Chapter 36: Perfect
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 36: PERFECT
PIERCE'S POV
"If there's a life sentence in this country it should be given to him."
Kababalik lang namin sa Dagger pagkatapos matignan ng doktor si Evans at madala siya sa kulungan. Kung ako lang ay pababayaan ko siya sa stado niya. But due to protocol there's nothing I could do about it.
Nagtagis ang bagang ko sa sinabi ng kapatid ko na si Coal. He's right. Cedric Evans deserve not to breathe another air of freedom. People like him will only bring terror once he got out. But because of the law, people usually can be pardon after forty years even those with grave crimes.
In Evans' case we'll be lucky if we can keep him in jail for at least twelve years. If that happens and he goes after Belaya again then I'll just put him back inside.
"Or we can let Vodka Lawrence kill him."
Binigyan ko ng matalim na tingin si Trace na kaagad humaba ang nguso. "Belaya's sister and their family are not hired killers."
Alam na ngayon ng publiko kung anong history ng organisasyon nila. But even with how they operate things before which is pretty loose considering they remained in the shadow for years, they are not mercenaries. Their actions are always justified. Now they're under the wings of the law and they are the top investigative agency here in the country.
"I bet she can make an exemption," Coal said with a shrug. "Even you would."
Tama naman siya. I can bury that man alive and I wouldn't even lose sleep about it.
"So what are your plans?" Thorn asked.
"Plans?"
"With Belaya." Humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan niya na swivel chair. "She's free now. Maaari na siyang bumalik sa dati niyang buhay. I just want to know if she'll get back to it but this time with you in it."
Lahat ng mga mata ng mga kapatid ko ay ngayon ay nakatutok na sa akin. I let out a sigh. "She's mine."
Hinampas ni Trace sa braso si Coal na itinulak lang siya palayo. If Domino is here there's no doubt that Coal will suffer more.
"Hindi pa nga kayo."
Nilingon ko ang kapatid ko na si Gun na siyang nagsalita. "She's still mine." I crossed my arms in front of my chest. "Hindi mo rin naman niligawan si Lia. A few days after you met her, she became yours. Kuya Thorn's the same way except it took a bit longer. Hindi pa nga nagtatagal na masabing official na sila ni Lush ay nag-propose na siya. Wala naman sa inyo na marunong manligaw."
"Paninirang puri 'yan. Marunong akong manligaw," sabi ni Trace.
"Dream on. Hindi ka pa nanliligaw basted ka na o kaya itinapon ka na sa friend-zone." Napasinghap ang kapatid ko pero bumaling na ako kay Coal. "You don't date. You just fuck."
Coal shrugged as if he simply accept the truth.
"And Domino likes women but nothing really keep his interest long enough to date those women."
"Marunong akong manligaw," singit ni Axel na nagtaas pa ng kamay.
Umiiling-iling na tinapik ni Trace sa balikat ang lalaki na para bang nakikisimpatya siya. "Iisa lang naman ang niligawan mo pero hindi ka naman sinagot."
Naniningkit ang mga mata na pumiksi si Axel bago inambaan ng suntok ang tatawa-tawa lang na si Trace. "At least isa lang. Ikaw sa dami mong niligawan lahat basted ka."
"Huwag kang fake news. May mga naging girlfriend na ako!"
"That broke up with you with their parting words "Let's just be friends"."
Napapabuntong-hininga na tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Knowing my brothers, they can argue about something for hours and no one will win.
"I'm going home. Baka gibain na ni Luna ang bahay ko kapag hindi pa ako umuwi."
Luna's staying at my home since Arctic is there. After Belaya left the house, inuwi ko na ang anak ko pero dahil sa naganap ngayong gabi ay sa kaniya ko muna pinabantayan ang bata.
It would be easier for me if I just hire someone to take care of him. Pero bukod sa mas gusto ko na ako ang mag-alaga sa kaniya ay hindi rin gusto ng pamilya ko na iba pa ang magbabantay sa kaniya. Even when he was just a baby my family were always there with me to help me raise him.
"Luna's not-"
Kumunot ang noo ko nang umakbay si Coal kay Trace at basta na lang tinakpan ang bibig ng lalaki. Naiiling na hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ako ng conference room. Bumaba ako sa parking lot ng headquarters at pagkaraan lang ay lulan na ako ng sasakyan ko at tinatahak ang daan pabalik sa bahay.
Malalim na ang gabi kaya hindi na nakakapagtaka na halos wala ng sasakyan sa daan dahilan para mabilis akong makarating sa bahay.
Nagsalubong ang kilay ko nang imbis na sasakyan ni Luna ang makita kong nakaparada sa harapan ng bahay ay ang kotse ni Domino ang naroon. Baka dito siya dumiretso pagkahatid kay Belaya. Hindi ko alam kung sa condo ng kapatid ko pa rin tumutuloy ang babae o umuwi na siya sa bahay niya rito sa Tagaytay.
I don't know if it's okay for her to stay in her house. The last time we were there she was so scared of her own bedroom. I should call her. She shouldn't be in there alone.
Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si Domino na nanonood ng TV habang nakasalampak sa sofa. Nang makita niya ako ay pinatay niya na iyon at nag-iinat na tumayo. "How's the debriefing? Akala ko matatagalan pa kayo."
"Nauna na akong umalis."
"I should go there. Baka maabutan ko pa sila."
"Where's Luna?"
"Kanina pa umuwi 'yon sa bahay niya." Kinuha niya ang susi at cellphone niya sa coffee table. "May regalo akong iniwan sa kuwarto mo."
"Regalo?"
Ngumisi lang siya bago walang salitang lumabas na ng bahay. Napapabuntong-hining na ni-lock ko ang pintuan bago ako nagpasiyang umakyat na. Una kong pinuntahan ang kuwarto ni Arctic pero sa pagtataka ko ay wala siya ro'n. Maybe he slept in my room.
Lumapit ako sa pintuan ng kuwarto ko at maingat na binuksan ko iyon. A familiar pang hit my chest when I saw what's inside.
There's always pain when I look at my son knowing that I couldn't give him a normal family life. But now that pain felt different... it's like my heart is clenching but this time it's not from regret or guilt. It's like my heart is so full and so happy that it hurts.
Tahimik ang mga hakbang na lumapit ako sa kamang kinaroroonan nila. Umupo ako sa gilid no'n at pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ng anak ko at ni Belaya na yakap siya.
"Someday, son, you'll find a person that will give your life a shine of perfection. The world might be flawed but in a world where you have her... the word perfect is not so abstract anymore."
Seeing what's in front of me reminded me of what my mother told me before. Inangat ko ang kamay ko at marahang pinalis ko ang buhok na bahagyang tumatabing sa mukha niya. She looks tired but she also looks at peace. So beautiful... so right... like she's made to be right here with us.
"You sent the perfect one haven't you, Mom?"
BELAYA'S POV
NAGTATAKANG binaba ko ang bintana ko nang makita ko kung nasaan kami. Nakatulog ako kanina dahil na rin sa pagod. It's been a tough week for me.
I attended a lot of interviews and I also needed to face Cedric's case. Sa ngayon ay hininto ang produksyon ng The Chains of Ravine hanggang hindi pa nasasaayos ang tungkol sa mangyayari sa management ng pelikula. After all, Cedric was the executive producer.
There's a chance that Jhonas will rise to take the position pero kinakailangan pa na maaprubahan ang pera na ngayon ay hawak niya. The account is frozen for now dahil kasama iyon sa kailangan imbestigahan ng pulisya.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Sebastian.
Except that night the ball happened, I haven't stayed with Pierce. Wala rin naman kasing rason. Parang ang awkward na dito pa rin ako tumuloy sa bahay niya samantalang tapos na ang case ko sa Dagger.
Iyon na rin ang huling beses na nagkita kami kasi marami akong commitment na kailangang harapin habang siya naman ay kailangang asikasuhin ang lahat para ma-i-transfer sa awtoridad lahat ng impormasyon tungkol sa akin. But he always call and text me. Minsan pa nga video call.
I don't think I've been connected with a person the way that I am with him. Sa lahat ng taong nakarelasyon ko ay siya lang ata ang halos kada oras ay kausap ko.
"Sebastian," I groaned out his name when he didn't answer. "Seriously. Gusto ko rin pumunta rito pero di ba may delivery ako sa bahay?"
"Maiistress pa ang zoo mo kakalipat-lipat."
"Ha?"
Hininto na niya ang van. "Bumaba ka na at may date pa ako."
"Wow. Ako pa nag adjust." Bumuntong-hininga ako. "What about the delivery?"
"Ako ng bahala."
"Pero-"
"Kapag nawalan ako ng girlfriend, mag re-resign ako."
Pinaikot ko ang mga mata ko. "As if. Ang gastos ng girlfriend mo paano ka mag-re-resign? You're stuck with me forever."
"Don't say bad words."
Ibinato ko sa kaniya ang naabot ko na box ng tissue at pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan para lumabas na. Sinimangutan ko siya bago ko isinara ulit iyon.
Muli akong bumuntong-hininga at humarap ako sa tapat ng gate ng bahay ni Pierce. Naiiling na lumapit ako sa door bell pero bago ko pa mapindot iyon ay napatalon ako sa gulat nang basta na lang bumukas ang pintuan.
Pierce's smiling face almost blinded me. I swear, him smiling shouldn't be legal.
"Is this going to be the norm?"
"What?" he asked.
"Iyong lagi kang nakangiti?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "I'm happy to see you."
Humalukipkip ako. "Fine. Pero dapat kapag ako o ang pamilya mo lang ang nakikita mo saka ka ngingiti ng ganiyan. Paano kapag na-discover ka ng iba? Ayoko ng maraming kaagaw-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang basta na lang niya akong hilahin palapit sa kaniya. At the next second, his arms were instantly wrapped around me. I melted into him and I felt his arms tightened as if he don't want to let me go.
"The world might consider you as theirs but I will always be yours."
Nag-init ang magkabila kong mukha pero pilit na sinalubong ko ang mga mata niya. "B-Belaya the actress is theirs but they can't have your kitten."
Kumislap ang mga mata niya at yumuko siya dahilan para halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. "My kitten?"
"Y-Yeah."
"Hmm that's right. Because I have that "pa" now?"
"Pa?" nagtatakang tanong ko.
"Pagmamahal."
Lalong lumalim ang pamumula ng mukha ko pero imbes na tuluyang maging jelly ace sa sobrang panlalambot ay painikot ko na lang ang mga mata ko.
"Hindi ka pa nga nangliligaw."
"Because I fell for you before I even had the chance to do that."
Damn it! Tama ata si Lucienne. Si Pierce ang pinakamalandi sa kanilang magkakapatid. "Kasalanan ko?"
"Hindi. Kasi pinanagutan mo rin naman ang feelings ko." Marahang hinaplos niya ang panigurado ako ay nag-aapoy ko ng pisngi. "Marami pang panahon para ligawan kita. We'll be a hundred years old and I will still do that for you."
I can hear the promise hidden in those words. As if he's telling me that we'll still be together even at that age.
"Will you explain now why I'm here?" I asked when he guided me inside the house.
"May surprise kami ni Arctic sa'yo."
"Nandito si Arctic?" Nakangiting humiwalay ako sa kaniya at nagmamadaling pumasok ako sa loob ng bahay. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang bata na kasalukuyang nanonood ng cartoons na nang makita ko ay kaagad tumakbo palapit sa akin.
Yumakap siya sa akin. "I miss you Tita Star!"
"I miss you too." Pinisil ko ang mataba niyang mga pisngi. "Natanggap mo ba iyong gifts ko?"
I sent a Tayo and Titipo station playset for him. I asked Sebastian to find me the whole town where Tayo's in if that's possible. Ang alam ko two days ago ay naipadala na iyon dito kaila Pierce.
"Opo! Toto Trace helped me. Pero sabi ni Daddy dapat daw po si Toto Axel po nag help. Tasi sila Toto Trace at Toto Domdom ang tagal po dito tasi sila na po naglaro."
Natatawang umayos ako ng tayo. Hindi malabo ang sinabi niya. Isip bata ang mga 'yon eh.
"Your dad said that you have a surprise for me?"
Nanglaki ang mga mata ng bata na parang ngayon lang naalala iyon. Hinawakan niya ako sa kamay at excited na hinila ako papunta sa kung saan. Nilingon ko si Pierce pero nakangiting nakasunod lang siya sa amin.
Dinala ako ni Arctic sa isa sa mga kuwarto malapit sa opisina ng bahay. Nakita ko na iyon dahil minsan ko ng nakita si Pierce na may inilalagay sa loob niyon. It's just a huge storage where he put a lot of things that they're not using.
Nagtataka man ay hinayaan kong dalin ako ro'n ng bata. Bumitaw lang siya sa akin nang buksan niya gamit ng dalawang kamay ang pintuan at patalon-talon na pumasok siya ro'n.
"Surprise!"
Sunod-sunod na napakurap ang mga mata ko nang maproseso ng utak ko kung ano ang nasa harapan ko.
"Ayaw po ni Daddy lapitan to sila hanggang wala itaw po. They might get hurt daw po tasi I don't know how to hold them."
Nakatulala lang ako sa ngayon ay malawak ng kuwarto. Mas malaki pa iyon kesa sa kuwarto na ginagamit ko para sa ganito sa bahay ko sa Manila. Wala na rin ang mga tambak na gamit na dating nandito. Malinis ang lugar at walang kahit na anong laman maliban sa tatlong bean bag na nasa gitna at ang mga alaga ko.
My babies are here.
"Your brother Cross helped me get them here. Tumulong din si Mireia at ang pinsan niya."
Nilingon ko si Pierce. "Why?" Muli kong tinignan ang mga alaga ko na para bang hindi man nanibago sa lokasyon nila. Diamond is even happily sleeping. "I asked them to send them to my home."
I'm planning to sell my Manila house so I can officially take root here in Tagaytay. I can always buy a condo sa Manila kung gusto ko talaga ng matutuluyan do'n kapag kinakailangan. But I want to stay here in Cavite for good.
"Do you love your home?" he asked.
"Well... of course I do."
"Enough to stay there forever?" Bumuka ang mga labi ko pero nagpatuloy siya. "If that's the case then Arctic and I can move there."
Laglag ang pangang tinignan ko siya. It's like our relationship is travelling at the speed of light.
"Isn't that... too fast? We're not officially together and we just-"
"Are you planning to see other man than me?"
Dumilim ang mukha ng lalaki na para bang handa siya na makipagbuno sa kung sino man na iyon kung sakaling sumagot ako na oo.
"Of course not."
"Do you love me?" he asked.
Nilingon ko si Arctic na kasalukuyang nakadikit ang mukha sa aquarium na kinaroroonan ni Diamond. "I do."
"And is that answer will be the same answer at the church when I finally marry you?"
Pakiramdam ko ay dumadagundong ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog no'n dahil sa sinabi niya. "You haven't propose yet!"
"If I do will you say yes?"
"Of course I will!"
Humakbang siya palapit sa akin at sa pagkakataon na ito ay bumalik na ang liwanag sa mga mata niya. Inipit niya sa likod ng tenga ko ang buhok ko na kumawala mula sa pagkakatali no'n. "Then why does it matter if everything feels fast if at the end of the day I will always be yours like you will always be mine? Bakit pa natin patatagalin kung doon din naman tayo mauuwi?"
I know he's right. I know that I can't look at another man and see a future with that person. Dahil wala na akong nakikita sa hinaharap ko kundi ang taong matagal ng pinili ng puso ko.
"I love your home," I whispered as answer for his first question.
His eyes flashed with happiness and he gently caress my cheek. "Okay."
"You need to tolerate my babies because it appears your baby like them."
"Okay, Kitten."
We're going to travel at the speed of light and I'm not even scared because I know he's with me. It was so natural... so right. Like there's no better path that I rather take than this where I know it's a life to be live with them in it.
"Are you asking me to live here?" I asked to confirm.
"I'm asking you to live here with me and Arctic. The rest will follow and you know it. Is that okay?"
Ayoko ng magpakipot. Bakit pa nga ba kung alam ko naman kung anong gusto ko? "Well okay then."
"Okay?"
Nakangiting tumango ako nang makita ko ang kasiyahan sa mga mata niya. "Okay."
"How about after you two steam roll the courtship, proposal, and wedding, that you at least meet the parents first?"
Sabay na napalingon kami ni Pierce sa pinanggalingan ng boses at nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang dalawang tao na hindi ko inaasahan na makita ang nakatayo roon kasama ang mga kapatid ni Pierce. Even Luna's here.
Kumaway si Trace sa amin. "Nandito lang kami para sa moral support." Tinuro niya ang dalawang taong nasa unahan nila. "Pero sa kanila lagot kayo. Rinig na rinig namin kayo na may balak kayong magtanan."
"Hindi kami magtatanan!" halos magkasabay na asik namin ni Pierce.
Sandaling nagkatinginan kami bago alanganin ang ngiti na kumaway ako at tumingin sa dalawang tao na ngayon ay naniningkit ang mga mata sa akin. Damn it!
"Umm... Hi Mom and Dad."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top