Chapter 36




Chapter 36: Determined


"Ako lang ba o parang nagkakagulo sa labas?"

Napatingin naman agad si Taehyung kay Hoseok, saglit niyang iniwanan si Seokjin na wala pa rin malay hanggang ngayon, sinilip ni Taehyung ang sinasabi ni Hoseok hanggang sa nakita niyang tama nga ito, nagkakagulo sa labas, maraming nang patay at nagkalat ang mga dugo.

"T-Teka! Si Namjoon ba 'yun?!" Halos pasigaw na tanong ni Hoseok.

Nanliit ang mata ni Taehyung para aninawin ng pilit ang taong tinuturo ni Hoseok.

"Si D-Detective Kim nga!" Sigaw ni Taehyung.

"Wait! H-Hindi ba iyon yung babaeng nakita nating..."

Nagkatinginan si Taehyung at Officer Jung, mukhang pareho sila nang naiisip, kaya naman halos sabay silang mapabalik ng tingin sa mga nagkakagulo, pinagmasdan nilang mabuti ang sitwasyon.

"Tinutulungan ba niya si Detective Kim?" Tanong ni Taehyung.

"Hindi ko alam, pero base sa nakikita natin ngayon mukhang ganun nga, hindi niya inaatake si Namjoon, sa halip ay pinuprotektahan pa yata niya."

Napahawak ng mahigpit si Taehyung sa bakal na nasa harapan niya.

"Tutulungan ko siya—"

"Hindi na!" Hinawakan ni Officer Jung ang braso ni Taehyung para pigilan ito sa pagsugod.

"Sa tingin ko hindi magugustuhan ni Detective Kim lalong lalo na ni Dr. Kim na ipahamak pa ang sarili mo, kaya na ni Detective yun, may kasama naman siya, tsaka mahirap na baka hindi ka makilala nung babae at isipin na kalaban ka rin, kaya huwag ka nang sumugod." Paliwanag nito.

Napatingin lang si Taehyung sa kamay ni Officer Jung na pumipigil sa kanya hanggang sa napabuntong hininga na lang siya.

"Bantayan na lang siguro natin muna si Dr. Kim, sa tingin ko iyon lang ang maitutulong pa natin sa mga oras na 'to." Dagdag pa ni Hoseok.

Wala nang nagawa si Taehyung kundi ang sumunod sa sinabi nito sa kanya.

Bumalik si Taehyung sa tabi ni Dr. Kim, sinubukan ni Officer Jung kanina na i-first aid si Dr. Kim, pero hindi pa rin sila sigurado kung ligtas pa rin ito. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig niyang paulit ulit siyang tinatawag ni Hoseok, kaya naman mabilis na nagtatakbo pabalik si Taehyung patungo kay Hoseok.

"N-Natalo na nila lahat, tatawagin ko lang si Detective Kim para malaman niyang nandito tayo." Ani Hoseok.

"Lalabas ka?" Nagtatakang tanong ni Taehyung.

"Syempre, papaano ko matatawag si Detective kung hindi ako lalabas."

"P-Pero sabi mo nga delikado sa labas!"

"Kaya kong sarili ko, m-may baril pa naman ako dito," anito.

"Mag-iingat ka Officer Jung," nag-aalalang sabi ni Taehyung.

"Huwag kang mag-alala, basta bantayan mo lang si Dr. Kim, dadalhin ko dito si Detective." Tumango na lang si Taehyung, mas pinili na lang niyang magtiwala kay Officer Jung, tinapik lang ni Hoseok ang kanyang braso at nagtatakbo na agad ito sa labas.

Napaupo na lang ulit si Taehyung sa tabi ni Dr. Kim, pinagmamasdan niya lang ang doctor na walang malay, hindi pa rin mawala ang takot sa kanya na baka mawala ito, pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya.

Bakit ba kasi nangyayari sa kanila 'to?

Ilang saglit lang ay narinig niyang bumukas ang pinto, mabilis siyang napatayo para hawakan ang bakal sa kanyang tabi, pero agad nanghina ang katawan niya nang makita niya si Detective Kim kasama si Officer Jung, hingal na hingal silang pareho.

Naging sobrang emosyonal yata si Taehyung kaya naman hindi niya naiwasang magtatakbo patungo kay Detective Kim para yakapin ito, halatang nagulat si Detective Kim sa ginawa ni Taehyung, pati si Hoseok ay hindi rin nakapag-react agad sa pagyakap ni Taehyung kay Detective Kim.

Hindi na tuloy napansin ni Taehyung na may kasama pa ang dalawa.

Napangiti si Detective Kim sa yakap ni Taehyung, tinapik niya ang likod nito para pakalmahin siya, at nang makakalma na ito ay humiwalay na ito sa yakap, tsaka pa lang niya napansin ang babae sa tabi ni Namjoon, naestatwa si Taehyung sa pwesto niya, puno ito ng dugo at gulo gulo ang buhok nito, pakiramdam niya ay nakakita siya nang multo, sisigaw na sana siya sa takot kung hindi lang siya binulungan ni Detective.

"Kakampi natin siya Taehyung."

Napalunok si Taehyung sa takot niya bago niya pilit na kinalma ang sarili niya.

"Kailangan ko ang tulong niyong dalawa—" napatingin si Detective Kim sa pagsasalita nang masagi sa paningin niya ang walang malay na si Seokjin, agad namang nagtatakbo ito patungo dito.

"D-Dr. Kim? Dr. Kim!" Hindi alam ni Namjoon ang gagawin niya, para bang binuhusan siya nang malamig na tubig nang makita niyang wala itong malay, "a-anong nangyari? N-Nakausap niyo ba siya? N-Natutulog lang ba siya?"

"H-Hindi pa siya gumigising simula nung matagpuan namin siya sa laboratory."

Napaupo siya sa sobrang panghihina niya, gusto niyang yakapin si Seokjin pero natatakot siya na baka mas lalo niya lang maapektuhan ang sakit na nararamdaman nito kapag ginalaw pa niya ito.

"S-Sabi niya hindi daw siya mamatay dito kapag..."

Napahinto sa pagsasalita si Namjoon bago siya napahampas sa mukha niya, pulis siya kaya alam niyang delikado yun pero nagtiwala pa rin siya kay Seokjin, ang hindi niya lang alam ay kayang magsinungaling ni Seokjin sa kanya dahil mas gugustuhin nitong makaligtas si Namjoon at makatulong sa iba.

Mukhang wala na sa sarili si Namjoon nang makita niya si Seokjin kaya alam na ni Hoseok na mahihirapan na sila lalo na at napupuno na ng pag-aalala ang utak ni Namjoon.

"Namjoon, anong plano mo?" Tanong ni Hoseok.

Nakahawak lang si Namjoon sa kamay ni Seokjin dahil iyon lang ang kaya niyang hawakan sa ngayon, nakayuko ito at nakadikit ang ulo niya sa kamay ni Seokjin, pero nang huminga siya ng malalim ay humarap na siya kay Hoseok pagkatapos.

"Kailangan ko ng tulong niyong dalawa, kailangan ko ng sasama sa akin na magdadala ng antidote, at kailangan ko ng isang sasama sa ina ni Park Jimin."

"P-Paano si D-Dr. Kim?" Naiiyak na tanong ni Taehyung.

Hinawakan ni Namjoon si Taehyung sa balikat para sana tapikin lang ito pero nang bigla itong napahagulgol ay tuluyan na siyang niayakap ni Namjoon.

"Isasama ko siya, ipapangako ko sa'yo na magiging okay rin siya," bulong ni Namjoon kay Taehyung na patuloy lang sa pag-iyak.

Nang medyo kumalma na si Taehyung at nang humiwalay ito ng yakap ay hindi na nagdalawang isip pa si Namjoon na magtanong dito.

"Kaya mo bang samahan si Birkin?"

Bakas ang gulat sa mata ni Taehyung, napatingin ito sa magulang ni Jimin at muling napabalik ng tingin kay Namjoon, nung una ay bakas ang takot sa mga mata ni Taehyung pero nang ngumiti sa kanya si Namjoon ay mabilis rin itong tumango.

"Kaya ko." Desididong sabi ni Taehyung.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top