Chapter 70: The Proposal

LIFE is indeed too short for a person to waste. One second, you are talking to your friends, arguing with someone you dislike, keeping feelings, cooking for someone special, getting caught up with the busy world. And in one snap as well, life can snatch back your tomorrow — it may never come.

Blangko akong nakatitig sa kabaong ni Mr. Shawth habang patuloy na nagluluksa si Alice sa harap nito. Boris held a secret funeral for Mr. Shawth to honor his loyalty to the kingdom, at bilang pasasalamat sa teknolohiyang naiambag nito sa kaharian. But only a few of his close relations attended. Tanging kami lang ng mga Arcanes at ang apo niyang si Alice.

Parang kahapon lang noong una kong nakilala ang matanda, ang misteryoso niyang itsura at ang kapangyarihan niyang taglay. The thought of his old hoarse voice gives a pang of pain in my chest. He's old and has lived his life, but I witnessed how much he loves Alice. I don't think he wanted to leave her alone just yet.

"Hey," mahinang sambit ni Genesis na kararating lang. Tumabi siya sa 'kin. "After this, Uncle Boris wants us to be at the lab."

Kumunot ang noo ko. The moment we arrived in the lab last night, the machine was already stolen. The council warned us to not meddle with the investigation. Mukhang susuwayin na talaga ni Boris ang mga utos sa kaniya.

Tumango na lang ako kay Genesis at muling tinuon ang atensyon kay Alice na sinusubukang pakalmahin ni Third. We waited for her to speak pero nakatungo lamang ito sa mic.

"It's okay if you can't do this right now. Kami na lang..."

Hindi natuloy ang sasabihin ni Third nang biglang mag-angat ng tingin si Alice. I was taken aback when his right eye flickered in violet. Tinignan ko ang mga kasama ko to see if nakita rin ba nila pero tila ako lang 'ata ang nakapansin no'n.

Alice held the microphone. Isa-isa niya kaming tiningnan hanggang sa huminto ito sa akin. "M-My lolo is innocent. Please, make them pay."

She dropped the mic on the ground and ran away. Sinubukan siyang habulin ni Third pero hindi na ito naabutan.

"She's just a kid," wala sa sarili kong bulong. Hindi ko alam. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

I felt Genesis and Caelum's gaze at me. Bahagyang hinawakan ni Caelum ang kamay ko at pinisil ito upang pakalmahin.

"Mr. Shawth will not be deprived of justice. Sisiguraduhin ko 'yon," he tried to assure me.

Tipid lamang akong ngumiti. "Call the others. Boris wants us to be at the lab."

Sinunod niya ang sinabi ko. Hinintay muna naming maibaba sa lupa ang kabaong ni Mr. Shawth bago nilisan ang bundok kung saan kami nagtipon. We used a portal to quickly arrive at the inn. Naabutan namin doon si Boris na sinusuri ang mga machines na nasa glass box.

"The council already left. Naniniwala silang Dygaians ang may gawa nito pero tingnan niyo." Suot ang gloves niya, may kinuha siyang device na may passcode. Tinipa niya rito ang code na nakaukit sa likuran ng bracelet na nasa gilid. The bracelet that Alice probably made for him. Lumabas ang tila isang hologram nang ma-unlock ito ni Boris. "This is Mr. Shawth's last command of the machine, to destroy it."

"It's undone," sambit ni Sin.

"Because someone barged in. That explains the scratches," dagdag naman ni Rhysan.

Humakbang ako para lapitan ang scratch sa sahig na sinabi niya, but I stopped when I felt something beneath my feet. Kinuha ko ito. It was a piece of armor, and a familiar bead. Pinakita ko sa kanila ang maliit na piraso ng armor.

"Mr. Shawth fought a Forthmore knight."

I caught a glimpse of Caelum balling his hand into a fist. Pati ang iba ay napabuntong hininga na lang. I don't think the council overlooked this piece of evidence. Sinandya nilang hindi ito pansinin para hindi na lumaki ang gulo. A familiar tactic Zuri has been doing ever since. 'Yon nga lang, masyado silang nakampante na hindi kami makikialam.

"What do we do now? Kung nasa kanila ang machine, dehado na tayo," nag-aalalang tanong ni Estelle.

"Keep his eyes on us," wika ko. "Kung nasa atin ang atensyon niya, hindi niya magagamit ang machine na 'yon."

Milka agreed with me. "We can distract them while we continue our preparations. A transmission of power can take a week or so. It is a long process, so we don't need to attack every single day. We just need to make sure our timing is right to distract the transmission."

"I will be your eyes at the palace," Caelum stated. "I can easily sneak in and out."

"It's risky."

"There's no one else here who can do it, Ara. I am his closest relation." Saglit siyang natahimik bago determinadong tumingin sa aming lahat. "And the throne is rightfully mine."








TIME indeed flies undeniably fast when waiting for an approaching storm to hit. Bawat galaw, bawat salita, bawat pintig ng puso, at bawat hininga ay rinig na rinig sa buong akademya. The smell of anxiety and fear were dominant but somehow, some people still chose to hope, na kahit papaano'y may magandang kinalabasan pa rin ang rebelyong sinimulan namin. It brought us closer.

I secretly clenched my chest as I stared at the Arcanes in the living room. Nasa pintuan lamang ako ng aking kwarto, pinagmamasdan sila. They were busy preparing for Zale's surprise for Milka. It has been almost two weeks since Mr. Shawth's funeral. Alice was sent to Ambergail under a trusted relative. Pero ang inn, minabuti na lang na ipasara para wala nang makisawsaw sa imbestigasyon.

For two weeks, Boris handled the attacks sent to the palace with the help of the three councils who sided with him. Of course, malaking bahagi roon ang pag-eespiya ni Caelum sa palasyo. He wanted us, the Arcanes, to keep a low profile and focus on our training first kaya halos dalawang linggo na rin kaming labas-masok sa training room. Kulang na nga lang ay doon na kami matulog.

Today is the only day we decided to rest. And now, instead of resting, tutok na tutok sila sa sorpresang inihanda ni Zale. Iba talaga ang nagagawa ng posibilidad na maaaring magwakas ang buhay ng taong mahal mo anumang oras. It pushes you to spend the most of your remaining life with them.

"Ara, halika!"

Nakangiti akong lumapit sa kanila. The boys were preparing the table and the chairs, except for Jiro, Zale who's currently at the Prime Gardens with Milka to distract her, and Sin who refused to see the surprise for obvious reasons. Rhysan, Shaye and Estelle were in charge of the decorations. Samantalang in charge naman sa pagluluto sina Caelum at Demi.

"I don't know how to do this," alinlangan kong sambit. Binigyan niya ako ng isang spatula at isang bowl ng melted chocolate.

"Caelum will help you," mapanuksong sabi nito na ikinairap ko.

Sinimulan na namin ang kung anumang ginagawa nila. Mostly, it was Caelum who did the cooking. Tanging taga-abot lang ng kitchen utensils at ingredients ang ambag ko sa buong preparasyon. We finalized the arrangements saka kami nagtago. Halos sampung minuto rin ang hinintay namin bago ako makaramdam ng mga yapak palapit sa pintuan.

The door creaked open. Hindi ko masyadong nakita ang reaksyon ni Milka dahil nakatalikod ito sa akin, but she happily embraced Zale. Napangiti ako nang dahan dahang lumuhod si Zale sa harap niya.

"I know a proposal is the least thing we should think about before a war but I want you to hold on to this ring as a promise." Zale slowly opened the jewellery box, revealing a silver ring of twisted waves and shadows, just like their powers. "Mikaela Ross, can you be my wife when all of this is over?"

Nanubig ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila. How beautiful and comforting it is, na kahit nasa harap na ang unos, may dalawang puso pa ring nangangakong mabubuhay at babalik sa piling ng isa't isa.

I wiped a tear on my cheek. I don't even know why I'm crying. Masaya ako para sa kanila pero hindi ko alam kung bakit masakit. Or maybe... maybe I just want my heart to be that hopeful. Maybe, in the back of my mind, I also wanted to have the kind of assurance that no matter what happens, we will always find each other. Maybe... naiinggit ako sa katotohanang hindi kailanman magkakapareho ang pagmamahalang mayroon sina Milka at Zale at ang pagmamahalang mayroon sa amin ni Caelum.

Because our love has always been forbidden.

Inayos ko muna ang sarili ko sa banyo. Naghilamos at naglagay ng kaunting polbo sa mukha. I also put a bit of lipstick para matakpan ang pamumutla ko. Sakto namang natapos ako ay umingay na rin sa labas. Mukhang successful nga ang proposal.

Saglit akong napahinto sa pagpihit ng doorknob nang makaramdam ng kaunting pagkahilo. I pressed my eyes close at bahagyang minasahe ang aking sintido. Nang bumalik na sa dati ang paningin ko, lumabas na ako at naabutan silang nagkakatuwaan.

Milka ran to me as soon as she saw me approaching. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you so much, Ara. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako makakabalik dito. Hindi ako magiging ganito kasaya." Kumalas siya sa yakap sabay pinakita sa 'kin ang singsing sa kaniyang daliri. "I said yes."

"I am happy for you," I replied wholeheartedly. Ngumiti ako sa kaniya, totoong ngiti.

Nagsimula na kaming mag-celebrate. Nilabas na namin ang pagkain na hinanda nina Caelum at Demi bago pumwesto sa hapagkainan. Nasa tabi ko sina Genesis at Shaye at katapat ko naman si Caelum. Tumayo muna si Milka at naluluhang hinarap kaming lahat.

"Thank you, everyone. You have no idea how happy I am right now. Salamat sa pag-prepare ng mga 'to, at salamat sayo, mahal." Ngumiti lamang si Zale sa kaniya. "Kahit hindi pa masyadong bumabalik ang alaala ko, hindi niyo pinaramdam sa 'kin na iba ako sa inyo. Pangako ko, guys, lalaban tayo. Mabubuhay tayo. Malalagpasan natin 'to. Pupunta kayo sa kasal namin ni Zale. Pangako iyan."

"Yes! Tayo pa ba? Kaya natin 'to!" energetic na sambit ni Estelle na sinabayan naman nina Third, Rhysan at Shaye.

"Makikikain pa tayo sa kasal nila," natatawang sambit ni Genesis.

"So, ako ka naman ang kawawa nito? Mangangamoy kusina na naman ako."

Tinawanan lang namin si Demi. Siya naman kasi ang pinakamagaling magluto rito maliban kay Caelum kaya malamang.

"Ganda ni Ara kapag tumatawa oh," tukso sa akin ni Estelle.

"Baliw." Umarte akong babatuhin siya ng kutsara at nagkunwari naman itong natamaan siya. Nagtawanan na lang kami.

Napahinto ako nang muling makaramdam ng pagkahilo. Humigpit ang paghawak ko sa kutsara at tinidor.

"Are you okay?" I felt Caelum's hand on my hand. Napahinto rin ang iba at napunta ang atensyon sa 'kin.

"Ara? Okay ka lang?" tanong ni Shaye sa tabi ko.

"I'm fine."

"Sigurado ka?"

Tumango ako at pilit na ngumiti. Akmang susubo na ako ng pagkain nang biglang may kung ano akong naramdaman sa aking sikmura. Nabitawan ko ang mga kubyertos, muntik pang mahulog ang pinggan ko. Nagmamadali akong tumakbo sa kusina. I gagged as I tried to throw up pero tanging tubig lamang ang lumabas sa bibig ko.

Narinig ko ang mga natatarantang  yapak nila papalapit sa 'kin.

"Ara, anong nangyari?"

"Hala, wala namang poison sa pagkain 'di ba?"

"Gaga, kung poison 'yan, kanina pa siya dapat naging violet!"

"Hey, what's wrong?"

Sinara ko ang gripo at humarap sa kanila. Nag-aalalang nakatingin sa akin si Caelum. Pinalilibutan nila ako maliban kay Genesis na tahimik na nakatingin sa 'kin mula sa dining area.

"I'm okay," wika ko. Lihim akong napahawak sa aking tiyan. May nakain lang siguro akong hindi maganda kanina.

Ngumiti lamang ako sa kanila. I went back to my seat and urged them to do the same. Panay pa rin ang sulyap nila sa akin habang kumakain.

However, the stillness of the dining area was disrupted when a massive explosion resounded in the entire academy. Napatayo kaming lahat. Hindi maganda ang kutob ko rito. We' re fucking unprepared!

"The palace knights are raiding the campus. They're bombing the main building!" sigaw ni Sin na kararating lang. Bakas ang pagkataranta sa boses niya.

"Shaye and Milka, help the students evacuate. Dalhin niyo sila sa baba ng tower na 'to. Provide a barrier for them. Rhysan and Third, find Boris and the three councils. The rest, wear your gears and come with me," utos ko na mabilis nilang sinunod.

We hurried to our respective rooms, geared up our armors, and proceeded outside. Habang kinakabit ko ng maayos ang belt sa aking beywang, mabilis kaming tumakbo papunta sa main building. Dumagundong ang sunod-sunod na pagsabog mula rito na mas lalong ikinakabog ng dibdib ko.

Sinamantala nila ang pananahimik namin. Fucking cunning.

"Ara, Caelum! I see Mrs. Sandria and the others!" Estelle yelled as she used her power to clear up all the dust blocking our sight.

From meters afar, Mrs. Sandria and the others were fighting a losing battle against an army of knights. Dehado sila dahil napapalibutan sila nito. Sa gitna nila ay si Mrs. Rowder na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan para kontrolin ang mga nabiak na semento at bato mula sa gusali.

"Fuck this." Tumakbo ako patungo sa direksyon nila. I used my shadow strings to help Mrs. Rowder with the debris.

Napalingon sila sa gawi namin. Tila nabuhayan ang mga mata nito. "Arcanes!"

Sinaksak ko ang isang kawal na nagtangkang tumakbo sa gawi ko gamit ang aking punyal. Tumalsik ang dugo nito sa paligid. Three knights saw what I did. Agad silang tumakbo sa gawi ko pero mabilis kong binagsak ang sementong kinokontrol ko papunta sa kanila, leaving them buried on the ground.

"As soon as Boris arrives, we need to leave but someone has to stay to fight these knights! The rest will proceed to march on the palace!"

"Ara! We are unprepared!"

"Death will never say when it's gonna take you, Demi! Let's not wait for them to ruin our home! Kailangan natin silang mailayo sa akademya!" I responded, slashing my dagger across a knight's chest.

My home. The academy is my home.

This is the only place where people like me can feel like they belong, and I cannot deny the future generations of the beauty this academy possesses. Hindi ito maaaring masira.

I leaped towards Mrs. Cassandra, kicking the knight behind her. Tinulak ko siya paatras upang maiwasan ang atakeng paparating.

Nagpatuloy ang labanan ng halos isang oras bago humupa ang gulo. Tagaktak ang pawis kong inupuan ang sikmura ng isang knight habang iniikot ang paningin sa paligid. May ibang knights pa ring pilit nakikipaglaban na siyang hindi naman pinapaslang ni Caelum. Sinubukan niya pang kausapin ang mga ito.

"Don't you think it's odd that they never use their powers?" hinihingal na tanong ni Genesis na ikinapantig ng tainga ko.

They never use their powers. Maaaring kagagawan na naman ito ni Zuri. Or worst...

"Hindi naman siguro kinuha ng hari ang lahat ng kapangyarihan ng mga kawal niya, hindi ba?"

Napatingin ako kay Genesis. Maging sila Demi ay napaisip din. Maaaring kinuha nga ni Zuri o may mas masahol pa siyang ginawa sa mga kawal na ito. Kung ganoon ay mas mahihirapan kami.

"Ara! Arcanes!" Boris yelled our names, making all of us turn on him. He roamed his eyes on the surroundings. Tila nanlumo ang mukha niya nang makita ang sirang gusali ng akademya. "I was in a meeting with the council, and I have good news."

"What is it?" Caelum asked, finally whacking the knight's head.

"King Rafael signed the alliance. He will send his army."

Great. And now, we march.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top