Chapter 24: At Last
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 24: AT LAST
LIA'S POV
Nagkatinginan kami ni Gun na nakaupo sa harapan ko. Tahimik na kumakain kami kasama ng iba pa niyang mga kapatid at ni Lucienne dito sa bahay niya. Tahimik. That's the key word. Isa kasi iyon sa mga bagay na imposible kapag magkakasama ang mga kapatid niya lalo pa at nandito rin si Trace.
It was only yesterday that all the drama happened. Pagkatapos kasi nang pag-uusap namin ni Gun ay siya na lang ang humarap sa mga kapatid niya dahil nakatulog na rin ako sa sobrang pagkapagod mula sa mga nangyari.
But Gun told me this morning how his brothers took care of my parents. Sinabi rin nila ang tungkol sa sitwasyon ko at kung paanong mapipilitan sila na ilagay ang mga magulang ko sa listahan ng suspects kapag hindi nila ako tinigilan. They also threatened them with the truth about their connection to the syndicate group that Dagger managed to neutralize.
My parents never expected for me to just tell Gun about that fact that they thought I would want to hide forever. Kaya nga kampante sila na takutin ako at hawakan sa leeg sa pamamagitan no'n. They also didn't know that Gun and his family already knew their association with the syndicate. So now with their tails tucked behind their legs, they scurried away.
"Hindi ko na kaya 'to!"
Mahinang nagsalita si Thorn para sawayin ang asawa. "Lucienne, quiet."
"Hindi ako matutunawan sa sobrang stress Bossing Thorn."
"Ako rin! Gutom na gutom pa naman ako!" reklamo ni Trace. Akmang bibitawan niya na sana ang kubyertos pero sandaling isinubo muna niya ang pagkain na nasa kutsara pa rin niya bago binitawan iyon. I cooked garlic butter steak and a hashbrown casserole.
"I'm going to put you two in a timeout if you don't stop-"
"It's okay," I said, stopping whatever Thorn was about to say. "Alam ko na alam niyo na ang tungkol sa mensahe na iniwan ko sa Dagger noon tungkol sa grupo ng sindikato na kinabibilangan ng mga magulang ko. I'm not angry or anything on how the way you treated me at first because I know that I deserved it still. Dahil akala niyo pa rin ay ang rason ko talaga sa pag-alis ay hindi lang tungkol sa mga magulang ko kundi sa kasinungalingan na sinabi ko kay Gun."
"Lia, you don't have to explain."
Umiling ako at nginitian ko si Gun bago ko binalingan ulit ang mga kapatid niya. "Karapatan niyong magalit kasi sinaktan ko pa rin ang kapatid ninyo. I told him lies that he believed and of course you all did too. At that time, I relied on those lies. That's what I needed. It was wrong and I hurt Gun but I'm slowly learning to forgive myself because this time I'm not carrying the burden alone." I looked at the man I love and I saw his eyes glinted with understanding. "Because you're here, right?"
"Always."
Nagdaan ang kung ano sa pagitan namin at pagkatapos ay inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Alam kong nakatuon sa amin ang atensyon ng lahat pero sa sandaling iyon ay pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo.
It's because once again, I'm not alone. Once again I'm a part of a whole. Hindi na lang "ako" dahil meron ng matatawag ulit na "kami".
I know what it's like to feel helpless and scared. I know what it's like to have a gun in my hand but rather than shooting it to what's coming after me, I ended up just hurting myself and the people that wanted to protect me. Kasi siguro gano'n talaga. Ang hirap harapin kapag sa sarili mo ang kailangan mong ayusin. It's easy to look at the external factors than to face what's killing you inside.
But my decisions didn't do any good. Kinulong ko lang ang sakit sa pinakakaibuturan ko habang hinaharap ang sakit na kaya kong tignan sa mga mata. I faced the pain of losing Gun so I could forget the pain of losing the life that was once part of me.
"Meron din kayong kailangan pang malaman."
Humigpit lalo ang mga kamay ni Gun sa akin at tinapunan ko siya ng ngiti. Binalik ko ang mga mata ko sa direksyon ng mga kapatid niya na naghihintay sa sasabihin ko.
It feels different being able to admit it now. Sa kabila niyon ay hindi pa rin madali. I spent years trying to bury it. Hindi ko iyon nagawang aminin kay Gun at sa kahit na sino. I couldn't even admit it to my own self.
Now it's different...
"When Gun and I broke up, I told him that it was about the company. Kasi nang mga panahon na iyon ay hindi maganda ang estado ng Dagger. Sinabi ko rin sa kaniya na hindi ko gusto ang bagay na gusto niya para sa amin... and that's to have a family. Those were lies." Huminga ako ng malalim at pilit na nginitian ko ang lalaki. "Then you found out about my family. Totoong isa sila sa dahilan na nagtulak sa akin para umalis-"
"Pero kung iyon nga ang dahilan mo, bakit ka nag-iwan ng sulat na makakatulong sa amin noon? Kung hindi mo gustong malaman namin ang involvement ng pamilya mo, you wouldn't gave us that- aray!"
Napangiwi ako nang makita ko kung paanong basta na lang binatukan ni Luna si Trace na halos nakipag face to face sa pagkain sa plato niya. Pero si Lush ang nagsalita na masama rin ang pagkakatingin sa kaniya. "Kaya nga nagpapaliwanag siya! Shh ka lang diyan!"
Masama ang tingin ni Trace sa babae pero hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay nakangusong hinawakan niya na lang ang nasaktan na batok.
"That's true, Trace. Hindi ko dapat ginawa iyon kung ang rason ng pag-alis ko ay dahil lang sa kahihiyan ng pagkakaroon ng kinalaman ng mga magulang ko sa sindikato na iyon. It was one of the reason, yes, because it's a proof of how tainted my existence could be to everyone around me."
"Lia," Gun said with a warning in his tone. Ang ayaw niya sa lahat ay ang naririnig ang mga ganitong salita mula sa akin.
"I understand now, Gun. Or at least I am beginning to." Umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang bilog na kwintas ko na may maliliit na totoong bulaklak na nakalagay doon. Buds of edelweiss. "I got this flower from Gun's favorite mountain. Pumupunta kami ro'n kada anniversary namin which is also my birthday. But I went there alone after the break up and when I came down from the mountain, I have this baby edelweiss with me. So even if it's hard for me to admit the truth... even when it's hard to just think about it, I could still have something to keep that day. The day I let the wind take the ashes of our baby."
The air around us grew thick and I heard a gasp coming from Lucienne. Huminto sa kaniya ang paningin ko at nakita ko ang pag-uunahan ng luha mula sa mga mata niya.
"It's okay Lucienne. It was very selfish of me to hide it anyway. I should have told him."
"It's not easy to lose a child, Lia. Maybe it was selfish because Gun deserved to know too but at that time you were cornered. That's what you needed and no one should judge you for the reason that you carried alone for years and managed to protect Gun from," she said while trying to wipe her still crying eyes.
"But I was also protecting myself so I can't take credit for that. Natakot ako sa magiging galit ni Gun. Natatakot ako na maramdaman kung paano ko siya binigo. I was afraid-"
"And you have the right to be. Buong buhay mo iyon lang ang alam mo. Failure and disappointment. Iyon lang ang ipinaparamdam sa iyo ng mga taong sana naging pundasyon mo. You protected yourself because for a long time you were left alone doing that. You don't want Gun to hate you? Of course you don't. Even if he wouldn't, at that time, hindi ka maniniwala. Nakakatak na sa iyo kung ano ang dapat asahan sa isang pagkakamali dahil iyon ang ipinakita ng buhay sa iyo." Hinawakan ng babae ang sarili niyang tiyan na ngayon ay nakaumbok ang magiging anak nila ni Thorn. "Life taught me that too, you know? Kung paanong ang hirap maging masaya kasi sa huli binabawi rin iyon. Even if I know I am safe now and there's nothing to be afraid of may pagkakataon pa rin na natatakot ako at nag-iisip na paano kung may hangganan ang kasiyahan ko? Kung ako ang nasa katayuan mo noon at kung hindi ko pa kilala ang sarili ko katulad kung paano ko natanggap lahat ng ako ngayon dahil kay Thorn, I would have left too. Kaya kung may manghuhusga sa iyo, I would help you poison them and dispose the body."
Matalim na tinignan niya si Trace na nailuwa ang kanina ay pasimpleng isinubo at sunod-sunod na umiling. "Wala akong sinasabi. I am totally on Lia's side on this one."
Pinunasan ko ang sariling luha mula sa mga mata ko na kumawala sa akin dahil sa mga sinabi ni Lucienne. Maybe that's why she's so open. Sana lahat ng tao katulad niya. Pure, open, and warm.
Even if it doesn't make what she gone through right... maybe there's also a good thing that came from it. She's stronger and it made her who she is now. At dahil sa mga pinagdaanan niya ay nagagawa niyang tulungan ang mga taong katulad ko na nararanasan kahit paano kung paanong mapagkaitan ng tadhana.
She went through fire and she's been chiseled but instead of becoming a rock, she came out as a diamond. Just like I should be too.
My tears were blinked away when Gun suddenly pulled me off my chair. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang init niya na kaagad bumalot sa akin. I closed my eyes for a moment and just let my heart be filled with his love.
Iyon nga lang ay hindi nagtagal parang bumigat at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagulat pa ako nang makita ko si Trace na nakikiyakap sa amin.
"We're all in this together once we know that we are, we're all stars-"
Naputol ang pagkanta niya sa theme song ng High School Musical nang bigla na lang siyang hilahin ni Domino at Coal paalis bago pumalit sila sa pagyakap sa amin ni Gun. Nakita kong sumunod din ang iba pang mga kapatid nila kahit na mukhang nag-aalangan pa ang ilan sa kanila lalo na si Pierce at Thorn. They let Luna inside the hug that now have red eyes from crying.
"I'm sorry, Lia.," Axel whispered. He's not crying but I can see the wet in his eyes. He's really like an innocent baby. Sa lahat naman kasi talaga sa magkakapatid ay parang siya iyong walang masamang tinapay. Kumbaga hindi siya mabilis makaisip ng masama sa kapwa. He's just pure. Protect Axel at all costs. Konti na lang ang taong katulad niya.
"It's okay, Axel."
"I'm sorry too. I was too harsh with you," Pierce muttered before looking away.
Napuno ng sunod-sunod na sorry ang paligid namin. It was so overwhelming. Hindi naman ako humihingi ng sorry mula sa kanila kasi alam ko naman ang mga mali kong desisyon. But they are freely giving it. Hindi sila nagdadamot ng pagpapatawad at hindi rin sila nangangamba na humingi no'n.
The word sorry is easy to say but it's not easy to accept. Lalo na kung ang paghingi at pagbibigay niyon ay para sa sarili mo. But I should learn how because I'm not alone anymore.
I smiled at Gun who's looking down at me with his eyes shining bright. Now that I'm beginning to free myself, I can see how it's doing the same with him too.
I can't help but remember the day we first met. How connected we were. I lost that for awhile... and now I have it back again. That consuming feeling, the connection, the intertwined fates.
Naramdaman kong gumaan ang bigat na nakadantay sa amin nang lumayo na ang mga kapatid niya. Gun pulled away as well but he wrapped an arm around my waist. Humarap kami sa iba pa pero imbis na umupo sila ay nakatingin lang silang lahat sa iisang direksyon.
Kay Trace at Lucienne na abala sa pagkain.
"What?" namumualan ang bibig na tanong ng babae. "Hindi ko inaway si Lia kaya hindi ko kailangan sumali sa group hug. Ako nga lang kakampi niya noong una eh."
"Ako ang nagsimula kaya pwede na akong kumain," sabi naman ni Trace.
Hindi ko na napigilan at napabunghalit na ako ng tawa. Naiiling na nilingon ko si Gun na nakangiti na rin habang nakatingin sa akin. Iniyakap ko rin ang braso ko sa kaniya at nakangiting nagsalita ako. "I love your family."
"They're yours too."
PAKIRAMDAM ko lumulutang ako sa alapaap habang tinitignan ang mga nakapalibot sa akin. This feels like heaven. Hindi ko nga alam na may ganito palang lugar dito sa Tagaytay kasi pag pumupunta naman kami ay parang napakatahimik lang ng lugar. Kadalasan kasi sa Manila ko lang nakikita ang mga ganito. Considering pa na nasa mall.
"This is my favorite place now."
Umangat ang sulok ng labi ni Gun na umakbay sa akin. Dinala niya kasi ako sa Serin Mall kung saan may bazaar ngayon. "Maliit lang 'to kumpara sa bazaar ng ibang lugar."
"Hindi naman ako nakakapunta sa mga gano'n. EVen with a disguise there's always a possibility of someone recognizing me."
Dito kasi sa Tagaytay ay hindi naman dagsaan ang tao. Para ngang iyong marami rito ay konti pa rin para sa Maynila. Iyon nga lang kahit na ayoko na sana mag-disguise ay pinilit pa rin iyon ni Gun. Kung tutuusin kasi marami rin ang turista kaya mahirap na nga naman kapag nakilala ako.
So now here I am wearing a black mask and a black fisherman's hat. Mukha akong turista na may sipon.
"They're selling bulk Nori wrappers! We can make sushi or kimbap!" Tinuro ko ang mga nakahilera na pagkain habang hawak ko gamit ng isang kamay ang braso ni Gun. "They also have dried shrimp! I like that as a seasoning!"
Bago pa siya makasagot ay bumitaw ako sa kaniya at lumapit ako sa booth na tinuro ko. Kaagad na hinablot ko ang mga gusto ko na nakita kong ikinapanglaki ng mga mata ng tindera. Mukhang gulat na gulat kasi siya na kulang na lang hakutin ko lahat ng maabot ko.
"Lahat po ito, Nay."
"Nako, Ineng, salamat. Ikaw ang buena mano ko."
Halatang natutuwa na binalot niya sa malaking plastic bag ang mga pinamili ko at inabot iyon sa akin. Naramdaman kong kinuha iyon ni Gun at hinayaan ko naman siya dahil kukunin ko sana ang wallet ko. Pero bago pa ako makakuha ng pera ay naunahan na ako ni Gun.
"Hey!"
"You're not paying," he said firmly.
"But I want to-"
"No."
"Gun!"
"No, baby."
"I have money you know?"
"You can use it another day but today it's my treat."
Humalukipkip ako sa sinabi niya. Malaki kasi ang chance na hindi niya rin ako hahayaan sa susunod na araw magbayad sa kahit na ano pang maisipan namin na bilin. But of course... I could pay him back through another way.
"If you're going to pay me back the way I like to think you would, feel free to do so. Pero kung babayaran mo ako katulad ng dati mong ginagawa noon then no."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Noon kasi ay ugali ko na siyang bilhan ng kung ano-ano. Lalo na kapag mahal tapos pinag-iisipan niya pa kung bibili siya para sa sarili niya. Partly gusto ko lang siyang inisin pero malaki rin ang parte na gusto ko lang makuha niya lahat ng gusto niya. Isa pa nauunahan ko rin siya magbayad minsan. Hindi nga lang madali iyon lalo na kapag nakaantabay na siya.
"Don't worry. You'll get the kind of payment you want too." The kind of payment that will satisfy us both anyway.
"Lia."
Umabrisete ako sa kaniya at nagsimula na ulit kaming maglakad. "It's called a compromise, you know?"
Naging abala kami sa pamimili. Ang dami ko pa kasing mga nakita. I even bought pajamas that I probably won't be able to wear because I usually sleep naked nowadays thanks to the most insatiable man that is now mine again.
Nakabili rin ako ng notebook at ballpen na may unicorn design. Mahilig kasi si Lucienne sa unicorns. Binilan ko rin si Trace ng shirt na may print na #Friendzoned. Hindi lang pala kasi pagkain kundi marami pang mga gamit ang nasa bazaar. From food, clothes, to books, and even appliances.
I was currently busy looking at different silicone cookie trays na iba-iba ang shape nang marinig ko ang boses ng babae na tinatawag ang pangalan ni Gun.
"Gun! Omg I can't believe you're here!"
Kunot ang noo na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses para lang manlalim iyon nang makita ko ang isang babae na halos sumampa na kay Gun. The woman is tall with shoulder length hair, she's wearing jeans but with a top na malapit ng maging bra sa sobrang ikli no'n, and she's pretty.
I usually don't care about what other people wear. Hindi rin ako naniniwala na basehan ang damit para husgahan ang isang tao. But her clothes and the way she's trying to climb Gun is forcing my inner dragon to wake up.
"Leah, I'm with-"
"I've been trying to call you pero you changed numbers na! Nalaman ko kasi na nilipat niyo na ang opisina niyo rito. Is it because of me? Kasi dito ako nakatira?"
Wow.
Nakita kong napalunok si Gun nang mapatingin siya sa akin. Alam kong sa kabila ng mask na tumatabing sa kalahati ng mukha ko ay alam niyang malapit na akong sumabog.
I can feel the nerve on my forehead twitched when I saw the woman's hand started to rub Gun's chest. Even if it's not Gun I don't think tamang pag-uugali ang ganito sa pampublikong lugar.
Bago pa magawa ni Gun na alisin ang kamay ng babae ay nakalapit na ako sa kanila. I stopped the woman's hand from moving and pulled it away. Binitawan ko rin naman kaagad ang kamay ng babae na ngayon ay gulat na napatingin sa akin.
"He's with me."
Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. I'm wearing a black baggy bohemian pants and a loose black blouse. Bukod pa roon ay may suot din ako na sumblero. Katulad ng sinasabi ni Trace noon sa akin kapag ganito ang ayos ko, mukha raw akong pinabili lang ng toyo sa kanto.
"You?"
I crossed my fingers together. I don't want this to be like in cliche movies kung saan kailangan maging magkaaway ang current girlfriend sa ex-girlfriend. O ex-fuck buddy base na rin sa sinabi noon ni Gun na hindi na siya ulit nakipagrelasyon pa ulit pagkatapos namin. Casual entanglements. That's what he called it.
"Me."
A haughty smile curved the woman's lips, proving me that cliche characters also exists in real life. She looked at Gun and I can feel the heat of my body began to simmer when she touched him again.
"Gun, I never thought you'll be someone who enjoys junk... food." The woman threw me a glance. "I thought you prefer meat?"
Dumilim ang mukha ni Gun. Kung ayaw niyang naririnig ang insulto para sa akin mula sa akin mismo ay mas lalong ayaw niya iyon kapag nanggaling sa iba. "Leah-"
"Meat?" putol ko kay Gun. "You're skin and bones and you describe yourself as meat?"
"I'm toned not skin and bones. Gun loves to work out. Doon nga kami unang nagkakilala. After that... he enjoyed the meat that I have to offer while I enjoyed his."
"You are so crass. You look educated but clearly schools can't teach manners to people na tinatanggihan na matutunan iyon." The she-bitch lost her haughtiness at my words. "Women of all generations gone through so much for us to act like this don't you think? If I'm your mother, I'll smack you in the head to shake some sense into you."
"How dare you?!"
"I dare because the man you're treating like a piece of meat is my man. Sweetie, hindi sa kama unang dinadala ng lalaki ang isang babae na magagawa niyang ilipat ang buo niyang kumpanya para lang mapalapit siya. Dagger being in Tagaytay is called coincidence."
"What a big coincidence," she said sarcastically. "Well you can believe what you want. Pero kapag iniwan ka niya kasi bumalik siya sa akin, 'wag ka sanang magalit."
"You really think he's going to do all the hassle of moving here after months of not talking to you when he just fucked you then leave you?"
"I'm good in bed."
"I am better." Nilingon ko si Gun at tinaasan ko siya ng kilay. He opened his mouth to speak but he was interrupted again.
"At paano mo naman nasabi?"
"I am class and you are cheap. And no, I'm not a junk food. I am a buffet." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Binabalik-balikan."
Humakbang ako palapit sa babae habang ang kamay ko ay umangat. Nakita kong napaiwas siya na parang natakot na baka sampalin ko siya. Probably not a first time for her considering the attitude she has. But I have no plans to stoop down on her level. Imbis na gawin ang inaakala niya ay inalis ko ang mask na suot ko at direkta ko siyang tinignan sa ngayon ay nanlalaki na niyang mga mata na kababakasan ng pagkagulat.
"I am that tattoo that you probably saw on his chest. I am the reason why after he fucked you, he didn't even stay to cuddle. I am the reason why he didn't call you. I am all that because I am Lia Asterio, his woman." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Our names sounded similar but the similarity ends there."
Naiiling na lumapit sa akin ang lalaki at hinapit ako palapit sa kaniya. Sa pagkabigla ko ay bigla na lang bumaba ang ulo niya sa akin at sa isang iglap ay sakop na niya ang mga labi ko.
I can hear the cheers around us... from people that might have recognized me and from people that are probably just cheering because of the kiss. I don't care. To hell with the world. I'm on my island. Maliit na isla na ang tanging meron ay si Gun at ako.
His eyes were shining when he pulled away from me. I felt my heart stir when he bumped his nose with mine, a gesture that I always loved. That's how it was with Gun. Minsan parang nagbabaga ka dahil sa inis, minsan nagliliyab ka dahil sa init na kaya niyang iparamdam, but sometimes it's just like a warm sunshine on your face... just purely sweet.
Nang muli siyang makaayos ng tayo ay hinarap niya si Leah na ngayon ay namumula ang mukha sa pagkapahiya habang nakatingin sa amin.
"Yeah. I'm hers." Gun's arm tightened around me. "I love buffets."
_________________End of Chapter 24.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top