Chapter 2- Acerbus Domicile
Lauren Rius
Pumasok kami sa loob. Ang unang bumungad sa akin ay isang napakalaking looby sa ibaba. Walang ka ilaw-ilaw at tanging mga kandila lamang ang nagsisilbing liwanag kaya naman kinilabutan na ako. Lalo na nang bigla na lang sumura 'yung pinto. Nasa pamamahay ata kami ng mga kulto. Nakakatakot!
May tatlong hallway sa unang palapag, isa sa kanan, isa sa kaliwa at isa sa harap kung saan ako nakatingin ngayon. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang daming paintings, ang iba ay scenery pero mas madami ang paintings ng mga sinaunang tao. Weird sobra.
"Dito ba talaga dorm natin, Ren?" bulong sa akin ni Mary. Tumango ako saka tiningnan uli 'yung papel na ibinigay sa akin ni Ma'am. Tama naman, Acerbus. Dito talaga.
"Oo dito talaga," sagot ko.
"Sigurado ka? Nakakatakot dito e," bulong naman sa akin ni Bob. Totoo naman sinabi niya. E, ano pa nga ba aasahan namin sa dormitory ng West Wing?
"Guys, nasa west wing tayo utang na loob," sagot ko sa dalawa.
"Sorry naman! Hindi ako sanay dito e," angal ni Mary.
Nilibot ko uli ang paningin ko para hanapin 'yung lalaking nag-welcome sa amin. Bigla na lang kasi siyang nawala kaya agad kong hinanap.
"Nasaan na 'yung lalaki?" tanong ni Bob na tinulungan na rin ako sa paghahanap. Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam.
Binuksan ko ang cellphone ko at ginawang flashlight ang ilaw nito. Napakadilim kasi. Sobra. Inilawan ko 'yung mga paintings para mas makita ko. Mga mukha talaga ng mga sinaunang tao. Pero natutok ang mata ko sa isang painting, pinakamalaki siya sa lahat.
Lumapit ako doon para mas makita pa ang itsura ng babae sa painting. Ang haba ng buhok niya, sobrang itim, at ang ganda ng mga mata niya. Lalo na 'yung pagngiti niya sa litrato. Ang ganda ng babaeng nasa painting na 'to. Feeling ko late 90's or 80's lang ito e. Ang suot-suot niya kasing damit medyo may pagka-modern pa.
"Ang ganda niya 'no?" Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. Napatingin ako agad sa lalaking sumalubong sa amin. May hawak-hawak siya ngayong kandila at itinapat sa painting para mas makita ko pa. At nang makita ko ng buo, ang ganda nga talaga ng babae.
Tumango ako sa sinabi ng lalaki habang nakatingin pa rin sa larawan ng babae.
"Ano'ng pangalan niya?" tanong ko.
"Samara," sagot naman niya. Tumango na lamang ako uli.
"Ang ganda nga niya," komento ko pa.
"Ako nga pala si Francis. Ako ang magsisilbing guide niyo rito sa Acerbus. Delikado na kapag hindi ko naipaliwanag ang pasikot-sikot dito," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ganito ba talaga kadilim dito?" tanong ko.
"Sa umaga oo, pero sa gabi maliwanag na dito," sagot niya kaya napakunot noo ako.
"Bakit parang baliktad?"
"Malalaman mo maya maya rin. Sa ngayon lumibot muna tayo, tara?" aya niya kaya tinawag ko na 'yung dalawa. Lumapit agad sa amin si Bob at Mary at sumunod sa amin.
"Ito ang pinaka lobby ng Acerbus. In charge dito si Mang Marcelito, kung may gusto kayong ipadala sa kwarto niyo o kaya naman ay kailangan niyo ng tulong tawagin niyo lang siya. Kasalukuyan pang natutulog si Mang Marcelito, night shift kasi halos lahat ng tao rito," paliwanag sa amin ni Francis.
"Saan naman namin siya makikita?" tanong ko. Itinuro ni Francis 'yung side kung saan may counter. Napataas ang kilay ko, parang hotel. Sosyal.
"Tara dito muna tayo mag-umpisa, iwan niyo na lamang ang mga gamit niyo d'yan. Si Mang Marcelito na ang bahala maglagay niyan sa kwarto niyo," wika pa niya na agad din naming sinunod. Iniwan na muna namin 'yung bagahe sa gilid ng counter.
Una kaming pumasok sa kabilang hallway which is sa kanan. Habang naglalakad kami sa hallway mayroong tatlong pinto dito. At meron na naman akong nakitang hallway sa kaliwa. Huminto kami sa unang pinto.
"Ito ang security room ng dorm. Ang in charge naman dito ay si Mr. Barcelito," wika ni Francis kaya napakunotnoo na ako sa mga pangalan. Una Marcelito, ngayon naman Barcelito?
Naglakad kami uli at huminto sa pangalawang pinto. "Dito nakalagay ang mga gamit panglinis sa buong bahay. Pero hindi niyo na kailangan maglinis pa dahil may taga-linis naman dito. Si Mang Joselito ang janitor natin sa dorm," paliwanag pa niya.
"At 'yung pinaka dulong pinto ay para sa maids na. Ganoon na rin ang mga kuwarto sa hallway d'yan. Mga kuwarto na ng mga tauhan sa Acerbus," paliwanag pa uli ni Francis.
"At paki-usap, 'wag na 'wag kayong pupunta sa hallway na 'yan ng walang kasamang tauhan ng pamamahay na 'to," dugtong pa niya kaya mas lalo na akong kinilabutan. Anong meron doon?
"Sa kabila naman tayo," aya niya kaya sumunod na lang kami. Pero bago pa ako tuluyung sumunod sa kanila. Napatingin ako uli sa daanan doon. Halos manuyo ang laway ko sa bibig at namutla sa nakitang nakasilip sa amin. Isang batang babae na napakahaba ng buhok. Sa takot ko ay mabilis akong sumunod sa tatlo.
"Oh anong problema, Ren? Bakit namumutla ka dyan?" sita pa sa akin ni Mary. Umiling lang ako at hindi na naglakas loob pang lumingon.
Ipinaliwanag sa amin ni Francis na 'yung hallway sa kaliwang bahagi ay dining area at kusina na. Nang pumasok kami sa loob ay sobrang laki ng dining hall. Lalo na sa kusina nila, kompleto sa gamit at napakalaki rin. Sinabi rin niya na madami talagang tauhan dito sa Acerbus. Over all, ang unang palapag ay dining hall at para sa mga tauhan na nakatira rin dito.
And finally doon na kami sa hallway sa harap. Naglakad kami papasok doon, tanging napakahabang hallway lamang ang madadaanan mo. Walang pinto o bintana. Sa dulo no'n ay may elevator, sa mag kabilang gilid naman ay hagdan.
"Tara sasamahan ko na kayo sa mga kuwarto niyo," wika ni Francis kaya sumakay na rin kami ng elevator kasama siya. Pinundot niya ang buton paakyat sa third floor ng gusaling 'to. Wala pang minuto ng makarating kami sa itaas. Katulad sa baba ay ang laki rin dito. Pero parang maze sa sobrang dami ng hallway at pinto.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang mga ilaw sa paligid namin habang naglalakad kami. Kung kanina ay sorbrang dilim, ngayon sobrang liwanag na dahil sa mga ilaw.
"Gabi na," wika ni Francis.
"Bilisan na natin dahil maya maya ay mag-uumpisa na ang klase," dugtong pa niya. Nahinto sa tapat ng isang pinto si Francis.
"Dito ang kuwarto ni Mary at Bob," sabi naman niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Wait pagsasamahin mo 'yang dalawang 'yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Tumango lang siya saka binuksan ang kuwarto. Agad namang pumasok ang dalawa kaya nanlumo ako.
"Eight pm bumaba kayo sa lobby para maihatid ko kayo sa klase niyo," sabi pa ni Francis sa dalawa. Ngumiti ang dalawa at tumango kay Francis. Napa-irap na lang ako sa mag-irog na 'to.
"Tara," aya ni Francis. Sinundan ko lang siya papunta sa kuwarto ko. Laking gulat ko nang aakyat na naman kami. Huminto kami sa fourth floor ng gusali.
Sinundan ko lang siya uli hanggang sa mahinto kami sa isang pinto na napakalaki. Dalawang pinto pa siya to be exact.
"Pasok ka na. Dito ang kuwarto mo." Binuksan ko ang pinto saka pumasok sa loob. Nakasunod lang sa akin si Francis. Nagtaka naman ako sa kuwarto ko.
"Bakit parang mas malaki dito kaysa sa ibaba?" tanong ko kay Francis.
"Mas malaki nga talaga dito. Ito ang pinaka-espesyal at mamahalin na kuwarto sa Acerbus," sagot niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Saglit! Wala akong pambayad dito! Sa baba na lang ako!" angal ko agad kay Francis. Paano naman ako napunta dito? Una sa lahat wala akong pera, pangalawa tao ako at pangatlo, wala nga akong pera edi ibig sabihin hindi ako mayaman!
"Okay na lahat Ms. Rius, wala ka ng dapat problemahin pa. Kung meron man, 'yun na ang makakasama mo sa kuwartong to," sagot niya kaya napakunotnoo ako.
"What do you mean?"
"Roommate," sagot niya. Tumango na lang ako. Ayos lang. Siguro babae naman ata ka-roommate ko. Magulat ka kapag lalaki.
"Unfortunately, nababasa ko kung ano ang iniisip mo base sa ekspresyon ng mukha mo. Hindi babae ang ka-roommate mo," sagot niya kaya gulat na gulat akong napatingin sa kanya.
"Isa pang what do you mean?"
"Kung hindi babae, ano pa inaasahan mo? Aso?" pagbibiro pa sa akin ni Francis.
"Lilipat na lang talaga ako ng room. Kahit maliit, mas pabor sa akin promise," sagot ko.
"Pasensya na Ms. Rius pero ikaw na ang napili ng lalaking nakatira dito."
"Teka wait? Pinili? Ng wala man lang pahintulot ko? Bakit si Mary at si Bob?"
"Because you're different, you're special Lauren," sagot niya kaya napahinto ako bigla.
"Sa bawat ginhawa na natatamo ay may nakaabang na kapalit at ang kapalit na nakaabang sa 'yo ay ang magsisilbing parusa mo. Tandaan mo yan Ms. Rius. Enjoy your stay," wika pa niya saka tuluyan na ngang umalis. Mas lalo na akong kinilabutan sa sinabi niya.
Ginhawang natamo? Kailan ba sa buhay ko na nagkaroon ng ginhawa? Simula nang ipanganak ako, wala nang nangyaring maganda sa akin. Kung meron man, 'yon ang nakapiling ulit ang totoong pamilya ko.
Kapalit? Parusa? Ano naman ang parusang matatanggap ko? At deserve ko ba 'to? Wala naman akong ginagawang masama.
Tumingin na lang ako sa kuwarto ko. Napakalaki talaga niya at talagang pang mayaman. Kumbaga pang VIP ang kuwartong ito. Naglakad ako at pumasok pa sa loob. May sala, may kusina sa dulo at may bar section pa katabi ng veranda. Nakakakita ako ng dalawang kuwarto kaya inisa-isa ko 'yun.
Pumasok ako sa unang pinto pero wala akong makita sa sobrang dilim. Nandito kaya 'yung ka-roommate ko? Binuksan ko 'yung switch ng ilaw na saktong nasa gilid lang ng pinto. Ayun lumiwanag naman, muli akong tumingin sa harap nang magulat ako nang may nakatayo ng lalaki sa harap ko.
"What are you doing here?" tanong niya. Hindi naman siya galit, malumanay lang ang pagkakasabi niya.
"Chine-check ko lang kung may tao ang dilim kasi," sagot ko.
Napakunotnoo siya. "A-ah ako 'yung bago mong ka-roommate, Lauren nga pala," pakilala ko pa.
Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa kaya na conscious ako, ayos lang naman damit ko? Ata? Okay lang din naman siguro mukha ko? Anong problema?
"Lauren Rius?" tanong niya kaya tumango naman ako.
"Anong blood type mo?" tanong niya saka mabilis na hinaplos ang buhok ko kaya napalunok ako.
"Bakit mo naman natanong?" kinakabahan kong tanong.
"Para kung sakaling hindi ko magustuhan, puwede kitang idispatya agad," sagot niya kaya nanlaki mata ko.
Lalo na nang mas lumapit pa siya at pinalupot ang kamay niya sa baywang ko. Naglakad siya patungo sa pinto kaya naman nagpapanic akong umatras. Mabilis niyang sinarado ang pinto at ini-lock ito saka sinandal ako dito.
"Kung ayaw mong sabihin ako na lang bahalang titikim," bulong pa niya.
Mas kinabahan ako nang makitang papalapit pa siya ng palapit. Dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko sa likod at dahil sa mabigat niyang katawan hindi ako makapalag. Napapikit na lang ako sa takot sa kung ano man ang gagawin niya.
Bigla siyang huminto sa leeg ko, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Bumulong siya sa akin kaya naman ay napadilat ako.
"Nanginginig ka. Natatakot ka ba sa gagawin ko?" tanong pa niya.
"A-ano bang g-gawin mo?" tanong ko. Itinipat niya ang mukha niya sa mukha ko at kunotnoong tumingin sa akin.
"Hindi mo alam kung bakit nandito ka?" tanong niya. Napailing ako agad kaya napangisi siya.
"Nandito ka para maging hapunan ko," sagot pa niya.
Mabilis akong pumalag sa kanya pero sobrang lakas niya talaga. Sabi na nga ba't mali 'tong desisyon namin, dapat bumalik na lang kami sa Pinas. Tigwak pa ako dito ngayon. Ang aga ko namang mamamatay!
"Bata pa ako. Maganda. Ang vain na sige na. May pangarap pa ako sa buhay. Gusto ko pang ma-inlove at makita ang true love ko. Kaya please! 'Wag mo muna ako patayin! Saka na pag nagawa ko na lahat ng gusto ko sa mundo!" nakapikit kong sigaw sa kanya.
"Let's make a deal," wika niya kaya napadilat ako at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Hindi kita papatayin pero sa 'yo ako kukuha ng dugo."
"P-pero—"
"No buts, at puwede bang umpisahan na natin ngayon? Nagugutom na ako."
Wala pa sa segundo nang manlaki ang mata ko at nabato sa kinatatayuan ko nang makaramdam ako ng matulis na bagay na dumiin sa leeg ko. Mas lalo pa akong nanghina na para bang may kung anong puwersa ang kumukha ng dugo ko.
Pero 'di ko na mapigilan. At putsa ang sakit!
At tang*na talaga. Bakit sa kuwarto ng isang bampira ako napunta!
***
L / imakemyowndestiny
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top