6

Sir Dio (Crystal's Dad)
today

Liezl:
Ready for pick up na po ang cake sir

Sir Dio (Crystal's Dad):
On my way po.




Mami
today


Mami:
Sino ang customer at bakit sobrang bango ng shop pagsilip ko naknak

Liezl:
Si crystal, ma
Magkakabagong mommy na yata
Haha dumating si sir dio ang bango bango
Mukhang may date


Mami:
Ay buti naman
Tagal ng nirereklamo yan ni kumare
Tatandang binata yata ang anak
Kung bakit ba kasi tinakbuhan yan ng girlfriend nyan
Pati anak pinabayaan

Liezl:
Si mama talaga napakatsismosa
Pagpray na lang natin na mabait ang bagong girlfriend ni sir dio
Para naman kumpleto na ang drawing ni baby cutie crystal sa sunod



[ x ]

liez 🔒@liezlbakes
Oh no, baby tal :(




Mama
today

Mama:
Dio
Sa ospital kami ni tal
Dinala ko muna nang matingnan ng doctor

Dio:
Nasan kayo, ma? Napano si Crystal?

Mama:
Inaapoy ng lagnat di makakain
Umuwing pawisan at nakipaglaro pa bago nagpasundo
Ayan at nagkasakit pag-uwi
Wag ka na magmadali anak kasama namin si liezl hinatid kami dito





Anton
today

Anton:
Dude you bailed on Jezza?





Sir Dio (Crystal's Dad)
today

Sir Dio (Crystal's Dad):
Thank you po, Miss Liezl.
Please let me know how I can repay you for your help.

Liezl:
Wala yun sir dio
Di na po iba samin si baby tal
Nagulat lang po ako sa tawag ni tita juliet pero always welcome naman po sila samin


Sir Dio (Crystal's Dad):
Thank you. I won't forget what you did for Crystal today. I owe you one.





Anton
today


Dio:
We rushed Crystal to the hospital. Nagpaliwanag na ako.
Please send my apologies again. I'll try to prepare a gift for the inconvenience.


Anton:
Teka napano muna inaanak ko?

Dio:
Nilagnat. Masakit na pala ang lalamunan di nagsasabi pero maayos na. Natingnan na ng doctor. Nakauwi na kami.


Anton:
Paano tong kay Jezza?
Magset na lang ba ko ulit?


Dio:
Wag na muna.
Hindi ko rin pala talaga kaya.
Uunahin ko na muna ang anak ko. Hihingi na lang ulit ako ng pasensya sa kaibigan ni Jade.


Anton:
Ge bro. Pagaling sa inaanak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #epistolary