Chapter 1 - Si TineJoy
Malakas na malakas ang volume ng music video sa kwarto ni TineJoy.
I'm too sexy for my love too sexy for my love
Love's going to leave me
Kasabay nito ay ang pag-indak ni TineJoy sa saliw ng tugtog. Sa suot niyang maong shorts mula sa pinutol niyang old maong pants ay litaw na litaw ang kanyang mga pata. Ang kanyang sleeveless shirt naman ay nagbigay-pugay sa kanyang mga brasong kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ay palo-palo.
I'm too sexy for my shirt too sexy for my shirt
So sexy it hurts
Yuko... yuko... kembot sa kanan.
And I'm too sexy for Milan too sexy for Milan
New York and Japan
Yuko, yuko, kembot sa kaliwa.
And I'm too sexy for your party
Too sexy for your party
No way I'm disco dancing
Pawisan na si TineJoy pero balewala sa kanya. Desidido siyang pumayat, magbawas ng timbang. Kung dati ay okay lang sa kanya ang kanyang voluptuous figure, hindi na ngayon. Mag-uumpisa na siyang magtrabaho kaya gusto na rin niyang maranasan ang maging sexy at makapagsuot ng mga usong damit na di niya magawa ngayon dahil wala siyang mahanap na magkakasya sa kanya.
I'm a model you know what I mean
And I do my little turn on the catwalk
Yeah on the catwalk on the catwalk yeah
I do my little turn on the catwalk
Pakendeng-kendeng na naglakad si TineJoy paikot sa kwarto. Di na niya alintana kung sumasabay ba sa tiyempo ng kanta ang indak at kilos niya, basta kailangan niyang magpapawis at magtunaw ng balde-baldeng taba!
Mangyari na ang mangyayari pero hindi siya susuko hanggang di siya nagiging sexy!
Si TineJoy o Kristine Joy Roxas ay tubong Calapan, Oriental Mindoro. Fresh grad siya ng kursong BS Accountancy sa edad na bente-uno. Pagkatapos ng graduation ay lumuwas siya ng Maynila upang dito humanap ng trabaho. At kanina nga, pagkatapos lang ng mahigit isang linggong paghahanap ay nakatanggap siya ng tawag para mag-umpisa na sa trabaho sa susunod na linggo.
Bata pa lang ay malusog na si TineJoy. Parang wala siyang maalalang panahon sa kanyang buhay kung saan payat siya o maliit ang bewang. Basta nagkaisip siyang walang ibang naririnig mula sa kanyang mga kaklase at kaibigan kundi, "Ang taba mo na, TineJoy!"
Bakit ba? Eh ang sarap kayang kumain. Pakialam ba nila kung mataba ako. Yun ang lagi niyang sinasabi sa sarili noon. Di pa kasi siya conscious sa figure niya. Pero nung nag-college na siya at lahat ng kaibigan niya ay biglang may boyfriend niya, parang nagtaka pa siya kung bakit kahit manliligaw ay wala siya.
Sabi ng isang kaibigan niya: "Magbawas ka kasi sa rice. Mamumulubi ang magiging bf mo sa dami ng oorderin mo pag nag-date kayo."
Hanggang magtapos siya sa kolehiyo ay di niya naranasang magkaboyfirend o maligawan. Eh ano ba? At least sumunod siya sa utos ng parents niya na unahin ang pag-aaral. Saka na ang pagkerengkeng.
Pero nagtataka talaga siya kung bakit walang nag-attempt man lang na manligaw sa kanya. Oo na, mataba siya. Pero hindi siya pangit! Lagi nga niyang panabla sa mga tumutukso sa kanya, "Ang tunay na maganda ay hindi takot tumaba!"
Sa totoo lang, maganda naman talaga si TineJoy. At hindi siya mataba, ha. Malaman siguro ang tamang description sa kanya. Oo na rin, 29 ang waistline niya nung first year college siya, at ngayon ay 32 inches na. Pero buo ang paniniwala niyang maganda pa rin siya. Sabi nga ng ilang kaibigan ng tatay niya, hawig siya kay Tetchie Agbayani. Sino yun? At nalaman niya na sikat na artista pala nung araw si Tetchie. Naging model pa ng Playboy magazine. Aba, para kunin kang model ng Playboy, maganda nga siguro. At sexy!
Last year lang talaga siya nag-umpisang maging conscious sa figure niya. Yun ay mula nang makita niya sa magazine ang mukha ni Ryan Ronquillo na tinawag bilang isa sa most eligible bachelors for the year 2014. Instant crush niya ang binatang parang hinulma ng sculptor ang katawan. Wag na nating sabihing maraming patataubing gwapong artista si Ryan. Kitang-kita naman sa mukha niya ang kagwapuhang kaiiinggitan ng marami. At sa edad na bente-sais, kilalang-kilala sa larangan ng fashion modelling ang binata. Hindi nga ba't sumali pa ito sa isang international modeling competition kung sana siya rin ang nagwagi? Binuhos na yata sa lalaking ito ang lahat ng swerte sa mundo!
Naging inspirasyon ni TineJoy si Ryan. Nabuo sa isipan niya na dadating ang panahong makikita niya nang personal si Ryan.
At makikilala?
Basta, desidido siyang makita si Ryan at yun ay mas may tsansang mangyari kung sa Maynila siya titira at magtatrabaho pagkatapos niya sa kolehiyo.
Eh ano naman kung wala akong boyfriend ngayon. Si Ryan ang magiging boyfriend ko!
LUNES nang umaga.
Excited si TineJoy. Ang aga niyang nagising. Ngayon yata ang unang araw niya sa trabaho.Naligo siya at nagbihis, nag-make up. Ito ang unang araw niya sa trabaho kaya dapat pustura siya. First impressions, you know. Kailangan makapagbigay siya ng magandang impression sa iba pang mga empleyado sa kompanyang papasukan niya.
Welcome to the corporate world! Pusturang-pustura si TineJoy sa suot niyang black slacks na ang malambot na tela ay sumusunod sa bawat paggalaw ng kanyang mga paa. Tinernuhan niya ito ng long-sleeved mint green blouse. Nagpasya siyang wag na munang isuot ang blazer.
Pinagmasdan ni TineJoy ang sariling repleskyon sa salamin. "Ang ganda mo talaga! Wala kang katulad." At paulit-ulit na nag-project sa harap ng salamin. Tila ba mas gaganda pa siya depende kung ilang ulit siyang kumiling sa kaliwa at umanggulo sa kanan. Tumayo si TineJoy, humakbang. Lumakad ng konti at umikot sa harapan ng salamin. Handa na siya sa unang araw niya sa trabaho.
HINDI inaasahan ni TineJoy ang biglang pagbuhos ng ulan. Nagpasalamat pa siya na nakasakay na siya ng taxi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung nagkataon, mababasa siya nang wala sa oras dahil di naman siya nagdala ng payong. Ang biglang pagbuhos ng ulan ay agad naging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko. Kakabit na yata ng mga pag-ulan sa Metro Manila ang trapik at mga taong nakakalat sa kalye at naghihintay ng masasakyan.
"Manong, baka po may alam kang daan na di tayo masyadong matatrapik, dun na lang po tayo dumaan. Baka ma-late ako sa trabaho," sabi ni TineJoy sa driver.
"Sige, kakaliwa ako pagdating dun sa kanto para makaiwas tayo sa trapik dito."
Eksaktong pagliko ng driver para kumaliwa nang masagi sila ng isang silver Toyota Fortuner. Mukhang nagmamadali ang driver nito at di nakita ang pagliko ng sinasakyang taxi ni TineJoy. Nagulat man, hindi na nakapagsalita si TineJoy sa labis na kaba.
Salubong ang kilay ng lalaking bumaba mula sa Fortuner. Di nito alintana ang malakas na ulan. Lumapit ito sa taxi sa gawi ng driver at kinatok ang bintana, tila pinabababa ang driver.
Lumabas ng taxi ang driver.Nakikita ni TineJoy na nag-uusap ang dalawang lalaki pero hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Gwapo ang lalaki, napansin ni TineJoy. Matangkad ito at maganda ang tindig. Parang modelo. At parang pamilyar sa kanya ang itsura nito.
Saglit na inisip ni TineJoy kung saan ba niya nakita ang lalaking ito. Pero di niya maalala. Sabagay, hindi rin naman niya kasi makita nang buo ang itsura ng lalaking ngayo'y kausap ng driver ng taxi.
Maya-maya pa'y nakita ni TineJoy na bumalik ang gwapong lalaki sa Fortuner at pinaharurot ito paalis sa lugar na iyon.
"Manong, alis na po tayo," sabi ni TineJoy sa driver nang makasakay na ito muli sa taxi.
Umandar ang taxi, pero makalipas lang ang ilang minuto ay bigla itong huminto.
"Ma'am, na-flat-an po tayo."
Shocked siTineJoy! Hindi naman siguro dahil sa bigat niya kaya na-flat ang gulong ng taxi.
"Eh paano po yan, manong? Ang hirap nang makasakay ngayon. Umuulan pa naman."
"Pasensya na po, ma'am. Ibababa na lang kita dun sa may shed para di ka mabasa ng ulan."
Wala nang nagawa si TineJoy kundi bumaba ng taxi. Good thing na may waiting shed sa binabaan niya. Kung nagkataon, di pa nag-uumpisa ang trabaho'y mukha nang basang sisiw ang itsura niya.
Sisiw? Sa laki niyang yan?
Baka baboy.
Basang baboy. Ang sagwa! Di bagay.
DALAWANG minuto bago mag-alas otso, nakarating sa opisina si TineJoy. Umaga pa lang, mukha na siyang harassed. At sino ba naman ang hindi maha-harrassed sa mga nangyari ngayong umaga? Pagkatapos masagi ng Fortuner ang taksing sinasakyan niya, ibinaba siya ng driver dahil na-flat ang gulong ng taxi. At panghuli, nakipag-unahan siya sa ibang pasahero para lang makasakay ulit ng taxi. Siyempre, no choice siya kundi umalis sa waiting shed para maunang makasakay. Kung tila prinsesa siyang maghihintay lang dun ng taksing hihinto sa harap niya, goodluck kung makakarating pa siya on time sa trabaho niya.
Sa reception ng opisina tumuloy si TineJoy.
"Good morning! I'm looking for Ms. Paula De Leon." Yun ang pangalan ng hahanapin daw sa first day of work niya, base sa instruction nung tumawag sa kanya last week. Yun siguro ang HR.
"Pasok lang po kayo sa loob, ma'am. Then, yung left room po."
"Can I go to the rest room first? I just need to fix myself."
Itinuro ng receptionist ang way to the rest room.
SINIGURO ni TineJoy na maayos na ulit ang kanyang itsura bago siya pumasok sa room ni Paula De Leon. Nalaman niya na ito ang HR & Operations Manager. Ito ang pormal na nagpakilala sa kanya sa ibang mga empleyado ng Curves & Edges Advertising and Promotions Inc. Maayos naman siyang tinanggap ng mga ito. Itinuro na rin sa kanya ang magiging table niya sa opisina at ang mga trabahong kailangan na niyang umpisahan dahil matagal ring natengga mula nang magresign ang empleyadong pinalitan niya.
Accounting Staff. Ito ang magiging trabaho niya sa kompanyang ito mula ngayon.
Likas na friendly si TineJoy at bago pa magtanghali ay "close" na siya kay Irish, isa sa mga empleyado doon. Magkatabi ang kanilang tables kaya natural na ito lang ang lagi niyang natatanungan at nakakausap. Di naman suplada si Irish. In fact, napaka- accommodating nito at willing magbigay ng oras sa bagong katrabaho. Masayahin si Irish at maraming kwento mostly about Korean telenovelas. Mahilig ito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa KPop Culture.
Petite young lady si Irish. Kung anong itinaba ni TineJoy ay siya namang slim nito. Totoo talaga ang sabi ng science teacher ko, opposite poles attract. Bagay silang magkasama. Perfect ten!
MABILIS na natapos ang isang araw. Parang di naman napagod si TineJoy sa trabaho. Ang totoo'y nag-enjoy siya dahil nagkaroon siya agad ng mga kaibigan sa opisina. Siyempre una na dun si Irish. Nakasundo rin niya agad si Eve, ang buntis na executive assistant sa kompanya. Naeexcite si TineJoy sa trabaho ni Eve. Madalas daw ay ito ang sumasama sa mga artists ng company pag may mga out of town or out of the country engagements ang mga talent ng Curves & Edges Advertising and Promotions, Inc. Aba, kung ganoon ang trabaho, parang ang sarap yata ng buhay. Isipin mo, binabayaran ka para bumiyahe at kasama mo pa ay maituturing na ring celebrity. Di ba at all expense paid ng company ang mga magagastos sa biyahe? May sweldo pa! Saan ka pa?
Gabi na rin makauwi si TineJoy. As usual, masikip ang daloy ng trapiko kaya kahit maagang umalis ng opisina, pahirapan pa rin makasakay at pabagalan ang usad ng mga sasakyan sa buong kamaynilaan. Ano pa bang bago? Lagi namang ganito sa mutya kong bayan ng Pilipinas. Hangga't ang mga politiko sa ating bansa ay puro pansariling kapakanan lang ang iniisip, walang pagbabagong mangyayari sa Pilipinas. Sabi nga dun sa kumalat na meme sa facebook, I'm proud to be a Filipino but I'm not proud of my government.
"O, andyan ka na pala," bati ng ate Ana niya. "Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?"
"Okay naman, 'te. Masaya. Kahit na inabot ako ng kamalasan kaninang umaga."
"Bakit, anong nangyari?"
At ikinuwento ni TineJoy ang mga eksena mula nang umulan at masagi ang sinasakyan niyang taxi ng Fortuner at ang pagka-flat ng gulong ng taxi at iba pang muntik nang sumira sa pinaghandaan niyang unang araw sa trabaho.
"Kaya sa susunod, magdala ka na lagi ng payong. Para hindi ka nauulanan. Aba, pag nagkasakit ka, baka kulang pa ang sweldo mo sa pampagamot."
Lumabi lang si TineJoy. "Di ko lang na-anticipate na uulan today. Excited kasi akong pumasok kaya di ko na naisip magdala ng payong. Pero meron naming akong payong diyan, ever ready."
"O, kumain ka na diyan. Papasok lang ako sa kwarto at manonood ng tv."
"Hindi na ako kakain, 'te. Diet ako!"
"Asus! Tingnan nga natin kung tatagal ka sa diet na 'yan. If I know, pag tulog na ako, pumupuslit ka sa kusina at nagkakalkal ng tutong."
"Tse! Hindi ah!" tanggi ni TineJoy. "Makikita mo, papayat din ako. At pag nangyari yun, who you ka sa akin."
"Pag nangyari yun! Pag nangyari. Ang tanong, mangyayari ba? At kung mangyari nga, kelan naman? Pag di na uso ang slim?" Natatawa ang ate niya habang sinasabi ito.
Ganun silang magkapatid. Mahilig mag-asaran. Pero biruan lang naman. Walang seryosohan. Ang totoo, sobrang close sila ng ate niya. Kahit madalas silang mag-asaran, alam niya pag may umapi sa kanya, ang ate niya ang unang-unang sasapok sa kaaway niya. Maraming beses na siyang ipinagtanggol ng ate niya. Mula nung bata pa sila hanggang ngayon, alam niyang ang ate niya ang isa sa pinakamatibay niyang kakampi sa mga hamon ng buhay.
MAY PINAGKAKAGULUHAN ang mga empleyado ng Curves & Edges Advertising and Promotions Inc. pagpasok ni TineJoy kinabukasan. Isa ang may hawak ng dyaryo at may kung ano silang tinitingnan sa unang pahina nito.
"Anong meron?" tanong ni TineJoy kay Irish. Bakas sa mukha ni TineJoy ang pagtataka.
"Si Ryan, nasa front page ng dyaryo. May nakabanggaang taxi driver kahapon."
"Ryan?"
"Ryan Ronquillo. Yung sikat na model. Di mo kilala?"
"Kilala ko siyempre. Sino bang hindi makakakilala dun."
"Talent yun dito sa Curves. Number one talent ng kompanya. Sigurado, issue na naman 'yan dito."
Nakiusyoso si TineJoy. "Patingin..."
Saglit na natigilan si TineJoy pagkakita sa larawan ng lalaking nasa dyaryo. Hindi siya maaring magkamali. Ang lalaking nasa larawan ay ang lalaking nakasagi sa taksing sinakyan niya kahapon.
Si Ryan Ronquillo pala ang lalaking yun! Kaya pala parang pamilyar sa kanya bagaman di niya matandaan kung saan niya ito nakita. Kaya pala ang guwapo-guwapo ng lalaking yun at napakaganda ng katawan. Si Ryan Ronquillo pala yun.
Syet! Bakit di ko siya namukhaan? E di sana ako na lang ang lumabas sa taxi at nakipag-usap sa kanya!
"Hoy! Ba't natigilan ka diyan?"
"Ha?"
"Para kang natuka ng ahas, loka."
"Ha, hindi. Para lang kasing nakita ko na siya ng personal." Ang gwapo niya talaga. Kahit nasa ulanan, mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko.
"So close kayo, ganun?"
Hindi na nakasagot si TineJoy dahil isang malakas na boses ang pumuno sa loob ng opisinang iyon.
"Good morning, guys! What's up?"
Lahat ay napatingin sa bagong dating. Kilalang-kilala nila ang tinig na yun.
"Dumating na siya..." Bulong ni Irish habang sinisiko sa braso si TineJoy.
Napako ang tingin ni TineJoy sa lalaking bagong dating. Di siya makapaniwalang nasa harap niya muli ang lalaking pinangako niya sa sariling magiging boyfriend niya.
Si Ryan Ronquillo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top