Chapter 71: The March
Third Person's Point of View
The sky roared in anger as the last ray of sun slowly disappeared. The cold breeze of air rustled on Ara's battle suit, swaying her loose hair, as she marched on the wide lawn in front of the palace.
The establishments were shut. Every window and door of every house was closed as people peaked through random holes to witness the rally led by the academy's Headmaster Boris. Beside him were the parents of the missing students hungry for justice. Behind were the students, parents, and remaining faculties who chose to side with them. And on the last row stood the Arcanes, eyes fuelled with determination and a glint of fear, gripping their weapons tight.
Ang bawat hakbang nila ay pabigat nang pabigat. Ramdam iyon ni Ara. Rinig na rinig niya ang malalakas na kabog ng dibdib ng kaniyang mga kasama. She could see through their eyes the fear of the thought that this battle is not theirs to win. Ngunit pinili niyang iwaksi ang mga ito.
Hindi maaaring pati siya ay makaramdam ng takot. Hindi siya maaaring matakot.
"Do you think the academy will be safe?" asked Demi who couldn't conceal the nervousness in her voice.
Ara nodded in full confidence. "They will not fail Forthmore. We will not."
They have left their friends, Shaye and Rhysan, in the academy. Ideya ito ni Ara dahil masyadong madugo para sa kanila ang isang labanan. They may be skilled at combat but with the opponent's powers, maaari silang madehado. Their abilities are not for offense.
"Do you think we will—"
"We have to, Demi. This is not the right time to chicken out."
Demi fell silent.
Ara roamed her eyes on her fellow Arcanes. Tumigil ang mga mata niya sa lalaking nasa pinakadulo ng hilera. She wanted him to be beside her, to be near her, and to fight side by side again. Yet she can't. She knows she can't.
Napalingon din si Caelum sa kinaroroonan niya. The man's eyes glistened with hope as a smile crept on his face. Muling kumabog ang dibdib ni Ara. She broke the eye contact and focused on the facade of the palace instead. Ngunit kahit ganoon, ramdam niya pa rin ang titig ng lalaki sa kaniya.
Hindi nagtagal ay yumanig ang malakas na sigaw ni Boris sa buong lugar gamit ang kapangyarihan ng isa sa mga magulang ng mga nawawalang estudyante. Sinundan ito ng sigawan ng iba pa nilang mga kasama.
Ara stood erect as she listened to her army's cry. Pareho lamang ang mga katagang lumalabas sa mga bibig nila.
"Justice for Gloysh! Justice for Forthmore! Justice for the youth!"
Justice for the youth. It somehow felt familiar to Ara.
The image of her seven-year-old self flashed in her mind. She was part of the youth. Isa siya sa mga naging biktima nito. And it was her reminder of why she was doing this. It was her reminder of why she's risking her second life in an obviously losing battle.
This battle is for Milka who lost her identity.
For Shaye who was disowned.
For Caelum who was robbed of everything.
For all the missing students who never got to bid their farewell.
For the knights who were tied to the law but never evil at heart.
And for herself.
Ara held her chin up as she yelled the same battlecry. "Justice for the youth! Justice for Forthmore!"
Kasabay ng mga sigaw ay ang pagtunog ng kanilang mga sandata sa lupa. Hindi nagtagal, isang halakhak ang pumukaw sa atensyon ng lahat. It was a cold voice laughing from the palace. Sobrang nag-iba ang boses nito na lalong ikinabahala ni Ara. Mukhang nadagdagan nga ang kapangyarihan nito.
"I cannot believe this!" natatawang wika ng hari. "What is this? A joke? Nagpapatawa ba kayo?"
Napayukom ang kamay ni Ara. Naatim pa talaga ng hari ang tumawa.
"He's fucking belittling us," Ara muttered under her breath.
"Pinadala ko lang naman ang mga kawal ko sa akademya para mabawasan ang mga naninira sa kahariang ito. Pinoprotektahan ko lang ang karapatdapat na protektahan. Hindi ba dapat ay alam mo iyon, Boris?"
"Tumigil ka na. Hindi ito ang pangakong binitawan mo sa kaharian. This is too much, Zuri!"
"My dear friend, I didn't even do anything wrong. Look at yourself, your students, is this what you have been teaching them? Sino sa atin ngayon ang nagtatangka sa palasyo?"
Boris opened his mouth but Ara's shout resounded everywhere, making him stop.
"Archers, aim your arrows!" galit na sigaw ng dalaga.
Ngumisi ang hari nang mapansing walang estudyanteng sumunod kaniya ngunit hindi napawi ang kumpyansang nasa mukha ni Ara. This is her plan after all — to cast their archers into shadows.
"Stupid girl," sambit ng hari. "Kung ito talaga ang gusto ninyo, so be it."
The king raised his hand, signaling a troop of archers behind the castle's embattlements. Libo-libong matutulis na palaso ang tumutok sa kinaroroonan nila Ara na mas ikinalawak ng ngisi ng hari.
"Release!"
The arrows made piercing noises as they glided in the air towards the ground. Agad na bumuo ng iba't ibang barrier ang kasamahan ni Ara. While the shadow archers did their best to eliminate the soldiers above.
Napuno ng nakakabinging ingay ng mga espada at kapangyarihan ang buong lugar. But amidst the noise, Ara's eyes were fixed on the king who seemed to be enjoying the scene.
Nawala ang tingin ni Ara sa hari nang may palasong bumulusok sa gawi niya. She easily held the arrow with her bare hands before it touched her face. Binali niya ito at sinaksak sa sikmura ng isa pang kawal na umatake sa kaniya.
She ran towards Milka who was struggling to fight three knights. Walang kahirap hirap niyang pinaslang ang mga ito gamit ang kaniyang punyal.
"Go to Demi! Hold the battle until the Ambergail's soldiers arrive, you got me?!"
"Where are you going?!" Milka asked, catching her breath.
"Just do as I say!"
Tumakbo na si Ara sa kabilang bahagi ng palasyo. Iniiwasan at pinapaslang niya ang lahat ng kawal na nagtangkang humarang sa kaniyang daan hanggang sa makaabot siya sa kinaroroonan nina Boris at iba pang mga magulang.
"Ara! Where are the others?!"
"Scattered. Kailangan kong makapasok sa palasyo so do whatever it takes to ward off these bitches!" aniya at pinugutan niya ng ulo ang isang kawal sa kaniyang likuran.
Boris's face was filled with confusion but he nodded. Hinayaan niyang tumakbo si Ara at hinarang ang mga kawal na nagtangkang sumunod dito.
Ara leaped on the wide windows, swung through the thick cables, and finally landed on the main hall of the palace. May naabutan siyang iilang kawal na walang awa niya ring pinaslang.
Umikot siya, bitbit ang kaniyang sandata sa harapan. "Alam kong nandito ka. Harapin mo ako!"
Walang sumagot sa kaniya. Ara gritted her teeth. Nakarinig siya ng malakas na singhal mula sa itaas kaya mabilis niyang tinahak ang hadgan patungo roon. She hurried upstairs, leaping every three steps. She covered herself with a shadow barrier para mas madaling mapaslang ang mga kawal na humaharang sa kaniya.
Nang sa wakas ay narating niya ang tuktok ng palasyo, sinalubong siya ng mga butil ng ulan. The sky is now completely dark but the entire place was still alive with the noise of swords clashing, powers sparking, and grunts and moans of pain.
A group of knights grinned, looking at her lusciously. Inis niyang binalingan ang mga ito.
"Hindi kayo ang hinahanap ko, mga asong ulol!"
Sabay niyang sinikmuraan ang dalawang kawal gamit ang kaniyang siko. She kicked the other three with full force while stealing their swords to slit the last knight's throat. Pinahid niya ang dugong tumalsik sa kaniyang mukha.
She turned around when a clap emerged from the dark. The king smirked, glancing back and forth at Ara and at the battle happening below them.
"Hindi ka ba naaawa sa mga inosenteng dinamay mo sa kagustuhang mapatay ako?" pangungutya nito. "Kung hindi dahil sa iyo at sa Boris na iyon, wala sanang dugong dadanak ngayong gabi."
"At magpapatuloy ka sa kahayupang ginagawa mo sa kaharian," malamig na wika ni Ara.
"Kahayupan," the king gave an annoying chuckle, "what a word. Sabihin mo nga sa akin kung ano nga bang kahayupan ang ginawa ko? Kahayupan bang matatawag ang magkaroon din ng isang bagay na ipinagkait sa 'kin?"
Umigting ang panga ni Ara. Gumawa pa talaga ito ng dahilan.
"If you were born a Mortis, you will die as one. That was the law, right? The law you so fucking abide."
"I am not a Mortis!"
Nabigla si Ara sa pagsigaw nito. Ang kaninang kalmado at nang-aasar nitong boses ay napalitan ng galit at pagkamuhi. Niyukom ng hari ang kaniyang kamay.
"Conor has always been in the spotlight, and Sharem, Sharem has always been treated better than me! Pinabayaan nila ako hanggang sa pati ang sarili kong kapangyarihan ay hindi ko na mailabas. Kagaya mo, naging bata rin ako. Kagaya mo, pinagtanggol ko lang din ang sarili ko."
Nanibago si Ara sa kaniyang nakikita. At some point, somehow, naiintindihan niya ang mga katagang lumalabas sa bibig nito. Alam niya kung anong nagagawa ng galit sa isang tao. Pero kahit katiting ay hindi siya nakaramdam ng awa.
"Tama ka, kagaya ko ay naging bata ka rin. But your pain will never justify all the innocent lives you took, all the powers you stole, all the blood you spill! It will never justify the way you killed an innocent man just because he refused to lend you a fucking machine."
Bawat katagang sambit ni Ara ay may diin. Yes, her past took a toll on her too. It drove her to be this way. It planted hatred and vengeance in her heart, but it was always a choice to live in the dark or step out in the light. It was a choice. Always.
"Don't make me laugh, kiddo. I do not have the machine. But I did kill Shawth Gloysh. He deserved it." The king let out a psychotic laugh. Paiba-iba ang emosyon nito. Kung kanina'y galit, bumalik na naman ito sa pangungutya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Ara sa narinig. Kung wala sa kaniya ang machine, nasaan?
Napahawak si Ara sa kaniyang punyal nang itinaas ng hari ang kaniyang espada. Ara's dagger glowed, slowly transforming into a sharp sword. She tried to speak but the king quickly slashed his sword towards her. Sinangga niya ito. Their swords screeched as they pushed against each other towards the edge of the tower.
Ngunit sadyang iba ang pisikal na lakas ng hari. Unti-unting umaatras ang mga paa ni Ara patungo sa dulo. She mentally cussed. Niliko niya ang kaniyang paa sa ibang direksyon at buong lakas na tinagilid ang kaniyang espada sanhi para mawalan ng balanse ang hari.
The king reached for her once more but she swiftly slashed his hand. Natamaan ng espada ang mga daliri nito. They scattered on the ground. The king yelled in pain and anger. Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"You..." mariing wika nito, "your head will be my biggest pride."
"Mamamatay muna ako bago mo makuha ang ulo ko."
Ara initiated the attack. Walang habas niyang iniwasiwas ang kaniyang espada. Sa bawat hakbang nila papalapit, bawat pagtunog ng kaniyang espada, paatras din ang hari. The last clang of Ara's sword made the king step on edge, finally losing his balance to fall. Pero hindi napansin ni Ara ang biglaang pagkapit ng kamay nito sa laylayan ng kaniyang damit.
Tumigil ang paghinga ni Ara nang sabay silang bumulusok pababa. She tried to get off the king's grip, pero mas lalo lang nitong hinigpitan. Sinubukan niya rin gamitin ang kaniyang kapangyarihan ngunit tanging malalabo na imahe ng palasyo lamang ang nakikita niya.
Ilang segundo lang ay biglang bumagal ang kanilang pagbagsak hanggang sa tuluyan silang lumapag ng marahan sa lupa. Ara then saw Estelle meters away from them. Kinokontrol nito ang hangin.
"Do you really think you can win?" muling sambit ng hari.
"I don't just think so. I know so."
"It's good to hear such bravery before a kid like you goes back to darkness."
Ara smirked. "You seem to be still stuck in our history. Pardon me, your highness, but I am no longer a kid."
Another fight broke out between the two of them. Ara, though nauseous with the fall, defended with all her might. Ang hari naman ngayon ang bumawi. Walang tigil itong umatake sa kaniya.
Ara cursed when the king touched her shoulder, petrifying it. Napahawak siya sa bato niyang balikat. Lumalakas na ang ulan pero malinaw sa kaniyang paningin ang nakangising hari.
Anger ran through Ara's veins. She clenched her sword tight, raising her other hand in the air emitting a compacted ball of shadows. Sa isang kurap, sumulpot sa harapan ng hari ang walang emosyong mukha ni Ara. She whacked the king's neck with the sword's handle before kicking his knee. Napaluhod ang hari sa basang lupa. Itinutok ni Ara ang kaniyang espada sa leeg nito.
"A reign in flame unwritten in stone, by a specter with vengeance bred, his fate shall be known..." malamig na sambit ng dalaga na ikinatayo ng balahibo ng iba.
She didn't utter more but everyone knows what she said. Alam niyang naiintindihan ito ng lahat na nakakarinig sa kaniya, lalong lalo na ang haring nakaluhod ngayon sa kaniyang harapan. Alam niyang alam nila na iyon ang propesiya.
The king snorted, chuckled, until it turned to a mocking laugh. "And who do you think is that specter? You?"
"Are you that stupid to confuse a simple stanza?" Umangat ang sulok ng labi ni Ara.
The king gave out a snort once again. "Your stupidity amazes me! Lahat kayo. Mga bobo at uto-uto!"
Humigpit ang hawak ni Ara sa kaniyang sandata.
Inikot ng hari ang kaniyang tingin sa mga kawal, estudyante, at mga magulang na natigil sa pakikipaglaban upang pagmasdan sila.
"Anong tinitingin-tingin niyo?! Hinihintay niyo bang magmakaawa ako? Lumuha?! You all are so stupid! Napaikot ko kayong lahat. Kung hindi lamang dumating ang pakialamerang babaeng ito, patuloy kayong iikot sa kamay ko, mga hangal!"
Ara couldn't understand the point of him yelling those insults, but she let him speak. Nagbabakasakaling may makuha pa silang impormasyon.
"No wonder I managed to rise on the throne... no wonder blood never felt thicker than water. No wonder I succeeded in destroying everyone who stands in my way! Old Gloysh! Useless Sharem!" His voice lowered to a whisper but loud enough for Caelum, who's behind Ara, to hear. "Even Conor, my dear stepbrother."
Natigilan si Ara. Hindi pa siya nakaimik nang namataan niya si Caelum na nagagailiting nakahawak sa leeg ng kaniyang uncle. Puno ng galit at sakit ang mga mata nito. Mistulang sasabog na ang mga ugat sa kaniyang kamay sa sobrang lakas ng kaniyang pagkakahawak.
"Y-You... What did you do to my father?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top