CHAPTER 21: HARD
SORCHA'S POV
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok. For a moment, I was a bit disoriented, and I didn't recognize where I was. It took me a minute to realize that I'm at Dagger.
Pakiramdam ko ay katutulog ko pa lang. Anong oras na rin kasi akong natapos sa laboratory bago ako nag-decide na pumunta na rito sa isa sa mga kuwarto sa second floor.
I glanced at the clock. Mag-a-alas kuwatro pa lang. Halos wala pa akong tatlong oras na natutulog.
A knock sounded again, this time louder. Magkasalubong ang kilay na tumayo ako. Sinong malakas ang loob na ginigising ako ng ganitong oras?
My face is surely showing my annoyance because when I opened the door and saw my brother, he took a couple of steps back and raised his hands in surrender. "I had no choice but to wake you."
"There's better be a good reason," I said through gritted teeth.
"Well... it depends on the perspective—"
Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin niya nang may marinig kaming ingay na nanggagaling sa direksyon ng elevator. I heard my name being called a couple of times, some louder and the others sounding muffled.
"That's the problem," napapakamot sa ulo na sabi ni Kuya Nevan. "I tried to stop him pero ayaw magpaawat."
"At problema ko 'yon?"
Pinagsalikop niya ang mga kamay niya. "He just wants to see you. Kung hindi ay hindi 'yan matatahimik. Baka barilin na tayo ng iba kapag nagising sila sa ingay ni Daze."
"Dapat kasi inuwi mo na lang sa bahay mo. At least doon ikaw lang ang maiingayan."
"I tried that as well. He attempted to jump from the car once and escaped from the window twice."
I pressed my lips together, giving him a look that tells him that if he's not my brother, I would have bitten his arm off for waking me up for this.
Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ko ang Dagger hoodie ko. I pull it over my white pajama bottoms with a cactus design and a white cami top. Pagkatapos niyon ay lumabas na ulit ako at dire-diretso kong pinuntahan sila Daze.
Naabutan ko siyang nakasalampak sa labas ng elevator. Nakayakap siya sa braso ni Pike at nakasandal naman kay Leo na nasa kabilang gilid niya.
Nilingon ko ang kapatid ko na huminto sa tabi ko. "Sinama mo pati ang dalawang 'yan sa dinner na dapat para sa forensic department?"
"Yup."
"You know that we never forget a favor, don't you? Kapag kayo ang nagkaroon ng team dinner, huwag na kayong magugulat kung nandoon kaming lahat." I nudge Daze with my foot. Muntik siyang tumumba kasama ang dalawa niyang bagong tropa. "Bakit pati sina Pike at Leo nag-inom?"
"Dinamayan lang namin shi pareng Daze," sagot ni Leo na halos hindi maimulat ang mga mata niya. "Shawi kasi."
Nilagay ni Pike sa gilid ng bibig niya ang kamay niya na parang may sikreto siyang gustong ibulong sa akin. "May kabit ang ashawa niya."
A vein on my temple throbbed. Itali ko kaya ang tatlong 'to at ipatapon ko sa labas ng Dagger? "Sino namang may sabi sa inyong kasal na ang isang 'yan? Walang asawa 'yan."
Malakas na napasinghap sina Pike at Leo. "Ibig shabihin siya ang kabit?" Napatutop sa bibig niya si Leo. "Hala bad!"
Kinuwelyuhan ni Pike si Daze at niyugyog pero nanatiling nakapikit ang binata. "Bad 'yon! Hindi mo dapat ginagawa 'yon! Mashamang maging shabit na kabit! Paano ang mga bata? Paano mo nagawa sha amin 'to?"
Tinapik ni Leo si Pike sa balikat. "Kalma ka lang, tol. Hindi mo ashawa 'yan. Si Daze 'yan."
"Ay oo nga pala. Shorry na carried away lang." Ngumuso siya. "Shino pala ang ashawa ko?"
I sighed. "Hindi siya kabit. Wala siyang asawa. That golden retriever is as single as the two of you."
Parehas na napatingin ang dalawa kay Daze. Nalukot ang mukha nila at magkasabay na niyakap nila ang parang nakatulog ng lalaki at pagkatapos ay pumalahaw sila ng iyak.
"Kawawa naman tayo!" iyak ni Leo.
"Ang pangit shiguro natin!" Pike bawled with him.
That's the moment that Daze decided to open his eyes. "Kayo lang!" He smiled lazily when he caught sight of me. "Hi, mishis! Shorry. Nag-nap lang ako."
Nap daw. Nawawalan na kamo siya ng kaluluwa. "What are you doing here? You should be at home."
"You're my home." Ngumisi siya nang matigilan ako. "Kilig ka?"
I narrowed my eyes on him. "Go back to my brother's place, Daze. Kapag nagising mo ang iba at nagalit ang mga 'yon sa'yo, hindi ko sila pipigilan na gawin kang target board."
"May gushto lang akong shabihin shayo."
"Then you will leave?"
Hindi niya ako sinagot dahil napapikit siya ulit. Bago pa siya bumalik sa "nap" niya ay inabot ko patilya niya at hinila ko 'yon dahilan para mapasigaw siya ng malakas.
"If you have nothing to say, go home."
"Akala mo lang wala! Pero—" Pinigil niya ang sasabihin niya nang parang may maisip siya. "Mabagal ang reflexes ko ngayon. Baka mashampal mo 'ko."
"Buti alam mo."
Proving that his attention span is next to nothing at this moment, his eyes sparkled and he pointed at my pajamas. "Is that a cactus? Bagay shayo. You have a lot of thorns but you're adorable."
Pinagkrus ko ang mga braso ko at binigyan ko siya ng masamang tingin. Despite his alcohol-riddled brain, he recognizes the look I have on my face. The kind that is saying that I'm seconds away from kicking him.
"I'm here to shay that I'm shelfish."
"Huh?" Ano raw? Isa siyang ano? "You're a shellfish? What kind? Crustacean or mollusk?"
"Ha?"
"Sabi mo shellfish ka. Are you a crab or an oyster?"
"No, no." Ikinawa-kawag pa niya ang hintuturo niya. "Shelfish."
"Oo nga. Shellfish."
"S-e-l-f fish! Shelfish."
Hinilot ko ang sentido ko. Lord, give me strength. "O tapos?"
"I can't let you go to that guy. You're my Torta, Red, and Mishis. It might be shelfish not to let you go when you want to be with that guy but I can't losh you. I'll do better. I'll give you anything. I'll do everything to make you love me again."
I blinked at him slowly. "Sino namang may sabing na-in love ako sa'yo noon para ma-in love ulit ako sa'yo ngayon?"
Pike and Leo gasped theatrically. Niyakap nila si Daze na parang naaping napayuko. No wonder he became a famous actor quickly. Kahit ialis sa equation ang background niya at ang itsura niya ay kita namang magaling siyang umarte. Katulad ng ginagawa niya ngayon.
"Ang harsh mo naman, Shorchie," sabi ni Leo na parang awang-awa kay Daze. "Pleash be careful with hish heart."
"Oo nga. Tropa namin 'to. Aawayin kita!" banta sa akin ni Pike.
Malamig na sinalubong ko ang tingin niya na parang sinasabi kong subukan niya. He instantly cowered, hiding his face behind Daze's back.
"Hoy! 'Wag mong aawayin ang Mishis ko!"
Kumawala si Daze at akmang tatayo siya para lumapit sa akin pero hindi iyon kinaya ng mga tuhod niya. But since he's persistent, parang halimaw sa isang horror movie na mabilis siyang gumapang palapit sa akin.
Nilingon ko si Kuya Nevan na hawak ang cellphone niya at nakatutok sa amin. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay mabilis niyang itinago ang cellphone niya.
"Ako ng bahala rito. Unless gusto mong itabi sa'yo ang isang 'to," sabi ko sa kapatid ko.
Nanlaki ang mga mata niya at napadiretso siya ng tayo. "Itatabi mo sa'yo? Sorcha Byrne—"
"Nevan Devlin. I'm exhausted and I want to sleep. Gusto mo bang hindi lang mukha kundi pati kaluluwa niyo ay pagbuhulin ko ni Daze? Kumilos ka na at ayusin ang dalawang 'yan!" I hissed at him and pointed to Pike and Leo.
"Pero—"
"I'll take care of this one because I can handle him. Handle those two!"
Muli kong pinatilyahan si Daze na napapaaray na nakahanap ng natitirang lakas sa mga tuhod niya at napatayo.
Binitawan ko siya nang parang handa na siyang magmakaawa na pakawalan ko siya at inilipat ko ang kamay ko sa kwelyo niya. Hila iyon na kinaladkad ko siya sa binakante kong kuwarto at nang makapasok sa loob ay pabalabag na sinarado ko ang pinto.
I gave him a searing look before I pulled the comforter out of the bed and threw it to him. Sa kabila ng kalasingan at ng katotohanan na baka nakakakita na siya ng dalawa ngayon ay nagawa niya namang saluhin iyon.
"Sa lapag ka matutulog. Kapag nagising ako at nalaman kong tumabi ka sa akin, aahitan kita ng—" Nag-init ang magkabila pisngi ko ang tinakpan niya ang hinaharap niya. "Kadiri ka! Kilay ang sasabihin ko!"
Parang napagalitan na paslit na nakangusong inilatag niya ang comforter sa naka-carpet na sahig. Or at least he attempted to. Nang mukhang kuntento na siya sa ayos niyon ay patagilid na humiga siya.
Mukha siyang kawawa lalo pa at naka-fetal position siya habang nakaunan sa mga braso niya. Letting out a huge sigh, I took one of my two pillows and threw it at him too.
Para bang kilig na kilig na niyakap niya iyon. "Ang shweet mo talaga, Mishis."
"Stop calling me that."
"Eh anong itatawag ko shayo?"
I gave him a look. "Malamang pangalan ko."
"Pangalan ko na lang."
"Ha?"
"Pangalan ko na ibibigay ko shayo." Umangat ang sulok ng mga labi niya. "Sorcha Henderson."
There's a hint of flutter inside me pero mas nanaig ang init ng ulo ko. "Matutulog ka o patutulugin kita gamit ng suntok?"
Tumalikod ako sa kaniya at humiga ako sa kanan ko. Di bale ng acidin ako kesa naman hindi ako makatulog lalo.
"Red?"
"What?"
"Is he really your fiancé?"
"Do I look like I have time for that kind of nonsense?"
"Who knows? Baka arrange marriage."
I rolled my eyes. "Kahit parents ko ay walang lakas ng loob na i-arrange marriage ako."
Binalot kami ng katahimikan. For a moment, I thought he was already asleep. That's good for me since my lids are becoming heavy.
"Red?"
Lord, expired na po ang pasensya ko. Bigyan Niyo po ako ng budget para makapag-renew kasi baka kung anong magawa ko rito sa taong ito. "What?!" I hissed.
"I might be drunk but I remember it clearly."
"Remember what?"
There was a smile in his voice when he answered. "Ikaw ang tumabi sa akin dati."
I FEEL fully rested. I should have known that something was off when I had the urge to sleep more, despite the quiet chatter I could hear outside the room. I'm not a snooze kind of person. Kapag naalimpungatan na ako ay bumabangon na ako lalo na kapag alam kong may trabaho pa ako. So I should have known that something was amiss.
"What are you doing, Arcane? Do you have a death wish?"
"Relax lang Pareng Leo. Close kami niyan ni Sorchie."
"Mainit ang ulo niyan ngayon. Kahit nawawala ka pa niyang kapatid, hindi ka mapapatawad niyan."
"Ano na naman ba kasing ginawa niyo?"
"Uy wala kaming ginawa ni Pike ha? Dinamayan lang namin si Pareng Daze sa wasak niyang puso."
Napadilat ako nang marinig ko ang pangalan ni Daze. Mabilis na napaupo ako at nahihindik na napatingin ako sa katabi ko.
Yes. Katabi. Dahil mukhang gumulong na naman ako sa pagtulog ko at ngayon ay ginawa kong kutson si Daze na siyang hinihigaan ko. Mukha namang wala lang sa kaniya ang bigat ko dahil himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.
Maingat na inalis ko ang mga braso niyang nakadantay sa akin pero bago pa ako tuluyang makakawala sa kaniya ay kumilos siya patagilid. At dahil nasa ibabaw niya ako ay kasama ako sa pagbabago niya ng posisyon.
Pakiramdam ko ay mapupunit ang mga mata ko sa panlalaki niyon nang siksikin niya ako. He's spooning me, but that is not the problem. The problem is that. That hard thing that I could feel rubbing me from behind.
I have no doubt that he's still asleep. With how much he drank last night, that's not surprising. But I have a feeling that he's dreaming, and that dream has me in it because he keeps whispering my name.
It feels like multiple things happened at once. Daze's left hand went to the slope of my stomach while the other caressed a path downwards, and then the doorknob started to turn as the quiet buzzing of the people outside became louder.
Buong lakas na siniko ko si Daze na malakas na napaigik. Napahawak siya sa nasaktang sikmura dahilan para mabitawan niya ako at nagmamadaling lumayo ako sa kaniya. I wanted to stand up, but I was somehow tangled into the comforter, so I fell back down, creating a loud noise. Pagapang na pilit na sinipa ko iyon palayo pero mahigpit ang pagkakaikot niyon sa akin.
"What... Sorcha? Are you okay?"
Naramdaman ko ang pagbangon ni Daze at ang kamay niya na humawak sa balakang ko. Nag-aalalang inalis niya ang kumot at nang magawa iyon ay inihawak niya ang isa niya pang kamay sa kabilang bahagi ng balakang ko na para bang balak niya akong itayo.
It was at that moment that the door decided to open.
My head snapped up, and I saw my colleagues looking at us in horror. Maging si Arcane ay nanlalaki ang mga mata.
It wasn't difficult for me to understand why.
I was on all fours with my knees and hands on the floor, while Daze was behind me with his hands on my waist. I don't need to be a genius to understand what they're seeing.
"Uy si Nevan!" malakas na bulong ni Leo.
Arcane quickly stepped back, and the door slammed shut. I'm pretty sure that they're all barricading the room so that my brother won't be able to enter.
I quickly stood up. Paatras na lumayo ako kay Daze at nanginginig ang kamay na tumuro ako. "Do something about that! Quick!"
Sinundan niya ang direksyon na tinuturo ko at bumaba ang mga mata niya sa harapan niya. "Oh. Uhh... well, I can't really help it."
Inabot ko ang unan at ibinato ko sa kaniya iyon. Hindi pa ako nakuntento at lahat ng maabot ko ay pinagbabato ko sa kaniya. Mukha namang nagbalik na ang reflexes niya dahil lahat iyon naiwasan niya.
Natatawang sinalo ni Daze ang cellphone ko na nakasama sa mga initsa ko sa direksyon niya. "Red, it happens every morning."
"Iyon lang ba talaga?"
"Ha?"
"You were dreaming about me!" I hissed.
Nalaglag ang panga niya sa pagkagulat. He's probably wondering why I know that. Which just confirms it!
"I can't control that either," he said.
"I don't care! You need to stop it!"
"Well... there's one that could probably make it stop."
"What?"
Kumislap ang mga mata niya. "Maybe if it happens in reality, then I wouldn't need to dream about it anymore."
_________________________End of Chapter 21.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top