Chapter 19: If I Lose Myself
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 19: IF I LOSE MYSELF
LIA'S POV
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkain na nasa harapan ko at napatingin kay Gun. Pinigilan kong mapangiti habang pinagmamasdan siya. Abala kasi siya sa pagmamasid sa mga tao sa paligid namin. Sa pagkakataon na ito nga lang ay hindi lang dahil sa sinisiguro niya ang kaligtasan ko.
"First time mo?" His gaze went to me and I couldn't help my smile when he squinted his eyes at me. "What?"
"Kapag nagluluto ka para kang nagluluto para sa army at ang paborito mong kainan ay restaurant kung saan may unlimited na pagkain?"
Nagkibit-balikat ako. Sanay akong kumain sa magagara at mamahalin na lugar. But places like that always make me feel more alone. Hindi katulad sa lugar na kinaroroonan namin ngayon na maraming tao.
"First time ko rin 'to no. It's not like I can go to a place like this alone."
We're on a buffet restaurant. Hindi mamahalin na klase iyon ng buffet at sa halip ay pangmasa iyon. Mabuti na nga lang nang makita ko 'to online ay nabasa ko na may private tables sila. Kaya malayo talaga kami sa mga tao.
I got recognized when we were getting our food pero aside from that wala naman ng naging problema. Hindi rin naman ako natatakot na pumunta sa matao na lugar dahil kasama ko naman si Gun.
I know the danger that is lurking in the shadows but that's exactly the reason why I want to be here. Maraming mga tao. He's not stupid enough to attack me here.
"Pag magkasama tayo pakiramdam ko puro pagkain ang sentro ng araw ko."
Inabot ko ang stick ng barbecue at kinagatan ko iyon bago ako nagsalita ulit. "Food and fucking. Don't forget the second one."
Napaubo ang lalaki na kasusubo lang ng pagkain. Binigyan niya ako ng masamang tingin lalo pa ay saktong kalalapit lang sa amin ng empleyado ng restaurant na dala ang pinaluto ko kanina na seafood hotpot.
Mukhang narinig din ng lalaking empleyado ang sinabi ko dahil parang naging kulay kamatis ang buong mukha niya. "E-Eto na po iyong hotpot niyo Miss Lia."
"Thank you." Binigyan ko pa ng matamis na ngiti ang lalaki na sunod-sunod na napakurap habang mas lalong pumula ang mukha. Animo nababalatubalani siya habang nakatitig sa akin at napaangat ang kilay ko nang bumaba ang direksyon ng mga mata niya sandali bago muling umangat ang namimilog niyang mga mata sa mukha ko.
He's probably imagining me naked.
Ipinagkibit-balikat ko lang iyon. He's not acting like an asshole that most people would kung narinig nila ang sinabi ko. It's not like I can control the thoughts of other people. Naniniwala ako na ang magandang pag-iisip ay kailangan din ng magandang mga gawain. But I don't believe an errand thought of desire and sexual thoughts means that you're a bad person. Ibig sabihin lang no'n tao ka. However what actions you do with that is what defines you.
Pagtikhim ni Gun ang tila bumasag sa kung anong mahika na umiikot sa lalaki na napatalon pa sa pagkagulat. "S-Sorry po, maiwan ko na po kayo. Enjoy po."
Nginitian ko lang siya at pagkatapos ay binalingan ko si Gunter na madilim ang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay pero napapailing na lang na nagpatuloy siya sa pagkain.
Two plates in front of me are both full with different kinds of food. May french fries, bread, egg, chicken tikka, seafood, barbecue, at kung ano-ano pa. Samantalang sa kaniya ay puro gulay. May meat din siya pero kumpara sa akin ay konti lang iyon.
"For a big guy, you eat like a small person."
Sumubo ng salad ang lalaki. "And you're a small person but you eat like a giant."
"Hindi kaya."
"My fridge says otherwise. Marami pang kailangan ubusin sa bahay. By the time na maubos iyon, I'll probably weigh more that I ever weigh in my life."
I rolled my eyes at that. "You're not going to get heavy."
"Some people might be born with great bodies but you can't maintain them by doing nothing. Bakit ba sa tingin mo mas madalas akong mag swimming ngayon?"
"Para makita akong naka-bikini?"
His eyes glazed for a moment before he wiped it with his I'm-Detective-Dawson stare. "No but what comes after seeing you in a bikini is part of my exercise routine."
Bumaba ata sa maling direksyon ang kinakain ko dahil bigla na lang akong inihit ng ubo sa sinabi niya. Pinalo ko ang tapat ng dibdib ko habang siya naman ay naiiling lang na inabutan ako ng baso ng tubig na kaagad ko namang tinungga.
Damn.
"So you mean you're just having sex with me for exercise?" tanong ko nang kumalma na ang pag-ubo ko.
"I'm a multitasker. I have my exercise and I can also have you."
His name should be Gunter "Rawr" Dawson. I'm not shy when it comes to mentioning sex but him doing it is on a different level. Parang salita pa lang niya naalala ko na ang mga naganap sa pagitan namin.
"What do you do for exercise anyway? O maliit ka lang talaga?"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Wag mo ipagkadiinan ang pagiging maliit ko." Palibhasa kasi sa lahat ata ng mga kamag-anak ko ay ako lang ang hindi nakamana ng height ng mga Asterio. "And I do yoga."
"Bakit hindi kita nakikita na nag yo-yoga? You don't even have a mat."
"Nasa bahay ang mat ko. Hindi ko na pinakuha."
Dinampot ko ang maliit na cupcake na nasa plato ko at kumagat doon. It looks yummy so I don't care if I'm eating dessert first.
"Why?"
I look at him suspiciously. "Why are you so interested with me doing yoga?"
Umangat ang sulok ng labi niya sa tanong ko. "I want to see you getting bendy in front of me."
Please someone give me strength to not jump him in a public place. "That's exactly the reason why I didn't bring my equipment."
"No big deal. Meron naman ako."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "You have a yoga mat?" Him? Gun "Testosterone level 100" Dawson? "Marunong kang mag yoga?"
"Yeah."
Pinaglakbay ko ang mga mata ko sa kabuuan niya. He's bigger in terms of built than his brothers. Mas malapit ang katawan niya kay Thorn. Alam kong batak sila sa trabaho kaya hindi naman sila katulad ng ibang mga lalaki na parang buong araw ata na nasa gym. They probably just go to the gym because like he said, they need to maintain their bodies.
But I can't picture him doing yoga. Not that yoga is just for women but because when I think of yoga, I think of being calm. Bagay na hindi ko magawang makita sa lalaki. Even Gun speaking sounds angry. When he's not doing anything he looks broody.
I always thought of him having a silent sleeping dragon inside him. Hindi ibig sabihin ng natutulog ay hindi iyon alerto at handang mamuksa gamit ng nagbabagang apoy niyon. He always have that fire and anyone can feel that just by looking at him.
And look at his biceps. Parang mas tamang sabihin na hobby niya ang magbuhat ng eroplano kesa ang mag yoga. He's like a bulldozer ready to smash everything on his path.
Napatingin ako sa malapad niyang dibdib. Even him wearing a shirt, it's like I can visualize everything that it is covering him. He can smash me anytime.
"What position is your favorite?"
Napakagat-labi ako sa naging katanungan niya habang naglalakbay pa rin ang mga mata ko sa kaniya. "Probably lotus. But I like old missionary too. I mean... what can beat the classics? I don't care about the position anyway. Stamina ang pinakamahalaga para unlimited ang lahat. Just like a buffet. Yum."
Hindi nagsalita si Gun sa sinabi ko. Ilang sandali na libre ko siyang tinitigan at nag-angat lang ako ng tingin nang manatili siyang tahimik.
I saw him looking at me weirdly. "What?"
"I was talking about yoga position."
Namilog ang mga mata ko kasabay nang paggapang ng init sa magkabila kong pisngi. Damn it. Ang aga-aga kasi kung ano na naman ang iniisip ko.
I was rendered speechless when his eyes glinted with desire, blazing with heat that I am so familiar with. "But I like where your mind is at more."
"E-Ewan ko sa'yo-" Napatigil ako sa sasabihin nang may maramdaman ako. I gulped at the same time Gun and my eyes met again. "Anong... anong ginagawa mo?"
"What?" he asked innocently.
Napakuyom ako ng mga kamay nang maramdaman ko ang paa niya na umakyat pa lalo pataas sa binti ko. Ramdam ko ang pag-angat ng mga balahibo ko at ang paggapang ng init sa katawan ko. "Gun..."
He leaned forward, his hand catching mine. Halos mahugot lahat ng hangin sa katawan ko nang iangat niya ang kamay ko na pinanghawak ko ng cupcake kanina. He flicked his tongue quickly on the tip of my finger that still has frosting.
He's teasing me. He knows what I want dahil iyon din ang bagay na alam ko na gusto niya. Lia Asterio. You are a strong independent woman. You can do this!
"We should go after finishing our food," I murmured.
"At saan tayo pupunta?"
Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang ngumiti. I can wait. For now it's payback time for making me feel hot and bothered in the middle of a buffet restaurant.
"Sa lugar na mag e-enjoy tayo."
GUSTO KONG tumawa pero pinipigilan ko lang iyon dahil patingin-tingin sa akin si Gunter na parang anytime ay bigla na lang akong kakargahin at pagkatapos ay itatapon sa unang bangin na makikita niya.
After leaving the restaurant, I can tell that he's excited to go home. Iyon nga lang imbis na umalis sa lugar na iyon ay dinala ko siya sa isa pang establisment na malapit lang sa restaurant.
A nail salon and spa.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa tabi ko habang sa paanan niya ay naroon ang empleyado ng Pink Kitty. Gun is having a footspa in a place called Pink Kitty.
Umubo ako para itago ang halakhak na gustong kumawala mula sa akin. Gun's head turned to me and I bit my lower lip to stop myself from doing more. Nararamdaman ko rin ang pamamasa ng mga mata ko dahil naluluha na ako sa pagpipigil ng tawa.
"Funny," he growled.
Pinalaki ko ang mga mata ko at animo walang alam sa mundo na tinignan ko siya. "What? Makati lang ang lalamunan ko eh."
"Hindi ka na makakatawa kapag nakauwi tayo."
"At bakit?"
Umangat ang kamay niya at umakto siyang tila may inaalis sa mukha ko kahit na ang gusto niya naman talaga ay ang dampian ang labi ko ng hinlalaki niya. Bahagya siyang dumukwang sa puwesto ko at bumulong. "Because your mouth will be busy."
"And that is a threat, how?"
Kumislap ang mga mata niya dahilan para mas lalo akong mapangiti. Inalis ko ang atensyon sa kaniya at pilit siyang inignora kahit ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatutok sa direksyon ko. I looked at my nails instead.
I rarely put anything on my nails but this day is an exemption. Gusto ko lang masubukan na magkaroon ng nail art. Lagi lang kasing maikli ang mga kuko ko at hindi rin ako naglalagay ng nail polish. Nakakaistorbo kasi iyon kapag nag gi-gitara ako.
"Pretty," I said while wiggling my hands. Tapos na iyon kasing ayusin. Light rose gold ang kulay ng polish pero may dinikit na puting bulaklak sa kuko ko. The nail technician is currently giving me a pedicure now.
"Bagay sa inyo, Ma'am."
Nginitian ko ang nag-aayos ng kuko ko bago ko binalingan si Gun. Sa pagtataka ko ay nakatingin pa rin siya sa akin but this time his expression is softer. "What?"
"Nothing," he said.
"Inggit ka no?" Iginalaw ko ang mga daliri ko at ipinakita ko sa kaniya iyon. "Gusto mo?"
"No."
I giggled at his curt response. I am really trying his patience. Pero kahit gano'n pa man pinagbigyan niya pa rin ako sa trip ko na pumunta rito. Pumayag nga siyang mag pa-foot spa. Hindi ko alam kung napilit ko lang siya talaga o talagang hindi niya lang ako kayang tanggihan.
Gun always give me what I ask for. Kahit simpleng bagay. He spoils me too much and I don't have complains. Kasi sino bang hindi matutuwa na ang taong mahal mo ay handang ibigay sa'yo lahat?
There's only one thing that he let me have that I didn't really want and that is him letting me go. Something that I know I forced him to do.
Pinilig ko ang ulo ko na para bang maaalis no'n ang mga isipin na alam kong kinakailangan ko rin harapin kalaunan. I reached for the flower beads on the container near me at kumuha ako ro'n ng isa. Mukhang okay lang naman sa nail technician ko dahil game na nilagyan niya pa iyon ng glue.
"Lia," Gun warned.
"Hand please."
"No."
Pinatulis ko ang nguso ko. "Please?"
"No."
Binago ko ang ekspresyon sa mukha ko at sa pagkakataon na ito ay pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hand!"
"No-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang basta ko na lang idinikit sa hinlalaki niya ang bulaklak na clip on na hawak ko sa isang kamay. Nakapatong naman kasi ang kamay niya sa arm rest ng kinauupuan niya. I pressed on it, making sure that it won't come off.
"Wag mong aalisin 'yan," sabi ko sa kaniya bago ko binitawan ang kamay niya.
"You just earned another punishment."
"Whatever you're planning, what makes you think hindi ko magugustuhan?"
"How about none?" he murmured quietly.
Sandaling natigilan ako sa sinabi niya. Ang ibig niyang sabihin ay wala siyang gagawin na kahit ano. He's going to withhold sex as a punishment.
For one moment I was concern. I love our nights. And mornings... and well sometimes afternoons. My worry lasted for just a second though. If I love those, I'm pretty sure he loves them more. "As if you can help yourself."
"I have self-control even if you don't believe it."
"Pagdating sa akin? I don't think so."
His eyes searched mine. May kung anong tila pinararating ang mga mata niya na hindi ko maintindihan. "You're right. I can't stop myself when it comes to you."
Nag-iwas ako ng tingin. "Kung meron dapat wala ka ngayon sa tabi ko. You'll be miles away from me because you know how toxic I can be in your life."
"And yet I'm here."
"And you shouldn't be."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. He gently lifted it up until I felt his lips on it. "And still I want to."
Lumingon ako sa kaniya at bumulong. "Bakit?"
He didn't answer immediately. Nakatutok lang ang mga mata niya sa akin na para bang nais niyang lunurin ako sa mga lumalangoy na salita sa mga iyon. Words that I can't hear because I'm stopping myself from listening.
"You still don't understand but you will soon, Lia."
He keeps on telling me that. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon magawang maintindihan. Ano bang hindi ko alam na alam niya? What am I missing? Bakit pakiramdam ko ako lang ang nakatingin sa dulo ng tinatahak namin na daan? Why am I the only one seeing the result of all these?
I was forced out of my thoughts when another employee of the place approached us. May dala siya na papel.
"Miss Lia, meron po kasi kayong fan sa labas. Nakita po ata kayo. Kung pwede lang daw po na magpa-sign?"
Nagtatakang inabot ko ang papel na hawak niya. Sobre iyon na mas lalong pinagtaka ko. Usually kasi ay piraso lang ng papel ang pinapapirmahan sa akin. This one looks like a letter than a piece of paper. "Ayaw niya bang pumasok?"
"Nahihiya po ata. Signature niyo lang po talaga ang gusto niya."
That's weird.
Nagtataka man ay nagpasiya na lang ako na buksan ang sobre. To deepen my confusion, hindi lang isa ang nasa loob no'n kundi dalawa. I pulled it out and I almost dropped what I'm holding when I saw the paper.
No. It's not just a paper. It's a picture.
It was a picture of Maddy. Not when she was alive but rather... it was her on that night. Her eyes were opened , her lips parted, and I can see the open flesh of her neck. And the blood... I can see her blood just like how I saw it that night.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Gun mula sa tabi ko at ang mabilis niya na kilos para lumabas mula sa kinaroroonan namin. Hindi ko siya magawang sundan ng tingin dahil nananatili akong titig na titig sa larawan na hawak ko pa rin sa nanginginig kong mga kamay.
There's a note written on the bottom of the picture.
"Let the world see you sing again and you know what will happen next. I'll be watching you."
I can feel the tremble of my hands getting worst when I moved them so I can look at the next picture. I can hear a ringing on my ears and it was like everything around me is getting dark as I stared at what I'm holding.
It's River.
May hawak siyang dalawang grocery bags habang naglalakad papasok sa condominium building kung saan siya nakatira. Sa bandang baba ng larawan ay may nakasulat din galing sa kaparehas na penmanship.
"His throat is next."
______________________End Of Chapter 19.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top