Chapter 8: Karma
#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 8: KARMA
MIREIA'S POV
It took me almost three hours before I finally arrived at the Dagger Private Security and Investigation Agency's headquarters in Tagaytay. Ganoon katindi ang traffic na pinagdaanan ko. Hindi ba pwedeng isa-isa ang pagawa nila sa daan? Gusto ko na ngang pagsisihan kung bakit hindi ako pumayag na magpasundo sa asawa ng kaibigan ko at nagpresinta na ako na lang ang magmamaneho papunta.
I reached for my mint Hermes Birkin Fray Fray that the man I recently went out with gave me before I exited the car. A gift that I didn't want to accept since it's too much to receive from someone I just met on a date twice and have no plans on seeing again. Pero dahil ayaw niyang kunin pabalik eh di gamitin. Sayang naman.
Dumiretso ako sa loob ng gusali at naabutan ko sa loob ang dalawang lalaki na nakatalikod sa akin at kasalukuyang kausap ang security guard. Ang gwardiya ang unang nakapansin sa akin at nanlalaki ang mga matang napatayo siya. The two men followed the security guard's gaze, and their eyes stopped at me.
Inalis ko ang suot ko na sunglasses at bumuka ang mga labi ko para magsalita pero hindi ko naituloy iyon nang lumikha ng malakas na tunog ang hawak ng isa sa lalaki na insulated tumbler nang mabitawan niya iyon. Natapon pa ang laman no'n na kape.
Lumakas ako palapit sa kanila. "Are you okay?"
Sunod-sunod na tumango ang lalaki sa paraan na parang ako na ang kinakabahan sa leeg niya dahil parang mapuputol na iyon. The other man stretched his hand towards my direction and there's no mistaking how it's trembling hard.
"I'm..." Nang animo nawalan ng kakayahan makapagsalita ang lalaki ay ang kasamahan niya na ang sumagot para sa kaniya. "He's Pike, I'm Leo." Itinuro niya ang guard na kumaway pa kahit magkalapit lang naman kaming lahat. "And this is Edson, our security guard."
I said my hellos to them again before I turned to Leo. "Pwede niyo bang ituro sa akin kung saan ang conference room ninyo? I'm expected by the Dawsons."
"Pike samahan mo si Miss Aguero."
"A-Ako?"
Binigyan ko ng matamis na ngiti ang lalaki. Para bang robot na naglakad siya papunta sa elevator. I followed him with my stiletto heels which were the exact color of my bag that I couldn't help but admire. Even if my world got violently shaken up this morning at least from the outside I still look put together.
Sa pang-apat na palapag ng building kami huminto. Nang makalabas sa elevator ay lumapit kami sa isang lalaki na nakatalikod sa direksyon namin at kausap ang isang magandang babae na nasa likod ng reception desk.
"Hindi pumayag ang mga boss na sa baba ilagay ang reception. Mahirap na. Mabuti nga rin dito para may haharap sa mga kliyente kapag may on-going pa na meeting."
"Para namang hindi ko kaya na protektahan ang sarili ko. Si Kuya Edson lang ba ang may baril? Kahit receptionist lang ako, hindi naman siguro mahirap kumalabit ng baril."
"Huwag kang mag-alala. Bibisitahin kita lagi, Rage."
Tumingin sa kisame ang babae na pinagsalikop pa ang mga kamay niya. I looked down at the nameplate she's wearing. Ragelle. Cute name. "Lord, bakit mo po ako binibigyan ng ganitong klaseng pagsubok?"
Tumikhim si Pike na nakatayo sa tabi ko dahilan para mapatingin sa amin ang babae at mapalingon naman sa amin ang taong kausap niya.
Proving that it's not my day today and for some reason lahat ng mga tao rito ay nawawalan ng lakas ang kamay, naibagsak ng binata ang hawak niya na kape. Ipinagpapasalamat ko na lang na iced coffee iyon dahil dumiretsong tumapon ang laman no'n sa puting-puti ko na bodycon dress.
"Holy fuck! I'm sorry!"
Binatukan siya ng babaeng receptionist bago siya umikot palabas ng desk para lapitan ako. "Tigilan niyo na kasi ang kakakape niyo para hindi kayo ninenerbyos kapag nakakakita kayo ng magandang babae." The woman grimaced and she handed me some tissue. "Sorry about that. Miss Aguero right? Pasensya na po kayo kay Warrick."
"It's War," pagtatama ng lalaki bago nakangiwing tinignan ako. "I'm really sorry. I'll pay for the dress."
Rage and War. Hindi ko napigilan ang tawang kumawala mula sa mga labi ko.
"Natatawa siya kasi hindi mo kayang bayaran iyong damit," pagtatranslate ni Rage.
"Kailangan mong ibenta ang kidney mo," pagsang-ayon ni Pike.
Natatawa pa rin na umiling ako. "No, it's not that. Natuwa lang ako sa pangalan niyo. Ang cute kasi." I turned to look at the man. "You don't need to pay for it. Makukuha sa laba 'to."
Rage looked surprised. Hindi ko siya masisisi. They probably handled a lot of well off and well known people. If there's a lot of rich people that are assholes, imagine if it's a rich and famous one.
"Pasensya na talaga Miss." Alanganin ang ngiti na ibinigay sa akin ni Warrick. His attention went to my right and when he looked back at me, there's confusion in his eyes. "Umm... girlfriend ka po ba ng isa sa mga boss namin?
"No. Why?"
"Kasi ang sama po ng pagkakatingin sa akin ni Sir Axel."
"Si Sir Axel? Hindi marunong magalit iyon—"
Hindi natuloy ni Rage ang sasabihin nang lahat kami ay mapatingin sa ngayon ay papalapit na si Axel. Warrick's right. Axel looks mad. Typhoon-Axel-Face is back.
Sa pinanggalingan niya ay nakataas na ang blinds ng salamin ng conference room at sa loob no'n ay naroon ang lahat ng magkakapatid na Dawson. Even their wives are in there and watching us.
"What happened here?" he asked.
Inunahan ko sa pagsasalita si Warrick. "Nabangga ko si War kaya natapunan ako ng kape."
I thought it would pacify him but he skewered the man with a look. "Next time, stop using plastic containers and bring your own tumbler so it has a lid on."
Hindi ko na lang sinabi na kanina ay ang kasamahan niya na si Leo ay natapon din ang kape niya kahit nakalagay iyon sa tumbler. Tama siguro si Rage. Kailangan na nilang tigilan ang kape.
"Opo. Sorry po," sagot ni Warrick na binigyan ako ng nagpapasalamat na tingin.
Axel turned to me. "Kami na ang bahalang palitan ang damit mo."
"You don't need to."
"It probably cost—"
"Not much." Itinaas ko ang bag ko na kanina ko pa inilalayo sa katawan ko. "Pero I do need a change of clothes at kung pwedeng ilayo niyo sa akin ang bag ko. It's a gift and it's kind of... uhh... expensive."
"Warrick," bulong ni Rage na ngayon ay titig na titig sa bag ko. "Alam mo bang muntik mo ng masangla ang kaluluwa mo?"
"What?"
"Fifty thousand worth ang bag niya," Nang manlaki ang mga mata ng lalaki ay nagpatuloy siya, "Dollars."
Nanghihinang napasandal si Warrick kay Pike na sinalo naman siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang mapatawang muli sa kanila.
Napapabuntong-hininga na kinuha sa akin ni Axel ang bag. "Let's go."
Nginitian ko ang tatlong empleyado bago ako sumunod sa kaniya. Tumuloy kami sa conference room kung saan naghihintay na ang lahat.
"Here."
Bumaling ako kay Axel at nakita kong hinubad niya na ang suot niya na jacket ng kompanya nila. Kinuha ko iyon sa kaniya at itinapat ko sa sarili ko. It's long enough to look like a dress on me. Kasing haba lang iyon ng suot kong damit.
Bago pa may makahuma sa mga tao sa paligid ko ay ibinaba ko na ang strap ng suot ko na damit bago ko isinuot ang jacket. I pulled the zipper up and then I expertly shimmied my dress down.
I grabbed my dress from the floor and when I looked up, I saw that all the men in the room were all looking away from me. Tanging si Lucienne, Lia, at Belaya lang ang nakatingin sa akin habang may kaniya-kaniya sila ng bersyon ng ngiti.
"Sorry. Occupational hazard," I said to the room.
Walang salitang ipinaghila ako ng upuan ni Axel bago siya lumapit sa inookupa niya na nasa tapat ng sa akin. He looks like his face are burning up though.
"Ang swerte ng mga kapatid natin," nakatingin sa akin na sabi ni Trace na mukhang kausap ang katabi niya na si Domino na sunod-sunod na tumango. "They have a singing angel, a beautiful kitten, ngayon si Kuya Axel may dyosang supermodel."
"Bakit hindi ako kasama? Anong tawag sa akin?"
Nilingon ng lalaki si Lucienne na siyang nagtanong. "Sa tagal kitang nakakasalamuha, Lush, hindi na kita kinikilala bilang tao."
Pinigilan ni Lia si Lucienne ng akmang babatuhin ng babae ng hawak na laptop si Trace. "Okay, we're out of here."
"Bakit?" nakangusong tanong ni Lucienne. "Gusto ko ring sumama sa meeting."
"She's a client."
"Eh di ba security lang naman ang kukunin para kay Mireia? She probably knows the same thing that the world does dahil wala pa namang kasiguraduhan iyong mga nasa balita na nabasa ko. Nothing's pointing directly to Mireia so this shouldn't be controversial. Belaya just want to make sure she's safe."
Umangat ang kilay ni Lia. "Nagbabasa ka na ngayon ng balita, Lush? Akala ko ba depression on paper lang ang news?"
"Curious lang ako. Nabasa ko na nga lahat ng articles na konektado sa model na nahanap ng mga pulis na si Aurora Aranda. Then there's Sophia, Emma, Bethany, and Monique." Tinignan niya ang mga taong kasama namin sa kuwarto na iyon na napatunganga sa kaniya. "What? Ang dali kayang mag-research. No one's mentioning Mireia yet."
If she's not doing any writing projects, she should part time here in Dagger.
"You all can stay. It's okay with me." Umupo ako sa swivel chair na nasa harapan ko. "I don't think this is necessary to be honest. Hindi lang naman ako ang model sa mundo."
"But there are less people that are as famous as you," Lucienne said.
Hindi ko nagawang makasagot agad sa sinabi niya. Even the models that died are well known in the industry.
"Mireia?" Tumingin ako kay Belaya. "Don't fight this please. Let's not take any chances. This is not like what happened to me. Hindi ito stalking case. This is extreme."
"If the deaths were really connected..." Lia shook her heard as if she can't even believe the possibility. "I haven't heard of anything like this."
"I have."
Lahat kami ay napatingin kay Lucienne. Nginitian niya kami pero sa unang pagkakataon ay hindi iyon umabot sa mga mata niya. For a second, I saw darkness lurking inside her eyes. One that will only exist if you know what real horror looks like in reality.
"Dalawa lang 'yan. This is either a work of a real serial killer targeting a particular group of people or the deaths is leading to one target victim. If it's the latter then it would be like what happened to me. Nate killed a lot of innocent people just to destroy my life."
Even Lucienne looks surprised by her own reaction when tears clouded her eyes. Napatayo ang asawa niya na si Thorn at lumapit sa kaniya. He helped her get up from the chair.
"I'll tell you everything I know that Mireia will allow. But please, baby, can you stay outside with Lia?"
"I'm just hormonal," she sniffed and looked at me. "Hindi ako iyakin, promise."
Ikinawit ni Lia ang braso niya sa babaeng humihikbi pa rin. The singer gave me a kind and reassuring smile before she lead the other woman out of the room. Hindi ko mapigilan na hindi rin mapangiti lalo pa at nakita kong sumunod palabas sa kanila si Trace. Lagi silang nagtatalo pero close na close naman sila.
"I'm staying," Belaya said.
Pierce sighed. "Kitten—"
"She's my best friend, I'm not going anywhere."
Belaya's stronger than most women I know. Hindi iyon madaling makita ng iba pero iyong mga pinapasok niya sa buhay niya ay hindi magagawang ikaila ang katotohanan na iyon. It's not just because of the blood that are running in her veins that came from generation of strong people. It's also because she's simply just one. She fought through her own battles and she conquered them in her own way.
But I also know she's scared. Hindi niya iyon matatago sa akin. Lalo na kanina sa sinabi ni Lucienne.
The door of the conference room opened and Trace went back inside. "Umorder ako ng pagkain para kay Lush. She's fine. Nagugutom lang daw siya."
Thorn looks worried but he just nodded. Nang makabalik sa upuan si Trace ay tumingin sa akin ang pinakamatandang Dawson. "Right now, we don't have much information about the victims. We're trying and we will have what we need soon but for now you should have a man on you."
"Were they really murdered?"
"We can't say for sure. Tama ang sinabi mo. Marami pang mga babaeng nasa linya mo ng trabaho. There might not be a reason for you to be involve in this. It's a bit ambiguous. The only reason you're here is for your safety."
Napabuntong-hininga ako. Mukhang kinulit talaga silang lahat ni Belaya.
"For now we want to know if you receive any kind of threats lately? Weird messages? Gifts?" Pierce asked.
"Threats from women? Yes. Lalo na iyong mga nagagalit sa akin dahil tinitignan ng mga asawa o boyfriend nila ang pictures ko. Weird messages? Yes. From men and women that thinks that I wanted to know what they felt and what they do whenever they see my pictures. And I always receive gifts, but creepy ones? Wala."
"We also need a list of the people you got involved with romantically. Maaari tayong makahanap ng koneksyon sa ibang biktima. You could have been involved with the same person."
Axel's jaw clenched but he didn't look away from the monitor in front of him.
Nag-aalangan na tumango ako kay Pierce. "I'll send it to you."
"I know this looks serious since we're all here. You don't need to worry for now. We barely have anything since the scope of the deaths are too broad and nothing can relate them to you except the obvious," Gun said.
"That there's a lot of people in the industry I'm in that have the same features," I said more as a statement than a question.
"Exactly." He looked at his other brothers. "Kuya Thorn and I are here because putting a security detail for a person is our job. Pierce is here because of Belaya. Axel's here because all the cases go through him. Iyong iba nandito lang dahil gusto nilang mag-volunteer bilang bodyguard mo. Looking at this case, your bodyguard doesn't need to be one of the highest Blade Points since they are needed for bigger cases. All of our men are capable to do something as simple as guarding someone."
Gun explained the classifications in their agency. There are Bolsters, Spine Points, Blade Points. Bolsters are trainees. Spine Points are those that handle investigative researches and security control. Blade Points handles field investigation and client security. They have men under all the department and each department have rankings. The Dawson men are all on the top with Axel being one of the highest from both department.
"I don't need to trouble everyone. Kung sino lang iyong maluwag ang schedule. Don't waste resources on me."
"I told you that according to the status of this case, for now, you don't need a high ranking BP. I didn't say that I agree. You're family. Belaya will kill us if something happens to you. Pero iyon ay kung hindi siya mauunahan ng kapatid ko." Umangat ang sulok ng labi ni Gun at isinarado niya ang laptop niya bago tumayo. "I have another appointment. Nice to meet you again, Mireia."
Napanganga ako nang walang lingon na lumabas na siya ng conference room. The silence inside the room didn't last for a long time dahil pagkaraan lang ng ilang sandali ay nag-uunahan na sa pagsasalita ang nakakabatang mga kapatid ni Axel.
"Lagi kang masaya kapag ako ang kasama mo," sabi ni Trace na itinaas ang isang kamay. "Hindi ka ma-bo-bored."
"I'm not an eyesore unlike these two," Coal said confidently.
Pagak na tumawa si Trace at humalukipkip. "Asa ka. Ako ang pinakagwapo sa atin."
They bantered back and forth until Domino raise his hand. "Ako gwapo na, mabait pa, kaya kitang aliwin, tapos magaling din akong mag fanboy. Tanong mo pa si Belaya. I can even wear a shirt with your name and help you with your fans."
"Sipsip ka," sabi ni Coal.
When they started arguing again, Thorn tapped the table loudly. "Bakit kayo lang ang pagpipilian? It could be me, Gun, or Pierce."
"Kuya Thorn, may asawa na kayo. Give chance to others," sagot ni Trace.
"Anong kinalaman ng pagkakaroon namin ng asawa?"
"Dahil maiistress lang si Mireia kasi alam niyang may kailangan kayong uwian." Kumindat sa direksyon ko si Trace na ikinangiti ko. "Walang magrereklamo kapag itinake home ako."
Thorn looks like he's about to have a migraine. "All right." Naiiling na tinuro niya ang mga kapatid. "Mireia you can choose from these three—"
"I'll handle this."
Lahat sila ay gulat na napatingin kay Axel. Natatanging si Belaya lang ang may pinipigil na ngiti sa mga labi habang nakangiti sa direksyon ko. This munchkin... don't tell me...
"You never leave the control room," Coal said.
"Starting from today, I would."
"Paano ang research para sa ibang case?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Trace.
"Hindi lang ako ang nag-iisang empleyado sa lugar na 'to at hindi lang din ako ang nag-iisang SP."
Sumingit si Domino. "You rarely do BP cases."
"It doesn't mean I can't." Nang akmang aangal pa ang mga kapatid niya ay tumingin si Axel sa direksyon ni Thorn. "I am more than capable and you know it."
From the sound of it, he's more than capable. Axel could be shy and sometimes timid, but I have no doubt that he can wipe the floor with anyone of his brother if given the chance.
"You don't need to do this."
Nilingon ako ng binata nang magsalita ako. Nagsalubong ang mga kilay niya. "You don't want me?"
Belaya made a sound and I don't need to ask her to confirm that it's because of the double meaning. "It's not that—"
"So you want me."
Napakurap ako. This feels familiar. Ganito na ganito ang pag-uusap namin noong kinailangan namin tumuloy sa motel dahil sa bagyo.
"Accept me as your bodyguard, Mireia. Akala ko ba ako ang favorite Dawson mo?"
I never thought the day would come that my adorable bunny, Axel Dawson, could render me speechless. But he did. He really did.
Ang tawag diyan karma. Ano? Ngayong ikaw ang na-jokarot hindi ka makapagsalita?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top