Chapter 14: Sleep
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 14: SLEEP
BELAYA'S POV
"Lynch, get out of there! May dalawa na naghihintay diyan!"
I used the sprint spell so I could get to her faster. Nakita kong tumakbo siya pababa pero lumabas na mula sa damuhan ang mga kalaban. I'm pretty sure they will use a stun so I jumped on the way. Puno pa ang health points ko pero mababa na sa kalahati ang kay Lynch.
"Iwan mo na ako. I'm going to be fine. Go back to the base!"
"Thank you, Vira, your sacrifice will be remembered."
I snickered at her dramatic speech as I try to evade my attackers. Mabuti na lang at tank ang gamit ko.
"Fuuuck!" Halos mapaangat ako sa kinauupuan ko nang makita ko na isa na namang player ng kalaban ang sumulpot. "Kailangan ba talagang tatlo kayo? Iisa lang ako tapos ang dami niyo?!"
"I'm close, hold on."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang makita ko na malapit na sa akin ang mage player namin na si Mousai.
"Hayop naman kasi! Bakit ang tagal ng resurrection?" nanggigigil na sabi ni MindBreaker, ang fighter namin.
"Anpektop may SS ka na?" tanong ko sa assassin namin. Malakas kasi ang special skill niya kaya siguradong ubos talaga ang kalaban lalo pa ngayon na malaki na rin ang na-damage namin ni Mousai.
"Five seconds. I'm always here for you, Vira."
Napahiyaw ako nang makita kong napatay na namin ang isang kalaban. Walang nakagalaw sa kanila nang gamitin ng assassin namin ang special skill niya.
"Malapit na'ko! Virago, atras na!" hiyaw ni Lynch.
Mabilis na tumakbo ako pababa pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tapos ng ma-resurrect na kakampi nila na ngayon ay papunta sa akin. He's using his SS which he'll have the ability to run fast across the map and hit me.
I'm only halfway back the base. I'm not going to make it.
Malakas na sumigaw ako nang mangyari nga ang kinatatakot ko. Ultimano ay napatay ako ng kalaban. I looked around the map and I notice something off. I screamed bloody murder when I saw the opponent's assassin destroying the bottom tower. "Guys sa bot!
Halos lahat kami nagsisigawan lalo pa at malayo sila sa base. MindBreaker finished his resurrection but when he moved towards the assassin, he got immediately stunned.
Oh no.
Pura mura na ang naririnig ko sa headphones ko lalo pa nang hindi magawang makabalik agad ng mga team members namin. Wala na kaming nagawa nang tuluyan mabasag ang main tower. Animo nanunutya ang pulang malaking text na lumabas sa screen ko kung saan nakasulat ang salitang DEFEAT.
Inatras ko ang kinauupuan ko na swivel chair na hinaram ko lang mula sa desk ni Pierce at naiinis na ibinato ko ang headphones ko sa lamesa.
Nang iikot ko ang kinauupuan ko at napaharap iyon sa pintuan ay natigilan ako nang makita ko na may nakatayo roon na dalawang lalaki. One is Sebastian and the other is Pierce. Parehas silang titig na titig sa akin.
"What?" I asked. Rinig sa boses ko ang inis na hindi ko kaagad nagawang alisin.
Napailing si Sebastian na nilingon si Pierce. "Hindi ko 'yan kilala."
Pinaikot ko ang mga mata ko nang lagpasan niya ang lalaki at umalis na. I turned to the desktop again and I said goodbye to my teammates. Pagkapatay ko no'n ay inikot ko ulit ang upuan ko pero sa pagkagulat ko ay nasa harapan ko na si Pierce.
"What was that?" he asked.
"AOC."
"AOC?"
"Abyss of Chaos. An RPG game. Natalo kami sa tournament ng team ko. Nawalan tuloy ako ng star. Ang tagal ko na rin kasing hindi naglalaro." Napasimangot na naman ako. "Nawalan ako ng star! This is so annoying!"
"Bakit ka naglalaro kung naiinis ka lang?"
This time, I'm the one who blinked at him in confusion. "Because it's my stress reliever."
"You're annoyed right now."
"Yeah."
"So how come it's a stress reliever?"
Natigilan ako at napaisip dahil may point naman siya. Nang wala akong magandang maisip na sagot ay matamis na nginitian ko na lang siya. He looked at me for awhile before he sighed.
"I borrowed your chair, by the way," I told him.
"I can see that."
It's a black leather executive chair. I like it but I prefer my pink gaming chair. May footrest pa kasi iyon kaya hindi ako nangangalay. Though, I'm not complaining. Feeling ko close na close kami ni Pierce kasi nakikiupo ako sa upuan niya.
"Dinala ng manager mo ang ilang mga gamit mo. I already put them in your room," sabi niya pagkaraan.
"Okie."
Nagbaba siya ng tingin sa mga paa ko at sinundan ko naman ang direksyon ng mga mata niya. I'm wearing a cute fuzzy pink socks. Iginalaw-galaw ko iyon dahilan para mag-angat siya ng mukha sa akin. I can see red beginning to creep from his neck up to his cheeks.
"Ang cute no?" tanong ko habang pinagkikiskis ko ang mga paa ko. "I found it in my suitcase. I bought it in Japan when we went there last year. Hindi ko naalis sa luggage ko. What do you think?"
"They're fine."
"Fine lang? Cute kaya."
Inangat ako ang kaliwang binti ko at inabot ko siya gamit no'n. Sa pagkakataon na ito ay ako ang natigilan nang saluhin niya 'yon sa mga kamay niya bago pa tumama sa kaniya iyon.
"There's cats on them," he murmured.
"H-Ha?"
Maingat na ibinaba niya ang paa ko sa semento. Walang salitang tinalikuran niya ako dahilan para mapangisi ako. Mabilis na sumunod ako sa kaniya pero dahil hindi ko sinuot ang house slippers ko ay nadulas ako ng wala sa oras.
Tumama ako sa matigas na katawan ni Pierce na kunot ang noo na nagbaba sa akin ng tingin. Nginitian ko siya at nag peace sign ako. "Oops. Sorry."
Naglakad siya ulit habang nakasunod ako sa kaniya. Iyon nga lang ay hindi iisang beses na muntik na naman akong mag slide sa sahig.
Malakas na buntong-hininga ni Pierce ang sunod na narinig ko. Salubong ang kilay na humarap siya sa akin at walang salitang hinawakan niya ang kamay ko. He guided me out of the hallway, deposited me on the couch where Sebastian is waiting, then he went back the hallway. Nang bumalik siya ay dala na niya ang tsinelas ko.
He's so sweet that I just want to take a bite of him. Sa kabila ng mga inabot kong kamalasan ay mukhang turn ko na para sa suwertihin. Kasama ko ba naman siya lagi. Sayang nga lang late akong nagising kanina. Hindi ko siya nakitang nag-exercise. Pwede naman akong sumali sa kaniya na mag-exercise. Mas masaya kapag dalawa kami. Mas productive.
Naputol ang mga umiikot sa isip ko nang maramdaman kong may pumitik sa tenga ko. Nakasimangot na nilingon ko si Sebastian. "What?!"
"Maawa ka sa tao. Spare his soul mula sa kung anuman na naiisip mo."
Nilingon ko si Pierce pero nakalayo na siya sa amin ng bahagya. Pinandilatan ko ang manager ko at bumulong ako sa kaniya. "Malinis ang konsensiya ko!"
"Wala ka no'n."
I gave him a death look but as always he was immune to it. Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba bawal akong tumanggap ng bisita? Paano kung ikaw pala ang stalker ko at nagtanim ka ng bomba sa bahay ni Pierce?"
"Ako ang huling taong magiging stalker mo."
"At bakit?"
"Lagi na kitang kasama bakit gugustuhin ko pang makita ka? Ano ako, masokista? One time I was eating my dinner during my day off and I saw your face on the TV. Muntik ko ng ibenta."
"I gave you that TV for Christmas!"
"Yung bahay ko ang gusto kong ibenta. Tapos magpapakalayo-layo ako hanggang makarating ako sa ibang planeta kung saan hindi na kita makikita para lang bumalik ang gana ko sa hapunan ko."
Kumibot-kibot ang mga labi ko at nakita kong napaatras siya. Inabot niya ang throw pillow at hinarang niya iyon sa akin na para bang bigla ko na lang siyang sasakmalin. Hindi malabo.
"Anyway, aside from being your errand boy, I also brought you some sample scripts that I want you to look at. Pag-uusapan namin ng Dagger ang tungkol sa sitwasyon mo and we'll decide on what to do when you need to get back on the job."
"Do I really need to take a project right now?"
Umangat ang isa niyang kilay. "You can do whatever you want but I know you. Hindi ka makakatagal ng walang trabaho. If you don't want to then tell me so I could decline the offers."
Kinuha niya sa lamesa ang ilang mga folder at inabot niya sa akin iyon. Napataas ang kilay ko sa dami no'n. Some of them are for movies, TV shows, and there's even scripts for theater.
"This is a lot." Sebastian suddenly looked uncomfortable and I squinted my eyes at him. "What?
Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan iyon. Pumindot-pindot siya roon at ilang sandali lang ay hinarap niya sa akin ang device. I looked down and my lips parted at what I saw. Nandoon kasi ang larawan ko nang gabing dakipin ako ng stalker.
"We're trying to take it all down but it already reached social media and it will take some time. It's trending right now though and you're gaining a lot of sympathy."
"I don't need their pity," I whispered. Ibinaba ko ang mga hawak ko na script sa lamesa. "Is this pity projects then? Because I don't need it as well."
"Don't be ridiculous. They're not pitying you. They want to take advantage of the spotlight. And I know you hate it but it's for the better that you take advantage of it too. It will be bad if you drop out of the light right now to hide."
"Because it's bad to look weak."
I know he can hear the bleakness in my tone but I couldn't help it.
"It's not bad to look weak but you know the industry more than me."
Of course I do. Everyone's a vulture and they twist everything around. Kapag hindi ako tumanggap ng project, I will be seen as someone who's weak and doesn't know professionalism. Maaaring sabihin din nila na kaya hindi ako nakakatanggap ng projects ay dahil sa issue ko at nag-aalinlangan ang producers na bigyan ako ng trabaho. When that happens other producers and directors will see me as someone who's branded to be unwanted because I'm a security hazard.
"I'll look into it," I said with a sigh afterwards.
"Good. Now before I leave, papaalalahanan lang kita na hindi ka pwedeng tumanggap ng bisita na walang approval ng Dagger, pumunta sa kahit na anong party, and also avoid your fancy restaurants for the mean time. If you want to order something, tell your bodyguard first. Post at least once a week on your Instagram. Dinala ko iyong mga product na pinopromote mo. You can use that for content. Iwasan mo lang maglagay ng captions na pwede nilang i-konek sa sitwasyon mo. You know how people can sometimes over complicate things. If you want to talk about what happened then we can set a date for an interview but right now since we don't have much information it's much better if we stay quiet about it first." Inilabas niya mula sa suitcase niya ang wallet ko pati na ang phone ko. "I will be visiting you but not so much para hindi rin mahirapan ang Dagger. I will constantly update you and talk to you through video call."
"Okay. Huminga ka naman."
Binigyan niya lang ako ng masaman tingin bago siya naman ang napabuntong-hininga. "If you can, call Lauren. Naguguilty siya kasi hindi ka niya nasamahan nang gabing iyon. I already told her there's nothing to be guilty about. Dapat nga ako ang makaramdam no'n."
Itinaas ko ang paa ko at mahinang sinipa ko siya. "Why do you need to be guilty? Kayo ba ang kumidnap sa akin? It's no ones fault. Walang may gusto nito. Hindi niyo naman responsibilidad na bantayan ako buong magdamag. Stop being stupid."
"You're stupid."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ikaw kaya!"
Ngumisi siya at pinitil ulit ang tenga ko bago tumayo na. He grabbed me gently on the arm before pulling me up. Sa pagkagulat ko ay niyakap niya ako.
Sebastian is not a touchy person. Some people won't even find him affectionate. Pero kilala ko siya. Hindi ko pa nga siya magiging manager kung hindi dahil sa mga pangit kong naranasan sa mga dati kong manager. One of them tried to hurt me. That was the thing that convinced him to work for me. Sebastian cares for me like I'm his own little sister.
"Utang na loob 'wag mong masyadong harutin ang bodyguard mo," bulong niya sa tapat ng tenga ko. "And if you can't help yourself, I put a box of condoms on one of the bags that I brought. 'Wag mo munang dagdagan ang mundo ng isa pang sakit ng ulo- ARAY!"
Nabitawan niya ako nang walang babalang kinagat ko ang balikat niya. Dahil sa suot kong medyas ay dumulas ako palayo sa kaniya nang matulak niya ako. Mabuti na lang ay may mainit na katawan na humarang sa likod ko.
"Ikaw ng bahala sa isa na 'yan," masama ang tingin sa akin na sabi ni Sebastian kay Pierce na siyang pumigil sa pag-slide ko. "Kung ako sa'yo magpapabakuna na ako ng anti-rabies. Nauulol 'yan minsan-"
"Sebastian!"
He rolled his eyes before he gathered his stuff. He gave me a warning look before he turned to leave. Sinuot ko ang pambahay ko na tsinelas at hinatid ko siya hanggang sa pinto. Naramdaman kong nakasunod sa akin si Pierce at hinayaan ko lang siya.
When I saw Sebastian's car leaving the driveway, I turned around and to my surprise, Pierce was really close to me. Like real close.
"Is that normal?" he asked.
"Iyong pagkagat ko kay Sebastian? Minsan. Depende kung gaano ako kaasar sa kaniya."
"I meant the hug."
"Uhh... not really."
His face hardened. "So that's not usual for managers? Bakit ka niya niyakap?"
Napapakamot ako sa naging tanong niya. "Ang tinatanong mo ba kung normal sa manager na yakapin ang talent niya? It's not unheard of so it's kind of normal depending on your closeness. Talent and manager relationship is just like a friendship. It's more than a business deal. We spend so much time together. Kay Sebastian lang hindi normal kaya gano'n ang sagot ko sa'yo. Depende pag nayayanig ang mundo niya katulad ng nangyari sa akin. Magkaibigan kasi kami ng kapatid niya kaya matagal na niya akong kilala."
"Did you date?"
Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Of course not! Ew! Anong klaseng tanong 'yan? He's like a brother to me." Natigilan ako nang may maisip. "Wait... bakit ganiyan ka magtanong?"
His eyes went back to being blank but this time I can see that he's trying to hide something from me. Napangisi ako nang may maisip at taas ang isang kilay na lumapit ako sa kaniya.
"Nagseselos ka?" tanong ko.
"What?"
"Gusto mo rin ng hug?" Inangat ko ang mga kamay ko. "Hi everyone I'm Bela and I like warm hugs!"
I toddle towards him like how Olaf from the animated movie Frozen walked pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kaniya ay salubong ang mga kilay na tinalikuran niya ako at naglakad siya papasok ng kusina.
"Ang lion ko naman masyadong sensitive. Eh kahit ilang hug pa pwede ko namang ibigay sa kaniya."
Kung gusto niya pa nga may kasama pang kiss para perfect combo. Miyaaaw!
NAALIMPUNGATAN ako sa pagtulog nang maramdaman kong umangat ang katawan ko. I opened my eyes that are still heavy from sleep and I saw Pierce's face looking down at me. My disoriented brain can't comprehend at that moment but he's looking at me in a way that seems familiar to me.
"Pierce?" I whispered.
"It's okay, Kitten. I got you."
"I... I don't want-"
"I know."
I heard a door open and I felt my back touch the softness of the bed. Tumagilid ako pero sa pagtataka ko ay hindi ang ginagamit ko na kuwarto ang bumungad sa akin.
"Pierce?"
Magulo ang buhok niya na parang kagagaling niya lang din sa pagtulog. Inangat niya ang comforter hanggang sa mabalutan ako no'n. He carefully arranged it around me, tucking me in.
"You should have told me," he said.
"Pierce..."
"You slept on the sofa too the first night you were here?"
I didn't say anything but I know that it's enough of an answer for him. Hindi kasi talaga ako makatulog sa kuwarto na pinagamit niya sa akin. I tried and I did but I woke up in the middle of the night sweating. I keep on dreaming about the night that I got attacked. Kaya natulog ako sa sofa. Nag-alarm lang ako bago sumikat ang araw para makabalik ako sa kuwarto at doon ipagpatuloy ang tulog ko. Ayoko kasing makita niya ako na natutulog sa sofa niya.
Kanina naman ay hinintay ko munang lumalim ang gabi bago ako lumabas para matulog sa sala.
"Sleep," he whispered.
"It's not about the room. I... I just can't... with the closet and in this kind of space where I'm alone..."
"I'm sleeping here too."
Muntik akong mapaupo sa sinabi niya pero marahang itinulak niya lang ako para mapahiga. Inayos niya ulit ang kumot bago siya tumalikod at may kinuha sa wooden drawer niya. It was another comforter and a pillow. Inalagay niya iyon sa sahig at walang salitang humiga ro'n.
"Pierce, you can't sleep on the floor!"
"I can."
"I'll rephrase. You shouldn't. Kwarto mo 'to."
"Bahay ko rin 'to kaya ako ang masusunod."
Inalis ko ang kumot ko at nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ako tumigil hanggang sa naramdaman ko na lang ang katawan ko na bumagsak. I didn't expect Pierce to be close to the bed kaya maging ako ay nagulat nang dumiretso ako mismo sa ibabaw niya. He huffed in surprise when my body collided on top of him.
"Oops!"
"What are you doing?" he hissed.
"Sa sahig din ako matutulog kung hindi ka babalik sa kama mo."
"Get back on the bed."
"No."
"Belaya."
"No."
He sighed heavily. Tumayo siya at sa pagkagulat ko ay basta na lang niya akong binuhat at itinapon sa kama. Bumalik siya sa pagkakahiga sa sahig at naniningkit ang mga mata na dumukwang ako para silipin siya.
"I can roll over again, you know?"
"Ibabalik lang kita diyan," simpleng sagot niya.
"The floor is uncomfortable!"
"It is. So tomorrow I'm going to transfer your bed here so you could sleep on it while I sleep on mine. Right now, I just want to sleep, Kitty. So can I do that please?"
Ngumuso ako dahil mukhang antok na nga siya.He even said please. Padaskol na umayos ako ng higa pero nang may maisip ay muli akong sumilip sa kaniya. Nakapikit siya habang ang isa niyang braso ay nakapatong sa ibabaw ng mukha niya.
"What?" he grumbled when he felt my eyes on him.
"Why don't you sleep with me?"
Napaubo ang lalaki sa sinabi ko at inalis niya ang kamay niya para tignan ako. Salubong na salubong ang kilay niya at kung tignan niya ako ay para bang galing ako sa ibang planeta.
"Wag kang masyadong advance. Ibig ko lang sabihin ay matulog." Umangat ang sulok ng labi ko. "Pero kung gusto mo iyong isa pwede rin naman siguro. But you need to convince me first. The convincing part might be fun considering it's what they call a foreplay-"
Naputol ang sasabihin ko nang ilagay niya ang hintuturo niya sa noo ko at itinulak niya iyon. Muli siyang tumayo at bumuka ang mga labi ko para magsalita pero sa pagkagulat ko ay ibinalot niya ang comforter sa akin bago ako inikot-ikot pabalik sa kabilang side ng kama na malayo sa kaniya. Pero dahil kasama ko ang comforter ay naging human burrito ako.
"Stay there, close your eyes, and sleep."
"Aww... you're tucking me in to sleep?" I licked my lips and gave him my best come hither smile. "Where's my goodnight kiss then?"
Something glazed his eyes and I swallowed my words because there's no way he could hide that from me. Lalo pa nang mapababa ang tingin ko sa suot niya na boxers. Nanglaki ang mga mata ko pero hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang pagtingin ko sa direksyon na 'yon dahil dumilim ang mga mata ko nang takpan niya iyon gamit ng kamay niya.
"Hey!"
I tried to dislodge his hand by moving my face but I stopped when I felt something warm touched the top of my head. Nanigas ako sa kinahihigaan ko at nang magawa ko na ulit na makakita ay nakita ko ang bulto ni Pierce na pabalik na sa higaan niya.
Did he just... ?
I swear I felt it.
He just kissed me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top