Chapter 26: Rain

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 26: RAIN

BELAYA'S POV

Napatingin ako sa kanan ko nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Pierce. I must have been standing there absentmindedly dahil hindi ko pa mapapansin ang presensiya niya kung hindi pa siya tumayo sa tabi ko.

Tumingin siya sa kalendaryo na tinitignan ko. "May lakad ka?"

Umiling ako at binigyan ko siya ng maliit na ngiti. I looked pointedly at the coffee mug he's holding. "Is that for me?"

Imbis na sagutin ako ay inabot niya na lang sa akin iyon. Halos sabay kaming nagising ngayong araw na ito pero nauna siyang bumangon dahil may tumawag sa kaniya. Base na rin sa naririnig ko na paminsan-minsan na pagtaas ng boses niya ay mukhang hindi naging maganda ang pag-uusap na iyon.

"Problem at work?" tanong ko pagkaupo ko sa sofa.

"No."

"Your ex then?"

Nakumpirma ko ang sagot sa tanong ko nang bumubuntong-hininga na may kinuha siya sa storage cabinet malapit sa kusina at may kinuha roon na dalawang maliit na box. Kinuha niya pagkatapos ang dalawang lamp sa sala at inilagay iyon sa coffee table bago siya umupo.

"She wanted to take Arctic since I'm not even with him right now."

"Can she do that?"

"Kapag pinayagan ko." Nag-angat siya ng tingin sa akin sandali bago niya pinagpatuloy ang pagpapalit ng bumbilya ng lamp na nasa harapan niya. "I told her no. This is not the first time that Arctic is staying with Luna because of my job. It won't be the last. She's just being difficult."

"It's because of me isn't it?" He didn't answer me but his silence is enough. Ibinaba ko ang tasa na hawak ko sa lamesa. "Pierce, maybe we should-"

"No."

"But-"

"No."

"Pierce-"

"No."

He could be really infuriating if he wanted to. "Pierce Dawson!" Imbis na seryosohin ako ay umangat lang ang sulok ng labi niya na parang kinaaaliw niya pa ang pagkairita ko. "Stop cutting me off!"

"I will if you stop being stubborn."

I crossed my arms in front of my chest. "I'm not stubborn."

"Right."

"Hindi nga sabi."

"Kitten, you're the most stubborn person I ever met. That's saying something since I have seven siblings and a son."

"At ex-girlfriend na gusto kang pahirapan at ang anak mo dahil nandito ako sa bahay mo."

"Charlotte is not stubborn. She's being a nightmare which I'm used to. It's a penance that I needed to take for being stupid." Nang bumuka ang mga labi ko ay umiling siya dahilan para nakangusong hinayaan ko siyang magsalita. "I dated her. We were exclusive because I don't share. Respect and loyalty in a relationship is important to me. She was funny, she's pretty, and yes at that time the sex was one of the reason why I wanted to be with her in the first place. What I didn't do is promise her forever and marriage and she knows that. It could have happen in the future if we lasted longer. Pero masyado pa kaming maaga sa relasyon na meron kami noon at pinakita niya na rin sa akin ang totoong siya. Charlotte wanted one thing and that is money. So she lied to me and got herself pregnant."

"She stopped using pills?" I asked.

"And she poked holes on my condoms."

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa sinabi niya. I mean... sinong matinong tao ang gagawa no'n?

"I recognized her play too late. It was stupid of me to be with her but it will be more stupid if I give her what she wanted. Kaya sinabi ko sa kaniyang pananagutan ko ang bata pero hindi ko siya pakakasalan. She threatened to abort the baby and I made it clear what will happen to her if she does that. It's her body and her choice, I know that. But I don't want it to be because she didn't got what she wanted from me. Anyway, she found someone richer than me and she almost succeeded on aborting Arctic. When she lost that man of course she turned to me and made my life a living hell when I keep on refusing on giving her what she's asking for. Kapag nalaman niyang may babae sa buhay ko ay nakakagawa siya ng paraan para guluhin ang taong iyon. She's been doing that for years. I'm not going to let her keep doing that specially not to you."

Nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya. Kahit noon pa naman ay alam ko na ang klase ng bagahe na meron siya. One look at his ex and I know that his life is not all bliss and confetti.

"You're not stupid," I said.

"You're the first one to tell me that."

"You're not stupid. You trusted a person who did you wrong. Bakit ikaw ang mali at bakit ikaw ang tanga? You didn't ask her to marry you when you dated. You didn't gave her empty promises. You were just dating. Consent doesn't just exist for women. You both used contraceptives and she made sure it wouldn't work. If Arctic was an accident, I'm pretty sure that you'll have a wedding band on your finger right now. But she was trapping you. You're not stupid, she is."

"Kitten..."

Nagkakandahaba ang nguso na tumayo ako at nameywang ako. "Nagbago na ang isip ko. You're right. Ako man o ibang babae sa buhay mo, papahirapan ka pa rin niya. I'm not going to give her that satisfaction. Clearly, the other women that came into your life yielded because of that gold digger bitch, excuse my french. It will be my honor to give her a taste of her own medicine while I'm still your client."

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mawala ang ngiti niya. Tumayo siya at ibinalik niya na ang dalawang lamp na natapos na niyang kabitan ng bumbilya sa patungan ng mga iyon bago siya humarap sa akin.

"My client?"

"Yup."

"You're Belaya Lawrence."

"Uhh... yeah?" nag-aalangan na sagot ko. Bakit pakiramdam ko may mali akong nasabi?

"You're a beautiful, hot, and sexy actress with a big big big heart."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang press release ko na iyon. "Your point exactly?"

"You're also my kitten."

Naumid ang dila ko hindi lang dahil sa sinabi niya kundi sa pagtawid niya ng distansiya sa pagitan namin. Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay humakbang ako paatras. His eyes glinted with something close to mischief as he took another step closer to me.

"You're my kitten when you're being stubborn and cute which is a lot since you are that most of the time. You're my baby when you're being scared and fragile. You're not just a client and you should know that by now."

"Umm..."

"You teased me a lot and you pushed and pushed until you get what you want. You stood up for my son, you held your ground in front of my ex, you always give me that smile that you never stop giving even if you're breaking from the things you won't talk about, you bounce back from pain so easily that it worries me a lot, you wake up scared but you sleep without worry when you're in my arms, and you see me in a way that no one ever did. Whatever you're doing before stopped working a long time ago because it already taken root. Now what I want to know is what are you going to do with that?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Naglakbay ang mga mata niya sa mukha ko habang ang ningning sa mga mata niya ay hindi pa rin nawawala. Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko nang dahan-dahan na bumaba ang mukha niya hanggang ilang dangkal na lang ang layo no'n sa akin. I can feel his hot breath fanning my face and his lips... his lips are so close to mine.

Lagi ko siyang tinitignan pero ngayon ko pa lang ata nagawang matitigan ang mga labi niya ng gantong kalapit. They're naturally pink and his bottom lip is plumper than the other. Parang ang sarap halikan.

"Uhh... Pierce parang masyado ka atang masarap- I mean malapit." Kaagad nag-init ang magkabila kong pisngi nang lumawak ang ngiti sa mga labi niya. "Masyado kang malapit sa akin."

"Does it bother you?"

"H-Ha? Hindi... hindi naman."

Kinagat niya ang ibabang labi niya saglit dahilan para mapatingin na naman ako sa mga labi niya. Ano bang nangyayari? Bakit pakiramdam ko nawala ang utak ko?

"So..." Nag-aalangan na ngumiti ako. "Ano nga ulit iyong sinasabi mo kanina?"

"Ahh. That."

That 'ahh' should be illegal. The flash of images in my head should be considered as harassment and I should be put in jail.

"Wala naman," sabi niya.

"Okay-"

"Gusto ko lang malaman kung kailan mo ako balak panagutan."

NAPAPITLAG ako nang maramdaman ko ang mahinang pagkalabit ng kung sino sa braso ko. Nag-angat ako ng tingin mula sa mga gamit sa harapan ko na inaayos ko. Nalingunan ko si Lucienne na nakangiting kumaway pa sa akin kahit nasa tabi ko lang naman siya.

"Nag-away ba kayo?"

"Ha?"

Nginuso niya ang direksyon na iniiwasan ko kanina pa. Direksyon kung saan alam kong nandoon sila Pierce.

"H-Hindi."

"Mula kasi nang dumating kayo ang layo niyo sa isa't isa. But Pierce looks happy which is a bit disturbing because he's just one down to being grumpy with Gun in number one and you look like you wanted to run or punch someone."

Nagkulong lang ako buong maghapon sa bahay ni Pierce pagkatapos ng "panagutan" speech niya. Napilitan nga lang ako lumabas dahil may pupuntahan daw kami para sa Dagger. Turns out they joined a food bazaar for charity. May booth ang Dagger kung saan tinitinda nila ang mga pagkain na walang duda na si Lia ang gumawa lahat.

"Hindi kami magkaaway."

"Binabalik niya na ba sa'yo ang panghaharot mo noon sa kaniya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I teased Pierce a lot and now he's doing exactly that to me. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kasi pakiramdam ko nayanig ang buong pagkatao ko.

Ngumisi si Lucienne sa naging reaksyon ko. "Masungit lang kasi ang taong 'yan pero may nakatagong kaharutan iyan na lumalabas lang kapag lasing siya o kaya ikaw ang kaharap."

"Gun said Pierce can almost beat Coal with the numbers of girlfriends that he had. He's different now since he has a son," sabi ni Lia pagkatapos maibigay sa bumibili ang naka paper bag na pagkain.

"At ikaw ba naman na magkaroon ng ex na katulad ni Charlotte salot," dugtong ni Lucienne.

"The point is, there's a pent up flirt inside him."

"And you poked it and now it's awake." Ginalaw-galaw ni Lucienne ang kilay niya sa direksyon ko. "It's fun when you're the only one doing the teasing. Ngayon na ginagawa niya rin iyon pabalik sa iyo eh hindi mo na alam ang gagawin mo."

"I mean you like him. This should be great right?"

Hindi ko magawang makasagot. Lia's right. It should be great. I wanted Pierce to notice me. I like seeing him and being with him. I dated a lot of people and I like the companionship but in the end they're all assholes. With Pierce I know that he won't do what the others did to me. He said it himself. Importante sa kaniya ang respeto at loyalty.

So why does it feel like a part of me is telling me to run while the other part doesn't want a day to go by without him in it?

"Ikaw din pwede ba? One date?"

Halos sabay-sabay na napatingin kami nila Lia sa pinanggalingan ng boses. May dalawa na babae ang nasa harapan ngayon nila Pierce, Trace, at Axel. Hindi ko alam kung nasaan si Coal pero sina Domino, Gun, at Thorn ay nasa headquarters. Tinulungan lang talaga nila sila Lia na dalin ang mga pagkain at i-set up ang booth pero bumalik din sila sa opisina dahil may mga naiwan pa silang trabaho.

"Hindi na pwede 'yan," nakangising sabi ni Trace. Inakbayan niya si Axel na namumulang may inaayos sa kaha ng mga pera sa harapan niya. "Ito na lang si Kuya Axel."

"Taken na ako," mabilis na sabi ni Axel.

"Nino?"

"Basta."

Humalukipkip si Trace. "Iyong first love mo na naman ba? Huwag ka kasing naniniwala na first love never dies. Matagal ng patay ang pag-iibigan niyo- aray!"

Basta na lang itinapal ni Axel ang bente pesos sa noo ng kapatid niya. "Maghanap ka ng kausap mo."

Pagkasabi niyon ay bumubulong-bulong na naglakad palapit sa amin si Axel at mukhang masama na ang mood na basta na lang umabot ng isa sa garlic fried chicken na nakahain sa harapan namin. Mukhang okay lang naman kay Lia iyon na tinapik-tapik pa siya sa balikat.

"Babayaran ko 'to mamaya Lia."

"It's okay, Axel."

"This is for charity. Baka malugi ka pa."

"Kumain ka lang nang kumain," sabi naman ni Lucienne na inabutan pa ang lalaki ng plato. "Si Trace ang pagbabayarin namin niyan."

"Hindi ka talaga puwede?" We all turned to the women talking to Trace and Pierce again. Ang nagsalitang babae ay nakatingin kay Pierce. "May girlfriend ka na?"

"Wala pa," sagot ni Pierce.

"Wala pa naman pala."

Tumango-tango ang lalaki. "Ayaw pa kasi akong panagutan."

"Panagutan ang alin?"

"Ang feelings ko."

I can feel the three people beside me turned their eyes on my direction.

"That's too bad." Nilabas ng babae ang wallet niya at may inilabas doon na card. Inilagay niya iyon sa bulsa ng suot na t-shirt ni Pierce. "If you're done waiting for someone that won't return your feelings, you can give me a call."

"Sure."

Sure? Did he just say "sure"?

Binitawan ko ang mga plastic spoon na hawak ko bago ko pa mabali ang mga iyon bago malalaki ang mga hakbang na naglakad ako sa kinaroroonan ng mga lalaki. Trace saw me first and his eyes widened. Umatras siya dahilan para mag-angat ng mukha si Pierce at mapatingin sa akin.

Walang salitang kinuha ko ang card sa bulsa ng damit niya at nanggigigil na pinira-piraso ko iyon na tatalunin ang pinakamahusay na paper shredder na nag e-exist sa buong mundo bago walang salitang tinalukuran ko siya.

Naglakad ako palayo sa mga booth bago ko pa maisipang silaban ang babaeng kausap ni Pierce kanina. As if on cue, a loud boom thundered above me as if the heavens is sympathizing with my anger. Iyon nga lang nasundan iyon nang malalaking patak ng ulan.

Kuyom ang mga kamay na mariing pinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang lamig ng tubig sa katawan ko at nanggigigil na basta ko na lang itinapon kung saan ang mask na suot ko. Imbis na bumalik sa pinanggalingan ay nagpasiya na lang akong magpatuloy sa paglalakad. Basa na rin naman ako.

"Belaya!"

Sure? That's all he's going to say?

"Kitten, it's raining!"

It's moments like this that I really hate that I'm small. Dahil hindi na nakakapagtakang naabutan ako ni Pierce na di hamak mas malalaki ang biyas kesa sa akin. Pinigilan niya ako sa braso at hinarap niya ako sa kaniya. Pinagmasdan niya sandali ang mukha ko. "You're angry."

"I'm not."

"You are."

"Hindi nga sabi!"

Bumuntong-hininga siya. "Let's go. Baka magkasakit ka pa."

"Eh ano naman? Ano naman kung magkasakit ako? May pa sure sure ka pang nalalaman. Eh di pumunta ka na lang sa kaniya! May balak ka naman palang tawagan siya!"

"I said that so that she'll leave me alone faster."

"Ewan ko sa'yo! Hindi kita kilala!"

Tinalukuran ko siya ulit at nagmamadaling naglakad ako pero pinigilan niya lang ako ulit. Nagpupuyos sa galit na hinarap ko siya. "Leave me alone-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sa isang iglap ay sakop na niya ang mga labi ko. His lips are soft like I dream them to be but his kiss was rough, fervent, claiming... so intoxicating that the last thing I wanted to do is come up for air.

I can feel the rain soaking us to the skin and yet it done nothing except stripped us from all the pretense and made us throw away all inhibitions. Right at that moment, there's only the two of us interlock in our own universe.

With his kiss and his arms around me it wasn't hard to feel warm in the cold rain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top