Third Part

Part 3

Catching Every Pain


''Ano ?! Kaya mo pa?! Gago ka pala eh!'' kasabay ng pagmumura sa kaniya ay ang pagtama ng hampas ng paddle sa katawan ni Jervis.


Isa.. dalawa.. tatlo at hindi na nya mabilang pa. Namamanhid na ang kalamnan ng binti at hita nya. Pero kakayanin nya, kaya pa nya.


Nasimulan na nya kaya paninindigan na nya. Ngayon pa ba sya susuko?


''Ano?! Itutuloy mo pa?!'' sigaw ulit ng lalaking kasama nya sa abandoned building na iyon.


He nod as a response, he's tired and can't manage to utter a single word. Nagdidilim na ang paningin nya.


''Sumagot ka!'', sigaw nito na syang senior official nila habang marahas na nakahawak ito sa panga niya.


''O-Oo..'', garalgal ang boses ngunit desididong sambit nya dito.


''Matapang ka hah?!'', ngumisi ito sa kaniya at muling hinawakan ang paddle tsaka pumunta sa likuran niya.


Isa pa ulit at isa pa.. Kaya pa ba nya? Kaya pa ba ng katawan nya?


''Brod tama na, baka matuluyan mo na yan.'' nadinig nyang sabi ng isa pa nilang kasapi sa fraternity.


''Oo na... Oo na... Psh..'' reklamo nito.


Anim na hampas pa at tinigilan na sya ng S.O. nila.


Matulungin ang brotherhood nila pero kapag may nilabag kang rules ay talagang dehado ka.


May nagbalita at nakarating kasi sa leader nila na kinausap nya ang legal guardian custodian ng sorority ng kaaway nilang frat.


That's prohibited according to the rules they're following kaya pinapili sya ng mga ito.


Either take a punishment and they set him free or apologize and they will accept him again.

At halata namang mas pinili nya ang option number one. Bakit?


Kasi ng sigawan nya si Dazly kanina, narealize nyang sobrang halaga nito para sa kaniya.


He honestly adore her from the very start at ng plano na niyang magtapat dito ay tsaka naman nya ito nakitang kasama ang miyembro ng kalaban nilang fraternity.


At doon nya lang nalamang ito pala ang LGC ng sorority na kakampi ng kalabang brotherhood nila.


He's been longing for Dazly, he badly want to chase her, hold her, feel her, talk, laugh and have fun with her.


Iyong malaya at walang bawal. So he decided to retain his freedom so there will be no limitation for him to talk to her anymore. Sana lang ay umabot pa sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top