Chapter 7: Uncanny
#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
A/N: Salamat po sa best fwend ko at sa jowa niya na kada isasama ako sa gala nila ay nakakapulot ako ng kalokohan XD
CHAPTER 7: UNCANNY
AXEL'S POV
Napapabuntong-hininga na nagbaba ako ng tingin kay Mireia na nakasiksik sa akin habang nakapikit. She's not asleep yet but I'll bet all the fortune that I have that she's on her way to passing out. Tanging si Luna lang ata ang nananatiling gising na gising pa rin sa kabila ng dami niya ring ininom. Lucienne, of course, didn't drink but since her pregnancy hormones kicked in, she was the one that fell asleep first.
"Make it stop," Mireia groaned.
"What is it?"
"Iyong lindol," she whimpered. "I'm dying."
I sighed again. Ilang beses ko siyang pinigilan na uminom pa pero hindi talaga siya nagpaawat. Idadagdag pa na walang ginawa si Luna kundi bumili ng alak. I threw my sister a look who just widened her eyes innocently.
"Wala akong kasalanan ha? Tagabili lang ako. Sisihin mo si Kuya Trace at Kuya Domino na hinamon si Mireia kung sino ang unang susuko sa kanila."
Tumingin ako sa likod. Nakaupo sa gitna si Coal na nakahalukipkip habang nakapikit. Nakaunan sa balikat niya si Domino habang si Trace naman ay halos humiga na sa kandungan nilang dalawa. Si Belaya at Lucienne naman ay magkayakap pa na natutulog sa likod ng inuupuan namin ni Mireia. Sa harapan na kasi umupo si Kuya Pierce dahil siya lang ang hindi nakainom maliban sa akin at kay Kuya Thorn. Sa likod nila Belaya at kahilera ni Luna ay sina Lia at Kuya Gun na sa amin na sumabay dahil hiniram ng isa sa kasamahan ni Lia ang sasakyan nila na dumating pala ang pamilya sa concert.
Muli akong napatingin kay Mireia nang maramdaman ko na bumigat ang ulo niya. I quickly wrapped my arm around her shoulders when she nearly slid down. A small sound, almost like a mewl, escaped through her parted lips when she moved to get closer to me. I froze instantly when I felt her bury her face on my neck.
"You look cute together." Nang hindi ako umimik ay muling nagsalita si Luna, "Niligawan mo ba siya noong college kayo?"
"No."
"Why not?"
"She was too young. I don't want to be a creep to a seventeen year old. I was twenty-one that time."
"Four years lang. Kami nga ng Kuya mo eight years."
Napalingon ako sa kinauupuan ni Lush at nakita kong naghihikab na kinusot niya ang mga mata niya. Maging si Belaya ay gising na.
"I thought you were sleeping."
Itinaas niya ang kamay niya at nag-thumbs up. "Basta sa tsismis nagigising ako. It's the principle of the maritesism studies. Sa inyo na nga lang ako nakakasagap ng tsismis. Wala naman akong friends masyado."
I doubt that. Lucienne has the habit to adopt everyone that will come to Dagger. Kaya nga hindi nagdadala si Coal ng babae sa lugar kung saan makikita siya ni Lucienne. Baka kaibiganin kasi ng babae ang lahat ng nagdadaan sa buhay niya.
"So? Anong meron sa four years at hindi mo niligawan si Mireia?" tanong niya.
"She was seventeen."
"Eh di hininintay mo sanang mag-eighteen."
"Pa-graduate na ako noon. I didn't want to interfere with her studies. And waiting until she's done being a jailbait is just as bad as approaching her with an interest in starting a relationship while she's still a minor."
"I was seventeen when I met your brother," Lia said.
"Tatlong araw na lang eighteen ka na noon. Mireia and I were different. We were schoolmates. I have a lot of time to be with her and know her. I didn't want to act as if I was grooming her."
"Axel, no one in this world could ever think of you like that." Lia sounded as if she's ready to fight whomever it is that will attempt to accuse me of anything. "Have you ever sexualized your relationship with her when she was seventeen? Have you ever acted inappropriately?"
"Of course not."
"Did you isolate her and controlled her life in anyway?"
"I wouldn't do that. I wanted her to be free. Nagkakasama lang kami para mag-aral. The first time I approached her, she was fighting with an employee at the university. She was right to do that. The man was a creep. I was amazed with how she carried herself with pride and I wanted to help her since she really looked like she was in a bind. May kailangan siyang ipasa no'n pero masyadong mahal ang print sa school. I didn't expect to be friends with her at all. It was supposed to be a one time thing."
"Pero humingi siya ulit ng tulong sa iyo para magpaprint sa printer natin na hindi nag-e-exist," natatawang sabi ni Luna. "Kaya ka pala sabi nila Kuya lagi kang walang pambili ng pagkain. Lagi ka raw nagbabaon ng kung anong makita mo sa bahay."
Hindi ako umimik dahil totoo naman iyon. It was a white lie that I didn't mean to repeat. Balak ko lang talaga siyang tulungan ng araw na iyon. But then I also knew her professor dahil naging professor ko rin iyon sa isang subject. Ugali talaga no'n manadiya na baguhin ang date ng mga pinapapasa niya na para bang gusto niyang marami ang bumagsak.
When Mireia texted me the second time, she told me that she's willing to pay me money for it na hindi ko naman tinanggap. It became our thing. Ipiprint ko ang mga kailangan niya at dadalan niya ako ng pagkain.
"Magkaiba kayo ng course?" tanong ni Lucienne.
"Yes, but we sometimes study together. Tinutulungan niya rin ako minsan."
"Pero di ba mas higher year ka?"
My lips curved into a smile when I looked down at the woman in my arms that was sleeping peacefully. "She has a presidential scholarship, she's a Dean's lister, and she's been granted of a couple of Academic Excellence awards. Minsan kahit na ahead ako sa kaniya mas mabilis niya pang maintindihan ang lessons namin."
"She loves studying." Si Belaya ang nagsalita na kanina ay tahimik lang na nakikinig. "Lagi niyang tinutulungan ang pinsan niya. She never sees it as a bother, but rather she enjoys doing it. It's unfortunate that she didn't finish her studies. Sigurado ako na Summa Cum Laude sana siya."
"Did she ever tell you why?" Lia asked.
"No. She hates talking about her past."
Nakaraan kung saan kasama ako. Maybe that's why she never reached out.
"Pero nalilito ako. Siya talaga 'yung first love mo di ba? Pero ang sabi mo nagmadre ang first love mo kaya paanong si Mireia iyon?"
My brother spoke for the first time. "Lucienne."
"What? Parang hindi naman kayo lahat nagtataka."
"I was curious about it too," Belaya said in agreement to Lucienne. "Mireia's the last person that will go to a convent. Baka wala pang isang oras pinalabas na siya."
Isa iyong tanong na hindi ko alam kung magagawa kong mahanap ang sagot. After the last night we have been together years ago, I saw her weeks later in a cover of a men's magazine where she was barely clothed.
She lied to me and I can't help but wonder if she did that because she couldn't tell me the truth. That maybe it was just her trying to let me down easy.
That maybe... she wanted to move forward, and I was part of her life that she needed to walk away from. And maybe after all these years, it was time for me to do the same. To stop holding on to the woman that didn't want to be with me.
MIREIA'S POV
Napaungol ako at isinubsob ko ang mukha ko sa kama nang pakiramdam ko ay sa mismong tapat ng mukha ko sumikat ang araw. Gusto ko pang bumalik sa pagtulog para balikan ang maganda kong panaginip kung saan ay singer na raw ako at kasama ko si Lia na mag-perform.
Paalis na sana ulit ang kamalayan ko para pumunta sa mundo ng mga nahihimbing nang maramdaman kong may pumalo sa hita ko.
"Aray!" Pupungas-pungas na bumangon ako. "Naynay naman!"
"Anong oras na hindi ka pa nagigising? Kanina pa kaming tapos mag-tanghalian ni Marthena pero tulog ka pa. Kumain ka na ro'n. Hindi ka pa naglalaba ng mga damit mo at ang sabi mo magbabayad ka ng bills ngayong araw."
"Busog pa naman ako Naynay," pagsisinungaling ko. Kanina hindi ako nagugutom kasi tulog pa ko pero ngayon ay parang nagmamakaawa na ang tiyan ko. "Mabilis lang maglaba at iyong bills naman online ko lang po babayaran."
"Paano iyong meeting ng homeowners?"
"Si Marthena raw po ang a-attend."
"Kanina ka pa hinahanap ni Rie, sagutin mo ang mga text niya. Tawagan mo rin pabalik si Aurelie."
Naghihikab na tumango ako. She's talking about my manager and my agent. "Okay po."
"Nagluto rin ako ng kakanin na paboritong kakanin ni Axel. Ipadala mo sa kanila."
Napamulagat na napatingin ako sa ina ko. Right. I was with them yesterday. Ang huli kong naaalala ay nakikipagtagisan ako sa inuman kay Domino at Trace. In the end alak pa rin ang nanalo dahil mas matibay iyon kesa sa sikmura namin.
"Nakakahiya ro'n sa tao at kinarga ka pa na parang bata papunta rito sa kuwarto mo dahil hindi ka magising sa kalasingan. Ilang taon mo siyang hindi nakita tapos pinahirapan mo pa ang pobreng binata na iyon." Umakto siyang kukurutin ako pero kaagad akong nakaiwas. Naynay might look frail pero isang kurot niya lang ay atras talaga ako. "Pagkatapos mong ipadala ang mga niluto ko humingi ka ng pasensya sa kaniya at magpasalamat. Pati na sa mga kapatid niya na nag-abala pa na ihatid ka samantalang sa Tagaytay pa sila uuwi."
"Opo."
"Bumangon ka na riyan at maligo. Amoy alak ka." Napapalatak na tinignan niya ang itsura ko. Dahil hindi ako nakapagtanggal ng makeup sigurado ako na mukha akong may hangover na panda. "Anong sinabi ko riyan sa pag-inom mo?"
"Susuka lang pero hindi susuko— aray Naynay!" angal ko nang paluuin niya na naman ako. At least alam kong good day niya ngayon. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng palo niya eh. "Kung sa alak wala pang nagpapatumba, tabi, baka sa akin kaya na pala." Natatawang tumayo ako para lumayo sa kaniya ng umangat na naman ang kamay niya. "Joke lang Naynay. Love you!"
"Tayo na at ng makaligo ka na. Anong oras na hindi mo pa nasisimulan ang araw mo."
"Ang dami mo namang utos Naynay. Ang Diyos nga sampu lang ang utos eh."
Sa pagkakataon na 'to, bago pa siya makakilos ay mabilis na tumakbo na ako papunta sa banyo ng kuwarto ko. Kapag ganitong maraming energy ang ina ako ay sigurado akong hindi siya magtitipid, at ibubuhos niya lahat iyon sa akin dahil sa kasutilan ko.
I fought through the nausea and took a shower. I feel refreshed after it what with not smelling like a beer house, and when I finally look like a human than a deranged animal suffering from rabies. Nang makapagbihis ay dumiretso ako sa dining area kung saan naabutan ko si Naynay na inaayos ang tatlong bilao.
"Naynay hindi naman kayang ubusin ni Axel 'yan." Maybe he could finish one but I doubt he can eat all three.
"Para iyong iba sa mga kapatid niya at sa mga asawa nila."
Napapailing na umupo ako sa tapat ng malinis na plato na nakahanda na at inalis ko ang takip ng pagkain. Kumalam ang sikmura ko nang makita kong sinigang iyon.
"Kamusta na pala si Belaya? Tulog na siya nang makarating sila rito sa bahay kahapon pero nagpakilala sa akin ang asawa niya. Kegwapo at kegandang bata ng mga magkakapatid na iyon ano?"
"Kaya nga hindi ako na out of place sa kanila kahapon." I flipped my hair and raised my left shoulder as if I'm posing for a picture. "Pak!"
"Naiputan lang kita."
Napatawa ako. Madalas niya iyong sabihin sa akin kapag inaatake ako ng kahanginan. Pero totoo naman ang sinabi niya. Payat na si Naynay ngayon dahil sa haba ng laban niya sa sakit niya na AML o Acute Myeloid Leukemia. She also lost her hair with her continuous maintenance chemotherapy. She's on remission now but she didn't gain back everything that she lost. Sa kabila niyon ay hindi maitatago ang natural niya na ganda.
I inherited some details from her but whenever I look in the mirror, I know that I don't look exactly like her. For some reason I have strong Spanish features. Hindi ko naman kailangan maging henyo para maintindihan na maaaring galing iyon sa ama kong hindi ko na nakilala. Naynay said that it was a one night thing and she never knew his name. Iyon iyong mga panahon na nagrerebelde siya sa mga magulang niya. Iba rin 'tong si Naynay eh.
"Okay naman si Belaya, Nay," sabi ko bilang sagot sa tanong niya kanina. "In love na in love pa rin. Nasa honeymoon stage pa sila ng asawa niya kaya ang hirap nilang kasama at masyadong sweet."
"Sweet naman talaga ang batang 'yon."
Tinago ko ang ngisi ko at sumubo na ako ng pagkain. Kung alam lang ni Naynay kung gaano ka-maldita ang babaitang 'yon.
"Nakakalungkot lang at hindi na natin siya kalapit ng bahay. Madalas pa naman akong bisitahin no'n."
What she said brought me back to last night when Belaya and I talked about moving to Tagaytay. Kahit na usapang lasing iyon. Ang totoo naisip ko na rin iyon dati pa. Mula nang tuluyan ng lumipat ang kaibigan ko sa Cavite ay talagang pinag-isipan ko na rin kung maganda kaya na bumili rin ng property doon.
Naynay's on remission and the province might be good for her. Kung trabaho naman ang problema ay madali namang bumyahe mula Cavite papuntang Manila. I also won't be a model forever. There will be a time that I will need to settle down in one place for good.
"Naynay, sa tingin mo magandang lumipat sa Tagaytay?"
Napatingin siya sa akin. "Gusto mo bang lumipat?"
"Iniisip ko lang Naynay pero siyempre kung hindi kayo komportable masaya naman ako rito."
"Ikaw ang tinatanong ko. Matanda na ako, Mireia. Hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko sa mundo—"
"Nay," angal ko.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya. "Kung saan ka masaya ay doon din ako. Isa pa sa Cavite rin nakatira si Orson. Hindi na siya mahihirapan kapag umuuwi siya."
Ang private nurse niya ang tinutukoy niya. Galing kasi sa rekomendasyon ng kapatid ni Belaya si Orson. Hindi kasi ako komportable na walang kasama si Naynay kahit pa nandito si Marthena. Mabuti na iyong alam ang gagawin at marunong din mag-drive kung sakali na kailangan dalin sa ospital si Naynay.
"Alam ko rin na gusto mong mapalapit sa kaibigan mo. Kung ospital lang din naman ang pag-uusapan ay siguradong marami no'n sa Cavite lalo pa at nandoon din si Cross," sabi niya na ang tinutukoy ang ang kapatid ni Belaya. Sandaling napatigil siya na parang may bigla siyang naisip. "Bakit hindi mo pala sa akin sinabi na nagkita kayo ni Axel?"
Napatigil sa ere ang hawak ko na kutsara sa naging tanong niya. "Nagkita kami sa kasal nila Belaya. Hindi ko alam na magkikita kami ulit."
"Paanong hindi kayo magkikita eh brother-in-law siya ng best friend mo?"
Iyon ang eksaktong problema ko. Masyadong maliit ang mundo namin ni Axel.
"Walang masama kung makikipagkita ka sa kaniya. Close kayo noon."
"Naynay—"
"Sampung taon na ang lumipas, Mireia. Ang tagal na panahon na niyon. Alam mong wala kang kasalanan at hindi mo kailangan iwan lahat ng taong parte ng nakaraan mo."
Hindi ko nagawang makaimik. Hindi ko rin magawang salubungin ang tingin niya. Naynay could read me more than any people in this world. I don't want her to see that I don't agree with her. Ten years is not enough. Not enough years will ever be.
"Si Naynay naman ang drama," pabirong sabi ko. "Kung iniiwan ko ang mga tao sa nakaraan ko dapat pinaampon na kita sa Chinese."
Kapag sinabing "matalim ang tingin" sa mga libro, kay Naynay iba. Mas tamang sabihin na "bagong hasa sa talim na tingin" ang ibinigay niya sa akin.
"Ate!"
Gusto kong bigyan ng tatlong buwan na allowance si Marthena nang bigla na lang siyang sumulpot. Hawak-hawak niya ang cellphone niya. Sigurado ako na wala pa siyang tulog base sa nanlalalim niyang mga mata. Thesis na naman ang problema niyan for sure.
"Pati sa akin tumatawag na si Rie at Aurelie. Patulog na sana ako eh," angal niya.
Kinuha ko sa kaniya ang cellphone at tinapat ko iyon sa tenga ko. Ano na namang kailangan sa akin ng taong 'to at hindi mapakali? Kung may biglaang photoshoot na naman sasakalin ko na siya talaga. "Hello, Rie?"
"I've called you a hundred times! Pati na si Aurelie kanina pa tumatawag sa'yo!"
Inilayo ko ng bahagya ang cellphone sa sobrang lakas ng boses niya. "Nawalan siguro ako ng battery. Kagigising ko pa lang. I haven't charged it yet." Tinignan ko si Marthena na kaagad tumalikod at naglakad paalis. "Ano bang meron at ang aga mong mambulabog? Akala ko bakasyon tayo?"
Bumalik si Marthena dala ang cellphone ko at charger. Isinaksak niya iyon at inabot sa akin ang phone ko.
"Read your email. Aurelie's about to lose her mind with worry."
Kumunot ang noo ko. "Anong meron?"
"Kagabi ka pa hindi sumasagot sa tawag namin."
"Nasa concert ako. Ano bang nangyayari?" Kaagad na dumiretso ako sa email ko nang bumukas ang phone at binasa ko ang mensahe na galing kay Rie. "Kapag ito tsismis na naman na tungkol sa akin pag-uuntugin ko kayong dalawa ni Aurelie."
I've been subjected to a lot of rumors. May scandal pa nga minsan. There's a reason why it's called a rumor. Wala sa ni isa sa mga iyon ang totoo. Lalo na kapag galing sa mga taong nakarelasyon ko ang kuwento.
Some of the rumors were true, yes. But most of those were warranted specially when it comes to those people that I cared about. Katulad ng malanding babae na inagaw ang boyfriend ni Belaya noon. I mean, at least Belaya ended up with someone better, but it doesn't mean that what her ex did was right.
"Inuunahan na kita Rie, wala akong ginawang ikasasakit ng ulo mo kagabi—"
Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang makita ko ang headline ng balita. Filipina model, Aurora Aranda, found dead in a pool of blood. Tumaas ang balahibo ko sa batok nang basahin ko ng buo ang article.
"Why are they connecting this to Sophia, Emma, Bethany, and Monique?" I asked when I read the other familiar names.
"Dahil maaari raw na hindi nag-overdose lang si Sophia, hindi aksidente lang ang nangyari kay Emma at Bethany, at hindi talagang nagpakamatay si Monique. Aurora's death was a murder, Mireia."
"It doesn't mean that what happened to the other women were the same too."
"All of their deaths happened yesterday. Their deaths were a year apart but it happened on the same day. And Mireia... look at them."
I opened the email that Rie sent just now. Larawan iyon ng apat na babae na pinagtabi-tabi. They don't exactly look the same but it's uncanny how they have similar features.
"Filipina si Aurora at Emma, Sophia and Bethany came from Spain, at si Monique ay galing sa Puerto Rico. But they have similarities. Black wavy hair, dark brown almond eyes, warm tone skin, and they are curvier than the other models."
"Rie what are you—"
"Like you."
The moment he said that, I finally saw it. Hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa larawan nila. I wouldn't have looked away if the screen hadn't turned black as a call came in. Wala sa sariling ibinaba ko ang cellphone na nakakonekta pa rin kay Rie at sinagot ko ang sa akin.
"Mireia? Finally! I've been calling you for ages!"
Boses ni Belaya ang gumising sa akin mula sa pagkakatulala ko. This is insane. It can't be connected. Bakit naman may gagawa ng ganito? It's ridiculous to think that I could be in danger. That I might be next. There's thousands of models out there, why would it be me?
"Mireia!"
"Y-Yes?"
Sandaling natahimik ang kabilang linya. "You heard about the news."
"Yes."
"Piece will pick you up."
Napakurap ako. "What?"
"You need a bodyguard and I'm not taking no for an answer."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top