Chapter 12: Favorite

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 12: FAVORITE

MIREIA'S POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mainit na bagay na dumampi sa pisngi ko. My lids fluttered open and the first thing I saw was Axel's handsome face. He's leaning forward with his hand on the side of my face. Nasa labas siya ng nakabukas na pintuan ng passenger seat at mukhang balak niya sana akong gisingin.

"Sorry," he apologized softly. "You fell sideways so I tried to catch you."

Inaantok na tumango ako at umayos ako ng upo. I fumbled for the seat belt, but my uncoordinated sleepy brain won't help me.

Dumukwang si Axel at inabot niya ang kinakabitan ng seat belt ko. He released me from it before he straightened out of the car and held out his hand for me. Inabot ko iyon at tinulungan niya ako na makalabas.

Isang maganda at malaking bahay ang bumungad sa akin pagkalabas ng sasakyan. It's located near a cliff, giving the place a majestic view of the beautiful greenery of Tagaytay. The structure of the house also looked open and welcoming. Pero bukod sa magandang bahay, ang nakaagaw talaga ng pansin ko ay ang mga taong naghihintay sa amin.

Una kong namataan si Belaya na ngiting-ngiti habang katabi ang asawa niya. Nasa labas sila ng pintuan ng bahay kasama sina Lucienne at Trace. Sa loob naman ng nakabukas na pinto ay sina Lia at Gun at sa likod nila ay nakasilip si Luna at ang iba pa nilang mga kapatid.

"Okay lang ba na nandito rin ako?" mahinang tanong ko kay Axel.

I know Axel was expected for dinner but I thought he'll bring me straight to Belaya and Pierce's house. Hindi ko rin naman kasi sigurado kung sasama rin sa dinner ang dalawa dahil wala namang nabanggit sa akin ang babae.

Iginaya ako ni Axel palapit sa pamilya niya. "When Lia cook, we're always expected to be here. Lagi siyang nagluluto ng maramihan kaya lagi talaga kaming pumupunta rito."

"Si Axel at ako lang talaga ang expected kadalasan," sabi ni Lucienne na narinig ang pinag-uusapan namin. "Si Trace, unwanted guest."

"Si Kuya Axel pa maiintindihan ko kasi favorite siya ni Lia. Eh ikaw?" tanong ni Trace.

"Ako ang kakampi ni Lia noong panahon na ang sungit niyo pa sa kaniya kasi hindi pa sila nagkakabalikan ni Gun noon. Akala mo nakakalimutan ko 'yon?" Tinapik ng babae ang sentido niya bago niya dinuro ang lalaki. "Matalas ang memory ko. Kaya nga tandang-tanda ko pa rin ang kasalanan mo sa akin."

Namilog ang mga mata ng lalaki. "Anong kasalanan ko?"

"Ininsulto mo ako."

"Kailan? Iyon ba 'yung tinawag kitang mascot noong nakaraan? Imposible naman. Matagal mo ng niyuyurakan ang pagkatao ko."

"Alalahanin mo kung kailan mo ko unang ininsulto," nakahalukipkip na sabi ng babae.

Nakatingin sa langit na kunwa'y nag-isip ang lalaki. Pero bago pa siya matapos sa pag-se-self reflect niya ay lumabas na mula sa bahay ang asawa ni Lucienne at hinawakan siya sa kamay para ipasok sa bahay. Mukhang alam niyang kapag hindi niya ginawa iyon ay hindi matatapos sa pagbabangayan ang dalawa.

Axel sighed before he placed a hand on the back of my spine to gently move me forward. Dahil nasa gitna si Trace ng daan ay nakaharang siya sa amin. Axel grabbed the back of Trace's neck who yelped and pulled him aside as if he's a cat he just moved without second thoughts before he took my elbow to guide me up the few steps.

He patted Belaya's head when we walked pass them and then he went straight to Lia. Humalik siya sa pisngi ng babae na matamis na nginitian ang lalaki.

I know Axel treasures his sisters-in-law a lot and he will probably lay his life down for them if given a situation where he needed to, but I'm pretty sure without asking him, that he has a soft spot for Lia. And I know why. Malamang sa hindi ay dahil iyon sa pagkain.

"Gutom na ako, Lia."

Napangiti ako sa sinabi ng lalaki at ganoon din si Lia na tumalikod na para pumasok sa loob. Axel gestured for me to follow them first. Dumiretso kami sa mahabang lamesa na para talagang pinagawa para sa magkakapatid na may malaking pamilya. Sa lamesa ay nakahanda na ang mga pagkain na hindi ko alam kung paanong naluto ni Lia lahat.

"She really cooked all of this?" I whispered to Axel.

"Yes. Mas mahirap pa sa kaniya kung sasabihin mo na magluto siya para sa isa o dalawang tao lang. This is the normal for her."

Ipinaghila niya ako ng upuan at nang makaupo na ako roon ay pumuwesto na siya sa tabi ko. Kaniya-kaniya na ng hanap ng uupuan ang iba. I looked into my right when I saw Trace approached the chair next to me. Pero bago pa siya makapuwesto ay napatingin siya sa kung ano sa likod ko at animo napagalitan na lumipat na lang siya sa katapat ng kinaroonan ko habang tatawa-tawang si Luna na lang ang umokupa roon .

Akmang sabay-sabay na aabot ng pagkain ang mga mas nakababatang kapatid ni Axel pero bago pa sila makakuha ay naunahan na sila nina Lucienne at Lia. Lia grabbed the bowl of rice, while the other woman took the pan of what looks like a Honey Chili Chicken. Parehas na inilapit nila kay Axel ang mga hawak na para bang normal na tagpo lang iyon sa kanila.

I looked at my best friend sitting on Axel's other side. Nakita ko siyang nilalagyan ng tubig ang baso ng lalaki.

Malakas na bumuntong-hininga si Trace at sinalubong ang mga mata ko. "Masanay ka na sa kanila. Ganiyan talaga ang mga may favoritism."

The other younger Dawsons didn't look bothered by it. Mukhang sanay na rin talaga sila at nangingiti lang na naghihintay ng pagkakataon nila na makakuha ng pagkain. Maging sina Thorn, Gun, at Pierce ay napapailing na lang. Normally kasi asawa ang may special treatment pero sa mga babaeng Dawson ay mukhang si Axel ang nasa top 1.

Hindi ko naman sila masisisi kung marami silang paborito si Axel. There's something about him that you'll simply just find adorable. There's always gentleness in him even at times when he's a bit rougher than usual. Kahit na mainit ang ulo niya parang ang dali niyang payapain. Pagkain lang ang katapat.

Napatingin ako sa lalaki nang imbis na unahing lagyan ang sariling plato ay ang akin ang nilagyan niya ng kanin bago ang sa kaniya. Nang ibaba niya iyon at iabot ang binibigay ni Lucienne ay ako rin ang inuna niya.

"Favorite namin si Axel pero iba ang favorite niya," sabi ni Lia na ngiting-ngiti.

"So inaamin niyo na rin na favorite niyo talaga si Kuya Axel?" tanong ni Trace na titig na titig sa lalagyan ng pagkain. Siguro ganoon talaga kapag lumaki sa isang malaking pamilya. Uso ang agawan at unahan.

Para bang nakikisampatya na tinapik-tapik ni Lucienne ang balikat ng lalaki. "Huwag kang mag-alala next time pagbibigyan ka namin na maging favorite."

The man looked at her dubiously. "Really?"

"Ahuh."

"When?"

"Every leap year."

Napatawa ako kasabay nang iba pang nakarinig sa sinagot ni Lucienne. Para na rin niyang sinabi na every four years lang nila magiging favorite si Trace.

After a few moments, when everyone was finally eating, Lia looked at me to speak, "Pasensya na Mireia na kaunti lang ang naihanda ko. Anong oras na rin kasi kaming nakauwi ni Gun tapos pinatulog pa namin ang kambal namin." She's a mother of twin girls. "They're in the room with Cookie and Arctic. You'll meet them all later."

I would love to see the babies. Si Arctic na anak ng asawa ni Belaya sa dating girlfriend lang kasi ang madalas kong makita dahil ilang beses na kaming nag-meet ng kaibigan ko na kasama ang bata.

At kaunti pa raw 'tong mga niluto niya? May tatlong klase ng ulam at may appetizer pa. Mukhang magkakasundo si Naynay at Lia. Parehas silang parang laging magtitinda kung magluto. Ako marami lang akong mag-bake kapag stress ako.

"This is more than enough. Hindi rin ako pwedeng masyadong kumain kasi."

"Eat more."

Nilingon ko si Axel na siyang nagsalita. "I can't. I'm already cheating since I'm eating rice right now samantalang gabi na."

"You didn't eat the whole day except for a salad."

"Ganiyan talaga ang mga model, Kuya," singit ni Trace na iminuwestra pa ang sarili niyang katawan. He's not built like a wall like he's older brothers, but he has a perfect lean athletic body that a lot of male models will die for. "Kailangan laging nasa magandang condition ang katawan namin."

"You modeled before?" I asked.

"Model ng patis," sabi ni Lucienne na sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain. "Iyong Silver Swan."

"Excuse me? Masyado akong expensive para maging model lang ng patis."

"O sige model na lang ng patis pero Datu Puti."

Nalukot ang ilong ni Trace. "Pinalitan mo lang ng brand."

"Mas mahal iyong isa."

Naniningkit ang mga mata na umabot ng cherry tomato si Trace at basta na lang niya iyong isinubo kay Lucienne bago muling tumingin sa akin. "To answer your question, officially I haven't modeled."

"Ano iyong unofficial?" tanong ni Luna.

Napapalatak na tinignan ni Trace ang pinakabatang kapatid. Sumandal siya sa kinauupuan at itinaas pa ang mga kamay. Hinawak niya iyon sa ulunan ng upuan bago niya binago ang ekspresyon ng mga mata niya na parang nang-aakit. "Draw me like I'm one your french boys."

"Kung iyong original line na iyan galing sa Titanic, iyong version mo Satanic siguro ang title," sabi ni Coal.

Nagkamali ng baba ang kinakain ko dahilan para mabulunan ako. Tinapik-tapik ko ang dibdib ko at sunod-sunod akong napaubo. Mabilis na inabot sa akin ni Axel ang baso niya na may lamang tubig na hindi pa niya nagagalaw. I felt him tap my back gently as I drink the water. Nang maibaba ko na ang baso ay binigyan ko siya ng nagpapasalamat na ngiti.

"Are you okay?" he asked.

Tumango ako bilang sagot. Imbis na balikan ang kinakain ay inangat niya ang kamay niya papunta sa direksyon ko. Heat spread on my cheeks slightly when I felt him wipe the corner of my lips with the pad of his thumb.

When I turned my attention back to my meal, I realized that everyone was quiet and looking at us. Axel's older brothers look contemplative, his younger brothers have teasing looks on their faces, and Axel's sisters-in-law seem proud of him for some reason, like he's some teenager finally becoming a man.

Naiilang na tumingin ako kay Trace. Out of everyone here aside from the women and Axel, siya iyong mukhang mas approachable. Base rin sa napapansin ko ay parang siya ang ice breaker ng lahat.

"I asked because you look like a model," I told him, trying to sway the attention of the others.

"Talaga?"

"A lot of male models will kill for your body. You also have a strikingly handsome face." The other Dawsons grunted different sounds of their complaints. "No, really. Lahat naman kayo rito gwapo. Magkakamukha kayo eh."

"How do you differentiate handsome men from each other kung model ka? I mean meron bang parang category?" Luciennce asked curiously. Sa paraan ng pagtatanong niya ay para siyang nag i-interview para sa research. Base sa tingin na ibinibigay sa kaniya ng asawa niya ay mukhang parehas kami ng iniisip.

"There is. Like kung sa kanila." Itinuro ko ang tatlong nakatatandang Dawson. "They have more edge and a bit on the rugged side. Like if Henry Cavill and Chris Hemsworth have a child it would be them." I gestured to Coal and Domino. "Coal looks like he's in the same category but a little less rugged and a bit more rougher. Domino looks like a flirty laid-back kind of handsome."

Nagkatinginan si Coal at Domino at may kung anong nagdaan sa kanila. It was as if the looks they gave each other tells me that I got them wrong and it's actually the opposite. At least when it comes to their personality. Sa physical attributes lang naman kasi ako nagbabase.

"And me?" Trace asked excitedly.

"You look like an ideal representation of what handsome looks like for a lot of people. You have the right bone structure and proportion. Kung model booking ang pag-uusapan, you'll fit into a lot of varieties. It means you'll get more job because you're versatile."

"Feeling ko expired na ang ingredients sa pantry mo, Lia," sabi ni Lucienne at may pagdududa sa mga mata na tinignan niya ang hawak na manok bago siya nag-angat ng mga mata sa akin. "Nakakakita na ng hindi nakikita ng iba si Mireia."

The other woman agreed easily. "Feeling ko nga rin."

Natatawang napailing na lang ako. I think they can also see it but I think I know now why they are not admitting it. Base na rin kasi sa parang lumulutang sa ere na si Trace at sa tila high na ekspresyon sa mukha niya ay mukhang iyon ang senaryo na iniiwasan nila.

"He won't let us forget this day,"sabi ni Coal na napapapalatak. "Ipaaalala niya sigurado araw-araw sa amin na pinuri mo siya."

Nakangiting napakamot ako sa pisngi ko. "Oops. Sorry. Gusto mo pababain ko ang confidence? Magaling din ako ro'n."

Itinaas ni Lucienne ang kamay. "I volunteer. Don't worry. Iimpis ulit ang ulo ni Trace. Ganiyan ako kabait. Talagang I care about mankind. Sisiguraduhin kong mababawasan ang kayabangan pollution on Earth."

"Kahit anong sabihin mo hindi mo masisira ang good mood ko." Trace looks like he found his zen. "Tinawag ako ng isang supermodel na gwapo. Ang babaeng pinapangarap lang ng maraming tao sa mundo ay nagwapuhan sa akin."

Trace looks like he's at peace, even though the others keep complaining. Mukhang wala ngang makakatibag ng kasiyahan niya pero hindi nagtagal iyon dahil pagkaraan ay nagsalubong ang kilay niya at tumigil siya sa pakikipagtitigan sa kisame. His gaze immediately went to the man beside me.

"Nakakaramdam ako ng bad intention. Very sensitive ang vibes ko today." Pinakatitigan niya ang lalaki sa tabi ko. "Bakit pakiramdam ko Kuya mainit ang ulo mo sa akin?"

"Kapag kausap ka, may tao bang hindi umiinit ang ulo?" tanong ni Axel.

"Oo. Si Mireia."

I looked at Axel and I saw that his eyes turned sharper. I heard the others trying to swallow their laughter this time. Mukhang gusto na niyang gawing dart ang hawak na tinidor at ibato iyon sa kapatid na ang lawak pa rin ng pagkakangiti kahit nasa bingit na siya ng kamatayan.

"Kuya..." pambibitin ni Trace.

"Hindi kita kapatid."

"Kuya," ulit ng lalaki at hindi pinansin ang sinabi ng kapatid. "Nagseselos ka ba na ilang beses na kong pinuri ni Mireia? In fact lahat kami pinuri niya maliban sa'yo. Sad naman."

Itinikom ni Axel ang bibig. He pressed his lips together tightly and there was tension in his body, as if he was either contemplating throwing his brother off a cliff or he's trying his best not to look at me in embarrassment.

"Bakit nga ba wala sa example si Axel?" tanong ni Belaya.

"It's fine—"

Pinutol ko ang kung anuman na sasabihin ni Axel at sinagot ko ang tanong ng kaibigan ko. "It will take long if I'm going to talk about him."

Nang makita kong lahat na ngayon sila ay nakatingin sa akin ay napangiti ko. Even Axel's big brothers look highly curious.

Nagkibit-balikat ako at ibinuka ko ang mga labi ko at isa-isa kong binanggit ang pagkaraming mga personalidad hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Not just actors, but also musicians, and models.

"—Ian Somerhalder, Chris Evans, Adam Levine, Sean O'Pry, Francisco Lachowski, Jared Padalecki, and Nick Bateman," pagtatapos ko. Lahat sila ay nag-aantay na nakatingin lang sa akin. I just randomly blurted out what felt like a three page list of names. "All of them are my crush and I find handsome. They are what you may call, my type or ideal man."

"And?" Belaya pressed.

Nakangiting nilingon ko si Axel na para bang hindi na lang ulap ang makikita sa ulunan niya kundi maging kulog at kidlat dahil sa sobrang pagkadilim ng ekspresyon sa mukha niya.

"Pero kung papipillin ako, Axel is my number one crush. He's on the top of the list."

My smile went wide when like a balloon, Axel instantly depleted. Namumula ang mga pisngi na tumingin siya sa akin habang kumikinang ang mga mata niya. His eyes are as bright as when he looks at food.

Mukhang pagdating kay Axel ay hindi mga tao ang kalaban kundi pagkain.

"Ano ba 'yan. Hindi ko man lang na-enjoy ng one hour na nalamangan ko si Kuya," napapabuntong-hininga na sabi ni Trace.

Without losing the shine in his eyes, Axel looked at his brother. There's a glint in the way he looks at him that tells me that Trace is in trouble. Mukhang hindi naman lingid iyon sa kaalaman ng lahat dahil sa pagkakataon na ito ay maging ang kanina ay seryoso lang na si Gun ay napapalatak na napailing.

"Trace—"

Pilit ang naging ngiti ni Trace. "Kuya bagay na bagay kayo ni Mireia no? Maganda siya tapos ikaw sobrang gwapo—"

Pinutol din ni Axel ang kung ano pa man na sasabihin niya. "Madami akong trabahong maiiwan. Dahil ikaw ang "paborito" kong kapatid, ikaw ang sasalo lahat no'n," may diin na sabi niya. "You have about sixty hours of duty on the control room and research team for this week. Sa susunod na linggo mag-usap na lang tayo ulit kung ikaw pa rin ang paborito ko."

Nilunok ko ang tawa na nais kumawala mula sa mga labi ko. I'm discovering that there's more to Axel that I yet to discover. He's not just the Bunny Axel that loves food. I met Typhoon Axel and Doomsday Axel before. I also witnessed the appearance of Devouring Axel. Now it's the Cruel Axel. And still... all of them are my favorites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top