Chapter 28: Ride Home
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 28: RIDE HOME
LIA'S POV
Pinigilan ko na matawa habang napapatingin sa gawi nina Trace, Axel, at Domino. Para kasing any moment ay mawawalan na sila ng ulirat. Si Axel nga ay kanina pa kinakain ang laman ng malaki niyang bag na puno pala ng pagkain. Si Trace naman na kanina ay abala sa pag-picture sa paligid at kaka-selfie ay ngayon parang lantang gulay na nakasampay ang braso sa balikat ng kapatid na si Domino na parang gusto na siyang iitsa sa pinakamalapit na bangin.
"Hurry up guys. Wala akong balak abutin ng gabi. Hinihintay pa ako ni Lucienne."
Halos lahat kami ay sinundan ng tingin si Thorn na nilagpasan kami at nagpatuloy sa paglalakad. Para ngang hindi man lang siya nakakaramdam kahit kaunting pagod at para bang bahay niya lang ang nilalakaran imbis na matarik na bundok.
Hindi naman siya mukhang naiinip pero alam ko rin na hindi niya gustong malayo ng matagal sa asawa lalo pa at kagabi ay hindi na sila magkasama dahil sa camp na kami natulog. Naiwan kasi si Lucienne sa hotel namin sa Baguio kasama ang dalawang Bolsters ng Dagger para sa proteksyon niya sa kagustuhan na rin ni Thorn. Hindi naman kasi siya pwedeng sumama sa pupuntahan namin ngayon dahil malaki na rin talaga ang dinadala niya.
Mukhang wala namang problema iyon kay Lucienne dahil pagkakataon niya na rin naman daw para makapagsulat naman sa ibang ambiance. Mukhang excited pa nga siya dahil kilala ang Baguio sa mga lugar na napapabalitang haunted. Perfect na perfect daw para sa romance-thriller book na sinusulat niya.
"Mga mahihinang nilalang."
Napangisi ako nang makita ko si Luna na sinundan ang nakatatandang kapatid pagkatapos belatan ang mga kapatid niya na sinabihan niyang "mahihina". Wala rin siyang pinagkaiba kay Thorn dahil parang balewala lang sa kaniya ang nilalakad namin.
Sumunod sa kaniya si Coal na pasipol-sipol lang habang si Pierce naman ay napapabuntong-hininga na lumapit sa kinaroroonan nila Trace at walang salitang kinuha niya ang bag ng lalaki. Isinukbit niya iyon sa balikat niya kung saan dala niya rin ang sarili niyang bag at pagkatapos ay sumunod na sa iba pa.
"You okay?"
I smiled at Gun's question. Inabutan niya ako ng tubig at kaagad ko namang ininom 'yon. Nasa bag niya kasi ang mga tubig namin at ilan pang mabibigat na dalahin. Kahit naman kasi kaya ko naman iyong bitbitin ay ayaw niya pa rin na ako ang magdala no'n.
"Ako pa ba?" Nilingon ko sila Trace na naglalakad na ulit dahilan para mapalapit sila sa kinatatayuan namin. "Hindi naman ako mahinang nilalang."
"Wow grabe siya," sabi ni Trace nang marinig niya ako. "Ang hirap sa inyong mga in-love para ng others. Porke may power of love lang kayo minamaliit niyo na ang lakas naming mga normal na tao lang."
"Kami lang naman at si Thorn ang in love ah?"
"Sus. Iyang si Luna naunahan pa kayo sa pagharot. Di na nahiya sa kasal pa ng Kuya namin lumalove life. 'Yan naman si Kuya Pierce habulin. Ibang level pa. Sikat na artista ang naghahabol."
"At si Coal?"
"Ewan ko do'n. Wala namang puso 'yon."
Napatawa ako at naiiling na ibinigay ko kay Gun ang tubig na hawak ko. Inilagay niya iyon sa bag niya at pakatapos ay inabot niya ang kamay ko para magsimula na ulit kaming maglakad. Katulad nila Thorn ay balewala rin sa kaniya ang haba ng nilalakbay namin. Kung tutuusin naman kasi ay hindi naman ito ang unang punta niya rito dahil nga paborito niya ang lugar na ito. Ako naman nasanay na rin dahil noong maging kami ay lagi na niya akong dinadala rito kapag anibersaryo namin at kahit noong maghiwalay na kami ay umaakyat pa rin ako rito.
"So... bakit walang puso si Coal?"
Sandaling nilingon ako ni Gun bago niya binalik ang atensyon sa nilalakaran. "Hindi pa na i-in-love kasi."
I made an "oooh" sound that earned me a smile from him. "Parehas sila ni Axel kung gano'n?" Nilingon ko ang mga kasunod namin at nang matiyak ko na hindi nila kami maririnig ay nagpatuloy ako. "Inosente rin?"
Nalukot ang ilong ni Gun sa tinatakbo ng usapan namin. "We don't talk about our sex lives."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Wala naman silang pagkakaiba ng iba pa nilang mga kapatid. Protective sa isa't isa kaya ang ending lahat sila tsismoso pagdating sa mga buhay nila. Kaya nga ganoon na lang ang naging reaksyon ng mga kapatid niya sa paghihiwalay namin.
"But?" I pressed.
"Na in-love na si Axel pero hindi niya pa nagagawa iyong... isang bagay na ginagawa ng mga taong nagmamahalan."
Napangisi ako sa paraan ng pagpapaliwanag niya. Akala mo naman hindi rin makamundong tao ang kausap niya eh matagal naman na namin na-corrupt ang isa't isa.
"At si Coal?"
"Ilang beses niya ng nagawa iyong pangalawa pero hindi pa kahit isang beses iyong una."
"In short fuck boy."
Kung hindi ako nahawakan ni Gun ay baka nakipag face to face na ako sa lupa nang biglang may nagsalita sa likod ko. Trace stuck out his tongue before walking past us. Kasunod niya ang iba pang mga kapatid na parang hirap na hirap ng ihakbang ang mga binti nila.
"You know, Coal should really be careful. Mamaya niyan mapikot pa siya."
"He's careful."
"I mean-"
"Nakita niya na kung anong kinahinatnan ni Pierce. Hindi niya na iyon gugustuhin pa na ulitin. Kung katulad naman kasi ni Charlotte ang babae sa buhay mo, you'll probably rethink your life choices too."
"Pero kung wala ang babaeng iyon wala rin ang anak niya ngayon."
"That's the only good thing about their situation."
I guess that's how life is. Kahit anong gawin natin hindi na natin mababago ang mga nangyari na. We could only change the future. Sa buhay kasi hindi lang naman lahat desisyon natin ang nagtulak papunta sa kinahantungan. Minsan may mga tao rin na may kontribusyon kung bakit nangyari ang mga nangyari.
We could blame them for years and hate the things they've done to us... or we could just move forward.
Our mistakes and the wrong doings of other people doesn't define us but the way we respond to it could. Hindi natin kayang baguhin ang nangyari na at hindi natin kayang kontrolin ang desisyon ng ibang tao.
And maybe... no matter how messed up things are, siguro nga ay mayroon din dala iyon na bagay na positibo sa buhay natin. It's not false positivity but rather it's just life. There's ups and downs and there's a cause and effect. Katulad kung paanong sa kabila ng mga nangyari ay ngayon nandito ako kasama si Gun.
Kung tatanungin ako noon kung posible ba mangyari ang araw na ito siguro ang sagot ko ay hindi. I never thought that the world would give me another chance to be with him. Akala ko wala na akong karapatan na manatili sa tabi niya. But now here we are. Kasama ko siya sa pagharap sa sikreto na noon ay isa sa mga naging dahilan na sumira sa aming dalawa.
"Nakakatuwa na gustong sumama ng mga kapatid mo na pumunta rito."
"They want to meet her too you know?"
"Celestine," I whispered the name that Gun and I decided on. Because the name means from the heavens. Ibinigay siya sa akin ng langit at kahit na sandali lang iyon ay sapat na iyon. Isang bagay na tanggap ko na ngayon. I borrowed her and now she's back in the heaven as our angel.
I settled everything. Nagawa kong bitawan ang mga bagay na pumipigil sa akin noon na maging masaya. Now I'm free from almost everything except this.
Gusto kong maalala ang anak namin na hindi man lang namin nayakap, hindi ko nakita na nagmulat ng mga mata, hindi ko nakita ang unang ngiti, the child that will never be able to wake me up at night crying for me. Hindi ko magagawang makita ang una niyang pagtayo, paglalakad... I won't be able to see her grow up. It hurts to think about but I don't want her to be just a sad memory.
So I need to free myself from the pain and guilt by stopping myself from hiding her.
Kaya nang sabihin ko kay Gun ang balak kong pagpunta ay tinanong ko siya kung gusto niyang sumama. He agreed instantly, knowing that this is what we both need. Pero ang nakakatuwa roon ay hindi lang siya kundi maging ang mga kapatid niya ang nagpresinta rin na sumama. Thorn said that they should meet their niece too. Kaya ngayon ay lahat kami nandito.
Napatingin ako sa harapan namin nang marinig ko ang malakas na hiyawan. Nakangiting napailing na lang ako nang hindi ko na matanaw ang mga kasama namin na natatakpan na ng mga matataas na damo na nakapaligid sa amin dahil mukhang narating na nila ang ituktok.
"They're ruining the peace," Gun mumbled.
I let out a soft giggle before wrapping my arm around his waist. Dahil sa ginawa ko ay mas napalapit ako sa kaniya at mukhang wala naman siyang problema roon dahil naramdaman ko rin ang pag-angat ng braso niya na kaagad yumakap sa balikat ko. He pulled me close and that's how we finish our walk to the peak of Mt. Pulag.
Katulad ng ilang beses naming pagpunta rito ay pakiramdam ko wala pa rin tatalo sa ganda na nakikita ko sa paligid. Unlike my first time being here, I have seen a lot of beautiful places. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa. But if I need to choose one, hinding-hindi ko ipagpapalit ang lugar na ito.
Kapag nandito ako ay pakiramdam ko abot-kamay ko ang langit. Iyong pagod sa byahe at sa pag-akyat parang balewala kapag nakarating na rito.
Nang maghiwalay kami ni Gun ay ang lugar na ito ang naging saksi sa lahat ng sakit na hinahayaan ko ang sarili ko na maramdaman lang sa araw na pumupunta ako rito. Just one day where I can let myself feel everything.
Now we're here on a different day and different purpose. Now I am with Gun. The one person that made all the difference. Dahil kahit nasasaktan pa rin ako ay alam kong hindi ko na kailangan itago iyon, hindi ko kailangan ikahiya, at hindi ko kailangan kayanin na mag-isa. We're here not just to feel the pain but to let go of it.
Nagkatinginan kami ni Gun nang muling umihip ang hangin. Pero imbis na maramdaman ang lamig niyon ay para bang mainit ang naging pagyakap no'n sa amin. I felt him rubbed my shoulders and he lean down to give me a quick kiss on the forehead.
"Kinain mo lahat ng pagkain, Kuya? That's an offering!"
"Wag kang fake news, Trace. Hindi ko inubos at hindi iyong para kay Celestine ang kinakain ko kanina."
"Gluttony is a sin."
"So is blasphemy."
Nakita ko ang magkapatid di kalayuan sa amin. Kasalukuyang may nakalatag na picnic blanket sa damuhan habang si Axel ay isa-isang nilalabas ang mga pagkain na dala niya. Karamihan sa mga iyon ay prutas. Hindi naman kasi siya pwedeng magdala ng kung ano-anong pagkain na baka masira lang sa tagal ng byahe namin.
Mukhang hindi pa sana sila tapos magtalo pero wala silang nagawa kundi huminto nang pumagitna sa kanila si Thorn na para bang any moment ay pipingutin sila kung hindi nga lang sila masyado ng matatanda para roon.
"Let's go," Gun said to me before guiding me towards his brothers.
Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit doon ay napatigil ako nang may mapansin ako. Sa kaliwa kasi nila Thorn ay nandoon si Pierce, Coal, Domino, at Luna na parang may tinatakpan. Iyon nga lang ay may awang sa side ni Luna na hindi niya matakpan dahilan para bahagya kong makita iyon.
"What is that?" I asked.
"Bakit ba kasi ang nipis at ang liit mo?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Pierce sa kapatid.
"Aba malay ko. Kasalanan ko ba na higante kayo?"
Napangiwi ang apat nang mapatingin sa direksyon namin ni Gun. "Mamaya pa dapat ipapakita 'to pagkatapos ng-" Natigilan si Domino nang bigla na lang siyang ilagay sa headlock ni Coal. "Aray!"
Nameywang si Trace at tinignan ang mga kapatid. "Hindi ba talaga tayo sasayaw ngayon? Ang dami pa naman naming na-practice na dance moves ni Lucienne."
"Quiet," Thorn said to him, his eyes narrowing.
Sasayaw? Dito sa bundok? I looked up at Gun with a confused look. "Why are they acting weird?" I inclined my head to his brothers pointedly. "Except kay Trace. Normal niya na 'yan eh."
"Wow. It really hurts na maging pogi na ganito," reklamo ni Trace.
Gun sighed loudly and raised his hand as if shooing the four away. Kaagad namang umalis ang apat at iginaya ako ng lalaki para lumapit sa bagay na tinatakpan nila. When we were near enough, I stopped on my tracks and stared at the thing with wide eyes.
Inangat ko ang nanginginig na kamay at tinakpan ko ang bibig ko nang maintindihan ko kung ano iyon. Kaagad nanlabo ang mga mata ko sa luha habang nakatitig doon.
It's a tombstone.
Celestine Dawson
"An angel from the heaven"
Kulay itim iyon na animo gawa sa marmol at salamin. It has pressed flowers mixed into them. Bulaklak na meron din ang kwintas na suot ko. An Edelweiss flower; a symbol of love and devotion.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan ko si Gun. "I wanted to bury her but I was afraid that I won't be able to find her again. The nature is changing so much." Gamit ang libreng kamay ay kinuha ko ang maliit na kulay itim na pouch sa bulsa ko. "Her ashes were so tiny that they fit in here. It didn't took long before she disappeared with the wind."
"Then she will be at the green grass, she will be at the earth that cover the vast land of Mt. Pulag, she will be in the cool breeze, the sea of clouds... and she will be in the flowers of Edelweiss." Marahan niyang pinisil ang hawak niya na kamay ko. "She'll be everywhere in this place that witnessed so much of our love."
"I'm sorry." I whispered as tears cascaded down my cheeks. Alam kong ayaw niyang marinig ang paghingi ko ng patawad but it feels right to do so.
Inangat niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "There's nothing to forgive but if you really want to apologize then I forgive you... as long as you forgive me too."
"We're sorry too."
Nilingon ko ang nagsalita at nang makita ko na si Thorn iyon ay umiling ako. "You don't-"
He shook his head and cut me off. "We're sorry for not understanding you."
"For accepting you as part of our family and yet we didn't look enough to see the lies," Pierce said this time.
"We protect people but we didn't protect you," Axel continued.
"You came back and we didn't gave you a chance." Nag peace sign si Trace. "Pero konti lang ako. Mas malala sila."
Binigyan ng masamang tingin ni Coal ang kapatid at nagsalita rin. "We acted as assholes even without hearing your truth."
"We should have treated you better," Domino followed.
"They should have," sabi ni Luna na pinagkrus ang mga braso. Nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang mga kapatid ay bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. Her eyes are so clear that I know there's no lies in her words. "We love you, you know? Because you're perfect for our brother and we know that you would have been a perfect mother to baby Celestine. What happened wasn't your fault. It wasn't anyone's and Celestine knows that. Alam niya 'yon kasi sobrang importante niya para sa'yo na hindi mo siya basta kinalimutan."
Naramdaman ko ang maiinit na mga kamay na dumampi sa magkabila kong pisngi. Gun gently turned my head so I can look at him as he wiped my tears away.
Wala akong makita sa mga mata niya kundi pagmamahal para sa akin. There's no fear in them or doubt or even a hint of disappointment. He's just Gun. The man that will always be there to center me and raise me up when the weight of the world feels too much. And yet... he never see me as someone that is weak. Because he always always believed in me.
Lumapit sa kaniya si Thorn at may inabot sa kaniya ang lalaki na magkakatali na mga bulaklak. Edelweiss flowers.
Hinawakan niya lang iyon imbis na ibigay sa akin at may maliit na ngiti na sumilay sa mga labi niya. "Ilang taon kitang hindi nabigyan nito."
"Gun..."
"We have so much to celebrate. Your heart is free now and I am here with you, I get to be in the place where my daughter flew back to heaven, and I have my complete family here; my siblings, you, and our daughter."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. I know what's coming at alam ko rin na alam niyang hindi iyon lingid sa akin ngayon. Because that's how Gun and I have always been since the very first time that we met.
Connected and transparent.
Despite the things we needed to overcome, we're still that. We still have that. Nakakabit ang puso ko sa kaniya katulad kung paanong ang buong ako ay habangbuhay na magiging kadugtong siya.
Kinuha niya ang isang kamay ko at ibinuka niya iyon. Ipinatong niya sa ibabaw ng palad ko ang bulaklak na akala ko ay magkakatali ngunit hindi pala. Sa halip ay binubungkos iyon ng isang maliit na bagay.
A ring.
It has a simple platinum band and on top is a round brilliant cut diamond encased by an Edelweiss shaped frame.
"Ikaw lang ang nag-iisang babae na gusto kong makasama sa buhay ko. Ikaw lang ang nag-iisa na kayang mahalin ng puso ko. The moment that I first saw you, I already know. There's no one else for me but you, Lia, because from the very start you already own me like no one else will ever be." His eyes searched for mine and his were so alight with joy. There's a certainty in his voice... so sure of everything that he's saying. So certain of us.
"Y-You really need to ask me the question now, Gun."
He chuckled under his breath and then he pulled the ring from the flowers. Itiniklop niya ang kamay ko para hindi ko mabitawan ang mga bulaklak at pagkatapos ay kinuha niya ang isa ko pang kamay.
"Asterio means star but it became a weight of darkness to you. You don't need that star, Lia, because you're already shining just by being you. You are my star. My Edelweiss, the star shaped flower that can survive the harshest weather. You bloom through adversity and nothing clouded your shine and nothing dimmed your light despite the things you've been through. You gave me so much. Kaya pwede kaya? Pwede kaya na hayaan mo ako na may ibigay din sa'yo? My name, my promise, my heart, and my life... all yours completely for the rest of our lives."
Pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko nang habang hawak pa rin ang kamay ko ay dahan-dahan siyang lumuhod hanggang sa nakatukod na ang isa niyang tuhod sa lupa. He looked up at me and he whispered the words that I never thought I will ever hear. "Will you marry me?"
Sunod-sunod na tumango ako kasabay ng masaganang luha na bumalong mula sa mga mata ko. I felt him slid the ring on my finger but I didn't stopped to admire it and instead I threw myself to Gun who stood up and immediately caught me in his arms.
He was my first kiss.
He was my first love.
He's the man that I would spend the rest of my life with.
And in there surrounded by family, the sea of clouds around us, and the sky towering above... there where I became officially his for the first time, there... love found the hearts that it lost for a moment. Hearts that became whole again after finding their way back to each other.
There the love was sealed by a promise bound by the stars that are shining inside the hearts of those that wander and finally been found once more.
___________________End of chapter 28.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top