Chapter 18: Deep End
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 18: DEEP END
LIA'S POV
"Stop it."
Napakurap ako mula sa pagkakatitig ko sa kawalan at inikot ko ang katawan ko para mapaharap kay Gun na muli na palang nakabalik sa kama nang marinig ko siyang nagsalita. It's the first time that one of us speak.
Pagkatapos umalis ng mga kapatid niya kanina at ni Lucienne ay inaasahan ko na ang mga tanong na magmumula sa kaniya. I just bared my heart and soul with that song. Another foolish decision of mine.
But for one moment... I just want to let go. Kahit sandali lang. Kahit kaunti lang.
A part of me just want to tell him everything. Alam ko naman na karapatan niya iyon. He deserve an explanation. It's my responsibility to tell him about my lies, about my parents, and about that third reason.
Pero kada susubukan ko... katulad noon pakiramdam ko naririnig ko paulit-ulit ang mga magulang ko na sinasabi sa akin na wala akong magagawang ibigay sa mga tao sa paligid ko kundi disappointment. That I will always fail the people in my life.
I know it's the truth because I failed Gun too.
Broken and tainted. Iyon ang tawag sa akin ng sarili kong mga magulang. Kahit anong ganda ng isang bagay pakiramdam ko kapag nahawakan ko iyon ay tila unti-unti iyong nilalason.
Alam ko naman ang dapat. Alam ko na dadating ang oras na kinakailangan kong harapin ang mga bagay na pilit kong tinatakasan. I know that... but I can't do it now. Not yet. Konti pa. Konti pang oras na kasama ko siya. Just a little bit more time that I can be selfish.
That's why I distracted him. That's why we're here.
"What?" I asked.
"You know what."
Akmang iikot ako ulit para tumalikod sa kaniya pero pinigilan niya lang ako at hinila palapit sa kaniya. Wala na akong nagawa nang maramdaman ko na pumalibot sa akin ang mga braso niya. Knowing that I wouldn't be able to move, I just turned my head away so he won't see my face.
"You can't use sex to avoid talking to me."
I scoffed. "As if ikaw hindi mo ginagamit iyon."
"Not on things like this. We both know that we need to talk."
"Akala ko ba trabaho lang ang mahalaga sa iyo? That the case is more important than our past?"
Naramdaman ko ang mga dailiri niya na naglakbay sa itaas ng likod ko pababa. I shivered by the gesture and I looked up to give him a glare. Kumislap ang mga mata niya at umangat ang sulok ng mga labi niya dahil sa ginawi ko.
"Mukha bang parte ng trabaho ko ang ginagawa natin?"
"Who knows? Malay ko ba kung ganitong serbisyo rin ang binibigay mo sa mga naging kliyente mo?"
His eyes flashed again but time it was laced with anger. Nanglaki ang mga mata ko nang sa isang iglap ay nakalapat na ang likod ko sa kama habang ang malaking bulto niya ay nasa ibabaw ko. I tried to roll away from the side but he just trapped me with his arms.
"Don't undervalue what we have just because you're scared and you're lashing out," he growled.
"I-I'm not... at walang tayo." Pilit na itinulak ko siya pero walang naging silbi iyon. "Get off, Gun."
"You don't want to talk yet? Then don't. Alam natin pareho na dadating ang tamang oras para mag-usap tayo. It's inevitable. I deserve that and you know it."
I dropped my eyes, trying to hide the pain in them. "Get off me."
"You let me go because of whatever shit you made yourself believe that for one moment I did too. I thought I couldn't give you the life you wanted and I believed every word you say. We wasted years because of pride and selfishness. But let's be clear, Lia. There's two kinds of truth. Yours and the real thing."
"Y-You don't know anything."
"Let's say that I don't. Let's say that there's more. No matter what you tell me, it doesn't change the fact that you're here. You still don't see but I already told you that you will. You will understand soon."
Binundol ng kaba ang dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang iyon. "What... what do you mean?"
"Are we going to talk about everything now?" may paghahamon sa tono ng boses na tanong niya.
Tinikom ko ang bibig ko imbis na sumagot. His smile widened because he knows too well what that means.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. One moment it's like he can't stand being near me but now there's a change in him that I can't understand. But Gun has always been like that. When he decide on something, there's no changing his mind.
Except that one time when I made sure that he would.
"We wasted years because of pride and selfishness."
"When did this happen?" I said in a voice so quiet I wasn't sure if he heard me.
"Ang alin?"
"You being like this? Hindi mo ako gustong makita hindi ba? Bakit pakiramdam ko may nabago sa iyo? You don't want to see me... but now you're acting as if something changed."
Mataman lang siyang nakatingin sa akin, ang mga mata niya ay naglalakbay sa buong mukha ko. There's so much in his eyes. Mga salita na hindi niya pa magawang sabihin dahil alam naming pareho na hindi pa ako handa... o maaaring parehas kami na hindi pa kayang harapin iyon. Words that shouldn't be unlocked unless we're both completely ready.
"Don't you see, Lia? It's not because something changed. It's because I realized that nothing did. I just didn't know it at first because it was easier to believe a lie."
NAPAPAILING na lang ako kada mapapatingin ako kay Gunter. Kasalukuyan kaming naglalakad sa pasilyo ng Crimson Artists United dahil pinatawag ako ni Travis; my agent. And also my business partner.
Nagkaroon kasi kami ng ilang mga problema. Isa na ro'n ang hindi na maaaring kanselahin na proyekto na noon pa kasi na plano. Sama-sama kasi ang mga singer mula sa iba't ibang agency para sa project na ito. It's an act of unity that we want to show to the people especially those that were affected by the calamity that hit the country three years ago. Ito ang 3rd anniversary ng panahon na iyon kung saan maraming mga buhay ang nawala dahil sa bagyo na sumalanta sa napakaraming mga pamilya.
Raja Chandler created the song Kapit Bisig. Imbes na pumili ng partikular na artist ay gusto niyang representative ng bawat music agency ang kumanta no'n.
I am the representative for CAU.
Gun hated the idea of me being around a lot of people. I proposed the idea to my agent if it's possible na sa Tagaytay na lang ako mag shoot but he couldn't approve it because of the other agencies.
"Bakit hindi na lang sila humanap ng ibang singer?" Gun grumbled beside me.
"I'm the CAU's top singer, Gun. Isa pa Raja already gave me my part and there's a lot of them." Hindi lang kasi isang linya ang ibinigay sa akin ng composer. He gave me a full stanza which is a lot compared to the others.
Hindi na siya nagkomento pa pero alam ko na hindi pa rin siya sang-ayon sa nangyayari. Napabuntong-hininga na lang ako. He's always been overprotective. Wala namang problema sa akin iyon kahit noon. Iyon nga lang naiintindihan ko kasi ang pinanggagalingan niya ngayon.
We're not even sure if we're actually dealing with a stalker. That's why he was always on edge. More than he used to be.
"Hmm."
I looked up at him and I saw his eyes directed to one direction. Kaagad akong nakaramdam ng pag-iinit sa magkabila kong mga pisngi nang makita ko na ang mga malalaki kong larawan na naka frame sa pader ng hallway ang tinitignan niya. Sunod-sunod kasi iyon.
"Are they willing to sell these?"
Pinaikot ko ang mga mata ko sa itinuro niya. It's the poster for one of my albums. It's called Bared and obviously... I was bared in the album. Nakatagilid ako at nakaangat ang tuhod ko. I didn't have a stitch of clothing but I didn't look indecent either. It was artistically photographed so that only a hint of the side of my breast could be seen.
"Ano namang gagawin mo diyan? Lagi mo naman akong kasama. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko?"
"No," sagot niya sa siguradong tono. "But you're right. Kasama naman kita lagi. We can recreate this photo if we want to."
Napalunok ako sa paraan ng pagkakasabi niya no'n at sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Walang duda kung saan mauuwi ang magiging photo shoot namin kung sakali nga na i-recreate namin ang poster ko. It's not like we've been playing chess this past few days.
"Stop it," I hissed.
"What?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata lalo pa at sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "Stop."
Bumaba ang mga mata niya at huminto ang kaniyang tingin sa mga labi ko. His eyes went hungry and I instantly felt the reaction of my body to that. I am so attune with him in a way that it's sometimes hard to contain myself. Alam kong gano'n din siya pagdating sa akin.
"Gun..."
Umangat ang kamay niya at magaan na pinaglandas niya ang hinlalaki niya sa pisngi ko pababa sa mga labi ko kung saan sandali iyong nagtagal.
"Later," he promised.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ako ng malalim. Nang iminulat ko ulit ang mga mata ko ay nabungaran ko siyang nakamasid pa rin sa akin. I squinted my eyes at him before I slapped him on the stomach lightly. Which is a wrong move on my part dahil naramdaman ko ang matigas niya na tiyan. Flashes of his abs entered my mind and I gritted my teeth in concentration so I can get them out of my head.
"Stop turning me on in a public place," I said through gritted teeth.
Imbis na sagutin ako ay tinawanan niya lang ako. Sa pagkagulat ko ay inabot niya ang kamay ko at hinawakan iyon bago ako hinila para muling maglakad. It seems so easy to him. As if holding my hands is the most natural thing in the world.
"Let's go. So I could turn you on in a private place later."
"Gun! Not helping!" I hissed.
Nangingiting iniling niya lang ang ulo niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Pinagbigyan niya naman ako na tigilan ang... ano nga bang tawag sa ginagawa namin? Flirting? Landian? Karupukan.
Kinuha ko ang imaginary latigo ko at inihataw ko iyon sa umaaktong anghel de la guardia ko na konsensiya. I don't agree with her. Hindi naman kasi ako marupok.
Konti lang.
Ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng opisina ni Travis na kung hindi pa namin narating ay hindi niya pa bibitawan ang kamay ko na hawak pa rin niya.
Halos sabay kaming nagtaas ng kamay ni Gun; siya para kumatok habang ako ay para basta na lang buksan ang pintuan. Hindi ko napigilan ang ngisi sa mga labi ko nang hindi na nagawang dumikit ng kamao niya roon dahil naitulak ko na iyon.
Sa loob ay nabungaran namin si Travis na tutok ang mga mata sa mga papel sa harapan niya. There's a scowl on his face when he looked up but when he saw me, it disappeared instantly.
"Lia!"
He stood from his chair with a grace that only a man like him can do. He's tall as Gun and he's a big man. Not big as in heavy in terms of weight. He's just big. Siguro dahil na rin iyon sa banyaga niyang dugo. His father was German.
He's on his mid forties pero hindi pa rin nababago ang tikas niya mula noong una ko siyang makita. He's the man that discovered me when I was fourteen. Siya rin ang dahilan kung bakit naging posible ang noon ay mga pinapangarap ko lang.
Travis is of the best in the industry kung ako ang tatanungin. He has eyes for talent. Alam niya kapag malayo ang mararating ng artist na nasa harapan niya. That's why he said before that he has no doubt that I will be more than I expected to reach.
I never met a person that has so much confidence in me like he did. Except for Gun. He always believed in what I can do.
Napangiti ako nang umakto siyang yayakap sa akin. Pero katulad noon ay humihinto siya bago niya pa iyon magawa. Sa halip ay itinaas niya ang kamay niya at inilapat ko naman doon ang kamay ko.
He knows me well. Alam niya na tinotolerate ko lang ang fans na yumayakap sa akin. Alam niya rin na ganoon din ako sa ibang tao na nakakasalamuha ko pa. But most of all, he knows that I hate it. I hate too much skinship. Hindi kasi talaga ako ganoon ka-touchy na tao. Again. Except with Gun.
That's why it always been a high five between us. Bagay na alam kong dahilan kung bakit naweweirduhan sa amin ang mga taong nakakakita kapag ginagawa namin iyon.
Katulad ni Gunter ngayon.
Itinuro ko si Travis at pagkatapos ay sinunod ko si Gun. "Gun, Travis. Travis, Gun."
Travis chuckled at my short introduction. Inilahad niya ang isang kamay sa direksyon ni Gun na inabot naman iyon. "I'm Travis Carlton, CEO of Crimson Artists United."
"Gunter Dawson. Bodyguard."
I bit back a smile. Kung ako ang klase ng tao na hindi touchy sa ibang tao ay si Gun naman iyong klase na hindi madaldal kapag iba ang taong kaharap. I don't really know why. Ganoon lang kami. Everything comes natural between us unlike when we're with other people.
"I heard. Thank you for keeping her safe," my agent said sincerely.
"Yeah."
Lumawak ang ngiti ni Travis. He wasn't even deterred by Gun's personality. Ganiyan naman kasi si Travis talaga. He's so open to understanding people. It fascinates him. Siguro may mga taong gifted talaga pagdating sa pagbuo ng koneksyon sa ibang tao.
Kung ako nga ay sa kabila ng mga sakit ng ulo na dinadala ay nagagawa pa rin niyang intindihin. I've been giving him headaches for years. He's like a father who gets stressed out by his child's misdemeanors but he'll forgive easily anyway. Kung tutuusin nga mas umakto pa siyang tatay sa akin kesa sa sarili kong ama.
"So... what's up?" I asked.
Iminuwestra niya kami na umupo sa mga upuan na nasa harapan ng desk niya. Lumapit ako roon at napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang mga nakakahon na CD sa kaliwa niya. Ang ilan sa mga iyon ay natanaw ko pa na nasa loob ng meeting room niya na glass wall lang ang pagitan mula sa kinaroroonan namin
"Ang sabi mo maliit na boxes lang," may pag-angal sa boses na sabi ko.
"Nope. Ang sabi ko kaunti lang na box. Hindi ko naman sinabi kung anong size ng kahon."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero nginitian niya lang ako. Isa kasi sa problema namin ay ang mga album. Kailangan ko kasing pirmahan ang mga pre-order na albums. Gusto kong ipadala na lang iyon sa Tagaytay ang kaso nga kakailanganin pang magpabalik-balik ng mga item. We'll be exposing them to breakage too much. Bagay na iniiwasan nilang mangyari para hindi magkaproblema sana sa mga bumili.
Sana bumili pala ako ng pain relief patch. "And about the shoot?"
Siya naman ang napabuntong-hininga sa pagkakataon na ito. "We really can't reschedule. Nagagalit ang ibang mga kompanya. There's a lot of artists who understood the situation at payag naman sila. But the other agencies are all being assholes."
Pinaikot ko ang mga mata ko ro'n. "Ano pa bang bago? Alam mo namang basta may pagkakataon makapag-power trip ang mga 'yon ay gagagawin nila." Kahit anong bait ng artist, kapag kakaiba ang management wala rin silang magagawa. Pakiramdam kasi ng ibang agencies kailangan lagi silang makalamang sa iba. "What's the plan?"
"I talked with Raja. Okay lang sa kaniya na palitan ang location. Mas malapit na lang sa iyo. Also I'll hire more security personnel for you-"
"That we can handle." Napalingon ako kay Gun nang magsalita siya. He has a determine look on his face. "We can't trust third party services. My company is handling her case so we will provide whatever protection she needs."
I think Gun is expecting for Travis to contradict him. He's my agent after all. But instead he just nodded and turned to me again. "Then that's taken care of."
"I don't need more bodyguards."
Travis sighed in exasperation. "Lia..."
"I'll look like an uppity princess that can't be approached by anyone because of bodyguards on her beck and call. I already have a diva attitude rumor. Di ba ayaw mo na dagdagan iyon?"
"This is different. We're talking about your safety. Kung pwede lang kanselahin ito, believe me, I would. But it's not just my call. It's also the others and Raja." He looked at Gun's direction again. "Raja also said he will also make sure that the place is safe. Hindi niya sinabing kukuha siya ng bodyguards but he said the place will be under tight surveillance."
"Raja Chandler right?"
"Yes."
"As in Denaley Montevedre Chandler and Rushmore Chandler's son?"
"Yes," Travis repeated.
"Hmm."
Nagtatakang nilingon ko ang lalaki. Bakit kilala niya ang mga magulang ni Raja? "You know them?"
"I heard of his parents. His mother to be exact. She worked before as an informant for an organization that handled cases like ours... but also in a way, a lot more different."
"Different how?"
"Well, according the stories, their cases were more dangerous and they do things in a way that were not exactly legal. They weren't detectives. They were secret agents."
Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi niya. Nagsipasukan sa utak ko ang ilang mga pelikula na napanood ko. Akala ko ay hindi totoo ang mga ganoon. I mean I know detectives are real because I met a lot of them. Unang-una na roon si Gun. But secret agents? Wow. "Like spies?"
"Yes." Gun's eyes went to Travis. "Lia will be fine. They can choose the location. It doesn't matter. She'll be safe."
"Just like that?" I asked again. Anong kaibahan ng koneksyon ni Raja sa organisasyon na sinasabi niya na ganoon na lang ang kompiyansa niya?
"Yes. Just like that."
"Why?" I pressed.
Umangat ang sulok ng lalabi, "Kung nasa pangalawa kami sa ranking ng mga investigative agencies, ang nasa top one ay ang organisasyon na iyon. You'll have more protection than the president himself."
____________________________End Of Chapter 18.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top