie!"

Inspired by mashed potato.

Umisa pa siya ng halik sa sentido ko bago niya sinunod ang nauna kong inutos sa kaniya habang ako naman ay sinimulan ko na ang pagbungkal sa lupa. Nagsalubong ang kilay ko nang hindi pa ako halos nag-e-effort sa pagbungkal ay may natamaan na ako.

I didn't even need to dig that much because it wasn't really buried in the soil as much as a potato would have been. To my surprise, when I pulled it up, I unearthed something that is far from a potato, and instead it's a somewhat out-of-place item—a velvet ring box.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko iyon. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang laman niyon. The gold band looks like delicate vines that are twisted together, and there's small emerald stones adorning it as if they are leaves. At the center of the ring, though, was a beautiful green diamond.

Not far from me, I heard Daze's loud intake of breath, a mirror of the shock that I'm feeling.

Nanlalaki ang mga matang napatayo ako habang hawak ang kahon at napaharap ako sa direksyon ni Daze na napatayo rin habang may hawak din siya na mas mahaba lang ng kaunti na kahon sa hawak ko.

"I'm not dreaming, am I?" Daze whispered.

Tears welled my eyes, and I shook my head. Sa isang iglap ay nagawang tawirin ni Daze ang distansiya sa pagitan namin at ipinaloob niya ako sa mga braso niya.

"Do you want to give me a heart attack?" he asked, his tone laced with a combination of surprise and happiness.

"I... I could ask you the same."

Bahagya siyang lumayo sa akin para magawa niya akong tignan. "My surprise was hardly a surprise. I just gave you a hint this morning through that interview."

"Akala ko hindi mo pa nakukumbinsi ang kapitbahay mo." With my lips trembling, I look at the box he's holding, which he's clutching close as if it's the most precious thing on this planet. And it kinda is. "My surprise was hardly a surprise either. I keep forgetting about the pills, and you keep forgetting about the condom. Mas nakakagulat na ngayon lang akong nabuntis."

Admitting out loud probably feels different than just seeing the pregnancy test kit that I tied around the bell pepper plant because Daze pulled me back in his arms, hugging me so tight that I feel like he's absorbing me into his skin.

"Are you really asking me to marry you?" I asked him in a whisper.

He gently wiped the lone tear that cascaded down my cheek. "Am I really going to be a dad?"

For a moment, we just looked at each other as if we could see the three-letter word before we could even hear it fall from each other's lips.

"Yes," we both said out loud.

Yes. Definitely yes.

________________________________End of Chapter 40.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top