Chapter 8: Fated

CHAPTER 8

Hindi makapaniwala si Eliana sa naririnig mula sa kabilang linya. Parang kahapon lang pakiramdam niya guguho na ang mundo niya pero ngayon ay muling bumalik iyon sa dating pag-ikot. Hindi niya alam kung paanong nangyari at kung paanong naging posible pero wala siyang balak kuwestiyunin ang sitwasyon.

"Maraming salamat, Dok. Pupunta na ho ako kaagad diyan."

Hindi niya maitago ang kasiyahan sa boses. Tumawag kasi ang doktor ng nanay niya para ipaalam sa kaniya ang malaking pagbabago sa kalusugan ng ina. Kahit daw ang mga ito ay hindi maintindihan kung paanong sa isang iglap ay gumanda ang resulta ng mga laboratory test ng nanay niya. Ilalabas na rin sa ICU ngayon ang ina at ililipat sa hospital room nito. Kahit kakailanganin pa rin nito ng dialysis ay ipinagpapasalamat niya na lang na may posibilidad na hindi na nito kailangan pa ng transplant.

May ngiti sa labi na tumayo siya mula sa kama. Mabilis niya munang inayos 'yon bago siya tumuloy sa banyo para makaligo. Hindi naman nagtagal ay nakapag-ayos na rin siya at pagkatapos ay pumanaog siya ng bahay para hanapin si Rovan. Pagkagising niya kasi ay wala na ito sa tabi niya. Wow hinahanap ni ateng.

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ng sariling utak at dumiretso siya sa kusina kung saan siya may naririnig na pagkilos. Isa pa amoy na amoy niya ang nilulutong pagkain.

Hindi nga siya nagkamali dahil pagkapasok niya sa loob ng kusina ay naabutan niya si Rovan na kasalukuyang nagluluto. Nakatalikod ito sa kaniya at pokus ito sa ginagawa kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang kabuuan nito.

Malaki itong lalaki. Katulad nga ng natatandaan niyang nakalagay sa profile nito sa D-Lair ay mukhang nasa anim na pulgada ito. Maganda rin ang pangangatawan nito na tila banat sa ehersisyo pero kung paano nagagawa iyon ng lalaki sa kakaunting oras na natitira dahil napupunta ang malaking bahagi no'n sa trabaho nito ay hindi niya alam. He's the absolute representation of perfection.

"Sit down. This is almost ready."

Halos mapatalon siya sa kinatatayuan nang bigla itong magsalita. Bahagyang nilingon siya nito at tinapunan ng maliit na ngiti bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Sumunod siya sa minungkahi nito at umupo na siya sa isa sa mataas na mga upuan at pinanood na lang ang lalaki sa pagluluto nito. Parang sanay na sanay ito sa kusina. Siguro dahil na rin sa namumuhay itong mag-isa. Lahat naman matututunan mo kapag mag-isa ka na lang. Kahit hindi mo gusto mapipilitan kang matuto.

"Maayos ba ang tulog mo?" tanong nito habang sinasalin sa mga plato ang niluto. Humarap ito sa kaniya at inilapag sa harapan niya ang isa sa mga iyon. Complete Filipino breakfast iyon. May itlog, tocino, at fried rice.

"Oo. Medyo nilamig lang talaga ako pero...pero salamat sa'yo maayos naman akong nakatulog." Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi nang maalala niya ang nangyari kagabi. Nakatulog kasi siyang nakasiksik dito. "I-Ikaw? Kamusta ang tulog mo?"

"It was...different."

"Different?" Marahil naistorbo niya ito kaya hindi ito nakatulog kaagad. Baka hindi ito sanay na may kasama sa pagtulog. Hindi niya rin naman kasi akalain na tatabi ito sa kaniya. Kaya lang saan nga ba ito matutulog? Ito ang may-ari ng bahay tapos matutulog ito sa sofa?

"Alam mo, nakikita ko kapag kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Stop over thinking." sabi nito at tinusok ng tinidor ang isang piraso ng tocino bago iyon inumang sa kaniya. "It was a good kind of different."

Nahihiya man ay binuka niya ang mga labi para maisubo ang binibigay nito. Sa pagkakataon na ito ay ang lalaki naman ang tila natigilan habang nakatingin sa kaniya. Sandaling pinagmasdan lang siya nito bago muling kumuha ng pagkain at ibinigay iyon sa kaniya na tinanggap niya naman ulit.

"Tumawag sa akin ang doktor ni nanay. Maganda daw ang resulta ng mga test niya. Baka hindi na rin daw kailangan ng transplant tapos ilalabas na siya ng ICU ngayon."

"That's good to hear. Gusto mo bang sumabay sa akin papunta sa ospital?"

"Kung okay lang sa'yo." may ngiti sa labi na sabi niya rito.

Lumambot ang ekspresyon ng lalaki mula sa madalas nitong seryosong mukha. Lumawak din ang sariling ngiti sa labi nito at masuyong pinunasan ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki. "Alam mo bang maganda ang ngiti mo?"

Sa hindi niya na malaman na pang-ilang beses ay muling nagrigondon ang puso niya sa pinapakita nito. Kailangan kaya masasanay ang puso niya sa mga bagay na ginagawa at sinasabi ng lalaki? Pero parang ayaw niya. Ayaw niyang masanay kasi gusto niyang patuloy maramdaman ang mga damdamin na ibinibigay ng binata sa kaniya.

"I wish I can always see you this happy."

"Kung hindi mo ko iiwan."

Hindi lang ito ang nagulat sa sinabi niya kundi maging siya. Kung kanina ay mga pisngi niya lang ang namumula ay pakiramdam niya mula ulo hanggang paa na niya ngayon ang nag-iinit dahil sa pagkapahiya. "A-Ano...ang ibig kong sabihin...ano...kasi-"

"I want this to last too, Eliana. More than you think I do." bulong nito habang titig na titig sa mga mata niya. "I've been waiting for years and I never felt this strongly for anyone. Hindi ko kailanman naramdaman na gusto kong baguhin lahat para lang magawa kong maabot ka sa mundo mo. It's always been the other way around. An endless search for a person that will fit my world and accept it. But for the first time I want to rip my world apart just to be in yours. "

May kung anong humaplos sa puso niya pero rinig niya ang pero sa sinabi nito. "Hindi ba posible?"

Hindi ito nakaimik sa sinabi niya na tila ba hindi rin nito matiyak ang dapat na isagot sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang binata. Nakikita niya rito ang kagustuhan na magkaroon ng matagal na relasyon. Relasyon na bubuuin nito kasama ng isang taong kikilalanin nito. Pero sa hindi niya matalaman na kadahilanan parang may pumipigil dito na gawin iyon.

"Posible basta manatili ka lang sa tabi ko. Can you do that for me, Eliana?"

Hindi siya nakatitiyak kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Kung ano ang tama. Napakabilis ng lahat. Pero sa unang pagkakataon sa buhay niya ayaw niyang iplano. Ayaw niyanng sundin kung ano ang sa tingin niyang ligtas para sa kaniya...para sa puso niya. Dahil sa unang pagkakataon hinahayaan niya ang sarili na ang puso niya ang magdikta sa dapat niyang gawin.

"Kung hahayaan mo ako."



NANATILING nakatayo lang si Rovan sa labas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan ng ina ni Eliana. Nasa loob pa ang babae at nagpapaalam sa ina dahil inaya niya itong lumabas. Mula kasi ng makalabas ang ina ng babae sa ICU ay nanatili ito mula umaga hanggang hapon sa ospital at umuuwi lang kapag gabi na.

Hindi pa sana ito papayag sa ganoong set-up at gusto pang manatili sa ospital at doon na matulog pero mismong nanay na nito ang pumigil sa dalaga. Gusto kasi ng ginang na hindi mapabayaan ni Eliana ang sarili lalo na at sa pagkakaalam nito ay pumapasok pa rin ang babae sa opisina pero panggabi na nga lang.

Eliana's mother looked okay. Mukhang responsive na ito sa mga treatment na ginagawa dito. She will be able to live for a few more years. Enough for Eliana to ready herself. Hindi sapat ang buhay ni Reynante at ang natitirang buhay na meron si Crisanto noon para pahabain ang buhay ng ina ni Eliana ng pangmatagalan.

"That woman was supposed to die this week."

Napatiim-bagang siya nang marinig ang pamilyar na boses. Lumingon siya sa pinanggalingan no'n at hindi nga siya nagkamali. "What are you doing here, Red?"

"To deliver a message?"

"Kung galing lang ang mensahe na iyan sa unang sukubo hindi ako interesado-"

"Si Asmodeus ang nagpadala sa akin." putol ng babae sa kung ano pa man na sasabihin niya. "Binisita siya ng isa sa mga prinsipe. Kilala mo siguro dahil gumawa ka ng deal sa isa sa mga alipores niya."

He pressed his lips together at the mention of Asmodeus, the creator of the first succubus and the others that followed. Siyang kung saan nanggaling ang dumadaloy na dugo sa kaniya, sa tatay niya noon, at sa mga nauna pa. Asmodeus is one of the seven prince of hell; Lust. Hindi rin niya kailangan ang kumpirmasyon mula kay Red para matukoy kung sino ang isa pa sa mga prinsipe ang lumabas at kung bakit siya nandito ngayon.

He made a deal with one of Wrath's followers and Wrath is no other than Satan. "Wala akong ginawang masama. It was a fair trade."

"Tama ka. Hindi ikaw ang may kasalanan kaya hindi ikaw ang nagbayad." pagkasabi nito ng mga iyon ay binuksan nito ang isang nakakuyom na palad. Bumagsak mula ro'n ang mga abo na bago pa makarating sa semento ay naglaho na. "But the next time you cross the line, Asmodeus won't be able to save you. Hindi mo pwedeng galawin ang balanse ng mundo. Ang mismong eksitensiya mo ay sapat ng pruweba no'n."

"Hindi ko kailangan ng tulong niya"

"Kinailangan mo. Dahil kung hindi dahil sa kaniya baka pati mga kapatid mo nadamay sa ginawa mo...at ang babaeng iyan." sabi nito na nakatingin sa direksyon ng kwartong kinaroroonan nila Eliana.

Tumalim ang pagkakatingin niya sa babae. "Don't you ever think about taking her away from me."

Sumilay ang ngiti sa mga labi nito at lumapit sa kaniya. Umangat ang kamay ng babae bago pinaglandas ang daliri sa panga niya pababa hanggang sa tumigil iyon sa tapat ng puso niya. "Hindi ka marunong magdala. Ilang beses ba naming kailangan ipaalala sa inyong magkakapatid na hindi niyo makukuha ang gusto niyo?"

"You can't touch her." he growled.

"This happened to you before, remember? Isang daan at pitumpu't tatlong taon na ang nakakalipas mula nang makakilala ka ng isang babaeng akala mo para sa'yo na. Iba siya sa lahat. Tila anghel na ipinadala sa lupa. Isang tingin pa lang sa mga mata mo ay mabilis siyang nahulog sa iyo pero nang mawala ang bisa ng paggamit mo sa kaniya ng kakayahan mo bilang ingkubo ay nahulog siya sa ibang lalaki. Na sa panahon na iyon ay mas mayaman, mas may kapangyarihan, at mas kayang ibigay ang luhong hindi mo alam na kailangan niya."

"Then ninety years ago you met another woman. With a life essence so rich that you just can't help yourself. But she was like that because of her faith. Pilit mo siyang pinahulog sa iyo, pinasunod sa mga kagustuhan mo, hanggang sa makita niya ang totoong ikaw. She ran away and locked herself on a convent where she died serving her Lord." Sinalubong nito ang mga mata niya habang unti-unting nawawala ang ngiti sa mga labi. "Ano sa tingin mo? Handa ka bang malaman kung papatak si Eliana sa pangatlo? Are you ready for her to complete the fated numbers? Kung saan ang tadhana mismo ang bubura sa kaniya mula sa buhay mo?"

He didn't answer her question. Dahil alam niya ang totoo. Ang katotohanan na nagpapabuhay sa pag-asa sa kaniya. Dahil tama ito. Ginamit niya sa mga babaeng dumaan sa buhay niya ang kaakibat na kakayahan bilang isang ingkubo. As an incubus he has the power to twist the sexual desires of the people around him. Isang direktang tingin sa mga mata ay kaya niyang paibigin ang mga ito. Because love and lust has a thin line that can't almost be seen.

Pero walang kahit na sino ang nakakaalam ng totoo. Dahil sa pagkakataon na ito...kay Eliana, hindi niya ni minsan ginamit dito ang kakayahan. O mas tamang sabihin na hindi ito gumana sa babae kahit na anong gawin niya.

Whatever feelings she's having for him, those were never touched by him. Genuine feelings. Pure and unaltered.

Sa mahabang panahon iyon wala siyang tanging hinangad kundi hanapin iyon at ngayon ay natagpuan niya na dahil kay Eliana.



___________________End of Chapter 8.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top