Chapter 52: Laugh
DS8Uncovered #LuMa #BearCouple #DaggerSeries
CHAPTER 52: LAUGH
LUNA'S POV
"May speaker!"
I pressed my lips together, trying not to laugh out loud. Para kasing hindi appropriate sa kinaroroonan namin na bigla na lang akong tumawa lalo na at hindi lang naman kami ang nandito.
"Nasaan ang plug?" tanong ni Belaya. "May battery kaya?"
Nakiusyoso rin sa kanila si Mireia. "Pero para saan kaya?"
"Para takutin kayo. Imagine nailibing na ako tapos bigla niyong narinig ang boses ko."
Napabaling sila sa akin ng magsalita ako. I grimaced, forgetting for a moment that my morbid sense of humor might not be for everyone. Pero bago pa ako makapag-sorry sa kanila ay umaliwalas ang mukha nila at naghagikhikan sila.
"Tapos iwan natin sandali si Trace kunwari babalik tayo. Saka natin i-on ang speaker," suhestiyon ni Circe.
"Grabe naman kayo sa asawa ko," sabi ni Ember na nakangisi. "Pero dapat gabi ang libing para mas bagay sa ambiance."
Kung may iba lang na makakarinig sa amin na alam ang sitwasyon ko ay baka naging iba ang tingin ng mga iyon sa babae. Since I know them, I understand that just like me, they're just making the most of everything. It's not because they don't care.
Alam ko na katulad sa mga kapatid ko ay hindi naging madali sa kanila ang nalaman nila. But these are women who went through their versions of hell, and they have seen things that not everyone did. They have been backed into the corner, their choices were taken, their lives turned into a game that none of them wanted to play... and through all of that, one thing they understand the most is that life moves on.
"Nag-cu-custom din sila." Tinuro ni Lucienne ang signboard malapit sa amin. "Paano kaya 'yon? Pwedeng lagyan ng mechanism para pwedeng umupo si Luna?"
Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa at hindi lang ako nag-iisa dahil ganoon din ang iba pang mga babae. When we caught some of the customers' attention that were now looking at us weirdly, we all struggled to keep it down.
"Wait. Itatanong ko kay Magnus," natatawa pa rin na sabi ko.
"Alam niya?" gulat na tanong ni Lia.
"Hindi ba alam ng mga asawa niyo?"
The woman shrugged. "We told them not to ask. Hindi naman sila nagpumilit lalo na at kusa kaming nag-suggest na isama sina Warrick at Nevan. I think they have a guess, but they didn't push."
"We were just worried about them. You know they love you so much," Tiara said softly.
"And you don't?"
Si Lucienne ang sumagot para sa kaniya. "We do. Lamang lang sila ng one point kasi iisa ang dugo niyo."
Magkakasabay na nagsalita ang iba pang mga babae na para bang iisa ang utak nila. "Except kay Trace."
Ember giggled, and at the same time, I burst out laughing again. At least hanggang dulo consistent sila sa pang-aasar kay Kuya Trace. Kabayaran sa mga manika ko na sinira niya noong mga bata pa kami.
"Pero okay lang talaga na ipaalam mo kay Magnus?" tanong ulit ni Lia pagkaraan.
"He was the first to know about my plans. He doesn't like it, but he supports me. Pero naniniwala kasi siya na hindi kailangan."
"Kami rin naman," sabi ni Belaya. "It's okay that you want to prepare yourself. Sa tingin ko wala namang masama ro' n. You're just being realistic. But since you have us, kami na lang ang aasa at maniniwala para sa'yo."
"Lahat naman tayo dadating din sa dulo. It's a matter of when." Sumandal si Mireia sa isa sa mga casket na nandito sa kinaroroonan namin na showroom. "I believe you still have a long fight ahead of you."
"You still believe that? Even when... you know..."
"With Naynay?" Mireia gave me a smile full of understanding. "Halos walang doktor noon ang naniniwala na gagaling si Naynay noong una naming nalaman ang tungkol sa sakit niya. Some say she's lucky if she lives for three years. But I have had her for more than that since her first diagnosis. She even witnessed me fall in love and get married. So, yes, I believe that you'll have a long time. Maybe more than she had."
"I bet long years from now, mismong management na ang magmamakaawa sa'yong kunin mo na ang binili mo kasi mas mahal na ang bentahan nila sa panahon na 'yon," sabi ni Circe na may hawak na catalogue at nagtitingin-tingin doon.
"By that time, ang dami mo ng puting buhok lalo na si Sir Magnus," dagdag ni Lucienne.
Others might think that the scenarios they shared are so simple, but for me... it's a wish that I'm hoping could come true.
"Umm... excuse me po." The male employee that approached us had a solemn expression on his face. Para bang praktisado iyon na hindi na nakakapagtaka sa klase ng mga kliyente na nakakasalamuha nila araw-araw. It's not like they can smile happily while talking to grieving families. "May napili na po ba kayo? I can assist you in choosing the perfect casket for your loved one. May mga package din po kami."
"Magkano iyong may built-in speaker? Electric ba o di-battery? Saang banda nakakabit kasi parang wala naman sa casket?" Hindi pa roon natapos si Lucienne. "Saka may customize kayo? Pwedeng magpagawa no'ng umuupo iyong bandang ulunan?"
I tried to suppress my laughter, but it turned into a snort instead. Lalo na nang makita ko kung paanong malaglag ang panga ng empleyado na kausap namin.
"W-Wala pong built-in speaker. May package po na may kasamang speaker na pwede pong gamitin sa burol. Sa customize naman po iyong kulay po ang tinutukoy. Pwede rin pong may engraving o wallpaper."
I was near tears when the women let out a disappointed aww. It was the right choice to bring them here. Magnus originally wanted to come, but I think it's better that he didn't. Kaya nga perfect ang pagkakaaya sa kaniya ng mga kapatid ko na mag-inuman. Magnus and I just agreed that I will send him my choices.
"Hindi na kayo nahiya sa patay ninyo. Parang hindi niyo ginagalang."
Nagkatinginan kami ng mga hipag ko ng may huminto malapit sa amin na nakaitim na matandang babae. Base sa itsura niya ay mukhang nakakaangat siya sa buhay. Lahat ng suot niya ay signature, maging ang malaki niyang sunglasses.
Base sa empleyado na kasama niya na may isinusulat na sa papel na hawak at natigilan lang ng magsalita siya ay mukhang nakabili na siya ng gusto niyang bilin.
"It's okay—"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "It's not okay. Ano na lang ang iisipin ng patay ninyo na nagbibiruan kayo at nagtatawanan?"
"She's laughing too." I gave her a small smile. "Para sa akin po ang bibilin namin."
The shock on her face looks as if I struck her. I don't blame her for being angry. She's probably grieving herself. Heaven knows how terrible my mood was when I first found out about my diagnosis. Ang hirap makakita ng masaya kapag nagluluksa ka. That's why it was a constant struggle back then to be around my family. But I love them too much to keep my distance.
I opened my mouth to say something but I couldn't when the woman put a hand daintily on her mouth and sobbed hard. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang mga hipag ko na may kaparehas na ekspresyon sa akin.
"I-I'm sorry." She shook her head, wiping a perfectly manicured finger under her eyes. "It takes a strong heart to still have the ability to laugh at moments like this. God knows I have a weak heart. I envy your strength."
Sunod-sunod na umiling ako. "It's really okay. I understand where you're coming from."
Binuksan ng babae ang bag niya at may inilabas na mga card. Pinag-aabot niya ang mga iyon sa akin. "That's a couple of services we hired for my son. You can check them out if you want." May inabot pa siya sa akin na isa na card. This one was black with gold lettering on it. Mayari Blackwood. "This is my business card. Call me if there's something you need. Anything."
My sisters-in-law and I watched her in awe as she retrieved her receipt and walked out of the place without looking back.
"I know her from somewhere," Tiara murmured. Lumapit siya sa akin at sinilip niya ang hawak ko na business card. Muntik pa akong mapatalon ng malakas siyang napasinghap. Tiara is not usually a loud person so she caught me by surprise. "I saw her in Forbes 400. Ilang taon na siyang nasa top one niyon. She's also known for her philanthropic contributions."
Namimilog ang mga matang nagbaba ako ng tingin sa hawak ko. Wow. Akalain mo 'yon? Pati sa tindahan ng kabaong nakakuha ako ng koneksyon.
"Umiikot na naman ang negosyanteng utak niyan," naiiling na sabi ni Lucienne. "Let's focus here."
Ipinilig ko ang ulo ko at pagkatapos ay ipinasok ko sa bag ko ang hawak ko na mga card bago ako humarap sa empleyadong nakatulala pa rin sa amin. "I want wood in dark color. Brown but almost black. A bit darker than rosewood."
"Kailan po..." Natigilan ang lalaki na para bang gusto niyang iuntog ang ulo niya sa pinakamalapit na pader. "I..."
"Pwede bang hindi muna kunin sa inyo? Babayaran pero itatago niyo muna?" tanong ni Belaya.
"Pwede naman po."
I was quiet for a moment, contemplating about something. "Pero pwede kong kunin tapos ibalik?"
A horrified expression colored his face. He's probably imagining me dying and using the casket, then returning it. "Po?"
"I mean, I'm going to pay for it in full. I just need it for something." I rambled out my plans, which made my sisters-in-law stare at us in surprise. "Wala naman akong mapagtataguan kaya gusto ko sanang ibalik. I can pay extra for storage. Obviously, I don't know when I will die, so I can't give you a date."
Sigurado akong hindi ako ang unang tao na pumunta sa ganitong lugar para bumili ng kabaong na sila mismo ang gagamit. But maybe this is his first time, and it's a shock to him.
"K-Kakausapin ko po muna ang supervisor namin."
"Sure." I beamed at him. "Pakitanong na rin kung pwedeng magpalagay ng built-in speaker."
NAGMULAT ako ng mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tunog mula sa elevator. Hindi ako bumangon sa kinahihigaan ko sa may reading nook kahit pa narinig ko na ang boses ng mga taong hinihintay namin.
Hindi lang ako ang hindi kumilos kundi maging ang mga babaeng kasama ko na katulad ko ay nakahiga sa carpeted na sahig at nakaunan lang sa throw pillow. We were watching a movie an hour ago, but we got tired of finding a new one when it ended, so we decided to just relax.
"Uwi na tayo!"
Ang sarap pa ng pagkakahiga ko pero dahil sigurado akong boses ni Magnus ang narinig ko ay bumangon na ako at sinilip ko ang mga bagong dating. Una kong nakita si Magnus na nakasampay ang mga braso kay Kuya Thorn at Kuya Gun. Sa likod nila ay nandoon ang iba ko pang mga kapatid na magkakaakbay. Sigurado akong hindi iyon dahil bigla na lang silang naging clingy sa isa't isa kundi dahil sa mga nawawalan na sila sigurado ng buto sa tuhod.
Dapat ay katulad ng napag-usapan ay sabay-sabay na kaming uuwi pero mukhang nagkakasiyahan pa ang mga lalaki nang susunduin na namin sila kaya nag-decide na lang kami ng mga babae na mauna ng mauwi. Iniwan na lang namin si Nevan para may magmaneho sa kanila pabalik ng Tagaytay.
"Ikaw naman pareng Magnush. Happy happy pa tayo pero kanina ka pa nag-aayang umuwi ah," sabi ni Kuya Trace na nakayakap sa braso ni Kuya Pierce.
"Palibasha wala kang ashawa! Uwi na tayo! Miss ko na ang ashawa ko."
"Hoy! May ashawa na rin ako!"
Malakas na tumawa si Magnus at humarap siya kay Kuya Trace. Inangat niya ang kamay niya at tinuro niya ang kapatid ko pero parang dalawa na ata ang nakikita niya kasi palipat-lipat mula sa kanan at kaliwa ang hintuturo niya na parang hindi siya makapili. I snickered when I saw him raise his other hand as well so that he could point at the two versions of Kuya Trace that he's seeing. "Guni-guni mo lang 'yan! Wala kang ashawa."
"Meron nga shabe!"
"O sige nga! Pakita mo nga, pakita mo nga!"
Nagkatinginan kami ng mga babae at ilang sandaling nag-uusap lang ang mga mata namin bago kami nauwi sa hagikhikan.
"Uy ano 'yon?" Nagpalingon-lingon si Kuya Axel na sumiksik kay Kuya Domino at Kuya Coal. "Narinig niyo 'yon?"
Tanging ang ilaw lang na nakabukas ay ang nasa kusina. Nag-i-i-stargazing kasi kami ng mga babae kaya hindi namin binuksan ang ilaw sa reading nook.
"May mumu ata ang bahay niyo, Magnush," nahihintakutang sabi ni Kuya Trace.
"Wala! Bakit mo shinishiraan ang bahay namin? Lahat dito maganda kashe maganda ang ashawa ko!"
Natigilan si Kuya Trace. "Bahay mo 'to? Akala ko malayo pa tayo?"
Magnus looked around, his head seeming too heavy because he nearly fell sideways if not for my two older brothers he's holding on to. "Ay nandito na pala tayo. Bakit hindi mo sinabi?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Bahay mo 'to kaya dapat mas alam mo."
"Hina mo naman pare," sabi ni Magnus na napapalatak. "Siyempre shurprise. Hindi ko pwedeng shabihin na bahay ko 'to."
I almost choked with laughter. I've seen Magnus drunk, but not this drunk.
"Kung bahay ko 'to, nasaan ang ashawa ko?" tanong ni Magnus pagkaraan ng ilang sandali.
My brother Trace snickered. "Ikaw pala ang walang ashawa eh."
Tinangkang abutin ni Magnus ang kapatid ko. "Meron nga sabi!"
Kuya Thorn let out a grunt, then he let go of Magnus' arms. "Stop moving around you two!"
"Kuya bakit mo sinisigawan si pareng Magnush?" tanong ni Kuya Gun na hawak pa rin ang asawa ko. "Tropa ko to eh. Kalma ka lang."
Kuya Thorn shook his head. "Can we just please go? Pierce, you drive. I'm too drunk to do it."
We watched Pierce let go of Kuya Trace and he moved to the front. Napanganga kami ng mga babae nang inangat ni Kuya Pierce ang kamay niya at kumindat. "I got this, guys. We'll get there in no time."
Tinakpan namin ng mga hipag ko ang mga bibig namin para hindi kami marinig ng mga lalaki na umupo pa sa sahig na para bang nasa sasakyan nga sila. Parang nakalimutan nina Magnus at Trace na kanina lang ay na-realize na nilang nasa bahay na sila dahil sumama rin sila sa imaginary car na kinaroroonan nila. From the back, Kuya Domino started humming.
"May camera ba ang sala niyo, Luna?" bulong sa akin ni Lucienne.
"Meron." Nakangising nilingon ko siya. "Mamumudmod ako ng kopya bukas."
We turned to the men just in time for Kuya Coal to start singing along to Kuya Domino's humming. "We are the wuh-ld!"
The rest of the men sang along. Including my serious older brothers. "We are the children!"
"We are the ones who make a brighter day, so let's start giving," pagpapatuloy ni Kuya Trace sa kanta na may papikit-pikit pang nalalaman at pagtaas ng kamay niya na parang professional singer.
Magkasabay na kinanta nina Kuya Coal at Kuya Domino ang kasunod. "There's a choice we're making! We're saving our own lives."
"It's true we'll make a better day, just you and me," Magnus sings, finishing the chorus. "Malayo pa ba tayo?"
Kuya Pierce turned to look at him. "Malapit na. Traffic eh."
Belaya snorted. Lahat kami ay naluluha na sa kakapigil ng tawa.
"Keep your eyes on the road!" Magnus hissed.
Ibinalik ni Kuya Pierce ang tingin niya sa harapan at nag-thumbs up pa. Sa likod naman ay napatingin si Kuya Domino kay Kuya Axel. "Okay ka lang kuya?" Umiling si Kuya Axel na magkasalikop ang mga kamay. "Nagdadashal ka? Masyado bang mabilis magpatakbo shi Kuya Pierce?"
"Nako! Dadaan na naman ba tayo ng shimbahan?" tanong ni Kuya Trace.
Umiling ulit si Kuya Axel. "Hindi. Nagdadasal ako kasi sinusundan tayo ng multo sa labas."
They all comically gasped and looked around. I was already expecting their reaction the moment they saw us, but I thought I was ready for it.
"AAAAAHHHH!"
I looked around, and the women who are just like me are wearing a hydrating face mask. Then, for I don't know how many times today, we all erupted in fits of laughter.
__________________End of Chapter 52.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top