Chapter 12: Inches
#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries
CHAPTER 12: INCHES
BELAYA'S POV
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may pumipindot sa pisngi ko. Nang magbukas ako ng mga mata ay bahagya akong nagulat nang makita ang anak ni Pierce na si Arctic na nakatayo sa gilid ng kama ko.
He's wearing a light blue pajamas with unicorns on them. Bakit pakiramdam ko si Lucienne ang may bigay sa kaniya nito? Sa ilang beses ko kasing nakita si Lucienne ay hindi siya nawalan ng unicorn sa katawan niya; sa damit man niya iyon o sa accessories.
"You're still here," I whispered, my voice rough from sleep.
The last thing I remember was falling asleep when I was in Pierce's car. Did he carry me all the way here? Pinagala ko ang paningin sa maliit na kuwarto na kinaroroonan ko. There's nothing much in the room but it looks cute and homey.
"Nag-sleep ato po sa tabilang room. Wort po si Daddy. Nagising lang po ato tasi nagugutom na po ato."
I pushed myself up from the bed. That's when I noticed that I'm just wearing a huge shirt that would probably be longer than the nightie I wore for bed last night. The word Dagger Private Security and Investigation is printed on the shirt. Their logo is the "D" on the word Dagger. It's a two curved dagger placed together to form the letter.
I turned to the bed side table to look at the small clock there. Nine o'clock pa lang ng umaga. I slept for maybe four to five hours which is long for me but I still feel exhausted.
Tumayo ako sa kama at itinali ko ang buhok ko gamit ng black elastic hair tie na laging nakapulseras sa kamay ko bago ko binalingan ang mukhang inaantok pa rin na si Arctic. "Come. Let's find you some breakfast."
Natigilan ako nang para bang matagal na kami na magkakilala na inabot niya ang kamay ko at humawak doon.
I've been around a lot of children. What with my cousins and the other children of the members of the organization popping babies left and right. But even though I'm surrounded by babies, I can't say that I'm their favorite. Hindi naman sila ganoon ka-close sa akin dahil bihira lang nila akong makita.
Arctic is the first child that appears to really like me. Komportable rin siya na kasama ako na para bang hindi lang kami miminsan nagkakatagpo ng landas.
When his cute little face looked up at me, I gave him a smile before I lead him out of the room. Iyon nga lang ay hindi ako pamilyar sa kinaroroonan namin. Sa pagkakatanda ko kasi ay isang beses pa lang akong nakakapunta rito sa Dagger.
I looked at the wall when I saw a framed map of the place. The whole building has six floors. The ground floor where the lobby's at, the first floor that serve as their training area, the second floor are the rooms for the other employees, third floor is the research and armory, ang pang-apat ay ang palapag kung saan naroon ako at ang walong guests rooms, pantry, kitchen, at conference room para sa mga kliyente na noon ay pinuntahan ko, the last floor is the offices of the Dawsons as well as the control room.
"Let's go po."
Si Arctic na ang humila sa akin para tahakin ang dulo ng hallway na kinaroroonan namin. He lead me out of it until I saw the familiar place I've been to. Binuksan ko ang pintuan ng pantry kung saan kami tumambay nila Lia noon.
Napangiti ako nang makapasok kami doon at makita kong may mga nakatakip na kung ano sa center island. Mukhang nagluto nga ng breakfast si Lia.
Bumitaw sa akin si Arctic at inakyat niya ang isa sa high stool. Nilapitan ko siya at tinulungan ko siyang makaakyat bago ko hinarap ang mga nakalagay sa center island. Pinigilan kong mapatawa nang makita kong may pangalan at message ang dalawang tupperware ng pagkain.
For Arctic and Belaya only. DO NOT OPEN THIS.
Unless you're a woman or a child. Ang mag-tatangkang kainin ito ay hindi sana matunawan. At magka-jowa.
Lalo na si Trace.
Love, Lia and Lucienne.
Sigurado ako na si Lucienne ang nagsulat no'n. Siya naman kasi ang laging inaasar si Trace. Minsan nga napapaisip ako kung sila ba ang magkapatid. Magkaparehas kasi ang mga ugali nila.
Binuksan ko ang dalawang lalagyan at kaagad na kumalam ang sikmura ko sa mga nakahain. Lia could really pass as a chef. Masarap lahat ng niluluto niya pero bukod doon ay nakakatakam din ang presentation niya ng mga iyon.
She made a bacon breakfast pizza with an omelette on the sides, fruits, and a two mini chocolate chips pancakes for Arctic. Sa akin naman ay baked oatmeal with dried blueberry, pecans, and raisins. She also cut a bunch of fruit as a side dish, then she put a one chocolate chips pancake that is a bit larger than Arctic's.
She's not only a great cook. She's also very considerate. Mukhang pinag-isipan pa niya talaga kung anong ipapakain sa akin dahil lagi kong sinasabi na diet ako.
"What's that po?" Arctic asked.
"It's a baked oatmeal. Do you want to try?"
Inaasahan kong tatangi siya pero sa halip ay tumango siya. Kumuha ako sa tupperware na kinalalagyan ng oatmeal at ibinigay ko iyon sa kaniya. Nang mukhang nagustuhan niya iyon ay sinalinan ko ang tila lunch box na kinaroroonan ng pagkain niya ng kaunti pa.
To my surprise, he took one out of his four slice of breakfast pizza and he gave it to me. Parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko sa nanay niya na hindi ko kikidnapin ang anak niya. He's so adorable that I just want to keep him.
We started eating but after awhile, Arctic started telling me stories about school. The way he speak is so animated that I can't help but listen.
"Hindi na po niya ato inaaway sata di na po ato lumalapit sa taniya. Sabi ni daddy layo na lang po ato para wala ng away. Otay lang naman po tasi friend na tami ni Zinnia saka ng iba pa niyang friends. Madami na po atong friends. Di naman po ato bad like what James'mommy said."
Nagsalubong ang kilay ko nang maalala ko na naman ang nanay no'ng kaklase niya. "Hindi ka naman talaga bad. Hindi porke konti lang ang kasama mo eh ibig sabihin bad ka. Minsan gusto mo lang talagang kasama iyong mga trusted people mo. It's not a goal to have a lot of friends. The real goal is to have people in your life that cares for you."
"Eh batit sabi po ng mommy ni James?"
"Wag kang maniwala ro'n. Hindi lang siguro nakakakain ng ice cream iyon kaya laging mainit ang ulo."
"Mayaman po sila eh batit wala sila po pambili ng ice cweam?"
Natural na ata sa mga bata ang pagiging matanong. Suwerte lang ni Arctic kasi kahit malayo ang edad namin ay konti lang ang difference ng utak namin. Sabi kasi nila kuya utak five years old daw ako eh. "Binibigyan lang kasi ng ice cream ang mga mababait na tao. Kaya ikaw di ba binibigyan ka ni Daddy mo? Ibig sabihin good boy ka. At dahil very very good ka, kapag gusto mo lagi kitang bibilan ng ice cream. Basta kakain ka ng tama and you'll promise that you will always eat your veggies."
"I love vegetables po!"
"Oh di ba? That's why you're a good boy."
He gave me a toothy smile and then he took a huge bite of his pizza. "Maiinggit po si James. Otay lang naman 'yon di ba po? Siya nga lagi tami tinatawanan. Mawor po tasi ang papa niya. Taya di po siya natatakot tahit sa teacher po namin. Sitat po tasi ang family nila. Tita niya nga po dati po beauty tuwin."
Mayor?
I scoffed at that. Ano naman kung Mayor ang tatay niya? Saka beauty queen? Oh eh ano naman? Nabili na ba nila ang mundo porke lang sa gobyerno nagtatrabaho ang ama niya at beauty queen ang tita niya? Umiinit na naman ang ulo ko.
"Sabihin mo sa James na 'yan kapag inasar ka pa, na may Tito ka na anak ng presidente. His name is Damian Salazar. He's a friend of your Tita but it's the same thing. You also have a Tita who's a movie star. I'll print out all the names of my awards and you can slap it on his face." Nang maisip ko ang sinabi ko ay alanganing nginitian ko siya. "I mean... give it to him? Don't actually slap him."
"You're a movie star po?"
"Yep."
"Lumalabas din po itaw sa TV?"
"Yes and sometimes on cinemas too."
"Wow."
I don't think I ever been more proud of my work than that moment. Pakiramdam ko kasi ay mangha na mangha siya sa akin. Namimilog ang mga mata niya at nakakorteng O pa ang mga labi niya habang nakatingin sa akin.
"I have a cousin po na gusto maging artista."
I've seen his cousins and they're all babies. I don't think Lucienne's Cookie and Lia's Abrial and Aella can form a complicated word yet much more know what they want to become someday. Kaya sigurado akong sa side ng ina niya ang tinutukoy niya.
"Matitita to po sila ulit mamaya. Mabait po sila sata di nila ato inaaway."
"You'll go to your mom later?"
Thursday pa lang kaya nakakapagtaka iyon. Ang alam ko every Friday ng gabi siya hinahatid ni Pierce sa nanay niya.
"Opo. Summer vacation na po tasi. Pupunta po tami states for one month."
"One month?!"
"Opo. Payag aman po si Daddy tasi summer naman po. Doon po talaga ato pag summer. Sata pag wort si Daddy otay lang po. Detewtiv po tasi si Daddy taya di po ato pwede minsan sama sa taniya pag-dangerous po."
Bumuka ang bibig ko para umangal pero nang mapatingin ako sa pinto ay nagulat ako nang makita ko na naroon si Pierce na mukhang kanina pa ata nakikinig. Nakahalukipkip siya habang walang kahit na anong ekspresyon sa mukha na nakamasid lang sa direksyon namin.
"You're done with your food, Arc?" Pierce asked.
"Yes, Daddy."
"Your Tito Axel wants to show you something."
"Otay po!"
Nakangiting bumaba si Arctic at tumakbo na palabas ng pantry. Naiwan kami ni Pierce na for some reason ay sa akin pa rin nakatingin.
"You're okay with him spending one month with his mother?"
"She's a shitty person and she could be a terrible mother but Arctic's grandma is pretty awesome. She's the only reason why I'm letting Arctic go with them every summer. He loves his grandma which is something that he won't have on my side." Nang makita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ko ay nagpatuloy siya. "My parents are dead."
Parents. Both of them. "I'm sorry."
"It's a long time ago."
"He seems excited."
"He is. Much more than when he's just spending the weekend with his mother."
I love being with my parents. I can't imagine choosing between them. Pero kung nagkataon na magkahiwalay ang mga magulang ko ay sa tingin ko parehas pa rin silang magiging mabuting magulang sa amin na magkakapatid. So to say that Arctic prefer the company of his grandmother than his own mother is saying something.
"But you still let her have him during the weekends?" I asked carefully.
"I have full legal custody of Arctic but I know he still need his mother. I can't imagine not growing up with one even though I lost her a long time ago. Isa pa, I can't keep her away from him. That's not how custody works. Ako man ang may karapatan na sa kaniya ngayon pero hindi ibig sabihin no'n ay papayag ang korte na ipagkait ko ang karapatan ng nanay niya na makita siya. She still has a parental right to him."
"You don't always have the custody of Arctic?"
"At first I didn't. Usually with children out of wedlock, the rights will be given to the mother specially for children below seven years old. Nagawa ko lang makuha ang custody ni Arctic dahil hindi siya magawang alagaan ni Charlotte. She doesn't have a job and she's neglectful." His jaw clenched as if he remembered something. "Arctic was left alone almost half the night when he was barely a year old because his mother was having a party. He was sick and when Charlotte manage to check on him, he wouldn't wake up. I didn't let her have him again after that. She sued me but I fought her and I won."
Kung naiirita na ako sa ex niya noon pakiramdam ko mas lumalala iyon ngayon. No wonder may trust issues si Pierce pagdating sa mga babae. Noong una akala ko ilag lang siya talaga dahil kliyente niya ako but now I know there's more to it than I initially thought.
"It's a good thing Arc will go to his grandma. If he's here I won't be spending much time with him anyways."
"Why?"
"I'm taking back your case and this time I need to have you with me 24/7. Kapag may ganoon kami na case ay iniiwan ko si Arctic sa ina niya o di kaya ay sa isa sa mga kapatid ko. Usually with Luna. It's not safe for Arc to be around me when I have a case."
Naiintindihan ko ang huli niyang sinabi pero na-stuck ako sa una niyang binitawan na salita. Omg. 24/7? Parang ang aga pa para bigyan ako ng Christmas present pero wala akong balak magreklamo. Lord, thank you po! Promise babawasan ko po ng five percent ang katarayan ko sa mga taong sumusubok ng pasensya ko.
"So... magkasama tayo araw-araw?" paniniguro ko.
"Yes."
"From morning to night?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Oo."
"You'll always be close to me?"
Instead of answering me, the knot on his forehead deepen. "Are you worried to be alone? No one will hurt you as long as I'm with you."
Sadiyang may one track mind talaga ata ako dahil hindi pa rin talaga ang sitwasyon ko ang nasa bukana ng utak ko. May ngiti sa mga labi na bumaba ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kinatatayuan ni Pierce.
"But you'll be close to me?" I repeated.
"Yes."
"Gaano ka-close?" Nag-isang linya ang mga labi niya nang halos idikit ko na ang katawan ko sa kaniya. "Ten inches? Five? Kung ako ang tatanungin mo pwede ng point five centimeter. Or none at all."
I heard his intake of breath when my chest bumped him. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at bahagya akong inatras.
"Here I thought you're traumatized at what happened," he whispered.
"I probably do but I can also compartmentalize. Right now mas gusto kong pag-usapan kung gaano tayo magiging ka-close."
"You're a client."
Nginitian ko lang ang sinabi niya. He could deny it all he want but I'm not blind. "Do you call all your clients baby then?"
Natigilan siya sa naging tanong ko. I can see the battle in his eyes and right now it's on a stand off. It's fine with me. Matiyaga naman akong maghintay. Isa pa naiintindihan ko naman kung bakit ilag siya sa akin. O sa mga kaharutan ko.
"Will you ever get tired of playing with me?" he asked.
I'm not playing though. "Hindi. Gusto kita eh."
"Masasaktan ka lang. You can't fall in love with me."
"Bakit ako masasaktan? Sinabi ko bang mahal na kita? Advance ka naman masyado, Lion. Ang sabi ko gusto pa lang kita."
"W-What?"
"Wag kang mag-alala. Kapag na-in love na ako sa iyo hindi na ako masasaktan. Kasi by that time hulog na hulog ka na sa akin. Ngayon pa nga lang na gusto pa lang kita eh falling in love na agad ang sinasabi mo paano pa kaya pag mahal na kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top