Chapter 12: Sorry Seems To Be The Hardest Word

CHAPTER 12: SORRY SEEMS TO BE THE HARDEST WORD

LIA'S POV

Hindi ko pinansin ang tunog nang kalam ng sikmura ko at abalang pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa sa hawak ko na phone. Gun's siblings went home a few hours ago and now I'm just lazing around his house while he's doing whatever he needed to do just to avoid me. Kaya ngayon ay inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng balita na nagpainit lang ng ulo ko. Kasalukuyan kasing lumabas ang usapan tungkol sa nangyari kay Maddy.

But the thing is it's not like they are really talking about her. Mas nagpokus pa ang balita tungkol sa maaaring pinagdadaanan at nararamdaman ko. The news even shine light more about my performance at Barracks. It was as if what happened to Maddy was just a fleeting thought.

"This is bullshit," I whispered.

Lumikha ng tunog ang pag-itsa ko ng aparato sa coffee table pero binalewala ko iyon at sa halip ay isinandal ko ang ulo ko sa malambot na sofa na kinauupuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at inangat ko ang braso ko para itakip sa mukha ko. To say that I'm frustrated is an understatement.

I hate the lack on equality in the world. Kasi para bang kailangan maging taniyag ka muna bago ka marinig ng mundo. You need to be known for anything that comes from you to matter.

But the world also deserves the truth. Not just the truth from people with blinding lights pointed at them. Not just the truth from people protected by their advantages and privileges. Kailangan natin marinig lahat ng katotohanan mula sa iba't ibang klaseng tao.

Maddy is a person. She matters to a lot of people. Kailangan ba makilala pa siya ng libo-libong mga tao para magkaroon ng bigat ang nangyari sa kaniya? I expected less from the kinds of news I read from gossip magazines. Not news sites that pledge on sharing the truth of the people. All people.

They can't even say Maddy's name in that article. Ang tanging tawag nila kay Maddy ay manager ko na animo wala siyang sariling identidad.

"You really need to curtail on the cursing."

Inalis ko ang braso ko na nakatabing sa mukha ko at iminulat ko ang mga mata ko. Imbes na umayos ng upo ay nanatili akong nakasandal sa sofa dahilan para ang imahe ni Gun ay nakabaligtad sa paningin ko. Nakatayo kasi siya sa likod ng kinauupuan ko.

"Why?" I asked even though I already know the answer. He always hated my mouth. At least when I use it for cursing and not doing... other things.

Hindi siya sumagot at sa halip ay pinagkrus niya lang ang mga braso niya. Pinaikot ko ang mga mata ko at umayos na ako ng upo. I turned towards his direction and took him all in.

His hair is wet because he just came out of the shower. He's wearing another set of jeans and a clean white shirt. Hawak din niya ang pamilyar na hoodie ng Dagger sa kanan niyang kamay.

"Aalis ka?" tanong ko.

"Tayo."

"Ha?"

"Aalis tayo," ulit niya. "Get up. We're going to the grocery."

Nagtataka man ay tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. I'm wearing a black midi sundress. It's not exactly the proper attire with the kind of weather that Tagaytay has. Lalo na ngayong bumaba na ang araw.

I started moving towards the room Gun let me used. It's just one of the many rooms of the house. Which I must say, a really beautiful and well decorated room. "I'll get my pullover-"

Napatigil ako sa akmang paglalakad nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. I instantly felt the familiar warmth from his touch but it immediately disappeared when he let me go just as quickly.

"Use this," he said before handing me his hoodie.

"But-"

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko dahil tinalikuran na niya ako para lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga na lang ako. He's really frustrating sometimes. Si Gun kasi iyong klase ng tao na kapag walang balak magsalita ay hindi siya magsasalita. He rely more on his actions rather than his words. Sabi noon ng mga kapatid niya ako lang daw ang madalas na makapag-provoke sa kaniya na magsalita nang magsalita. Mainly because we made arguing as a foreplay.

Muli akong napabuntong-hininga at isinuot ko na ang hoodie bago sumunod sa lalaki. Naabutan ko siyang naghihintay na sa sasakyan.

Saktong kauupo at kasasarado ko pa lang ng pintuan ng sasakyan ay muling nagsalita si Gunter. "Seat belt."

Laging iniisip ng mga tao sa akin ay ako iyong klase na tahimik lang at hindi marunong magalit. Maybe it's because of my small stature and my light brown eyes. I look too soft. Pero iyong mga nakakakilala talaga sa akin ay alam na hindi iyon ang katotohanan.

Siguro kailangan ko talagang panindigan ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Maddy noon at ng team ko. I really should learn how to take a deep breath first before letting my temper control me.

But I'm simply not that person.

"Alam mo, it's not like I'll do what you want just because you tell me to using your clipped and you-can't-say-no-to-me tone." Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy. Pinababa ko pa ang boses ko na parang ginagaya siya. "Stop cursing. Get up. Use that. Seat belt. I'm not a dog!"

"Put on your seat belt."

"Put on your seat belt," ulit ko sa sinabi niya.

"Seat belt."

"Seat belt." I exasperatedly threw my hands up in the air. "Can you at least say please-"

Nalunok ko ang iba ko pang sasabihin nang sa isang iglap ay gumalaw si Gun hanggang sa halos lamunin na ako ng malaking bulto niya. Pigil ang hininga ko dahil para bang kapag hindi ko ginawa iyon ay magkakadaiti ang ngayon ay sobrang lapit namin na mga katawan.

Halos ibaon ko na ang sarili ko sa upuan para makalayo sa kaniya at nananatiling umid ang dila ko nang abutin niya ang seat belt at siya na ang nagkabit para sa akin. When the seat belt clicked in place his eyes dropped down to me. With the small distance between us, I can almost feel his hot breath fanning my face.

He didn't stopped staring as if he's searching for something on my face. When he finally speak, I swear, I can hear my heart thudding so loud that it feels like it will come out of my chest.

"Please," he murmured.

NAMIMILOG ang mga mata ko habang ginagala ko ang paningin sa grocery store na kinaroroonan namin. Bihira akong makapunta sa mga ganitong lugar sa Manila. Kadalasan umoorder na lang ako online at pinapadala ko sa bahay. Minsan naman hindi na kailangan kasi lagi naman akong wala sa bahay.

But I love to cook when I have the time. Gustong-gusto ko kapag ginagawa ko iyong mga pagkain sa napapanood ko. Iyon nga lang matagal na rin mula nang huli akong makapasok sa grocery store.

My fame skyrocketed at the same time that my life suddenly hit a 16x speed. Umalis ako ng bahay days before ako mag eighteen years old, when I turned legal I searched for Gun, bago pa iyon ay kinontak ko ang noon ay nakadiskubre sa akin noong fourteen ako. Hindi sila nagpatumpik-tumpik na kunin ako.

I know I skipped a lot of steps that most musicians went through. I never experienced difficulty in my career. Kaya matagal na rin mula nang maramdaman ko na normal pa rin ang buhay ko katulad ngayon. As simple as going into a grocery store.

Nahugot ako mula sa pag-iisip nang makita kong may nilalagay si Gun sa trolley cart na tinutulak niya. "Mayo?"

"Hindi mo gusto?" takang tanong niya.

"Gusto pero ang liit naman niyan." Itinuro ko ang lalagyanan na di hamak na mas malaki dahil bucket iyon. "Mas okay 'yon."

"That's for commercial use."

"Mas makakatipid kung mas madami."

Napakurap siya habang nakatingin sa akin na para bang tinitimbang niya ang katinuan ko. What? Mas magastos kaya ikapag paisa-isa ang bili.

Satisfied na tumango-tango ako nang makita kong binalik niya ang hawak na pack ng mayonnaise at kinuha niya ang itinuro ko. Muli niyang itinulak ang cart habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya habang paminsan-minsan ay humahablot ako ng kung anu-ano sa nadadaanan namin.

Saktong pagliko namin sa pasta section ay napalingon siya sa akin. Napatigil siya sa pagtulak ng cart dahilan para tumama ako sa likod niya.

"What?" takang tanong ko.

Humarap siya sa akin at nagbaba ng tingin sa mga braso ko na ngayon ay magkakrus para hindi malaglag ang sari-sari kong dala.

"Marami akong asin sa bahay," sabi niya.

"Naka sale 'to. Sayang."

"Hindi ko kailangan ng maraming paminta."

"Hindi mo naman gagamitin lahat. Itatabi mo 'yung iba."

"May maliit din na pack ng Magic Sarap. Iyon na lang ang kunin mo."

"Bakit maliit ang pipiliin mo kung meron namang malaki?" balik tanong ko sa kaniya.

Wala akong mabasa na kahit na ano sa mukha niya nang basta na lang niya kunin sa akin ang mga hawak ko at walang salitang inilagay iyon sa cart. Hindi niya pa nagagawang itulak ulit iyon nang mapasinghap ako at umuklo ako sa katabi ko na shelf.

"Oil! We need oil!"

I pulled the tin can container only to grunt when I felt its weight. Iniwas ko ang paa ko dahil walang dudang doon iyon babagsak pero bago pa ako madisgrasya o gumawa ng disgrasya ay naramdaman kong gumaan iyon nang abutin iyon ni Gunter at ilayo sa akin.

"This is sixteen kilos of oil," he stated.

"Magkano lang di ba? Paano kung paisa-isa ng bili? Nag-aksaya ka pa ng gas. Mas mahal."

"May plano ka bang magtayo ng kainan sa harapan ng bahay ko?"

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Why is he being silly? Siyempre hindi. Kung magtatayo ako ng restaurant sa harapan ng bahay niya eh di kulang pa ang mga pinamili namin. I mean, ganito naman mamili ang mga normal na tao di ba?

Napadako ang tingin ko sa isang babae na dumaan sa tabi namin na may tulak din na cart. Napatingin ako sa laman ng cart niya at lalong lumalim ang gatla sa noo ko nang makita ko na maliliit na version ng mga kinuha ko ang laman ng sa kaniya.

"Let's go."

I looked at Gun and I saw him pushing the cart again. The gigantic cooking oil container is already sitting beside our other purchases.

Hindi na niya ako kinuwestiyon ulit nang pumunta kami sa pasta section at nagkukuha ako ng malalaking pack ng iba't ibang klase ng pasta. He didn't even questioned it when I attempted to get a five kilo container of tomato sauce this time. Basta na lang niya iyong kinuha at inilagay sa cart. Then we went to the meat section and he just let me buy kilos and kilos of meat and seafood.

Hindi nagtagal ay halos mapuno na ang cart namin. Papunta na sana kami ng cashier nang mapatigil ako. "Oh I need that one!"

"What?" he asked with a sigh.

"May silicone zippies ka ba?"

"A what?"

"A food storage bag. For your fridge."

He blinked. "Wala."

"Anong ginagawa mo sa natitira mo na food?"

"I have six brothers and a sister. Walang nasasayang na pagkain."

May point. "But what about meal prep? Cooking can be tiring sometimes but if you have prepared food then you won't need to waste time cooking kasi meron ka ng nakatabi."

"May food delivery."

"That's a waste of money."

"You're a billionaire since you were eighteen, Lia."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "So? It's unhealthy to always rely on food deliveries. I know that because I always eat fast food. Pero kapag may oras naman ako ay ako ang gumagawa ng pagkain ko. You'll save a lot of money by doing a meal prep." Itinaas ko ang isang daliri ko. "And also, I'm not a billionaire before."

"You are."

"I was a millionaire that time." I corrected him. "Wala akong planong i-liquidate ang mga alahas ng lola ko. Even before, I only used the trust fund and the inheritance but never her jewelries. She loved those and I don't plan on losing them."

"Fine. Then you're a billionaire now."

"Wala pa rin akong balak magsayang ng pera. Treating yourself is okay but wasting money as a form of indulgence will never be okay." Humalukipkip ako at sinalubong ko ang tingin niya. "Can I get those zippies or not?"

Sandaling nanatiling tahimik ang lalaki habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at pagkaraan ay napailing siya. "Get whatever you want."

Great!

NAPAPASINGHOT ako pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa cellphone habang ang mga kamay ko ay abala sa mga pagkain na nasa harapan ko.

Nasa kusina ako ni Gun. Pagkatapos kasi naming maiayos ang mga pinamili namin ay nagkulong na siya sa opisina niya at hindi na ulit lumabas. I guess even if the house is big it still feel small for him when it comes to avoiding me. I tried not to think about that. Inabala ko na lang ang sarili ko sa ginagawa habang nanonood ng movie sa cellphone ko.

Katatapos ko lang lutuin ang sauce ng carbonara. Kaya lang kanina habang patapos na ako sa pagluluto ay nagbago ang isip ko at parang nag-crave ako sa lasagna. Kaya eto ngayon tuloy ang nangyari sa ginagawa ko.

I have three trays of large foil sheet pans organized in front of me. Bukod pa roon ang nasa harapan ko at inaassemble ko at ang kasalukuyang nakalagay na sa oven. In total there are five trays of lasagna. Kung lasagna nga bang matatawag 'to.

Napatigil ako sa paglalagay ng sauce sa pan habang ang mga mata ko ay napako sa cellphone ko. Hindi ko na napigilan ang luha na tila kumawala sa mga mata ko hanggang sa halos hindi na ako makakita.

My tears graduated into a full sob when Gun suddenly appeared. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ay kita ko kung paanong bumadha ang gulat sa mga mata niya nang makita ang estado ko.

"Why are you crying?"

"I-I... I just... it's so unfair."

Kaya ayokong nanonood ng kahit na anong nakakaiyak. I can't even listen to sad music without tearing up. I feel too much. Kahit na hindi iyon ang ipinapakita ko sa mga tao. But right now it's like I don't have any control of my emotions. Siguro dahil na rin sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan namin ni Gun ay alam ng pagkatao ko na nasa ligtas ako na lugar. That this is a safe place to cry for me. But I wasn't even watching a sad movie. It was supposed to be a comedy for heaven's sake!

"Why do we have four trays of-.... what exactly is this?"

"It's lasagna."

"Bakit ang puti?"

"Kasi carbonara dapat ang lulutuin ko. Ang kaso nagbago ang isip ko. Sayang naman iyong nagawa ko na sauce kaya hindi na ako gumawa ng iba. Lasagna carbonara na lang. I mean, why won't it taste good with another kind of pasta? Isn't it discriminatory to assume that only linguine would be perfect for a carbonara sauce? Bakit hindi pwede ang lasagna carbonara?"

"A what?"

Lalong napalakas ang hikbi ko. "Lasagna carbonara!"

Napayuko ako at muling napahikbi. It wasn't long before I felt his fingers on my chin. Marahang inangat niya ang mukha ko hanggang sa nagtama ang mga mata namin. "Lia, why are you crying?"

"Because it's unfair. Bakit hindi man sila pinagbigyan kahit isang araw?"

"Sino?"

"Si Casper!" Nanginig ang mga labi ko nang maalala ko na naman kung paanong nagsayaw si Casper at Kat. "He's been waiting for years tapos kung kelan naman meron ng taong kaya siyang tanggapin, gano'n na lang? Just one dance and suddenly he's back being a ghost? Paano kapag nagkaroon na ng sariling pamilya iyong babae? Casper would be alone staying as a ghost forever. That's so sad."

"What ghost?"

"Hindi ka nakikinig! Si Casper nga!" palahaw ko at itinuro ang cellphone ko. Naka-play pa rin doon ang palabas kung saan ngayon ay isa na namang multo si Casper.

Bumalik ang mga mata niya sa akin pagkatapos tignan ang palabas. He blinked a couple of times before speaking again. "You're crying because of a cartoon ghost?"

"He's not a cartoon! He's a ghost. He died and became a ghost and now he fell in love with a girl who can't be his because life is unfair to him." Umangat ang isa kong kamay at ikinapit ko iyon sa damit niya. "Do you know what he said to her?"

His eyes dropped to my hand for a quick moment. "What?"

"Can I keep you?" I felt another tear escaped my eyes. "Bakit ba tayo nagmamahal tapos sa huli hindi pa rin pala sila pwedeng maging atin?"

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ng lalaki at ang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya. "Because of our choices."

"He didn't have a choice."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay kong nakakapit pa rin sa kaniya at maingat na inalis niya iyon. For a moment he held on to my hand but just like I expected, he let it go. "He's a fictional character. He didn't have a choice. Pero tayong mga nasa realidad may mga pwedeng pagpilian. We can make a choice that won't hurt anyone. Kasi kapag mahal mo hindi ka gagawa ng desisyon na makakasakit sa kaniya di ba?"

"Gun-"

"So why did you choose to hurt me when you didn't need to?"

Hindi ko magawang makasagot sa naging tanong niya. I want to tell him the real story. Kung bakit ko pinili na iwan siya. Pero natatakot ako. Natatakot ako na mas kamuhian niya. Natatakot ako na mas masaktan siya.

"Life didn't became unfair to us, Lia, but you did."

____________________________End of Chapter 12.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top