Chapter 27: The Way You Make Me Feel
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 27: THE WAY YOU MAKE ME FEEL
LIA'S POV
"I'm coming with you."
"Gun, we talked about this. I need to do this alone."
Madilim ang mukha ng lalaki nang lingunin niya ako pagkatapos ihinto ang sasakyan. Hindi niya gusto na gawin ko ito mag-isa. Hindi ko siya masisisi dahil hindi nagiging maganda ang kinahihinatnan kada haharapin ko ang mga taong ipinunta ko ngayon. Kung tutuusin nga ay sariwa pa sa aming pareho ang araw na huling nakita namin sila.
Gun is a little gun shy, excuse the pun, when it comes to people that will only hurt me. Hindi man sa pisikal na paraan iyon.
After what happened to Maddy, I can't say that it's been easy on me. Lalo na nang mapatawan na sila ng parusa ng korte. They were charge for three counts of attempted murder, conspiracy to commit murder, illegal wiretapping, illegal detention, stalking, and assault. Both Gio and Maddy will face the maximum of year of each crimes but still... there's no such thing as life sentence here in the country.
It something that made Gun angry. He believe that they should have more years in prison. Iyon nga lang ay may limitasyon ang taon na maaaring igugol ng isang tao sa kulungan. There's a limit of forty years that's why even if multiple murders are committed, the person won't be charge more than the equivalent of the maximum sentence. Maswerte na nga at umabot pa ng matagal ang sentensiya ni Gio. Dagger pushed hard to be able to have that result. Even Travis helped to strengthen the case against them. Nakalabas na kasi siya nang mapatunayan na wala siyang kinalaman sa mga pangyayari.
Maging si Damian na sa tulong ng mga bodyguard ng ama ay nagawang iligtas si River ay tumistigo rin laban sa dalawa at sa iba pang may kinalaman sa mga pangyayari. The one who attacked me that night, Roco Castero, is facing a great deal of charges as well.
I don't need to think about them for a long time anyways. Ayokong alalahanin pa sila. I'm not going to live my life with their shadows.
If I'm being honest, it's not easy to watch Maddy receive that kind of life. Paulit-ulit ko lang sinasabi sa sarili ko na wala naman akong magagawa. They chose that path. I could never changed the course of their decisions because that's not in my power. What we do with our lives relies on our own hands.
I no longer want to carry another burden that is not mine to carry.
Kaya nandito ako ngayon. I need to take off the load so I can finally live without regrets. Kailangan ko ng kumawala at sa pagkakataon na ito ay sa permanenteng paraan.
"Five minutes, Lia, and then I'm going in," he warned.
"Twenty."
Naningkit ang mga mata niya dahilan para mapangiti ako. "Ten."
"15 minutes."
"Lia-"
"Fine. Ten then," I relented.
Hinawakan ko ang pintuan ng sasakyan para sana buksan iyon pero bago ko pa magawa iyon ay naramdaman ko ang kamay ni Gun sa braso ko. Nagtatakang nilingon ko siya pero sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ako sa batok at hinila palapit sa kaniya. I felt the warmth of his lips on my forehead. "Hurry back."
"Okay."
"Don't let them be an ass to you."
"That's impossible for them." Nangingiting tinapik ko ang pisngi niya. "Stop worrying about me. I have you so I'm okay."
Sandaling nakatingin lang siya sa akin habang hindi pa rin ako pinakakawalan. Hinayaan ko lang siya dahil naiintindihan ko siya. Ayaw niya akong mawala pero higit pa roon ay ayaw niya na magkaroon ako ng rason para umalis.
But the thing is... I never felt at peace until now. Finally after years of searching for it, I can feel myself taking root to a place that I know I could stay safely forever because he will be beside me.
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. I smiled at him before I opened the door to exit the car. Huminga ako ng malalim kasabay ng pag-ihip ng hangin na kaagad yumakap sa akin. I looked up at the place that I escaped from years ago.
Walang pinagbago iyon na para bang hindi lumipas ang panahon. Mataas ang gate at mga bakod na para bang sinasabi na walang maaaring makapasok doon ng basta-basta. But to me, it always feel like as if it's trying to keep me in. It's no different from a prison cell.
"Ma'am Lia?"
Napakurap ako at nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Napangiti ako nang makita ko ang driver na hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay nagtatrabaho pa rin dito. Siguro ay nasa late fifties na siya.
"Dito pa rin po pala kayo nagtatrabaho Mang Albert."
"Nako dapat nga magreretiro na ako. Ang kaso ang agang nabuntis ng anak ko. Batugan pa ang napangasawa kaya kailangan ko pa rin talagang magtrabaho."
"Nasa poder niyo pa rin po?"
"Opo eh."
Sandaling natigilan ako nang may maisip. Ang alam ko kasi ay sa Cavite talaga siya nakatira noon. "Sa Cavite po?"
"Opo, Ma'am. Nakatira sila do'n sa bahay tutal nandito naman ako lagi."
"Hindi ko alam kung paano kaya nakatagal dito." Isa siya sa saksi ng ugali ng mga magulang ko. Hindi ko rin masasabi na maganda ang trato nila sa kaniya. My parents never treated anyone right that they think is below them.
Napakamot siya sa batok niya. "Kailangan po eh."
Binuksan ko ang bag ko at may hinanap ako roon. Nang makita ko ang calling card ko ay inabot ko sa kaniya iyon na bantulot niyang kinuha. "Tawagan niyo po ako. Sa akin na lang po kayo magtrabaho tutal ay sa Cavite na ako lilipat at magiging mahirap na sa akin ang magpabalik-balik sa Cavite at Maynila. Mas malapit din po kayo sa anak niyo kung sakali."
Bumakas ang gulat sa mukha ng matandang lalaki. "Naku, Ma'am, hindi ko alam kung papayag sila-"
"Hayaan mo sila. Takasan mo rin katulad ng ginawa ko." Napangiti ako nang sumilay din ang ngiti sa mga labi ng matanda. Siya kasi ang nakakakita noon sa akin kapag gusto kong tumakas ng bahay. Siya rin ang nakakita noong araw na tuluyan na akong umalis. Pero kahit kailan ay hindi niya ako sinumbong. He was my grandmother's driver before he became ours. Bata pa siya noon noong nagtrabaho siya para sa lola ko. "Tataasan ko ho ang sweldo niyo. Para hindi niyo na kailanganin magtrabaho ng matagal. May mabait pa po kayong ipagdadrive."
"Salamat po, Ma'am."
Tinanguhan ko siya at itinuro ko ang gate. "Pwede ba akong pumasok?"
"Tutal po eh aalis na rin ako wala ng kaso kung mapagalitan ako."
I beamed at him when he opened the gates wide. Pumasok ako at dire-diretsong nilakad ko ang pamilyar na daan patungo sa mismong bahay.
If you look at it, it's almost picture perfect. Berde na berde ang mga damo at halaman. Kumpulan din ang mga bulaklak. Everything looks uniform, pristine... and well, perfect. But the place has no life. It's eerily quiet na para bang wala iyong tao at kung hindi man ay takot ang mga tao na mag-ingay.
Sobrang layo sa bahay ni Gun.
Kahit hindi ko kinumpirma sa kaniya ay alam kong hindi ko na magagawang umalis sa bahay niya. After all, he made that house with me in mind. Kaya kahit hindi ko alam kung anong nag-iintay sa amin bukas at sa susunod pa ay hindi ako nangangambang sabihin na hindi na ako muling babalik sa dati kong buhay. Sa pagkakataon kasi na ito ay hindi na ako mag-isa.
Muli akong huminga ng malalim nang marating ko ang malaking pintuan ng bahay. I pushed the two doors wide open and entered the house. Kaagad kong nakita ang dalawang taong ipinunta ko na ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa sala.
"Look who's here." My father smiled maliciously as he took me in. "Nahimasmasan ka na ba dahil sa pagdakip sa iyo ng sarili mong manager? Nang taong pinagkakatiwalaan mo?"
I have no expectation when I went here. Hindi ko inaasahan na tatanungin nila ako kung kamusta ako. My parents will never be that kind of parents and I accept that now.
"Kung nahimasmasan sa paraan na ngayon ay alam ko na ang mga taong dapat kong pakawalan, then yes."
Gumuhit ang galit sa mga mata niya at tumayo siya. Hindi niya ako nilapitan pero pamilyar na ako sa paraan ng pagkakatayo niya. He's trying to intimidate me. Again. "You never learn. Alam mo ba kung anong eskandalo ang binigay mo sa pamilya natin? Ang kahihiyan na ikaw na naman ang may dala?"
"Kahihiyan 'yon? Someone conspired to murder me and I should be embarrassed?" I looked at my mother who stayed quiet at his side. "Of course that's how you will look at it. Hindi naman ako nag-expect ng iba pa."
"What are you doing here, Adelia?" my mother asked coldly.
"To tell you to stay away from my life."
"Ikaw ang pumunta rito-"
"No, you don't get it." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin, "I escaped this place years ago but you two didn't let go. Your claws have always been gripping me tight. Nandito ako para pakawalan ang sarili ko ng tuluyan mula sa inyo. You can't use your crimes against me. Hindi ako ang dapat na magbayad no'n."
Anger blazed in my father's eyes. "You ungrateful little brat."
"I don't want any calls, emails, or even messages from you. Ayokong makikita kayo sa Dagger, sa bahay ni Gun, at sa kahit saan na nandoon ako. I am severing all ties from you. I want you gone from my life."
"Why did I even bother trying to mold you to be just like we are? You don't have it in you," he said through gritted teeth.
"I never wanted to be like you. I'm only an Asterio by name. Pinalaki ako ng lola ko. Siya lang ang nag-iisang pamilya ko."
"We did it for your sake!"
Nanatili akong kalmadong nakatingin sa kaniya at hindi man lang ako naapektuhan sa pagtaas ng boses niya. "For my sake? Kailan pa ako naging prioridad?"
"You're an Asterio but you're also a woman. The men in this family will walk all over you without second thoughts. You needed to be strong. Pero hindi ka nakinig. Hindi ka natuto."
"The way you treated me didn't made me strong. It only taught me to see myself as a failure again and again. It taught me to run away and let go of the things that mattered. Hindi ko na kailangan malaman kung paano ako apakan ng ibang tao sa pamilya natin dahil sa inyo pa lang naranasan ko na lahat 'yon." Naglakad ako palapit sa kanila at ibinaba ko ang paper bag na dala ko sa upuan. Inilabas ko ang isang crocheted scarf na kulay dilaw mula roon at ibinaba ko iyon sa ibabaw ng coffee table. I looked at my mother and I saw the surprise in her eyes. "You love crocheting before. You didn't give me one but I stole this from you bago ako umalis. I don't know why I did it... but you're my mother after all."
Walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha ng ina ko pero nanatili siyang nakatitig sa dilaw na scarf. I looked away from her and I met my father's eyes. "Hindi ko alam kung bakit pinili niyo ang ganitong buhay. I thank my grandmother for teaching me a different path. That's something you two will never understand. You'll get older and older day by day and in the end of it when you think you have everything you'll realize that you don't. Walang anak na mag-aalaga at walang mga apo na makikitang lumaki. Because this is the last time that you will have a daughter. This is the last time that I will think of you as my father and her as my mother. Dahil pag-alis ko rito hinding-hindi niyo na ako makikita pati na ang magiging pamilya ko. I will never show my face in front of you again even on the day of your funeral."
Bumuka ang bibig ng ama ko pero sa unang pagkakataon ay walang salita na lumabas mula roon. For the first time, Adelio Asterio is lost for words.
"Sana sa susunod na buhay ay hindi na kayo ang maging mga magulang ko. But most of all I wish that you'll be born in a family that will teach you how to be better parents. Kasi hindi ko kailanman magagawang hilingin na may ibang bata pa ang isilang sa mundo mula sa mga taong katulad niyo." I pat the scarf with my hand. I never used it but it stayed at the bottom drawer of my closet. Nag-angat ako ng tingin at muli kong hinarap ang ina ko na ngayon ay titig na titig sa akin. "Kung meron akong ipinagpapasalamat ay iyon ang katotohanan na alam kong gagawin ko lahat para maging isang mabuting ina sa magiging anak ko. I'll sing a lullaby for my baby, read her bedtime stories, brush her hair, hold her hand when she's sad, I will never be the reason for her tears, I'll be there every birthday holding her favorite cake, I'll support her to whatever she wants to be, and on her wedding day... I'll be there too."
Walang kahit sino sa kanila ang nagsalita. Mapait ang ngiti na tumango ako sa direksyon nila at pagkatapos ay tuluyan ko na silang tinalikuran. Sandaling natigilan ako nang makita ko si Gun na nakatayo na pala sa pintuan.
His jaw is hard but I can also see the pride in his eyes. And that's enough for me and for the rest of my life. Hindi man ako biniyayaan ng pamilya na hinahangad ko... pero nagawa kong makilala ang isang tao na alam kong mamahalin ako higit pa sa kayang ibigay ng kahit na sino.
I walked towards him and I reached for his hand. Kaagad kong naramdaman ang pagsalikop ng mainit niya na kamay sa akin.
"Let's go," he whispered.
I nodded my head and I let him guide me out. I didn't look back. Not even a glance. Dahil sa pagkakataon na ito ay buong-buo na akong aalis. I will not have one foot stepping on the past while the other is on the future. This time... I'm letting go of everything that is holding me back.
This time, I'm flying for real.
MARAHAN na sinundot ko ang tiyan ni Lucienne na napahagikhik nang manlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng paggalaw mula roon. Bilog na bilog na ang tiyan niya na para bang any moment ay manganganak na siya kahit pa sabihin na malayo pa naman ang kapanganakan niya.
"My doctor said I shouldn't eat too much." Hinimas niya ang tiyan. "Anong magagawa ko kung masarap ang luto mo?"
Napailing na lang ako. Katulad ng nakasanayan na ata nila ay nandito na naman sila sa bahay ni Gun. Ang pagkakaiba nga lang ay kumpleto ang magkakapatid na Dawson. To say that I cooked a lot is an understatement. Amoy pagkain na nga ata ang buong-bahay ni Gun sa dami kong niluto. But thankfully, konti lang ang natira. Nakita ko pa ngang patagong nagbabalot si Axel kanina.
"But I think the baby is just big because his father is a giant." Inginuso ng babae ang asawa na nasa kabilang bahagi ng pool area at kasama ang iba pang mga kapatid. Nandoon din si Gun na nakaakbay sa kapatid na si Luna. Sa paligid namin ay rinig sa speaker na nagmumula sa loob ng bahay ang kanta na galing sa phone ni Trace.
Ngayong araw na ito nalaman ni Thorn at Lucienne ang gender ng baby. The baby's going to be Duke Nikolas Dawson; their first baby boy.
"Probably."
"I'm having a cesarean."
Napakurap ako. Bihira kasi akong makakilala ng taong voluntary na pipiliin iyon. "Bakit? Suggestion ng doktor?"
"Hindi, gusto ko lang. I mean... imagine the abuse that will happen... down there with the size of my baby," she whispered and pointed to her crotch. Kaagad nag-init ang magkabila kong pisngi. Kada kausap ko talaga si Lucienne ay kung saan-saan napupunta ang usapan natin. "They also said that I could be awake during the procedure. I told them that I want to watch whatever they're going to do to me."
Napanganga ako sa tinuran niya. Now certainly this is different. Who would want to watch how people will move around your organs? Apparently, Lucienne. "I don't think that's a good idea."
She waved her hand as if dismissing what I said. "It would be cool, promise. Pwede ko pa ngang ipa-video eh. Gusto mong panoorin?"
Sunod-sunod na umiling ako. "No."
Her laugh echoed around us and despite the current topic, I couldn't help but join her. Nasa ganoon kaming tagpo nang lumapit sa amin si Trace. Inangat ni Lucienne ang kamay niya na para bang nagpapatulong siya na makatayo. "Help me up, slave."
"Ang sarap mong itulak sa pool."
"I'm carrying your nephew."
"Okay," sabi ng binata. "Itutulak na lang kita kapag nanganak ka na."
Lucienne just stuck out her tongue at him. Tumayo na rin ako para tulungan si Trace na maiangat ang babae. Napapangiting pinagmasdan ko sila ng imbis na maglakad paalis si Lucienne ay umabrisete siya sa binata at sabay silang naglakad papasok ng bahay. Para silang aso't pusa pero magkasundong-magkasundo naman.
Instead of following them, umupo na lang akong muli sa gilid ng pool at ibinaba ko sa tubig ang binti ko. Tahimik na ikinukuyakoy ang mga paa sa tubig na tumitig lang ako sa kawalan.
Sa tingin ko kaya nandito ang pamilya ni Gun ay dahil para magawa niyang iligaw ang utak ko mula sa mga nangyari kaninang umaga sa mansyon ng mga Asterio. But to be honest... I don't feel anything. I'm just at peace.
Ang sarap palang maging masaya ng walang rason. Iyong payapa lang ang puso mo.
"Babe?"
Nag-angat ako ng tingin at napangiti ako nang makita kong nakatunghaw sa akin si Gun. Marahan kong tinapik ang puwesto sa gilid ko pero imbis na umupo roon ay may pinatong siya na throw pillow sa semento at bago pa ako makakilos ay inangat niya ako na parang wala lang ang bigat ko at inupo ako roon.
"You know, you could just ask me to stand up."
"Where's the fun in that?" Umupo siya sa tabi ko at inangat niya ang suot na pantalon bago ibinaba ang sarili niyang mga binti sa tubig. He bumped mine with his, playing footsy under the water. "Are you okay?"
Tumango ako at itinaas ko pa ang isang kamay ko na parang namamanata. "Promise." He searched my eyes as if looking for the lie in my word. When his body relaxed I know that he didn't find one. "Iyon ba ang rason kung bakit nandito ang mga kapatid mo... o may iba pa?"
"Iba?"
I know that most women find it embarrassing to talk about this but not me. Hindi ko naman kasi naranasan na matakot magsabi ng iniisip ko kay Gun. Of course aside from the things that created a wedge between us before.
"Just a heads up, I like it to be like this. Iyong tayo-tayo lang kasama ng pamilya mo. I don't want the thing that you did for Lucienne and Thorn. Though... I wouldn't mind seeing you dance."
Kumislap ang mga mata niya dahil alam kong naiintindihan niya ang tinutukoy ko. Umangat ang kamay niya at marahang inipit niya sa likod ng tenga ko ang kumawala ko na buhok. "You don't want a flash mob?"
"Nah." I looked at Lucienne's direction. Nakapaloob na siya sa mga bisig ng asawa. "Lucienne hid from the public for most of her life. Kaya maganda rin na naranasan niya ang ganoong klase ng atensyon. It's her day."
"And you?"
"Having you is enough for me." I saw the change in his eyes. The playfulness was gone, replaced by the warmth of his love. "I don't regret the life I have. Masaya ako sa musika at maipakita iyon sa iba. But I don't need them to see that part of my life. I think I have enough of the limelight."
"So you're telling me how you want me to propose to you?"
"Bakit? Wala kang balak?"
Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi niya. Bagay na bihira niyang ipakita sa iba. Ginagap niya ang kamay ko at magaang hinalikan iyon. Just on top of my ring finger. "Marami akong balak sa'yo."
Napataas ang kilay ko. I can hear the double meaning in his words. Pero bago pa ako makapagsalita ay tumayo siya at inabot sa akin ang kamay niya. Nagtataka man ay hinawakan ko iyon at hinayaan ko siyang aalayan akong makatayo.
"Gusto mong sayawan kita?" tanong niya.
Tumingin ako sa gawi ng mga kapatid niya. "Ngayon? Ipapakita mo ba sa akin ang version niyo ng What Is Love katulad kay Lucienne?"
"God, no."
Napahagikhik ako. May video pa kasi iyong special number ng magkakapatid para sa proposal ni Thorn sa babae na asawa niya na ngayon. Kitang-kita ko roon kung paanong parang gusto ng magpalamon sa lupa ni Gun habang sinasayaw ang babae na babaeng kanta ng Korean girl group na Twice.
"Ano naman? Blackpink?"
Pinaningkitan niya ako ng mga mata at napairit ako nang bigla na lang niya akong hinapit palapit sa kaniya hanggang sa halos wala ng distansiya sa pagitan namin. Kasabay no'n ay saktong lumipat na sa kasunod na kanta ang ngayon ay pumapainlang sa paligid. It's Tay Watts cover of The Way You Make Me Feel.
My laugh burst around us when he twirled me around before gathering me in his arms again to sway us with the beat of the song. Alam kong nakatingin na sa amin ang mga kapatid niya pero mukhang wala lang iyon kay Gun.
They're probably bewildered at their brother. Hindi naman kasi talaga ganito si Gun. But I'm always his exemption just like he is to me.
"Langgamin sana kayo!" narinig kong kantiyaw ni Domino sa amin.
"Sana all!" Nanggaling naman iyon kay Trace na sinundan naman ng pang-aasar din ni Luna. "Kuya iba ka na ngayon! Di ka na ma-reach!"
Gun blatantly ignored them and continued to dance with me. Bahagyang bumaba ang ulo niya sa akin hanggang sa tumapat ang mga labi niya sa tenga ko. "Mamaya ibang sayaw naman ang ipapakita ko sa'yo."
Now we're talking.
___________________________End of Chapter 27.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top