Chapter 38: Drunk

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 38: DRUNK

BELAYA'S POV

"I didn't know that they serve an all day breakfast."

Umupo si Lia at Lucienne sa harapan ko. I just came back from an interview pero nang sabihin nila na nasa malapit sila at gusto nilang makipagkita for dinner ay kaagad naman akong pumayag. Ginabi na rin naman ako dahil nagkita pa kami ni Lauren kanina para ipakilala niya sa akin ang boss niya na ngayon ay boyfriend niya na. Pag-uwi naman sa bahay take out lang din ang kakainin ko dahil abala sa Dagger si Pierce.

Lihim na napangiti ako sa naisip. It seems so natural to think of Pierce's house as my home now.

"You've been here?" Lia asked.

"Isang beses lang. Maganda naman ang service nila dito at masarap naman ang pagkain."

"Oh that's good. Nakita ko kasi ang all day breakfast offer nila and I know you love those. Ito namang si Lush sumama na rin."

I do love all day breakfast. Marami kasing pagkakataon na hindi ako nakakakain no'n dahil na rin sa sobrang busy ko.

"Busy ang asawa ko at hiniram na naman ni Savannah at Damian ang anak ko pati na ang kambal ni Lia." Nilingon ni Lucienne si Lia. "Hulog ng langit ang dalawang 'yon. Akalain mo 'yon. Anak pa ng presidente ang babysitter ng mga anak natin."

Bago pa makasagot ang babae ay may lumapit na sa amin na waiter.

"I'll have the Brandade de morue au Gratin for the hors d'Ouvres. I also want the Zucchini tartine with mustard dressing on toast," I said to the waiter.

Nag-angat ng tingin si Lia mula sa menu. "I'll have the Rustic tuscan pepper bruschetta and also the Panettone french toast with mixed berries."

Tumingin ang waiter kay Lucienne na ngayon ay napapakamot sa ulo niya. Alanganin ang ngiti na binigay niya sa lalaki. "Pandesal meron kayo? Saka peanut butter at kape."

"Umm... meron po kaming breakfast sliders kung gusto niyo Ma'am? With omelette and bacon po iyon."

"Sige sige."

"Sa kape po ba anong gusto niyo? We have Arabica, Robusta, Latte, Cappuccino, Espresso, Americano-"

"Filipino."

Tinakpan ko ang bibig ko nang bigla na lang ako mapatawa. Ngumisi lang si Lucienne at nag peace sign sa waiter. "Joke lang. Espresso na lang. Espresso can cure all depresso."

The waiter looked dazed when he turned his back on us. Alam ko namang naiintindihan ni Lucienne ang mga nasa menu. I'm pretty sure she's just being her usual comedic relief self kaya napagtripan niya ang waiter na ngayon ay dinadama ang first encounter niya sa unicorn na nakilala niya.

"Lakas din ng tama ng may-ari ng restaurant na 'to no? Gabi na tapos may breakfast. Punta nga tayo ng breakfast dito tapos order tayo ng steak."

"Next time," natatawa pa rin na sabi ko. "Bakit nga pala kayo napasyal?"

"Sinamahan ko 'tong si Lia. Pumunta siya sa agency niya. Medyo natagalan lang kami kasi tinour pa ako ni Travis, 'yung may-ari. Nakapunta pa nga ako sa recording studio nila."

"She was trying to convince Travis na gusto niya rin magkaro'n ng album kaya kumanta rin siya," sabi ni Lia.

"Eh anong nangyari?"

Humaba ang gusto ni Lucienne bago sumagot. "Naawa lang ako kay Travis. Feeling ko gagawan niya ako ng album kahit hindi bebenta basta gusto ko. Ang kaso napakinggan ko 'yung playback ng boses ko. Kahit patay ata babangon para lang patigilin ako." Napapalakpak siya nang tila may maalala siya. "Di ba nakuha mo na today 'yung gift mo kay Pierce?"

"Oh that!" Excited na binuksan ko ang paper bag na nasa tabi ko at inilabas ko ang laman no'n. It's a desk plaque. "Okay ba?"

"For sure hindi niya na aalisin sa opisina niya 'yan," nangingiti na sabi ni Lia. "Pierce Dawson, Property of Belaya Lawrence-Dawson. You even changed the surname. Nice."

"Ang tanong payag ka kaya kapag binigyan ka ni Pierce ng sarili niyang version niyan?" tanong ni Lucienne.

"Version?"

"His version of staking his claim."

"If he's expecting that I'll accept it but he won't do the same for me then no. But Pierce wouldn't mind kahit i-tato pa sa kaniya ang salitang "Property of Belaya" so it's fine with me too. He's mine and I'm his anyway. What's wrong with telling the world the truth?"

"Hmm. Maybe Gun and I should get another tattoo," Lia murmured.

"Ayaw ko no'n masakit," sabi ni Lush.

Tinapik siya ng babae sa balikat. "Okay lang 'yan. Kapag magkasama naman kayo ni Thorn imposible na hindi malaman ng mga tao sa paligid kung ano kayo sa isa't isa. You even scared a woman before by imitating Gollum's voice pero instead of "My precious." ay "My husband" ang sinabi mo"."

Tatlo kaming napatawa sa sinabi niya. The dinner slash breakfast went on smoothly. The food was superb and the company is the greatest.

Palabas na kami ng restaurant nang may maisip ako. "Buti na lang dito pala tayo pumunta. My first time here was not a good memory pero ngayon nabura na 'yon. Iyong una ko kasing punta rito ay para makipag-break sa boyfriend ko."

And I also did a crime here by sabotaging Kaiser's car.

"Don't worry hindi lang ito ang memory na maaalala mo rito," nagniningning ang mga mata na sabi ni Lucienne.

"What-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa parking lot ng lugar. Halos wala ng sasakyan do'n at sa halip ay may mini stage na nandoon kung saan sa baba ng mababang platform ay nandoon si Pierce.

Naguguluhang nauna na ako sa mga kasama ko para lumapit sa lalaki. "What's happening?"

"Hindi tayo dito unang nagkita but this place is both memorable for us. This is the place where you officially became my kitten?"

"Did I?"

"Yeah. After you signed that jerk's car." Inipit niya ang kumawalang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "I have a gift for you."

"I have too!"

Inabot ko sa kaniya ang paper bag at kaagad naman niyang nilabas ang laman no'n. Umangat ang sulok ng labi niya at ibinalik niya iyon sa loob bago ako muling tinignan. "Pwede bang bakuran na rin kita?"

I feel like I'm having a heart attack but instead of killing me it's making me feel good in a way that it can almost beat an orgasm. Almost.

"Do you have a gift for me too?" I asked.

Tinuro niya ang paanan namin at doon ko lang napansin ang tatlong lalagyan na nandoon. Isang pakahon pero manipis iyon, isang malaki, at isang pahaba na kahon. None of them looked like a ring box.

"Ang laki naman ng mga 'yan." I batted my eyelashes at Pierce. "Not that I don't like big things... if you know what I mean."

Namula ang mukha niya at nakarinig ako ng hagikhikan sa likod ko. May sumigaw din ng "Gross!" na alam kong si Trace pero hindi ko siya makita dahil mukhang nasa likod siya ng stage.

Naiiling na yumuko si Pierce at siya na ang nagbukas ng unang box. Napangiti ako ng iladlad niya iyon at inayos dahilan para makita ko ang isang actor's chair na kulay pink. Sa likod no'n ay may nakasulat na "Belaya Lawrence-Dawson, Property of Pierce Dawson.". Looks like we think alike.

"So you can bring them wherever you go and they'll know. I hope you don't mind," sabi niya habang inaalalayan akong makaupo ro'n.

"I don't. As long as your female clients know that you are mine too."

"Without a doubt."

We shared a look before he turned to the big box and pulled it towards me. Napatingin ako sa kaniya nang gumalaw ang kahon. "Oh my God! What's that?"

"What do you think?"

"Am I finally getting a crocodile?"

"Much as I love that twinkle in your eyes, I'm afraid that's not it." Maingat na binuksan niya ang kahon. "I searched and asks vets for recommendation and they said this one is low with Fel D1 and it would be perfect for people with allergies. She's a Siberian."

I opened my mouth to ask but I was rendered speechless when I was greeted by a pair of eyes that are almost similar to mine.

"She reminded me of you."

Nag-init ang mga mata ko nang ibaba niya sa kandungan ko ang maliit na mabalahibong kuting. I always wanted a cat. I never thought I could have one or there's possibility that I could have one. I can hear Lia and Lucienne "awwing" when the kitten climbed up to me and she nestled her face on my neck.

"I want to kiss you so bad," I said to Pierce as tears fell from my eyes.

"Later," he said while wiping the wet on my cheeks. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang huling box. "This one is for you and her."

My heart plummet to the ground when he opened it to reveal a pink collar to me. Pero bago pa ako tuluyang madismaya ay napansin ko ang nakasabit doon na bagay na siguradong-sigurado ako na siyang para sa akin. I reached for it but Pierce immediately took it away.

"I'm going to wrestle you on the ground if you don't give me that."

Natatawang hinawakan niya ang kamay ko. He curved my hand into a paw... something that he always loved doing. "Patience, Kitten. I need to show you something first or Trace will annoy the hell out of me hanggang hindi niya ako napapatay sa kunsumisyon o hindi ko siya napapatay sa inis."

I pouted but it immediately deflate when he leaned down to give me a peck. He gave me his beautiful smile before he turned away to go up the mini stage.

"I don't know how they convince me to do this but I guess it's worth the shot." Bahagyang dumilim ang paligid nang mamatay ang mga ilaw sa parking lot pero napalitan iyon ng spotlight na ngayon ay nakatutok na kay Pierce na may hawak na microphone. "Nakilala ko ang isang Belaya, bilang isang maningning na tala."

Napanganga ako hindi lang sa tono ng boses ni Pierce na akala mo makata na tumutula kundi kay Thorn na lumabas mula sa kung saan habang nakasuot ng costume na korteng bituin.

"Ngiti niya ay kumikinang higit pa sa bituin sa langit, ang mga mata niya ay tila rosas na kay rikit."

I can hear Lia laughing behind me when Gun went out of the stage. He's wearing a rose costume.

"Di na nakakapagtakang, natatanging siya lang... ang nagpapatibok ng puso ko, na akala ko noon ay sumarado na."

Axel went out wearing a heart. May hawak din siya na illustration board na may drawing ng kandadong bukas na.

"Kotse na pula kaniyang pinirmahan, dahil sa isang gago na hindi siya kayang alagaan. Nabighani ako ng lubusan sa labis niyang katapangan."

Halos mamatay kami hindi lang nila Lia kundi ng mga taong nakikinood na pala nang lumabas si Trace. Pula ang suot niya na costume ng sasakyan. Kasunod niya si Coal na akala mo round girl at may itinataas na malaking board kung saan nakasulat ang pangalan ni Kaiser. His costume is a car key.

"Para siyang isang kuting... na mabagsik ang talim."

Even I went "aww" with the crowd when Arctic went out of the stage wearing the cutest cat costume. He even made a "rawr" action with his hands before following his uncles.

"Pero sa akin ay para siyang isang liwanag na kahit bagyo ay kayang labanan."

Domino followed looking like a Christmas tree dahil may mga ilaw na nakabalot sa kaniya. Kasunod niya si Luna na naka-warrior costume at may hawak na pekeng ulo. She mouthed the world Charlotte at me making me laugh out loud.

"Kuya nabobored na sila. Sabi sa'yo hindi effective ang tula."

That came from the car- I mean Trace.

"No!" natatawang sabi ko. "Continue!"

"Don't worry folks. Parte lang ito ng show namin." Nagtawanan ang mga tao pero humarap na siya ulit kay Pierce."Ano ngang sabi ko?"

"Hindi effective ang tula," napapabuntong-hininga na sabi ni Pierce.

"Ayon! Hindi effective ang tula. Kailangan natin ng pampabuhay!"

Mula sa kung saan ay pumalibot sa lugar ang isang tugtog na hindi ako pamilyar. Pero sa pagtataka ko ay pumosisyon ang mga kapatid ni Pierce na maliban kay Trace, Domino, at Luna ay parang mga bibitayin. Even Arctic is readying himself excitedly.

"What's this song?" I asked.

May inilabas si Lucienne sa bag niya at inabot niya sa akin 'yon. "Lyrics ng English version. Cute naman iyong song. Para mapatawad mo ko na hinighjack ko ang proposal ni Pierce para sa'yo dahil gusto ko sila ulit makitang sumayaw."

"Gusto ko rin! Mas maganda ang live," natatawang sabi ni Lia.

I looked at the paper and I saw that it's a Korean song by Twice called Alcohol-free. And Lucienne is right. Ang cute ng lyrics. It's basically telling how it feels to be so drunk in love when you're with the right person.

I'm almost touched by the translation kung hindi lang biglang lumawak ang spotlight sa stage at nagsimulang magsayaw ang mga taong nandoon, costume and all. Tinakpan ko ang mga mata ko na magkakahiwalay naman ang mga daliri habang napapatili dahil sa ginagawa ng mga taong nasa harapan ko.

Pierce looks like he wanted someone to shoot him habang ang iba niyang mga kapatid ay parang wala ng kaluluwa dahil sa blangkong ekspresyon sa mga mukha nila. Tanging si Trace at Domino lang ang akala mo walang buto sa pagsayaw. Luna looks like she has two left feet but she doesn't care dahil bigay todo lang siya.

Arctic is the cutest because his choreography is wrong but he's just pushing through like his uncles and aunt.

"Holy shit! I love this night!" napapatalon na sabi ni Lia.

Nakikisayaw na sumigaw si Lucienne. "Go team!"

You are my champagne, my wine I drink with my eyes

My tequila, margarita

Mojito with lime

Sweet mimosa, pina colada

Napatili ako at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang gumitna si Pierce na sa kabila ng tigas na katawan ay tila robot na ginagawa ang steps ng kanta.

"You're going to be named after one of the drinks in this song, little kitty," I said to the kitten happily sleeping on my lap as if the world is not going crazy around her. "How about Margarita?" When she didn't do anything I tried again. "Mojito."

She opened her eyes and looked at me. Napangiti ako. Mojito it is then.

Pakiramdam ko ay napaos na ang boses ko sa pagtili nang gumitna si Arctic sa stage kasama ang tatay niya at nagsimula silang gayahin ang rap part ng kanta.

"Arctic, you're the best!" sigaw nila Lia at Lucienne.

Lalong ginalingan ni Arctic ang ginagawa habang seryosong-seryoso ang mukha niya. I don't think his lips are matching the song but he doesn't care. He's like a mini Trace.

May luha na sa mga mata ko sa kakatawa nang matapos ang kanta. Pero bago pa ako makabawi sa tila bombang sumabog sa harapan ko ay sa pagkagulat ko yumuko si Pierce at may binulong sa anak niya na kaagad tumango bago nakangiting tumakbo palapit sa akin.

"Tita Star!"

Yumakap siya sa akin at kaagad ko namang binalik sa kaniya iyon. Nang bahagya siyang lumayo ay nagsalita siya. "Love ta po ni Daddy."

"I know, baby," I said with a smile.

"Love to po rin itaw."

Marahang tinapik ko ang ulo niya at tumango ako. "I know, sweetheart."

"Pwede po ba itaw na lang maging setond Mommy to tapos pwede po atong flower boy sa wedding niyo ni Daddy?"

He can ask me whatever he wants and I'll give it to him at this point. Kahit pa siguro kung ang hihingin niya ay suotin nilang lahat ang costume na suot nila ngayon sa kasal ay hindi ako tatanggi.

"Sabi ni Daddy di ta po niya hahayaan mag-cry. Lagi mo raw po siya tatampi. Tahit ilang broom-broom pa po masira niyo which I don't understand po dapat po ingat po kayo mag drive para di masira ang tars niyo. Sabi po ni Daddy love niya rin ang babies mo tasi love mo tami. Try niya raw po di na ma-scared taila Diamond, Wonder, Blossoms, Buttercup, Bubbles, and all of your babies po. He said he'll wort harder po to give you all the things you love. He'll watch your films tahit gusto niya raw po punch 'yung mga partner mo po ro'n. Pero bad po 'yon taya di gagawin ni Daddy 'yon. He said he will always bring you to your favorite restaurants and he'll play your favorite game with you. Tapos pa bibilan ka rin niya madami ice cweam."

"I didn't say that last part."

Masaganang luha ang bumabalong mula sa mga mata ko nang makita kong nakatayo na rin si Pierce sa harapan ko. Tumayo ako but he just reached for my hand before doing the gesture that men of maybe billions of generations did for the women they love and still it feels so new. Because with Pierce everything is a first... everything is a new discovery.

I can barely see him when he finally knelt in front of me. But it wasn't just him. Dahil sa tabi niya ay ginaya ni Arctic ang ginawa niya habang nakaangat ang isang kamay na may hawak ng singsing.

I know that with Pierce, I'm not just seeing a future with him. I'm also seeing a family. He'll be that to me and also the child beside him. I will have this for the rest of my life... their love that I could never trade for anything in this world.

"Will you be part of our family, Kitten?"

Sunod-sunod na tumango ako. My heart instantly warmed when I saw the ring that he slid on my finger. The rock is huge but it's encased in a simple bed. But the band of the ring was carved with shapes that even without trying hard to see, I know that it's from the stars of Orion. Each of the points have diamonds connecting them with one another. It would be the most beautiful thing I ever see if I haven't seen Pierce Dawson in front of my eyes.

If this what being so drunk in love feels like I never want to be sober again.

"I want to keep you both too," I said to him, remembering his words to my parents. "So yes, Pierce Dawson. Without a doubt the answer would always be yes."

I didn't let him get and instead I threw myself to him. Kaagad niya akong pinaloob sa mga bisig niya at mahigpit akong niyakap. It didn't take long for the familiar small arms to join the hug.

While nestled around the arms of the family that life chose for me, I looked up into the night sky and I saw stars shining so bright. One of them twinkled and a smile curved my lips with sudden realization.

I always wanted the perfect love story. Before I thought I had it only to lose it... but I guess the heaven is feeling generous to give me a second chance. After all I have a lot of angels up there in the heaven always guiding me... sending constellation of stars to guide me into the path that will give me this so much love.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top