Chapter 3: Enough

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 3: ENOUGH

MIREIA'S POV

Binaba ko ang cellphone ko at itinulak ko iyon palayo sa akin. Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim bago ko pa maisipan na gumamit ng black magic para magawa kong ilusot ang kamay ko sa loob ng cellphone ko at sampalin ang taong kanina ay kausap ko.

"Sino na namang gumalit sa'yo ate? Boyfriend mo o kins natin na masarap sapakin?"

Dumilat ako at nilingon ko ang nag-iisang pate ng pamilya ko bukod sa nanay ko na bihirang pasakitin ang ulo ko. Hindi na ako nagtaka sa term na ginamit niya dahil "kin" talaga ang tawag niya sa mga kamag-anak namin na lagi na lang nagdadala sa akin ng problema. Masarap nga raw kasing mga sapakin.

"Malamang mga kamag-anak natin. Tigilan mo ko Marthena. Boyfriend ka riyan."

Kumukurap na nakatingin lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero titig na titig lang siya sa akin na para bang gusto niya akong kutusan. Mas matanda ako sa kaniya ng ilang taon pero pagdating sa maturity di hamak na mas lamang siya.

"What? Kung iyong nakuwento ko sa'yo na schoolmate ko na nakasama ko sa motel three months ago, hindi ko boyfriend 'yon. Kung sakali man for sure hindi ko siya kailangang problemahin kasi mabait na tao si Axel."

Kumibot ang mga labi niya pero hindi pa rin siya umiimik. Kaya niya talagang panindigan iyong kasabihan na 'makuha ka sa tingin'. Ano na namang kasalanan ko?

"Ate nakalimutan mo na naman ba na may boyfriend ka?" tanong niya pagkaraan.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako? Saan na naman nanggaling ang fake news na 'yan?"

Tumingin ako sa kisame at pilit na inalala ko ang huli kong relasyon. Hindi naman nagtatagal ang mga nagiging boyfriend ko. Kung sana umaabot kami kahit pang-anim na monthsary man lang, baka sakaling magkaroon sila ng special space sa utak ko.

"Iyong businessman."

"Marami akong businessman na manliligaw." Napakamot ako sa ulo ko. Wala pa naman akong sinasagot sa kanila ah. My last relationship was probably three months ago. Nakipag-break ako sa kaniya sa mismong araw na umuwi ako para sa kasal ni Belaya. "Busy kaya ako. Ang lalaki lang na lagi kong kasama ay si Rie at lalaki rin ang hanap niya."

Pinanlakihan niya ko ng mga mata. "Iyong tindero kamo ng bangka."

"Hoy nakipag-break na ako 'ron," sabi ko habang inaabot ang cellpone ko.

Ang tindero ng bangka na sinasabi niya ay ang ex-boyfriend ko na si Adriel Oakley. He's a German-Filipino billionaire industrialist. His family owns a boat and yacht company. They design and build them, and then they sell or rent them out.

Ex-boyfriend na after ko makipag-break sa email ay hindi na ako kinausap ulit.

"Nakita ko pang nag-comment sa latest post mo sa Instagram 'yon ah," sabi ni Marthena.

"Malay mo no hard feelings lang kasi."

Binuksan ang email ko para tignan kung may message ba na galing kay Adriel. Hindi madali iyon dahil ang daming laman ng inbox ko kahit pa sabihin na personal email account ko iyon. Kung sa social media naman, I doubt na doon niya ako i-cha-chat. Alam naman niya na ang team ko ang nag-mo-monitor sa messages ko sa mga iyon. Iyong fake Facebook account na ginagamit ko na mga kaibigan ko lang ang naka-add ay hindi naman niya alam. Email pa kasi. Sinabi ko na kasing kumuha ng sim card ng Pilipinas para ma-text ako dahil wala akong iMessage at ayoko ngang mag IPhone! Saka may Viber naman. Nakakabawas ba iyon sa image nilang mayayaman?

"Ang sabi miss ka niya and can't wait to see you again daw. May ganoon ba na break na? Knowing you na laging hindi maganda ang mga break-up?"

Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. Tama naman siya. Hindi talaga maganda ang mga nagiging break-up ko. Most of them ended because of cheating. Kaya ang ending may umuuwing luhaan. Siyempre hindi ako 'yon. Papayag ba naman ako na ako ang iiyak? Ako pa nga ang nagturo sa best friend ko kung paano ang gagawin sa talipandas niyang mga ex noon.

Ang hirap kasi sa buhay na meron kami kung saan hindi kami nawawalan ng gagawin, hindi na bago na pinagtataksilan kami. Kesyo dahil lagi kaming busy at wala na kaming oras para makipagkita man lang sa kanila o minsan dahil daw napapalibutan kami ng mga lalaking "temptation" sa relasyon namin. Iyong isa ay dahil gusto lang nilang i-justify ang actions nila habang iyong isa naman ay pambabaligtad nila dahil gusto nilang ma-guilty ka sa bagay na in the first place ay sila iyong gumagawa. Pwede naman silang makipag-hiwalay hindi iyong ang dami pang sinasabi.

"Nakakalimutan mo lang ang boyfriend mo kapag hindi hindi pangangaliwa ang issue niyo. Kapag nag-cheat kasi sa'yo excited kang manira ng buhay."

Humaba ang nguso ko. "Grabe ka naman. Hindi naman ako ganoong ka-extreme para manira ng buhay ng ibang tao."

"Anong hindi? Iyong ex-boyfriend mo na model sinend mo iyong picture ng..." itinuro niya ang ibaba niya. "—sa lahat ng kakilala niya. Dahil jutay ang tagal hindi nagkaroon ng girlfriend ulit."

"Imagine pagod na pagod ka galing fashion week. You went home to your condo expecting a warm bed with a great view of Paris pagkatapos ang makikita mo lang ay ang mga taong may ginagawang kababalaghan sa dapat ay tutulugan mo? Take note, isang beses mo lang pinagamit ang condo mo sa taong 'yon at nakuha mo na ulit ang susi. Meaning, pina-duplicate niya. Hindi lang siya cheater, trespasser pa."

"Kaya pinicturan mo siya at ikinalat iyong picture niya."

"At least wala iyong babae sa picture. I don't think that woman even knew that he was in a relationship. Saka sinend ko lang iyon sa mga modelong babae na nabalitaan ko sa mga kaibigan ko na nilalandi niya at nakikipaglandian din sa kaniya kahit na alam nilang kami pa. I told them to go for it since he's going to be out of my life and that I could deliver him to them with nothing but his birthday suit tutal kasing laki lang ng birthday candle ang... candle niya." Nalukot ang ilong ng pinsan ko sa imahe na alam kong naiimagine niya. "Extreme na sa'yo iyon? Pinaka-harmless ko nga na ginawa 'yon," natatawang sabi ko habang tuloy ako sa pag-scroll sa email ko. "Tanungin mo si Belaya kung anong trip niya sa mga ex niya."

"No thanks. Gusto kong maging lawyer. Wala akong balak marinig ang mga trip niyo sa buhay kasi baka maging kliyente ko someday ang magsasampa sa inyo ng kaso. Gusto ko ng clear conscience."

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba magdodoktor ka? Lawyer na ngayon?"

"Hindi ko sure. Pinag-iisipan ko pa. Kahit ano naman pwede sa course ko."

Napailing na lang ako. Hindi ko naman siya pinakikielamanan pagdating sa pag-aaral niya. Kahit na ano namang piliin niya suportado ko siya. Kung hindi nga lang siya masyadong ma-pride baka dati pa siyang nakatapos.

Iyon nga lang hindi siya pumapayag na babayaran ko ng buo ang tuition niya. Talagang ginagawa niya lahat para maging scholar siya at magkaroon kami ng discount o kaya kapag hindi naman pasado ang grades niya sa full o partial scholarship sa University na pinag-aaralan niya ay naghahanap naman siya ng sideline.

Binibigyan ko siya ng budget para sa pagkain pero iyong mga pang-project niya hindi niya sinasabi sa akin. Samantalang kaya ko namang saluhin lahat ng gastos niya na hindi nababawasan ng malaki ang pera ko.

"Pusta ko atay ko hindi pa kayo break ng bangkero mo," sabi niya nang hindi pa rin ako matigil sa pag-scroll.

"Hindi ah. Ang haba kaya ng email ko sa kaniya. Tanda ko pa 'yon kasi hindi ko pa na-proofread iyon sa sobrang pagmamadali ko."

Pinaikutan niya ako ng mga mata bago basta na lang niya inagaw sa akin ang cellphone ko. Hindi pa nagtatagal sa kaniya iyon ay nakangising ibinalik niya sa akin ang phone. Napanganga ako nang makita ko ang email ko na dapat ay nasa-sent ay naka-draft lang pala. "Hindi mo na-send."

"Shit!"

Napapailing na sumandal siya sa sofa. "Iyong mga boring mo lang naman ang boyfriend ang nakakalimutan mo ang existence."

I hurriedly sent the email after scanning the content to make sure that nothing will indicate that it's not written today but rather months ago.

"Infernes hindi ka naman naghahanap ng bago habang may relasyon ka pa sa kanila kahit na hindi mo na natatandaang boyfriend mo pa rin sila."

"I don't cheat," I said through a pout. "I hate cheaters."

"Kaya nilalagyan mo ng interval ang mga relasyon mo no? Just in case na may nakalimutan ka na commitment sa isang tao?"

"Hindi. Busy lang talaga ako." I gave her an okay sign with my hand. "Pero good idea."

"Ano na naman bang problema sa bangkero mo na mayaman at gwapo pa? Jutay din?"

"Marthena tigilan mo ko."

"It's Thena." Tinaasan niya ako ng kilay. Sa mga gantong pagkakataon na nagsisisi ako na nahahawaan ko siya ng katarayan ko. "Anong nangyari? May weird fetish ba?"

"Ano namang libro sa Wattpad ang kinaadikan mo at kung ano-ano na naman 'yang mga nalalaman mo?"

"Hindi kasalanan ng Wattpad na madami akong alam. Sadiyang genius lang ako."

Lord pasensya na po kung late na bago ko na-realize na contagious ang pagiging sutil ko. Tumatanggap po ba kayo ng human sacrifice? May LalaHeaven po ba? Ipadala ko kaya sa inyo si Marthena for trial period para masindak?

"So?"

Napabuntong-hininga ako. "Wala. Hindi ko lang siya gusto."

"Hindi mo gusto pero jinowa mo?"

"I thought I liked him. Mabait naman iyon. Gwapo, mayaman, at maayos ang pamilya. Saka hindi siya katulad ng iba kong ex na kahit kasama ako eh nasisilaw agad sa hita at cleavage ng ibang babae."

"Bakit mo hiniwalayan eh Wattpad boy pala ang galawan ni Koyang bangkero?"

"I don't feel like he wants me enough."

Kung kaya lang niya siguro ay umabot na hanggang kabilang dimension ang itinaas ng kilay niya. "Hello? Ikaw pa ba ang pinag-uusapan natin? Kahit bagong silang na sanggol ikaw ang magiging dream girl. You're Mireia Aguero. You're everyone's wet dream. Isang hinga mo lang madami ng tao ang kayang isangla ang kabuhayan nila-"

"Salamat sa pep talk, insan. Huwag mo masyadong damihan. Malaki na ang ulo ko 'wag mo ng dagdagan."

"I'm just saying... how could he not want you? Kahit ang Santo Papa mapapasabi ng "HUWAT?" kapag narinig niya 'yan."

Natatawang binato ko siya ng nahablot ko na throw pillow. Kaya kahit minsan sakit ng ulo ang pinsan ko na 'to hindi ko siya ipagpapalit kahit alukin ako ng one hundred million. One hundred billion siguro pwedeng mag-video call na lang kami.

"That's not what I meant," I said.

"Eh ano?"

"I saw how Belaya's husband was with her. Kahit na noong mga panahon na 'yon hindi pa naman sila. It's like his world revolves around her. Iyon bang handa siyang pumatay ng tao kung sakaling kahit kurot lang may gumawa kay Belaya." Inginuso ko ang cellphone ko nakapatong sa tabi ko. "Tatlong buwan na hindi man lang natakot si Adriel na baka nawawala na ako sa kaniya? Three months at comment lang sa Instagram picture ko ang ginawa niya? He's a good man, but he's sleeping so easily even though he doesn't know if I'm okay. Kung hindi ako sumasagot sa kaniya hindi ba dapat nag-aalala na siya? Before I sent that email... or failed to at least, I already talked to him personally. I told him that I don't think it's going to work out between us. Pauwi na ko no'n para sa kasal ni Belaya. The only time he spared for me was when he took me to the airport and that's when I told him. He said that we should talk about it again when I come back and maybe we just need time apart from each other. I said that I don't think it will make a difference."

"So basically parang break na rin kayo talaga bago ka pa umuwi?"

"Yes, but I can't just leave like that. Ayoko na talaga. Kaso late na ko sa flight ko kaya pinadalan ko na lang siya ng email habang hindi pa umaalis ang eroplano." Napabuntong-hininga ako ulit. "Hindi siguro na-send dahil nawalan na ako ng connection."

"So ngayon break na kayo?"

Nagkibit-balikat ako. "I sent the email already."

"At okay ka lang?"

I already thought I broke up with him months ago. It doesn't change anything. Kung ano ang desisyon ko noon ay ganoon pa rin ngayon. "Do you think I'm being selfish?"

"Bakit?" takang tanong niya.

"Kasi may taong book-worthy na dumating sa buhay ko pero hindi ko pa rin makuhang makuntento?"

"Ate kahit si Henry Cavill, Jason Momoa, o Chris Hemsworth pa 'yan, kung hindi mo mahal at pakiramdam mo hindi naibibigay iyong pagmamahal na gusto mo, bakit ka magiging selfish? Ano naman kung gwapo at mayaman siya? Marami niyan sa paligid. Saka Ate hindi mo kailangan ng mayaman. Mayaman ka na. You deserve to have the love that is worthy of your heart."

Binato ko siya ulit ng unan pero sa pagkakataon na ito ay dahil natatouch ako sa sinasabi niya at ayokong umiyak.

"Drama mo. Magkano ba ang kailangan mo? Mayaman ako," sabi ko.

"Ewan ko sa'yo." Nagbaba siya ng tingin sa cellphone ko at para bang may bigla siyang naalala. "Sino na namang kamag-anak natin ang nagpapainit ng ulo mo kanina? Ano na namang kailangan nila?"

"Ano pa ba?" Nagsimula na namang uminit ang ulo. "May kailangan daw silang bayaran na utang at sinisingil na sila."

"Ibang malutong kamo ang kaya mong ibigay at hindi kamo pera 'yon. Utang sila nang utang wala naman pala silang pambayad. Buti hindi pa nagsasabi ang mga 'yan kay Tita Mila?"

Sa ekspreyon sa mukha ni Marthena ay mukhang malapit na siyang maghanap ng away. Isa kasi ang mga kamag-anak namin sa dahilan kung bakit ayaw niyang ipasalo sa akin lahat ng mga gastusin niya. Kahit pa ilang beses ko na siyang sinasabihan na hindi ko naman siya nakikitang pabigat hindi katulad ng ibang miyembro ng pamilya namin na ginagawa akong bangko.

Apat na magkakapatid kasi sila Naynay. Tatlo silang babae at lalaki iyong bunso nilang kapatid. Pangalawa si Naynay sa kanila habang iyong pangatlo ay ang namayapang nanay ni Marthena. Noong mga panahon na walang-wala kami, nakakahiram kami sa kanila ng pera. Kaya kahit minsan sobra na ay hindi ko rin sila magawang tanggihan palagi.

"Huwag ka ng maingay. Ma-stress lang 'yon."

Buti nga nasa ospital si Naynay para sa check-up niya kasama ang personal nurse niya. Strong and independent woman kasi 'yon. Feeling niya ginagawa namin siyang imbalido ni Marthena kapag lagi kaming nakasunod sa kaniya. Mabuti nga pumayag magkaroon ng personal nurse.

"Sabi kasi sa'yo huwag mo ng bigyan iyang mga 'yan. May pera naman silang sarili. Saka sana kung for emergency ang hinihiram sa'yo. Latest IPhone pa nga iyong gamit ni Melanie samantalang ikaw naka-android."

Ang isa sa mga pinsan namin ang tinutukoy niya. "Choice ko iyon dahil sawa na ako sa Apple products."

"Kahit na." Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "Sa totoo lang wala ka namang utang na loob sa kanila. Kung meron man dapat bayad ka na. Huwag kang nagpapaniwala sa mga nagsasabing hindi nababayaran ang utang na loob. Sa ugali ng mga kamag-anak natin, bayad na bayad ka na."

"Thena-"

"Gets ko naman pinahihiram nila kayo noon ng pera. Pero kita ko kaya kung paano kayo pahirapan no'n bago kayo makahiram. Ang daming sinasabi sa inyo. Lalo na kay Tita Mila kapag kailangan para sa school mo. Tapos nagpapalabada pa sila kay Tita eh may sakit na 'yong tao. Akala mo hindi kapatid saka akala mo naman hindi nagbabayad si Tita. Iyong pera no'n na ibinibigay nila sa inyo ni Tita eh hiram 'yon. Iyong sa kanila ngayon puro hingi."

Nakatira si Marthena sa bahay ng tiyahin namin noon. Dahil maagang namatay ang nanay niya ay walang ibang kukupkop sa kaniya. Gusto sana siyang kunin ni Naynay ang kaso ng mga panahon na iyon ang dami rin namin na gastusin. Hindi naman alam ni Marthena kung saan hahanapin ang tatay niya na pagkatapos mabuntis ang nanay niya ay hindi na nagpakita. Kaya napunta siya kaila Tita Mayette. Di hamak na mas angat kasi sila sa buhay. Bukod sa may malaki silang grocery store ay malaki ang kinikita ng asawa niya na nasa ibang bansa.

"Nangungutang naman hindi naman nanghihingi," sabi ko.

"Hingi na rin 'yon kasi never ka nilang binayaran."

Hindi ako nakasagot kasi totoo naman. Kahit isang beses ata hindi nila ako binayaran. May naibalik lang ata sa akin noong hindi na sila pinatulog ni Marthena kakasingil.

"Saka noong calendar model ka pa grabe ka nilang kutyain. Akala mo naman hindi sila nanghihingi noon sa'yo. Akala ata nila madali iyong ginagawa mo noon."

"Humihiga lang naman ako noon kung saan-saan," biro ko.

"Ang dami mong raket no'n pero hindi ka marunong magpahinga kasi binabantayan mo pa si Tita sa ospital. Wala kayong pambayad para sa stay-in nurse kaya ikaw din ang gumagawa no'n. Dapat hindi mo na kailangan maghubad sa harap ng maraming tao noon kasi dapat doktor ka na, lawyer, o presidente!"

Hindi ko alam kung matatawa ako o maluluha na rin ako dahil kita ko kung paanong mamasa ang mga mata niya. "Ang taas ng pangarap mo para sa akin. Education ang kinukuha ko no'n."

"Eh di dapat teacher ka na. Ang talino mo kaya. Kahit miscellaneous fee hindi mo kailangan bayaran kasi sagot talaga ng school niyo. Mula elementary wala ng binabayad si Tita para sa pag-aaral mo kundi iyong para sa mga project mo lang."

"Paano naman ako magiging teacher? Kahit pinaka-maayos na poster ko noon ay nasa labas pa lang ako ng school baka tinatanggihan na ako."

"Kaya nga! Kung sana hindi madadamot ang mga kamag-anak natin eh di sana hindi mo kailangan gawin iyong mga 'yon. Sana may matutuluyan kayo nang mawalan ng trabaho si Tita. Sana hindi ka nahihirapan maghanap ng pambili ng mga gamot niya. Eh di sana ikaw na lang ang professor ko ngayon!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang tuluyan na siyang pumalahaw ng iyak. Gusto ko siyang seryosohin pero life is short. Tinatamad akong mag-drama ngayon kasi kaya niya ng maging ma-drama para sa aming dalawa.

"Marthena Aguero, pangarap kong magturo sa high school noon hindi sa college. Maghunus-dili ka riyan." Nang magpatuloy lang siya sa paghagulhol ay napapailing na inilahad ko ang kamay ko. "Patingin na ng thesis mo. Ano na namang problema?"

Kung may kalapit lang kami na kapitbahay ay baka tumawag na ang mga iyon ng pulis sa sobrang lakas ng iyak niya. "Iyong may favoritism ko na prof ni-reject na naman iyong pinasa ko! I-revise ko raw! Ano pang revise ang gagawin ko ro'n eh lahat na nagawa ko na? Lahat na ibinigay ko pero kulang pa rin?! Gusto lang naman niyang dalin ko siya sa Starbucks katulad no'ng ginagawa ng ibang section! Mag-aabogado talaga ako tapos siya ang una kong ikukulong!"

Natatawang tumayo ako at kinuha ko ang susi ng kotse ko sa kinasasabitan no'n. Sandaling natigilan ako nang mapatitig ako sa keychain na nakakabit doon. It's a keychain from the motel that Axel and I went to. Biniro ko pa siya na baka remembrance para sa maiinit na memories ng mga taong napapadpad doon. I bought two for the both of us since he didn't even let me pay. Kahit nga kalahati lang ay ayaw niyang pabayaran.

"Tara na."

Sumisinghot na tinignan ako ni Marthena. "Saan tayo pupunta?"

"Mag fo-food trip tayo."

"May dalawang araw na lang ako bago ko kailangan ipa-approve ang thesis ko. Hindi ako pwedeng gumala ngayon," naluluha na naman na sabi niya.

"Kulang ka sa kain, relaxation, at tulog. Iyong tulog alam kong hindi mo kayang gawin kasi problemado ka at wala akong balak ihele ka. Iyong kain at relaxation kaya kong gawan ng paraan."

"Irerevise ko pa 'yon tapos kailangan ko pang magpa-print para magpa-bind."

Sa pagkakataon na ito ay ang kilay ko naman ang tumaas. "May printer tayo. Bakit ka magpapa-print sa iba? Alam mo ba kung gaano kamahal sumingil ang mga 'yon? Ang dami kayang oportunistang mga negosyante riyan."

Umiinit na naman ang ulo ko kapag naaalala ko iyong pinagpapaprintan ko sa college noon. Kung limang piso ang print noon sa lugar na 'yon ano pa kaya ngayon?

"Sa'yo 'yon ate eh."

"Ano namang gagawin ko ro'n? Matutuyuan lang ng ink 'yon. Ginagamit ko lang 'yon para i-print ang mga ticket ko kapag may flight ako. Kaya nga nandito sa sala para gamitin."

Pinunasan niya ang magkabila niyang pisngi. "Baka maubos ko ang ink."

"Eh di bumili ng bago."

"Ang mahal kaya ng cartridge."

Pinameywangan ko siya. "Tumayo ka riyan. Mag fo-food trip tayo, magpapa-hair treatment kasi mukhang namamatay na ang buhok mo katulad ng fighting spirit mo, at bibili tayo ng dalawa pang printer para sabay-sabay nagpiprint ang thesis mo at hindi mo kailangan hintayin ng matagal. Huwag mo ng intindihin ang i-re-revise mo. Sisiw sa akin 'yon mamaya."

"Ate-"

"Kapag umangal ka at hindi mo ako hinayaang bawasan ang kayamanan ko today, sa hitman ko ipambabayad ang pera ko para ipatrabaho ang prof mo. Ngayon mamili ka."

Namumula ang mga mata na tumayo na siya at lumapit sa akin. Nang huminto siya sa tabi ko ay nagsalita siya, "Mas gusto kong i-pa-assasinate ang prof ko."

Tumatangong inakbayan ko siya at iginaya ko na siya palabas ng bahay.

"Magbabago rin ang isip mo kapag nakakain ka na."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top