Chapter 3: Unworldly
CHAPTER 3
Hindi makapaniwala si Eliana sa nababasa. Bakit ba siya nagpaniwala sa babaeng iyon? Sino nga naman bang matinong tao ang basta na lang tutulong sa hindi naman nito kilala? Malamang mayaman na walang magawa lang iyon sa buhay.
Okay na rin. At least may three thousand siya ngayon. Hindi nga lang niya alam kung saan ang mararating no'n pero mabuti na iyon kesa sa limang daan na natira sa kaniya na paniguradong mamatay siyang dilat ang mga mata bago dumating ang sweldo niya. Kaya niya namang tipirin 'tong tatlong libo.
Hindi niya alam kung bakit siya pinag-aksayan ng babae ng pera pero wala na siyang balak mag-inarte pa. Kailangang-kailangan niya iyon ngayon.
Malalim siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa monitor ng laptop niya. Nakapaskil doon ang salitang D-Lair, ang pangalan ng site na iyon. Dominante sa website ang kulay itim at pula. Simple lang ang pagkakaayos no'n at wala ring masyadong mga ads na nagkalat.
Nagulat pa siya nang buksan iyon dahil hindi iyon ang inaasahan niyang itsura ng mga charity organizations webpages. Nagpatuloy nga lang siya dahil kailangang-kailangan niya talaga at ang sabi naman ng babaeng nakilala niya ay makakatulong ang site na iyon sa kaniya. Nagtataka man kung bakit kailangan mag sign-in pa ay ginawa niya na lang sa pag-aasam na baka nga ito na ang sagot sa problema niya. Hindi na lang niya pinansin kahit hindi niya maintindihan kung bakit hinihingi sa sign-in form ang mga detalye tungkol sa itsura niya at pangangatawan. Isinawalang-bahala niya na lang iyon dahil wala namang mawawala sa kaniya. Inakala niya na baka kinakailangan iyon bilang aplikasyon sa kung ano mang charity organization iyon dahil humingi pa nga ng contact number niya at isang larawan. Pagkapasa niya rin naman ng mga iyon ay may kumpirmasyon lang na mananatili raw iyong pribado at makikita lang ng tatangap ng aplikasyon.
Umasa pa siya eh alam naman niyang numero uno siyang malas. Ang sabi noon ng nanay niya siya raw ang swerte sa buhay nito. Kaya nga Eliana ang ipinangalan nito sa kaniya. Kasi ang ibig sabihin daw ng pangalan na iyon ay "God has answered my prayers." na perpekto raw sa apelido nila na Azarel na ang ibig sabihin naman ay "God has helped."
Pero parang hindi naman tumalab iyon sa kaniya. Nanaig pa rin ang pagiging malas niya. Kaya nga ngayon na akala niyang sinuwerte siya sa binigay ng babae ay hindi pa rin pala. Akala niya naman seryosong organisasyon, dating site lang pala. Sa loob ng dalawampu't anim na taon niya sa mundo ay hindi man pumasok sa isip niya ang salitang "date". Wala naman kasi siyang panahon at nakatatak na rin sa utak niya ang mga responsibilidad na ipapatong sa kaniya kapag nagtapos na siya ng pag-aaral.
Bata pa lang kasi siya nang iwan sila ng ama niya. Halos hindi na nga niya matandaan ang itsura nito kung hindi lang dahil sa mga larawan na ayaw pa ring itapon ng ina niya. Umaasa pa rin kasi ito na babalik ang tatay niya.
Pero siya, tapos na siyang umasa. Ang gusto niya lang ay ang gumaling ang nanay niya. Iyon lang ang importante para sa kaniya.
Nangalumbaba siya habang tinitignan ang website. Wala namang kahit na ano ro'n maliban sa profile ng mga lalaki. Blurred ang mga larawan nila na halatang sinadiya para itago ang mga pagkatao nila. Ang tanging nandoon ay ang fist name nila at iba pang mga impormasyon.
Alam niyang dapat na siyang umalis sa website na iyon lalo pa ngayon na nalaman niyang pinagtripan lang siya ng babaeng nakausap pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya magawang isarado ang page at nagpatuloy lang siya sa pag-iikot doon. Pagkaraan ay basta na lang siyang pumindot na hindi tinitignan kung ano iyon.
Napakunot-noo siya nang lumabas sa page ang profile ng isang lalaki. Hindi katulad sa iba ay isa lang ang larawan nito roon na naka-blurred. May nakasulat din sa itaas ng page ng mga salitang "top priority".
Rovan, 36.
Ethnicity: Mixed-race
Age: 36
Sexuality: Straight
Height: 6'1
Religion: You can be my religion.
Interests: Skydiving, reading, exercise, basketball,
travel, art, photography, you.
Hindi pa man siya nakakakita ng mga dating site pero halatang-halata naman kung ano ang gusto ng lalaki. Masyadong maharot ang profile nito na para bang naghahanap talaga ng mga babaeng magpapadala sa mga pambobola nito.
If you need me, you'll have me. If you want me, I'll have you. Hindi niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata sa nabasa. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay pinindot na niya ang kahon kung saan maaaring mag message sa profile nito at mabilis na tumipa siya ng mensahe.
Siguro dahil na rin sa sama ng loob sa mundo at sa patong-patong na problema niya ay wala ng natitira pang kontrol sa kaniya. Malakas siyang nagpakawala ng hininga nang magawa niyang ipadala ang mensahe niya sa lalaki. May kaginhawaan na bumalot sa kaniya marahil dahil kahit paano ay nailabas niya ang inis niya. Pero sandali lang ang ginhawa na iyon dahil kusang nag redirect ang website at napunta sa panibagong pahina.
We've taken your interest to this particular daddy. Kindly wait for the confirmation for your sugar baby application.
Sunod-sunod na napakurap siya habang binabasa ang mga salitang iyon. Malakas na kumakabog ang dibdib na binalik niya sa profile ng lalaking may pangalan na Rovan ang webpage at binasa niya ang iba pang nakasulat doon na hindi niya pinansin kanina.
Nag scroll down siya at napaawang ang mga labi niya sa mga nabasa ro'n. This daddy is a top priority member that is looking for the right sugar baby. Use the message box to send him a direct message that will serve as your application.
Daddy? Sugar baby?
Kaya ba ang sabi ng babae ay matutulungan siya ng website na 'to na lutasin ang problema niya? Kasi ang hanap ng mga lalaki rito ay mga babae na papayag maging pag-aari ng mga ito sa katumbas na malaking halaga? Ganoon na ba siya kadesperada sa pera tignan?
Hindi siya bayarang babae!
IBINABA ni Rovan ang binabasang libro nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya na nag huhudyat sa pagpasok ng mensahe. Sinilip niya iyon at napabuntong-hininga nang makitang nanggaling iyon sa nakababata niyang kapatid na si Lucius. Inalis niya ang suot na salamin at ipinatong iyon sa tabi ng libro bago niya kinuha ang aparato para basahin ang mensahe nito.
Kapag wala lang naman itong magawa saka nag me-message sa kaniya. Last month ata sila huling nagkita dahil kung saan-saan ito nagsususuot. Gano'n din ang bunso nilang kapatid na si Halton. Isang himala kung mapagsasama-sama sila sa iisang lugar.
Kuya, that she-devil visited me. She told me about you. I know you don't like our situation but we can't find the solution if you die. Binuksan ko ang account mo, you should really look into it. Malay mo nandoon na ang hinahanap mo.
Imbes na sagutin ang kapatid ay initsa niya na lang ang cellphone sa bedside table at muling kinuha ang libro at salamin.
Naiintindihin niya naman ang gustong tukuyin ng kapatid pero sadiyang ayaw niyang harapin iyon ngayon. He's getting tired of doing the same thing over and over again. To continuously search for something that seems to be just fictitious. Nakakatawang ang pagpipilian niya lang ay ang hanapin ang imposible habang ang isa ay isuko ang buong pagkatao niya sa kumukulong asido ng ipinamana sa kaniya.
Solution. That's what his brother called the thing they're looking for. Hindi niya lubos maisip kung paanong umaasa pa rin ang mga ito sa bagay na iyon. They've been searching for years and each time it seems like they've found it...nawawala rin ang mga ito sa kanila.
Marahan siyang napabuntong-hininga at basta na lang niyang itinapon sa kama ang hawak na libro. Nasira na ang konsentrasyon niya na ang tagal niyang hinanap. The more he resist the more he thinks about it.
It's the nightmare that he can't escape from. Paulit-ulit na bangungot na kahit pakiramdam niya minsan ay nagagawa niyang makakawala ay ibinabalik lang siya no'n sa kung saan siya nagsimula.
He's been born with it. And for 200 years he's been fated to suffer because of it.
Kung sana ay hindi totoo ang kwentong kinamulatan niya noong bata pa siya. How many times did he wished that it's just another story that he will outgrew one day. Pero hindi. Nakakabit ang kwento na iyon sa kaniya sa loob ng ilang taon na mga lumipas.
The creation of the original sin that triggered the birth of the seven deadly sins, those branching out to create what seems like transcendent immortals, and then the rise of those like them...a result of the union of an immortal and a mortal.
The higher power put a stop to the massive escalation of the numbers from the dark side and made an agreement. Specially to the incubus and succubus that feed on lust making it easier for them to increase. Tinanggalan ng kakayahan ang mga nilalang na nagmula sa kasamaan na padamihin ang lahi ng mga ito sa pamamagitan ng pakikipagniig sa mga mortal. Bilang proteksiyon na rin sa mga nilalang sa lupa. Ang tanging paraan para na lang para madagdagan ang mga ito ay kung kukunin ang mga bagong kasapi mula sa dagat ng mga taong ipinatapon sa impyerno dahil sa mga kasalanang nagawa ng mga ito noong nabubuhay pa.
Until the first incubus, the creation of the first succubus, fell in love with a mortal. Inilaban nito ang pagmamahal sa babae at nagdasal sa lumikha ng lahat na bigyan ito ng pagkakataon na makasama ang minamahal. The first incubus starved himself, depriving himself of what he was made to do. He was slowly dying despite being an immortal because of him going out against his nature, by praying from the Lord of the heaven and forcing himself to follow the seven virtues created against his kind. The heaven took pity of him and saved him. But for the first succubus, that was a violation of the truce. She asked for the Lord of the dark side to let her place a punishment to the incubus who betrayed her. She waited for years until the wife of the first incubus gave birth to their third child. The fated number. Simbolo kung saan malakas ang mga nilalang na sumasamba sa kasamaan. Bilang kapalit sa pagkawala ng unang kapareha nito ay ginawa nitong pag-aari ang mga naging supling ng unang ingkubo. She made them a creation of the dark side. To feed like them...and live as an immortal beings. She cursed the first incubus' children to inherit what once their father's.
Ang unang ingkubo ay ang kaniyang ama. Noong mga bata pa lang silang magkakapatid ay inaakala niyang kwento lang iyon na nakakatakot na madalas banggitin ng kaniyang ama. Pero pagdating nila sa tamang edad, unti-unti nilang naiintindihan ang katotohanan sa matandang kwento. They were the last creation from the blood of an incubus and a mortal. They were stronger that those that followed but they also abhor the power that were placed to them.
They started to crave...to lust. Sinubukan nilang pigilan pero unti-unti silang nanghihina. They were dying, they felt like dying...but even that seems impossible because they were immortals. Until they feed. Hanggang sa wala silang nagawa kundi sundin kung ano ang itinadhana nilang gawin. They didn't want it but there's nothing they could do.
They prayed over and over again but no one heard them. Except the first succubus who mocked them. Ang sabi nito ay pagbibigyan sila nitong bawiin ang parusang ipinataw nito. Ang sumpa na pinadaloy nito sa kanila. She said that the curse will reverse the moment that they found the person that will accept them like the way they mother did with his father. But each time that person must survived from the fated number. Ang umalis ang mga ito, ang katotohanan ng pagkatao nila ang magpapalauyo sa mga ito, o mismong tadhana ang bubura sa mga ito mula sa buhay nila.
He cursed under his breath and stood up from the bed. Tinungo niya ang isang parte ng kwarto kung saan naroon ang lalagyan niya ng mga libro. May pinindot siya sa gilid niyon at ilang sandali lang ay dahan-dahang bumukas iyon. Pumasok siya sa loob at binuksan ang ilaw dahilan para bumulaga ang isang malaking library.
The bookshelves inside are taller than a person. Halos umabot na iyon sa kisame. Halos wala ring lugar sa loob dahil literal na puno iyon ng mga libro. Kahit sa sahig ay maraming nagkalat dahil wala na siyang mapaglagyan ng mga iyon.
He made the library that way to stop his brothers from teasing him. And also to stop them from messing with his books.
Lumapit siya sa desk na naroon at pabagsak na umupo siya sa swivel chair. He fired up the computer and crossed his arms as he waited for it to start. He got no choice. Kahit patuloy niyang gutumin ang sarili niya ay wala rin namang mangyayari. It's not like he'll die. The heavens won't even give that to us. Tinilungan ng nasa itaas ang ama nila ngunit hindi sila. He guess that's the end of the heaven's mercy.
Nang tuluyan nang bumukas ang computer niya ay kaagad niyang tinungo ang website na ginawa nilang magkakapatid. Hindi lang sila ang gumagamit niyon kundi ang iba pang mga baguhang incubus. Those incubus that were weaker than most because they were just humans sent to hell when they died. We can't refuse them because technically we're all part of the same side. At hindi na namin gustong magkakapatid na magkaproblema pa sa unang sukubo.
He log in to the website and went straight to the messages. He lazily scanned those, sighing from time to time, as he slowly get bored from what he's reading. It's all the same thing. Nakakapagod ng basahin ang tungkol sa expectation ng mga ito na makukuha at sa kung ano ang kaya ng mga itong gawin kung sakaling matatanggap ang aplikasyon ng mga ito. Hindi rin niya naman masisisi ang mga ito dahil iyon naman talaga ang layunin ng website. Lahat ng mga ito ay naghahanap ng taong handang magbigay sa mga ito ng sapat na halaga kapalit ng presensiya ng mga ito at mga bagay na handa ang mga itong ibigay.
He was ready to close the device when he noticed something. He scrolled back to the bottom of the page and with a knotted forehead, he opened that one particular message.
"Anong akala niyo ba sa mga babae? Parang mga laruan na kaya niyong bilhin? May nalalaman ka pang "If you need me, you'll have me. If you want me, I'll have you.". Gano'n ka katiwala sa sarili mo? Hoy! Paniguradong mas gwapo pa rin sa'yo si Dingdong Dantes! 'Wag kang ano diyan. Saka pwede ba tigilan niyo ang pananamantala sa mga babaeng mukhang may pinagdadaanang problema. May problema lang kami pero hindi ibig sabihin no'n mababang babae kami na handang magtinda ng aliw dahil lang sa gipit kami. Mga walang kaluluwa! Mga pangit ang ugali! Mga pangit! Makidlatan sana kayo!"
Sandaling napatitig lang siya sa mensahe at paulit-ulit na binasa iyon. Never in his life that he ever come across someone like this. That's saying something what with how many years he already lived.
Before he can convince himself otherwise, he clicked the name of the person who sent him a message so that he can access the information about the woman. Like always, he doesn't have any expectation on what he would see. Kung anong itsura ng babae, ilang taon, o kung anong deskripsyon nito sa sarili. Wala siyang inaasahan dahil hindi naman kainakailangan. Maghihiwalay din naman ang mga landas nila.
Kahit walang inaasahan ay hindi matawarang pagkasurpresa ang tumama sa kaniya nang makita niya ang larawan ng babaeng nagngangalang Eliana Azarel. Not because of her beauty that seems like it's not fit to be just seen in this world by mere humans. Not because of whatever information about herself that she provided.
It's because he'd met her.
Ito ang babaeng nakita niya sa ospital.
HINDI makapaniwala si Eliana sa naririnig mula sa supervisor niya na ngayon ay nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay gusto niya na lang ibinalik ang kamay ng oras para bumalik sa oras kaninang umaga sa pagbabakasakali na kapag gumising siya ulit ay mababago na ang takbo ng mga pangyayari. Lord joke lang ba ito? Kasi parang hindi benta sa akin eh.
"Ibibigay namin sa iyo ang sweldo mo kasama na ang severance pay mo, Eliana. Pasensya ka na talaga. This is not about your performance. The company just really need to downsize."
"At sa dinamarami ng empleyado ako ho ang napili ninyo, Sir? Pag graduate ko pa lang dito na ako nagtrabaho. I even took my internship here, Sir." pinigilan niya ang galit na nagsisimula ng mamuo sa boses niya. "Kailangang-kailangan ko ho 'tong trabaho na 'to. Hindi pa po magaling ang nanay ko at ako lang ang inaasahan niya. 'Wag naman po sana ngayon, Sir."
"Alam namin ang pinagdadaanan mo. Inintindi naman namin kahit madalad ka ng mag remote. This is not about that-"
"Kahit ho nag re-remote ako lagi, on time pa rin po akong magpasa ng trabaho. Nauuna pa nga ako minsan. Kahit madaling-araw gumagawa ako ng trabaho para maagang makapagpasa sa inyo para makabawi man lang. Naging loyal ako sa inyo sa loob ng ilang taon, Sir, pero bakit bigla-bigla naman niyo ata ako kung bitawan?"
Nagpalinga-linga ang lalaki na para bang nangangamba na may makarinig dito, "May nagsabi kay boss na tumatanggap ka raw ng commision job mula sa labas."
Ginapangan ng galit ang buong pagkatao niya. Kilala niya ang taong iyon dahil iisa lang naman ang hindi niya nakapalagayan ng loob sa kumpanya na iyon kundi ang bagong pasok lang na empleyada na si Chloe. Minsan na niya kasing sinaway ito nang makitang nakikipag-video call ito habang nasa trabaho. Sa pagkakatanda niya ay ito ang inaanak ng Chairman of the Boards. "Hindi naman ho iyon against policy. Hindi niyo ako pwedeng tanggalin dahil do'n."
"The person you made a commission for is the business competitor of this company, Eliana."
Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Kalokohan iyon. Malalaman niya kung totoo iyon sa tagal niyang nagtatrabaho sa mga ito. She was even running for a promotion. Bakit biglang siya ngayon ang tinatanggal sa trabaho?
"I'm really sorry, Eliana. We're experiencing financial difficulties this past few months. The economy is not good that's why we decided to let you go."
Let her go? Hindi niya malaman kung bakit pero pakiramdam niya ay may laman pa ang sinabi nito. Hindi man lang gumamit ng original na dahilan. Gasgas na gasgas na ang sinabi niya. "May iba pa po bang ma le-lay off?"
"I'm not in the authority to say."
Nang pumasok siya kaninang umaga ay inaasahan niya ang mga trabahong ibibigay sa kaniya na makakapagpaligaw sa utak niya sa sitwasyon ng ina. She was ready to face the day and to distract herself. Hindi niya akalain ngayon na lalabas siyang bitbit ang mga gamit niya.
Bago pa siya tuluyang umalis sa kumpanya na ilang taon niyang ginugulan ng oras, effort, at tiyaga ay namataan niya pa si Chloe. Hindi katulad ng iba niyang mga kasamahan ay ito lang ang tila may ngiti sa mga mata habang ang mga labi ay tila nagpipigil para ikorte iyon.
Mahigpit siyang napahawak sa kahon na dala-dala bago pa siya mademonyo at ibato ang lahat ng iyon sa babae. Hindi niya matitiyak ang hinala pero ramdam na ramdam niyang may kinalaman ito sa pagkaalis niya. Mga walang kaluluwa.
Hindi sapat ang sweldo niya para sa pagpapagamot ng nanay niya. Kulang pa iyon para may maipangkain din siya. Paano pa ang apartment na kinakailangan niyang bayaran?
Saktong paglabas niya ng lugar na iyon ay bigla na lang bumuhos ang ulan. Ultimanong naging basang sisiw siya nang walang habas na bumagsak sa kaniya ang tubig mula sa langit. Dahil na rin karton lang naman ang hawak niya na kahon ay hindi nagtagal ay bumagsak iyon sa lupa nang maputol ang hinahawakan niya ro'n.
Sobra na. Sobrang-sobra na. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay rinig niya ang pagkadurog ng mga laman ng kahon nang basta na lang niya iyong hakbangan at wala sa sariling naglakad palayo.
Wala na siyang pakielam. Ano pa ba ang mawawala sa kaniya kung lahat na lang kinuha at kinukuha na mula sa pagkakahawak niya? Lahat na lang ng pinaghirapan niya nawala. Wala na siyang pera, wala na siyang trabaho, wala na siyang kaibigan, at ang nanay niya...ang nanay niya kinukuha na sa kaniya.
Ramdam niya ang pag-uunahan na pag-alpas ng luha mula sa mga mata niya na naikukubli ng patuloy na pagbuhos ng ulan.
Huminto siya sa paglalakad nang marating niya ang stop light na kulay berde pa rin ang senyales para sa mga sasakyan. Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ng mga tao na mukhang tatawid din at mukhang may pagmamadali sa mga kilos.
Kung kanina ay siya lang ang nasa unahan ay naitulak na siya ng mga ito sa likod dahil sa patuloy na pagbalya at pag gitgit sa kaniya. Hindi na siya nagtangkang lumaban pa. Gano'n naman eh. Iyon lang ang kaya niyang gawin. Ang hayaan ang mundo na ipagtulakan siya sa pinakalikod. Kasi kahit anong gawin niya ay patuloy siyang sinasadlak sa pinakababa.
Nanatili siyang nakayuko habang hinahayaan na malunod siya ng ulan. HIindi na niya namalayan nang magsikilos ang mga tao na nagsimula ng maglakad nang humudyat na maaari na ang mga itong tumawid. She was again...too late.
Humakbang siya paharap at tinangkang sumunod sa mga ito pero katulad ng ilang beses na nangyayari sa buhay niya ay naiiwan na naman siya. She heard the whistle from somewhere at the same time the colors of the traffic changed into green.
Nanlaki ang mga mata niya at tila nagising siya mula sa pagkakatulog nang matanaw niya ang sasakyan na mabilis ang takbo patungo sa kinatatayuan niya. Sa mga oras na iyon...hindi na niya tinangka pang gumalaw . Wala ng laban ang natitira sa kaniya.
Pero mula sa kung saan ay naramdaman niya ang paghigit sa braso niya ng kung sino habang ang mga mata niya ay nagawang sundan ang animo dahan-dahan na pagbagsak ng payong na hindi niya alam kung sino ang nag mamay-ari.
Nang tuluyan iyong mawala sa paningin niya ay bumungad sa kaniya ang mukhang kanina ay naikubli ng payong na ngayon ay bumagsak na sa lupa.
May kung ano sa mga mata ng lalaki na tila ba nagsasabi na marami na itong nakita at natunghayan sa mundo. Tila may dugong banyaga ito...hindi...mali. Para bang ang buong ito ay hindi nilikha para sa mundong ginagalawan nila. Ang bawat parte ng mukha nito ay animo yari sa pinakaperpektong hulmahan. Hindi nakabawas doon ang pagkabasa nito mula sa ulan na ngayon ay parehas na bumubuhos sa kanila.
Hindi niya kilala ang lalaki pero isang parte sa kaniya ang nakilala ito. Kahit ngayon niya lang ito nakita ay pakiramdam niya nakita niya na ito noon. Hindi nga lang magawang maalala iyon ng isipan niya. Bukod doon ay tila nagising ang kung ano sa loob niya na umaabot sa direksyon ng lalaki na para bang nagsasabing kaya siyang protektahan nito sa lahat ng paghihirap na ngayon ay dumadagan sa kaniya.
"You will be okay, Eliana."
______________End of Chapter 3.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top