Chapter 6: Family

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 6: FAMILY

BELAYA'S POV

Sinandal ko ang siko ko sa nakabukas na bintana habang ang mga mata ko ay nakatutok sa mga kaganapan sa labas. I like watching people almost as much as I like people watching me act. People are interesting. Since I always play different characters, it helps to watch others. Who knows when it could be handy, right?

Ewan ko nga lang kung dadating ang panahon na maisipan ko na gumanap bilang kontrabida. Kung may pagka-antagonistic kasi ang character ko ay usually duo iyon. Bida-kontrabida kumbaga. Hindi pwede iyong pure bitch. Katulad ng isang 'to.

My lips quirked into a smile when my eyes went to Pierce's direction. Mas gusto ko siyang panoorin kesa sa taong kausap niya. Hindi dahil sa gusto kong pag-aralan ang kilos niya kundi dahil gusto ko lang siya talagang titigan. He's nice to look at.

"Are you kidding me right now?"

"I don't have time for this, Charlotte."

"Dinala mo siya rito?" asik ng babae.

I tried not to roll my eyes. Akala mo naman binili niya ang Cavite kung makapagsalita siya. Hindi nga ako bumaba ng sasakyan para mas mapabilis kaming makaalis dito. Para namang may gagawin ako sa kaniya ngayong alam ko na kung saan siya nakatira.

Matagal ko naman ng alam. Isinama kasi iyon ni Kuya Ram sa files na ibinigay niya sa akin. I wasn't planning to read that part but it caught my attention dahil nakita ko na nakatira ang babae sa parehas na lalawigan kung saan naroon ang Dagger... at si Pierce. The files said she lives in Manila before at that time na nasa Manila rin ang lalaki at ang Dagger.

Hindi ko alam kung lumipat din siya dahil gusto niya lang na hindi maging sobrang layo ng bata sa ama nito o talagang gusto niya lang sumunod kay Pierce. She's always bitching to Pierce but I think it's more because she can't have him rather than because she hates his guts.

"She's my client." Pierce voice sounded tired. Like he's so done with talking to her and he just want to get out of here. "Give me Arctic's things."

"I'm not going to allow a random woman be around my child."

"Our child," he clarified. "You don't hear me complaining when you parade your men in front of Arctic even though we both know that they'll probably last for just a month or less."

"You make it sound like I'm a whor-"

"Don't finish that. Una, ayokong marinig ni Arctic kung ano ang lalabas diyan sa bibig mo. Pangalawa, parehas nating alam na wala akong sinabi na hindi totoo."

"How dare you?!"

Bumuntong-hininga ako at binuksan ko ang pintuan. Para bang bahay ko ang kinaroroonan na kampanteng lumabas ako at naglakad ako palapit sa kanila. Ngiti lang ang ibinigay ko sa babae nang makita kong lalong tumalim ang mga mata niya.

"I hate to interfere but I'm really tired and I want to go home." Tumingin ako kay Pierce at pinigilan kong mapataas ang kilay nang makita ko na nakatingin sa akin ang lalaki sa paraan na para bang hinahanda niya ang sarili niya sa maaari kong gawin. "I need my beauty rest, you know? Nakakatulong ang tulog para maging maganda ang disposisyon sa buhay. Subukan mo baka effective din sa'yo. Mahirap magkaro'n ng wrinkles. Plastic surgery is expensive."

"You would know," the woman seethed cattily.

"Actually, I don't. I have no problem with plastic surgery but I never needed one. Alam kong walang perpektong tao but..." Tinuro ko ang sarili ko at hindi ko na tinapos ang sasabihin ko at matamis na ngumiti na lang ako. "I use expensive skincare products but you know there's one that is very affordable and effortless. Want me to recommend it to you?"

"I don't care-"

"Happiness," I said, cutting her off.

Tinikom niya ang mga labi niya pero kita ko kung paanong magtagis ang mga bagang niya. I don't like her but I can't say that she's not pretty because she is. Hanggang balikat lang ang buhok niya na mukhang kinulayan ng brown pero natural ang pagkakulot no'n, she's taller than me, she's petite, and she has this small face that would probably look prettier if she's not always scowling.

"I still don't know you and I have a say kung sino ang taong gusto kong nakapaligid sa anak ko. Not that I expect you to understand since you're not a mother. You're just an actress who can't probably spell out the word responsibility."

But a bad attitude is great to have around a child? Nice.

"R-E-S-P-O-N-S-I-B-I-L-I-T-Y." Nilingon ko si Pierce na saglit na ipinikit ang mga mata na para bang bigla siyang inatake nang sakit ng ulo. I looked back at the woman and beamed at her. "I won first place in spelling bee when I was in grade school."

"You don't have the right to talk to me like that at my own house."

"Wala ka ring karapatan na husgahan ako ngayong ikaw na ang nagsabi, hindi mo ako kilala. But just to tell you, there's not a "just" on me being an actress. I'm Belaya Lawrence, a multi-awarded film and television actress, I have two prestigious international trophies from Brussels International Film Festival, one that I won when I was a child. I'm a FAMAS best actress awardee, I have a Luna Award from the FAP for the same category, I received the Most Influential TV Personality award, Most Popular Showbiz Personality, Sexiest Female in the Philippine Cinema, Most Influential Celebrity Endorser, Most Beautiful Woman in the Philippines, Leading Lady of the Year, Miss Popularity Award, Miss Best Smile, I had a Best Kiss Award, and most important of all, I received a Philanthropy Award. I could go on but I'm getting bored. To make it short, I'm not just an actress. I'm a beautiful, hot, and sexy actress with a big big big heart."

Lalong nagbaga ang galit sa mga mata niya pero wala na akong pakielam. I'm on a roll. Itinaas ko ang kamay ko nang akmang magsasalita siya. Bagay na alam ko na hindi niya nagustuhan.

"I could be really annoying and I can do it for a long time that would tire us both but I'll be the one left with a smile in the end. Just give your son to Pierce so I could get out of your hair. Hindi ko kikidnapin ang anak mo dahil una hindi hahayaan iyon ni Pierce. Pangalawa, wala akong energy dahil pagod na ko. Pangatlo, walang dahilan para gawin ko iyon. Mayaman na ako at cute ang anak niyo pero kaya ko ring gumawa ng sarli kong anak kung gusto ko." Iyon ay kung available ang ex niya para maging present at future ko.

Kuyom ang mga kamay na bumaling siya sa lalaki. "Hahayaan mo ba siyang kausapin ako ng ganito?"

"You asked for it, Charlotte."

"You couldn't be believed!"

"Give me Arctic or we're going to have problems."

I am familiar with the stubborn look on her face. I'm the Queen of Stubborn that's why I know. Sa tingin ko ay normal na ang ganito sa kaniya, nandito man ako o wala. She's getting something out of riling Pierce. One of that is his attention.

"Just give the child to him," I told her.

"You don't have a say on this."

"Wala nga pero may say ako sa pagsasayang mo ng oras ko. Pierce is working for me and you're wasting his time therefore mine as well. I'm going home alone and he's going to his own home with his son that is probably tired too but you just don't care because you're getting off on yanking people's chains."

"You-"

Sa pagkakataon na ito ay si Pierce na ang pumutol sa sasabihin niya. "Charlotte, I'm not going to ask again."

Muling nagtagis ang bagang ng babae na hindi naman pala ata talaga immune sa galit na ngayon ay ipinupukol sa kaniya ni Pierce. I don't know what happened to them but even with just what I'm seeing, I'm sure that there's nothing good in it. Bagay na alam ng babae dahil nang mukhang naintindihan niya na rin na hindi magpapatalo sa kaniya ang lalaki ay kuyom ang mga kamay na tumalikod siya at pumasok sa bahay.

I rolled my eyes and when I looked at Pierce, I saw that his eyes are on me. "What?"

"Retract your claws, Kitty."

Eh di, meow.

PAMINSAN-MINSAN ay napapatingin ako kay Pierce na abala sa pagmamaneho. Mag-iisang oras na kami sa sasakyan dahil sa tindi ng trapiko. I love living in Cavite specially in Tagaytay but one thing that I don't miss here is the congested roads. Noon naman kasi ay hindi malala ang traffic. Iyon nga lang dahil din sa pagdami ng malls, residences, at ang hindi matapos-tapos na road widening ay lalong bumabagal ang daloy ng mga sasakyan.

Cavite is a huge province. Nasa bungad lang ang kinaroroonan ng bahay ng ex ni Pierce. She's in Bacoor and because that's closer in Manila, mas traffic doon dahil karamihan ay papasok at palabas ng lalawigan.

Sandaling nilingon ko ang anak ng lalaki at napangiti ako nang makita kong tulog na tulog na siya. He's so cute. I want to bite his chubby cheeks.

Napatingin ako kay Pierce nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone niya. Nilagay niya iyon sa holder dahilan para makita ko ang naka-display doon na Lia calling. Dahil konektado sa bluetooth, rinig ko ang nasa kabilang linya no'n.

"What?"

I can't help the smile that curved my lips. Hanggang sa pagsagot ng telepono ay suplado pa rin talaga siya.

Mukhang hindi lang ako ang napangiti dahil para bang may ngiti rin sa boses ng babae na kausap niya. "Ikaw na lang ang kulang. Are you still going to have dinner with us? Nasundo mo na si Arctic?"

"I'll be there in thirty. May kailangan lang akong ihatid."

Sandaling natahimik ang babae pero pagkaraan ay mahina siyang nagsalita. "Kasama mo ba si Charlotte?"

"Sabihin mo pang isang tao na lang ang sobra sa pagkain. Para kay Pierce na lang 'to kaya hindi na pwede ang bisita! Masama rin akong hindi matunawan, nangangaggat ako."

Pinigilan kong mapatawa sa narinig. Kung hindi ako nagkakamali ay ang isa pa na sister-in-law ni Pierce iyon na si Lucienne.

"Charlotte's not with me," Pierce grumbled.

"You have a new girlfriend?"

"No."

"A date?"

"No-"

"Kung si Belaya Lawrence 'yan, pwede! Marami pang pagkain dito. Pwede namang hindi kumain si Trace kung kukulangin!"

"Ang sama ng ugali mo talaga, Lucienne. Lagi mo na lang niyuyurakan ang pagkatao ko."

"Tao ka ba?"

Tuluyan ng kumawala ang tawa mula sa mga labi ko. I'm used to controlling my emotions because of my job. Pero kapag sa kanila ay parang ang hirap gawin no'n dahil kapag magkakasama sila, bato na lang talaga ang hindi matatawa.

"Are you really with Belaya?"

"Lia-"

"Hi, Belaya," Lia greeted with her melodic voice. Rinig ko rin ang boses ng iba pang mga tao sa kabilang linya na binanggit din ang pangalan ko bilang pagbati.

"Hi, Lia... and everyone," I said with a smile.

"You should come. I cooked a simple meal since it's the end of the week and it's supposed to be a family day."

Hindi ko alam kung anong klaseng "simple" ang niluto niya. When I met her at Dagger's headquarters she brought food that could probably feed a small army. Ang sabi niya noon ay konti lang daw ang niluto niya pero parang walang konti sa mga iyon.

But her food are all delicious. Ang dami ko ngang nakain ng araw na iyon.

"Nakakahiya naman." Tinapunan ko ng tingin si Pierce na nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. "Nakisabay lang ako kay Pierce dahil sa Tagaytay din naman ako nakatira."

I have my own house in Tagaytay. It's near my family's agency. Kung tutuusin nga pwede rin ako roon tumuloy. That place is more than a business. I don't know how big the place is but I know that the property is massive. BHO CAMP is a leisure place perfect for those who want to escape the hustle of the city. Maganda ang amenities no'n dahil may sarili iyong restaurant, may bar place, shops, salons, and it has a lot of different villas and glamping tents.

Sa likod ng kampo ay naroon ang headquarters ng agency. Before the agency has the same name as the more "public" business side. Dati kasi ay front lang ang bakasyunan na negosyo ng pamilya. The place was a secret organization before and they don't do things exactly in a legal manner so they needed something to hide them. Pero ngayon ay iba na ang pangalan ng mismong organisasyon at maging ng academy na binuo ng mga magulang ko para sa trainees nila dahil magkaibang business na iyon.

That place is still my home. I grew up there. Pero sa aming lima na magkakapatid ako talaga iyong pinaka-independent. When I turned eighteen, I moved out of the house and stayed in a dorm. After I finished my bachelors in Communication Arts, I bought my own house in Tagaytay. Sa sarili ko rin na pera nanggaling ang pinambili ko sa bahay ko sa Manila.

My parents didn't mind. They know that I'm rarely at one place since I have a busy schedule. They didn't mind that I decided to live on my own house dahil alam nila na bata pa lang ako ay gusto ko na talaga magkaroon ng mga sarili kong pinundar. They supported me and that's what matters.

Wherever I go I will always have a home because I know that I will always have my family. A house is just a place but a home will always be the people that will have your back no matter what.

"It's a family dinner anyway. I don't want to intrude." It's the truth. Gusto ko man si Pierce pero alam ko rin na kailangan niya ng space niya. "Kumain na rin ako. It's my last meal for the day since I'm on a diet."

"Ang konti lang ng kinain mo kanina."

Tumingin ako sa binata at nakita kong kunot na kunot ang noo niya. "Iyon ang serving sa restaurant na pinuntahan natin."

"Their serving is shit. Kahit si Arctic hindi mabubusog sa kinain natin."

I can't disagree with him. Masarap ang pagkain sa restaurant pero parang design lang ang serving no'n dahil kakapiraso ang mga iyon. Even the steak didn't fill me. Considering na hindi naman mura ang presyo ro'n. Wala talagang talent si Sebastian sa paghahanap ng restaurant. Mas concern kasi niya talaga ang dami ng tao kesa ang dami ng makakain namin.

"I'm on a diet," I reminded him.

"Why? If the director or the management told you to lose weight, you can tell them to go fuck themselves."

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi niya para mapigilan ang tawa ko. Mukha kasing paubos na ang pasensya niya.

"I can't do that. I'll lose the job."

Lalong dumilim ang mukha niya nang hindi ko itinanggi ang sinabi niya. May weight requirement naman kasi kada project.

"You recited your achievements in front of Charlotte. With all that I don't think you need to chase anyone for a job. They'll come to you."

He has a point so I didn't answer.

"You're coming with me."

"But-"

Pinutol niya ang sasabihin ko at binalingan niya ang kausap sa telepono. "We'll be there in twenty, Lia."

The other end of the line was quiet during our banter. Nanatili silang tahimik pero pagkaraan ay muling pumainlang sa sasakyan ang magandang boses ng babae. "Okay, Pierce."

Pinatay na ng lalaki ang tawag bago muling nanahimik para mag-concentrate sa pagmamaneho. Hinayaan ko na lang siya at ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng bintana. Inside me, I can feel every part of me partying. I can even see my imaginary conscience kicking a ball successfully inside the goal and doing a soccer celebrations after. Hindi ko kinailangan ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya this time. Kusa siyang nag-invite.

The day felt long and I'm tired but I'm not going to complain. It's been a long time since I've been this way. Happy and... more alive.

Truth to be told, nakarating nga kami sa loob ng bente minutos sa harapan ng malaki at magandang bahay. Halos kamukha iyon ng sarili kong tahanan. It's open and it overlooks the beauty of Tagaytay.

Pinasok ni Pierce ang sasakyan at ipinarada iyon sa malawak na bakuran. Bukod sa sasakyan ni Pierce ay may tatlo pa roon na iba. They probably car pooled. Sa laki ng pamilya ni Pierce ay baka hindi magkasiya lahat ang mga sasakyan nila sa lugar na ito kahit pa sabihing malaki ang property.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang lalabas na ako pero napatigil ako nang mapatingin ako kay Pierce. He gave me a look and I bit the inside of my lip to stop myself from smiling. Binitawan ko ang bukasan ng pintuan at prenteng sumandal na lang ako sa upuan.

Lumabas ang lalaki sa sasakyan at umikot siya para pumunta sa side ko. He opened the door for me and I stepped outside with a smile. My grumpy gentleman. Sinarado ko ang pintuan at pinanood ko siya kung paanong eksperto na pinakawalan niya sa car seat ang anak.

Arctic eye's fluttered open sleepily. Imbis na bumaba ay pinaikot niya lang ang mga kamay sa leeg ng ama niya na walang salitang binuhat siya.

Alert, alert! Pakiramdam ko nagwawala ang ovaries ko habang pinagmamasdan siya. I never thought of having kids but right now, if he ask me to give him a basketball team, I probably will. Papayag ako ngayon mismo pero siyempre kapag nahimasmasan ako, tatawad din ako. Even my mom who gave birth to five children will kill my father if he ask for a basketball team. Wait. Basketball team na rin kami di ba? So... five children too? Pwede bang badminton team na lang?

Nagtama ang mga mata namin ni Pierce. He inclined his head to follow him and I did. Nang maakyat namin ang porch ng bahay ay nakita kong naghihintay na roon ang pamilya niya.

Nasa labas ng pintuan si Luna, Lush at Lia na ngiting-ngiti. Sa likod nila ay naroon si Domino, Trace, at Coal na halos magtulakan para makasilip lang. Sa loob ay nakatayo rin ang iba pa nilang kapatid na naiiling na lang na pinapanood sila maliban kay Axel na may hawak na manok at kumakain lang habang nakatingin sa direksyon namin.

"Belaya!" excited na bati ni Lucienne.

"Hi, Lush," I greeted her with the name she told me to call her. Bumeso ako sa kaniya at ganoon din ang ginawa ko sa dalawa pang babae.

"Tara, pasok kayo."

"Wow. Bahay mo?" tanong ni Trace.

Binigyan lang siya ng matalim na tingin ng babae na umismid pa bago pumasok sa loob ng bahay. Sumunod sila sa babae habang si Pierce naman ay ganoon din. Tanging si Lia ang naiwan na nakangiting pinapasok ako bago sinarado ang pintuan.

Sa loob ay kaniya-kaniya na ng puwesto ang mga kapatid ni Pierce habang ang lalaki naman ay ibinababa sa sofa si Arctic na ngayon ay nakapikit na ulit.

"You have a beautiful home," I said to Lia.

Kuminang ang mga mata niya at tumingin siya sa asawa niya na si Gunter. May kung anong nagdaan sa mga mata nila bago niya ako muling binalingan. "Thank you. What made this place perfect is the dining area. Sa laki ng pamilya ng asawa ko, hindi talaga pwede ang maliit na dining."

"Specially if most of them are almost here everyday," her husband said gruffly.

"Grabe ka naman, Kuya. Hindi naman ako araw-araw pumupunta rito," sabi ni Trace.

"You're here three times this week when there's only seven days in a week. Dapat nga nagbibigay na kayo ng pang grocery sa dami niyong kumain."

"I can do the grocery, Lia." Nanggaling iyon kay Axel na itinaas pa ang kamay niya habang ngumunguya. "Just give me a list."

"Sipsip ka, Kuya," sabi ni Trace.

Tumawa si Lucienne na umupo sa tabi ng asawa niya na si Thorn na may suot na carrier kung saan naroon ang anak nila. "Paanong hindi sisipsip 'yan eh kulang na lang dito tumira 'yan? Pag wala nga si Lia at Gun pumupunta pa siya rito kasi laging may leftover food para sa kaniya si Lia."

"Paano mo naman nalaman?"

"Eh nandito rin ako eh."

I chuckled under my breath at that. Comedic relief talaga.

"This is why we shouldn't feed strays." Si Gun ang nagsabi no'n habang nakatingin sa nangingiting asawa. "Dumadami lang sila."

"Wow. Di na ma-reach porke may asawa na masarap magluto," singit ni Coal.

Lucienne looked at Pierce before she turned to me. "Ikaw, Belaya? Marunong kang magluto?"

"Uhh... not really."

"Ay sayang. Pero okay lang 'yan. Hindi naman nagluluto ng kaunti si Lia kaya pwede naman kayong pumunta na lang din dito ni Pierce-"

Hindi na niya na tapos ang sasabihin niya nang basta na lang siyang pasakan ng asawa niya ng pagkain sa bibig. Binigyan niya ng masamang tingin si Thorn pero ibinalik lang din sa kaniya iyon ng lalaki na para bang sinasabing tumahimik muna siya.

"Miss Belaya, dito ka na lang maupo."

Nakita kong tinapik ni Domino ang bakanteng upuan sa tabi niya. Nagkibit-balikat ako at lumapit sa kanila pero bago pa ako makaupo roon ay naunahan na ako ni Pierce na hinila ang isang upuan na nasa tabi ni Luna at katabi ang kaninang upuan na inaalok ni Domino.

Nagtataka man sa kinikilos niya ay umupo ako roon at nginitian ko si Luna na banat na banat ang mga labi dahil sa malawak na ngiti sa sarili niyang mga labi habang nakatingin kay Domino. "Eksena ka pa kasi eh"

"Akala ko lang naman makakalusot," bubulong-bulong na sabi ni Domino nang umupo si Pierce sa tabi niya.

It didn't took awhile before everyone started grabbing food. Para bang nasa fiesta sila dahil talagang kung ano na lang ang maabot nila ay inilalagay nila sa plato nila lalong-lalo na si Axel na parang sanay na sanay sa pakikipagtagisan sa mga kapatid niya.

Puno ang mahabang lamesa at base sa natanaw ko sa open kitchen nila ay may mga pagkain pa rin doon kung sakaling kulangin ang nasa lamesa. Na parang imposible kasi ang dami na.

"Eat."

Nag-angat ako ng tingin kay Pierce na pinalo ang kamay ni Trace na aabutin sana ang sandok. Kinuha niya iyon at sumandok siya ng pagkain. It looks like a baked rigatoni. Kung ano-ano pa ang pinagkukuha niya hanggang sa halos umapaw na ang plato ko.

"I can't eat all of this," I said with wide eyes.

"If you're going to tell me you're on a diet again I swear-"

"I am on a diet but even a person not on a diet will have trouble eating this."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ang liit mo. Kailangan mong kumain."

"Kahit kumain ako, hindi na ako lalaki."

Halos mabulunan si Lucienne nang mapatawa siya sa sinabi ko. We almost have the same height. Lia's smaller but it doesn't make me tall. Lucienne is a petite ethereal beauty. She's paler than me when I'm paler than most people. She's always smiling but there's a sense of mystery in her. Lia on the other hand looks like she's straight out of a fairy tale book. She looks so graceful and delicate, as if she's a queen standing on a castle with huge fortresses. Hindi siya mukhang snob but there's a regal feel around her.

Sa aming apat na babae si Luna na kapatid nila Pierce ang pinakamatangkad. Bagay na hindi nakakapagtaka kahit di hamak na mas matatangkad sa kaniya ang mga kapatid niya. She's looks almost five feet and six inches. Maybe less but nearly there. She's a knockout. Hindi rin nakakapagtaka iyon. Her brothers are gorgeous and she is too.

"Pierce..."

"I'll eat whatever you can't."

Napakurap ako pero binalingan niya na ang mga pagkain at kumuha siya ng kaniya. He did exactly what he told me. Nang magsimulang kumain ang lahat ay salitan siyang kumukuha sa sarili niyang plato at mula sa akin.

Most of the people around this table knows that I like him. I'm the kind of person who doesn't feel shy. Kaya nakakapagtakang hindi na nawala ang pag-iinit sa magkabila kong pisngi. Something about what we're doing feels so intimate. Coming from a woman who don't even blush during kissing scenes.

"Tutuloy ka ba sa dati mong bahay? Buti na lang hindi niyo pa naibebenta 'yon. Mahirap pa naman magpabalik-balik lalo na at buntis ka pa naman. Grabe na ang traffic ngayon. Kalahati ata ng araw napupunta lang sa traffic," sabi ni Lucienne kay Lia.

They were talking about Lia's project for her new album. She finished an album solely dedicated for her husband and the baby she's carrying. Sigurado akong magiging hit iyon katulad ng iba pa niyang mga single. Wala naman kasi siyang ginawa na hindi sumikat. Lia Asterio-Dawson is a force in the music industry. She's also a musical prodigy.

"I don't know. Gun's here-"

"Baby, do you think I will let you go alone?"

Bahagyang namula ang mukha ng babae at binigyan niya ng ngiti ang asawa. I felt my heart tightened just like how it did when I watched them on their wedding reception. There's something pure about their love that no one can help but envy.

"You're busy," Lia said.

"You're more important."

Pabirong pinaikot niya ang mga mata niya. "Okay, fine. But we need to go to the management to ask for someone to clean the house. Ang tagal ko ng hindi nakakapunta ro'n."

"Pupuntahan ko kapag lumuwag na ang schedule sa opisina."

"Sama ako."

"Baby..."

The softness on Lia's face went away and it was replaced by the sass that I know she has. She punched a reporter before and she bared herself, topless, on national television just to make a point to a misogynistic morning show host. She has a temper behind her sweet features and I'm seeing that now.

"Sasama ako, Gunter Dawson. I'm going to be fine. I'm healthy and I have you. Stop worrying. Me and the baby will be fine."

Sa pagkakataon na ito ay natahimik ang magkakapatid. Nakita ko pang nagkatinginan si Trace at Coal. Nagtatakang pinagmasdan ko sila lalo pa nang maging si Pierce ay napatigil sa pagkain.

Mukhang nahalata naman ni Lia ang pagkalito ko dahil binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago nagpaliwanag. "We lost our first baby, Celestine, because I couldn't carry her in full term. That's why this giant is overly protective to me now that I'm pregnant again."

"Lia-"

Pinutol ng babae ang sasabihin ng asawa at marahang tinapik niya ang pisngi niyon. "But this time I'm going to be fine. I'm healthier and happier and I have you."

"I'm sorry," I whispered. "I didn't mean to bring it up."

"It's okay. It's not something I will ever want to hide again. The lost will always be painful but there's calm in the strength that will bloom from what we endure. If it matters it will always hurt."

She's right. Kapag mahalaga sa iyo ang nawala sa'yo... hindi mawawala ang sakit.

I smiled back at her but mine felt tight. Pilit na itinago ko ang mga sumisirkilo sa utak at puso ko. There's a right time and place for that and this is not it.

Proving that she's more perceptive than most people, I saw something crossed Lia's eyes. An understanding... or maybe recognition. I forced myself to smile genuinely and I decided to take control of the conversation bago pa kung saan mapunta ang usapan.

"Iyong dati mo bang bahay ay 'yung nasa exclusive subdivision in Manila?" Sinabi ko sa kaniya ang pangalan at nang tumango siya ay tinapunan ko ng tingin si Pierce. "I also live there. Hindi ako madalas sa bahay dito man o sa Manila kasi kapag may filming ay kung saan-saan ako napupunta and I rather stay in hotels than to go back and forth. I could go to the management to ask them if they could send someone to clean."

"Really? That would really be helpful." She gave me a kind smile. "Doon ka rin pala nakatira. I didn't know that. Ang alam ko lang na nakatira roon na familiar ako ay iyong supermodel."

"Yeah. That's my best friend, Mireia Aguero-"

Naputol ang sasabihin ko nang malakas na umubo si Axel. Namula ang mukha niya at malakas niyang pinalo ang dibdib niya na para bang nabubulunan siya. Tinapik siya sa likod ni Thorn na sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya ay ngayon ay kakikitaan ng ngiti sa mga labi.

Kinuha ko ang baso na nasa harapan ko na hindi ko pa nagagamit at sinalinan ko iyon ng tubig. Inabot ko iyon sa kaniya na kaagad niya namang kinuha.

"Are you okay?" I asked him.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pag-inom. Pulang-pula rin ang mukha niya na para bang nakakain siya ng pagka-anghang na sili.

"Okay lang 'yan," singit ni Luna. "May naalala lang 'yan si Kuya."

"Naalala?"

Ngumisi ang babae at kumindat. "Iyong first love niyang gusto niya sanang pag-alayan ng virginity niya ang kaso magmamadre raw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top