Chapter 54: She's a Murderer

TILA tinusok ng libo-libong punyal ang dibdib ko nang tuluyang lumiwanag ang paligid. My body went weaker than it already was na para bang mawawalan ako ng malay anumang oras. Yet I gathered all my remaining strength to crawl towards the Arcanes.

"S-shaye is..."

"Shaye is dead." Nabigla ako sa malamig na boses ni Rhysan. "Maging si Atya."

I froze. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. It was only then that everything sunk in.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Shaye is lying unconscious on my bed. Nasa tabi niya si Carwell na mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay. Sa kabilang bahagi ng kwarto ko ay ang crack na nabuo sa sahig kung saan nakahiga ang katawan ni Atya. Hindi siya gumagalaw pero nanatiling mulat ang kaniyang mata.

"N-no..." wala sa sarili kong bulong.

Kahit nanghihina, pilit kong ginapang ang distansya namin. My hands were shaking. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko. What did I do? H-hindi ito ang plano ko...

I felt Rhysan's hand on my shoulders, trying to stop me. Pero nagsalita si Estelle, "Let her. That's her last."

Bumuhos ang luha ko sa narinig. Maingat kong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Atya. The scar on her neck is now gone. It wasn't a scar after all. It was a device of Zuri's making to possess her body.

"I'm... I'm sorry..." I broke down. Hindi ko na napigilang humagulgol sa harap nila. She's just a kid. She's innocent and she died in my hands. I killed the child who trusted me.

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa. Naghalo ang dugo namin at ang hindi maawat kong luha.

"Please... p-please..."

I don't even know what I am asking for. Wala na ako sa tamang huwisyo. Hindi ko na mahabol ang hininga ko.

'I'm sorry, ate. I couldn't stop him...'

Natuod ako. I shook her body and called her name again and again. Hindi ako pwedeng magkamali. It was her voice.

Pero hindi pa rin siya gumalaw, hanggang sa may isang butil ng luha tumulo sa walang buhay niyang mata.

'T-thank you for taking care of me... Please tell kuya Caelum, I'm sorry...'

Her mouth wasn't moving. She's speaking to me through her power.

'I'm going to mama now. I love you...'

No. No. Hindi pwede!

Muli kong niyugyog ang katawan niya ngunit wala na akong narinig na boses sa isip ko. I hugged Atya's body and screamed all the pain in my chest. Nilabas ko lahat ng kanina ko pa kinikimkim. Lahat ng luhang naipon ko mula noong huling sinaktan ako ng mundo.

She's gone... Atya is gone.

Halos mapaos na ako kakasigaw nang may yumakap sa likod ko.

"I'm sorry I failed you, Ara. But I promise, ako mismo ang aayos nito," bulong ng pamilyar na boses ni Genesis.

Hinarap ko siya. His face was full of guilt and pity. Panay ang paglunok niya upang pigilan ang nangingilid niyang luha.

I was about to ask him pero hinigit ako ni Jiro papalayo sa kaniya.

"You're done now, Ara Belacour. Enjoy yourself in prison."

Napaawang ang bibig ko. I looked at all of them with pleading eyes. Gusto ko pang kausapin si Shaye. Gusto ko pang magpaalam, but Jiro didn't let me. He gripped his hand on my shoulder, putting pressure on the shards of glass stuck in my flesh. Napahiyaw ako sa sakit.

Isa-isa ko silang tinignan, kahit nanlalabo ang paningin ko. Lahat sila ay walang emosyong nakatingin sa akin, maliban kay Milka na pinipigilan ni Zale na lumapit. Tila pelikulang nag-flashback sa utak ko lahat ng panahong magkasama kaming lahat. Una pa lang alam ko nang dito rin ako hahantong pero masakit pa rin pala. Masakit pa rin pala pagmasdan ang mga taong natutunan kong mahalin na ngayo'y tumalikod na rin sa 'kin.

Mapakla akong napatawa. History repeats itself, ika nga. Kailan ba ako matututo?

Hinayaan kong kaladkarin ako ni Jiro patungo sa opisina ni Boris pero bago pa ako tuluyang nakaalis, nahagip ko ang mga mata ni Carwell. Puno ito ng galit at pagkamuhi.

My heart sank deeper.

I wish you knew, Caelum. I wish you knew you mattered to me.






"BILIS!"

Napadaing ako nang sipain ng isang kawal ang aking likuran. Muntik pa akong masubsob sa maruming pasilyo ng kulungan. Nakayukom ang mga kamao kong nakaposas habang paika-ikang sinusundan ang isa pang kawal sa harap ko.

"Tiyak na magiging maganda ang pamamalagi mo rito!" pang-aasar ng isang kawal saka sila nagtawanan ng iba niyang kasamahan. Tinapik pa nito ang ulo ko na parang tuta. "Huwag kang mag-alala, bata. Bibisitahin ka namin rito araw-araw."

Sinamaan ko siya ng tingin pero sinipa niya lang ulit ako. Too bad I can't use my power right now. Kanina pa sana naging abo ang lalaking 'to.

The technique I used that night caused too much energy from me. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako dala ng mga sugat na aking natamo at ang bigat sa 'king dibdib.

Boris didn't know how to react when he saw me that night. Hindi ko rin siya masisisi. Even if my intention was to save Shaye, I ended up killing both of them.

He insisted on aiding my injuries pero naabutan na kami ng hinayupak na hari. He's been hiding in the light so I couldn't find him. And now I'm here, being dragged by these miserable guards in the dungeon.

Huminto kami sa pinakadulong selda. The guard opened it up and firmly kicked me inside. Napadaing ako sa pagtama ng mukha ko sa malamig na pader. May isang higaan lamang sa gilid ng selda at isang basong walang laman.

"Siguraduhin mong 'di 'yan makakalabas kung 'di patay tayo sa hari," utos ng kawal bago nila ako tuluyang iwan.

Umupo ako sa higaan at kinuha ang halamang gamot na nakaipit sa gilid ng pantalon ko. Genesis slid these herbs in my pocket when the office was in commotion. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. But the thought of it warms my dying heart a little bit.

Kahit papaano ay may pakialam pa rin siya sa 'kin.

Matapos kong gamutin ang sarili ay agad akong humilata. My hands were still handcuffed. Buti nalang at hindi nila tinali ang paa ko. Malaya ko itong nagagamit.

Pipikit na sana ang mata ko nang bigla kong naalala ang aking kwarto. Napabalikwas ako ng bangon.

I left the scroll in my room. Now that I am here and weak, siguradong walang bisa na ng proteksyong binigay ko ro'n.

Kahit masakit, pinagkrus ko ang aking paa at pumikit. I can still get it. I have to use whatever that's left of me.

I concentrated and started emitting my shadow strings. Sa bawat labas nila ay ang pagdaing ko. It's like my body refuses to release more power. I have reached my limit, ngunit pinilit ko pa ring hinanap ang daan patungo sa akademya, sa kwarto ko.

My vision was blurry and my nose started bleeding. Naaninag ko ang pamilyar na daan patungo sa akademya, sa higanteng gate, at sa wakas, ang paaralan.

Kumirot ang dibdib ko sa nakita. The students seemed cheerful. Masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhan na para bang may magandang balita silang nalaman.

Finally, I reached the Arcane tower. Nandoon silang lahat sa sala maliban kay Carwell, Rhysan at Genesis. Their eyes were swollen. Bakas ang lungkot sa mga mukha nila until Snow said something. I couldn't hear it as its beyond my power yet I discerned what she must've said because of the growing hatred in her eyes, na siyang sinundan ng iba.

Napakagat ako sa labi nang nag-flash ang loob ng kwarto ko. Someone is in my bed. Makalat pa rin ito at may dugo. Mukhang hindi nila ginalaw maliban sa lalaking natutulog sa gilid ng higaan ko.

Genesis. He's sleeping peacefully in my bed while holding the white scroll Shaye gave me. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang binulong niya noon.

Why did he say he failed me? Anong ginagawa niya sa kwarto ko?

As much as I want to ask, hindi ko magagawa. Napasigaw ako sa sakit nang biglang humapdi ang palad ko. I can't stay like this for long. Gusto ko mang hanapin ang katawan nila Shaye, hindi ko na magagawa.

Sa huling pagkakataon ay muli kong inipon ang lahat ng natitira kong lakas at mahigpit na pinulupot ng anino ang scroll sa ilalim ng higaan. Sumigaw ako kasabay ng pagliwanag ng aking palad na tila nasusunog at buong lakas na hinila pabalik ang mga aninong nilabas ko kanina.

I fell down on the bed at the same time a golden scroll appeared in my hand. It worked. My plan worked.

But my rejoice was short-lived when a second later, everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top