Chapter 33: Recharge
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 33: RECHARGE
BELAYA'S POV
I'm tired from work and I'm also drained what with the emotional moment that I had with Tristan. I love working on the new project and I'm thankful that I can finally close a chapter of my life. That's the thing. Para sa akin positibo ang dalawang iyon at hindi problema na mapagod ako dahil sa mga iyon.
What I don't want is to be physically and emotionally tired tapos may susubok pa ata ng spiritual energy ko. Iyon bang parang magkakasala pa ako ng wala sa oras.
"Kailangan ba talaga lagi kang may bantay?"
Sandaling nilingon ko si Domino na nasa kabilang lamesa ng restaurant na kinaroroonan namin. A fancy restaurant that looks like it with its interior and name but not through the food on the plate. There's a difference with high quality and pretentious.
Binalik ko ang mga mata ko sa babaeng nakaupo sa harapan ko. I gave her a sweet smile. A particular one that I always reserve for people like her. "Sorry. Does it bother you? I can't help it if I'm too important."
Tumalim ang tingin niya sa akin pero hindi rin nawawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya. "But I guess not that important for him since he let you go."
I know she's waiting for my composure to crack and I watched with satisfaction when a flash of uncertainty crossed her eyes when I didn't.
I don't think she get it. I'm an actress for almost all my life. Kahit pa maapektuhan ako kung sakali sa kung anuman ang lalabas sa bibig niya kaya kong pigilan ang sarili ko na ibigay sa kaniya kung ano ang gusto niya. She can probably hurt me or irritate me but it's up to me when it comes to what I want to show her. The world is a stage after all and I'm the protagonist of my own story.
"Hindi ko alam sa'yo pero busy kasi akong tao. Can you just get to the point so I can leave already?" I asked.
"Gusto kong layuan mo na ng tuluyan si Pierce."
Napakurap ako sa sinabi niya at sandaling tinitigan ko siya. Pagkaraan ay nilingon ko ang kinaroroonan ni Domino na alam kong nakikinig sa amin. Sa pangalawang pagkakataon sa araw na ito ay hawak niya ang cellphone niya na nakatapat sa akin.
"Feeling mo ba nasa telenovela ka, Charlotte?"
"What-"
Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at nangalumbaba ako. "Ito na ba ang oras na aalukin mo ako ng malaking pera o kaya tatakutin mo ako na kapag hindi ko nilayuan si Pierce ay sisirain mo ang buhay ko at ng pamilya ko?" Bumuka ang mga labi niya pero inangat ko ang kamay ko para patigilin siya. "Una, mayaman ako. Wala kang kayang ialok sa akin na hindi ko kayang makuha. Pangalawa, hindi mo ako kayang takutin pagdating sa pamilya ko. Baka ikaw pa ang matakot sa kanila."
My eyes dropped to her hands when I saw her move to grab the glass of water in front of her. Naunahan ko siyang makuha iyon at kita ko kung paano siya mapaatras ng umakto ako na isasaboy iyon sa kaniya.
Of course I didn't. Kailangan kong magpakabait ng slight. Baka wala na akong makolektang regalo kay Santa Claus sa Pasko.
Inabot ko sa napadaan na waitress ang hawak ko na baso. Nang muli kong balingan ang ex ni Pierce ay nakapaskil na ulit ang ngiti sa mga labi ko. "Kung may balak ka rin na mangopya sa napapanood mong soap opera pwede bang ako ang pumili ng ibubuhos mo sa'kin? At the very least choose from the middle rack because I hate being douse with something worth less than ten thousand. And champagne please para maiba naman o kaya Vodka since I'm named after one. Baka masampal ka pa kasi ng copyright sa sobrang gasgas ng gusto mo."
Nagningas ang apoy sa mga mata niya at kita ko kung paanong kumuyom ang mga kamay niya. "You're good at that. Making everyone feel inferior with what you have. Pakiramdam mo kaya mong bilin lahat ng pera."
"Sweetheart, no. Don't talk as if you know me. Hindi mo ako katulad. My life doesn't revolve with money. May pera ako kasi pinaghirapan ko 'yon. Hindi ko kailangan umasa sa iba at lalong hindi ko kailangan na maghanap ng mayaman na lalaki para punan ang luho ko. I don't make people feel inferior. I only do that to those that need to see their place."
"Kahit na anong sabihin mo hindi mo kayang tapatan kung ano ang naibigay ko kay Pierce. He will always return to me because his life is tangled with me. You can't erase me from his life."
"You mean because of your son," I said as a statement rather than a question.
"You think you're all that," iminuwestra niya ang kabuuan ko gamit ang kamay niya. "You can shower yourself with money but you can't hide the fact that you're just a homewrecker. Maiisip din ni Pierce kung anong ginagawa niyo sa pamilya namin. At the end of the day he will always choose what's best for our son."
Pinakatitigan ko ang babae. She looks proud with what she's doing. Like she really believe what she's talking about.
"I feel sad for you."
"You're not in the position to pity me-"
"Lunod ka masyado sa kung anong pinapaniwalaan mo. Ako ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo?"
"Pierce dropped you the moment that he realized that there's no future with you. The moment that he saw the life that you're living and the trouble that goes with you. Hindi niya gugustuhin na lumaki si Arctic na nasa paligid ka."
"At sinong role model ba ang dapat na makagisnan ni Arctic? Ikaw? His mother that neglected him when he was a baby?" She was taken aback with the question but I didn't let her gather her composure. "How do you even know what's happening with me and Pierce? Sino namang may sabi sa'yo na siya ang lumayo sa akin at hindi ako?" Naiiling na pinagmasdan ko siya. "Your son likes me. Kapag nakikita niya ako niyayakap niya ako agad. He's comfortable enough to sleep in my arms. He's a great child and he's like that because he's loved. Tama ka naman. Pierce will always choose what's best for Arctic. Kaya bakit ka nandito? Bakit kailangan mo akong kausapin na parang may pinapatunayan ka? I'm not the one that needs convincing. I also don't need to prove myself to you. Dahil kung may kailangan man akong patunayan hindi sa'yo iyon at hindi kay Pierce. It's to your son."
I know what I'm seeing with her. Alam kong katulad iyon kung paano siya nakikita ng lahat. Kung paano niya pinapakita ang sarili niya sa lahat. She's not a good mother and everyone knows that. She knows that. But she's still a mother.
I'm not blind when I saw the pain the moment that I told her how her son acts with me. I don't need to be a genius para malaman na hindi ganoon umakto ang bata sa kaniya. Siya na sariling ina ni Arctic.
"You're always acting like you're the victim. As if it's the world's fault that you have the life you're living right now. Pero wala namang ibang gumawa ng nangyayari sa iyo kundi ikaw lang. Ikaw ang sumira sa relasyon niyo ni Pierce, ikaw ang naging pabaya sa sarili mong anak, at ikaw ang patuloy na ginagawang miserable ang mga buhay nila. Kaya huwag mong isisisi sa iba ang mga problema na ikaw rin ang gumagawa." Inabot ko ang bag ko at naglabas ako doon ng pera at pagkatapos ay inilagay ko iyon sa lamesa bago ako tumayo at muli siyang tinignan. "Arctic will grow up one day. Isang araw makakapagdesisyon na siya para sa sarili niya. Don't wait for the day to come that he will choose to never look at you as his mother anymore. I don't want that for him but if you leave him no choice, I'll give him what you can't."
Walang lingon-lingon na lumabas ako ng restaurant. Alam kong nakasunod sa akin si Domino kaya hindi ako huminto hanggang sa marating ko ang sasakyan niya. Nang marinig ko ang tunog mula roon na tanda na bukas na iyon ay kaagad akong pumasok sa loob ng kotse.
After a few seconds the door on the driver's side opened. Naniningkit ang mga matang pinagmasdan ko si Domino na kaagad naging alanganin ang ngiti.
"Give me your phone," utos ko sa kaniya.
"H-Ha?"
"Your phone. Now."
Nang hindi pa rin siya kumilos ay kaagad ko siyang kinapkapan hanggang sa makapa ko ang cellphone niyang nakasuksok sa loob ng suot niya na suit. I pulled it out at nang makita kong may lock iyon ay inabot ko ang kamay niya at idinikit ko iyon sa cellphone para makuha ang fingerprint niya.
"Idol-"
"Kanina pa kita napapansin."
I scrolled on his messages. Pinindot ko ang pangalan ni Pierce pero wala naman silang kakaiba na pinag-uusapan. Kumunot ang noo ko at akmang pupunta na sana ako sa Facebook messenger nang tumunog ang phone dahil may mensahe na nanggaling kay Coal.
I gave Domino a look when I opened it and I saw that he's been exchanging messages with Coal since this morning. Mayroong mga litrato kung saan kasama ko sa set si Caleb at Samuel at meron din noong kasama ko si Tristan.
On the picture with Tristan, he and I were smiling at each other. Sa baba no'n ay may message si Domino at nanglaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
"You told Coal to show it to Pierce?!"
"Umm..."
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng conversation nila pero napatigil ako nang makita ko na may pinadala rin si Coal na media. This one is a video.
"Idol wait-"
Inilayo ko sa kaniya ang cellphone at pinindot ko ang video. Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko nang makita ko si Pierce na nakaupo sa sofa habang may yakap na babae. Nakangiti sila sa isa't isa na para bang masaya sila sa pagkikita nila.
"SINO 'TONG BABAE NA 'TO?!"
Napatakip si Domino sa mga tenga niya sa biglang pagtaas ng boses ko. Hindi na nga lang ata tumaas. Parang sumakay pa ng rocket ship ang boses ko sa sobrang layo ng nirating no'n.
"Si Rachele-"
"RACHELE?! SINONG RACHELE? BAKIT SILA MAGKAYAKAP? ANONG AKALA NIYA BAGAY SILA? MUKHA BANG SI ROSS SI PIERCE? BAKIT PARANG ANG SAYA NILA?!"
Alanganin ang ngiti sa mga labi na inagaw sa akin ni Domino ang cellphone bago nag aatubiling tinapik niya ako sa balikat. Nang makita niyang tumalim ang mga mata ko ay kaagad niyang inilayo ang kamay niya na para bang natatakot siyang bigla ko na lang siyang kalmutin.
"Sinong Ross?" tanong niya.
"Sa Friends! Si Ross at Rachel! Will you please focus? That's not the point!"
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Kaibigan siya ni Kuya. They dated a few times before ang kaso pumunta ng Canada si Rachele."
"Are they... is she-"
"I don't think so. She got married with her first love. But she's still good friends with Kuya Pierce. Mabait naman 'yan. She's harmless."
Domino's eyes shifted and he gave me a look. Umiling siya at pinakatitigan ako ng matagal na para bang may gusto siya sa aking iparating bago bumaba ang mga mata niya sa naka-hard bind ko na script na nakapatong sa dashboard. Kumibot ang mga labi ko bago nakahalukipkip na sumandal ako sa kinauupuan ko.
"Whatever. Not that I care. Hindi ko nga alam kung bakit nagsasayang ako ng oras ngayon para kitain ang ex niya. Sabay-sabay na lahat. I know he's your brother but please... I already have too much to handle right now."
"Akala ko kapag nakausap mo na si Tristan babalik na si Kuya bilang bodyguard mo?"
"It doesn't changed anything."
NAPAHINTO ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Domino at hinintay ko siyang buksan iyon. Pero bago niya magawa 'yon ay tumunog ang cellphone niya. Kunot ang noo na sinagot niya iyon at sa pagtataka ko ay napatingin siya sa akin.
"Sa baba? I'm with Belaya- fine." He looked at me and gave me a small smile. "Nasa baba si Kuya Thorn. Can you go inside first? Susunod na lang ako."
Alam kong kita niya ang pagtataka sa akin. Hindi niya ako hinihiwalayan kahit saan ako magpunta. But I know his condo is a safe place so I decided to just shrugged my shoulders. Kinuha ko sa kaniya ang key card at inswipe ko iyon sa slot sa panel sa pintuan at nang tumunog iyon ay pinindot ko ang security code.
I stepped inside the dark unit. Sinarado ko ang pintuan at hindi ko ininda ang dilim.
Kinapa ko ang pader para sana buksan ang ilaw pero nanigas ang buong katawan ko nang may maramdaman ako na presensiya sa likuran ko. Bumuka ang mga labi ko para sumigaw pero bago ko magawa iyon ay may kamay na sumaklit sa bewang ko habang ang isa ay tumakip sa bibig ko.
"Shhh."
Nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko pero sa pagkakataon na ito ay sa ibang rason. I felt him moved and I had no choice but to go with him. Dinala niya ako sa open kitchen ng lugar at nakita kong may inabot siya.
I looked down when I saw him started scribbling at the piece of paper on the counter.
"Act normal."
I freeze for a moment but I scrambled to find my footing again. "Fuck," I said and throw my bag at the center island. Ibinagsak ko rin doon ang script ko. "If I don't get a hot bath right now I'm going to kill someone."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at binuksan ko iyon. Pinindot ko ang pangalan ni Domino at hindi naman nagtagal ay sumagot siya.
"Idol?"
"Paakyat ka na ba?"
"Yes. May binigay lang sa akin si Kuya."
"Pagkain ba? Kung hindi can you order food for me? I'm hungry. I'm going to take a long bath. Hindi ako lalabas hanggang walang pagkain."
"Alright."
Tinignan ko ang lalaki na nasa harapan ko bago walang salita na binaba ko ang cellphone ko sa counter at pagkatapos ay tumalikod ako para maglakad papunta sa kuwarto na ginagamit ko. Dumiretso ako papunta sa banyo at ramdam kong nakasunod siya sa akin.
The moment that I was inside, I turned around to face him. I opened my mouth to speak but he just shook his head. Binuksan niya ang faucet ng bathtub dahilan para lumikha iyon ng ingay. Pagkatapos no'n ay lumapit siya sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko nang maglakbay sa katawan ko ang mga kamay niya. He's not touching my skin but rather his hands are roaming on my clothes as if he's trying to find something on them. When he didn't, his eyes returned to mine... his are heated with mixed emotions.
"What-"
He didn't give me a chance to speak when suddenly I found my back touching the cold bathroom wall... a contrast from the heat of his body pinning mine. He tangled his fingers through my hair as he pulled me close.
Sa sumunod na sandali ay natagpuan ko ang mga labi ko na sakop niya. Pakiramdam ko ay nanlambot ang lahat ng buto sa katawan ko. Napakapit ako sa balikat niya pero hindi para pigilan ang sarili kong mapadausdos sa sahig o itulak siya palayo. Sa halip ay mas lalo ko siyang hinila para mawala ang distansiya na natitira sa pagitan namin.
I answered his kiss with the same intensity he's giving me. A kiss with desperation and longing as if it's been too long... too painfully long.
He kissed me breathless and yet I didn't want him to stop. I didn't want it to end. I clung to him when he started to pull away and I felt his lips curved into a smile against mine. Nagniningning ang mga mata niya nang maghiwalay ang mga labi namin. He dipped his head down and he gave my lips a chase kiss... just a small peck... and as if he can't also get enough, he gave me another and another... and another.
"Are you done, Kitten?"
Was he asking about the kiss? Because I will never be over it. I want it again and again. "W-What?"
"With the space that you needed? Or does it need to be years?"
Pakiramdam ko ay hindi magawang maproseso ng utak ko ang sinasabi niya. Pierce's kisses always have that effect on me. "Years?"
"Because if it will take years we need to set a visitation day like this. I need to recharge by seeing you because I won't last too long without you."
Napalunok ako sa tinuran niya. His eyes went to my hands when he felt them clutch the shirt he's wearing in a way that I know is telling him that I also don't want him to go.
"Mireia used to tell me that I'm a munchkin and I always hate it."
He was confused at my train of thoughts but like always he didn't mind. Nanatiling nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ako.
"Munchkin and proud," I whispered.
"What?"
"Maliit ako kaya mabilis akong mag-recharge. I never wanted to stay away for too long. I was always sure of you. Hindi ko man iyong magawang aminin agad-agad sa sarili ko. But I know that I will always come back to you. I just needed to free myself... I needed to do it for us."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "I know."
"I don't want anything holding me back."
"I know, Kitten."
"Because I love you Pierce Dawson."
For a moment, he didn't say anything. He just keeps looking at me with his eyes that always sees me more than I want him to. But somehow... right now, he's not just seeing me. He's also showing me the things he tried to hide from me.
"I love you too, Belaya Lawrence."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top