Chapter 22: Droplets
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 22: DROPLETS
LIA'S POV
Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko na may humawak sa akin. I saw Gun who was about to carry me from the floor where I was sleeping. Naglalaro lang ako kanina sa cellphone ko dahil abala siya sa trabaho. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Seriously, Lia. May sofa naman."
Tinulungan niya akong makatayo. Imbis na tumuloy sa kuwarto ko... o kuwarto niya ay sumalampak na lang ako ng upo sa malambot niyang sofa. Hindi ako sigurado kung anong oras na pero base na rin sa dilim na kumakalat na sa labas ay mukhang ala-sais na ng gabi.
"Pwede ka namang matulog muna. Tatawagin na lang kita kapag nakapagluto na ako ng dinner."
I ignored him and instead I reached for his hand to pull him to me. Napaupo rin siya sa sofa at bago pa siya makakilos ay kaagad akong kumubabaw sa kandungan niya. Humilig ako sa dibdib niya habang nakayakap ang mga braso ko sa bewang niya.
When I felt his hand gently brushed my hair with his fingers, I closed my eyes and contentedly sigh. It's been a stressful two weeks. After the project with Raja, we needed to take care of some things. And right now I don't want to think about all of that yet.
"Gusto ko ng bacon," sabi ko sa kaniya.
"Alright."
"And egg."
"Hmm."
"And fried rice."
He let out a chuckle. "So you want breakfast for dinner?"
"Yeah."
Naramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng baba ko. Inangat niya ang mukha ko para tumingin ako sa kaniya. I can see the humor coloring his eyes and also something else. "Anything for my baby."
My heart started thumping wildly because of his words. Alam kong naririnig niya iyon lalo pa ay lalong kuminang ang mga mata niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata para itago ang hiya na nararamdaman ko dahil alam kong nakabalatay rin iyon sa magkabila kong pisngi na nag-iinit na.
He just laughed again at my response and before I could do anything else, his head went closer to me and he lightly kissed me on the lips. Pagkatapos niyon ay maingat na ibinaba niya ako sa sofa bago naglakad na patungong kusina.
"I want lots of bacon."
He just looked at me again before shaking his head. Not as a negative answer to my request but rather because he's finding me funny.
Pinaikot ko ang mga mata ko at lumapit na lang ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan nakapatong ang hawla ni Harper. Nakabukas na ang pintuan no'n dahil bihira ko lang naman talaga siyang ikulong. Usually kapag bago lang siya sa paligid. But she's used to Gun's place now kaya hindi na ako natatakot na mapapahamak o mawawala siya.
Inilusot ko ang kamay ko sa hawla at kaagad naman siyang sumampa roon. Nang mailabas ko siya ay inilagay ko siya sa balikat ko kung saan kuntentong sumiksik siya sa leeg ko.
"She's noisy."
Harper chirped by what Gun said. Marahang tinapik ko siya sa gilid ng ulo. "Don't worry Harper. Kakampi mo ko. Hindi ka naman talaga maingay."
"She woke me up early in the morning."
"She's singing. She's a canary bird."
"Ang sabi nila 99 percent na lalaki na canaries lang ang marunong kumanta."
Umabot na ata hanggang hairline ko ang taas ng kilay ko sa sinabi niya. "Well Harper proved everyone wrong. She's the one percent because she can sing. She defeat all the odds. Right Harpz?" Bilang sagot ay tinaas ni Harper ang dalawa niyang pakpak at ibinaba rin iyon bago nagsimulang humuni.
Male canaries are usually the only ones that can sing full songs. Female ones can but only short ones. Mas malakas kasi ang boses ng mga lalaking canary bird. But Harper is part of the small percentage that can really sing long tunes.
Kinuha ko si Harper mula sa balikat ko at nang makasampa siya sa kamay ko ay bahagya ko iyong ginalaw. "Go."
Kaagad namang lumipad si Harper at nakita kong natigilan si Gun nang dumapo sa balikat niya ang ibon. Nginisihan ko siya nang magsimulang kumanta si Harper habang nasa balikat niya. Imbis na paalisin si Harper ay bumuntong-hininga lang ang lalaki at nagpatuloy sa ginagawa.
I saw him opened the fridge which reminded me of something. "Oh! Don't cook the eggs!"
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at inginuso ko si Harper na parang walang pakielam sa mundo na kumakanta pa rin sa balikat niya.
"Be sensitive of Harper's feelings!"
Sandaling nakatingin lang sa akin ang lalaki na para bang kinukuwestiyon ang katinuan ko pero imbis na makipagtalo pa sa akin ay naiiling na lang na sinarado niya ulit ang fridge at ang freezer na lang ang binalingan niya.
Isinandal ko ang siko ko sa dulo ng sofa habang ang mukha ko naman ay nakapatong sa mga kamay ko. Pinanood ko lang siya habang nagluluto at para namang balewala lang sa kaniya iyon. Sometimes he will look at me and his eyes will twinkle as if he's amused with me.
A woman could get used to this. Just a normal lazy day while watching your man cook for you. Or the other way around. Just a day that there's a two of us.
Pero paano kung ito lang ang meron ako? Sandaling pagkakataon lang. What if the universe is just granting me what I want for the last time? I asked for it a countless of times. Just one moment with him. Kahit sandali lang na makasama ko siya ulit. Kahit sandali lang na maranasan ko ulit kung paanong maging kaniya.
What if this is just another Cinderella moment? That when the clock strikes 12... everything will go back to how it used to be?
I blinked my eyes repeatedly when I felt my eyes got blurry. Nang mawala ang panlalabo sa mga mata ko ay nagtama ang mga mata namin ni Gun na natigil sa ginagawang pagluluto at ngayon ay direktang nakatingin sa akin.
I immediately looked away. Humiga ako sa sofa at itinuon ko na lang ang mga mata ko sa kisame.
I don't know how long I stayed there. Basta blangko lang ang utak ko at tulala lang ako. Which is kind of refreshing because this past few weeks ay abala ang utak ko sa mga rumaragasang isipin dahil sa mga nangyayari sa akin.
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang tawagin na ako ni Gun. Instead of using the dining table ay inihanda na lang niya ang pagkain sa center island kung saan naman kami talaga lagi kumakain. Nagagamit lang ata ang lamesa niya rito sa bahay kapag dumadating ang mga kapatid niya. Bagay na napapadalas dahil for some reason ay bigla na lang silang sumusulpot kapag trip nila. Specifically kapag oras ng tanghalian o hapunan.
"Wow. That's a lot of bacon."
"You love bacon," he said before giving me my plate.
Tinanggap ko naman iyon at umupo na ako sa isa sa mga stool. I snap my fingers and pointed at the cage. Napangiti ako nang bahagyang manlaki ang mga mata ni Gun nang bigla na lang umalis mula sa balikat niya si Harper at bumalik sa kulungan niya.
"Are you a bird whisperer? I don't think teaching a bird is that easy."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Parang may imaginary tango dancer na nagsimulang sumayaw sa utak ko habang tinititigan ang lalaki, pababa sa katawan niya, hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa harapan niya. Napalunok ako nang makita kong hawak niya ang kahuhugas lang na kutsara na basa pa at kasalukuyan niya iyong ipinupunas sa dulo ng shirt niya. It gave me the chance to glance on his hard stomach.
"Pwede rin," bulong ko habang napapakagat pa sa labi. "And it's hard... very hard."
Gun's built always dwarfed me. Idagdag pa na malaki talaga ang katawan niya. Parang pwede kang maglambitin sa kaniya at hindi man lang siya mahihirapan kapag ginawa mo iyon.
He's all man.
My man.
Ipinilig ko ang ulo ko kasabay nang paggapang sa akin ng guilt. Sa pagkagulat ko ay natagpuan ko siyang nakatingin na sa akin. May pilyong ngiti sa mga labi niya dahilan para muling magkulay kamatis ang magkabila kong pisngi.
"Kapag hindi mo tinigilan ang kakatingin may iba pang bagay ang magiging matigas."
"Gun!"
"What?" he asked with a chuckle.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago pahablot na kinuha ko mula sa kaniya ang kutsara. Natatawang inabutan niya rin ako ng tinidor. Nanghahaba ang nguso na nagsimula akong kumain pagkaraan.
"So why a bird? Kadalasan aso o pusa ang choice ng mga tao sa gusto nilang maging alaga."
Nagkibit-balikat ako. "I wanted a dog. Kaso masyado rin akong abala sa ginagawa ko at hindi ko naman pwedeng laging isama ang aso."
"It's hard to travel with a bird too."
"Harper is a unique bird. She doesn't act like normal birds do. For one, I didn't buy her. We were in a shoot and I found her. May injury siya noon and she's also too young. Mukhang inabandona ng mama bird. So I took her in until she's healed. Gusto ko sanang ibigay siya talaga sa mga nag-aalaga talaga ng canary or pakawalan siya but she didn't want to leave. I even let her stay sa kakilala ko na may place talaga for birds para natural habitat ang matutuluyan ni Harper. But she didn't eat for days so kinuha ko na lang siya ulit."
If I'm being honest I really didn't want to let her go. Pero naisip ko rin noon, paano kung ninanakawan ko siya ng chance na mabuhay ng normal dahil lang sa gusto siyang manatili na sa akin?
"She chose you."
Napatingin ako sa kulungan ni Harper at napangiti ako. "She did."
"She's cute."
"Don't let her hear that." Napatawa ako nang muli kong tignan si Harper. Nakaharap kasi siya sa amin at muling itinaas ang mga pakpak na parang nagyayabang. "Too late."
The atmosphere was light all throughout the dinner. Nang matapos kami ay nananatili akong nakaupo doon habang tinitignan ang plato ng bacon kung saan marami pang natira. Sobrang dami naman kasi talaga ng niluto ni Gun.
"Anong gusto mo para sa dessert?" tanong ng lalaki.
I pursed my lips as if thinking. May cupcakes kami sa fridge na ginawa ko noong isang araw. Meron din kaming Confetti dessert bars na binake ko kahapon.
"Ice cream," sabi ko.
Nilabas ni Gun ang galon ng vanilla ice cream na nasa freezer. Inabutan niya ako ng baso at kutsara. Sumandok ako ng marami no'n at saktong kauupo lang ng lalaki ulit sa stool para sana kumuha ng kaniya ay saka ko naman kinuha ang natirang bacon. I saw Gun's eyes widened when I crumbled the bacon into pieces and sprinkled it on top of my ice cream.
"What?" I asked. "This is a thing."
"That's disgusting."
This is not new to me. Bacon and ice cream is a thing. In the first place the reason why I love cooking is because I love food. It's been a hobby of mine to explore gastronomic delights even sometimes they could be weird.
Tumayo ako para lumapit sa fridge. Kinuha ko ang chocolate syrup na ako rin ang gumawa at pagkatapos ay bumalik ako sa puwesto ko. Inilagay ko ang syrup sa ibabaw ng ice cream na lalong ikinalukot ng mukha ni Gun.
Kumutsara ako ng malaki at inumang ko iyon kay Gun na sunod-sunod na umiling. "Nope."
"Try it."
"No-"
Wala na siyang nagawa nang basta ko na lang isumpal sa bibig niya ang kutsara. Napangisi ako nang makita ko na parang gusto na niyang iluwa iyon.
I pulled the spoon and I looked at him with my left eyebrow raised. "So?"
Halatang napipilitan na nginuya niya iyon at nang malulon niya iyon ay saka siya nagsalita. "What the fuck?"
"Masarap di ba?"
Nagsimula akong kumain at napaungol ako ng kumalat sa bibig ko ang lasa niyon. It's savory and sweet. What's not to like?
I continued eating as if there's no tomorrow. Mukhang nagustuhan din naman ni Gun ang combination niyon dahil hindi na siya nagreklamo nang lagyan ko ng bacon ang ice cream niya mismo. May iba nga naglalagay pa ng sili.
I moan again in as I keep on eating. Pakiramdam ko mananaba na ako. Ngayon lang naman kasi ako nagkaroon ng maraming free time para magluto at kainin lahat ng gawa ko. Noon kasi ay sunod-sunod ang mga proyekto ko.
Sandaling napatigil ako sa sunod-sunod na pagkain nang mapatingin ako kay Gun at nakita kong titig na titig siya sa akin. "What?"
"You shouldn't eat ice cream on a public place."
"Ha? Bakit?"
Imbis na sumagot ay umangat ang kamay niya sa direksyon ko. Pinahid niya ang gilid ng labi ko at pagkatapos ay dinala niya iyon sa sariling bibg. I watched as he tasted his own finger. The coldness from what I'm eating instantly melted and I can feel the heat starting to build at the center of my thighs as I look at him.
"You're right. It tastes good," he murmured.
"Everything with bacon tastes good."
A smile curve his lips and to my surprise, he started adding all the leftover bacon on the ice cream container. Impit na napatili ako nang tumayo siya at bigla na lang akong hinila habang dala-dala iyon.
"A-Anong ginagawa mo, Gun?!"
"Proving your statement."
PUMAPASOK na ang sinag ng araw mula sa maliit na siwang ng kurtina. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagising. I've been awake for awhile. O mas tamang sabihin na hindi ako masyadong nakatulog.
I let the silence embrace me as I keep on looking at Gun's sleeping face. He looks peaceful. Contented even.
Nakaunan ang ulo ko sa isang braso niya habang nakayakap naman ang isa pa niyang braso sa katawan ko. Imbis na umalis mula sa pagkakahiga ay nagpasiya ako na manatili na lang na nakakulong sa yakap niya. Ayoko rin kasi na magambala ang tulog niya.
Ang kasiyahan na nararamdaman ko sa sandaling kasama ko siya ay hindi kayang pantayan ang mga taon na magkahiwalay kami. Kahit pa sa mga taon na iyon ay marami akong napatunayan at nagawa. My happy place has always been beside him.
Pero ang hirap pala na maging duwag. I selfishly chose to break his heart with lies than to break his heart with my truth. Karapatan niyang malaman ang katotohanan. Karapatan niya iyon noon pa. Dapat matagal ko ng ginawa.
Karapatan niyang malaman kung ano ang naging mga kasalanan ko.
Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahan ko na inilapat iyon sa buhok niya. Marahan kong pinagapang ang kamay ko pababa sa pisngi niya habang ang mga mata ko ay abala sa pagkabisado sa mukha niya. The face of the man that I will love forever. Kahit pa dumating ang panahon na kamuhian niya ako.
"I want to keep you," I whispered, as I remember the words from that cartoon movie. "I just don't know how."
Gun is the rock of my crumbling world. While the earth around me is falling apart, he pulled me up and kept me safe on his steady grounds. Even if I lose the whole world and I stay on top of a small piece of land, if it means having him with me... I wouldn't mind not moving for the rest of my life.
"It was all my fault, Gun. I ruined us. I ruined what we both wanted." Mapait na ngumiti ako nang dampian ko gamit ng daliri ko ang mga labi niya. "I need to leave- no. You will want me to leave."
I trailed my hand down until it reach Gun's chest. Hinayaan ko ang kamay ko na nakalapat sa tapat ng puso niya. I can feel his strong heartbeat on my palm.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin pa rin sa nakapikit niyang mga mata. And for the first time after how many years... I whispered the words that I long to say, "I love you, Gunter Dawson."
I felt a single lone tear fell from the corner of my eye. Pumatak iyon sa braso ng lalaki na nasa ilalim ng ulo ko. Kaagad kong pinahid ang mga mata ko nang makita kong nagbago ang ritmo nang paghinga ng lalaki at ang bigla niyang pagkilos.
Mabilis akong umupo dahilan para makakawala ako sa pagkakayakap niya. Hinila ko paitaas ang nakatabing sa akin na kumot at tumalikod ako para hindi niya ako makita.
"Baby?"
"Bathroom," I said, my voice breaking.
Nagmamadaling tumayo ako at kinuha ko ang roba ko na nakasampay sa upuan sa isang gilid ng kuwarto. Mabilis ko iyong isinuot bago ko binitawan ang kumot para pumasok na ng banyo. When I got there, I splashed cold water on my face to wake myself up from my morning stupor. Nang matiyak ko na maayos na ako ay saka ako lumabas ng kuwarto.
Gun stood up when he saw the bathroom door opened. Nag-iwas ako ng tingin nang balewalang hinayaan niyang mahulog ang kumot na nakatabing sa kaniya at naglakad palapit sa akin. I mean... I've seen him naked and I felt him naked but it doesn't mean I don't feel embarrass of my thoughts whenever I see him like this. Specially with his morning... wood.
Walang salita na hinalikan niya ako sa noo bago ako nilagpasan para pumasok ng banyo. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakilos ko ang sarili ko.
Inayos ko ang hinigaan namin na kama at pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto para pumanaog sa kusina. Bahagya kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko nang makita ko ang lalagyan ng ice cream na nasa lababo. Poor innocent vanilla ice cream that didn't managed to stay vanilla.
"What's for breakfast?"
My spine straightened when I felt the heat of Gun's body on my back. Yumakap siya sa bewang ko at naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa leeg ko.
"Uhh... what?"
"Breakfast?"
Tumikhim ako at nilingon ko siya. Kailangan ko talagang tingalain siya dahil di hamak na mas matangkad siya sa akin. "Ako ang magluluto?"
"I cooked last night."
"I cooked and baked this past few days."
Kuminang ang mga mata niya at bago pa ako makahuma ay sa mga labi ko naman lumapat ang kaniya. It was a quick kiss but it was enough to make me remember all the activities we did last night. Mga aktibidad na nakakapagtakang nagagawa ko pang makatayo ngayon. When he was done with me last night it was as if I don't have any bones left in my body.
"Fine. I'll cook breakfast. Anong gusto mo?"
"Basta 'wag bacon."
Kumurba ang ngiti sa mga labi niya sa tinuran ko. "You don't like bacon anymore?"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at mahinang tinampal ko ang matigas niyang tiyan. Natatawang pinakawalan niya ako at hinarap na ang paggawa ng agahan namin.
Inabala ko na lang ang sarili ko kay Harper at sandaling nilinis ko ang kulungan niya. When I replaced her food and water, I walked to the dining area and opened the curtains. Kitang-kita ang kabuuan ng labas ng bahay mula roon. Iyon nga lang ay nagsisimula ng umulan kaya halos walang makita sa labas dahil sa fog.
"How about toast, egg, and avocados?"
I looked at him so I could wrinkle my nose at his direction. "You're such a health buff."
"Our body is a temple," he said simply. "So? Toast?"
"Fine," I grumbled.
Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Gun loves healthy food. Hindi naman sa unhealthy ang mga niluluto ko. I cook vegetables too. Iyon nga lang I also love comfort food and I have an addiction with cheese. Cheese makes everything better. Ayoko na lang iparinig kay Gun dahil baka kung ano na naman ang maisipan niya na gawin.
Gun on the other hand always try to make me eat more healthy foods. Pinasubukan pa nga niya sa akin ang powdered drink niya na I swear hinding-hindi ko na ulit titikman.
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang doorbell. Bagay na nakakapagtaka dahil alam ng mga kapatid niya ang pass code ng gate.
"I'll look at it," sabi ko kay Gun nang makita kong tumigil siya sa ginagawa. Tumayo ako at naglakad ako palapit sa pintuan para tignan kung sino ang nasa labas mula sa video intercom system ng bahay. May pinindot ako na buton para makita ko kung sino ang naroon.
I regretted it instantly. I wish I could rewind the day and go back to this morning. I want to be trapped into that few minutes that I could just stare at Gun while I'm in his arms.
I was delaying things. Alam kong gusto ni Gun na pag-usapan namin ang lahat pero alam ko rin na nirerespeto niya ang katotohanan na hindi ko pa kaya. I took advantage of that because I was buying some time.
A time where I could just be with him. Kahit sobrang sandali lang. Sandaling panahon na hindi ko siya masasaktan ulit.
But now fate intervened again and I've ran out of time.
"Lia who is it?"
I can feel my heart thundering as I looked at Gun. The dread of my past started to escape from their cages and now they are trying to take the lead.
"Lia?" Tuluyan nang binitawan ni Gun ang ginagawa at humakbang siya palapit sa akin. I instinctively stepped back and he noticed. His face hardened when he asked again. "Who's outside?"
"My parents."
___________________End of Chapter 22.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top