Chapter 15: Victory

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 15: VICTORY

BELAYA'S POV

Napapabuntong-hininga na initsa ko sa lamesa ang kaninang binabasa ko na script. It's piling up with the others that I finished reading. Ginagawa ko na 'to pagkagising ko pa lang pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatapos.

Well... I can't blame everything on the fact that I played a couple of games after lunch. Pero talaga naman kasing ang daming scripts na iniwan ni Sebastian.

"Are you going to accept all of that?"

Nilingon ko si Pierce na kapapasok lang ng bahay. May inaayos kasi siya kanina sa tool house niya at dahil madami din akong kailangan gawin ay binigyan ko muna siya ng ilang oras na pahinga mula sa pangungulit ko.

Umabot ako ng isa pang script at binuksan ko iyon. I looked at the other pile and I shook my head at him. "Nope. That's the rejected pile."

"Hindi maganda?"

"More on hindi ko gusto."

I tried not to raise an eyebrow when he grabbed one of the script from the rejected pile. Technically, he's not allowed to read them. Wala nga lang akong balak na sawayin siya. It's not like he'll disclose it to anyone.

"The character's description is perfect for you," he said after awhile. "Para ngang ginawa para sa'yo."

"Exactly. That's why I don't like it."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya. I scanned the summary of the script I'm holding. Hindi na ako nag-abalang simulan pang basahin ng buo iyon at basta ko na lang nilagay sa pile.

"Are you going to find any project at this rate?" Pierce asked.

"Kung wala okay lang naman. I rather not have a project than to be tied forever to a film that I don't like or believed in." Kumuha pa ako ng isang folder at binuksan ko ulit iyon. "They usually give us a lot of pitches like this. Lalo na kapag natapos ang isang project ko at naging successful iyon."

"They're pretty well written."

"They are but they're also repetitive. Sa last project ko, my character was in a love triangle. I was also a stepmother. Two of the pitches on that pile have the same vibe. Ang iba naman ay parang repleksyon ng ilan pang mga naging project ko. Some are also written as if they already thought that I will be playing it so they base the characteristics and description with me in mind."

"Is that a bad thing?"

"For me yes. I love being an actress because I get to live a lot of lives through different project roles. Hindi iyon mangyayari kung stuck ako sa iisang story line. Lalo pa at child actress ako. It took my management a lot of years before the public accepted that I'm not going to play a teenage character forever. Hell, I received a lot of negative comments noong nagkaroon ako ng first screen kiss. Ano pa kaya iyong unang movie ko na may bed scene? I don't want to be stuck playing the same role over and over again. If I want to do that then I'll just live mine and stop being an actress. Staying in one zone because it's comfortable and the success is guaranteed is unimaginative and boring."

Sandaling nakatingin lang siya sa akin habang parang may malalim na iniisip. It's as if he's seeing me in a different light... or he's seeing what I do in a different way. Lagi kasing kakambal ng trabaho ko ang popularidad. Hindi naman kasi laging sa talento lang nakukuha ang kasikatan. That's why it always has a bad reputation.

But I love my job because of the job itself. I enjoy the fame but it's just a reward. When the spotlight is acquired through greed for fame the fire will not burn long. It's like a candle against the wind. But if you do things because of talent, passion, and commitment... your fire won't be easily extinguished.

"What?" I asked when he continued looking at me. "Did I sound wise and amazing?"

"Yes."

Nagulat ako sa direkta niyang pag-amin no'n pero imbis na ipahalata iyon ay nginitian ko lang siya. "Naiinlove ka niya niyan sa akin? Hindi pa nga ako nagsisimula na paibigin ka eh."

He sighed loudly before he sat on the single couch near where I'm at. Binaba niya ang hawak na script at kinuha niya ang isa na nasa pile na hindi ko pa nababasa. He opened it randomly but to my surprise he put it roughly on the rejected pile. Sa paraan ng pagkakatingin niya ro'n ay parang gusto niya ng silaban iyon.

"What?"

"You can't do that project," he hissed.

Kunot ang noo na kinuha ko ang folder na binuksan niya at binasa ko iyon. I scanned the pages and after a few moments, I can't stop the wide grin that curved my lips.

"Wow," I said.

"No."

"Lahat ng project na ibinibigay sa akin halos may intimate scene. I don't mind. I find it artistic and the management knows that." Ibinaba ko ulit ang folder sa rejected pile at napailing na lang ako nang makita kong bahagya siyang kumalma. "That being said, I'm not ready yet for that kind of theme. May bed scenes man ang mga palabas ko pero wala pa akong balak gumawa ng movie na parang eighty percent ay porn."

Pierce stared at me for a moment bago siya kumilos at umalis na. Hinayaan ko lang siya dahil kahit entertainment ko ang makipag-usap at kulitin siya ay kailangan ko na rin talagang tapusin ang pagbabasa ng mga pitch. Para pag natapos ako mas marami na akong oras para sa kaniya.

I don't know how long I stayed in his living room but I know it's been hours when I looked outside and saw that the sun is beginning to set. Iba't ibang posisyon na ang ginawa ko sa mahaba niyang sofa pero at least natapos ako.

I looked at the three script that I'm holding. These are pretty good.

Nope. Not good. It's amazing.

Kinuha ko sa coffee table ko ang cellphone ko at kaagad kong tinawagan si Sebastian. It didn't took long for him to answer.

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "It's the trilogy isn't it?"

"I'm going to kill anyone who's going to try to snatch these scripts from me."

Tatlong script pitches iyon. Hindi para sa magkakaibang proyekto kundi para sa iisang storya lang. It's a fantasy drama but it's not for young-adult. Some scenes are quite heavy and intimate.

"It's adapted from a book right? I want copies! I want to read them like right now."

"I already bought them. Baka bukas dumating na iyong mga kopya diyan."

Sebastian might be a pain in my ass but he's a great manager may he believe it or not. Para siyang clairvoyant pagdating sa pitches na alam niyang tatanggapin ko dahil magugustuhan ko.

Binuksan ko ulit ang script para tignan kung sino ang direktor no'n. Hindi ko na napagtuunan nang pansin iyon dahil naagaw na kasi kaagad ng title at summary ang atensyon ko. "Oh my gosh! Joe's directing this? Now I love it even more! Tell him that if he cast anyone for the lead aside from me that I will never work with him again. This is mine."

"Fine, psycho. I'll call him right now."

Hindi na nagpaalam si Sebastian at basta na lang niyang ibinaba ang tawag. Ngingiti-ngiting binitbit ko ang script papunta sa office ni Pierce para sana ipakita sa kaniya iyon. Nang makita kong wala siya ro'n ay naglakad ako pabalik at binuksan ko ang pintuan ng kusina.

"I found what I like!"

Tumigil siya sa ginagawang paghuhugas at nilingon niya ako. Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko at bahagyang tumaas ang isa niyang kilay nang makita niyang tatlong script ang hawak ko.

"It's a trilogy!" Binuksan ko ang isa at itinuro ko ang title no'n. "The Chains of Ravine, The Last Enchantress, The Fire Crown. The trilogy's title is Virago. It's meant to be! Iyon ang username ko sa AOC."

"It's fantasy?"

"Yup."

Kuminang ang mga mata niya. "Good."

"I know right? The main character is a badass and the male lead is hot! And the bed scenes? Hot with a capital H-O-T. The fight scenes are so intense that I can almost see it pero kahit gano'n nakakatawa rin ang mga dialogue sa ibang scene and there's a lot that are even romantic. I haven't tried this full on fantasy genre before and I'm excited!"

"Did you say bed scenes?"

"Yep! It's not YA."

"Scenes as in not one bed scene?"

"Nope. There's a couple of them."

Nagpatuloy ako sa paglilitaniya habang pinapaliwanag ko sa kaniya ang kuwento. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nawala na ang kinang ng mga mata niya at sa halip ay naniningkit na ang mga iyon. He mumbled something under his breath but I didn't have the chance to ask when he turned back to what he was doing.

"Dadating ang mga kapatid ko mamaya. Lia's coming too so we're good for dinner. If you want to freshen up you could do it now."

Humaba ang nguso ko dahil hindi na niya ako nilingon ulit. I rolled my eyes and I walked out the kitchen to go to the room I'm using. Pierce is a paradox. Sometimes what he's saying is contradicting what he's doing. He's also grumpy half of the time but he also proved that he could be sweet. Pero ewan ko ba. I love that he's a puzzle because I want to be the one to solve the mystery that he is.

Pumasok ako sa guest room ni Pierce na pinapagamit niya noon sa akin na ngayon ay parang isang malaking space na lang dahil wala na iyong kama. I stopped in surprise when I saw that the closet is now missing its doors. They were replaced by a brown velvety-like curtain. It gave the closet a different look. Hindi na iyon katulad sa bahay ko na ilang beses kong napapanaginipan at hindi na rin iyon lilikha ng kinakatakot ko na tunog na parang tumatak sa utak ko mula nang gabing mangyari ang insidente.

That's why Pierce was going back and forth the house. Alam kong sa likod siya dumadaan ng bahay dahil mas malapit doon ang tool house at para hindi niya rin ako maabala dahil sa sala ako tumambay.

He altered his own house so that he could make sure that I won't be scared anymore. Even though I'm sleeping in his room, but since he knew that I'll be using this one for my clothes, he made sure that nothing will put fear in me again. He's wondering why I like him when he does things like this.

I felt a lump in my throat because of that. Binuksan ko ang kurtina at pumasok ako ro'n. My clothes are still packed and he didn't touched them out of being a gentleman but he did took out my bags and shoes. Nakaayos na ang mga iyon sa rack na nasa loob ng walk-in closet.

I opened my luggage and I pulled a black casual gingham swing dress. Kinuha ko pa ang ilang mga kailangan ko bago dala ang mga iyon na pumasok ako ng banyo. I took a quick shower and then I applied a cheek and lip tint, fixed my eyebrows, and put on a bit of mascara before I went out. Nasa bahay lang naman ako kaya tinatamad akong mag make-up talaga.

Nasa hagdanan na ako ng bahay nang marinig ko ang mga boses na nag-uusap sa sala. Napangiti ako nang pagkadating ko roon ay nakita kong nandoon na ang mga bisita ni Pierce. Kumpleto sila maliban kay Luna.

"Luna's not here?" I asked the room after I greeted them.

"Nasa Paris ang isang 'yon. Sosyal no? She even flew on a private jet na pinagamit sa kaniya ng kliyente niya. Bigatin," sabi ni Lucienne na yakap-yakap ang anak na si Cookie. "Gusto ko rin na makasakay ng private jet. Takot ako sa heights pero for experience lang ba."

"You can borrow hers," sabi ni Domino at inginuso ako. "May private jet 'yang si idol."

Namilog ang mga mata ni Lucienne at tumingin sa akin. "Wow!"

Nangingiting umiling ako. "Hindi siya talaga sa akin. Sa parents ko. They have three pero pinagagamit nila sa amin iyong maliit minsan kapag kailangan."

"Maliit pero pwede hanggang fifty na tao," sabi ni Domino.

Itinikom ni Lucienne ang bibig niya at tumingin siya pinakabatang Dawson na lalaki. "Ang dami mong alam tungkol kay Belaya ah? Humingi ka na rin ng signature saka picture kaya?"

Nahihiyang napakamot sa ulo si Domino at tumingin sa akin. "Pwede ba?"

"No."

"Yes." Tinaasan ko ng kilay si Pierce na siyang unang sumagot. I rolled my eyes at him before I turned to Domino and I gave him a smile. "We can take a selfie later."

Domino beamed as if I told him that Christmas got moved tomorrow at hindi na niya kakailanganin na maghintay ng ilang buwan pa.

"Lia?" nahihiyang tawag ni Axel sa babae. "Pwede na tayong kumain?"

I want to squished Axel's cheeks. Somehow naaalala ko sa kaniya si Arctic. Mukhang sa kaniya pa magmamana ang isang 'yon. Hindi na ako magtataka dahil kapag nasa headquarters ng Dagger ay parang paboritong tumbayan ng bata ang lugar kung saan nandoon lagi ang Toto Axel niya.

"Of course, Axel. Basta ikaw," sagot ni Lucienne na inunahan na si Lia.

Pumalakpak si Trace na tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at animo sa sasabak sa boxing na tumalon-talon pa siya sa kinatatayuan. "Ayos!"

Akmang maglalakad na papuntang dining table si Trace at uunahan ang mga kapatid niya pero hinila lang ni Lucienne ang tenga niya dahilan para mapahiyaw siya at mapahinto. "Si Axel ka ba?"

Iginaya na ako ni Pierce sa lamesa para makaupo na rin ako. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang makita ko kung paanong magningning ang mga mata ni Axel habang nakatingin sa mga pagkain sa harapan niya. So adorable.

"Aray! Lush!" Minasahe ni Trace ang nasaktan na tenga. "Ang daya niyo. May favoritism kayo!"

Binigyan niya ng masamang tingin si Lia na ngayon ay nilalagyan pa ng fried chicken ang plato ni Axel pagkatapos bigyan ang asawa niya. Then his eyes went to me when he saw me pushing a tray of vegetables towards Axel.

"Nakakasakit na kayo ng damdamin! Bakit ba lahat ng mga babae sa buhay niyo favorite si Kuya Axel? Ano pa bang kulang sa akin." He flipped his hair then he fixed his collar. "Ang gwapo ko naman."

I felt Pierce stiffened at his choice of words but I just smiled to myself because I know he's reacting to the first part that Trace's uttered.

Naiiling na lumapit sa amin si Lucienne at sumalampak ng upo. "Pakainin niyo na nga rin ang isang 'yan. Nakakakita na naman ng mga bagay na hindi natin nakikita."

Mahinang napatawa ako. Binalingan ko ang mga nakahain na pagkain pero sa dami no'n ay hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Warmth envelope me when Pierce swatted the hands of his brothers so that I could choose first. Maging si Thorn na sasandok sana ay inunahan niya dahil basta na lang niyang kinuha ang lalagyan dahilan para sunod-sunod na mapakurap ang lalaki habang nakatingin sa harapan niya na wala na ngayon na pagkain.

I was carefully thinking of my choices when Pierce grabbed a serving spoon himself and turned to me. "Ano bang gusto mo?"

Tinatanong pa ba 'yan? "Ikaw."

Natahimik ang maingay na lamesa. Blangko ang ekspresyon ni Thorn at Gun na nagkatinginan habang ang ibang mga babae at kapatid nila ay ngingiti-ngiti lang. Maliban kay Axel na tahimik lang at abalang kumakain habang palipat-lipat ang tingin sa amin.

"Ang gusto mong kainin ang tinatanong ko."

Ewan ko ba. Pero ang sarap talagang pagtripan ni Pierce minsan lalo pa at ang bilis niyang mapikon.

"What do you want to eat, Belaya?"

"Ikaw... pwede ba?"

Nabulunan si Trace na namumualan ang bibig sa pagkain habang si Coal at Domino ay tikom ang mga labi na parang pinipigilan nila ang sarili na matawa. Lucienne is flat our grinning, Lia's cheeks are red, and Gun and Thorn are shaking their heads.

At si Axel kumakain pa rin.

Pierce sighed before he grabbed a spoonful of different food and deposited it on my plate. Hindi katulad noon ay hindi niya naman ginawang bundok ang plato ko. Thankfully.

Everyone busied themselves with eating. At dahil maghapon akong napahinga sa pangungulit sa kaniya ay ngayon full force na bumabawi na ang buong pagkatao ko. I need to recharge and he's my energy source.

Saktong pumiraso siya ng karne at tinusok iyon ng tinidor nang pigilan ko ang kamay niya. He watched me wrapped my lips on his fork, biting the meat off. Nakangiting tinaasan ko siya nang kilay bago ako bumalik sa sarili kong plato. Fortunately, everyone's busy talking and eating that they didn't notice our little moment.

When the dessert part came and I'm picking the fruits on my plate with my fingers, I suddenly stop when a strong hand wrapped itself around my wrist. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong direktang nasa akin ang mga mata ni Pierce.

He leaned down and took the fruit from my fingers but instead of just taking it, I felt his teeth nipped my forefinger lightly.

Napalunok ako at ramdam ko ang pagbalot ng init sa magkabila kong pisngi.

Inilagay niya ang isang braso niya sa sandalan ng upuan ko sa kaswal na paraan bago siya bahagyang yumuko sa akin para bumulong sa tapat ng tenga ko.

"Don't start a game you're not willing to play."

Not willing?

Lalo pa sa ganitong laro? Parang wala rin akong talo.

"Have you forgotten, Lion? You're talking to a gamer." Napangiti ako nang manigas ang katawan niya nang ipatong ko ang kamay ko sa hita niya. "Victory is mine."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top