Chapter 1: Light
A/N: Third person ang gamit ko sa story na 'to <3 Sana mahalin niyo rin ang bagong boylet sa buhay ko gaya ng pagtanggap niyo sa BHO CAMP boys, kay Gaige, at kay Bossing Thorn :* Lab yah lovies!
CHAPTER 1
"Noong maganap pa lang ang unang paglikha pinanatili na ang balanse sa mundong ginagalawan. Bago pa lang magawa ang orihinal na kasalanan ay nabuo na ang konsepto ng kasamaan at kabutihan. Nakakubli sa kamalayan ng unang babae at lalaking nilikha hanggang sa ginawa nila ang orihinal na kasalanan na nagmulat sa kanilang mga mata para husgahan ang tama sa kamalian.
Pitong sangay ng kasalanan ang nabuhay mula sa paglabag sa utos ng Lumikha; Kapalaluan, Inggit, Katakawan, Poot, Pagkaganid, Katamaran, at Kahalayan. Laban dito ay nilikha ang pitong bertud na proteksyon sa temptasyon na dulot ng pitong nakamamatay na kasalanan. Pagpapakumbaba, kabaitan, pagtitimpi, pasensya, karidad, sigasig, at kalinisang-puri ang bigat na nakadantay sa kasalungat ng timbangan upang mapanatili ang pantay na daloy ng liwanag at dilim sa sansinukob.
Sa pagdami ng disipulo ng Lumikha upang ipalaganap ang kabutihan sa lugar na pinaninirahan ng buhay na mga nilalang ay ganoon din ang mga alagad na siyang nanalig sa pagkalat ng kasamaan. Isa sa unang nilikha na naging masugid na tagasunod na matatawag sa panig ng kasamaan ay ang Sukubo na sa pamamagitan sa pakikipagsiping sa mga lalaki ay dumadagdag ang lakas na nakakamkam at patuloy na nadadagdagan ang buhay. Lubos ang lakas ng unang Sukubo dahilan sa pagkakaroon niya ng kakayahan na padamihin ang kaniyang lahi. Siya ang lumikha ng unang Ingkubo, ang lalaking katumbas ng Sukubo, at sa tulong nito ay pinalaganap nila ang kanilang lakas.
Naging lubos ang pagdami, lubos na pagkaganid na lamangan ang disipulo ng kabutihan. Para mapanatili ang balanse tinanggalan ng nasa itaas ang lahat ng mga ito ng kakayahan na padamihin ang bilang ng sinasakupan sa pamamagitan ng pagbuo ng supling sa mga mortal. Ang tanging paraan na lang upang madagdagan sila ay ang ianib sa kanila ang mga kaluluwang ipinatapon sa apoy ng impyerno. Hindi kasing puro ng paglikha mula sa kanilang sariling kakayahan. Dahil dito ay tila tinanggalan ng kapangyarihan ang mga sukubo at ingkubo maliban sa unang nilikha na siyang ang orihinal na sukubo. Ito ang naging hudyat ng tahimik na kasunduan na mapanatili ang pantay na bigat sa magkabilang eskala. Kasama ng iba pang mga kasalanan ay patuloy nilang isinasagawa ang kanilang sari-sariling layunin; sa mga sukubo at ingkubo ito ay ang patuloy na pagbiktima sa mga mortal para makuha ang lakas ng mga ito."
Umihip ng malakas ang hangin dahilan para mapatigil sa pagkwento ang ama ng tatlong batang mga lalaki. Nakaupo sila sa damuhan habang natatabingan ng malagong dahon ng puno ang araw na nakatutok sa direksyon nila.
Matiyagang nakikinig ang sampung taong gulang na batang lalaki habang ang nakababatang kapatid ay nakapalumbaba na bahagya pang napapapikit ang mga mata, at ang bunso naman ay naaagaw na ng mga makukulay na insektong lumilipad ang atensyon.
"Bakit po ang unang Sukubo lang ang hindi natanggalan ng lubos na kapangyarihan?" tanong ng nakatatandang batang lalaki.
"Dahil orihinal siya na nilikha mula sa dungis ng pagkakasala. Hindi katulad ng mga sumunod pa na nanggaling pa rin sa mga mortal na naging biktima lang nila."
"Ibig sabihin po ba ay pwede maging normal na tao muli ang iba?"
Natigilan ang matandang lalaki sa tinuran ng anak. Tila kay layo ng nirating ng diwa niya na animo biglang lumipad palayo sa kasalukuyan. Kung hindi pa niya naramdaman ang pagkilos ng bunsong anak para habulin ang insekto na lumilipad ay hindi pa mapuputol ang tila malalim niyang iniisip.
"Ang kaakibat na pinamanang pagkakasala ng mga sukubo at ingkubo ay nakapaloob sa kanilang eksistensiya. Nabuhay sila sa layunin na gumawa ng kasalanan ng paulit-ulit. Nilikha sila para sa bagay na iyon. Walang sinuman ang nagnais na kumawala maliban sa isa. Ang unang Ingkubo."
Nanlaki ang mga mata ng batang lalaki, "Naging tao siya? Paano po?"
"Dahil nagmahal siya ng isang mortal na babae habang siya naman ay tinanggap nito at inalay ang pagmamahal na hindi niya kailanman naisip na maibibigay sa kaniya. Isang dalisay na pagmamahal."
"Ganoon lang pong kadali? Hinayaan siyang mawala ng unang Sukubo?"
Bumakas ang pait sa ngiti ng nakatatandang lalaki. Umiling siya at tinapik ng mahina sa balikat ang panganay na anak. "Sa tulong ng itaas ay nakuha niya ang kaniyang gusto pero hindi niya kayang takbuhan ang kaniyang pinanggalingan. Ang sumpa ng kaniyang eksistensiya na patuloy dadaloy sa lahing magmumula sa kaniya. Iyon ang ipinataw na kabayaran ng unang Sukubo sa Ingkubo na yumanig sa balanse na napagkasunduan."
"Namuhay ng mapayapa ang unang ingkubo kasama ang kaniyang pinakamamahal. Nagkaroon sila ng mga anak pero sa pagdating ng kanilang pangatlong supling, tatlo bilang sinumpang bilang, tatlo ang bilang na sumisimbolo sa kadiliman, ay ipinataw ng unang sukubo ang parusa niya na puno ng poot at pagkamuhi dahil sa pagtatraydor na ginawa ng noon ay kaniyang katuwang na ingkubo."
Masayang tawa ang pumainlang sa paligid kasabay ng mabilis na pagtakbo ng pinakabata sa tatlo palapit sa kanila. Marahang hinuli ng nakatatandang lalaki ang anak at ininupo sa tabi bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Gusto kong tandaan niyo na ang sagot, gaano man katagal, ay mahahanap pa rin. Dahil sa kabila ng eskalang tumitimbang sa lahat, sa kasamaan at kabutihan, sa tama at mali, ay sa gitna niyon ay may lugar para ang liwanag at dilim ay magtagpo."
Napadilat si Rovan nang makarinig ng mahinang pagkatok at napadiretso siya sa pagkakaupo. Hindi niya napansin na nakaidlip na pala siya dahil sa paghihintay sa una niyang kailangan harapin na tao ngayong araw na ito.
"Come in."
Pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng damit pang nars na may dala-dalang chart. Inabot nito iyon sa kaniya habang nakasunod dito ang isang babae na kiming ngumiti sa kaniya bago umupo sa bakanteng upuan na iminuwestra ng nurse rito.
Tumingin siya sa pintuan pero wala ng sumunod sa babae na pumasok. Nagbaba na lang siya ng tingin sa chart at binasa ang mga nakasulat doon. Hindi na rin naman bago sa kaniya ang mga pumupuntang babae na hindi kasama ang mga asawa ng mga ito o mga babaeng pumupunta na walang mga asawa.
He's been working for years in the field of obstetrics and he's also been recognized as a renowned neonatal surgeon. Iba't-iba na ang mga sitwasyon na nakakaharap niya sa araw-araw dahil sa mga pasyente niya. Him being in obstetrics is a unique situation in the first place.
Lumabas na ang nurse at naiwan sila ng pasyente. Pinaskil niya ang pormal na ngiti sa labi bago binalingan ang babae, "Good morning, I'm Doctor Veserra. I will be examining you today. I gather you're here for your first check-up?"
Natigilan ang babae habang may kung anong tila nabago rito nang magtama ang mga mata nila. Animo bumibigat ang talukap nito habang ang katawan ay kusang kumikilos palapit sa kaniya. He inhaled a deep breath as a familiar fragrance diffused around them.
Mahigpit na ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay bago siya tumikhim at tumayo dahilan para tila ginising mula sa panaginip ang babae na napaigtad ito. Tumalikod siya rito at nagpanggap na inaabala ang sarili sa mga kagamitan sa isang mahabang patungan doon.
Iba ang kailangan niya. Hindi ang babaeng ito. Hindi dito. He shouldn't have pushed himself too much. It's been too long since he had what he craves for.
MALAMIG na simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya nang marating niya ang roof top ng ospital. Libre ang oras niya kaya may pagkakataon siya para mapag-isa. It's not like they have the usual lunch hour in the hospital. They can't postpone someone's medical needs just because they need to take a break.
Nagkataon nga lang na wala siyang masyadong pasyente ngayon. Isang bagay na bihira lang mangyari dahil laging puno ang araw niya. Kapag ganitong mayroon siyang oras ay imbes na pumunta sa cafeteria ay dumideretso siya rito. Mas gusto niya ang nakakabinging katahimikan kesa ang marinig ang sentimyento ng mga tao sa paligid niya.
He gazed at the view in front of him. Despite the usual crowded areas in the country, this place able to maintain to keep a landscape that won't appear congested. Marami na kasing nagbago sa loob ng maraming taon. Hindi na bago ang makita ang nagpapasikatan na mga lugar para matalo ang isa't-isa at masabing angat kesa sa iba. Hindi katulad noon na ang kagandahan ng mga lugar ay nakikita bilang kabuuan.
His thoughts went into an abrupt halt when he smelled the familiar scent of smoke. Hindi niya kailangan lingunin iyon para malaman kung sino iyon. This is not the first time and he's hell sure it won't be the last.
"What do you want?" he asked without taking his eyes off from the view in front of him.
Naramdaman niya ang pagkilos ng kung sinuman 'yon hanggang sa makalapit ito sa kaniya. Huminto ito sa mismong tabi niya kasunod nang pagtama sa kaniya ng kulapol ng usok na sadiyang ibinuga sa direksyon niya.
Magkasalubong ang mga kilay na nilingon niya ito. Nakangiti na babae na nakasuot ng pula ang bumungad sa kaniya. She's the typical dream of most human guys. Long jet black hair, glowing skin, luscious lips, and a body that is both soft, curvy and big in the most fantasized places. But all of that means nothing to him because he knew what it took to have all that.
"Muntikan ka na kanina." sabi nito.
"You're following me?"
Nagkibit-balikat ang babae, "I was bored at paborito kitang sundan. Nakakatuwa kasing panoorin kung paano ka magdusa na iwasan ang isang bagay na alam nating hindi mo kailanman matatakbuhan."
"Baka pinasusundan." pagtatama niya sa sinabi nito. "Tell her to stop. Wala kaming ginagawang masama. Hindi niya kami kailangan pabantayan."
"You're resisting."
"I'm living the way I want to."
Muling bumuga ng usok ang babae sa direksyon niya dahilan para matalim ang tingin ang sunod na ipinukol niya rito. He hate the smell of smoke. Masyadong pinapaalala niyon ang isang lugar na wala na siyang balak puntahan ulit. Isa pa doktor siya kahit pa sabihin na ang mga buntis at mga sanggol ang pasiyente niya. The number cause of neonatal problems is smoking.
"You're still looking for it." saad ng babae. Her red lips curved into sensuous smile as she raised her fingers just to trail it on his coat. She slowly ticked her fingers on him as if counting. "Don't forget those times you tried. Lucky number three right? Iiwan ka nila, ikaw mismo ang dahilan kung bakit sila mawawala, o tadhana ang mismong bubura sa kanila."
A low growl escaped his lips as the memories flooded his brain. Marahas na sinaklit niya ang kamay ng babae na pinaglalandas pa rin iyon sa kaniya. Hindi man lang kababakasan ng takot ito o sakit dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak dito.
"You can't escape the truth, Rovan."
"Binigyan niya kami ng kundisyon at wala kaming balak magpatalo roon."
She pursed her lips and carefully took her hand back. Humakbang ito palapit sa kaniya at pagkatapos ay inabala ang sarili sa pag-aayos sa lapel ng coat niya. "When will you ever learn that she will never make a decision where she will end up losing?"
Pagkasabi niyon ay lumayo bahagyang umatras ito at basta na lang itinapon ang sigarilyo sa sahig bago inapakan iyon. "Use the website, Rovan. I hate to see you waste away. Kaya nga ginawa niyo iyon ay para mawala ang guilt niyo di ba? Dahil may naibibigay kayo pabalik. 'Wag kang mag-alala, if you don't want to look then I'll send someone for you soon."
Sinundan niya ito ng tingin nang magsimula itong maglakad paalis. Bawat hakbang ng babae ay umiimbay ang balakang nito na para bang nanghahalina. If she's heading towards the door that will lead her inside then she's not exactly leaving.
"Stop following me." he called out to her.
Lumingon ang babae sa kaniya at pagkatapos ay umangat ang sulok ng labi nito habang ang mga mata ay kumikislap. Mapang-asar na pinaglandas nito ang sariling dila sa ibabang labi nito bago kumindat sa kaniya. "I will. For now, I need to eat."
RAMDAM niya ang tingin na ipinupukol sa kaniya ng mga taong nadaraanan niya sa mahabang pasilyo ng ospital. Nanatiling diretso ang tingin niya at hindi niya nilingon ang mga ito. The day is almost over. Kaunti na lang ay makakauwi na siya.
He need to go home and take care of his problem. Hindi na madali sa kaniya ang araw-araw sa klase ng trabaho na meron siya pero mas pinahihirap pa iyon dahil sa pinagdadaanan niya.
"Ang gwapo talaga ni Doctor Veserra no? Magtatatlong taon na ako rito pero parang hindi man lang siya ata tinatamaan ng panahon. Mukhang bata pa rin."
"Wala sigurong pinoproblema. Bukod sa mayaman malay mo happily married na."
"Wala pang asawa 'yan pero bihira rin makitaan na may kasamang date. Usually kapag may events lang pero pagkatapos no'n wala na ulit."
"Hindi kaya...you know? Iba ang preference ni Doc Pogi?"
"Hindi malayo. Bihira rin naman kasi ang ob-gyn na straight di ba?"
Nauulinigan niya ang mga bulungan na mahina man ay hindi nakalagpas sa malakas niyang pandinig. Napapakunot-noong dumiretso lang siya at pinigilan ang sarili na lingunin ang pinanggagalingan ng mga bulungan.
Hindi naman ito ang unang beses niyang narinig iyon. He's sexual preference has been frequently judged because of his job. If only they knew.
Obstetrics is just a way for him to train himself. No one would understand that because he won't be able to explain it anyway. Hindi na katulad noon ang panahon ngayon. People are more inclined to what they can proved to be true through what they call reliable sources. It dimmed whatever intuitive affinity they inherited from their ancestors. Mapagkakamalan pa siyang baliw kung magpapaliwanag siya.
Not that he wants to explain it to anyone anyway. He's no even allowed to do so. Kaya kahit ano pang isipin ng mga ito sa kaniya ay wala na rin siyang pakielam. No matter how absurd the stories they keep on weaving about him.
Lumapit siya sa vendo machine na nasa isang bahagi ng pasilyo at naglagay ng barya ro'n para kumuha ng kape. Nakagawian niya ng gawin iyon araw-araw kahit hindi naman talaga kailangan. Gaanon siya nabuhay kahit noon pa man. Kailangan niya ng routine na susundin sa araw-araw para hindi siya magmukhang kakaiba mula sa karamihan.
Kailangan niya rin naman ang mga bagay na kailangan ng lahat. Hindi lang kasing dalas ng mga ito at hindi rin kasing importante ang mga iyon para sa kaniya. Ibang bagay ang kailangan niya. Iba ang bagay na hinahanap ng buong systema niya. Pero hanggang kaya niya ay iniiwasan niya iyon. Hanggang kaya niyang pigilan. Dahil hindi tama.
Magiging madali siguro kung wala siyang pakielam. Kung hayaan niya na lang kung saan siya tatangayin ng realidad niya. That would be easier. Pero nangako siya. Nangako siya na gagawa siya ng paraan. Kahit gaano katagal pa bago niya mahanap iyon. Kahit parang imposible. He saw it happened once. He almost had it a couple of times. It will come again and he will wait for it no matter how the world continue to change.
"Sa tingin mo papansin kaya niya ako kapag nilapitan ko siya?"
"Nako girl, hindi gusto ni Doctor Veserra yung masyadong forward. Kada nakikita ko iyong ibang mga doctor, nurse, o kahit pasyente na sumubok talagang hindi niya pinapansin."
"Ano bang tipo niya? Iyong hindi makabasag pinggan?"
"Malamang."
"O baka nga iba ang type."
"Sayang naman. Ang gwapo pa naman."
"Para namang may chance ka kung sakali."
Narinig niya ang paghahagikhikan ng mga ito pero tahimik na naglakad lang siya palayo habang binubuksan ang lata ng kape na hawak niya. Wala siyang balak itama ang mga ito. Malaya ang mga ito na isipin kung ano ang gustong isipin tungkol sa kaniya.
Maybe he should just bring a man into the hospital's next gathering. Para matigil na rin ang mga babaeng nagtatangka na lumalapit sa kaniya para sa isang bagay. Lalo na iyong mga katrabaho niya. It's a huge hassle for him. Hindi niya gusto ang mga ganoong tagpo sa pinagtatrabahuhan niya. It will just cause drama.
Ilan bang beses na nagkaroon ng makatawag pansin na sitwasyon sa ospital dahil hindi magawang itago ng mga staff ang mga personal na problema ng mga ito sa isa't-isa? That's the result of making a mess in your own workplace. Specially if it's caused by a failed romantic relationship.
Napatigil siya sa iniisip nang marinig niya ang malakas na sigaw. Those don't usually bother him. Nasa ospital siya at napakaraming pangyayari ang nagaganap sa araw-araw. Hindi niya nga lang maintindihan kung bakit parang hinihila siya sa pinangagalingan ng boses na tila umaalingawngaw sa tapat ng tenga niya. Para bang kahit ang layo ng pinagmumulan ng boses na iyon ay may kung anong kumukonekta ro'n direkta sa kaniya.
"Nay! Please tulungan niyo po kami! Ano pong nangyayari?!"
He stopped in front of an open door. Nagpapasukan doon ang mga doktor at nurse na may pagmamadali sa mga kilos. A code blue. There's an air of urgency as the medical staff tried to revive a patient. Pero imbis na sa sitwasyon mapakako ang atensyon niya ay babaeng luhaan na nasa gilid ng maliit na kwarto ang tumawag sa atensyon niya.
Sa kabila ng luhang tuloy-tuloy na bumabalong mula sa mata nito at ang pagod na nakabakas din doon ay tila may kung anong liwanag na bumabalot sa babae. A familiar light. A familiar aura.
But stronger.
There's something about her that's compelling him to take action. To do something. Pakiramdam niya ay kailangan niyang ikulong sa kaniya ang babae para protektahan ito sa kung ano mang sakit na inihahanda para rito ng mundo.
He met people with a different light. Vital than most. Pero iba ang sa babaeng ngayon ay nasa harapan niya. It's something that he had never seen before.
Mistulang tinulos siya sa kinaroronan nang mapadako ang tingin ng babae sa direksyon niya. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata pero sapat lang para tila mayanig ang kinatatayuan niya. For that brief moment it was like everything about him was bared to the world. A vulnerability he's not used to feel.
Hindi siya ganito. He must be really out of it. Kailangan niya na. Kahit anong gawi niyang pigil sa sarili mukhang oras na para sa bagay na iyon. He needs something more substantial.
He need it fast.
_________End of Chapter 1.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top