Chapter 12: Eyes
CHAPTER 12
Mabibigat ang mga hakbang ni Rovan habang tinatahak ang isang mahabang pasilyo. Hindi naging madali para sa kaniya ang hanapin ang pakay lalo na at sigurado siyang umiiwas ito sa kaniya pero hindi ibig sabihin no'n na imposible iyon.
Tumuloy siya sa pinakadulong kwarto kung saan nararamdaman niya ang presensiya ng hinahanap niya. Tumigil siya sa tapat ng pintuan at walang pag-aalinlangan na sinipa niya iyon. Lumikha ng nakakabinging tunog iyon nang matanggal sa pinagkakabitan at walang silbing bumagsak sa sahig. The action didn't even exhaust a drop of his strength. It was like flicking a finger.
He was stronger. Stronger than he ever did. Pero wala siyang nararamdaman na kasiyahan man lang dahil alam niya kung ano ang naging kapalit no'n. A price that he was not willing to pay. He will never do that if given the choice.
"Now this is a surprise." Kontra sa ekspresyon ng babae ang sinabi nito. Kung hindi man ito handa sa pagdating niya ay hindi iyon bumabakas sa mukha nito at sa halip ay mapang-akit lang na ngiti ang kumurba sa mga labi ng babae. "Care to join us?"
Hindi na siya nag abala na sumagot at sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang kama na kinaroroonan nito at ng lalaking kasalukuyang hindi malaman kung paano tatakpan ang sarili. In the next heartbeat, he managed to grab the man by the throat and pulled him up. Isinalya niya ang lalaki sa isang tabi na nahihintakutang hinablot ang mga damit at nagmamadaling lumabas ng kwarto kahit hindi pa nito naisusuot ang mga saplot.
Ibinaling niya ang matatalim na tingin sa babae na ngayon ay naiwang nakahiga sa kama. Imbes na takpan ang sarili ay kampanteng umunan lang ito sa mga kamay at tinaasan siya ng kilay. Nang manatili lang siyang nakatingin dito ay lumawak ang ngiti ng babae. Inalis nito ang isang kamay mula sa likod ng ulo at pagkatapos ay dahan-dahan nitong pinaglandas ang kamay mula sa leeg, pababa sa pagitan ng dibdib nito, hanggang sa marating no'n ang pagitan ng magkabilang mga binti nito. "You owe me a meal."
A growl escaped his lips as he took a stride towards the bed. Marahas na hinaklit niya ang babae sa braso at hinila ito patayo. Binitiwan niya ito para lang burahin ang ngiti na nasa mga labi pa rin ng babae nang basta na lang niyang ibalot ang mga daliri sa leeg nito. Nanglaki ang mga mata nito sa ginawa niya at pilit na itinulak siya nang lalo niyang diinan ang pagkakasakal dito.
"You set me up, Red." he whispered at the woman, his voice menacing. "You think you're invisible? Akala mo ba pwede mo na lang gawin ang gusto mo at wala akong gagawin sa'yo?"
"W-What are you-..."
Hindi nito magawang tapusin ang nais sabihin nang halos bumaon na ang mga daliri niya sa balat nito. Her eyes bulged as fear finally penetrate her system. Hindi lingid dito ang galit sa mga mata niya maging ang lakas na tumatakbo sa kabuuan niya. She made him like this. She will be the reason of her own demise.
"You gave Eliana a summoning spell. An incubus summoning spell."
"H-Hin...h-hindi..."
"You owe her years. You took years away from her life by giving her that!"
Umalingangaw sa paligid ang dumadagundong niyang boses. He can feel her fears pulsing beneath his fingertips. Sa pagkakataon na ito ay sa mga labi niya naman kumurba ang isang ngiti. Ngiti na lalong nagpadagdag ng takot na nakikita niya sa babae. Hindi niya magagawang itanggi ang katotohanan na nasisiyahan siya sa nakikita sa babae. She gave him hell for years. It's beyond great to see her finally tasting her own poison.
"What does it feel like to be at the bottom of the food chain this time, Red?"
"H-Hindi-"
"Alam mo ba kung ano ang pagkakaparehas ng isang multo at ng demonyo?" Kita ang paghihirap sa mukha ng babae habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak dito. Pero nananatili siya sa kinatatayuan at hindi natitinag. "We're all just spirits. Ghosts are casted away from their bodies to feed on fear while we demons retained our shells to feed on spirits."
"Ro...Rovan...hindi...ako..."
"You have life in you. An essence that can still be useful. And you owe me. May utang ka sa akin at babayaran mo 'yon gamit ang sarili mong buhay." He flashed her a dark smile Her eyes flickered when she finally grasped on what he intended to do. "We're from the same kind. I don't need to take you like an incubus to get what I need, do I? I can just simply absorb you."
Sunod-sunod na umiling ang babae at pilit na hinila ang kamay niya para alisin pero wala itong nagawa. She clawed him, her nails scoring his skin, but he didn't budged. Inilapit niya ang mukha rito hanggang sa halos wala ng pagitan sa kanila.
He centered himself and called out the power deeply rooted inside him. Something so ancient that it need not a word or a carve of symbols. He blow out a breath, the heat of it hitting the woman's face. Unti-unti niyang niluwagan ang pagkakahawak sa babae pero nanatili ito sa pagsagap ng hininga na para bang may sumasakal pa rin dito. She choked on her own breath as she shook her head from side to side. "S-Stop..."
He parted his mouth slightly, welcoming the surge of energy entering his body. Ramdam niya ang panghihina nito kasalungat sa nararamdaman niyang lakas. Pero sa isang iglap ay tila may bumara sa hinihigop niya mula sa babae. Wala siyang nagawa kundi mapabitaw dito nang mula sa kung saan ay may mga kamay na humawak sa balikat niya. Napadausdos sa sahig si Red sa ginawa niyang pagbitaw dito habang hawak-hawak nito ang sariling leeg at sunod-sunod na humugot ng hininga.
Hindi niya na ito nagawang pagtuunan ng pansin ng tila may nakakapasong init ang dumikit sa balat niya dahilan para automatikong lumayo siya sa pinanggagalingan niyon.
His head snapped on his side to look at the other being that joined them. Kulang ang sabihin na nagulat siya na makita ito. It's been years since he last saw her. It's also been years since he's been this close to her.
From the eyes of humans that are weak from temptation, just one look at her will send them to their knees, begging her to give them a drop of water for their blazing desire. Her body is slender at the right place, voluptuous at the most desired spots, long black hair, white skin, and her face were often described by the few human artists that she shared beds with as the face of a goddess. But she's not. She's the face of hell.
Her beauty is poison. The blood in her veins carried one of the ultimate sin. Dahil siya ang unang nilikha ng isa sa pitong kasalanan. The daughter of Asmodeus. The first succubus ever created.
"Enough."
Malamyos ang boses nito na para bang marahan na pagdampi ng balat sa balat. Her voice resonated like soft melody of bells. Sa kabila niyon ay ramdam pa rin ang kapangyarihan sa likod ng boses ng babae katulad ng pagbakas no'n sa mga mata nito. There's nothing behind her eyes except pure nefarious evilness.
"Do you really think anyone of the lowly succubi has the ability to do whatever happened to the beautiful Eliana?" She flashed him a bright smile before gliding towards red who's still crumbled at the floor. Nanghihina man ay pinilit ni Red na tumayo para humarap sa babae. Marahang hinaplos ng orihinal na sukubo ang pisngi nito. "What is just a merely power of suggestion or something else?"
His lips curled upward at the mention of Eliana's name. He doesn't want to hear that name from her lips. "What have you done?"
Nagkibit-balikat ang babae, "Just a whisper."
Mariing napakuyom ang mga kamay niya sa sinabi nito. It's not just a whisper. It's a whisper from the first succubus. Kaya nitong impluwensiyahan sa pamamagitan lang ng isang ang bulong ang kahit na sinong tao para sundin ang kagustuhan nito. She can torment a person with desire with just a whisper, or suggest the most heinous deed if it means getting a fix for the desire flaming on that person's body.
"Paano ka nakalapit sa kaniya ng hindi ko nalalaman?"
She has an aura. Kahit malayo ang babae sa kaniya basta nasa iisang lugar sila ay magagawa niyang maaramdaman ang presensiya nito. For other succubi or incubi it's easy to hide their presence but dor the first succubus it's different. Any demons can smell her because she reek of desire.
Ngumiti ito at itinaas ang hintuturo at hinlalaki, "A little transformation. Hindi mo napansin ang presensiya ko dahil tinago ko iyon sa likod ng pag-usbong ng apoy sa Eliana mo. You're too intoxicated with her that you didn't even felt that the desire circling the air was not just coming from her. Then I pushed her some more to open up the gates of her hunger."
Eliana always had that scent. It's the connection that made him seek for her. Para siyang napakatamis na pabango na inaakit siya para lapitan ito. At that night he thought it was just the alcohol forcing her to be brazen and out of her shell. He should have known better.
"May kasunduan tayo."
Mahinang tumawa ang babae. It almost sound angelic except the glint of malevolence in her eyes. "Hanggang ngayon ba naniniwala ka pa rin na mahahanap mo ang taong magtatanggal sa'yo ng sumpang dala-dala mo na sa dugo mo?"
"I already found her."
"Bakit wala siya dito kung gano'n?"
"You-"
Napatigil siya sa sasabihin nang sa isang iglap ay nasa harapan na niya ang mukha ng babae. It's like she's one with the air, her movement swift as breathing. "Pinadali ko lang ang bagay na pinapatagal mo pa. Sa tingin mo ba iba ang kalalabasan kung sa iyo mismo nanggaling ang katotohanan. Sa oras na malaman niya kung ano ka iyon at iyon pa rin ang magiging resulta. Lalayo pa rin siya sa'yo. Because she will always fear what you are."
Hindi niya nagawang makasagot sa sinabi nito. Itanggi man niya sa sarili niya pero may katotohanan doon. Dahil ang tanging paraan lang para magawa niyang baliin ang sumpang nananalaytay sa kaniya ay ang matanggap siya ni Eliana bilang siya. Ang magawa siyang mahalin nito sa kabila ng lahat. Like how his mother accepted his father.
"Ano ba ang balak mo? Paibigin siya ng lubos hanggang sa tuluyan siyang lumubog sa nararamdaman niya para maging bulag siya sa kung ano ikaw? Sa tingin mo ba ay talagang magtatagumpay ang gano'ng plano?" Umangat ang kamay nito para hawakan siya pero iniwas lang niya ang mukha rito. "If you would just give up it wouldn't be this hard. Do you really think this doesn't pain me? Seeing you suffer this much?"
Nagtagis ang mga panga niya sa naririnig na mga salita na nagmumula rito. "Wag kang umakto na para bang nag-aalala ka sa kapakanan ko. Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito."
"Ano bang mali sa ginawa ko? You are the payment that I deserve to reap. I own you and your brothers."
"Ang sabihin mo hindi mo lang gustong matalo." asik niya rito. "Dahil iyon ang ginawa ng ina ko sa'yo. You were beaten by a mere human."
Walang salitang lumabas mula sa mga labi ng babae pero ramdam niya ang pagpalo ng kakaibang aura sa paligid niya. Sa gilid ng mga mata niya ang kita niya ang bahagyang paglayo ni Red. Buong sistema niya ang gustong sundan ang ginawa nito pero nanatili siyang nakatayo sa harap ng orihinal na sukubo.
Her eyes turned red, purple veins were running from her neck up to the side of her face like webs, and the pulsing energy around them were thick with rage.
"Don't push me, Rovan." she said sharply.
"Then keep your end of the bargain and stay away from Eliana."
NAPAPITLAG si Eliana nang maramdaman niya ang pagdampi ng kamay sa ulo niya. Napadiretso siya mula sa pagkakayukyok sa gilid ng kinahihigaan ng nanay niya at napatingin dito. Nakangiting binaba nito ang kamay hanggang sa lumapat iyon sa pisngi niya.
"Umuwi ka muna kaya para makapagpahinga ka ng maayos, Eliana?"
Umiling siya at binigyan ito ng maliit na ngiti. "Okay lang ako rito, Nay. Babantayan kita."
"Paano ang trabaho mo? Hindi mo naman ako kailangan bantayan magdamag. Saglit na lang din naman at makakalabas na ako ng ospital."
Pakiramdam niya ay sinaklob siya ng takot sa sinabi nito. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila kapag lumabas na ito ng ospital. Hindi pa niya naayos ang matitirhan nila. Mula kasi ng tumuloy siya kay Rovan ay hindi na siya bumalik sa dating apartment. Hindi na rin siya makakabalik doon dahil nang mabayaran na iyon ni Rovan ay kinuha na nila ang mga gamit niya doon. Mga gamit na naiwan niya sa bahay ng lalaki.
Mariin siyang napakagat sa ibabang labi nang maalala ang lalaki. Ramdam niya ang takot na gumagapang sa kaniya kapag naaalala niya ang mga nakita niya. Pero higit pa roon ay ang sakit na para bang patuloy na pumipiga sa puso niya kapag pumapasok ito sa isipan niya.
Hindi niya alam kung ano ang nakita niya. Hindi. Alam niya kung ano iyon pero hindi niya alam kung paano. Paanong naging posible ang mga bagay na iyon.
Hindi siya nagkakamali sa mga nakita. Ang mga pakpak, ang mga sungay, at ang mga mata ng lalaki. Sigurado siya na hindi lang iyon dala ng alkohol na ininom niya na hindi man lang niya naubos. Alam niya kung ano ang nakita niya.
Alam niyang hindi normal na tao si Rovan.
It was an instinct to fled away. Ano ba ang maaari niyang iakto sa pagkakataon na iyon? Isang...isang demonyo ang nasa harapan niya. Ano pa ba ang maaari niyang gawin sa mga oras na iyon kundi ang tumakbo?
Pero ngayon na nakalayo siya...ngayon na hinayaan siya ng lalaking kumawala rito ay pakiramdam niya ang laking parte ng pagkatao niya ang tila naiwan niya sa lalaki. O mas tamang sabihin ay malaking parte ng puso niya ang para bang nawawala sa kaniya.
Gusto niyang sigawan ang sarili. Paano niya nagagawang isipin ang nararamdaman para sa isang tao...para sa isang nilalang na hindi niya magawang pangalanan? Paano niya nagagawang hanapin ito na para bang kailangan niya ito para huminga?
"Eliana?" Napakurap siya at napatingin sa ina nang tawagin nito ang pangalan niya. Nag-aalalang mga mata nito ang sumalubong sa kaniya. "Ayos ka lang ba anak?"
"Okay lang po ako." pilit ang ngiti na sagot niya sa ina.
Mataman siyang tinitigan nito na para ang tinitimbang ang sinabi niya. Pagkaraan ay masuyong hinaplos nito ang pisngi niya, "Alam mong makikinig ako. Hindi mo kailangan magtago sa akin."
Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng ibabang labi niya. Napayuko siya nang tila sinakop siya ng sakit na pilit niyang tinatabunan sa kaloob-looban niya. Dahil gusto niyang malimutan iyon. Dahil pakiramdam niya hindi tama.
Nananatiling nakayuko na kinuha niya ang mga kamay ng nanay niya at sumubsob doon, "Nay, hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
"Eliana..."
"Alam ko na ang tamang gawin ay layuan siya. Kasi hindi ko alam kung tama bang makasama siya. H-hindi...hindi ko alam kung ano siya. Ang alam ko lang hindi siya maaaring maging mabuti."
"May ginawa ba siya sa'yo? Sinaktan ka ba niya?"
Sunod-sunod na umiling siya. Nang mag-angat siya ng mukha ay tigmak na ng luha ang mga mata niya. "Wala siyang ginawa kundi protektahan ako, ibigay kung anong kailangan ko, at iparamdam sa akin ng paulit-ulit na hindi ako nag-iisa. Pinaramdam niya sa akin na hindi ko kailangan harapin lahat. Hindi ko kailangan kayaning lahat kasi handa siyang pasanin lahat ng dala ko para lang hindi ako maipit sa bigat no'n."
"Kung gano'n hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan mo siyang layuan, Anak."
"Paano po kung kailangan? Paano kung hindi siya mabuting tao? Kung saan siya nanggaling...kung sino siya-"
"Eliana, ang kabutihan ng tao hindi 'yon nakabase kung saan siya nanggaling. Hindi rin nakabase kung sino siya sa kung anong nasa paligid niya, anong klaseng pamilya ang meron siya, o kung ano ang kinagisnan niya. Minsan higit pa sa nakikita mo kung ano talaga siya bilang isang tao."
"Nay..."
"May mga piling pagkakataon na hindi mahalaga kung anong nakikita mo. Ang mahalaga ay kung anong nararamdaman mo."
Tuluyan ng nanlabo ang mga mata niya sa mga luha na hindi na magawang maampat. Naramdaman niyang pinunasan ng ina niya ang mga pisngi niya sa pamamagitan ng mga kamay nito ngunit tila bukal na walang katapusan ang luha niya na para bang nagmumula iyon sa pinakamalalim na parte ng puso niya.
"Mahirap minsan na makita ang lahat sa isang tao kapag nasa harapan mo na lahat at nakalatag ang mga dahilan kung bakit kailangan mo siyang bitawan. Kaya minsan kailangan mo lang ipikit ang mga mata mo para maramdaman mo kung ano ba ang nakikita ng puso mo. Natural sa mga mata ang makita kung ano lang ang nasa harapan mo pero ang puso...iyon lang ang tanging makakakita ng walang panghuhusga. Higit pa sa kung anong kayang makita ng mga mata mo."
"Kaya imbis na magkulong ka rito, sandali mo munang kalimutan ang sinasabi nito." sabi nito at inilagay ang kamay sa tapat ng sentido niya. Sunod na bumaba iyon sa tapat ng puso niya. "Para magawa mong makinig dito. Gawin mo iyon bago ka magdesisyon."
Binalot ng kapayapaan ang puso niya at bahagyang gumaan ang dala niya sa sinabi ng nanay niya. Kahit hindi nito alam ang lahat ay pakiramdam niya lahat ng sinabi nito ay sinagot lahat ng mga katanungan niya. O ang ilan sa mga iyon.
Hindi niya alam kung ano ang dapat na mangyari o kung ano ang tamang gawin para sa sitwasyon nila ni Rovan. Pero tama ang nanay niya. Kailangan niya munang makinig ng walang panghuhusga. Kailangan niya munang hayaan ang puso niya na pakinggan ito bago siya magdesisyon.
"Nay..."
Tumango ito na para bang naiintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari. "Gawin mo kung anong kailangan mong gawin, Eliana. Ayos lang ako rito."
Tumayo siya mula sa kinauupuan at walang salitang niyakap niya ang ina na kaagad namang ibinalik sa kaniya ang yakap. Ito na mismo ang kumawala sa kaniya at pagkatapos ay tinanguhan siya. Bantulot man ay tinalikuran niya na ito para tunguhin ang pintuan at lumabas doon.
Animo may sariling buhay ang mga paa niya na mula sa paglakad ay naging mabilis iyon na pagtakbo. Hindi niya magawang pagtuunan ng pansin ang mga taong tinatawag siya para patigilin o ang ilan na hindi malaman ang gagawin para lang umiwas sa kaniya. Nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang labas ng ospital.
Nagbaba siya ng tingin sa mga kamay. Wala siyang dalang kahit na ano. Maging ang cellphone niya para man lang matawagan si Rovan. Ang tanging meron siya ay ang maliit na pitaka na nasa bulsa niya.
Nananalangin na lang siya na nasa bahay nito ang lalaki. Dahil sa ilang mga araw na nananatili siya sa ospital ay hindi man lang niya nakasalubong kahit isang beses ang lalaki samantalang doon ito nagtatrabaho.
Humugot siya ng malalim na hininga bago muli siyang kumilos. Pero hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman niya ang malakas na pagbangga niya sa kung saan. Dahil sa lakas ng puwersa no'n ay naramdaman niya ang pagkawala ng balanse. Pero imbis na semento ang sumalo sa katawan niya ay mainit na mga kamay ang bumalot sa kaniya. Init na pamilyar na pamilyar sa kaniya.
Napasinghap siya sa pagkabigla at marahas na nag-angat siya ng mukha. Ang lalaking laman ng isip niya nitong nagdaang mga araw ang sumalubong sa kaniya. Ang pangahan nitong mukha, ang mga labi nito na para bang nag-aanyaya, at ang mga mata nitong tila nangungusap ngunit sa pagkakataon na ito ay puno ng takot, pangamba...at determinasyon.
"You're coming with me."
"Rovan..." Nang manatili itong nakatingin sa kaniya na para bang handa itong gawin ang lahat para sumama siya rito ay muli siyang nagsalita. "S-Saan?"
"Sa simbahan."
______________________End of Chapter 12.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top