[VOLUME 2] Chapter 59: Twist of Fate
Third Person's Point of View
THE first ray of sun peeked through the hole of an aged cabin. Nasa gitna ito ng kagubatan sa bandang timog ng Forthmore, malayo sa ingay ng syudad.
Napilitang bumangon si Ara para takpan ng kurtina ang butas sa pader. Sinubukan niyang pumikit ulit pero hindi na siya makatulog. At the same moment, her alarm clock rang.
She took out her bathing robe together with her crossbow, and proceeded outside. Puno ng hamog ang paligid na mas lalong nagpapalamig sa lugar. Puddles of water formed along the muddy pathway. Droplets of rain were gliding down from the leaves of towering trees around her.
She couldn't help but smile. Umulan siguro kagabi kaya nilipad ang takip na nilagay niya sa butas ng pader. However, she liked it, the feeling of just living a simple life in the middle of nowhere. Walang ibang nang-iisturbo sa kaniya maliban sa maldita niya ring kaibigan.
Ara went on to take a bath in the nearby lake. Napapalibutan ito ng makakakapal na halaman kaya kampante siyang walang makakakita sa kaniya. But still, she kept her clothes on.
Payapa niyang pinalutang ang sarili sa tubig habang nakapikit. Na-alerto lamang siya nang may marinig siyang alulong sa hindi kalayuan. She quickly put her robes on.
Tumakbo siya sa kinaroroonan ng alulong at tinutok ang crossbow niya roon. It was a wolf chasing a poor grizzly bear. She aimed for the wolf's head but it missed. Sa halip ay sa oso ito tumama.
Ara flinched. She missed again. Kahit ilang buwan na siyang nag-eensayo sa crossbow na binigay ng kaibigan niya, she still doesn't feel as connected as she was with her old dagger.
Tumakbo ang lobo palayo kaya nilapitan ni Ara ang walang buhay na oso. Sinabit niya ito sa balikat na parang wala lang sa kaniya ang bigat at bumalik na sa cabin.
"Ara, ang aga mo naman nangaso. We still have food left, you know," wika ng kaibigan niya nang makita siya nito.
Nilagay nila ito sa malapad na katayan at sinimulan itong linisin. Ara could only afford to watch though. Ayaw na ayaw ng kaibigan niyang iniisturbo ito habang nasa kusina.
"Didn't mean to. Naligo lang ako."
Napakunot ang noo ng kasama niya. "They wandered near the lake? That's new."
Sumang-ayon lang si Ara. Napagpasyahan niyang bumalik muna sa kwarto upang magbihis. Pagkatapos ay muli siyang lumabas. Sakto naman at naligpit na ng kaibigan niya ang oso sa chest freezer. They settled on their 4-seater table and started munching the food.
"What are you planning next?" basag ng kaibigan niya sa katahimikan.
"I meant to go to the academy."
"Ara, that's too dangerous, plus sasaktan mo lang ang sarili mo."
Ara shook her head. "It's been three months, Demi. It won't hurt anymore. At saka hindi rin naman ako magpapakita sa kanila. I just wanna check something."
Demi sighed in disapproval, pero ano ba namang laban niya sa kagustuhan ng dalaga? She's Ara Belacour, a stubborn and hot-tempered woman. Kalaunan ay tinanguyan niya na lang ito.
"Do you want me to come with you? I can help," Demi suggested.
"And risk you getting seen? No. Hindi ka pinadala rito ni Boris para lang bumalik ulit do'n."
Tumaas ang kilay ni Demi. "Ara Belacour, in case you forgot, ikaw ang delikado sa mata ng hari. Ako, temporary lang 'to. Hinintay ko lang malinis ng tuluyan ang pangalan ko. If I want, I can even go back to the academy right now."
Napairap sa kawalan si Ara. "Yeah, yeah, blah blah."
Nasanay na siya sa bunganga ng dalaga dahil panay sermon ito kapag umaalis siya ng cabin. For three months, she's been regaining her strength and mastering new techniques. Sa loob din ng tatlong buwan, she has gathered quite a few information about Forthmore.
But some questions are just too difficult for her to answer alone, such as how her twin became as skilled as she is, and how Zuri and Demi share the same power.
Ilang beses na niya itong natanong kay Demi pero maging ito ay hindi rin alam kung bakit. But Demi was certain that they're not blood-related. Or it could be Zuri just happens to acquire the same ability as Demi's clan. But Ara refused to believe it. Sigurado siyang may nangyayaring hindi nila alam sa likod ng mga ito.
"Spacing out again?" Demi sighed.
"No. Just thinking."
"Liar."
"Says the thief."
"Ara!" Pinanlakihan siya ng mata ni Demi. "You have what I stole so technically, we're both thieves."
Ara shrugged. "Whatever."
Pagkatapos nilang kumain ay nagpresenta si Ara na magligpit. Meanwhile, Demi went outside to do her usual routine, to train.
Ara finished the dishes as quick as she can with the use of her shadow strings. Dumiretso siya sa kwarto pagkatapos. Her eyes landed on the corkboard pinned on the wall. May mga litrato ito ng mga tao at lugar na pinuntahan at pupuntahan niya pa.
The next stop on her list was the academy. Ang lugar na tinuring niyang tahanan noon na ngayon ay isa nang malaking sugat sa puso niya.
Mapait siyang napangiti. She's okay now, and they are too. Sapat na 'yon.
Pinilig niya ang ulo at tinapik ang sarili.
"Wake up, Ara. Everything has changed now," she whispered.
She took a deep breath and put on her red cloak. Sandali siyang napatitig siya sa crossbow at espadang nakasandal sa pader. In the end, she took the sword and hanged it on her back.
Kumaripas siya ng takbo palabas. Naabutan niya pa si Demi na nag-eensayo.
"Ingat!" sigaw nito na tinanguan niya lang.
ARA carefully shoved the leaves blocking her sight towards the gigantic gate of Forthmore Academy. There's no way she can climb that massive gate by herself. Mabuti na lang at may natirang portal seeds pa si Demi.
Minabuti niyang dumaan sa West Forest sa gilid ng akademya. This way, no one would see her. Hindi niya alam kung tinanggal na ba ni Boris ang access niya sa academy pero wala namang masama kung susubukan niya.
If it works, then good. If not, we'll... it has to work, Ara thought to herself.
She sealed her aura to avoid unwanted attention, saka siya sumiksik sa mga nagkukumpulang halaman. She was about to drop the portal seed when something caught her attention. Isa iyong asul na usok na tila umiikot ng pabilog.
A portal. Who would leave an open portal in the most secluded part of the forest?
Isa lang ang naisip ni Ara. There's a traitor in the academy. Bumalik sa kaniyang isipan ang pagsabog na nangyari sa loob ng akademya noon. Kaya pala. The Dygaians had this portal open all along, letting the traitor in and out of the academy easily.
Ara slid the portal seed in her pocket. Ilang segundo niya munang pinagmasdan at sinuri ang paligid para masigurong walang tao bago siya bumalik sa dati niyang anyo at pumasok sa nakabukas na portal. Sa ilang beses niyang paggamit ng portal seeds, medyo nasanay na rin siya sa epekto nito.
Niluwa siya nito sa kalahating parte ng West Forest. Napansin niyang wala masyadong mga estudyante sa paligid kaya minabuti niyang bumalik sa shadow form niya.
She easily made her way to the Arcane Tower. Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga paa niya ro'n kahit na ang pakay niya naman talaga ay si Headmaster Boris.
Naabutan niya ang makalat na sala ng dormitory. Walang tao rito pero mukhang may pinagkakaabalahan ang Arcanes bago pa siya dumating. Tinungo ni Ara ang kusina nang makarinig ng tunog ng mga kubyertos.
Her breathing stopped when she finally reached the kitchen. Natuod siya sa kinatatayuan niya. She didn't know what to feel. Hanggang sa namalayan niya na lang ang pag-uunahan ng kaniyang mga luha.
It was Shaye. She was alive and breathing. Mag-isa lamang itong kumakain. Halata rin ang pangangayayat nito.
Gusto niyang hawakan ang dalaga. She wanted her to look at her. Pero hindi niya magawa. Alam niyang mapapahamak lamang ang dalaga kapag nakita siya nito. She would surely insist going with her, and she can't take that risk.
Minabuti niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Kahit papaano, naibsan ang galit niya sa sarili. The past three months were excruciating for her knowing that she killed her friend. Seeing Shaye right now somehow lessens the guilt she's been feeling.
Natigilan siya nang dumako ang tingin ni Shaye sa kinaroroonan niya.
"Ara?" bulong nito. Muling kumabog ang dibdib ni Ara, pero saglit lamang ay umiling din si Shaye. "Nababaliw na 'ata ako. She's not that reckless to come in here."
Napabuga siya ng hangin. That was close. Akala niya'y mahuhuli siya nito. Saglit niyang tinitigan si Shaye na kumakain. Sinundan niya pa ito hanggang bumalik na sa kwarto.
Napahuntong hininga na lamang si Ara. She wanted to follow her inside too but that would be rude, and too much of a risk. Ilang minuto niya pang tinitigan ang nakasaradong pintuan ni Shaye. Kalaunan ay tumalikod na rin siya.
Tinahak niya ang daan patungo sa opisina ni Boris. The door was closed when she arrived. Mabuti na lamang at dumating si Ms. Elleri bitbit ang kahon ng mga papeles. Ms. Elleri left a gap on the door due to the heavy box, making Ara sneak easily inside.
"I have talked to the mayor of Haudeester. He agreed to let us raid the place, Headmaster," wika ni Rhysan.
Ara clenched her chest while she glanced at each one of them. Naka-upo silang lahat sa pahabang sofa ng office. Kumpleto sila. Maging si Sin ay nandito.
Nilapag ni Ms. Elleri ang kahon sa lamesa ng Headmaster. "These are all the documents I gathered in the archives, Headmaster. Mr. Quil will reach us as soon as he finds more."
Napakunot ang noo ni Ara. What's happening? Ba't tila aligagang aligaga ang lahat?
"That's good. Magpapadala rin ako ng mensahe sa hari para ipaalam ang mga ito," tugon ng headmaster.
"What about Ara Belacour, sir? It's been three months, hindi pa rin siya nahahanap ng mga kawal." It was Snow's shrill voice that sent Ara's blood boiling.
"As for that, Ms. Yasley, they are raiding every cities in Forthmore led by the king himself. Huwag kayong mag-alala, ilalagay siya ng batas sa dapat niyang kalagyan."
But Ara knows Headmaster Boris said that to feed Snow's hunger. Taliwas ang mga sinasabi ng mata ni Boris ang binigkas ng bibig niya.
"What if she's not in Forthmore at all? She could've hid in other kingdoms, Headmaster. What about Ambergail? Maybe she's—"
"That's stupid, Snow. Have you forgotten how King Rafael banged every office door in this academy just to find Ara? He'll never let her touch his land," putol ni Estelle kay Snow.
Natigilan si Ara. How could she forget? The wedding was supposed to happen that night, the same day she was scheduled to be executed. She's hunted by the two leading kingdoms now.
Ara's eyes caught a glimpse of the silent guy leaning on the wall at the corner. Nakahalukipkip ito at walang emosyon ang mukha. He showed no interest about the meeting at all.
Muling napahawak si Ara sa dibdib niya. Here it goes again. May mga nagkakarerang kabayo na naman sa dibdib niya.
But Ara froze when the guy beside Caelum suddenly looked in her direction. Not just her direction, he was staring directly at her eyes.
She swiftly glided through the gap on the door. Hinayaan niyang tangayin siya ng hangin palabas. Pero mas lalo siyang nanglamig nang mahagilap niya si Genesis na lumabas na ng office. Nakatitig pa rin ito sa gawi niya. She floated faster until she reached the back of the building.
Hinihingal na tumigil si Genesis.
"Ara... I know you're here."
Kumabog ang dibdib ni Ara. Hindi siya nakikita ng binata but he knows she's there. Nararamdaman siya nito. But how? She already sealed her presence.
"Show yourself, please. You don't have to hide from me," sambit ulit ng binata.
Ara paused for a couple of seconds, tila tinitimbang niya kung dapat niya bang sundin si Genesis o manatiling nakatago.
In the end, Ara glided closer to him whispered, "No one shall know."
Bumalik ang buhay sa mga mata ni Genesis. Paulit-ulit siyang tumango.
"How... How are you?"
"Never better," Ara responded.
"C-Can I see you?" garalgal na tanong nito.
Ara smiled as she slowly glided away from him. Muling sinambit ni Genesis ang pangalan niya habang patuloy siya sa paglutang palayo. Hanggang sa unti-unti nang lumiit ang pigura ng binata sa paningin niya.
Muli siyang napangiti.
"Hindi pa ngayon, Genesis, pero babalik ako. Babalik ako," bulong niya sa hangin bago tuluyang tumakbo pabalik sa portal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top