Chapter 20: Fiancé
CHAPTER 20: FIANCÉ
SORCHA'S POV
"Kung hindi ka siguro naging forensic expert naging farmer ka na 'no?"
Hindi ako nag-angat ng mukha mula sa ginagawa ko. Unti-unti na akong nasasanay sa biglang pagsulpot ni Daze kung saan nandoon ako. Para kasing niliteral niya ang pagiging shadow ko.
Of course I never stop trying to hide from him when I'm on my break. Pero katulad ngayon ay hindi na naman ako tagumpay na gawin iyon dahil nahanap na naman niya ako.
Gabi na at napagpasyahan ko na magpahinga muna. Balak ko kasing mag-stay sa opisina ngayon dahil may mga gusto akong tapusin na trabaho.
Ipinatong niya ang mga braso niya sa sandalan ng kinauupuan kong sofa dito sa fourth floor at sinilip niya ang ginagawa ko. "Anong game 'yan?"
"Happy Sorchie."
I could feel him staring at me as if gauging if I'm lying or not. Nang manatili ako sa pag-ha-harvest ng pananim ko sa mobile game na nilalaro ko ay mukha namang nakumbinsi siya.
"Did you perhaps make that game?"
"No. A colleague did. Na-bored siya kaya naisipan niyang gumawa ng game," sagot ko.
"Ang galing naman ng produkto ng boredom niya. It even has wicked graphics. Wala ba sa app store 'yan?"
"Wala. Kaming dalawa lang ang merong kopya." Hindi naman kasi interesado sa ganitong game ang iba pa naming katrabaho. Mobile Legends pa siguro baka nagkagulo ang mga iyon. Nakita lang niya talaga akong naglalaro ng farming game na nakita ko sa app store at biniro niya na gagawan niya ako ng sarili ko.
"Ang galing din ng mga Dawson 'no? Para silang may detector sa mga genius," may ngiti sa boses na komento ni Daze. "Pwedeng pahingi rin ako ng kopya? Sinong katrabaho mo ba? Si Khione or the one with dimples? Daesyn, right?"
This is the second time that I have heard him talking about Daesyn's dimples. Ukain ko kaya ang pisngi niya nang magkaroon siya ng sarili niyang dimples para hindi siya paulit-ulit?
Magkasalubong ang kilay na nilingon ko siya. I forced myself to ignore the fact that our faces are so close to each other. "Tantanan mo si Daesyn."
"Ha?"
"Hindi kayo bagay."
Umunat ang nakakunot niyang noo at napalitan ng panunudyo ang pagtataka niya. "At sinong bagay sa akin?"
"Malay ko. Problema mo na 'yon."
Ngumuso siya. "Gusto kong problemahin mo ako."
"Problema naman talaga kita." Nang mag-aww siya at binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Pero problema mo ang pambabae mo."
"Uy hindi ako nambababae ha? Loyal ako sa'yo, misis."
Nag-init ang pisngi ko at umusog ako para makalayo ako sa kaniyang bahagya. "Hindi mo ako misis!"
"Akala mo lang hindi! Pero oo! Oo—" Nasalo niya ang kamay ko nang akmang papaluin ko siya. "Yieee! On character din siya."
I'm going to develop hypertension by being around him too much. Para siyang pinadala sa Earth para bigyan ako ng pasakit araw-araw. Feeling ko talaga karma ko 'to dahil sa mga taong nasupladahan ko dati.
Hindi binibitawan ang kamay ko na tumalon siya mula sa likuran ng sofa papunta sa harapan niyon at tumabi siya sa akin. Nang pandilatan ko siya ay ngingisi-ngising pinakawalan niya ako.
"Ano nga palang ginagawa mo rito, Red? Kanina pa kita hinahanap eh."
"Tinataguan ka."
"Bakit mo naman ako tataguan? May kasalanan ka ba sa akin? Kahit ano pa 'yan, kaya kitang mapatawad. Even if you're involved in a heist or you have plans to take over the world, I am more than willing to be your alibi. I'll tell the authorities that you've been with me all night and we were busy with each other—"
Ibinato ko sa kaniya ang cellphone ko para patigilin siya sa pinagsasabi niya. Natatawang nasalo niya naman iyon at imbis na ibalik sa akin ay sinimulan niyang laruin ang laro na pinagkakaabalahan ko kanina.
"Akin na 'yan."
"Palaro muna." Kinuha niya ang sarili niyang cellphone mula sa bulsa niya at binuksan niya iyon bago inabot sa akin. "Palit muna tayo."
Umismid ako pero hindi na ako tumanggi. Una, dahil alam kong matigas ang ulo niya at hindi niya pa rin ibabalik sa akin ang cellphone ko. Pangalawa ay curious din ako sa kung anong makikita ko sa cellphone niya.
"Sasama ka ba sa dinner ng department niyo? Sabay na raw tayong pumunta. Kaya nga hinahanap kita eh," tanong niya habang naglalaro.
"Hindi."
"Bakit? Sama ka na! Ang kapatid mo nga sasama kahit hindi naman siya taga-Forensic."
"Hindi na nakakapagtaka 'yon. Mahilig sa libre ang isang 'yon at tamad siyang magluto."
I browsed through his cellphone. Inuna ko ang mga game pero wala naman akong gusto sa mga iyon. Katulad ng mga katrabaho ko ay puro battle arena game ang mga iyon.
Iniwasan ko ang Messenger at inbox niya at sa halip ay dumiretso na lang ako sa gallery ng phone niya.
"Kapag may nakita akong picture ko rito, lagot ka sa akin." Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya. "Kapag may nakita akong pictures ni Daesyn dito lulunurin kita kasama ng cellphone mo."
He chuckled. "She's cute, but women with Bambi-like eyes are not my type. I like the one who has fiery blue eyes that remind me of blue flame, which is hotter than red fire."
The fluttering that always makes their appearance when he's around made their presence known again. Ang tawag diyan, Sorcha, kilig.
In my imagination, I grabbed my conscience by the collar and proceeded to toss her into the Taal Volcano.
"Kapag hindi ako natunawan, kayong love birds ang sisisihin ko."
Si Rage ang nagsalita na lumabas mula sa pantry. Dumiretso siya sa desk niya bitbit ang plato ng pagkain na sigurado akong dala ng isa sa mga Dawson.
"We're not love birds," nakasimangot na sabi ko.
"Sabagay. You're like two hummingbirds that fight all the time."
"Siya lang ang nang-aaway sa akin." Nang tila maramdaman ni Daze ang masamang tingin na ipinupukol ko sa kaniya ay nag-angat siya ng mukha para kindatan ako. "Not that I'm complaining."
Naiiling na binalingan ko na lang ulit ang cellphone niya. I scrolled through the gallery. Kahit isang picture ko ay wala roon.
Bakit parang disappointed ka?
I imagined wrapping a rope around my conscience and strapping it to a rock before throwing her far away from me.
Napatigil ako sa pag-scroll at binalikan ko ang mga nalagpasan ko na. Kumunot ang noo ko nang may mapansin ako. Even though I don't have pictures on his phone, there were a lot of images that I am familiar with.
"I want a picture of you, but I didn't want to take it without your consent," he explained, as if he knew what I was looking at.
There are dozens of pictures of the foods we shared, things he gave me, and even the plant that I bought him, which seems to be thriving. Kahit nga ang damit na ipinahiram ko sa kaniya para gamitin nang matulog siya sa bahay ay may picture din at suot niya pa.
What if isama ko si Daze sa konsensya ko at itapon sila parehas sa bulkan para parehas nila akong hindi ginugulo?
"I like this game." Nilingon ako ng lalaki na mukhang nasisiyahan nga sa ginagawa. "You didn't answer me. Sinong nag-develop ng game na 'to?"
I heard the elevator ping from nearby. "Si Arcane."
"Have I met her?"
"No. You haven't met him."
Napatigil siya sa ginagawa at nilingon niya ako. "Him? The person who created this game for you is a man?"
"Yes."
"Sure ka?"
"Of course she's sure that I'm a man. You can see for yourself."
Napalingon kaming lahat sa direksyon ng elevator kung saan may matangkad na lalaki na nakatayo. His hair is longer than I remember that he has up in a man bun, and he's scruffier than the last time I saw him, which was six months ago. He's been working on an international case, so he was gone for a long time.
Madalas siyang kumuha ng international cases kaya madalas siyang wala sa Pilipinas. I don't think a lot of people here knew him. By name, sure. Pero ang makita siya? He's basically a ghost.
Nakangising inangat niya ang hawak niya na itim na sako at pagkatapos ay sumaludo siya sa isang beses sa direksyon ko at isa pa sa kinaroroonan ni Rage.
"Who... who are you?" Nilingon ako ni Daze. "Who is he to you?"
Hindi ako kaagad nakasagot dahil nagtaka ako sa madilim na ekspresyon ni Daze. When I was about to answer, Arcane beat me to it. "She didn't tell you? I'm her fiancé."
I LOOKED away from the elevator. Sakay niyon si Daze na kinaladkad ng kapatid ko at ni Pike na mukhang makikikain din sa team dinner ng Forensic Department. Daze didn't fight them off much, and he's just staring ahead as if he's frozen in shock.
"Ano 'yang dala mo, Arcane? Pasalubong?" tanong ni Rage na ikinatingin ko rin sa bagong dating.
"Pasalubong ko kay, Sorcha." He winked in my direction before putting down the sack he's carrying. "Ho, ho, ho! Happy Halloween!"
I heard Rage make an eek sound, but I just stood up to look at the contents of the bag more closely.
"Buti hindi ka hinarang sa airport," sabi ko sa lalaki ng dumiretso ako.
"Ganoon talaga kapag maraming connections." He clasped his hands together. "So? Are you going to help me?"
I glanced at the sack full of broken human bones. Nagkibit ako ng balikat bilang sagot. I still have an on-going case, but we're used to that in the forensic department. Ang trabaho naman kasi namin ay analisahin lang ang mga bagay na ibinibigay sa akin. It's the job of Blade Points to execute the plans for the case.
"Thanks, Sorchie!" He tipped his head towards the elevator. "Hindi mo ba susundan ng boyfriend mo? Baka naghahanap na iyon ng ilog kung saan siya magpapatianod dahil sa nalaman niya."
"He's not my boyfriend. He's just someone shadowing me for ninety—well, less than ninety days now. He's basically no one." Pinagkrus ko ang mga braso ko. "At hindi ba kasalanan mo iyon kung sakali? You're the one who told him that you're my fiancé."
"If he's no one, why would he care?"
Natigilan ako dahilan para lumawak ang ngiti sa labi niya. He leaned down to pick up the sack. "Let's go. Baka mawalan ng gana si Rage kapag hindi ko inalis 'to rito."
Rage scoffed. "Hindi iyan ang makakapagpawala ng gana kong kumain." Pagkasabing-pagkasabi niyon ay bumukas ang elevator at niluwa niyan si Warrick. Nalukot ang mukha ni Rage. "Kapag minamalas ka naman talaga."
Warrick looked at all of us with an innocent expression on his face.
Napapabuntong-hininga na tumayo na ako. Mabuti pang bumalik na sa trabaho bago pa magsimulang mag-away ang dalawa. I felt Arcane following me inside the lift.
"You're really not going to follow your boy—" Nang tapunin ko siya ng masamang tumingin at napatawa siya. "You're not going to follow pretty boy?"
I stared at him blankly. "If he's your type, go for it. You won't hurt my feelings."
Malakas na tawa lang ang naging sagot niya. We went to the laboratory after he greeted our colleagues on duty that he knew and introduced himself to those who didn't.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanatili sa laboratory. Our job could really drain a lot of time without us even noticing it. Nang mukhang makaramdam na siya ng gutom ay nag-aya siyang mag-break muna. I wasn't hungry, but I decided to stretch for a bit because I've been hunched over for hours. Nagpaiwan ako sa laboratory habang si Arcane naman ay pumunta sa cafeteria para maghanap ng makakain.
I passed by my desk to check on the aquarium when I saw that the phone I left on my desk had lit up. Kinuha ko iyon nang makita kong may tumatawag at napakunot ang noo ko nang makita kong si Daze iyon. Why is he calling? Sigurado akong dumiretso sila sa bar. Knowing my colleagues, hindi matatapos sa dinner lang ang lahat. Mauutak kasi ang mga iyon. Dahil libre ng mga Dawson ay siguradong susulitin nila iyon.
"What?" I asked as a greeting when I answered the call. I could hear loud noises coming from the other line. "I'm going to end this call if you don't—"
"It hurts," Daze groaned.
My eyes widened. Different scenarios rush through me, and panic hits me harder than I have ever experienced before. "What hurts?" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa akin at tinawag ko ang pansin ni Rye na abala sa monitor na nasa harapan niya. "Can you please message my brother if he's with Daze? Siguraduhin niya kamong hindi nasasayaran kahit isang patak ng alak ang lalamunan niya kung hindi ay isusumbong ko siya sa mga boss natin. He's supposed to guard Daze!"
"On it."
Ibinalik ko ang cellphone ko sa tenga ko. "Anong masakit? Who hurt you?"
"You did."
Napanganga ako. "What?"
"You have a mistress, misis. How could you? I'm willing to be your loyal dog. I'm already competing with a cockroach, grasshopper, earthworm, beetle—" He hesitated. "Hey, Nevan. What's the English of salagubang, uwang, at tutubi?"
"Siguraduhin mong may saksak, tama ng bala, o bugbog ka kapag nagpakita ka sa akin," I whispered dangerously on the phone. "Dahil kung hindi, ako ang mananakit sa'yo!"
He sniffled. "But you already hurt me!"
"Sinisigawan mo ako?!"
His voice turned into a loud hush. Like he wanted to whisper, but he couldn't control the volume of his voice. "Hindi po!"
"You go home this instant, Darien Zeon Henderson. Don't call me again, because I won't answer! In fact, don't ever call me again. You lost that privilege, and you're on probation!"
"Hala, Nevan. Nagalit ang kapatid mo. Bakit gano'n? Ako nga ang galit eh. Dapat ako ang nilalambing di ba?"
"Mukha bang marunong maglambing si Sorcha? That woman is like a vicious alien creature that Earth hasn't discovered yet."
"She's not! She's the most adorable creature on the planet! She's so precious that I just want to keep her forever."
"That's how every horror sci-fi movie starts."
_________________________End of Chapter 20.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top