Chapter 17: Sweet Chaos

#DaggerSeries #LiaxGun #DS2Unstrung

A/N: No link for the song in this chapter. Original song siya ♡ 

CHAPTER 17: SWEET CHAOS

LIA'S POV

"Pakipaliwanag nga sa akin kung bakit nandito na naman kayo?"

Pinigilan kong mapangiti sa masungit na pagsalubong ni Gun sa mga taong nasa labas ng pintuan niya. We were about to get busy awhile ago when we got interrupted by the doorbell. Mabuti na lang sarado ang mga kurtina kung hindi baka naeskandalo pa sila.

"Can't you all just at least text? Malapit ko ng palitan ang code ng gate kakapunta niyo rito."

Imbis sagutin ang kapatid ay tinapik lang ni Trace ang balikat ni Gun at pinagkasya ang sarili niya sa gilid ng lalaki para makalusot siya. Tumuloy siya sa kusina kung saan naroon ako at pagkatapos ay suminghot-singhot.

"Hi, Lia!"

"Hi-"

"Anong ulam?"

Napailing na lang ako sa tanong niya. I can't say that we're back to like we are used to before pero iba na rin ang pakikitungo nila sa akin ngayon kesa noong una kami ulit magkita. Nasusuhulan kasi ng pagkain. Effective iyon lalo na kay Trace at Axel.

"Braised pork in sweet soy sauce."

"Wow."

Hindi lang nanggaling sa kaniya iyon kundi maging kay Axel na nakapasok na rin ng bahay at ngayon ay katabi ni Trace na nakatayo sa kabilang panig ng center island. Parehas na nagkakandahaba ang leeg nila habang sinisipat ang kasalukuyang niluluto ko pa na pagkain.

Napakamot ako sa pisngi ko nang niluwa rin ng pintuan si Lucienne na nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan namin at ginawa rin ang kanina ay pagsinghot-singhot ni Trace. They looked like puppies waiting for me to feed them.

"Don't look at me. Sinamahan ko lang ang asawa ko," sabi ni Thorn na huling pumasok ng bahay. Gun is currently glowering at him.

"Bakit ba lagi kayong nandito? Dati naman hindi kayo rito tumatambay ah?" nakahalukipkip na tanong ni Gun nang maisarado na niya ang pintuan.

"Hindi naman ikaw kasi ang pinupunta namin," sagot ni Trace.

"Wala ka namang pagkain noon para bisitahin namin." Nanggaling naman iyon kay Axel na ngayon ay lumapit sa fridge at binuksan iyon. Kita ko kung paanong nalaglag ang panga niya nang makita niya ang laman no'n. "Wow!"

Napakagat ako sa ibabang labi nang lakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan ng ref dahilan para makita nilang lahat ang mga laman no'n. To say that I cook a lot is an understatement. Hindi naman kasi mukhang marami kapag nagluluto ako. Kaya nga lang ngayon na sama-sama silang lahat doon ay kitang-kita ko na ang katotohanan sa sinabi ni Gun noon.

It really looks like I'm feeding an army.

Iba't ibang aluminum pan kasi ang naroon na naglalaman ng mga sari-saring pagkain. Hindi pa kasama roon ang mga nilagay ko sa freezer para hindi masira.

Katulad kasi noong gumawa ako ng Lemon pepper chicken. Dahil marami akong ginawa ay tinabi ko ang ilan sa mga iyon sa freezer. Hindi naman iyon kaagad masisira. I can use some of those to make a shredded chicken sandwich. Meron din akong ginawa na patties at bagong meatballs. I can use it in spaghetti, sandwich, or soup. I can even put them in tacos.

Sa refrigerator naman ay mayroong macaroni salad, chocolate pie that I baked yesterday, and the Cheesy ground pork casserole that I made last night for dinner. Meron din do'n na Adobo na niluto ko noong isang araw. Naroon din ang kabibili lang namin na mga sangkap para sa lunch bukas. I want to have samgyeopsal in the house instead of going out. Kaya nga bumili pa ng portable grill pan si Gun kahapon. I also made my own Baechu and Kkakdugi kimchi kaya punong-puno ang malaking fridge ni Gun.

"Umm... pwede kayong mag-uwi ng kimchi kung gusto niyo. Dinamihan ko talaga ang gawa."

Dahan-dahang lumingon sa akin si Axel habang namimilog ang mga mata at pabulong na nagsalita. "You made all of this?"

Tumango ako bilang sagot. Napapikit siya habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib na para bang isang malaking revelation ang sinabi ko.

I didn't hang out with Axel before that much but I guess food is really his weakness. Para kasing touch na touch siya na hindi mawari. Hindi na rin siya nag-alangan at dumampot na siya ng isang jar ng kimchi at niyakap iyon na para bang napakahalagang bagay no'n.

"Hey! Watch out!" sikmat niya kay Trace na tinabig siya at nagmamadaling nagtungo sa tapat ng ref. Hindi naman siya nagkaroon ng peace na halughugin ang fridge dahil ilang sandali lang ay nakisingit na sa kaniya si Lucienne na kulang na lang ay ilusot ang ulo sa loob.

"Parang gusto ko na lang na dito tumira," narinig kong sabi ni Lucienne. "Ano sa tingin mo, Bossing Thorn?"

"No."

Nilingon siya ng babae at nginisuan ang asawa bago siya bumalik sa pakikipagtagisan kay Trace. Ilang sandaling nagtagal sila roon at hindi pa sila nakuntento sa pagkuha ng kimchi dahil inilabas din nila ang mga nakatakip na pagkain at dinala iyon kay Axel na may hawak na kaagad na plato.

"That's just leftovers. Pwede niyo namang hintayin ang niluluto ko," sabi ko sa kanila.

"Okay lang, Lia. Kakain kami ulit." Naka thumbs up na sabi ni Lucienne na inagaw ang plato na hawak ni Axel.

I looked at Gun and I saw him massaging his temple. When he saw me looking, he held my eyes for a moment at if telling me something. Or it's more perfect to say that he's promising something through his eyes; that we'll continue where we left of later.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahilan para kumislap ang paghahangad sa mga mata ni Gun. Nag-iwas ako ng tingin at hinarap ko na lang ang niluluto ko bago pa mapansin iyon ng iba.

Aside from our flaring tempers, isa rin ang mga aktibidades namin ang highlight ng relasyon namin noon. We couldn't get enough of each other. Lalo pa noong mga panahon na iyon na sunod-sunod ang mga trabaho ko kaya pag may pagkakataon... let's just say that the world didn't matter because back then it's like there's just the two of us.

Pagkaraan ng ilang sandali na pagiging abala sa pagluluto ay nagawa ko na ring matapos iyon. Isinalin ko iyon sa lalagyanan na ipinatong ko sa center island at muli lang akong napailing nang makita kong hindi pa rin pala umaalis ang mga audience ko.

May kaniya-kaniyang mga plato sina Lucienne, Axel, at Trace na pawang mga abala sa pagkain pero nang makita nila ang hawak ko ay halos sabay din silang lahat na namilog ang mga mata. Yep. Just like puppies.

Umuusok pa ang niluto ko nang magawa ko iyong isalin sa tatlong lalagyanan. I used a wok to cook kaya hindi rin ako natagalan dahil malaki iyon. I think that's my new favorite right now. Lahat ata magagawa kong lutuin gamit ito. I don't need to cook by batches.

Inabot ko ang sesame seeds at ibinudbod ko iyon sa ibabaw ng niluto ko para lang mapatalon nang biglang magpalakpakan ang tatlo.

"Wow!" Axel exclaimed.

Tumango-tango pa si Trace habang pumapalakpak. "Bravo!"

"Nani! Nani!" Axel and Trace stopped admiring the food and they both looked at Lucienne. Maging ako ay sunod-sunod na napakurap sa babae na natigilan dahil sa pagtitig namin. "What?"

"Nani ka diyan? What ibig sabihin no'n eh," sabi ni Trace.

"Aba malay ko. Iyon lang alam ko na ibang language eh- ay wait! Alam ko na!" Masayang pumalakpak siya at muling nagsalita. "Oui, oui!"

And with that, I laughed so hard that there were tears in my eyes. With all the tears that I shed from the past few days... I like this one better.

PALIPAT-LIPAT ang tingin ko sa cellphone na hawak ni Trace at kay Lucienne na iniilingan ako na para bang sinasabi na 'wag kong patulan ang hinihinging pabor sa akin ng lalaki. Gumawa pa siya ng "x" gamit ang dalawa niyang kamay pero nang lumingon sa kaniya si Trace ay patay malisyang ibanalik niya ang atensyon niya sa gitara ko na pinaglalaruan niya.

"Wag kang tumulad diyan sa parang others diyan. Famous lang hindi na makapag-like ng picture ng iba," pagpaparinig ng lalaki. "Basta like mo profile picture ko ha?"

"Sige-"

"Pwede ngayon na?"

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Lucienne pero wala na akong nagawa lalo pa at ginamitan na ako ni Trace ng version niya ng puppy dog eyes. Kinuha ko na lang mula sa bulsa ang cellphone ko at binuksan ko ang Facebook account ko na piling tao lang ang nakakaalam. I'm not even using my real name. Ang ginagamit ko na pangalan ay Lyra Miller.

"Here." Inabot ko sa kaniya ang phone. "Like mo na lahat."

Namilog ang mga mata ni Trace at kaagad na kinuha sa akin ang cellphone. He'll probably add himself to my friends' list. Sigurado rin ako na ilalike niya lahat ng pictures na meron siya na sa tingin ko ay napakarami base na rin sa mga ipinakita niya sa akin kanina.

"Bahala ka, Lia. Hindi ka na titigilan niyan. Alam mo bang kahit na madaling-araw nag-chachat sa akin iyan para ipa-like ang picture niya?"

Binigyan ni Trace ng masamang tingin si Lucienne. "Hindi mo naman ni-like."

"Iisa lang naman kasi ang pose mo. Nakakatamad i-like isa-isa."

"Hoy! Magkakaiba kaya 'yon!"

"You posted twenty selfies with the same angle, hello? Sana kung mukha ni Thorn ang nakikita ko. Kahit one thousand pa okay lang."

"May favoritism!"

"Malamang. Siya kaya tatay ng magiging anak namin. May contribution ka ba?"

Napatawa ako sa sinabi ni Lucienne lalo na at umakto si Trace na parang masusuka. Di kalayuan sa amin ay napapailing si Thorn na mukhang narinig ang pinag-uusapan namin. Nakaupo kasi siya kasama nina Gun at Axel sa patio rattan set na nandito sa may pool area habang kami naman nila Trace ay nasa tabi ng pool at nakaupo sa mga throw pillow na binigay ni Gun. Nang makita niya kasing basta na lang kami umupo ni Lucienne sa semento ay kaagad niya kaming binigyan ng mauupuan. Always a gentleman.

Dito kasi naisipan ni Lucienne na kumain ng dessert. Much to Gun's dismay because he thought they will leave immediately after dinner.

"Mag-asawa ka na kasi Trace para hindi ka nagseselos sa aming mga in love," sabi ni Lucienne.

Mahina akong napatikhim sa paraan ng pagkakasabi niya. Para kasing ang dating niyon ay kasama ako sa salitang "amin" na binanggit niya.

"Itaga mo 'to sa bato Lucienne Dawson. Kapag nahanap ko ang babaeng para sa akin, papakasalan ko agad-agad 'yon."

Pinaikot ng babae ang mga mata. "Yeah right."

"Pustahan pa tayo."

"Umm... shouldn't you fall in love first before... you know? Getting married?" singit ko sa usapan nila.

"We're Dawsons. Alam namin kapag nasa harap na namin ang babaeng gusto namin na makasama habang-buhay."

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko na nagawang napigilan ang sarili ko dahil napatingin ako muli sa kinaroroonan nila Gun. They appear to be busy talking. Hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi ni Trace.

I can't help but think about the first time that we came into each other's lives. On how everything felt right when our eyes first met. Kung paanong bawat oras na kasama ko siya mula nang maging parte na kami ng buhay ng isa't isa ay ipinaramdam niya sa akin na sigurado siya sa akin.

Sigurado siya na ako na ang para sa kaniya.

"Ang tanong gusto ka ba niyang pakasalan?"

"What's not to like?" mayabang na tanong ni Trace. "Ako kaya ang pinakagwapo sa lahat sa amin-"

"I don't agree."

"I don't agree."

Nagkatinginan kami ni Lucienne dahil sabay pa kami na magsalita. Umangat ang kilay niya dahilan para kaagad kong maramdaman ang paggapang ng init sa magkabila ko na pisngi. Lucienne looks so cute and innocent but I have no doubt that she's perceptive than most.

"Ewan ko sa inyo. Mga bulag," nakasimangot na sabi ni Trace bago tumayo. "Kukuha ako ng drinks. Anong gusto niyo? Alam niyo na. Mababait ako sa mga may kapansanan."

Binelatan siya ni Lucienne. "Tubig lang alipin."

Inirapan siya ng lalaki at pagkatapos ay sa akin naman bumaling. "Ikaw, Lia?"

"Tubig na lang din."

Tumalikod na siya at naglakad papasok ng bahay dahilan para maiwan kami ni Lucienne. Napabuntong-hininga ako bago ako tumingin sa kaniya. Nararamdaman ko kasi ang mga mata niya na nakatuon sa akin.

"I'm not going to ask," she said quietly. Mukhang ayaw niya rin marinig ng iba ang pinag-uusapan namin.

"Lucienne-"

"But I want to tell you that I completely agree with Trace." Tumingin siya sa gawi ng asawa at gumihit ang ngiti sa mga labi niya. "They just know. Kapag ikaw ang gusto nilang makasama... they know."

"That's impossible for me."

"Imposible o natatakot ka na maging posible?" I opened my mouth to speak but I closed it again when I couldn't find the right words to say. Lumawak ang ngiti ng babae at nagpatuloy siya. "Gun told me something when I thought it's impossible for me to be with Thorn too. He said that I became Thorn's world before the both of us even know it."

"I'm-""

"But you both do. Alam niyo na pareho ni Gun ang sagot. Pinipili mo lang na hindi makita."

Tumingin ako sa kinaroroonan nila Gun. I felt the familiar pain in my heart again while looking at him. "I can't put him through all that again."

"He's a grown up man. He can handle it."

I looked at Lucienne and I shook my head. "I don't want him to. Masasaktan siya at oo... mas lamang ang takot ko na kamuhian niya ako dahil sa mga nangyari. Dahil sa mga nagawa ko. It was all my fault and I don't want him to know that. I don't want to look at him and see the same thing that I lived with growing up; disappointment and hate."

"There are two kinds of pain in this world. One is the pain that you don't want in your life and the other is the pain that you can live with. I have a lot of the first but finding the right person made all the hurt bearable. I can live with all of them because they couldn't touch me when I'm with my husband. His love is enough for me to wake up everyday free from nightmares." Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ang akin. There's so much kindness in her eyes that I instantly felt the moisture gathering in my eyes. "You need to learn how to accept that pain is part of our lives. So is guilt. Nasa atin na kung pipiliin natin na sirain no'n ang tiyansa natin na maging masaya."

Muli niyang pinisil ang kamay ko pero sandali lang iyon dahil binitawan niya rin ako. Inayos niya ang ekspresyon sa mukha at lumingon siya sa kaliwa niya.

Kinuha niya ang isa sa dalawang baso ng tubig na hawak ni Trace. "Salamat, alipin."

"Hindi kita kilala." Pagkasabi no'n ay sa akin naman bumaling ang lalaki at inabutan din ako ng baso. Kipkip niya rin ang can ng beer na para sa kaniya. Nagpasalamat ako sa kaniya at kinuha ko iyon. Sandaling nagkatinginan kami ni Lucienne pero nginitian niya lang ako.

Alam kong may posibilidad na malaman ni Thorn ang mga pinag-usapan namin. He's her husband. But I don't think there's enough for her to tell him anyway. I kept my secret so deep inside me that even I can't acknowledge it.

I'm just not ready yet.

"Hey, Lia." Napakurap ako nang tawagin ni Lucienne ang pansin ko. Sa pagtataka ko ay inabot niya sa akin ang gitara. "Pa-sample naman ng isa."

"Mahal talent fee niyan," sabi ni Trace.

"Mayaman ako." Ngumisi ang babae at nagtaas ng kilay. "Mayaman din ang asawa ko. May pambayad kami."

Naiiling na inayos ko ang pagkakahawak sa gitara. I strummed once, feeling the vibration of the strings, while letting the tune be carried out by the wind until it disappeared.

Piano is my first love but a guitar will always have a special part in my heart. Mas madali kasing dalin kahit saan. Kaya kapag naiisipan ko na tumugtog kahit may tour kami ay madali lang para sa akin.

"Ano bang kanta ang gusto mo? Any favorite song?"

Masayang pumalakpak si Lucienne. "Kiss Me ni Ed Sheeran alam mo? Iyon kasi ang background music namin ni Thorn noong first kiss namin."

"Ew," nakangiwing sabi ni Trace.

Pinandilatan niya ng mga mata ang lalaki habang ako naman ay nangingiti lang na sinimulang tugtugin ang pamilyar na kanta. After a few moments, I started singing the song. Hindi ko alintana ang matuon na pakikinig ni Trace at Lia. Pilit ko rin na inignora ang tatlo pang pares ng mga mata na nasa direksyon ko kung saan ang isa ay tila mas mabigat sa iba.

When I finished singing, Trace requested his own choice of song which was Iris by The Goo Goo Dolls. It's also one of my favorites.

When I was done I earned claps from Lucienne and Trace's nod of approval. Akmang ibababa ko na ang instrumento pero muling nagsalita ang babae. "Pwedeng isa pa? Iyon namang ikaw mismo ang nag-compose."

I have a lot of original songs but I didn't write all of them. Karamihan sa mga iyon ay nanggaling sa mga batikan na composer katulad nina Aria Flores and Raja Chandler. But I also have tons of songs that I composed myself.

My songs always carry the weight that I'm going through. Lahat ng mga iyon ay sinasabi ang mga salitang hindi ko magawang sabihin.

"I wouldn't know what to choose," I said trying to deflect the course of the conversation.

"May narinig akong isa sa mga kanta na ginawa mo. How about Sweet Chaos?"

Damn. "Umm..."

Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Please."

She knows what she is doing. I know she's manipulating me. Gusto ko siyang tanggihan dahil iyon ang nasa pinakauna ng mga kanta ko na ayokong marinig ni Gun.

Pero ano bang kanta na sinulat ko ang gusto kong marinig niya samantalang lahat ng iyon ay isinulat ko na siya ang nasa isip? I always bare my heart whenever I write songs. There's not one of them that doesn't have a part of me.

Siniko ni Lucienne si Trace at kaagad naman na-gets ng lalaki ang gusto niyang iparating dahil dadaigin niya pa ang paawa effect ni Lucienne. Pinagsalikop niya rin ang mga kamay at para bang paslit na humihingi ng candy na nakatingin sa akin.

"Please!" magkasabay nilang sabi.

I took a deep breath before nodding. Hindi ako lumingon sa direksyon na kinaroroonan nila Gun dahil ayokong makita ang magiging reaksyon nila. Sa halip ay tiniyak kong nakaharap lang ako kay Trace at Lucienne at inanggulo ko ang sarili para nakatalikod ako sa iba pa naming mga kasama.

This is more nerve-wrecking than the biggest concert that I had because this time I'm singing it with the man that inspired the song right here with me. I strummed the intro of the song, letting the music flow through me until I became one with it. Just like always.

"I used to love the sun on my face. I used to dance while it rains. I used to enjoy the journey. I used to love a lot of things but now all I have is pain. I used to swim with the waves, the wind was once my friend. But if there's more that I crave, it would be to have you again."

I saw a changed in Trace's face but I decided to ignore it. Bago ako muling bumaling sa gitara ay nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi ni Lucienne.

She did planned this.

"Cause when I think of what I've lost, it was the memory that hurts me the most. You are the only sweet music in the chaos of my world. The heavens made you perfect but they didn't made me perfect for you."

Gun is someone that every woman wouldn't want to let go of. Lahat na ata ng tama para sa isang tao ay meron siya. He love so generously... without holding anything back. He's perfect. He's everything that I'm not.

"I used to love the morning... but hated it through days of not waking up with you. I once fell in love with the rainbow sky, but now there's no color in my life. 'Cause I miss your hand on my waist, the smile in your eyes. Maybe it was your lips... or perhaps it was you never saying goodbye."

"And when I think of what I've lost, it was the memory that hurts me the most. You are the only sweet music in the chaos of my world. The heavens made you perfect but they didn't made me perfect for you."

I turned my face away when I felt a lone tear escaped my eye until it trickled down my cheek. I fought through it... keeping my voice clear and untouched by the emotion that is starting to overwhelm me.

"I keep on missing things, like you holding my hand tight. I lost all of that... because I didn't chose right. If only I could then I will make sure that I wouldn't have to miss you. If only I could stay. If only sorry is enough. Then I wouldn't think of what I've lost because I'll be with you... loving you the most."

The first thing I saw was Lucienne's tear streaked face. Sa tabi niya ay hindi na magawang makatingin sa akin ni Trace. But I didn't have the time to at least speak to them when I felt hands took my guitar away from me.

Gulat na nag-angat ako ng tingin at doon ay nakita ko si Gun. His eyes are blazing and all I can do is stare at him.

Hindi niya nilingon ang mga kasama namin at sa halip ay nanatiling nakatingin lang siya sa akin nang magsalita siya.

"Everyone get out."

________________________End of Chapter 17.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top