Chapter 27: Cheese

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 27: CHEESE
BELAYA'S POV
"Pakipaliwanag nga kung bakit tayo ang gumagawa nito samantalang pwede mo naman 'tong ipagawa sa propesyonal?"
Napangiti ako sa naging tanong ni Trace. Nakasalampak kami kasama nina Lucienne at Lia sa malawak na sala ni Pierce kung saang kasalukuyan na nagkalat ang napakaraming papel. Kanina nandito rin si Axel kaso kinailangan niya ng bumalik sa Dagger. Pero malakas ang kutob ko tinakasan niya lang ang sangkaterba na pinapagupit ni Lucienne.
"Kasi nga limited freebies lang 'to. Ginagawa na talaga ang mga freebie para sa libro ko. Naisipan ko lang na magdagdag kasi nag-sale ng printer sa Shopee noong isang linggo at dumating kanina iyong binili ko." Nakangusong nilingon ni Lucienne ang printer niya na bitbit niya kanina at ngayon ay naka-plug sa isang tabi. "Papagalitan pa ako lalo ni Bossing Thorn kapag hindi ko ginamit. Nakatatlong delivery ako today."
Malapit na kasing i-release ang bagong libro ni Lucienne. Isa iyon sa on-going series niya. Mas lamang nga lang ang romance sa libro na ilalabas niya ngayon. She texted me this morning and she asked for help. Siya naman daw ang pupunta rito sa bahay ni Pierce. Pumayag naman ang lalaki kaya okay lang din sa akin.
"Sus. Magagalit ba naman sa iyo 'yon eh may maganda kang balita today?"
Halos sabay kaming napatingin ni Lia kay Trace lalo pa't kumembot-kembot siya sa kinauupuan niya habang si Lucienne naman ay parang gusto na siyang tirisin.
"Huwag mo ng ipaalala sa akin. Umiinit ang dugo ko sa'yo."
"Ano na namang ginawa ko?"
"Mali ka ng inorderan sa Shopee! Muntik pa tuloy masira ang surprise ko kay Thorn kasi hindi sabay na dumating ang order ko!"
"Buti nga nakahanap ako no'ng katulad sa gusto mong bilin. Dapat mag thank you ka sa akin."
"Thank you ka riyan! Pasalamat ka maayos 'yon. Wala man lang ata kahit isang review 'yung binilan mo!" Inambaan ni Lucienne ng suntok ang binata. "Huwag mo nga akong kausapin. Nanggigigil ako sa'yo."
Kinaway ni Lia ang mga kamay niya sa mukha ng dalawa. Napapagitnaan kasi nila ang babae. "Baka pwede niyo kaming isali sa usapan niyo. Anong nangyayari?"
Inirapan ni Lucienne si Trace bago siya bumaling kay Lia. "Nagpa-customize kasi ako ng hoodie para kay Cookie. Iyong may horn na katulad sa couple hoodie namin ni Thorn. Pinalagyan ko ng "I'm a unicorn and a big brother.". May isa pa akong order sa shop na iyon na crib ang kaso itong si Trace hindi sinabi sa akin na sold out na pala. Siya kasi ang nautusan ko na mag check-out kasi may ginagawa ako that time. Ayon, sa iba siya bumili. Ang nangyari tuloy hindi sabay dumating. Muntik pa maabutan ni Thorn iyong dinedeliver. Imagine finding out that we're having a baby again through the Shopee delivery guy?" Lalong sumama ang tingin niya kay Trace. "Kung nagkataon na mali ka ng binili ikaw talaga pagagamitin ko no'n."
Nabitawan ko ang hawak ko na gunting habang si Lia naman ay laglag ang panga habang nakatingin sa babae. Natigil sa paggugupit si Lucienne nang walang kahit na sino sa amin ni Lia ang nagsalita at kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin.
"Bakit?" takang tanong niya.
Napatakip sa tenga niya si Trace nang halos sabay kaming mapatayo ni Lia habang tumitili. Mabuti na lang at nasa kuwarto si Cookie at ang mga anak ni Lia at natutulog kundi baka na-trauma na ang tatlong iyon.
"What's going on here?"
Nakatayo sa pintuan ng bahay si Pierce habang nagtatakang nakatingin sa amin. For a moment, nakalimutan ko ang pinagsaluhan namin na halik kahapon at kung paanong iniiwasan ko siya kahit nasa iisang bahay lang kami. Lumapit ako sa kaniya at niyugyog ko ang braso niya sa sobrang excitement.
"She's pregnant again!"
Pierce's eyes widened and he turned to Gun who just entered the house. "Dude. Kapapanganak lang ni Lia. Are you insane?"
"What?" Tumingin ang lalaki sa asawa. "You're pregnant?"
Pinaikot ni Lia ang mga mata. "Hindi pa ako ganoong kamasokista. Belaya's talking about Lucienne."
Sabay na lumingon si Pierce at Gun kay Thorn na kasunod lang nila. Nakatutok ang mga mata ng panganay na Dawson sa cellphone niya at abala roon sa pagtipa. Nang mukhang matapos siya sa ginagawa ay nag-angat siya ng tingin sa mga kapatid.
"My wife's pregnant," Thorn said simply.
Gun and Pierce both went to him and clap him on his back. Bumalik ako sa puwesto ko kanina at umupo ako ulit sa sahig bago ko nginitian si Lucienne. "So it's a girl?"
"I think so." Nilagay niya ang hinlalaki at hintuturo niya sa baba niya habang nag-iisip. "I hope so. Kasi nakabili na ako ng princess crib. Sayang naman kung hindi magagamit."
"I'm going to shop for baby clothes later," I excitedly said. "Alam na ba ng iba?"
"Hindi pa-"
"Alam na nila. I texted them," sabi ni Thorn. "We should order food. Paniguradong dito susugod ang mga iyon mamaya."
"If there's a perfect cocktail or wine moment, this would be it." Nangingiting umiling si Lia. "Ang kaso hindi naman umiinom 'yang si Lucienne at kung sakali man eh hindi rin pwede kasi buntis. I'm breastfeeding too so I don't think I'm allowed."
"I could make a mocktail," I said to them. Nang mapatingin sila sa akin ay nagkibit-balikat ako. "I don't know how to cook but I'm good at mixing drinks. Malaki ang pamilya namin kaya kahit hindi ako palainom marunong ako. I can also make alcoholic ones for the others. Wala nga lang ditong ingredients."
"Si Trace ang bahalang bumili," sabi ni Lucienne.
Umangat ang isang kilay ni Trace. "Bakit ako?"
"Para mawala ka sandali sa paningin ko bago kita masikmuraan."
Napatawa kami ni Lia sa sinabi ni Lucienne. Bumubulong-bulong na tumayo si Trace at inismidan ang babae.
"Ang hirap talaga kapag may mga buntis sa paligid. Lagi na lang kagwapuhan ko ang napag-iinitan." Nilingon ako ng lalaki at napapabuntong-hininga na umiling. "Huwag kang tutulad sa kanila ha? Pahirapan mo ng ten years ang kapatid ko."
Pakiramdam ko biglang sumiklab ang apoy sa magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Bumuka ang mga labi ko para sumagot sa kaniya pero hindi ko magawang mahanap ang tamang sabihin. Hindi na rin kinailangan dahil may lumipad na isang throw pillow at sapul na sumapak iyon sa mukha niya.
"Anong-"
"Lumayas ka na," utos ni Pierce na siyang pinanggalingan ng unan na tumama sa nakababatang Dawson. "Umiinit ang ulo ko sa'yo."
"Grabe kayo sa akin. Kapag ako nagkaro'n ng love life, who you kayong lahat sa akin."
"Baka eighteen na si Cookie hindi pa nangyayari 'yan," sabi ni Lucienne.
Pinaningkitan ni Trace ng mga mata ang babae bago nakaismid na naglakad na siya palabas ng bahay. Sumunod sa kaniya ang tatlo niya pang mga kapatid na kanina ay nakatambay lang sa labas bago nabulabog sa ingay namin. Lumingon pa si Trace bago tuluyang makalayo at sabay-sabay kaming kumaway nila Lucienne dahilan para lalo siyang bumusangot.
He's always been the focus of his brothers and sister-in-laws' teasing. Pero sigurado akong kapag nagkaro'n nga siya ng love life at nagkataon na nasaktan siya, hindi lang isa ang susugod sa babaeng iyon kundi ang buong pamilya niya.
"So..."
I turned my eyes to Lucienne and I saw that she's looking at me. "What?"
"Enough about me. Hindi na big deal na buntis ako dahil expected na iyon sa napakarami naming..." Humagikhik ang babae na parang kinikiliti. "Research moments."
Namula ang mukha ko samantalang si Lia ay sunod-sunod na napailing at ipinagpatuloy na lang ang paggugupit.
"Okay?" patanong kong sabi.
"Ano ng ganap pagkatapos ng drama niyo kahapon sa bazaar? Busy ako kaninang umaga pero hindi sobrang busy na hindi ko nakita ang kumalat niyong pictures."
I know what pictures she's talking about. Pinadala rin iyon sa akin ni Sebastian kaninang umaga. Mukhang sa kabila ng malakas na buhos ng ulan kahapon ay hindi pa rin talaga pinalampas ang pagkakataon na makuhanan kami ni Pierce ng litrato. The pictures are grainy because they were taken from a distance and our faces are not that clear but our posture in the images couldn't be mistaken; we were kissing.
"N-Nag usap lang kami."
"Ahuh," hindi naniniwalang sabi ni Lucienne. "Sa gitna ng ulan?"
"Naabutan lang. Mainit din kaya inenjoy ko muna iyong ulan tapos may binulong lang ako sa kaniya."
"Malamig sa Tagaytay. Saka may bumubulong ba na sa labi nakatapat at hindi sa tenga?" Lia swallowed her laugh while the red on my cheeks deepened. I opened my mouth to speak but Lucienne just shook her head. "Huli ka na pero don't worry hindi naman kulong. Nagtatanong lang ako para may ma-outline na ko."
"Outline?"
Itinaas niya ang isa sa bookmark mula sa pile ng ginupit namin. "The title of my book is Unwritten. Kasi writer ang bida." Tinuro niya ang sarili. "I'm a writer."
Nanlaki ang mga mata ko. "True story 'to?"
"Inspired lang. Siyempre may mga exaggerated na part at may iba na ginawa kong wholesome kasi baka sabihin masyado akong manyak." Inginuso niya ang direksyon ni Lia. "Siya ang second book. Nag-iisip pa ako ng title pero parang gusto ko Unstrung. Para connected sa music."
"Looks like you'll be the third book," Lia noted with a smile.
"Aba. On-going na ang harutan nila ni Pierce. Alangan namang maunahan pa sila ni Trace?"
Lia pursed her lips as if thinking. "Ano kayang title kapag si Trace?"
"Anpanget."
Despite the current topic, I can't help the laugh that burst out of me because of her answer. Iyon nga lang mukhang naging dahilan iyon para bumaling sa akin ang atensyon nila.
"Lucienne may kilala akong gumagawa ng designer onesies. I can get you a couple of them," mabilis na sabi ko para mailigaw ko ang direksyon ng usapan namin.
"Really? Libre mo?"
I gave myself an imaginary tap on the shoulder. Nice one, Belaya. "Oo naman."
SUMIKSIK ako kay Lucienne na tinapik-tapik nang mahina ang ulo ko na para bang alaga niya akong hayop na naglalambing sa kaniya. Siya ang pinakamalapit sa akin kaya siya ang kanina ko pa sinasandalan.
"Now I know why Pierce calls you kitten," she said as she pat my head more. "Ang cute cute."
Sumimsim si Lia sa hawak niya na mocktail. "I think it's more of when she's angry than right now that she's all cuddly."
"I'm not cuddly. I'm drunk." Bahagyang nilingon ko si Lucienne. "Ikaw ang may kasalanan."
"Bakit ako?"
"Lagi mong natutumba iyong tower," sagot ni Domino para sa akin. Nakasandal ang mukha niya sa kamay niyang nakatukod sa lamesa. Not because he's bored or something but because he's as drunk as me.
We're playing Drunken Jenga. It's a tower of blocks kung saan kailangan isa-isa kaming kumuha roon na hindi nababagsak ang tower. May twist nga lang. Bawat blocks may mga nakasulat. Sa kamalas-malasan laging drink two or drink one ang nakukuha ko. Buti pa si Axel at Coal nakakakuha ng free pass.
Dahil hindi pwedeng uminom si Lia at Lucienne ay kami ni Domino ang malalakas ang loob na nagpresinta na iinom para sa kanila. Madaya raw kung mocktail lang ang nakataya para sa dalawa. Iyon nga lang kung anong ingat ni Lucienne sa laptop niya at si Lia sa gitara niya ay ganoon naman kabigat ang kamay nila sa paglalaro ng Jenga dahil ilang beses na nilang nababagsak iyon.
"Dapat talaga kaila Kuya na lang ako sumama," angal ni Trace na nakasandal ang pisngi sa lamesa. Nasa opisina kasi ng bahay sina Thorn, Gun, at Pierce.
"Ang liit lang naman ng shot glass. Lasing na kayo?" tanong ni Lucienne.
"Hiningahan ng demonyo ata 'yung cocktail mix ni idol." Nag peace sign si Domino. "No offense meant. Masarap naman pero parang sa impyerno ang gising natin bukas."
"None taken."
"Hindi pa kayo pwedeng malasing," sabi ni Axel na may hawak na isang pint ng ice cream. Nandadaya ata itong isang 'to. Kaya hindi nalalasing kain lang nang kain. "Wala pa si Luna. Lasenggero iyon no'ng past life niya."
"That's true."
"Hindi ka pa naman lasing," sabi ko kay Coal na siyang huling nagsalita. Siya ang pangatlo sa amin na may pinakamaraming nainom.
Tumawa si Lucienne. "Lasing na 'yan. Pakinggan mong mabuti." Kinaway niya ang kamay niya sa direksyon ni Coal. "Anong tagalog ng umaapoy?"
"Umm... what?"
"Umaapoy."
"I don't know what that is. I don't speak Tagalog."
Napabunghalit ako ng tawa pero pinatigil ko rin ang sarili ko nang parang may biglang kumatok sa ulo ko. Paano ba naman kasi ay British accent pa ang paraan ng pagkakasabi niya no'n na hindi ko lang masyadong napansin kanina.
"Si Axel ang 'wag niyong lasingin. Mamaya mag-aya pa 'yan sa simbahan."
"Simbahan?"
Ngumisi si Lucienne sa naging tanong ko. "Para ipagdasal ang first love niya."
Namula ang mukha ni Axel na sa pagtataka ko ay napatingin sa akin. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Luna. Hawak niya sa kamay si Arctic na kaagad lumiwanag ang mga mata nang makita ako.
Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Luna at patakbong lumapit siya sa akin.
"Tita!"
Pinilit kong iangat ang sarili ko kahit pakiramdam ko doble na ang nakikita ko na bata sa harapan ko. As long as he won't ask me for a high five, I'll be okay. Kasi hindi ako sure kung kanino ako sa kanila makikipag-apir.
"Hello to the cutest baby of all," I said to him as a greeting.
Hinagis ni Arctic ang sarili niya sa akin. Good. At least hindi ko kailangang mamili sa kanila ng dalawang Arctic na nakikita ko. Pinalibot ko ang braso ko sa kaniya at nanggigigil na niyakap ko siya ng mahigpit.
"Tita your cheets are red."
"Ano raw?" tanong ni Domino.
"My cheeks?" Hindi ko alam kung bakit pero kahit lango sa alak ang utak ko ay naiintindihan ko pa rin siya. "Oh. It's nothing."
"Masatit po?"
May tumawag sa pangalan ni Arctic bago ko pa siya masagot. Kumawala na siya sa akin para tumayo nang maayos. I looked up and I saw Pierce standing in front of us.
"Daddy, Tita Star's cheets are ouchie. Chiss mo po."
Tita Star daw. I like that nickname. Maybe he got it from me being a movie star- wait. Anong sabi niya? Chiss daw? "Wait wait. What? Kiss?"
Arctic blinked at me with a confuse look on his face. "When I have an ouchie Daddy always chiss it to make it go away. Daddy need to chiss your ouchie too."
"H-Hindi naman masakit. Lasing-"
Napapitlag si Arctic nang bigla na lang magsigawan ang mga tao sa paligid ko sa pangunguna ni Lucienne habang ako naman ay abala na pagkabit-kabitin ang mga nagkapiraso kong pagkatao nang bigla na lang dumukwang si Pierce at idinampi ang malambot niyang mga labi sa pisngi ko.
"Iyong isa pa po Daddy," sabi ni Arctic.
"Oh my God. Si Arc pa ata ang presidente ng fans club ng dalawang 'to!" kinikilig na tili ni Lucienne.
Pakiramdam ko nakarating na sa buwan ang kaluluwa ko nang nagniningning ang mga mata na dinampian ng halik ni Pierce ang kabila kong pisngi.
Kinikilig na binato ni Trace ng unan si Axel na sinalag lang iyon. "Grabe. Iba na ang in love!"
"Hindi pa ako in love," pagtatama ni Pierce.
"At kailan matatanggal ang "pa" sa sentence na 'yan?"
Pigil ko ang hininga ko habang nananatiling nasa akin ang mga mata ni Pierce. Naglalakbay iyon sa mukha ko na para bang gusto niyang kabisaduhin ang bawat parte niyon. His eyes are devouring every bit of me as if he can't get enough.
"Kapag napasagot ko na."
"Nanliligaw ka na?"
"Hindi pa." I nearly choke when he winked at me. "Kapag napapayag ko na."
"Nakakaamoy na ako ng wedding bells. Kaya lang civil wedding lang ang gusto ni Pierce," narinig kong sabi ni Lia. "Ang dami raw kasing arte sa kasal."
Nawala sandali ang pagkalasing ko at napadiretso ako ng upo. Halos maging iisa ang kilay ko sa tindi ng pagkakasalubong ng mga iyon. "Civil wedding?! Alam mo ba kung gaano kalaki ang pamilya ko? And I was a model for a top of the line wedding dresses. Paano ako magsusuot ng wedding dress sa courthouse?!"
"Do we need to make this a problem right now?" natatawang tanong ni Pierce.
"It's a big issue!"
"We can talk about it later."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Later?!"
"Kapag natanggal na ang "pa" sa sinabi ko kanina kasi nakuha ko na ang isa pang "pa" mula sa'yo."
"Anong pa?"
"Pagmamahal."
Isinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko nang mapuno na naman ng kantiyawan ang paligid.
"Grabe! Hanep sa mga banat! Tinalo pa ang kalandian ni Coal!" narinig kong hiyaw ni Lucienne.
"Kanino ba sa tingin mo natuto 'yan? Malamang kay Kuya," sabi ni Trace.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong may tumapik-tapik ng mahina sa ulo ko. Arctic's cute face greeted me.
"Ouchie pa, Tita? Chiss ulit ni Daddy? Di pa po good 'yung unang chiss?"
"Everything is good with cheese," humahagikhik na sabi ni Lucienne na niliteral ang pronunciation ni Arctic.
Napatawa si Lia. "Huwag niyong ipaparinig kay Gun 'yan."
"Bakit?"
Kumindat siya, "Next time ko na ikukuwento. R18."
Tanda na lasing na talaga ako, naligaw ang utak ko sa sinabi niya. I mean I heard about whipped cream and chocolates being used for... that.
"Cheese?" tanong ko.
"We tried that too. Pero sa bacon muna kami nagsimula," namumulang sabi niya.
Napanganga kami ni Lucienne sa sinabi ng babae. She looks like a dainty queen but I have a feeling that she and his husband can really live with up with the couple name that the Dawsons' gave them; dragon couple.
Kami kaya?
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay napatingin ako kay Pierce. Hindi na lang ako sa buwan nakarating kundi sa Mars nang makita kong nakatingin na rin pala siya akin. There's something in his eyes that are telling me that he knows what I'm thinking about.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top