Chapter 22: Easy
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 22: EASY
BELAYA'S POV
"Idol, sa bahay na raw ni Luna tayo magkikita nila Kuya."
Nahugot pabalik sa realidad ang naglalakbay ko na utak at nilingon ko si Domino na siyang nagsalita. Siya ang kasama ko sa Manila para sa meeting na kailangan kong puntahan. Kasama kasi ni Pierce ang anak niya.
Arctic arrived in the Philippines last night. Dahil gabi na ay hindi na sila nagkita at nag-stay muna ang bata sa nanay niya. Kaninang umaga naman ay kinuha niya si Arctic kaya hindi niya na ako nasamahan dahil maghapon din ang schedule ko. Isang buwan niyang hindi nakita ang anak niya kaya ako na rin ang nagsabi sa kaniya na iba na lang ang ipasama niya sa akin.
Arctic is staying with Luna for the mean time habang nasa poder pa ako ni Pierce. Unless they can set up another Blade Point with Pierce and me, Arctic needed to stay with his aunt.
Domino explained it to me while we were on the long drive back here in Cavite. Sa haba ng traffic ang dami na niyang nakuwento sa akin. I think it's more of the fact that I know that he can feel that my energy is really low. Hindi niya ako pinuwersa na makipag-usap sa kaniya at sa halip ay pinunan niya ang katahimikan ng byahe.
Sa Dagger daw ay may tatlong klasipikasyon. It's like imagining a real dagger. There's a spine, a blade, and a bolster which is the handle. All of them comes down to the point or the tip of the dagger.
Dagger's Spine Points are the ones that are handling investigative research and security control. Blade Points are those who are designated to field investigation and client security. Bolsters are trainees from both departments.
Pierce is a Blade Point and he was assigned to me. Ang pokus niya ay ang pangalagaan ako. If his son will stay with us he need to have another BP with us because he can't divide his time on guarding us both and it will also be pretty risky. To avoid the risk, every time Pierce has a case ay kay Luna niya iniiwan muna si Arctic.
"Doon ba tayo kakain? Nando'n si Lia?"
Napangisi si Domino sa sunod-sunod kong tanong at kaagad akong pinamulahan ng mukha. Para kasing mas excited pa ako na makita si Lia kesa sa totoong panauhing pandangal namin sa gabi na ito. What can I do? I can even give up eating at my top favorite restaurants just to eat Lia's food.
"Baka do'n na. Nando'n na rin daw sila Kuya Gun eh."
"Ano bang balak ngayong gabi? Dinner party lang?"
"Lucienne wanted it to be a surprise. Alam mo naman iyon ang daming trip. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang tayong pasakayin no'n sa zipline para i-challenge tayo bago makakain ng handa niya."
It's Lucienne's birthday today. Ang instruction niya lang ay magkita kaming lahat ngayong gabi so I thought we'll probably have dinner. Hindi naman kasi siya iyong klase ng tao na mahilig sa party kung saan kinakailangan niyang mag-imbita ng maraming tao.
Since I'm not sure if we're all going out to eat or we're staying at their home for dinner, I opted for a semi-casual look. I have a black high-collar crop sweater with a black tank top terno and a dust pink paperbag slacks which I partnered with my black Prada.
Napatingin ako sa labas ng kotse nang maramdaman ko ang paghinto no'n. I saw Domino's siblings outside Luna's house with Lucienne and Lia. They look like they're having coffee at the porch. Kaagad kong nakita si Pierce na nasa direksyon na namin ang atensyon.
"Before my brother comes here, I need to ask you. Do you want to join us tonight o gusto mong magpahinga na lang? I can help you make an excuse so that one of us can take you home."
I turned my heard towards Domino at what he said. He's the youngest male Dawson and usually he's just going with the flow of his brothers' antics. But one full day with him, I can see that he's insightful more than he lets on and he's also straightforward. He's sweet too.
"I'm okay, Domino, probably just tired. I'll bounce back. It's not a hardship kapag nasa paligid naman kayo," may maliit na ngiti sa mga labi na sabi ko.
I'm not lying. It's not hard to laugh or smile when they're around. Lalo na kapag magkasama si Trace at Lucienne na minsan ay parang mas magkapatid pa kesa sa iba dahil halos iisa ang trip nila pagdating sa kalokokan.
"Sure?"
"I'm sure," I answered.
"Good. Kasi nandiyan na si Kuya."
Pagkasabi niya no'n ay bumukas ang pintuan sa gilid ko at nakatayo na si Pierce sa labas no'n. Mabilis na inalis ko ang seatbelt ko at bababa na sana ako pero humarang sa daraanan ko ang lalaki.
"Tell me you're tired and you can't attend Lucienne's birthday party."
Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi ni Pierce. Narinig kong tumatawa na lumabas si Domino ng sasakyan at pumunta sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga kapatid.
"What? Why?" I asked.
"Lia's twins are with Damian and his fiancée. They also took Cookie so Lucienne won't need to hire a nanny for the day."
"The babies' babysitter is the president's son?"
"They will probably be the safest person on this country right now aside from the president."
Wow. Those babies are probably having the best time of their baby lives. Damian can hire a dozen nanny in a minute and those three will be pampered to the max. Maybe Cookie is even swimming in a pool of cookies right now.
"Pero bakit ayaw mo akong umattend ng dinner party ni Lucienne?" nagtatakang tanong ko.
"Because we won't be having a dinner party. We're going to a haunted village that was set up in Silang, Cavite, a week ago. Pinaghanda na niya ng wrapped sandwiches si Lia kaya sa biyahe o doon na mismo tayo kakain."
My lips parted at what he said. I saw how his eyes drop to them pero hindi ko na magawang pagtuunan iyon ng pansin dahil abala na ang utak ko sa pag-isip kung sinong tao ang gugustuhin na mag celebrate ng birthday sa isang haunted house. Haunted village pa nga.
"Should we go home then?" he asked.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You don't want to go? Natatakot ka?"
He stared at me for a moment with an incredulous look on his face. Ipininid ko pasara ang labi ko para mapigilan na mapangiti. He look so offended by my question.
"No," he said, straight-faced.
Inangat ko ang dalawa kong kamay. "Alright. I'm just asking." Nilingon ko ang kinaroroonan nila Lucienne at nakita kong nakangiting kumakaway siya sa direksyon ko. "I don't think we can escape. Lucienne looks like she's looking forward to her celebration."
"Of course she is. She's Lucienne. She's the kind of person that will laugh while watching a horror movie habang ang iba ay gusto ng tumayo para umalis."
I could actually visualize that. Nag-angat ako ng mukha kay Pierce at pagkatapos ay ibinaba ko ang mga paa ko sa lupa. His eyes dropped to my heels for a moment before he looked at me again. "You can't wear that."
Umangat ang isa kong kilay. "Bakit?"
"We're going to a haunted village."
"Sanay naman akong mag heels. Kahit patakbuhin mo pa ako."
Imbis na sumagot ay ibinaba niya ang isang paper bag na hindi ko napansin na dala niya pala. Nilabas niya ro'n ang isang kulay pink na canvas sneakers na may maliliit na pusa na design.
"Oh my God," I whispered. "That's so cute!"
For the first time, Pierce suddenly looks like a shy boy that can't even meet my eyes. His left hand is on his nape while the other is holding the shoes.
"It's just a local brand. Namasyal kami kanina ni Arctic at nakita namin. Lucienne already told us about her plans so I thought of buying you one para may magamit ka."
"You thought of me?"
"Of buying you shoes," he clarified.
Same thing. Mabilis na hinubad ko kaliwang sapatos ko pero bago ko pa iyon mababa ay napigilan na ako ni Pierce. Bahagya siyang yumuko at sa pagkakataon na ito ay ako naman ang nakaramdam ng hiya nang makita kong isinuot niya sa akin ang hawak niya na sapatos. Siya na rin ang nag-alis ng isa pa na suot ko.
I can feel the heat on both my cheeks as I watch him tie the shoelaces. I could tell him that I can do it myself dahil hindi naman na ako bata pero ewan ko ba... gusto ko lang siyang panoorin. Parang ang sarap kasing maging baby niya.
"You're good," he said after straightening up.
Tinulungan niya akong makatayo at pagkatapos ay may inilabas pa siya sa paper bag. One is a black face mask and the other is a black cap... with cat ears on them.
"Do you have a cat fetish that I don't know about?"
Pinigilan kong mapangiti nang makita kong sa pagkakataon na ito ay namula ang mukha niya sa naging tanong ko. This is what I want. The two of us... easy and simple. He doesn't deserve what I've been giving him these past few days. The silence and the awkwardness that in the first place the reason for them is not even his fault.
"You rather break alone silently. Kasi hindi masasaktan ang mga tao sa paligid mo kapag ganoon ang ginawa mo."
Pinilig ko ang ulo ko para maalis ang tila umuukilkil sa utak ko na mga salita na binitawan niya sa akin noon. I needed to focus on what's happening now. And right this moment what we have is easy. That's what I needed and that's what he deserve to get from me. Not the contents of the Pandora's box that is buried inside me.
"No," he answered gruffly.
"Do you have a Belaya fetish perhaps?"
Imbis na sagutin ako ay basta na lang niyang isinuot sa ulo ko ang cap at tinalikuran ako. Sinundan ko siya ng tingin sandali bago ako sumunod sa kaniya. He didn't say no. Meow, haba ng hair.
"Hi, birthday girl!" bati ko kay Lucienne bago ako humalik sa pisngi niya. Nang lumayo ako ay may inilabas ako sa shoulder bag ko na sobre at inabot ko iyon sa kaniya. "Happy birthday!"
"Cheque ba 'to?"
Alanganing tinignan ko ang asawa niyang napabuntong-hininga bago ko siya muling binalingan. "Hindi eh. Cheque ba ang gusto mo?"
"Hindi naman." Inalog-alog niya ang laman no'n. "Titulo ba 'to para sa house and lot?"
"Hindi kasiya 'yon diyan," singit ni Trace.
"Hindi kita kilala, taong walang gift sa akin," nakaismid na sabi ni Lucienne. "Si Luna binigyan ako ng bagong office set na customize pa kaya unicorn theme, si Domino nagpadeliver ng unicorn cake, si Coal binigyan ako ng unicorn bracelet, si Axel pinagawan ako ng bagong website which by the way is really a kickass one, Pierce bought earrings for me, Gun gave me a necklace, pero kayo ng asawa ko walang gift sa akin."
"I'll show you my gift later once we're back home."
Kaniya-kaniyang reklamo ang mga kapatid ni Thorn habang ako naman ay napakagat sa ibabang labi para mapigilan na mapatawa.
"Ang dudumi ng utak niyo. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," salubong ang kilay na sabi ng lalaki.
Ngumisi si Lucienne na para bang may naisip. "Okay lang din naman. Ito na ba ang gabi na pagbibigyan mo ako sa pangarap kong makita ka na gumigiling-giling sa harapan ko?"
Sa pagkakataon na ito ay hindi ko na napigilan at napatawa rin ako. Nilingon ko si Pierce at lumawak ang ngiti ko nang makita kong nasa akin ang mga mata niya. "That's a nice idea, right? Malapit na rin ang birthday ko."
The other men groaned while Domino grabbed his chest as if he's having a heart attack. "Akala ko pa naman napaibig ko na si idol pagkatapos namin na mag-bonding today. Porkhati."
Tinapik-tapik ni Trace ang lalaki sa balikat na para bang nakikisimpatya. Iyon nga lang kabaligtaran iyon ng salita na namutawi sa mga labi niya. "Asa ka pa."
Masama ang mukha na binalingan niya ang kapatid na lalo lang naman siyang inasar. Hindi na sila pinansin ni Lucienne na sa akin nakatingin. "So what is this? I don't really need a house. Masaya naman ako sa bahay namin ni Bossing Thorn. Doon nabuo ang Cookie namin eh."
Pilit na inignora ko ang reklamo ng magkakapatid maging ni Luna na tinakpan pa ang tenga niya. "It's tickets for a concert."
"Concert ni Lia ba? Libre naman 'yon ah." Nilingon niya ang babae na nangingiti lang. "Naniningil ka na ngayon?"
"It's not for Lia's concert," I said before Lia can speak. "Actually this is our gift."
Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Lucienne. "Hindi naman sa pag-aano ha? Okay nga lang kahit walang gift except kay Trace na hindi ko pa rin kilala... pero kayong dalawa ni Lia ang isa sa mga pinakamayaman na taong nakilala ko pero... uhh... nagtitipid kayo?"
Napatawa si Lia at umiiling na kinuha niya ang sobre kay Lucienne. Binuksan niya iyon at may inilabas siya na apat na matigas na papel.
"Belaya bought you two VIP tickets for Twice's concert in Manila. My agency reached out to their company and we asked if you could meet them backstage. That other two tickets is the backstage pass and that's my gift."
Tulalang nakatingin lang sa kaniya si Lucienne na parang naging statwa na sa kinatatayuan niya. Lahat kami ay nasa kaniya ang atensyon habang hinihintay ang reaksyon niya.
Kung siguro may magsasabi sa akin noon na ang favorite ng pinakakilalang gore writer sa bansa ay ang KPop group na Twice ay baka tumawa lang ako. Even Lucienne's romance stories are laced with the dark feels that has always been her trademark which is the opposite of the girl group that has the aura of being sweet, refreshing, and light.
Napatalon kaming lahat nang sa isang iglap ay bigla na lang tumili si Lucienne. Sabay pa kaming napatakip ni Lia sa mga tenga namin nang mukhang dadaigin niya ang highest note na kayang abutin ng mang-aawit.
Itinuro ako ni Lucienne. "I would shoot someone for you." Humarap siya kay Lia at tinapik niya ang tapat ng puso niya bago itinuro ang babae. "I would shield you from the bullet coming your way by putting Trace on the path of danger- aray!"
Hinimas ni Lucienne ang nasaktan na noo nang basta na lang dutdutin iyon ni Trace. Hindi pa nakuntento ang lalaki at may itinulak siya na paper bag sa mukha ng babae. "Here, you weirdo."
Nakangusong kinuha iyon ni Lucienne at pagkatapos ay binuksan niya iyon para makita ang laman no'n. Nanglaki ang mga mata niya at may inilabas siya na dalawang kahon.
"That's the Twice's original Candybong and the other one is the Candybong Z," paliwanag ni Trace.
"Trace..." she whispered, her eyes bright. "Best friend!"
"Ewan ko sa'yo."
Nagmamadaling binuksan iyon ni Lucienne at inilabas niya ang dalawang lightstick na merchandise ng nasabing grupo. Tatalunin ng ilaw sa mga mata niya ang ilaw na nagmumula sa lightstick ng paganahin niya iyon at iangat.
"Im Nayeon, Yoo Jeongyeon, Momo Jjang, Sana Jjang, Park Jihyo, Mina Jjang, Kim Dahyun, Son Chaeyoung, Chou Tzuyu. ONE IN A MILLION!" hiyaw niya at iwinagayway niya ang dalawang lighstick sa ere.
"Ano raw?" tanong ni Trace sa asawa ni Lucienne na si Thorn.
"It's one of that group's fan chant."
"Alam mo rin?"
Thorn just sighed as if remembering the reason. "Lagi kong naririnig 'yan kada manonood siya sa Youtube ng videos ng Twice. It's now part of her writing routine. Bago siya magsulat nanonood muna siya ng isang video at nakiki-fan chant... kahit sa madaling-araw."
Napahagikhik ako sa sinabi niya. I can almost imagine. Mabuti na lang sanay na si Cookie sa kaingayan ng nanay niya.
Pero mukhang may hindi sanay sa pang fan girl sa concert na boses ni Lucienne dahil nang napalingon ako sa pintuan ng bahay ni Luna ay nakita kong lumabas do'n ang pupungas-pungas na si Arctic. His face is crumpled and he looks cranky. Something that is understandable because his body clock is probably still a mess right now. Nagising pa siya sa boses ni Lucienne na kahit ata sinong may tenga ay mabibingi.
Pierce moved as if he's going to go to him pero napatigil siya nang lagpasan siya ni Arctic. My eyes widened in surprise when Arctic went straight to me. He grabbed the end of my blouse so I leaned down so I can sit at the balls of my feet.
Natahimik ang lahat nang basta na lang yumakap sa leeg ko ang bata at isinandal niya ang buong bigat niya sa akin. A few seconds later his weight became heavier and that's when I realized that he went back to sleep... with him in my arms.
Si Luna ang unang nakabawi at akmang kukunin niya si Arctic pero ipinalibot ko ang braso ko sa katawan ng bata. I hoisted him up which is surprisingly easy. I never carried any child in my life except babies like Lia's.
"I got it, Kitten."
My eyes turned to Pierce at the changed in his voice. There was gentleness in his eyes that I rarely see in him. Maingat na kinuha niya sa akin si Arctic pero ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. He held my eyes for a moment before he turned around so that he could go inside the house.
"Psst."
Napapalunok na nilingon ko ang pinanggalingan no'n at nakita kong si Lucienne iyon na winawagayway ulit ang isa niyang lightstick. Ang isa ay hawak ni Lia habang si Trace at Luna naman ay naka-thumbs up sa direksyon ko. Even Domino, Coal, and Axel have smiles on their lips. Si Gun naman ay nakaangat ang sulok ng mga labi.
"Aprub!" sabi ni Lucienne.
"W-What?"
"On being Arctic's step-mother," Lia explained. "Not that our approvals matters that much. You already have the approval of his son."
Hindi ko nagawang makapagsalita sa tinuran niya. Arctic likes me and I already know that. I mean... I bribed him with ice cream and all that Tayo The Little Bus merch that I asked Sebastian to send to him. Pero ganoon na siya unang beses pa lang kami magkakilala.
I blinked and I looked up. I saw the eldest Dawson looming over me. Sandaling nakatingin lang sa akin si Thorn na para bang tinitimbang niya ang sitwasyon. Pero pagkaraan ay umangat ang kamay niya at marahang tinapik niya ang balikat ko.
Shit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top