Chapter 26

NANG mapatapat si Adela sa isang bahagi ng kagubatan na may matataas na damo ay pinilit niyang itago ang sarili rito. Pigil ang kanyang hininga habang nakasiksik sa damuhang iyon. Pinakikiramdaman niya ang paligid. Baka nasa tabi lang pala niya ang isa sa mga lalaking humahabol sa kanya. Muntik na siyang mapatili nang makita niya ang mga binti ng mga lalaking humahabol sa kanya na nasa kanyang harapan. Mabuti na lamang at nakakubli siya sa damuhan kaya hindi siya nakita ng mga ito.

"Wala siya rito! Hanapin n'yo! Hindi siya puwedeng makatakas!" rinig niyang sabi ng leader ng grupo. "Bilisan n'yo. Iihi lang ako."

Nanlaki ang mga mata ni Adela nang bumagsak sa mukha niya ang ihi ng lalaki. Diring-diri siya pero ano pa ang magagawa niya? Kaunting kilos lang niya ay mapapahamak ang kanyang buhay kaya tiniis na lang niya ang kamalasang sinapit.

Hindi nagtagal ay natapos ding umihi ang lalaki at muling naglakad para hanapin si Adela.

"Nandito na ako! Magtago kang mabuti dahil lagot ka sa amin kapag nahuli ka!" sigaw nito.

Takot na takot si Adela. Kailangang makatakas siya. Hindi siya dapat makita ng mga lalaking ito. Hindi siya dapat mahuli!

Ilang sandali rin niyang pinakiramdaman ang paligid. Mukhang malayo na ang mga humahabol sa kanya. Puwede na siguro siyang lumabas sa pinagtataguan niya.

Dahan-dahan siyang tumayo. Palinga-linga siya sa paligid. Kailangan niya ng ibayong pag-iingat. Hindi siya dapat makita ng mga lalaking naghahanap sa kanya.

Maingat siyang lumabas sa pinagtataguang damuhan na nakatakip pa rin ang dalawang braso sa kanyang mga dibdib at tumakbo sa direksyong sa tingin niya ay saliwa sa direksyong pinuntahan ng mga naghahanap sa kanya. Kailangang makabalik siya kaagad sa bahay nila. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Ramdam niyang may masamang nangyari sa kanyang ina.

Patuloy sa pagtakbo si Adela. Hindi niya inaasahan ang biglang paglitaw sa harap niya ng leader ng grupo. "Bulaga! Akala mo siguro'y matatakasan mo kami," matigas na sabi nito.

Nagulat man ay hindi nasiraan ng loob si Adela. Bigla siyang pumihit patalikod upang takasan ang humarang sa kanyang daraanan pero wala na siguro sa kanyang kapalaran ang matakasan pa ang limang lalaking ito dahil heto at papalapit na rin sa kanya ang apat pang kasamahan ng leader ng grupo.

"Hindi mo na kami matatakasan pa," sabi ng leader sa banayad na tinig. "Hawakan n'yo 'yan!" utos nito sa mga kasama.

Mabilis na kumilos ang apat at mahigpit na hinawakan si Adela. Ang dalawa ay humawak sa magkabilang kamay ng dalaga kaya malayang nalantad sa kanila ang dibdib nito samantalang ang dalawa pa ay hinawakan siya sa magkabilang paa.

"Bitiwan n'yo akoooo!" ubod-lakas niyang sigaw na halos ikapatid na ng litid niya sa leeg. Halos unbusin niya ang kanyang lakas sa pagpupumiglas pero ang pagod niyang katawan ay nanghihina na. Kahit siguro ano pa ang gawin niya ay hindi na talaga niya matatakasan ang kapahamakang dala ng limang buhong na lalaking ito.

Nakalapit na sa kanila ang leader ng grupo at walang sabi-sabing hinila nito ang suot na palda ni Adela. Bumagsak sa lupa ang nahubad na tanging suot ng babae. Kahit madilim ay hindi naikubli ng liwanag ng buwan ang kagandahan ng katawan ni Adela. Mas lalong nag-umulol ang limang lalaki nang makita nang buo ang kanyang kahubdan.

Tanging mga sinok at mahihinang paghikbi ang naririnig mula kay Adela. Wala na siyang lakas para lumaban pa. Wala na rin siyang lakas para umiyak. Wala na rin naming makaririnig ng kanyang pag-iyak... walang kahit sinong magliligtas sa kanya sa kamay ng limang demonyong nasa kanyang harapan.

"Ihiga n'yo siya," utos ng leader sa kanyang mga kasama.

Agad na kumilos ang apat na lalaki at sapilitang inihiga sa damuhan si Adela malapit sa isang balon sa gitna ng kagubatang iyon. Kasunod niyon ay itinaas ng leader ang itim na telang nakatakip sa ulo niya at saka ibinaba ang zipper ng kanyang pantalon at kinubabawan ang kawawang babae.

Ipinagkatiwala na lang ni Adela sa Diyos ang kanyang kapalaran. Tahimik niyang iniluha ang kalapastanganang ginagawa sa kanya ng lalaking nakadagan ngayon sa kanyang katawan. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi nang sa wakas ay magtagumpay ang buhong sa ginagawa nito.

Maya-maya pa ay umalis na sa ibabaw niya ang lalaki at habang inaayos ang suot na pantalon ay nagsabing, "Tapos na 'ko. Kayo naman."

Iyon lang ang hudyat na hinihintay ng apat na lalaki. Tinanggal nila ang telang tumatakip sa kanilang mga mukha at kanya-kanya silang kilos para halayin si Adela. Ang isa ay humalik sa bibig ng dalaga. Ang dalawa ang nagpakasawa sa mga dibdib nito at si Nick ay walang awang kinuha rin ang pagkababae ni Adela.

Nang matapos si Nick ay isa-isa ring sumunod ang natitira pang tatlong mga lalaki. Bawat isa ay hinalay si Adela at nagpakasasa sa murang katawan nito. Tulala na ang babae nang kanilang tigilan. Halos hindi na ito gumagalaw bagama't dilat ang mga mata nito.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ni Nick.

"Ano pa nga ba, eh 'di patayin!" sabi ng kanilang leader.

"Iwanan na lang kaya natin dito. Huwag na nating patayin. Hindi naman siguro magsusumbong sa mga pulis 'yan," pahayag ni Nick.

"Gago ka ba? Nakita na niya ang pagmumukha natin. Kahit paano, maituturo niya tayo sa mga pulis. Gusto mong makulong?"

Napailing si Nick, sunod-sunod. "Ayoko..."

"H-huwaaagg... maawa kayo," nanghihnang sabi ni Adela. Wala na siyang lakas para lumaban pa. Hindi na niya kayang tumakbo. Hindi na siya makakilos nang maayos dahil sa nararamdamang pananakit ng buo niyang katawan. "Pakawalan n'yo na ako... Hindi ako magsusumbong. Huwag n'yo lang akong papatayin," pagmamakaawa pa niya.

Dumampot ng isang putol na sanga ng kahoy ang leader ng grupo at lumapit kay Adela.

"Huwaagg! Parang awa n'yo na..." Hindi na niya alam kung paano pakikiusapan ang mga lalaking bumaboy sa buo niyang pagkatao. "Maawa na kayo sa akin..."

Iniumang ng lalaki ang hawak na sanga at buong lakas na hinampas sa ulo ang kawawang babae.

Hindi na nakasigaw pa si Adela sa bilis ng pangyayari. Kumalat sa damuhan ang dugong umagos mula sa kanyang ulo.

Bumaling ang leader sa iba pa nilang mga kasama. "Kayo, buhatin n'yo 'yan!" utos niya sa mga ito.

Walang pag-aalinlangang binuhat ng apat na mga lalaki ang hubad at walang buhay na katawan ni Adela. Ang dalawa ay hinawakan siya sa magkabilang kamay habang ang dalawa pa ay humawak sa magkabila niyang paa.

"Anong gagawin namin sa kanya?" tanong ng isa sa mga lalaki.

Sumagot ang leader nila, "Ayan ang balon, ihulog n'yo siya diyan. 'Yan na ang magiging libingan niya!"

Mabilis na kumilos ang apat na lalaki. Inihulog nila sa balon ang babaeng naging biktima ng kanilang karahasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top