Second Part

Part 2

Undeniably Fall Hard


Naglalakad si Dazly kasama ang isa sa miyembro nang counterpart nilang fraternity ng makasalubong niya ang kaklaseng si Jervis. Ang alam nya ay kasali rin ito sa isang frat pero hindi nya alam kung alin.


She smile at him but he just ignore her. Blangko ang mukhang mabilis na tinapunan lang sya nito ng tingin.


Since that day, Jervis which also happened to be the one who's assigned to be sitting next to her changed his seat. He even snob her all the time. Talo pa niya ang may nakakahawang sakit kung iwasan sya nito. Jervis is a natural snobbish pero sya lang naman yata sa klase nila ang hindi nito iniimikan man lang. She's like an invisible person for him, na hindi sya nag-eexist.


Ni hindi malaman ni Dazly kung bakit ganoon na lang sya layuan nito.


As time passed by, Dazly and Jervis turn into a complete stranger. But when the first semester is almost over, just a week before the final exam, Dazly try to approach and start a conversation with Jervis.


Kahit pa hindi nya alam kung bakit.


Tumikhim siya upang makuha ang atensyon nito, paano'y nakasubsob ito sa sarili nitong desk. Bahagya itong nabigla ng mapansin sya ngunit mabilis ding nakahuma.


''Jervis, naintindihan mo ba ang lesson natin kanina sa Philo?'', kinakabahan ngunit malumanay na tanong niya sa binata.


''Oo'', simpleng sagot naman nito. Tila napipilitan pa itong kausapin siya dahil agad itong umiwas ng tingin sa kaniya.


''Pwede mo ba akong.. turuan?'', nahihiyang tanong nya ulit rito.


''No.'', sa pagkakataong iyon ay seryoso na sya nitong tinitigan.


''Bakit? Dahil ba---"


''BECAUSE I SHOULDN'T! Dmn it!",sigaw nito na parang ubos na ang pasensya.


They caught their classmate's attention so Dazly feel abashed. Namumuo na din ang luha sa gilid ng mga mata nya.


''Stop talking to me Miss. Just stop.", madiin na sabi pa nito.


"But--"


"Rule number 06, fraternity's enemy is your enemy too.'', dagdag pa nito bago umalis.


Dazly did'nt understand it easily but after analyzing it she nod and whispers;

''So, priority mo talaga ang brotherhood nyo? Porke kalaban ng frat nyo ang counterpart frat namen ay kaaway mo na din kami, ako?! Such an immature belief!"


Sinabi iyon ng dalaga sa kaniyang sarili na para bang kaharap nya pa si Jervis. With sympathy, sarcasm and burning emotions she said those words again and again.


Na para bang inuukit na nya ito sa kanyang utak upang tumatak sa isip nya kung gaano kawalang-kwenta si Jervis pati na ang pinaniniwalaan nito.


Ngunit pagdating ni Dazly sa boarding house na tinutuluyan nya, as soon as she step her foot inside her room, her tears began to flow.


 She just silently cry though she don't even know why;

''Ano ba Daz?! Ba't ka naiyak?! Ba't ka nagsa-sayang ng luha dahil sa mokong na 'yon ha?! Eh sa ang mahal lang nya ay ang fraternity nya eh! Dahil ba na-realize mong hindi ka mahalaga sa kanya?! Na balewala ka lang?! Ano? Mahal mo sya?! So pathetic!", naiinis na sermon niya sa sarili.


 How can she even fall inlove with someone na ni hindi nya man lang nakakausap? She saw him smile, she heard him laugh, she witnessed his good deeds kapag may reach out o campaign din ang fraternity nito pero sapat na ba 'yon para mahalin nya ito?


Galit sya sa sarili nya hindi dahil nai-pahiya sya nito kanina kung hindi dahil ngayon lang nya na-realize na mahal na pala nya ang lalaki. And with that, she fall asleep with a broken heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top