Chapter 15: Moon River
#DaggerSeries #LiaxGun #DragonCouple #DS2Unstrung
CHAPTER 15: MOON RIVER
LIA'S POV
Magaan na halik na dumampi sa balikat ko ang nagpagising sa akin. It was so light that I'm not even sure if it really happened. Sa kabila nang pagbalik nang kamalayan ay nananatili akong hindi kumikilos. Not because I'm pretending to sleep but because I can't find the strength to move.
This is not like in movies where I wake up and I don't know if everything that happened was real. Una hindi naman ako nakainom kagabi. And even if I am drunk there's no way that I can forget what happened with me and Gun.
I can't even find the right words to describe it. Sa tingin ko walang sapat na adjectives sa mundo para ilarawan ko ang mga naganap kagabi. O pati ang mga naganap kaninang madaling-araw. It was like we were cramming the years that we've lost into just a couple of hours.
Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan. Ilang sandali lang pagkatapos no'n ay lagaslas naman ng tubig ang narinig ko. I was drifting in and out of sleep when I heard a quiet rustling near me followed by another sound of the door.
Inaantok na iminulat ko ang mga mata ko. I was greeted by Gun's fawn colored walls. He brought me here in his room last night. For a moment I thought he was bringing me to my room but instead we went here and then... we continued our activities.
Ang kasunod na napagtuunan ko ng pansin ay ang digital clock sa bedside table. Shit. It's almost twelve noon.
Umupo ako mula sa pagkakahiga dahilan para bumagsak ang nakatakip sa akin na puting kumot. Itinaas ko iyon para takpan ang hubad ko na katawan kahit wala namang tao sa kuwarto maliban sa akin.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Unang beses ko pa lang kasing makikita ang kuwarto ni Gun. I was too preoccupied last night.
His room is bigger than the other rooms but I didn't expect it to look like this. Kapag lalaki kasi ang gumagamit ng kuwarto kung hindi makalat ay sobra namang masculine ng dating niyon. But Gun's room is simple with a hint of class. Katulad ng kabuuan ng bahay niya ay warm tones din ang dominante sa kuwarto niya but a little bit darker. His pillows and coverlet matched the bed's carpet. They are more like a dark taupe color. His bedside tables are dark cherry wood which looks the same in color of the door of his walk-in closet.
His room has this homey and cabin-like vibes. Hindi exactly na ginawa para lang sa lalaki kundi mas tamang basahin na ginawa para sa isang magpamilya.
"You're standing at the house that I made for you."
Ipinilig ko ang ulo ko nang tila umukilkil sa utak ko ang mga salitang binitawan ni Gun kagabi. Tumayo na lang ako habang hila-hila ang kumot at binalot ko iyon sa katawan ko. Imbis na gamitin ang banyo ni Gun ay tahimik na lumabas ako ng kuwarto para magtungo sa guestroom na ginagamit ko. My clothes are there anyway and I need to feed Harper.
Hindi naman ako nagtagal sa mga kailangan ko na gawin. I showered, got dressed, then I went to Harper to get her cage. Dala-dala ang hawla niya na bumaba na ako ng bahay dahil naroon din ang pagkain niya.
I was coming down the stairs when Harper chirped at me. "Patience, Harpz. Late akong nagising eh."
She didn't look appeased with my excuse and she just chirped again. Nangingiting napailing na lang ako at nagmamadaling bumaba na ako. Pero bago ko pa maiapak ang mga paa ko sa pinakahuling baitang ng hagdanan ay narinig ko ang malakas na boses ni Gun.
"What do you think you're doing?"
Na-freeze ako sa kinatatayuan ko at sunod-sunod na napakurap. Sa kabilang dulo ng hallway na kinaroroonan ko ay nandoon si Gun.
Kaagad kong naramdaman ang paggapang ng init sa magkabila kong pisngi. Tila nag-flashback sa akin ang mga namagitan sa amin kagabi. I can remember his touch, his kiss, every part of me that he tasted... and I remember me doing the same. I also remember how what happened is a bad idea.
"W-What?"
"You're going to hurt yourself."
For a moment I thought he read my mind. Dahil iyon ang kahahantungan ko kapag hindi ko tinigil ang kahibangan ko. I'll get hurt and he will too.
"What?" I whispered.
Imbis na sagutin ako ay ibinaba niya ang hawak niya at naglakad palapit sa akin. I noticed that he's wearing shoes.
Dahil bumaba ang tingin ko sa sapatos niya ay doon ko nakita ang mga hindi ko napansin kanina. There's pieces of glass everywhere. May nakabagsak na frame na noon ay nakakabit sa pader ng hallway at ngayon ay nagkalat ang salamin sa sahig.
"Come on," sabi niya nang nasa harapan ko na siya.
"Ha?" Umuklo siya na parang bubuhatin ako pero kaagad akong napaatras. Kunot ang noo na nag-angat siya ng tingin sa akin. "You can just give me shoes you know? Hawak ko kaya si Harper."
"I'm already here."
Impit na napatili ako nang bigla na lang niya akong hinawakan at bago pa ako makapagprotesta ay nagawa na niya akong buhatin na parang wala lang ang bigat ko. He carried me in a bride style way. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa hawla ni Harper kundi malamang ay nabitawan ko na siya.
"Gun! Put me down!"
Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. To my embarrassment, he placed me on top of the center island. Lugar na isa sa naging saksi sa mga nangyari kagabi. He put me on top of this very counter last night and made me feel... all that.
Pakiramdam ko ay lalong namula ang mukha ko nang makita kong nakataob din ang table na kinalalagyan ng lamp ni Gun. Ang lamp din ay nakabagsak sa sahig. Mukhang una niyang nilinis ang kitchen. I have no doubt we broke something here as well. Dahil may narinig akong nagbagsakan kagabi.
In short the place is a disaster.
"I... I can pay for your stuff-"
Gun's sharp eyes went to me. "No."
"But-"
"Did you break them intentionally?" Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "If what happened last night is the result, I don't care if you break the whole house."
Napalunok ako sa tinuran niya. Shit. "Gun... about that. What happened last night..."
"Don't."
I looked at the ceiling for a brief moment in frustration. "Stop cutting me off!"
"Then stop being stupid."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Yes. We are like this. Exactly just like this. One moment, I'm all embarrassed and shy. The next, he'll managed to bring out the dragon sleeping inside me. "You didn't just called me that!"
"I did because you're being one."
"How dare you-"
Muling naputol kung ano pa man ang sasabihin ko nang natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong na dahil ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko. I can smell his aftershave what with his closeness to me.
"Don't ruin what happened last night," he said while looking deep into my eyes.
I sighed and closed my eyes briefly and when I opened it again I saw his travelling all over my face. "Gun, what we did is wrong. Alam mo kung ano lang ang meron tayo."
"You made that perfectly clear."
I ignored the acid in his voice. "Sex can't fix us. I don't even know kung ano ba tayo."
His jaw clenched at my words. His eyes are burning straight into me. "Hindi mo alam kung ano ba tayo?"
"Gun..."
"You always know." He corrected. "We always know."
Umiling ako. "We haven't been that for a long time."
"That doesn't change what we are and you know that."
He's right. I know he's right. Dahil nang una ko pa lang siyang makita ay alam ko na ang katotohanan na iyon. Kung ano siya sa akin... at kung ano ako sa kaniya. We were never strangers. Not really. We were always more.
Bumuka ang mga labi ko para magsalita pero naunahan niya ako. "You want to walk away again? You can't do that now. As far as I know I have you as long as this case is open. I'll have you in whatever way I can."
"And what good would that do? Just for sex?"
"It is never just that between us."
I know. "Then what?"
"I'll have you. This time, my way. My choice."
Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang eksaktong dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit niya pa rin gusto. But maybe it's really what he said. Sa pagkakataon na ito paraan niya ang susundin. His choice.
He can end it the way he wants. Kung kailan niya gusto.
Maybe this is his payback. I should give this to him. Alam ko kung anong mangyayari sa akin sa dulo. Alam ko kung gaano ako mahihirapan makabangon kapag nawala na naman siya sa akin. I know it will take me longer to build myself again. But I also know that I can't lie to myself. Kahit alam ko ang kapalit, hindi ko mapigilan ang sarili ko na gustuhin ang panandaliang meron kami. I can't help but want to stop thinking of what would happen and just live in my present.
No matter how it will kill me after it ends.
"You don't get it."
Nag-angat ako ng mukha at sandaling natigilan ako sa ekspresyon sa mga mata niya. A part of me knows it, I just can't put a finger on it. It seems so familiar but his eyes are also guarded, preventing me from really recognizing what I'm seeing.
The air in my body was almost sucked out of me when his face went closer to mine. I can feel his hot breath on my face as he leaned down, our lips so close that they can almost touch.
"You don't get it but you will soon, baby."
ITINAAS ko ang suot ko na itim na cap pero bumabagsak lang ulit iyon sa mukha ko. Nakalimutan ko kasi sa bahay ni Gun ang akin kaya pinagamit niya na lang ang cap niya. Iyon nga lang di hamak na mas malaki iyon. Malaki naman talaga siya sa lahat ng aspeto.
Napaubo ako sa isipin na pumasok sa utak ko at kaagad din nag-init ang magkabila ko na pisngi. Mabuti na lang abala si Gun sa tinitignan kaya hindi niya napansin ang bigla kong pagkabalisa.
"Iphone ba ang gusto mo? They have the latest model."
Nalukot ang ilong ko sa sinabi niya. I had an Iphone before. I don't hate it but I don't particularly like it either. "Nah. Walang Samsung?"
"Hindi ka naka-Iphone?"
Inangat ako ang cap at pinaningkitan ko siya ng mga mata. "No. Why? Iphone gamit mo?"
"Yes."
Binaba ko ulit ang sumblero at humalukipkip ako. "Basta gusto ko ng Samsung. Iphone is good but I hate the feeling of having it. I love buying phone cases and I hate it when they don't cover the logo as if it's a crime. Kapag naman nakakabili ako ng natatakpan lahat, iyong mga tao naman na kakilala ko ang nagsasabi sa akin na mas maganda daw kung di ko tinatakpan ang logo." I rolled my eyes at that. "I mean, it's just a phone for goodness' sake."
He looked at me for a moment before he returned his eyes to the store's employee. Kanina pa nag-iintay ang lalaking empleyado ng store sa mall na pinuntahan namin para makapili kami. "Do you have the latest model of Samsung?"
"Meron po. Samsung Galaxy Z Fold 2 po."
"Kukunin na namin-"
"I don't like that one. It looks weird." I said before I pointed to another phone. "I want the flip one."
"It's not new."
"Wag kang masyadong nagpapaniwala sa mga new releases. Hindi naman talaga lahat magaganda. Minsan sisingilin ka ng sobra wala namang pinagkaiba sa mas nauna. Also, I love my S20 Plus before you threw it in the pool."
Nakita kong nanlaki ang mga mata ng empleyado na napatingin kay Gun. I saw his eyes sized up Gun then probably because of what he saw, his eyes turned frightened. Mukha naman kasing kayang mambalibag talaga ni Gun ng tao kung gugustuhin niya.
"We're good," I told the employee. "This man can't hurt an ant. Unless that ant causes fear to children, women, and elderly."
Lalong namutla ang lalaki nang mapatingin sa kaniya si Gun na kunot ang noo. It's always been the source of unease to people when it comes to Gun. Isang tingin mo pa lang kasi alam mo ng suplado ang lalaki. Sa magkakapatid si Thorn, Gun, at Pierce talaga iyong kapag nakita mo parang nenerbyusin ka na. Oh and Coal too except he's more mellow than the three. Si Thorn kasi mukha lang suplado pero malambot talaga ang puso, Gun is the same but he's more the broody kind. Pierce on the other hand... well let's just say puro ang pagkasuplado niya.
Imbis na sumagot ang empleyado sa tinuran ko ay nagkukumahog na kumuha na lang siya ng stock ng phone na gusto ko. Ilang sandali lang ay nakapili na ako ng kulay na gusto ko. Of course I chose the mirror black because it's easier to partner with anything. Madali pang hanapan ng cover na babagay.
Everything was going smoothly but it went downhill when it's time to pay for the phone. Sabay kasi kaming naglabas ng card ni Gun na kaagad akong pinaningkitan ng mga mata. Ilang minuto namin iyong pinagtalunan habang ang kawawang empleyado ay pabalik-balik lang ang tingin sa amin habang marahil ay lihim na nagdadasal na umalis na lang kami.
"No," he said firmly.
"It's my phone. Ako ang gagamit kaya ako ang magbabayad."
"Ako ang nagtapon sa pool ng phone mo." Inabot niya ang card sa hindi na makapagsalita na empleyado ng store. "I'll pay for the damn thing."
Napahalukipkip na lang ako at binigyan ko ng matalim na tingin si Gun. As usual parang wala lang sa kaniya iyon dahil inignora niya lang ang ipinupukol ko sa kaniya na tingin.
After a few more moments we're both walking out of the store. Hindi man lang kami sinabihan ng empleyado na bumalik katulad nang kalimitan na sinasabi ng mga salesman or saleslady kapag bumibili ang customer.
Tahimik na naglalakad lang kami ni Gun nang madaanan namin ang isang store na mukhang para sa music albums and movies. Sa labas ay may mga naka-stack na microphones na tinitinda ng store habang ang babaeng naka-uniporme ay nagpapatugtog sa tila videoke monitor nila. Nagsimulang kumanta ang babae at bahagyang napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses niya. The woman has a great voice.
"Sa tingin mo requirement sa kanila na kapag nag-apply ay dapat maganda ang boses?"
Sinundan ni Gun ang tinitignan ko at pagkatapos ay nagkibit-balikat siya. "Siguro."
"She's good."
"She probably needs to. Kasi siguradong maghapon pa siyang kakanta diyan."
"Do you think they have commissions? Kapag nakabenta sila?"
"Maybe. Why?"
Imbis na sagutin ang lalaki ay nag-iba ako ng direksyon at tinungo ko ang kinaroroonan ng babae. Tumigil siya sa pagkanta at nakangiting hinarap ako nang makitang tinitignan ko ang mga microphone nila. Smart karaoke microphone pala. I love singing but I don't think I've tried to sing using a magic sing or any karaoke.
"Maganda po 'to, Ma'am. Nakakaganda ng boses."
My lips quirked at what she said. Tinuro ko ang rose gold na kulay na mic. "Gusto ko iyon. But can I try the mic first?"
Pumayag naman siya kaagad at may inabot sa akin na papel na may listahan ng mga kanta. I told her my selection and she used the mic to punch in the numbers. Amazing.
Nang marinig ko ang pamilyar na intro ng kanta ay inalis ko ang suot ko na cap. Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Gun na kinuha sa akin iyon. He's not looking at me but instead he's surveying the place. Probably making sure that I would be fine.
But I already know the answer. He's here so I am safe.
Tumingin ako sa babaeng empleyado ng store at nginitian ko siya nang makita ko na tila siya itinulos sa kinatatayuan.
Nang matapos ang intro at nakita kong lumabas na sa TV monitor ang lyrics ng Moon River ay nagsimula na akong kumanta. I can hear the low buzz of people talking around me. Hindi ko kailangan lumingon para malaman na may mga taong tumigil sa pamimili nila at ngayon ay lumapit na sa amin.
"Oh, dream maker, you heart breaker. Wherever you're goin', I'm goin' your way."
It's one of my favorite songs. It captures the essence of solitude at the same time that it shows both joy and sorrow as if they are two things that are dependent to each other.
I can feel the stares of a lot of people. But only one pair of those that felt so heavy that I can feel it entering my skin. Lumingon ako at nagtama ang mga mata namin ni Gun. He's watching me so intently that I can feel my heart starts to beat so fast as if it wants to come out of my chest and go to him... it's rightful owner. Ang nag-iisang taong magmamay-ari no'n.
I ended the song while looking at him. He's my joy and sorrow. Having him is my happiness and losing him... it's despair. "We're after the same rainbow's end, waitin' 'round the bend. My huckleberry friend, moon river, and me."
Nag-iwas ako ng tingin sa lalaki nang matapos na ang kanta at binalingan kong muli ang babaeng empleyado na hawak ang cellphone niya at kinukuhanan ako. Ibinalik ko sa kaniya ang microphone at kinuha ko na ang gusto kong bilin. Sunod-sunod ang naging pasalamat niya lalo pa at may mga lumapit na rin sa kaniya para tignan ang mga microphone niya.
Hindi kami nakaalis ni Gun dahil gaya ng inaasahan ay humingi ng picture ang mga tao. I didn't mind. And just like always... Gun didn't too.
Kahit naman noon ay hindi iyon naging problema. Tanggap niya kung anong kaakibat ng mundong ginagalawan ko. Mundo na alam niyang mahal ko.
I just wish the truth is easier to accept too... or rather, easier to forgive.
KUMUNOT ang noo ko nang mapatingin ako sa gawi ni Gun. Nakaupo siya sa sofa at kanina ay abala na may ginagawa sa laptop niya. Iyon nga lang ay ilang beses ko siyang nahuhuli na napapatingin sa akin. Katulad ngayon.
"What?" I finally asked.
Hindi siya kaagad sumagot at pinagmasdan niya lang ako. Pagkaraan ay napailing siya. "Are you going to feed an army? O magtatayo ka ng feeding program?"
Lalong lumalalim ang kunot ng noo ko. "I probably need to cook more than this if that's the case." He chuckled and shook his head again. "Bakit ba? Ang konti lang kaya nito."
Tininan ko ang mga nakahilerang meat balls. I have a huge stainless mixing basin in front of me. Binili din namin iyon sa mall kanina because I told him I need one because I want meatballs. Noong una sabi niya ay meron naman siyang malaking bowl dito sa bahay niya but I already saw it and it's too small.
So now here I am with six sheets of pan full of meatballs. Hindi naman kailangang lutuin lahat. We can put them in the freezer para may maluto kapag gusto namin.
"Alam mo ba kung gaanong karaming lasagna mo ang kinain ko? Why do you think I asked my brothers to come here? There's no way we could consume all you cooked before." Nagbaba siya ng tingin sa cellphone niya na nakalagay sa coffee table nang umilaw iyon. "And that's why they're coming over again tonight."
"Oh no! Then I need to make more!"
"Babe."
Natigilan ako sa salitang sinabi niya. He's been calling me that since last night and I'm still not used to it. Hindi dahil hindi niya ako tinatawag ng gano'n dati kundi dahil iyon ang eksakto niyang tawag sa akin noon. It comes so natural from him despite the years of not being together. And even though we're still really not together.
"That's enough for all my siblings. Probably too much."
Nanglaki ang mga mata ko. "Pupunta sila lahat?"
"Hindi. Si Thorn, Lucienne, at Trace lang."
I started counting in my head. Hindi pa ako tapos sa pagbilog ng mga natirang mix sa basin ko. Kaya madami pa naman akong magagawa. Also I'm not just frying them. I'm making a Tex-mex meatballs.
"Babe."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "What?"
"Stop panicking. Malalaki kaming tao pero hindi namin kayang ubusin lahat ng niluto mo. Unless pupunta rin ang iba pa naming mga kapatid at magsasama sila ng bisita."
I stared at him skeptically. "That's not true."
"Trust me."
Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. I still have a lot to do. Time consuming na ang pagpirito no'n kaya kailangan ko na ring simulan dahil siguradong hindi magtatagal ay nandito na ang mga kapatid niya at si Lucienne.
After what feels like eternity, I was adding the food I cooked into three big lasagna pans when we heard a knock.
Tumayo si Gun sa kinauupuan at pinagbuksan ang mga kapatid niya ng pintuan. Ang una kong nakitang pumasok ay si Lucienne na kaagad akong nginitian. Kumaway pa siya na para bang ang layo ng distansiya namin sa isa't isa.
"Umm, guys?" sabi ni Lucienne pagkaraan sa amin.
"What?" tanong ni Gun.
"You probably know this already pero sasabihin ko na rin. Kapag magsuswimming kayo sa pool, 'wag na kayong magdala ng phone. Unless waterproof at gusto niyong mag under the water photo shoot. But from the looks of it I don't think the phone I saw in the pool is for that purpose. Maybe you should research first before... submerging your phone in water?"
Nagkatinginan kami ni Gun. Nakalimutan na namin iyon parehas. Kawawa naman ang cellphone ko.
Nauna na akong magsalita lalo pa at nakita kong nakaabang din maging ang mga kapatid ni Gun ng paliwanag. "A-Ano... nahulog ko lang."
"Sa gitna ng pool?" takang tanong ni Lucienne.
Shit. "H-Ha?"
"Nag-away ba kayo?"
Sa pagkakataon na ito ang tanong na iyon ay nanggaling kay Trace. Nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gunter. "Itinapon ko kasi ang lalagyan ng kape ko kanina sa labas. Nakita ko may mga basag na frame, bumbilya, at plato."
"Lumindol," mabilis na sagot ko. "Tama! Lumindol kasi."
Pinanlakihan ko ng mga mata si Gun nang makita kong inihilamos niya ang isa niyang kamay sa mukha niya. Tumigil ang kamay niya sa bibig niya na para bang tinatakpan niya ang tawa na nais kumawala roon. Anong magagawa ko kung iyon ang naisip ko? Siya nga walang contribution na paliwanag.
"Eh? Lumindol? Mga anong oras?" sunod-sunod na tanong ni Lucienne.
I racked my brain before answering. Hindi ako pwedeng magsabi ng masyadong maaga na oras. Kasi for sure late na rin sila umuwing magkakapatid dahil si Gun lang naman ang maagang umalis ng meeting.
"Mag fo-four ata in the morning? Hindi ako sure," kinakabahang sabi ko.
"Ay!" Humagikhik si Lucienne at napatingin sa asawa niya na napakamot sa batok. "Hindi ko talaga mapapansin na lumindol no'n. Busy ako."
Narinig ko ang mahinang pagmura ni Gun habang ako naman ay kaagad pinamulan ng mukha. Kasi kung sakaling naglindol nga ng ganoon ding oras ay baka hindi ko rin napansin. Iba kasing lindol ang nasa focus ko no'n for sure.
"Nasa labas pa ako no'n ah? Bakit hindi ko napansin?" naguguluhan pa rin na tanong ni Trace. Para ngang hindi niya rin napansin ang sinabi ni Lush.
"Manhid ka kase," sagot ni Lush.
"Hoy hindi ako manhid. Iyong mga babaeng nagugustuhan ko ang manhid. Ang gwapo ko naman pero lagi na lang akong friendzone." Tumingin pa ang lalaki sa ceiling habang nakahawak sa tapat ng puso na para bang may pinagdadaanan talaga.
"Mukha ka raw kasing mambubudol."
Natigil sa ginagawang pakikipag heart to hart sa ceiling ni Trace at masama ang tingin na binalingan niya si Lucienne. "Alam mo napapansin na kita ha? Parang kanina mo pa ako binabara."
"Ewan ko ba. Pag nakikita kita naiirita ako."
Napataas ang kilay ng lalaki. "Feeling ko pinaglilihian mo ako."
Tumingala sa kisamen si Lucienne at pinagsalikop niya ang mga kamay na parang nagdadasal. "Lord, 'wag naman po sana."
Akmang magsasalita pa si Trace pero pinagitnaan na sila ni Thorn. Matalim ang tingin na tumuro sa kusina ang lalaki habang nakatingin sa kapatid. Nakangusong naglakad palapit sa kinaroroonan ko si Trace habang si Lush naman ay tumulis din ang sariling nguso nang itinuro naman ng asawa ang sofa.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Trace nang makalapit.
"Umm..." I looked around me. "Probably another pan? Alam ko meron pa sa last drawer. Thank you." Itinuro ko ang isa sa mga drawer ng base cabinets na nasa dulo ng center island at kaagad naman siyang lumapit doon.
Tatlo lang ang nagawa ko na pan ng Tex-mex meatballs ko. Pang-apat ang kinukuha ni Trace pero for sure hindi iyon mapupuno dahil konti na lang ang sinasalin ko. Iyong iba pa kasing mga meatball na ginawa ko at hindi pa naprito ay pinatabi na ni Gun sa freezer dahil sobra-sobra na raw ang pagkain.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Nilalagyan ko pa kasi iyon ng mga dekorasyon dahil isa iyon sa paborito kong gawin kapag nagluluto. The most important thing in cooking is the taste of course. Pero nakakadagdag din kasi kapag maganda ang presentation. Also, I want to add a lot of cheese. Cheese makes the world a better place.
"Kanino 'to?"
Napabaling ako kay Trace hindi dahil sa tanong niya kundi sa nakita kong reaksyon ni Gun. Nang magawa kong lingunin ang lalaki ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong hawak niya.
It's my bikini.
Napunta siguro iyon sa ilalim nang hindi namin namalalayan ni Gun. Masyado rin kaming naging abala sa mga aktibidad namin. Noong ayusin naman niya ang mga kalat namin kaninang umaga ay baka nakaligtaan niya iyon.
Sa lahat naman talaga ng detective sa mundo! Pinaningkitan ko pabalik si Gun nang makita kong nakatingin din siya sa akin sa kaparehas na paraan. Mukhang kahit hindi ko isinigaw ang isipin na iyon ay para bang nababasa niya ang naisip ko.
"H-Hindi akin 'yan."
Nagdududang tinignan ako ni Trace. "Alangan namang kay Kuya 'to?"
"Ewan ko-"
"Throw it away, Trace. It's probably his woman's bikini."
My eyes knifed to Thorn. Woman?
"Ahh." sabi ni Trace at binuksan ang trash can na nasa isang tabi. "Ano nga bang pangalan niya? Marian?"
"Ariane," It was Gun who speak this time but his eyes are on me.
Nag-iwas ako ng tingin at nanginginig ang mga kamay na ibinaba ko ang hawak ko. "Trace pwedeng pakisalin na lang iyong natitira pa? May kukunin lang ako sa kuwarto."
Hindi ko na hinintay ang naging sagot ng lalaki dahil nagmamadaling naglakad na ako palayo sa kanila. I was almost out of breath when I reached the second floor. Not because of the climb but because of the invisible hands that are starting to strangle me.
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto na ginagamit ko at kaagad akong pumasok doon. Sinarado ko ang pinto at pagkatapos ay naglakad ako palapit sa malaking salamin na bintana ng kuwarto. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang inangat ko ang isa kong kamay para ihawak iyon sa leeg ko.
I can't breath. Just the thought of it... is so heavy that I can feel myself suffocating.
What did I expect? Not because there's no one else for me ay ganoon din pagdating sa kaniya. Hindi ibig sabihin na siya lang ang tanging taong hinayaan kong makapasok sa buhay ko ay ganoon din sa kaniya. He might be my world but it doesn't mean that I am his too.
"Lia."
Marahas akong napalingon nang maulinigan ko ang boses ni Gun. Nakapasok na pala siya sa kuwarto. He's standing right at the closed door.
"I'm fine. May nakalimutan lang talaga ako-"
"I didn't know that you will come back to my life."
"I'm not." Pilit kong pinatatag ang boses ko. "I'm not back. I'm just here temporarily, remember?"
"Lia-"
"I just want to know if I'm safe. You fucked me." I saw his eyes flash at that but I ignored it. "You didn't used a condom the first time. Iyon lang ang concern ko."
"I never went ungloved with anyone. Except you."
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tumalikod ako para hindi niya magawang makita ang mukha ko. I stared at the darkness spreading outside my room instead. "Good."
"Lia..."
"Bababa na rin ako. Please, pakihanda na lang ng lamesa. Susunod na lang ako."
"I don't care about the fucking dinner!"
Marahas ko siyang hinarap at sa ilang mga hakbang ay natawid ko ang distansiya sa pagitan namin. "I do! I care! So we can please stop talking about things that I don't care about?!"
"Hindi ka ba napapagod magsinungaling?"
"Magsinungaling? That I don't care about your woman?! Well I don't! I care about the fact that you fucked me without a condom on while you have another woman! That's the only thing I care about!" I can feel the veins in my neck straining. I need to stop this. Because he's right. Of course he's right. I will always care and I hate it. Kasi ako lang ang nasasaktan. Ako lang ang nahihirapan. I want to stop caring so I can protect my heart that's been hurting for years.
"She's not my woman!"
"Hindi ako tanga, Gun!"
"Ariane and I stopped seeing each other last year. Before I even saw you at the old HQ. We were not dating and we were certainly not together. She's not my woman. She's a woman that I used to fuck whenever I want or whenever she wants to." Nang makita niyang natigilan ako ay nagpatuloy siya. "I don't explain my sex life with my brothers. They probably thought we were still together because Ariane went to the office to talk to me. Talk not fuck. She invited me to her engagement party. And yes I fucked another woman after her twice, but that's it. A casual entanglement. I never had any serious relationship after you, Lia."
I can feel the air starting to enter my body again. But it doesn't mean that I don't hate the fact that he's been with someone. Hindi ko iyon mapigilan kahit na alam kong wala akong karapatan na maramdaman iyon.
I let him go.
Tinawid ng lalaki ang natitirang distansiya sa pagitan namin. Bumababa ang mukha niya palapit sa akin kasabay nang pag-angat niya sa baba ko para magawa kong salubungin ang mga mata niya. "You care, Lia."
"I-I don't. I told you my reason."
"Liar," he whispered.
I was expecting him to kiss me. I hate myself for that but that's the truth. Hindi ko rin kayang itanggi sa sarili ko ang panghihinayang na naramdaman ko nang makita kong umatras siya ng bahagya. But that regret just lasted for a few seconds when I saw him unbuttoning his shirt.
"A-Anong ginagawa mo? Nasa baba ang sister in law mo at ang mga kapatid mo!"
Kumislap ang mga mata niya pero hindi siya kaagad nagsalita. Sa halip ay pinagpatuloy niya lang ang ginagawa.
"I don't think you saw it. Hindi ko hinubad ang t-shirt ko nang nasa kusina tayo kagabi. When we continued in my room it was too dark for you to see."
"What?" I asked in confusion.
Bilang sagot ay tuluyan na niyang hinubad ang suot niya. My eyes widened in surprise at what I saw on his chest.
It's placed on the same location. Part that he chose for him to put my mark. The same mark that I have on the top of my foot. He said he wanted the tattoo on his chest because I will always be in his heart. I chose the top of my foot because I told him I will never walk away. That I will stay by his side.
"I... I thought-"
"I couldn't."
Sunod-sunod ako na umiling. Napapalunok na inalis ko ang atensyon sa kaparehas na tato na meron ako. "Why are you telling me this? This is just part of the past, Gun. What we have now is just temporary right? We're just having fun. You said it yourself. This time it's your way we're following. Your choice. It's your play this time, Gun, and we both know the ending."
"You still don't get."
"I do."
"You don't."
I opened my mouth to speak but my words were immediately swallowed by this lips that engulfed mine. I don't know how long he kissed me. He didn't stop even we were almost out of breath. He just kept on kissing me as if the time is standing still and we're the only one that still has the power to flow with reality.
Suffice to say, we were a bit late before we join the others. Hindi ko alam kung nakahalata ba ang mga kapatid ni Gun at si Lucienne. They probably did dahil hindi naman naka-sound proof ang lugar at malamang ay narinig nila ang sigawan namin.
But no one mentioned anything about it. We all just ate quietly habang paminsan-minsan ay nag-aasaran si Lucienne at Trace.
I do know that Gun has his eyes on me and another set of eyes that I know comes from Thorn. Pero nanatili akong nakatingin lang sa pagkain ko.
I didn't need to endure the dinner much. Mabilis kasi talaga nilang naubos ang mga pagkain. Trace alone almost annihilated one pan of the Tex-mex. May natira pang dalawang pan. Pwede pa nilang dalin sa Dagger.
Nang matapos ang dinner ay nasa sala kaming dalawa ni Lucienne habang ang mga lalaki naman sa pagkakataon na ito ang nasa kusina. Trace was sitting on a stool and talking to his brothers while the other two are cleaning up. Ako na raw kasi ang nagluto kaya sila na ang magliligpit.
"Is this your new phone?" tanong ni Lucienne. Itinuro niya ang cellphone at kinuha ko naman iyon. "Hala ang cute!"
"Naninibago pa rin ako pero space saver din siya. Gusto mong tignan?"
Tumango siya at inabot ko naman sa kaniya ang phone. Hindi ko pa nadodownload mula sa cloud ang files ko pero kinonekta ko na iyon sa email ko. Mamaya na lang ako mag i-install at mag sa-sign in sa social media pages ko.
"You have an email."
Inabot niya sa akin iyon. Tinignan ko ang phone at bahagya akong napakunot-noo. Iba kasi ang email ko kung saan nagpapadala ng sulat ang ibang fans. Doon din nag e-email ang mga may collaboration offers. Hindi lang ako ang gumagamit ng email na iyon kundi maging si Maddy na manager ko, team na kinuha ko para i-handle ang mga may kinalaman sa fans, at pati na ang agency mismo.
I haven't log in on that email yet. Ang nailagay ko pa lang kanina ay ang personal email ko na halos walang nakakaalam.
The knot on my forehead deepened when I saw that it's an unfamiliar email address. [email protected]. Nagtatakang pinindot ko ang mensahe na may subject na 'Music' para tignan kung ano iyon. Baka it's from the team.
Music suggestion. I'm
always here for you.
EBYT
It is probably from the team. Siguradong kinausap na rin sila ni Travis dahil sa mga nangyari. I already emailed him a few days ago to tell him about the situation. Wala namang problema sa kaniya na mababawasan muna ang pagtanggap ko ng projects. Basta ang kasunduan namin ay lahat ng offers na matatanggap ko habang nandito pa ako ay ipapakita muna niya sa akin para mapatignan ko kaila Gun.
I clicked on the attached video and I was immediately redirected to another window. Noong umpisa ay wala akong makita roon dahil hindi kaagad nag load ang video. But when it started, I felt my body turned to ice.
Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko at nakita kong impit na napatili si Lucienne na nagulat sa nangyari. Hindi niya nagawang saluhin iyon. The phone dropped to the floor, face up.
Hindi ko iyon kinuha at nananatili lang akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Because at the screen of my phone is an image of the music box. The same music box that has been hunting me.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang magsimulang pumainlang sa paligid ang tunog ng kanta. EBYT. Every breath you take.
He's warning me. I can feel it.
I'll be watching you.
_______________________End of Chapter 15.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top