Chapter 72: The Truth

Ara's Point of View

"WHAT did you do to my father?"

Natuod ako sa aking kinatatayuan nang nanuot sa tainga ko ang malamig na boses ni Caelum. I lowered my sword as I fixed my eyes on him. Puno ng galit ang mga mata niya. Higit pa sa galit na nakita ko noong gabing nawala si Atya.

Zuri, despite Caelum's grip around his neck, grinned. "M-My dear nephew..."

He was choking yet his face didn't even show any sign of remorse. Lumawak pa ang ngiti nito na ikinayukom ng kamao ko.

"I said what did you do to my father?" pag-uulit ni Caelum.

"I do not think you can handle the truth."

Zuri flinched when Caelum tightened his grip. "Look at me. Alalahanin mo ang ama ko. Sabihin mo ang lahat ng hindi ko nalalaman!"

"Gusto mo talagang marinig?" Zuri smirked. "I had to get rid of everyone who stood in my way. Sadly, your stupid father was one of them."

I gulped when Caelum's eyes flickered in orange. Isa lamang ang ibig sabihin nito. It's getting harder for him to control his powers at this moment. Kinakabahan ako. Maaari niya itong ikapahamak.

"My father..." his voice lowered, "my father treated you like a real brother. H-How could you..."

"He planned on passing the throne to you. Do you think I would gladly accept that a mere child is prepared for the throne while I, his brother who had always been by his side, is easily thrown aside?! Hinding hindi ko iyon matatanggap!" For a second, Zuri's eyes flashed a glimpse of pain until they grew into anger once again. "They wouldn't let me lay a hand on you, so I made my way to them. A child can never rule a kingdom, but I can. And I am not going to let you and that stupid girl end my reign."

Caelum's face spasmed in pain until tears began flowing down his cheek. Nabitawan niya ang leeg ni Zuri. Tulala siyang bumagsak sa lupa habang patuloy na dumadaloy ang mga luha.

Napahawak ako sa aking dibdib. Masakit. Kung nasasaktan ako para sa kaniya, ano na lang 'yung nararamdaman niya? Nabuhay siya sa isang kasinungalingan.

Naalerto ako nang marahang tumayo si Zuri. He raised his sword, grinning, ready to attack Caelum from the back. I dashed towards his direction, and in a blink of an eye, slashed his arm in full force.

Napahiyaw siya sa sakit. His scream cued his knights to attack once again kaya muling napuno ng ingay ng nagsasanggaang sandata ang paligid.

"Take Caelum away from here! Ako nang bahala rito!" Boris ran to me before facing Zuri.

I grabbed Caelum's hands. Nakatungo pa rin siya sa lupa at basang basa na sa ulan. I tried to lift him pero hindi ko magawa. Genesis saw me struggling kaya agad niya akong dinaluhan para dalhin si Caelum sa tahimik na parte ng palasyo.

"Bro," tawag ni Genesis sa kaniya pero hindi siya umimik.

Bumuntong hininga ako. Yumuko ako upang magpantay ang mukha naming dalawa. Tila wala siya sa sarili. Nakatulala lamang. Hindi kumukurap at walang habas na umaagos ang mga luha.

Ang sakit tingnan na nagkakaganito siya.

"Caelum, listen to me. Alam kong mahirap pero hindi ito ang tamang oras para bumagsak ka—"

"You don't know what it's—"

"I know what it's like to be betrayed by those you love. I know what it's like to crumble with just one sentence from the person who you taught was your family," mahina kong sambit. "Hindi ko minamaliit ang nararamdaman mo at hindi ko sinasabing mali 'yan because you have all the rights to be mad for living your whole life in a lie. But this is not the right time for that, Caelum."

"I don't know... I don't care anymore..."

Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya. Maging si Genesis ay nabigla sa nagawa ko. My hand left a red mark on his face, enough for him to look up to me.

"You are in a middle of a fucking battle. Your people are dying. Pumili ka, Caelum. Gusto mo bang magluksa na lang dito at hayaang mabulok ang kahariang responsibilidad mong alagaan? I know it's unfair. The world is fucking unfair! But what choice do we have? Kailan tayo kikilos? Kailan ka lalaban? Kapag wala nang natira sa amin? Kapag napaslang na lahat ng mga Arcanes? Lahat ng mga magulang na naniwala sa 'yo? Kapag wala na ako?" Humina ang boses ko. Ilang beses akong lumunok para pigilan ang nagbabadya kong luha. "Kasi ako ayoko. Ayoko pang mawala, Caelum. Gusto ko pang samahan kang ipaglaban ang kaharian na 'to."

Marahas kong pinunasan ang luha ko. "Get up and face him. Let's face him together."

Hindi siya umimik. Nanatili lamang ang tingin niya sa mga mata ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong dinambahan ng yakap. He buried his face in my neck for a minute before facing both Genesis and I.

"I cannot let my father's death be in vain."

Genesis tapped his shoulder. "Hindi mo siya kailangang harapin ng mag-isa. Sasamahan ka namin."

I nodded. Muli kong pinunasan ang pisngi ko. Tumila na ang ulan. Lumalalim na rin ang gabi pero hindi pa humuhupa ang ingay ng laban sa palasyo. May mga ibang mamamayan na ring nakisali nang marinig nila ang katotohanan sa bibig ni Zuri.

"Let's go." Nauna na akong naglakad pabalik.

"Ara..."

"Hmm?" tugon ko kay Genesis nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Stay by my side. Poprotektahan kita."

Sabay kami ni Caelum na napalingon sa kaniya. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Caelum. Genesis chuckled and stretched his battle shirt to reveal his chest. Pinakita niya sa amin ang birthmark na nakaukit roon.

"Don't worry, bro. Pinoprotektahan ko si Ara dahil responsibilidad ko. Wala akong balak na makigulo sa nararamdaman niyo."

"You are her guardian? Since when did you know?"

"Since I first met her."

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Saglit silang nagtitigan. Bago pa man may magsalita, agad akong dumaan sa gitna nila. "Bumalik na tayo kung gusto niyo pang may maabutan."

Wala silang nagawa kundi sumunod sa 'kin. Naabutan namin sila Rhysan na tinutulungang protektahan si Boris habang kinakalaban nito si Zuri. I managed to inflict a deep wound on him kaya halata nang nahihirapan ito ng kaunti sa lakas ni Boris.

Sinikmuraan ko ang dalawang kawal na tumakbo patungo sa akin. Ginagamit na nila ang kanilang mga kapangyarihan kaya ginamit ko na rin ang mga anino ko. Walang tigil akong nakipaglaban habang nagmamatyag kay Zuri sa likuran.

I saw Caelum run towards him, but this time, he wore no sign of pain or anger at all. Walang emosyon lang ang mukha niya. Hindi ko ito mabasa. Mabilis niyang inatake si Zuri. He lifted his sword in the air, glowing in orange, making me narrow my eyes. The sound of their swords clashing filled my ears. Mas tinuon ko ang tainga sa kanila kaysa sa ibang naglalaban sa paligid.

Caelum used Estelle's element. He controlled the air surrounding Zuri, trying to suffocate him. But the latter was intently staring at his chest.

Nanlaki ang mga mata ko. He's trying to petrify his heart!

Mabilis kong winakasan ang buhay ng kawal na kalaban ko at tumakbo sa gawi nila. Before I could reach them, several vines emerged from the ground. Napatingin ako kay Sin sa kabilang dako pero abala ito sa pakikipaglaban kasama sina Third at Jiro.

Caelum raised his other hand. Kinontrol niya ang mga vines na lumabas kasabay ng pagpapabigat niya sa hangin. Ramdam ko ito. I can feel the intensity of his power. Nagbunga na talaga ang ilang buwan niyang pagsasanay.

Muli niyang iniwasiwas ang kaniyang espada habang kinokontrol ang hangin at ang mga baging sa lupa. He kept doing the same thing. Slash. Defend. Attack. Until Zuri fell on the ground. Caelum screamed as he finally plunged his sword on Zuri's waist.

Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan si Caelum na idinidiin ang kaniyang espada. Tumalsik sa mukha niya ang dugo pero tila wala siyang pakialam. Hindi siya ganito. Anger has consumed him.

Nabigla kaming lahat nang biglang may barrier na nabuo sa paligid ni Zuri. Tumilapon si Caelum sa gawi ko na agad ko ring nasalo gamit ang aking kapangyarihan. He was trembling. Nanginginig siyang nakayukom.

Naguguluhan kong nilibot ang tingin sa paligid. But all my questions were answered when a man emerged from a distance. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha pero pansin ko ang pamilyar na pananggalang sa kaniyang likuran, and behind him was an army I very well know.

"Braul, that's him," wika ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Genesis ang kaliwang kamay ko. Halos lahat kami ay natigil sa pakikipaglaban, pinagmamasdan ang hukbong kararating lang, naghihintay sa susunod nitong hakbang. But instead of Braul, it was Zuri's weak voice that broke the silence.

"You came, my child..."

Napayukom ang kamao ko. I could feel my skin tightening in so much anger as I gazed at them back and forth.

Kaya pala hindi siya sumang-ayon noong sinubukan ko siyang kumbinsihin. He's fucking one of his puppets! Pinaikot nila kami. Putang ina.

Braul walked towards him. His footsteps were heavy, creating splashes of rainwater on the ground. Hindi ko tinanggal ang tingin sa kaniya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ni Zuri. Ngunit sa halip na magsalita, walang imik niyang tinanggal ang maskarang nakatakip sa kaniyang mukha.

Nabitawan ko ang aking espada at ang kamay ni Caelum nang makita ng tuluyan ang itsura nito.

Bakit?

Hindi pa ba sapat na tinalikuran niya ako noon at kailangan niya pang kampihan ang kalaban ko ngayon?

Sinabi niyang gusto niyang bumawi pero tinutulungan niya ang taong nanakit sa akin.

Bakit, Paris?

Napapikit ako kasabay nagpagtulo ng aking luha. Naninikip ang dibdib ko. Akala ko'y wala nang mas sasakit pa sa ginawa niya noon... Hindi ko inakalang mas masakit pala 'to. Masakit palang talikuran ulit.

"Enjoy my little surprise for you, my dear Ara... Do you like it? Do you recognize this man?"

Why did you let him manipulate you, Paris? Bakit kailangang pati ikaw ay kalabanin ko? Bakit mo ako sinasaktan ulit?

"Where's your arrogance now, little child? Did I hurt you?"

"Ara..." Iniwaksi ko ang kamay ni Genesis na akmang hahawak sa akin.

"Did I hit a soft spot in there? Nais mo bang ipakilala ko ang lalaking ito sa lahat?"

Gusto kong takpan ang tainga ko. Gusto kong matigil ang ang mga katagang lumalabas sa bibig niya. Gusto kong alisin lahat ng tingin ng mga taong nasa paligid ko sa akin... pero hindi ko magawa.

"Paris Belacour, isang talunan na bata sa islang Forthill. Isang batang pinagkaitan din dahil sa walang hiya niyang kapatid. Isang batang katulad ko. And look at him now, a great leader, great accomplice... a great—"

"Enough!" galit kong singhal.

I used my shadow strings to break his barrier but I couldn't penetrate it. Binigyan ako nito ng mapangasar na tawa kahit pa nagdurugo na ang kaniyang tagiliran.

Galit akong bumaling kay Paris. How dare he protect that man! Maliksi ko siyang inatake. Paulit-ulit. Pabilis nang pabilis. At naiinis ako na hindi niya ako inaatake pabalik. Puro dependa lang ang ginagawa niya.

"I was stupid to fucking try persuading you on that goddamn cave! And you, pinaglaruan mo ako! Niligtas mo ako para lang patayin ulit!" galit kong wika habang patuloy siyang inaaatake. "Lumaban ka! Labanan mo ako! Ngayon mo sa akin patunayan na tama ang desisyon kong hindi ka kilalanin! Putang ina. Sabi kong lumaban ka!"

"Ara, stop!" Pinagkrus niya ang sandata namin at mariin akong tinitigan sa mga mata. "Makinig ka sa 'kin. I can get you out of here if you'll just let me. Ilalayo kita rito."

"And let Zuri sit on that throne? Sa tingin mo ba'y ganiyan ako kabobo?! He doesn't deserve the kingdom."

"Hindi ko sinabing hahayaan ko siyang umupo sa trono."

"And who do you think should sit on the throne?" Natahimik siya, and it was already the answer I was looking for. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "You want the throne for yourself, don't you?"

"Ara, I also deserve to live. Zuri brought me here. Sinamahan niya ako, pinalaki, kinupkop, at hinasa. Binigyan niya ako ng kapangyarihan. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya hindi ko maaatim na ibigay sa kinamumuhian niyang pamangkin ang koronang kay tagal niyang prinotektahan."

"Stop making excuses, Paris! Or should I say Braul? You want the throne because you are still the Paris I knew before. You're still selfish," mariin kong wika. "You don't want the throne because you want to take care of the kingdom and its people. You want the throne so you can feed your ego."

"And you don't want to give it to me because you love that guy..."

Buong pwersa kong tinulak ang espada niya. Pareho kaming napaatras.

"Amidst the fray, truth will arise. A crownless king shall be unveiled from lies..." I recited, making him baffled. "That was part of the prophecy. Caelum is the prophecy king, Paris. He is meant for the throne. Not you, not Zuri or anyone else."

"Pero kahit pa hindi siya ang itinakda ng propesiya, hindi mo pa rin ako hahayaang makuha ang trono."

"Because you have anger inside you. You have jealousy and greed that could corrupt your mind."

"Then if you're not an ally, I'd have to get rid of you too."

Muling kumirot ang dibdib ko. That's right. This is what I wanted. I wanted him to forget that we were once family too. I wanted him to treat me like an enemy. But hearing it from his lips still felt painful.

"Mother and father would be proud of us," sarkastiko kong wika.

He positioned himself for an attack. I was about to release my shadow strings when a sharp piercing noise filled my ears. Lumingon ako sa likod at nakita ang isang nag-aapoy na palasong bumubulusok patungo sa akin. I tried to dodge the attack but before it could hit, a silver haired man embraced me, taking the arrow that was supposed to be mine.

Bumagsak ako sa sahig. Tila nabibingi. Wala akong ibang marinig kundi ang mabibigat na paghinga ng lalaking nakahiga sa hita ko. Bumulwak ang sariwang dugo sa kaniyang bibig at dibdib kung saan nakatarak ang isang palaso.

"G-Genesis..." Nanginginig kong pinigilan ang dugong patuloy na umaagos sa dibdib niya. Nag-uunahan ang luha kong bumabagsak sa balat niya. "H-Hold on, makakaya kong gamutin ka..."

He chuckled, pero muli siyang napaubo ng dugo. Naninikip ang dibdib ko. Nabablangko ang utak. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"Y-You are not Helion... you cannot heal."

"P-Please..."

"I swore to protect you..." his hands were shaking as he tried to touch his chest where his birthmark was located, the same spot where the arrow hit, "with all my heart."

Hindi. Hindi pwede. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi siya maaaring mawala. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong paraan.

"N-No. No, you can't die..." I couldn't suppress my sobs anymore. Kahit anong pigil ko, wala. Hindi ko na kaya.

"T-This is why I was born. I live for you and I will die for you," he whispered. Puno ng luha ang mga mata niya. But it wasn't pain that I saw in them, it was guilt... and love. "T-This is the sacred rule of the heavens for us, and this is my curse, because a guardian was never meant to fall for his master. I'm sorry... I'm sorry for loving you more than I should."

Paulit-ulit akong umiling. I don't fucking care kung ano pang itinago niya sa akin. Just... Just let him live. Pakiusap.

"Genesis... please..."

Mas lalong bumuhos ang luha ko nang inangat niya ang kaniyang kamay. Kahit nanginginig, marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. He smiled... A smile I know I can never see again.

"I hope the heavens grant your heart's desires. Aurora Belacour, I am glad to serve you, more than ever."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top