"THE next students in this list are from Saltwreath."
Bahagyang namula ang pisngi ni Shaye nang binanggit ko ang lugar na iyon. Sa pagkakaalam ko, she's seeing someone from Saltwreath. Siya iyong lalaking may-ari ng puting scroll na nahanap nila sa kwarto ko. I kinda want to know him for his great timing.
"Nasa Eastern part 'yan ng Forthmore. Aabutin tayo ng isang araw kung magkakarwahe lang," Shaye said.
"May portal seeds pa ba?" tanong ko kay Third na kasalukuyang nakahawak sa supot na naglalaman ng mga buto.
"May apat pa."
"Pwede pa 'yan. Leave the two seeds here for Mrs. Rowder and the others."
Tinanguan nila ako. Nagpagpasyahan namin dito na lang muna maghintay sina Mrs. Rowder at ang ibang mga magulang. Milka volunteered to guard them for the meantime, para kahit wala kami rito, may mapagtanungan pa rin sila.
Pumwesto na kami sa harap ng portal na inihagis ni Third. Isa-isa kaming pumasok. The sound of waves and smell of the sea welcomed us when the portal vanished. Nasa isang mapayapang dalampasigan kami nito niluwa. Kitang kita mula rito ang napakalawak na karagatan. Tanaw rin dito ang dalawang islang tila lumulutang sa bandang gitna ng dagat. Ang isa ay mas malapit, samantalang ang isa ay singliit na ng langgam sa sobrang layo.
"I missed this!" Shaye yelled in excitement. Tumakbo siya sa tubig at sinabuyan sina Estelle. The others joined her except for Jiro, who settled on a rock watching them, and Carwell who stood silently beside me. Nakapinta ang tipid na ngiti sa mga labi nito.
"Masyado ka nang nasanay sa ngiti mo," sambit ko.
"Ikaw rin."
Inirapan ko siya. Dumako ang tingin ko sa maliit na isla sa gitna. "That's Forthill, right?"
Tumango siya. "Your home."
Tahimik akong natawa. He's practically joking. Kahit kailan hindi ko tinuring na tahanan ang islang iyon.
"It's my birth place but it never felt like home," wika ko. "Wala akong lugar na matatawag na tahanan."
I mean, the academy is close to that, pero hindi pa rin talaga. It's not the academy that I learned to cherish after all, it was them. It was the Arcanes.
"Someday, you will find that place. Kung hindi mo mamasamain, pwede kitang samahang hanapin iyon."
"Ba't ko pa hahanapin? Nasa harap na kita."
"What?"
"Just kidding." I stuck my tongue out and grinned at him before walking towards Demi.
"Oh, ano 'yung ngitian na 'yun? Kayo ha," panunukso niya habang inaayos ang pagpusod ng kaniyang buhok.
"Baliw. We were just talking about our next move," I insisted.
"Talaga ba? Grabe naman ang pinag-usapan niyo at naiwang nakatulala ang isa do'n." Nginuso niya si Carwell na tulalang nakangiti. Namumula ang tuktok ng tainga nito. "Alam mo, Ara, wala namang masama kung mag-aminan kayo. It's better than regret, you know. We never know what could happen to us next, kaya habang may pagkakataon pa, magpakatotoo ka na."
She's right, pero hindi naman ito simpleng takot lang. I'm not afraid of rejection, I am more afraid of the life he could have if he's stuck with me. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kaniya.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo," sambit ko.
She just shrugged. Ilang minuto ang lumipas, natapos na ring magkulitan ang iba. Shaye led us to the heart of the city. Basang basa pa rin ang iba nang makarating kami sa isang maliit na hotel na puno ng palamuti. Shaye took the lead dahil mukhang kabisado niya na rin ang siyudad na 'to. Iba talaga 'pag lakwatsera.
"Room #434 para sa boys, room #433 naman sa girls." Inabot ni Shaye ang mga susi sa amin. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming rooms.
May dalawa kaming address na pupuntahan dito. Base sa profile ng estudyante, mukhang magpinsan ang dalawa kaya hindi na namin kailangang maghiwa-hiwalay. The only problem is that the address pointed to the southwestern part of Saltwreath, the place closest to the Forest of Avalan, the same forest kung nasaan ang cabin ni Demi. Wala namang problema kung sina Shaye at Carwell lang, but the others, I don't know. I don't trust them fully yet. My instincts are telling me na hindi lang si Snow ang tahimik na gumagalaw sa loob ng akademya.
We took an hour to rest. Naglunch muna kami bago nagsimulang maglakbay patungo sa address na nakasulat. Hindi naman gaano kahaba ang byahe. Wala pang isang oras, nakarating na kami sa timog.
"May tao bang nakatira rito? This place looks abandoned," Rhysan asked while we were roaming the area.
Medyo nasa bukana na kasi ito ng kagubatan. Wala na masyadong bahay ang makikita maliban sa mga baro-barong nilamon na ng kalikasan.
"The last time I was here, this was a lively village. Hindi ko alam kung bakit naging ganito 'to ngayon." May bahid ng pagtataka ang boses ni Shaye.
"Let's just find a decent house. Magtanong tanong tayo," Third suggested.
Naghiwa-hiwalay kami upang maghanap ng kabahayan. Carwell took the same path as me. Habang naglalakad, isang nakakailang na katahimikan ang bumalot sa amin. Naalala ko na naman ang sinabi ko kanina. Like, what the fuck? Nababaliw na 'ata ako.
"I don't feel good about this place," aniya.
"Me neither."
My eyes darted at a giant tree meters away from us. There was a ladder hanging in its trunk. May mga pira-piraso ring damit na nakakalat sa baba nito. Carwell and I immediately went to its direction.
A treehouse. There was a tiny treehouse above. Base sa itsura nito, someone was definitely living in there. Sinubukang tawagin ni Carwell ang kung sino mang nasa loob pero wala kaming narinig na kahit ano.
"I'll go," sambit ko pero inunahan niya na akong umakyat.
"Diyan ka lang. Magmasid ka."
Wala akong nagawa kundi sundin siya. Ilang minuto akong nakatingala at naghintay nang biglang may malakas na kumalabog sa loob. Agad na naalerto ang sistema ko.
"Carwell?!" I shouted. "What's happening in there?!"
My chest starting throbbing in anxiousness. Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan ng ganito.
"Hello?!" muli kong sigaw ngunit wala pa ring sumagot.
Oh, fuck this! Mabilis akong umakyat sa treehouse. Nanlalamig ang kamay ko nang makarating sa taas. I almost shrieked when a hand suddenly clasped my mouth. Nagpumiglas ako. Just then, I smelt something familiar behind me. Sinubukan kong lumingon sa kaniya pero pinigilan niya ako.
"Don't move. Something's behind that window," he whispered. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Nakakailang.
Pinakiramdaman muna namin ang paligid. Carwell, then, let me go to get a closer look at the creature he mentioned. Ngunit nagulat ako nang biglang humampas ang malakas na hangin kasabay ng paglitaw ng isang hindi ko kilalang nilalang. Tila hinihigop nito ang kaluluwa ko. It had an overall physique of a normal man but its ears were pointy, abnormally tall, its skin was shredded, as if an unusual birthmark that covered all its body, and the creepiest thing was, it's almost transparent.
Carwell dragged me back to the ground, and the next thing I knew, pareho na kaming dalawang tumatakbo palayo sa treehouse. Hindi ko alam kung ano ang nilalang na 'yon at ganito ang reaksyon ni Carwell, but it that creature can cause him panic, it's probably a dangerous one.
Sa wakas ay huminto na kami sa pagtakbo. We're in the same spot where the Arcanes separated. Nangangatog ang tuhod ko. That was the fastest sprint I had for a while now.
"What was that?" hinihingal kong tanong.
"You've never heard of it? It's a voanchi, a creature from the past that sucks someone's soul. Nabasa ko lamang sila, I didn't even know they were real..." paliwanag niya habang habol din ang hininga.
I lived nearby this forest for three months. How come I never got the chance to see them? They don't seem harmful nor kind, but they're definitely awful to look at. Talagang maninindig ang balahibo ng sinumang makakakita sa kanila.
Napaayos ako ng tayo nang makarinig ng mga yapak papunta sa gawi namin. Carwell and I positioned ourselves. Nakatalikod kami sa isa't isa, handang makipaglaban. But we were relieved to recognize the figures running towards us. It's them.
"Shit, shit, shit! Ano ba 'yon?!"
"Kinilabutan ako do'n!"
"How did they get here?"
"'Yan ba talagang iniisip mo ngayon, Tanda? 'E halos lamunin na tayo ng kung anuman 'yon!"
"Cae, Ara! Are you guys okay?" Shaye rounded on us. Halos lahat sila ay namumutla at hinihingal. They must've seen that creature too.
"Yeah. We're good."
"Nakita niyo rin ba?" Estelle asked. "Those creepy creatures?"
Tumango kami.
"We need to get out of here first. The address might be wrong. Matagal nang walang nakatira sa lugar na 'to maliban sa mga voanchis," sambit ni Carwell.
Agad na lumapit sa akin si Demi upang sumabay sa 'kin sa paglalakad. She kept on explaining about the voanchis and how cool its abilities are. Kaunti na lang, magiging kapatid na ni Rhysan ang isang 'to.
All of us stopped walking when two women blocked our way. They were normal women with normal ears kaya nakahinga kami ng maluwag. But I was hella confused as they aimed an arrow towards us. Tatlong arrows sa isang palaso.
"Wait, hindi po kami naparito upang manggulo," awat ni Rhysan.
"Lahat ng pumasok dito ay walang ibang ginawa kundi manggulo. Kayong mga dayo ang dahilan kung ba't lumipat sa payapang lugar na 'to ang mga nilalang na iyon," malamig na wika naman no'ng isang babae.
"Please, makinig po kayo. Wala po kaming masamang intensyon dito. May hinahanap lang po kaming mga Heindman. Baka kilala niyo po?"
Saglit na nagtinginan ang dalawang babae bago sumagot. "Anong kailangan niyo sa amin?"
"Kayo po sina Mrs. Cassandra at Mrs. Sandria Heindman?"
Sabay na tumango ang dalawang babae. Rhysan offered her hand. "Kailangan niyo pong sumama sa amin, tungkol po ito sa inyong mga anak."
The two women exchanged a hesitant glance. They opened their mouth to speak yet a harsh gust of wind suddenly struck at us. Muntik na akong mawalan ng balanse sa sobrang lakas ng hangin. Unti-unting nagsilitawan sa harap namin ang mga voanchis na walang emosyon ang mukha.
I felt a cold hand under my chin. Sinubukan kong lingunin ang iba kong kasama pero hindi ako makagalaw. I could hear their voices behind me, calling my name over and over again. But my eyes were fixed on the cold green eyes of the transparent creature in front of me.
I couldn't look away as it spoke in a haunting whisper. "Aurora Belacour..."
I felt its breath mixing with mine. Pakiramdam ko'y hinihigop ako nito. There something inside me wanting to burst out, na tila nahahati ang katawan ko at ang aking kaluluwa.
"Belacour, wake up! Fight it!" Carwell's voice echoed in my brain. I don't know how to fight it. Nawawalan na ako ng lakas.
"That's enough!" a woman shouted.
Bumagsak ko sa sahig, sapo ang dibdib ko at namumutla. The Arcanes ran to me, niyuyugyug ako upang magsalita, but I was gasping for air. Wala sa sarili akong nakatitig sa babaeng may ginagawang kung anong orasyon para itaboy ang voanchi na nagtangka sa akin.
"You should never have come here. Pinatawag niyo na lang sana kami sa akademya kaysa ihain ang sarili ninyo sa kapahamakan," wika ng isa pang babae.
The atmosphere gradually turned back to normal. Unti-unti ko na ring nababawi ang aking hininga kahit na nanlalamig pa rin ang kamay ko. Nararamdaman ko pa rin sa aking baba ng malamig na hawak ng nilalang na 'yon.
"Belacour, talk to me please... Can you hear me? May masakit ba sa 'yo? Hey... Belacour!"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaki sa 'king harapan. Nakahawak siya sa magkabila kong balikat at pilit akong pinapaharap. I don't know what got into me, kusa na lang pumulupot ang braso ko sa kaniya.
Buong buhay ko, ngayon lang ako natakot ng gano'n. That creature's eyes and the way it effortlessly suck the life out of me. Ngayon lamang ako natakot mawalan ng buhay. Ayaw ko pang iwanan sila.
Ayaw ko pang iwan ka, Caelum.
"It's okay. You're okay now," he whispered.
Tahimik akong kumalas sa yakap. Everyone's eyes were on me as I stood up. Tinaasan ko sila ng kilay. "What are you looking at?"
The girls grinned. Nangunguna roon ang nanunuksong tingin ni Demi at Shaye. Bago pa man nila ako mapagdiskitahan, nilapitan ko na ang babaeng nagligtas sa 'kin kanina.
"Mrs. Cassandra, right?" I paused. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko 'to. Tipid akong ngumiti. "Thank you."
Tinapik niya ang balikat ko. "Walang anuman, bata. Umalis na tayo rito. Hindi lamang kayo ang unang sumubok na kausapin kami."
"Ano'ng ibig niyong sabihin?" Rhysan forwarded.
"Kami ang ibig niyang sabihin." Sabay naming lahat na nilingon ang pinanggalingan ng boses. A troop of armoured palace knights was pointing their swords at us. "Jackpot pa at nandito ang leader ng Arcanes."
Humakbang ako patungo sa harapan. The knights pointed their blades at my neck. Kung hindi nila kayang higupin ang kauluwa ko, wala akong rason para matakot.
"Utos ng hari na pabalikin ka sa palasyo, prinsipe," wika ng leader ng knights kay Carwell.
So, now they acknowledge him as their prince? Kung kailan nabunyag na ang katotohanan.
"Hindi ko maaaring kunsintihin ang lahat ng ginagawa niya. Hayaan niyo na lang kaming umalis."
"Pasensya na, dati kong kaibigan, may sumpa akong binitawan. Kagaya mo, pinoprotektahan ko lang ang mga mahal ko."
The knight instantly slashed his sword towards me. I took a backflip to dodge it, and summoned my dagger. Hinagis ko ito sa isa pang knight na akmang aatake kay Shaye. I leaped towards her direction. Mahigpit kong hinawakan ang balikat niya.
"Fight with me. Support the others."
"Huwag! Huwag kayong gumamit ng kahit anong kapangyarihan. Mararamdaman iyon ng mga voanchis at mas lalo pa tayong mapapahamak," salungat ni Mrs. Sandria sa 'kin.
So, wala pala kaming choice kundi combat na lang. Binawi ko ang punyal ko at ang espada ng lalaking binawian na ng buhay. I handed the sword to Shaye. Sinenyasan ko siyang tumakbo sa iba at naintindihan niya naman ito. It's time she showcase her combat skills now.
The fight continued. Napuno ng tunog ng nagsasanggaan naming sandata ang buong lugar. I slashed every knight that stood in my direction. I was clenching my dagger tightly, jumping on one of the knight's back, slitting his throat to death.
Tumakbo ko sa direksyon nina Demi. Sabay naming hinarap ang mga kawal na walang habas na umaatake. Hinila ko siya nang maramdamang may bumubulusok na espada patungo sa amin. Isang matinis na tunog sa hangin ang nilikha nito. Tumama ito sa isa pang kawal bago tuluyang nabaon sa isang puno. The knight's body was left pinned against the trunk.
I used Demi's shoulder to support my weight habang maliksi kong sinipa ang dalawang kawal gamit ang magkabila kong paa. I didn't waste a second waiting for them to land on the ground, agad ko nang winakasan ang buhay nila. Their blood splattered everywhere. Tumalsik ito sa mukha ko, sa mukha ng iba na gulat na gulat na nakatitig sa akin.
This is my battleground. I was born for this. Ito ang nag-udyok sa 'kin na magpatuloy. Ngayong may pinoprotektahan na ako maliban sa sarili ko, hindi ako papayag na masayang ang lahat ng 'to. Hindi ko hahayaang may masaktan sa kanila.
Pinahid ko ang sariwang dugo sa aking mukha. "Open the portal. Bumalik na kayo sa Haudeester. Sunduin niyo sina Milka at puntahan niyo si Boris."
"Kami? Bakit kami lang? Sumama ka sa 'min!" Estelle yelled.
Sinipa ko ang isang kawal na akmang lalapit sa kaniya. Napaluhod ito. I positioned myself behind him as I twisted his neck 360 degrees. Lumundag sa harap ko ang kawal na nakausap ni Carwell kanina. I was about to take his life but Carwell stopped me. Wala akong nagawa. Pinalo ko na lang ang batok nito para mawalan ng malay.
"Nararamdaman kong may iba pang patungo rito. Kailangang may maiwan para hindi nila kayo masundan. I will distract them."
"Ara, pwede namang hatiin na lang natin ang grupo. Hindi ka namin pwedeng iwan mag-isa rito!"
"The academy needs you. Imposibleng walang nakatakas sa mga 'to at nakapagsumbong. Once Zuri knows that we're in a mission, the academy will be vulnerable. Naiintindihan niyo ba 'yun?" Natahimik silang lahat. They were weighing their choices. "Umalis na kayo. Kaya ko ang sarili ko. Mas isipin niyo ang kaligtasan ng akademya, sila Zale, si Genesis. Wala silang kalaban laban."
"I'll come with you," biglang sambit ni Carwell. Kung hindi lang seryoso ang mukha niya, iisipin kong nagbibiro siya. "Hindi niyo na kailangang mag-alala. Sasamahan ko siya."
The authority in his voice came back. The others had no choice but to oblige, labag man sa kalooban. Umiling ako sa kaniya. The academy needs him too. Hindi ko siya kayang ipagkait. But he just ignored my signal.
The portal opened. Isa-isang pumasok ang mga Arcanes doon, at the same time, isa-isa ring nagsidatingan ang iba pang mga kawal. Nang magsara ang portal, tuluyan na kaming naiwang dalawa ni Carwell sa bukana ng kagubatan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at bahagyang pagpisil dito.
I have no idea why, but it felt so comforting. His touch felt like safety even in the face of danger.
Naghanda na kami sa pag-atake. I glanced at him the same moment his gaze landed on me. Tumango kami sa isa't isa bago sabay na tumakbo patungo sa mga kawal. I never thought I'd fight side by side with a man one day. How ironic.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top