Chapter 13: Truth
CHAPTER 13
Hindi magawang tumingin ni Eliana kay Rovan na ngayon ay nakatayo di kalayuan sa kaniya. Kita sa lalaki na hindi ito komportable sa kinaroroonan nila pero sa kabila niyon ay hindi nawawala ang determinasyon sa mga mata nito.
Tahimik lang ang naging biyahe nila papunta sa simbahan na malapit lang sa ospital. Hindi niya magawang itanong dito kung bakit doon sila magtutungo. Hindi niya magawang makapagsalita man lang dahil pakiramdam niya ay nilulunod siya ng sari-saring emosyon. Nandoon ang takot pero higit pa roon ay nandoon ang pamilyar na pakiramdam na tanging sa lalaki niya lang nararamdaman. Iyong tila ba ramdam niya sa bawat himaymay niya na hindi niya kailangan pang mag-alala sa kahit na ano dahil hindi siya nito pababayaan. Iyong pakiramdam na buo siya kasi nasa tabi niya si Rovan.
Naguguluhan siya. Kasi di ba dapat matakot lang siya? Hindi ba dapat ang gustuhin niya lang ay lumayo? Pero bakit pakiramdam niya nadudurog siya ng unti-unti kapag hindi niya ito kasama?
"Bakit tayo nandito?"
Halos hindi marinig ang boses niya nang magawa niyang makapagsalita gano'n pa man ay alam niyang narinig nito iyon nang may kung anong nagdaan sa mga mata nito.
"I want you to feel safe."
May kung anong init ang gumapang sa puso niya nang marinig niya muli ang boses nito. Iyon siguro marahil ang nararamdaman din nito. Kahit saglit lang pakiramdam niya parang sobrang tagal na nang huli niyang narinig ang boses nito. Boses na nagawa niyang makasanayan na marinig sa araw-araw na nakasama niya ito.
Pilit na tinanggal niya ang tila bikig sa lalamunan niya, "May rason ba para hindi ako maging ligtas?"
"Never, Eliana. Never with me."
Ramdam niya ag pagbaon ng mga kuko niya sa palad sa higpit nang pagkakakuyom ng mga kamay niya. Gusto niyang paniwalaan ito. Gusto niyang sundin kung anong nararamdaman ng puso niya. Pero hindi niya magawang patahimikin ang takot na pilit nagsusumigaw sa kaloob-looban niya.
"H-Hindi ko alam, Rovan. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko nga alam kung totoo ka eh. Kasi pakiramdam ko lahat ng nangyari imposible. At 'yung nakita ko. Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan iyon. Ni hindi ko nga alam kung bakit mo ako dinala dito."
Humakbang ito palapit sa pintuan ng simbahan kung saan siya nakatayo pero natigilan ito. Kita niya kung paanong magtagis ang mga bagang nito na para bang nahihirapan ito sa kung anumang dahilan. Umatras ito at kita niya kung paanong tila bumalik ang hangin sa katawan ng lalaki.
May pagkalito sa mga mata na nilingon niya ang loob ng simbahan na ngayon ay walang makikita na kahit isang tao bago siya muling bumaling sa lalaki. "Totoo lahat."
"Eliana-"
"Totoo lahat ng nakita ko."
Kita ang takot sa mga mata ni Rovan. Pangamba na baka muli siyang tumakbo paalis. Palayo dito at sa kung ano man ang itinatago nitong sikreto.
Kung magpapakatotoo siya sa sarili ay iyon ang siyang gusto niyang gawin. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang magtago. Gusto niyang kalimutan ang lahat. Pero alam niya rin na imposible. Alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magagawang alisin sa puso niya na patuloy itong hinahanap.
"Gusto kong sabihin na hindi. I want to tell you that I'm just an ordinary man. I want to tell you that there's nothing to fear. But my existence is something that shouldn't have happened. My entire existence should scare anyone down to the bones."
Sunod-sunod na umiling siya. Kahit pa siya mismo ang nakakita ng gabing iyon ay iba pa rin na naririnig niyang nangagaling ang kompirmasyon mismo sa lalaki.
"Paano?" bulong niya. "Hindi ko maintindihan kung paano. Paano naging posible?"
"Just like how darkness and light became possible. Heaven and hell, virtues and sins. Hindi ko gustong sabihin na nagmula ako sa kasalanan dahil alam ko...nasaksihan ko kung paanong naging walang bahid ng kahit na anong dumi ang naging pagsasamahan ng mga magulang ko. But the blood running in me was once made of sin. My father being the first incubus ever created."
Ramdam niya ang pag gapang ng kilabot sa buo niyang katawan sa sinabi nito. Gusto man niyang pigilan ang sarili ay kusang humakbang ang mga paa niya paatras. Kita niya kung paanong gumihit ang sakit sa mga mata ni Rovan sa naging pagkilos niya.
Pilit na pinatatag niya ang sarili sa pagkakatayo kahit na pakiramdam niya ay nawawalan siya unti-unti ng mga buto sa katawan.
"You're safe with me, Eliana. I will never hurt you." mahina nitong sabi bago tumingin sa likod niya kung saan kita ang altar ng simbahan. "But I want you to have a choice. Kaya kita dinala rito. Because this is the only place that I can't be with you. Nag-iisang lugar na hindi kita pwedeng sundan."
Namuo ang luha sa mga mata niya dahilan para manlabo ang mga iyon. Nagbaba siya ng tingin para ikubli iyon sa lalaki kahit pa alam niyang hindi iyon makakaligtas sa atensyon nito.
"Hindi ko ginustong malaman mo sa ganitong paraan."
Kinagat niya ang ibabang labi niya hanggang sa malasahan niya ang dugo mula roon. Sunod-sunod na umiling siya at itinaas niya ang mga kamay para ihilamos iyon sa mukha niya. "Hindi ko maintindihan."
"Eliana, please. Please listen to me." Binalik niya ang paningin sa direksyon ni Rovan at kita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito. "I was born human. My brothers and I were born like you and everybody else. Naging ordinaryong tao ang ama ko dahil sa pagsusumamo niya sa itaas na hayaan siyang magmahal. He fell in love with my mother. With a mortal. Nakuha niya ang gusto niya pero ang naging kapalit no'n ay ang parusa...ang sumpa na ibinigay sa amin mula sa lugar kung saan nagmula ang ama namin. The first succubus, the equivalent of my father but only stronger, felt betrayed. Nakikita niya kami bilang kabayaran ng bagay na nawala sa kaniya. She turned us like them. She made us an incubus."
"Incubi and succubi are ruled by Asmodeus. One of the seven sins. Lust. He created his daughter, the first succubus. And she created everything else. Every succubus and every incubus came from her. The history books, the ancient stories...they were not far from the truth. We feed on the vitality of a human's life through sexual relations with them. Hindi kami mamamatay kung wala iyon pero unti-unti kaming manghihina. Once a female human crossed my path at that state, she will suffer more because I will lose control. And when I lose control the chance of taking her life completely will be certain."
"Hindi namin ginusto 'to. Lahat ginawa na namin para mapigilan kung ano kami. And hell, I tried to give up a lot of times. Because it's better to die as myself than to see what I had become. Pero maging iyon ay hindi posible. We can't die. We can't even kill each other. Hindi nila hahayaan iyon. We are their biggest entertainment. Our sufferings are their greatest pleasure. That's why we're still here. Dahil hindi pa sila tapos na paglaruan kami."
Alam niyang lahat ng sinasabi nito ay konkretong sagot sa kung anong dapat niyang gawin. Na dapat tumakbo siya palayo sa lalaki. Pero hindi niya iyon magawa. Dahil habang nakatingin dito ay nakikita niya ang paghihirap kay Rovan at ang pagsisisi para sa mga bagay na hindi nito kayang kontrolin.
Pwede niyang kamuhian ito pero maging iyon ay hindi kayang pantayan ang nararamdaman nitong pagkamuhi para sa sarili.
"They gave us a way out but for decades that appears to be impossible to reach. The first succubus made a deal with us. Napakasimple pero napakahirap hanapin. We needed to find a woman that can accept us and love us despite who we are. For years we searched for it but each time we always failed."
"Rovan..."
"I am not proud of what I had become. Hindi ko kailan man ginusto na maging ganito. I won't ever be proud of the things that I've done. Those women...the women that I robbed off of years just for being what I am. I feed on them, used their desire, their miserable lives...I used their weakness against them and take away from them just for me to have the life that I don't even want to live. All those in the hopes that one day I'll find that person that will free me."
Hindi na maampat ang luha sa mga mata niya nang makita niya kung paanong sumalamin iyon sa sakit na tila patuloy na lumalatay sa lalaki. "Rovan..."
"I will give it back to you. Gagawin ko lahat para maibalik ko sa'yo ang kinuha ko. Because even the way this started between us, it's never been just about that. I never wanted to take from you. You are the most important thing in the world for me, Eliana."
Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito. Kahit ang hirap paniwalaan naiintindihan niya kung anong tinutukoy ng binata. Na dahil sa nangyari sa amin at kahit hindi nito ginusto ay kumuha ito sa parte ng buhay niya. Pero hindi niya magawang pagtutuunan iyon ng pansin. Dahil sa mga oras na iyon isa lang ang gusto niya. Isa lang ang gusto niyang gawin.
Dahan-dahan siyang bumitaw mula sa pagkakakuyom ng mga kamay niya habang sa loob niya ay unti-unting bumubukas ang mahigpit na nakatali sa kontrol niya na pilit niya noong hinihigpitan.
Sa isang kisap-mata ay natagpuan niya ang sarili na mabilis na humahakbang palapit sa lalaki na hindi inaasahan ang naging pagkilos niya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ni Rovan at sumubsob sa malapad nitong dibdib.
Sandaling natigilan ito at tila itinulos sa kinatatayuan ngunit pagkaraan ay gumanti ito ng yakap. Mahigpit siya nitong hinapit palapit sa katawan nito na para bang hindi pa sapat ang lapit nila sa isa't-isa.
"I'm sorry. I'm so sorry."
Luhaang nag-angat siya ng tingin sa lalaki at pagkatapos ay umiling. Umangat ang kamay nito at marahang pinunasan ang mga pisngi niya na basa ng luha.
Ipinikit niya ang mga mata niya at katulad ng sabi ng nanay niya ay indi niya kailangan makita ang mga rason kung bakit dapat niyang itigil ang desisyon. Dahil napakaraming dahilan para bumitaw siya. Pero kung isasarado niya ang mga mata niya at hahayaan niya ang puso niya na makakita para sa kaniya alam niya kung ano ang magiging desisyon niyon.
"I stopped praying ages ago."
Binuksan niya ang mga mata ng marinig niyang nagsalita si Rovan. Nakayuko ito para tumingin sa kaniya, ang mga mata nito ay naglilibot sa mukha niya na para bang kinakabisa ang bawat bahagi niyon.
"I stopped praying because I know that no one will listen. For a long time no one answered. Until now."
"Anong pinagdasal mo?" mahina ang boses na tanong niya sa lalaki.
"Ang mahanap ka."
TAHIMIK na pinapanood ni Eliana si Rovan at sinusundan ito ng tingin habang abala ang lalaki sa pagkilos sa kusina. Naghahanda kasi ito ng almusal nilang dalawa. Kung almusal pa iyon na matatawag ngayong tanghali na dahil wala itong pasok ngayong araw habang siya ay sa gabi pa magtutungo sa ina niya.
Mag iisang linggo pa lang mula nang maganap ang pag-uusap nila sa simbahan. Pakiramdam niya hindi siya umalis dahil lahat ng naiwan niya ay nananatili pa rin sa bahay ni Rovan. Hindi nito tinangka man lang na burahin siya sa buhay nito kahit walang kasiguraduhan kung muli siyang babalik dito.
"How do you like your eggs?"
Napakurap siya nang marinig niya ang tanong ni Rovan. Bago pa niya mapigilan ang sarili o mapag-isipan man lang kung ano ang sasabihin ay kusang dumulas ang mga salita mula sa dila niya, "Kahit na ano basta itlog mo."
Kasabay ng pagkalat ng init sa magkabilang pisngi niya ay narinig niya ang biglang pagkasamid ng lalaki na hindi inaasahan ang naging sagot niya at napatingin sa kaniya. Mabilis na tumalikod ito para harapin ang niluluto pero bago iyon ay nakita muna niya ang ngiti na pilit nitong itinatago sa kaniya.
Nalukot ang mukha niya sa sobrang hiya at sabu-sabunot ang buhok na yumukyok siya sa lamesa at mahinang inuntog niya ang sarili roon ng paulit-ulit. Pinahihirapan mo pa talaga 'yung tao, Eliana.
Nitong mga nagdaang araw, kahit hindi magsalita ang lalaki ay ramdam niya ang distansiya na nilalagay nito sa pagitan nilang dalawa lalo na kapag nasa kwarto sila. Hindi katulad noon ay ngayon kapag lumalalim na ang gabi ay humihiwalay ito sa kaniya kapag akala nito ay mahimbing na ang tulog niya. Kapag lumalabas din siya mula sa banyo suot ang mga binili nito noon na pantulog ay inaabala ng binata ang sarili sa pagbabasa at hindi siya tinitignan hanggang hindi siya nakakasampa ng kama at nakakapagtalukbong ng kumot. Ni hindi nga ito nagtangka man lang kahit isang beses na halikan siya. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko pero...bakit ayaw niya akong halikan?
Ito pa rin ang Rovan na nakilala niya pero pakiramdam niya ay pinipigilan nito ang sarili sa ilang parte ng nakasanayan na niya bilang ito. He's a bit of a...flirt. Alam niyang natural iyon kay Rovan. Hindi dahil nag-aakit ito o kung ano pero natural na talaga sa lalaki ang pagiging cariñoso. Pero pinipigilan nito iyon para sa kaniya. Dahil sa mga nangyari at dahil sa alam na niya kung ano ba ito talaga. Siguro ayaw nitong matakot siya para maging dahilan na umalis siyang muli.
Napatigil siya sa ginagawa nang maramdaman niya ang isang mainit na palad na sumalo sa noo niya para hindi na iyon lumapat pang muli sa matigas na center island. Ang mga mata nitong parang nilulunod siya ang sumalubong sa kaniya nang mag-angat siya ng tingin.
Hindi niya mapigilang hindi titigan ang mukha nito at lalong hindi niya mapigilan na hindi magbaba ng tingin sa mga labi nito. Bakit nga ayaw niya akong halikan?
"Babe, you're going to hurt yourself."
"Ha?" wala sa sariling tanong niya.
Gumihit ang ngiti sa mga labi ng binata dahilan para muli siyang mapatingin sa mga iyon. Bakit hindi niya pa ako hinahalikan?
"Malapit na akong matapos magluto. May iba ka pa bang gusto?"
Gusto ko? Hindi ko namang sinasabing gusto ko pero... "A-Ano?"
"I asked if you want anything else." he repeated. "Eliana?"
Ang ganda ng pangalan ko kapag galing sa mga labi niya. Ang ganda ng labi niya. Kaya bakit? "Gusto ko ng halik."
Napasinghap siya at akmang tatayo mula sa kinauupuan pero dahil mataas ang stool ay napatili siya nang mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang ay naging maagap ang binata at nagawa siyang hilahin bago pa siya nahulog. Pero dahil sa ginawa nitong paghila sa kaniya ay mas napalapit ang katawan niya sa direksyon ng binata na nasa kabilang panig ng center island.
"W-Wag mo akong intindihin. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko pero nagtataka lang ako kasi gusto kong halikan mo ako- ay hindi! Ang ibig kong sabihin nagtataka lang ako na wala pang nangyayari- ano...hindi...gusto ko lang naman sabihin na ano....na...."
Pinilit niya ang sarili na tumigil sa ginagawang pagsasalita pero nang maramdaman niyang imposible iyon ay isa lang ang naisip niyang gawin. Ang sumigaw ng sobrang lakas.
Hindi niya alam kung anong maitutulong no'n sa kaniya pero mukha namang effective dahil pakiramdam niya ay nabasag no'n ang eardrums niya at nagtuloy-tuloy ang matinis niyang tili sa utak niya.
Naramdaman niyang napapitlag si Rovan sa ginawa niya pero nanatili pa rin itong hindi bumibitaw sa kaniya. Lalong hindi nakatulong iyon sa nagkakalasuglasog na niyang pagkatao. Since sabog na sabog na ako eh di ituloy na. Kahit sabog at least kabog.
"Halikan mo ko!" sigaw ko. "Ngayon na-"
Hindi pa niya nagagawang tapusin ang nais sabihin ay pinutol na iyon ni Rovan nang bigla na lang nitong sakupin ang mga labi niya. Kasabay ng pagpikit niya ay kusang pumalibot ang mga kamay niya sa balikat nito para mas lalo itong hapitin palapit sa kaniya.
Binuksan niya ang mga labi niya para tanggapin ang halik nito at walang pag-aalinlangan na sinagot niya iyon. Hindi iyon mabilis katulad ng mga nagdaang halik na ipinalasap nito sa kaniya. Puno iyon ng pag-iingat pero sa kabila niyon ay hindi nabawasan ang idinudulot no'n na init sa kaniya at sa kaibuturan niya.
Hindi na mahalaga sa kaniya kung ano si Rovan o kung ano ang nakaraan nito. Dahil kapag sa kaniya wala itong ipinararamdam at ipinapakita kundi ang Rovan na nakilala niya. Ang Rovan niya na walang gagawin kundi ang protektahan siya kahit maging sa sarili nito.
Parehas nilang habol ang kanilang mga hininga nang maghiwalay ang mga labi nila. Umangat ang kamay ng lalaki at marahan nitong idinampi ang hinlalaki sa mga labi niya na alam niyang namumula dahil sa halik nito.
"I just want to be careful, Eliana." he whispered.
"Kung kailangan mo. Kung gusto mo...hindi ako tatanggi." Sa kabila ng takot niya noon alam niya na walang kahit na ano maliban sa katotohanan ang nasa mga salita niya. "Kung kailangan mo ko-"
Naramdaman niya ang kamay nito na umikot sa batok niya para bahagya siyang igaya palapit dito. Nilapat nito ang sariling noo sa kaniya bago muling bumulong, "Not that way. Never that way again, baby."
"Pero-"
"I can't do that to you."
Bahagya siyang lumayo sa lalaki at sa pagkakataon na ito ay siya naman ang humawak dito. Ikinulong niya ang mukha nito sa pagitan ng mga kamay niya para pilitin itong tumingin ng direkta sa mga mata niya. "Sobra-sobra na lahat ang binigay mo sa akin."
"Hindi ko hihilinging kapalit ang sarili mong buhay para sa mga iyon, Eliana."
"Anong magagawa kong ibigay para sa'yo kung hindi iyon?" katulad nito ay naging bulong na lang ang pagkakabitaw niya sa mga salitang iyon.
"Not that."
"Gusto ko ring ibigay kung anong kailangan mo. Kasi gano'n naman dapat talaga di ba? Hindi na lang ikaw ang dapat lumaban ngayon. Parehas na tayo."
Hinawakan ng binata ang mga kamay niya at ibinaba iyon pero hindi nito binitawan ang mga kamay niya at sa halip ay kinulong lang nito iyon sa sariling mga palad.
"You've already given me everything just by being here with me."
Ramdam niya ang tila unti-unting pagkatunaw sa sinabi nitong iyon. Dahil nakikita niya sa mga mata ni Rovan kung gaano kahalaga ang bagay na iyon para rito. Na sa dami ng ibinigay nito sa kaniya, ipinaramdam sa kaniya, ang tanging gusto lang nito ay ang makasama siya.
Paanong magiging masama ang isang katulad ni Rovan? Paanong nakakabit sa buong pagkatao nito na ang maaari lang na pwedeng maging ito ay kung ano ang nakatatak sa dugong nanalaytay dito? Kung pinaniwalaan man niya iyon noon ay ngayon alam niya kung gaano siya kamali.
Walang pinanganak na masama at hindi lahat ng gumagawa ng masama ay hindi na maaaring maging mabuti. Minsan iyon na lang ang paraan. Minsan iyon ay dahil sa pilit itinutulak ang mga ito sa gano'ng desisyon.
Hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya nangangamba sa parte ng pagkatao nito na iyon. Ang alam niya lang handa siyang harapin iyon dahil parte iyon ni Rovan. Parte ng pagkatao ng binata na pilit nitong pinaglalabanan.
Pero ngayon hindi na lang ito ang haharap doon. Hindi na nito kailangang mag-isa dahil kahit alam niyang hindi magiging madali ay gusto niyang manatili na kasama ang binata sa pagsalubong sa naghihintay na hinaharap.
Alam niyang gagawin ni Rovan ang lahat para mahanap ang kalayaan nito at sa tingin niya ang tangi niya lang magagawa ay ang hindi bumitaw at manatili sa tabi nito hanggang sa tuluyan na itong makakawala.
"Gusto ko pa rin na halikan mo ko." sabi niya pagkaraan.
Umalingawngaw sa paligid ang malakas na pagtawa ni Rovan dahilan para sumilay ang ngiti sa sarili niyang mga labi. Impit siyang napatili nang sa isang iglap ay muling inilapit ng lalaki ang mukha nito sa kaniya at imbis na sa mga labi ay pinaulanan nito ang buong mukha niya ng maliliit na mga halik.
Natural sa mga mata ang makita kung ano lang ang nasa harapan mo pero ang puso...iyon lang ang tanging makakakita ng walang panghuhusga.
_____________End of Chapter 13.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top