Chapter 3


"Errr. What kind of house is this? Creepyyyyyyy." Sabi ko pagkababa ng sasakyan. Medyo sira sira ang bubong at basag ang bintana. May mga halamang gumapang na sa pader. Itsurang isinumpa ang bahay na ito, ang dilim at ang bigat ng pakiramdam ko.

"Konting ayos lang 'yan Emerina. Ito na kasi ang pinakamurang bahay dito." Di ko nalang pinansin ang tatay ko at pumasok na ako.

Paghawak ko pa lamang sa doorknob ay para na akong kinuryente nito, tila ba ako ang susi na matagal nang hinihintay ng bahay na ito.

Pagbukas ko ng pinto ay nakakapangilabot na ang tunog nitong dahan-dahan. Napakatahimik kaya't namayani ang tunog sa buong bahay. Sinalubong ako ng napakalakas na hangin.

Para bang matagal nang hinihintay ng bahay na ito ang magbubukas dito. Parang may nabuksan akong hindi dapat.

Napakabigat ng aking pakiramdam. Halos hirap ako humakbang.

Sinimulan ko nang maglibot ng mata sa loob ng bahay.

Puro agiw. Sira-sirang mga gamit. Mga nakakalat na bubog. Kisameng butas. Napakadilim. Tanging sikat lamang ng araw ang nagsisilbing ilaw dito.

Pakiramdam ko may tao sa may hagdan at nakamasid sa bawat kilos namin. May mga matang nakatitig at hinihintay ang aming sunod na gagawin.

Napakabigat ng aking pakiramdam, alam kong may kakaiba sa bahay na ito.

Napatingin ako sa salamin, pakiramdam ko may nakita akong babaeng nakaupo sa rocking chair na nakatali ang mga kamay at paa. Duguan ang mukha niya, nakatulala sa kawalan, lumuluha at sirang-sira ang damit. Agad akong lumingon nang may nanlalaking mata. Wala namang nakaupo roon pero kinilabutan ako.

Naglakad lakad ako at parang isang lalaki naman na sumisirit ang dugo sa leeg ang nakita ko. Duguan din ang mukha nito at bali ang kamay na tila ba pinilit makawala nito.

Biglang may nag-flash sa memory ko na nakikipag-agawan ito ng kutsilyo sa isang lalaki.

Napapikit at napailing ako. Iwinaglit ko iyon sa aking isipan. Nag-iimagine lang siguro ako ng mga bagay-bagay.

"Bunso! Huwag ka munang tumakbo." Sigaw ni Regina kay Raina.

Ngunit kung imahinasyon ko lamang iyon, bakit may isang babae nanaman akong nakita sa isip ko? May kayakap itong bata at bunso ang tawag niya rito.

Nagtataka na ako sa mga pumapasok sa isip ko. Alaala ko ba iyon o imahinasyon lamang?

Bakit nakakaramdam din ako ng matinding takot? Gayong hindi ako matatakutin.

Ano ito? Bakit pakiramdam ko nanggaling na ako sa bahay na ito?!

-----°°°°°-----


Ilang araw na mula nung dumating kami rito, maayos at mukhang bago na muli ang bahay ngunit ang pakiramdam ko ay napakabigat pa din, hindi nagbago.

Nababagabag ako sa mga nangyayari sa akin, tatlong gabi na akong may naririnig na iyak ng bata tuwing alas-tres ng madaling araw. Takot na takot siya at nag-iisa.

Sinubukan kong sabihin ito sa tatay ko ngunit sabi niya ay guni-guni ko lamang iyon. Habang si Regina ay masaya sa aking pagkabalisa.

Ano pa bang aasahan ko? Hindi ko naman talaga sila pamilya kaya wala silang pakialam kahit mamatay pa ako.

Nabitawan ko ang buhat buhat kong maliit na kahon dahil sa isang malakas na kalabog mula sa isang pintuan.

Napalingon ako doon at matinding kaba ang aking naramdaman. Hindi maipaliwanag na takot na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Bunso... Bunso.."

Nanlaki ang mga mata ko. Sigurado akong sa pintuan ng basement nagmula ang boses. Isang nakakapangilabot at nakakatindig balahibong boses ng babae.

Unti-unti akong lumapit sa pintuan at binuksan ito kahit na punong puno ng takot ang dibdib ko.

Pagkahawak ko sa doorknob ay bigla na lamang ito nagkaroon ng dugo kaya't napabitaw ako pero nawala din ito. Lalo akong natakot pero malakas ang pakiramdam ko na kailangan kong buksan ang pintuang ito. May kung ano sa loob na hinihila ko.

Pagkabukas ko ay napakadilim at may kakaibang amoy. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at bumungad sa akin ang napakakalat at maalikabok na lugar. Naglakad ako upang mas makita ang nasa loob at laking gulat ko dahil may mga nakakalat na itim na kandila, itim na belo, itim na mga manika at kung anu ano pa. Mayroon ding nakaguhit sa sahig na hindi ko maunawaan.

Lalo akong kinabahan sapagkat tila ba ito'y silid ng isang mangkukulam.

Pero higit pa sa pangkukulam ang kaya nitong gawin, dahil kaya nitong sumumpa ng isang bagay.

Sandali, paano ko nalaman 'yun?

"Dahil may kinalaman ka sa sumpa..."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako dahil napatapat ang flashlight ko sa mukha ng duguang babae na itim ang mata at labi na para bang natunaw na ang mga ito. Halos wala na nga itong mukha.

Napaupo ako sa sahig at nabitawan ang phone ko.

Napahawak ako sa aking dibdib habang hinahabol ang hininga.

Niyakap ko na lamang ang aking sarili.

Nanginginig ako at naluluha dala ng matinding takot.

Tatayo na sana ako nang may mahawakan akong bagay. Kinuha ko ang phone ko upang ilawan.

"Libro?" Kulay itim ito, lumang luma at maalikabok.

"Samantha Hillfinge?" Bubuksan ko na sana ito nang...

"Em?"

"Kys!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top