Chapter 21: Iris

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

CHAPTER 21: IRIS

LIA'S POV

Ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal ako sa kinauupuan ko. I'm not sleepy or tired. I spent how long losing sleep because of my fear of the shadow lurking around me. Pero nitong mga nakaraan ay naging payapa na ang kalooban ko.

It helps being with Gun. Lucienne was right. I would never feel safer than when I'm with him.

But the reason I'm feigning sleep is not because of that. Gusto ko lang talagang iwasan ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko. Most of them are sympathetic, some are just curious glances, and there are also those that are downright insulting.

"Eh di ngayon natuto siyang tumapak sa lupa."

That's just one of the things that I heard today. Para bang justified ang mga nangyari dahil sa kung ano ang tingin nila sa akin. As if Maddy's death was just an after thought... something that is lacking importance.

Kalat na ngayon sa lahat ang tungkol sa nangyari kay Travis. Everyone knew how he got detained by the police and how the case progressed to court. Pilit pa rin kasing itinatanggi ng lalaki na may kinalaman siya tungkol sa nangyari kay Maddy at sa mga pananakot sa akin.

Right now he's been stripped away from his position as the CEO of Crimson Artists United. I was supposed to be the interim CEO but I denied the position and instead I gave it to Travis' chief operating officer. I'm a silent partner even though I have a large share of the company and I want to stay that way.

Though I don't think being silent now is the literal right term dahil lumikha rin ng ingay ang tungkol sa shares ko sa CAU.

"People are stupid."

Napilitan akong magmulat ng mga mata nang marinig ko ang pagsasalita nang kung sino. Nabungaran ko ang isang lalaki na may maliit na ngiti sa mga labi niya. He's almost as tall as Gunter. Halata sa pangangatawan din niya na alaga niya ang sarili niya. He has a deep set eyes and pair of lashes that I envy, and his lips that I don't want to look at because even though Gun is the only man in my life it doesn't mean that I'm blind.

Mukha siyang artista o modelo man lang. But Raja Chandler shies away from the lime light and instead he spend his time making sure that someone take the spotlight for him. He's all about his artists and songs that he composed.

"People prosecute victims base on their ignorance from the truth. Which is fucked up already since why the heck people should blame victims in the first place?"

"That's because people are naturally shallow," I said to him.

Lumawak ang ngiti sa mga labi niya sa tinuran ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ng sofa kung saan ako nakapuwesto. Napataas ang kilay ko nang may iabot siya sa akin. It's a chocolate cake in a pack called Fudgee Bar.

"You haven't tried it?" he asked when he saw me looking at the small cake I'm holding.

"No." Nagkibit-balikat siya at binuksan niya ang sa kaniya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang dalawahing kagat niya lang iyon. "You must really love this."

"Yeah. Try it."

I thought about it for a moment and then I just decided to go ahead with it. Binuksan ko ang pakete at kinagatan ko iyon. When the taste hit me, I blink a few times in fascination.

"Masarap di ba?" tanong niya.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman kasi ako palabili ng kung ano-ano. Mas prefer ko kasi na magluto na lang ng sarili kong pagkain kung nasa bahay naman ako. Pag nasa labas naman kami ng team ko ay kadalasan chips at fast food lang ang binibili namin. That is if we don't have the time to go to a restaurant to eat something.

"You're not heavy on socialization." He said it as a statement. Not a question.

"Nope."

"I can't blame you. Kung ang mga tao naman na ito ang makakasama mo ay mas mabuti nga siguro na mapag-isa."

"You don't like people too."

Raja Chandler is known for being one of the pickiest composer in the industry. Taniyag siya sa industriya at marami ang gusto na kunin siya. But he doesn't work that way. Siya ang pumipili ng taong bibigyan niya ng musika na ginawa niya. Hindi siya basta-basta pumapayag na makatrabaho ang kung sino lang.

He's not a snob in the sense na kapag hindi sikat ay hindi niya tinatanggap bilang katrabaho. Marami siyang naging artists na nagsisimula pa lang bumuo ng pangalan.

"I don't. That's why I'm hiding in here because I know they won't approach you." Tinapunan niya ako ng ngiti at kumindat. "No offense."

"None taken. They avoid me not just because of the issue. Kahit noon pa ay ganiyan na sila."

"That's because they can't stand your straight forward attitude."

"Not my diva attitude?"

Pinanood ko ang lalaki nang kumuha na naman siya ng Fudgee Bar mula sa bulsa ng jacket niya. For a man with the kind of body that he has, magtataka talaga ang makakita sa kaniya kung paano niya kainin ang maliit na chocolate cake na iyon.

"That's just a made up bullshit by people who's pretending that their own attitude doesn't stink. I've worked with you a couple of times. I wouldn't have kung totoo ang mga sinasabi nila."

I inclined my head to the side quickly as if pointing at the people around us. "But you're working with them now."

"Why do you think I'm stress eating?" tanong niya pagkatapos kumagat ng malaki sa hawak. "Ang mga kompanya nila ang pumili sa kanila bilang representative. Kung ako ang makakapili baka karamihan sa mga kasama natin ngayon ay wala rito. I hate bitches and assholes."

Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya. Alam kong nasa amin ni Raja ang atensyon ng mga tao na nasa paligid lalo pa at iilan lang sa kanila ang nilapitan ng lalaki sa kanila. I know some of them are now trying to listen to our conversation. I mean hello? Obvious na obvious kaya iyong iba.

Nakita ko pa nga si Miranda San Jose na umaakto na para bang inaayos niya ang make-up niya sa vanity mirror na malapit sa amin kahit na hindi iilang beses na tumingin siya sa direksyon namin. I also saw the shock on her face nang sabihin ni Raja na hindi niya gusto ang karamihan sa mga tao na kasama namin ngayon.

Marami kasi kaming mga artist ang nandito ngayon. It's the day of the recording and shooting for Raja's project.

"It's a bit unfair don't you think? When you don't like people, they see it as a challenge. Pero kapag ako may diva attitude."

"That's because you're their competition. I'm just someone they want to work with."

I nodded in agreement. That's pretty understandable. "Point taken."

Inubos ko ang hawak ko na cake habang si Raja naman ay nagbukas ng panibago. That's three Fudgee Bar. I'm not the kind of person to count calories pero pakiramdam ko nag pa-party na lahat ng calories sa katawan niya sa mga oras na ito.

Lumipas ang ilang sandali na walang nagsasalita sa amin. Naging abala rin ako sa cellphone ko dahil may mensahe ako na natanggap mula kay River. Pupunta rin kasi siya rito sa event venue dahil kailangan din ng representative mula sa musical teams ng mga ahensiya naming lahat.

Pinaalam namin sa kaniya kaagad ang tungkol sa threat na natanggap ko. But of course he's more worried for me that he is for himself. Hindi man lang siya nagalit sa akin o ginusto na lumayo sa akin dahil nadadamay siya sa mga problema ko sa buhay.

"So... is that man your boyfriend?"

Nag-angat ako ng mukha nang magsalita si Raja. Naintindihan ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya pero napagpasiyahan ko na magpatay malisya lang. Ano naman kasi ang isasagot ko? I know now that something changed between Gun and I but it's not like we talked about our status. And I know why. I know he's waiting for me to be ready.

"Who?"

"Your bodyguard."

Mula nang makarating kami sa location dito sa Tagaytay ay hindi na humiwalay sa akin si Gun. Bukod pa sa kaniya ay nasa paligid din ang ilan sa Bolsters at Blade Points ng Dagger. And the silent protection coming from Raja's "connections".

Gun explained their system to me years ago. It's like imagining a real dagger. Mayroon iyong mga parte. The spine which is the back of the dagger, the blade, and the bolster which is the handle. All of them ends up with the point or the tip of the dagger.

In Dagger Private Security and Investigation, there are three classifications. The Blade Point, Spine Point, and the Bolsters.

Blade Points are those that handle field investigation and client security. Spine Points are those who are tasked for investigative research and security control. Ang Bolsters naman ay ang trainees ng parehas na departamento.

"I don't know... yet." Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya. "It's a bit complicated right now between me and Gun. Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang meron kami ngayon."

"Do you want it to be a little less complicated?"

"What-"

Hindi ko nagawang tapusin ang tanong ko nang sa pagkabigla ko ay dumukwang siya palapit sa akin. My eyes widened in surprise when his face suddenly was just inches from mine. Umangat din ang kaliwa niyang kamay na para bang hahawakan niya ang pisngi ko.

I was about to move away when I saw his hand was nearly touching my cheek but before anyone of us can take another move, I felt someone grab me by the arm and pulled me up.

Nagbabagang mga mata ni Gun ang nabungaran ko. Binitawan niya ako para lang hawakan sa kamay at bahagyang hinila papunta sa likuran niya. I can see the strain on his shoulders when he faced Raja.

Alam kong hindi lingid kay Raja ang galit na ngayon ay bumabalot kay Gun pero imbis na matakot sa ekspresyon na nasa mukha ng lalaki ay ngumiti lang siya na para bang balewala iyon. He has a death wish.

"You're, Gun. Lia's man right?" Kumikinang ang mga mata ni Raja nang tumingin siya sa akin. It was as if he's trying to confirm from Gun the question that I've been asking myself.

"Yes," he clipped.

Raja didn't look deterred by Gun's obvious anger to him. "Great. Maiwan ko muna kayo. I need to call my fiancée."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya pero nginitian niya lang ako bago tumalikod para umalis. Hindi ko alam na ikakasal na pala siya. Hindi naman kasi publikong tao si Raja. Aside from his music, I don't think he ever shared anything about himself to the public.

Hindi rin kasi normal ang atensyon na nakukuha niya. Usually, composers don't receive the same attention that singers do. Which is unfair because they're the genius behind every successful art. But Raja is different. Bukod sa katotohanan na isa siya sa eligible bachelors at hindi rin naman nakaligtas sa marami na talaga namang gwapo ang lalaki ay nanggaling din kasi siya talaga sa kilalang pamilya.

Her mother was a famous reporter and journalist. Ang ama niya naman ay kabilang noon sa banda na Royalty.

Napatigil ako sa mga isipin nang humarap sa akin si Gun. His irritation is still visible. Well, fuck. "I swear, wala akong ginawa. He approached me and gave me that chocolate thingy. We're not even close. We worked a couple of times but that's just it."

"You're seeing it but you're trying not to understand."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Humakbang siya palapit sa akin para kainin ang natitirang distansiya sa pagitan namin. I can hear the buzz of people around us starting to get louder.

"Kung hindi mo alam kung anong meron tayo bakit ka nagpapaliwanag na para bang ayaw mo na may isipin akong iba sa pagitan niyo?"

"W-Well... you looked angry..."

He leaned down, his hot breath fanning my face "You know you are mine. You just don't want to admit it yet."

Napalunok ako sa sinabi niya. I can feel whatever defense I have left starting to shatter into nothing. Sinubukan kong umatras para sana bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na makapag-isip o kahit huminga man lang pero pinigilan ako ni Gun sa pamamagitan nang paglagay ng kamay niya sa likod ko.

"Omg. She's clearly fucking her bodyguard."

"High and mighty pero sa help lang naman pala papatol. Baka kaya ayaw sa mga nagkakagusto sa kaniya kasi ang gusto niya eh 'yung babayaran niya?"

I felt my spine straightened. Hindi ko alam kung natunaw na ba ng UV mula sa mga cellphone nila kaka-selfie nila ang utak nila kaya hindi man lang nila naisip na naririnig ko sila. Maaari din na pinaparinig nila sa akin 'yon sa kagustuhan na manliit ako. Bitches and assholes.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga boses at matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanila. I gave them the coldest stare that I have and I saw their eyes widened in surprise when I met theirs without a hint of emotion.

Ang pagkatao ng iba ay nakikita sa pagtrato nila sa kapwa. The only reason that their negativity would be able to define me is by how I respond to their actions. Sisigawan ko ba sila? Should I return their insults? Nah. Mas masakit na sampal ang katotohanan.

Should I just let it go then? Not in this life time.

I have no plans to have a simple definition. I can't be classified by just one word that these imbeciles can think of when I know I am more.

"His name is Gunter Dawson. One of the owners of Dagger Private Security and Investigation. They are one of the highest paying agencies in the country. He's not just my bodyguard and he's not a help." Nag-angat ako ng tingin kay Gun na naglaho na ang iritasyon sa mga mata at napalitan ng pagkaaliw. Umangat ang kamay ko at kumapit ako sa suot niya na damit para lang hilahin iyon dahilan para mas mapalapit siya sa akin. Pinagapang ko paangat ang kamay ko hanggang nasa balikat niya na iyon. I curled my hand at the back of his head to pulled him down until his lips are near mine. "But you got one thing right. I am indeed fucking him."



NAPAILING na lang ako sa binabasa ko na article. Katatapos lang ang shooting para sa project ni Raja at kasalukuyan akong nasa dressing room kasama si Gun. Paalis na sana kami at iniintay ko lang siya matapos sa kausap niya sa telepono. Habang hinihintay siya ay napagdiskitahan ko na magbasa na lang ng balita.

Pwede na kasi akong umuwi. Hindi pa tapos lahat ng artist. Ang ilan ay magsisimula pa lang gawin ang part nila. Pinakauna kasi naming ginawa ay ang group performance para kung sakaling may kailangan na maunang umalis. Dagger didn't want me to stay expose to people for a long time kaya inuna ang individual part ko.

"I can't believe na nagpa-interview pa talaga siya. Para ano? Para ipakita sa tao na wala akong utang na loob dahil ayoko siyang kausapin?"

"That's why Axel called me. Nabasa niya rin ang balita." Madalim ang mukha ng lalaki nang humarap siya sa akin.

Travis allowed a journalist to interview him. Pinaliwanag niya roon na inosente siya at hindi magagawa ang mga binibintang sa kaniya kahit pa na malakas ang kaso laban sa kaniya. He has the motive and he doesn't have an alibi. Walang makakapagpatunay kung nasaan siya noong gabi na nangyari ang pag-atake sa aming dalawa ni Maddy. His wife and his teenage daughter can't even provide an alibi for him dahil wala siya sa bahay noong mga panahon na iyon.

All we need is proof. Iyon ang hinahanap nila Gun. But it's not looking good because there's a possibility na idinispose na ang mga iyon. So they're relying on digital evidences. Kaya nasa Dagger na rin maging ang cellphone at laptop ni Travis.

I don't want to believe that it's him. Mas makakaya ko pa sigurong isipin kung ang sarili kong magulang ang gumawa ng mga iyon. I know my parents well. I know what they are capable of. Paano ko hindi magagawang isipin na posible rin na sila ang may kagagawan ng lahat ng ito?

But my parents have the perfect alibi. Maraming nakakita sa kanila nang gabing iyon.

Natigilan ako nang may maisip. My parents wouldn't be the one to do the dirty work for themselves. They will ask someone to do it for them.

"Travis is the perpetrator because he has the motive to kill me right?"

Kumunot ang noo ni Gun sa naging tanong ko. "Oo."

"Pero paano kung ang mga magulang ko talaga ang may kagagawan? That they just want us to think that it's too obvious."

"They have an alibi-"

"They could be working with someone."

"And what if that someone is Travis?" he asked. "It's a win-win situation. Travis will get your shares and your parents as the principal beneficiary of your assets will get everything else."

"They're not that stupid." Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. I started pacing while lost in my thoughts. "They would ask someone else, Gun. But most of all they need a scapegoat."

"If their hired man got caught there's a possibility that the case will lead back to them."

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko habang bumibilis din ang paghinga ko. Maybe I'm just trying to convince myself. I expected the worst from my parents pero hindi kay Travis. Gusto kong mapatunayan na hindi peke ang mga pinakita niya sa akin. I just want something not to be tainted for once in my life.

"Calm, baby."

Naramdaman ko ang pag-abot niya sa kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. For a moment, I stayed there... letting his eyes center me again. I am safe. He's here so I am safe. Gun's here.

Nang makita niya na bahagya na akong kumakalma ay sandaling binitawan niya ako at kinuha ang bag ko. Inabot niya sa akin iyon bago muling kinuha ang kamay ko. We went out of the room holding hands and I let him. I want to. I want to be held by him.

Hindi pa kami nakakalayo sa dressing room na ginamit ko ay napatigil ako nang may maulinigan ako. Bago pa ako makapag-isip ng tama ay umangat ang kamay ko para pigilan ang babae na nilagpasan kami. Halata ang gulat sa mga mata niya sa ginawa kong paghablot sa kaniya.

She's one of the staff base na rin sa headphone na nasa leeg niya at ang lapel na nakasabit sa bewang niya.

"Where is the audio coming from?" I asked.

"Po?"

I can hear voices talking from her headphone. Her device is connected somewhere.

"No. Don't tell me." I said quickly. Sa kabila ng pagtataka ng babae ay hinayaan niya ako na kunin sa kaniya ang headphone. Hindi ko sinuot iyon at sa halip ay itinapat ko lang iyon sa tenga ko ngunit bahagyang may distansiya mula sa akin. Hindi pa ako nakuntento dahil tinakpan ko pa iyon gamit ng kamay ko bago ko itinapat sa tenga ko.

They call me a musical genius. A prodigy. I have a perfect pitch and I can hear imbalances in music. Alam ko kapag may problema sa instruments bago pa makita ang problema mismo. I know voices like a memory. Nakatanim sa utak ko ang bawat musika at tunog na dumadaan sa akin.

Of course if someone is intentionally changing their voice, it will be hard for me to distinguish it. Unless I hear it again.

The headphone's sound is not clear. It sounded muffled because of the distance. Kapag inilapit ko pa iyon sa akin ay tiyak kong makikilala ko ang mga boses but now all I'm hearing is distance talking of two to three people. Obstructed.

I took a huge breath then I put the headphones close. Mariin akong napapikit nang marinig ko ng klarado ang mga boses mula roon. One of them I really recognized. A person that would make it easier for us to identify the other voice. Taong may koneksyon sa isa pang boses na naririnig ko.

"Lia, what's happening?" I heard Gun asked.

Nanginginig ang mga kamay na ibinalik ko ang headphone sa babae at nagpaalam ako. She didn't pry and instead she reluctantly walked away.

"Lia?"

"We need to go and see Travis."

_____________________End of Chapter 21.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top