Chapter 4- West Wing
Lauren Rius (POV)
Nakatapat lang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mukha ko. Isa na ata sa ugali ko ang pagiging vain. Hindi naman sa mayabang ako pero tama naman na magkaroon ng confidence sa sarili 'di ba? Masama ba minsan na sabihin mo sa sarli mo na, 'Ang ganda ko', hindi naman 'di ba? Saka totoo naman eh bakit ide-deny ko pa? O 'di ba umiiral na naman pagiging vain ko.
Napa-iling na lang ako. Napalingon naman ako sa pinto nang may biglang kumatok. Agad akong lumapit at binuksan 'yung pinto. Akala ko si Yohan naman 'yung kumatok, hindi pala.
"Miss Lauren, magandang gabi po" magalang na pagbati sa akin ni Francis. Mabilis kong itinaas ang kamay ko sa tapat ng mukha niya.
"Ano pong problema Miss Lauren?" nagtataka niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya saka sumagot, hindi ako sanay sa magalang na tao. Na a-awkward ako.
"Drop the Miss and also the po, ang awkward kasi. Hindi ako sanay" sagot ko sa kanya kaya naman natawa siya.
"Haha ganun p—" napataas naman ang kilay ko nang mag p-po na naman siya.
"Okay got it, wala ng po at Lauren na lang itatawag ko sa 'yo" sagot niya kaya naman lumawak ngiti ko. Yan mas ayos!
"Yan mas masarap sa pandinig" sagot ko. Napatingin naman ako sa hawak-hawak niyang damit.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"School uniform" sagot niya kaya nagtaka ako. School uniform? Eh college na kami?
"Nag s-school uniform pa rin kayo? Sa East Wing naka civilian na lang pampasok" sagot ko. Pumasok naman siya sa kwarto ko saka inilapag 'yung uniform sa kama ko.
"Madaming pagkakaiba ang East wing at West wing, Lauren" ngiting sagot niya kaya naman napatango ako.
"Para saan naman 'yang uniform? Bakit kailangan pa niyan? Sa courses ba?" tanong ko pa.
Natawa siya uli kaya napakunotnoo na ako, "Mali pala sinabi ko" sagot niya.
"Ha?"
"Magkaiba pala talaga ang East sa West wing" dugtong pa niya. Ha? Paanong magkaiba?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"There's no courses sa West Wing" sagot niya kaya nambilog mata ko. A-anong walang courses? P-paano, ibig sabihin..
"Stop ako sa course ko?! Paano kinabukasan ko?!" nag pa-panic kong tanong kay Francis. Hindi pwede 'to! Hindi pwede! Anong gagawin ko?! Kung ganoon babalik na lang ako ng east wing pero—
Napapikit ako ng maalala ang punishment at ang mga sinabi sa akin ni Yohan.
"Once you get involved, wala ka ng takas pa dito" mahinahon na sagot sa akin ni Francis. Napadilat ako at tumingin sa kanya.
"Kaya pasan-pasan ko na 'to hanggang sa mamatay ako?" tanong ko sa kanya.
"Sabihin mo nga Francis, ano bang nagawa kong malaking kasalanan para mapunta dito? For pete's sake, sex addict lang naman mga kaibigan tapos ganitong parusa na agad 'yung-- Tss! nevermind" sagot ko.
Matamlay akong napaupo sa kama, kahit ano naman gawin kong pagmamakaawa at pagre-reklamo wala naman mangyayari. Napabuntong hininga na lang ako saka napatingin sa uniform. Feeling ko babalik na naman ako ng high school nito.
"Sige na mag bibihis na ako" wika ko sa kanya.
"Maghihintay ako sa labas" sagot niya kaya tumango ako. Papalabas na siya nang may maalala ako. Kaya naman tinawag ko siya uli dahil may itatanong pa ako.
"Francis!" tawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumingon sa akin.
"Nakita mo ba si Yohan?" tanong ko. Umiling siya saka sumagot sa akin.
"Parang daga yun. Magaling magtago" sagot niya. Tumango-tango na lang ako. Agad na lumabas ng kwarto si Francis samantalang ako napa-ismid na lang. Simula kagabi hindi pa bumabalik si Yohan. Bali isang araw nang hindi bumabalik 'yung lalaking 'yun. Ngayon pa hindi nagpapakita kung kailan papasok na ako! Asar naman!
Kila Mary at Bob, wala akong balita. Takot din naman kasi akong lumabas. Mamaya may makasalubong na lang akong bampira d'yan tapos kagatin pa ako ng wala sa oras. Aish!
Madali akong naghubad at nagbihis ng school uniform. Pagkatapos ko mag bihis napatingin ako uli sa salamin para tignan ang itsura ko. Sa tingin ko ang pilipinas na lang ang conservative pagdating sa uniform. Bakit ganito ang uniform dito? Ang ikli ng palda tapos grabe naman sa pangtaas, long sleeves pa.
Ikinabit ko na 'yung ribbon sa blouse ko at agad na isinuot ang formal coat. Napatingin ako uli sa salamin. Nagmatch yung kulay ng coat sa palda, red and black. Nice fashion, magaling din pala pumorma ang mga tao dito sa West Wing.
Kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakita ko naman si Francis na nakaupo sa sala kaya lumapit na ako agad sa kanya.
"Ayos lang ba?" tanong ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Agad siyang nagthumbs up sa akin saka ngumiti.
"Bagay na bagay sayo Lauren" sagot niya kaya napangiti naman ako. At least, bumagay.
"Salamat. Nga pala, nag start na ba kayo ng klase dito? Sa East wing kasi last week lang nag start 'yung first sem" tanong ko. Tumayo naman na si Francis saka kinuha ang bag na nasa lamesa.
"Sakto, kakaumpisa lang kahapon" sagot niya. Lumabas na kami ng unit namin saka sumakay ng elevator pababa.
"Kakaumpisa lang?" tanong ko. Tumango naman siya sa akin.
"Entrance ceremony lang kahapon kaya naman MIA na naman si Yohan" napa 'Ahh' na lang ako. Ang dami kong tanong. Gusto ko masagot lahat. Baka naman mabwisit sa akin si Francis. Aish.
"Magtanong ka lang Lauren, sasagutin ko lahat" wika niya kaya napatingin ako sa kanya. Oh! Talaga?! Ayos ayos! Sige.
"Para saan naman yung entrance ceremony? Kailangan pa ba yun?" tanong ko. Para saan pa 'yun 'di ba? I mean, hindi ko ine-expect na 'yung ginagawa ng mga tao ginagawa din pala nila dito.
"Hindi naman basta-basta ang entrance ceremony dito Lauren. Kaya ka hindi sinama ni Yohan dahil para sa amin lang yung ceremony na 'yun" sagot niya kaya mas lalo pa akong na curious.
"Anong ginagawa niyo sa ceremony?" tanong ko pa.
"Pinaghihiwalay ang races. After that—" napatingin sa akin si Francis at hindi na natuloy ang sasabihin niya. Instead ngumiti lang siya sa akin na para bang sinasabi na 'Hindi mo na pwede pang malaman ang kasunod'
"So paano ang kalakaran sa inyo? Masasama ba ako sa inyong mga bampira lang? O sama-sama ba kayo na iba't ibang nilalang sa isang classroom o—"
"Hmm, titignan pa natin Lauren. Vas ka na ni Yohan ngayon kaya nasa kanya ang desisyon" sagot ni Francis kaya napanguso na lang ako. Nasa kanya ang desisyon? Wait ang usapan dugo ko lang! Hindi pati rights ko mawawala na din. Napa-ismid na lang ako, ano pa bang silbi ng human rights ngayon kung nasa teritoryo ako ng mga halimaw?
"Tsaka naiba na din ang patakaran sa school kaya siguro madaming maninibago hindi lang ikaw Lauren" dugtong pa ni Francis kaya tumango na lang ako uli.
"Francis pwede ba ako magrequest?" tanong ko na saktong kababa lang namin ng ground floor.
"Ano 'yun?" napakagat ako sa labi.
"Pwede bang wag mo muna ako iwan? Alam mo na kasi, mahirap baka—" natawa sa akin si Francis saka tinap ang balikat ko.
"Wag kang paranoid Lauren, sige hindi kita iiwan" napangiti ako.
"Naks naman! Friends?!" tanong ko. Ngumiti sa akin pabalik si Francis saka sumagot, "Sure, friends"
Nang mapunta kami sa pinakalobby nakita ko si Mang Marcelito na gising na gising habang nag babantay sa counter. Madami ding mga katulong dito na nagtra-trabaho. Sa gabi nga lang talaga sila masipag at buhay na buhay.
Habang naglalakad palabas ng dorm nakita ko uli 'yung batang babaeng nakita ko kagabi. So, hindi pala siya multo? Mamaya ko siya dadaldalin! Lumabas kami ng dorm at napatanga na lang ako sa dami ng taong nasa labas.
Nakapaikot lang dito ang buildings ng mga dorm. Magkakatabi lang kaya itong pinakacentro na parang park ay ginawang tambayan ng iba. At sa dami nila parang mahihimatay ako. Knowing na hindi tao ang lahat ng 'to.
Naglakad ako kasabay si Francis, pero halos kainin na ako ng tingin ng ibang estudyante dito. Sa labas pa lang ng dorm 'yan! Paano pa kaya sa mismong school na? Patay na talaga ako? Ang iba parang kakainin na talaga ang tingin sa akin, ang iba naman walang paki at patuloy lang sa ginagawa nila.
"Maglakad ka lang ng normal Lauren, hindi naman lahat ng nandito halimaw" ani Francis. So may mga tao din? Ah! Naalala kong lahat pala ng napaparusahan sa East pinapadala dito sa West. So hindi nga lang talaga kami ang tao dito which is great dahil malaki pa din ang tyansa na mabuhay ako.
Habang naglalakad ako ay nag o-obserba lang ako sa mga estudyanteng nakakasabay namin maglakad, 'yung mga nakatambay sa gilid-gilid at ang mga kilos nila. Wala pa akong nakikitang freak dito sa totoo lang. I mean 'yung panget ang mukha at mukhang halimaw talaga. Lahat sila mga mukhang tao, pero gaya ng tao, hindi din lahat magaganda't gwapo.
Sa tingin ko ang pinakaperfect dito ay ang mga bampira. Katulad ni Yohan at Francis, u-ubod ng gwapo. Pero bukod sa kanila, hindi ko na mahulaan kung bampira ba 'yung iba o hindi.
Pumasok kami sa isang malaking gate. Napakagat na lang ako uli sa labi ko ng makitang mas madami pa pala ang mga estudyante dito. Ang ine-expect ko kakaunti lang sila. Pero nagkakamali ako, ang dami din nila. Sobrang dami nila.
"Anong masasabi mo Lauren?" tanong sa akin ni Francis. Napangiti ako, kahit papano feeling ko magiging komportable naman ako. Kung ganito lang naman ang mga itsura nila at hindi sila gagawa ng kahit anong nakakatakot. Paniguradong magiging okay lang ang lahat.
"Ayos, ang ganda dito sa inyo" sagot ko. Totoo, kumpara kasi sa Wast wing. Walang ka buhay-buhay, kanya-kanya ang mga mundo ng mga tao doon. Siguro kasi dahil na din sa mga karanasan nila. Dito sa West wing, kahit iba sila, buhay na buhay ang paaralan nila.
Ang daming ilaw, ang ganda sa mata. Matutuwa ka talaga.
"FRANCIS!!" napalingon naman ako sa lalaking tumawag kay Francis. Madali itong tumakbo papalapit saka akmang yayakap sa kanya nang biglang i-angat ni Francis ang kamay niya. Agad na napahinto yung lalaki at napapout na lang. Cute!
"Hug lang eh!" maktol nito. Napatingin naman siya sa akin saka ngumiti.
"Oh? May Vas ka na Francis? Ang ganda naman ng Vas mo!" sigaw nito kaya namilog mata ko. Nagulat naman ako nang bigla na lang may umakbay sa akin at mabilis na inamoy ang leeg ko.
"Vas ba kamo? Ikaw? Ni Francis?" kunotnoong tanong ng lalaking naka-akbay sa akin. Mabilis na tinanggal ni Francis ang kamay ng lalaki sa balikat ko.
"A-ah, h-hindi!" sagot ko sabay ngiti ng pilit.
"Edi wala ka pang Master!" sigaw nilang pareho kaya napatakbo ako sa likod ni Francis.
"Wag niyo nga takutin si Lauren" wika naman ni Francis sa dalawa.
"Lauren? Ang ganda naman ng pangalan mo. Ako nga pala si Don" pakilala ng lalaking unang dumating. Tumango-tango na lang ako.
"Ako naman si Gerik" pakilala ng lalaking umakbay sa akin.
"L-Lauren" pakilala ko naman.
"Nice to meet you Lauren!" sabay nilang sabi kaya naman natawa na ako. Kung ganito din ang mga tao dito mas lalo akong magiging komportable.
"Ah, kung hindi ka Vas ni Francis? Kaninong Vas ka?" tanong ni Gerik sa akin kaya napalunok ako.
"A-ahh..." bakit hindi ko masabi? Aish.
"Akin" napalingon kami sa nagsalita. Hindi na ako nagulat pa na si Yohan ;yung dumating. Eh sino ba master ko daw kuno? Sa kanya lang naman ako nakipagkontrata.
"Eh?! Di nga?!" hindi naman makapaniwalang react ni Don. Seryoso lang akong nakatingin kina Yohan at sa mga kasama pa niya. Naglakad sila papalapit sa amin, hindi naman ako makapagsalita. Wala din naman akong sasabihin. so bakit ako magsasalita? Ano ba Lauren? Tss.
"Vas ko si Lauren. Akin yan" wika pa niya. Hindi na ako nagreact dahil totoo naman. Napatingin sa akin si Don at Gerik.
"Aish, sayang.. Ang bango mo pa naman" bulong ni Gerik kaya naman namula ako. Naalala kong inamoy niya ako kanina. Walanjo!
"Isang galaw, patay ka sa'kin Ge" banta sa kanya ni Yohan.
"Ah nga pala, mga kaibigan ko" dugtong pa ni Yohan.
"Sina Luis, Vince, at Jed" pakilala naman ni Francis saka isa-isang tinuro yung tatlong kasama pa ni Yohan. Tumango na lang ako uli saka ngumiti sa kanila.
"Lauren" pakilala ko naman.
"Welcome" nagulat ako nang magsalita yung Luis kaya ngumiti na lang ako pabalik.
"Suit yourself" wika naman nung Vince saka naglakad na papasok. Ngumiti lang sa akin 'yung Jed saka sumunod na din kay Vince. Ganun na din ang ginawa nina Gerik, Don at Luis. Natira na lang kaming tatlo ni Francis dito.
"Oh pano, welcome sa West wing" nakangising wika sa akin ni Yohan saka sumunod na sa mga kaibigan niya. Napanguso na lang ako saka napataas ang kaliwang kilay. Napatingin ako sa buwan pababa sa mga gusaling nakikita ko.
Punong-puno ng buhay, napakaliwanag, madaming magagandang ilaw na talaga namang ang ganda sa paningin. Hindi ko akalain na ang ganda pala dito. Akala ko mapupunta ako sa isang hunted na lugar. Huminga ako uli para kahit papano mawala kaba ko.
So ito pala ang West wing, ang paaralan ng mga taong hindi ordinaryo. Dito na magsisimula ang panibago kong buhay, dito kasama ang mga bago kong nakilala, kasama sina Bob at Mary. Sana lang, maging okay lang ang lahat.
"Ready ka na Lauren?" tumango ako at nagthumbs up sa kanya.
"Tara na, nag hihintay na din sina Mary at Bob sa loob" tumango ako uli at nag simula nang mag lakad papasok sa bago kong paaralan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top