Chapter 25: Fire and Rain
#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung
CHAPTER 25: FIRE AND RAIN
LIA'S POV
Naramdaman ko na humigpit ang kamay ni Gun na nakahawak sa akin. Nag-angat ako ng mga mata sa kaniya at sandaling may namagitan sa aming dalawa. Mga salitang kaming dalawa lang ang nakakaalam.
His thumb circled on my hand soothingly and I let him. He asked me out to dinner kaya ngayon ay nasa pampublikong lugar ulit kami. Iyon nga lang ay nasa Maynila kami imbis na sa Cavite. This is the first time since Dagger took my case that I've been exposed to this kind of crowd. But despite the fear, my heart is calm.
"Anong oras daw dadating ang kaibigan mo?"
He's talking about River. We're supposed to meet tonight too. "Tatawag na lang daw siya kapag nandito na siya pero baka mamamaya pa 'yon kasi may kinita rin siya na mga kaibigan daw."
"Bakit kasi hindi niya na lang i-email ang mga ibibigay niya sa iyo?"
River called me three days ago to tell me that they finished some of our new songs. Usually hindi naman siya ang nagbibigay no'n sa akin kundi sila Miguel but he said that they asked him to give it to me. Noon naman kasi ay gusto ko talaga hardcopy ang ibibigay sa akin kapag irereview ko na. Iyon nga lang sa pagkakataon na ito ay gusto sana ni Gun na sa email na lang lahat o kaya ay ipadala na lang sa Dagger. Pero dahil nandito naman na kami at nandito rin si Gun ay pumayag na rin siya na kitain ko saglit si River.
"Hayaan mo na. Saglit lang naman 'yon." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at pagkatapos ay niyakap ko ang braso ko sa bewang niya dahilan para maging sobrang magkalapit ng mga katawan namin. "You'll have me all evening anyway."
"Not just the evening."
It's so freeing to be like this with him. Iyong bigat na nararamdaman ko noon ay kahit bakas hindi ko na maramdaman ngayon. Lucienne was right. It's different when I have someone with me- No... when I have Gun with me. All of him.
Pagkasama ko siya parang memorya na lang ang sakit. I know that the scars of the past are still there but I can't feel the pain anymore. Even visits of phantom pain is gone.
"Right. Not just the evening," I said in agreement.
Naagaw ang atensyon ko nang lugar na ngayon ay abot tanaw na namin. Nanlaki ang mga mata ko at saglit na nalagay sa pinakalikod ng utak ko ang lahat ng isipin ko nang makita ko iyon. "Holy shit! I love this place!"
Malayo ang pinagparkingan ni Gun kaya kinailangan din namin na maglakad ng may kalayuan. Sobrang dami kasi talaga ng tao rito. It's a place in Taguig. I'm just not sure kung saan ang eksaktong lokasyon.
Akala ko nga ay sa mamahalin na restaurant kami pupunta kaya nga nagsuot pa ako ng dress na casual pero appropriate pa rin sa ganoong klase ng mga kainan. I may not be fond of eating in five star restaurant but it doesn't mean that I don't appreciate some of them. Lalo na kung si Gun ang kasama ko.
The place he brought me to however has a bazaar na iba sa meron sa Tagaytay. Di hamak na mas malaki ang nandito. Iyon nga lang dagsaan din ang mga tao. Bukod doon ay may mga booth din ng mga pagkain at ilang al fresco restaurants. Meron ding mga establishment pero mukhang karamihan ay mga buffet.
Kaya naman pala pinagsuot ako ng cap at mask.
"I thought of bringing you to a five star restaurant but I thought that you would prefer this."
"This is so much better," I said in awe.
I heard him chuckle while his arms tightened around me. Dumiretso kami sa loob ng lugar at namamanghang inilibot ko ang paningin.
"They have goodies from different regions!" I exclaimed.
"Yep." Iginaya niya ako sa direksyon ng mga kainan. "Anong gusto mong subukan?"
"Lahat!"
Muli siyang natawa sa sinabi ko. Nag-ikot kami sa mga booth. Mas pinili ko iyon kesa iyong mga buffet restaurant dahil gusto ko iyong feeling na marami akong mapagpipilian at masusubukan na pagkain. Mas mura pa.
Hindi rin iilang beses na naligaw ang atensyon ko dahil sa dami ng mga nasa harapan ko. Para na ngang may kasamang tuta si Gun dahil hindi iilang beses na hinahawakan niya ang kamay ko para hilahin pabalik sa tabi niya.
After a few minutes of buying food from booth to booth ay nakahanap na rin kami ng upuan ni Gun. Ang ilang mga pagkain ay dala namin habang ang iba ay dadalin na lang sa table namin. May ibinigay sa amin na number na nakakabit sa stick.
Napansin kong napapatingin sa amin ang ilang mga tao. Ilang rason lang naman kung bakit sigurado ako na hindi ako ang tinitignan nila. Una ay si Gun na kahit ako man ay mapapatingin din. He's more delicious than any of the food here anyway. Ang pangalawa ay ang hawak namin na mga pagkain na halos hindi na namin mabitbit. Ang pangatlo ay ang mga stick na ngayon ay ginagawan ng paraan ni Gun para maitayo sa table namin. Iisa lang kasi ang lalagyanan ng stick per table. Iyon nga lang meron kaming apat na dala.
"We won't finish all of this," sabi ni Gun nang makaupo na kami.
"Of course not. Kaya nga bumili ako ng mga ito kanina." Ipinakita ko sa kaniya ang nabili ko sa isang booth kanina. It's a huge 4 in 1 tupperware organizer. May lock iyon para magkakabit sila. "Bumili rin ako ng eco bag, see? Para iuuwi natin iyong food na matitira."
Inihilamos ni Gun ang kamay sa mukha niya at natatawang napailing. I looked at him smugly before I placed my purchases on the seat beside me.
Hinintay namin ang ilan pa naming pagkain at ng maidala iyon sa amin dalawampung minuto ang lumipas ay nagsimula na kaming kumain. Maganang tinikman ko ang mga pagkain isa-isa at hindi miminsan na napapapikit ako sa sarap ng lasa ng mga iyon. Specially this Pork Humba. Yum.
"Ready ka na bukas?"
Natigilan ako sa pagkain sa naging tanong ni Gun. Inilibot ko ang paningin sa paligid bago bantulot na pinagpatuloy ko ang ginagawa. "Hindi pero kailangan."
"I know it's hard for you. You trusted Travis for years."
Nagkibit-balikat ako. "Desisyon niya ang lahat ng ito. He killed, Maddy. Kailangan niyang pagbayaran iyon."
"Lia..."
Napalunok ako nang naramdaman ko ang kamay ni Gun na inabot ang sa akin. The way he squeezed my hand was almost painful but I accepted it. I needed it.
"I was hoping that when I finally agreed to meet him that he will give me any reason to pull out the lawsuit. Pero hindi eh. Puro excuses lang ang binigay niya."
"Ganoon ang ginagawa ng mga taong gusto lang lusutan ang batas."
"Then he must rot in jail for it." Pagak na tumawa ako. "Kung tutuusin kung sinabi niya lang sakin, baka sakaling binigay ko sa kaniya ang shares. He wouldn't even need to pay me for it. Kung maayos niya lang akong kinausap baka ikonsidera ko. Gun, he lost a lot because of gambling and whatever he's using his money for. Paano ko naman ipagkakatiwala sa kaniya ang CAU ulit? Hindi lang ako ang umaasa sa ahensiya na iyon. My team is also dependent on it."
"It's not your fault."
"I know it isn't but it still sucks," I sighed exasperatedly. "After everything that happened, I wanted to quit. Now I don't have a choice but to stay."
Hindi na nagsalita pa ulit ang lalaki at sa halip ay hinuli niya lang ang mga mata ko at tinignan ako ng diretso. I nodded my head at him as if telling him that I'm okay. Tahimik na nagpatuloy ulit kami sa pagkain. A few minutes after, I pulled out my phone when I felt it vibrate.
"Si River na ba iyan?"
"No. It's Damian."
"Anong kailangan niya?"
I shrugged before I opened the message.
FR: DAMIAN
Hi, Lia.
I'm sorry that it's been awhile.
Free ka ba anytime soon? I'll be
in Tagaytay next week.
Tumipa ako sa cellphone para sabihin sa kaniya na hindi pa ako sigurado sa availability ko next week but I told him that I will inform him. Kaagad siyang sumagot ilang minuto lang pagkatapos kong ipadala ang sagot ko.
FR: DAMIAN
It's okay. I know you're probably busy.
Did you have dinner?
Sumagot ako at sinabi ko sa kaniya na nasa labas ako ngayon at nag di-dinner kasama si Gun. The last time we talked nasabi ko na rin ang tungkol sa estado ng relasyon namin ni Gun. Mukha namang mabilis iyon na tinanggap ni Damian. Swerte talaga ang babae na pipiliin niyang maging parte ng buhay niya. He's understanding and gentle with people.
FR: DAMIAN
Taguig? I love the restaurants there.
Saan kayo pumunta?
I answered him again but when I felt the phone vibrated again, I decided to ignore it lalo pa at napansin kong nakatutok na sa akin ang mga mata ni Gun. I smiled at him and I saw his eyes squinted in return.
Despite everything he still don't like it when I talk to the president's son.
"You need to get over it," I told him.
"Nope."
"He's a good man."
"Because he wants to get in your pants."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Sometimes he's really absurd. "You think that everyone around me have the hots for me."
"Well this time I am right."
Point taken. "Magkaibigan lang kami. Isa pa alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko. I'm here, right? We promised." I pointed at his chest kung saan naroon ang tato na kaparehas ng sa akin. "I'll always be in there and I will never walk away."
"And we're keeping it this time. Whatever happens."
I felt my throat clogged at that. Sandaling ikinuyom ko ang mga kamay ko na ngayon ay nanginginig na. Pilit na nginitian ko siya at tumango ako. "Whatever happens."
An hour passed when we managed to finish eating. Sinimulan kong ayusin ang mga pagkain sa container. Thankfully may mga lalagyanan sila kaya kahit pagtabihin ko ang ilan sa nabili kong tupperware ay hindi sila magkakadikit-dikit.
"You want to go the comfort room? Malapit lang iyon dito."
Umiling ako. "You go. Intayin na lang kita rito."
He looked at me for awhile. Inilibot niya ang paningin sa paligid bago napapabuntong-hininga na tumayo. Inayos niya ang suot na cap at akmang aalis na pero tumigil siya saglit at humarap sa akin. I looked up at him and I saw the worry in his eyes.
"I'll be fine," I whispered. "I promise."
"Stay here. Mabilis lang ako."
"Okay."
Yumuko siya at napapikit ako nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa noo ko. Sandaling nagtagal iyon doon bago pagkaraan ay pinakawalan na niya ako. Hindi lumilingon na naglakad na siya paalis patungo sa comfort room.
I stayed seated. Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko sa kanan kong kamay habang naghihintay.
Nakaramdaman ako ng kilabot sa batok ko at kaagad akong lumingon sa likuran ko pero wala naman akong nakita na kahit na sino. The place is too crowded.
Halos mapapitlag ako nang maramdaman ko ang muling pag-vibrate ng hawak kong aparato kasunod ng pamilyar na tunog na nagmumula roon. Kaagad na sinagot ko ang tawag nang makita ko na si River iyon. "Hello?"
"Nandito na ako sa labas. Saan kayo banda?"
Napapakagat sa labi na tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya para mahanap niya ako. Nasa gitna ang puwesto namin at hindi ko rin kabisado ang lugar. "I'm not sure..."
"Pero alam mong pumunta sa entrance?"
"Yes but-"
"Can we just meet here? Nag double parking lang kasi ako eh at wala na akong mahanap na puwesto."
Sandaling hindi ako nakasagot habang tumitingin pa rin sa paligid ko.
"Lia?"
May kung ano sa boses ng lalaki na hindi ko matukoy. There's also impatience in it. "Sige, hintayin mo na lang ako. Papunta na ko."
Binaba ko ang tawag at sinuot ko ulit ang mask ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa kabilang lamesa kung saan may tila mag-asawa na nakapuwesto. Kaagad nagtama ang mga mata namin ng babae. "Excuse me, pwedeng makikibantay lang ng table namin? Padating na ang boyfriend ko pero may kailangan lang talaga akong puntahan saglit."
"Sure. No problem."
Tinanguhan ko ang babae at tumayo na ako. Dala ang cellphone na naglakad ako sa daan na tinahak namin kanina ni Gun. Hindi naging madali iyon dahil talagang marami akong tao na nakakasalubong. Siksikan talaga.
I halted into a stop when a familiar tune hit my ears. Napakuyom ang mga kamay na nagpalingon-lingon ako pero wala pa rin akong nakilala na pamilyar na mukha. Malakas na nagsalita ako habang pilit na pinapakalma ko ang sarili ko. "Hindi ko kailangan na matakot. Travis is in prison. I'm safe now."
Kumakabog ang dibdib na naglakad akong muli. But for some reason, every step that I take felt like they were being copied. Para bang may nakasunod sa bawat hakbang na ginagawa ko. Like a shadow slowly following my every movement.
I was almost out of breath when I got out from the sea of people. Hinanap ng mga mata ko si River pero hindi ko siya nakita. I was about to open my phone to call him when I felt a presence on my back.
Naging mabilis ang mga pangyayari. Kasabay nang paghawak sa akin ng tao sa likod ko ay may humintong itim na van sa harapan ko. I didn't have the time to run when I was pushed forward at the same time that hands grabbed me and pulled me inside.
I opened my mouth to scream but the hand of the person behind me covered my mouth. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan kasabay ng mga kamay na para bang mga bakal na humihigpit sa pagkakahawak sa mga kamay ko. Bumadha rin ang dilim sa paligid dahil sa pagkamatay ng ilaw ng sasakyan.
"Don't you dare do anything if you don't want him to get hurt." A familiar voice whispered in my ear. "Right now he will be followed. One wrong move from you and he'll die. You don't want that, right? Not to the man you are crazily in love with."
A tablet pc was thrust in front of me and my eyes widened in fear when I saw Gun at the screen. Nakayuko siya at hindi kita ang mukha sa camera pero kita sa bulto niya ang tensyon habang hinahanap ako. Kita rin sa screen kung paanong inangat niya ang cellphone sa tenga niya at kasabay no'n ay ang pagpainlang ng tunog sa paligid ng van.
Sunod-sunod na umiling ako pero nawala na ulit ang tablet sa harapan ko at muling kumalat ang dilim sa paligid. A hand grabbed the phone I'm still holding and because of the light coming from the device, it illuminated the person holding it.
The man pulled the mask he's wearing and a chill run through my body when I saw his face. Kumurba ang ngiti sa mga labi ng lalaki na para bang aliw na aliw siya sa mga nangyayari.
"Long time no see, Lia. Miss me?"
The man that is holding my fate on his hand, the real person that is behind of the nightmare of my reality... finally caught up to me.
Gio Maceo.
__________________End of Chapter 25.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top